Tuesday, July 29, 2008

Young Love

First day of classes nang una kong makita si AJ. Isa siya sa mga student leaders na ipinakilala at pinagsalita sa General Assembly. First year high school ako noon at fourth year high school siya.

Attracted kaagad ako sa kanya. Napakatangkad niya. Napakakisig. At napakagaling magsalita.

Kakaiba ang presence ni AJ. Humihila ng atensyon.

Siya ang editor-in-chief ng school paper. Varsity soccer player din siya at honor student pa. Hangang-hanga ako sa kanya. Parang bigla ko siyang naging idol. Parang gusto kong maging kagaya niya.

Mula noon, kakaiba ang nararamdaman ko kapag nakakasalubong ko siya sa corridor. Pasulyap-sulyap ako sa kanya kapag nakakasabay ko siya sa library. Naging regular niya akong tagapanood sa soccer practice nila tuwing hapon.

Napakaliksi niyang kumilos. Napakabilis niyang tumakbo. Napakalakas niyang sumipa.

Napakatatag ng mabibilog niyang hita at mahahabang binti. Napaka-astig niyang pumorma sa field.

Punumpuno ako ng admiration kay AJ kapag pinapanood ko siyang naglalaro.

***

Nagkakilala kami ni AJ nang di inaasahan.

Nag-audition ako noon para sa isang play na kasali sa isang competition sa school. Pumasa ako for a very minor role.

Sa first meeting, nagulat ako nang malaman ko na kasali sa cast si AJ at siya ang lead. Nag-reading kami at napatanga ako habang nagde-deliver siya ng mga linya. Ang galing-galing niya!

Ewan ko ba, masyado yata akong na-excite o na-conscious sa presence ni AJ dahil nang basahin ko na ang kakaunti kong linya, nagkabuhol-buhol ang aking dila. First chance ko na magpa-impress kay AJ, pumalpak pa ako.

“You can do it, Aris,” ang sabi ni AJ.

At least, napansin niya ako.

***

First rehearsal namin, maryosep, nagkalat uli ako. Ang OA ng acting ko! Kitang-kita ko na napailing ang direktor namin.

Napaupo ako sa isang sulok. Nag-alala ako na baka tanggalin ako sa cast. Nag-alala rin ako dahil naroroon si AJ.

“O, Aris, bakit nandiyan ka sa sulok?” ang tanong ni AJ na di ko namalayan ang paglapit. Rehearsal break namin noon.

Di ko naiwasang mag-confide sa kanya. “Disappointed ako sa performance ko.”

“Ok lang yun,” ang sabi niya. “Unang rehearsal pa lang naman natin ito.”

“Ewan ko, parang di ko naiintindihan ang role ko.”

“Makukuha mo rin yan.” He was very reassuring.

Akala ko aalis na siya pero umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang script sa kamay ko. “Gusto mo, bigyan kita ng pointers?”

May tuwang pumitlag sa aking puso. “Sige.”

“Ganito lang yan…”

Habang nagsasalita siya at kino-coach ako, nakatingin ako sa kanya. Hindi ako sure kung naiintindihan ko ang mga sinasabi niya pero nakaramdam ako ng sobra-sobrang inspirasyon.

Biglang naiba ang performance ko nang mag-resume kami ng rehearsal. Napuri ako ng direktor.

Pagtingin ko kay AJ, nakangiti siya sa akin.

***

I got close, real close to AJ (physically, that is!) noong unang mag-overnight rehearsal kami sa school. It was a Friday evening.

Diretso kami lahat sa isang classroom para matulog pagkatapos ng practice. Kanya-kanya kaming dala ng mga beddings. Kumpleto ako: unan, kumot, mattress.

Napansin ko, unan lang ang baon ni AJ. Nakita kong nagdudugtong-dugtong siya ng mga silya.

Sa sobrang pagod at dahil di ako sanay magpuyat, nakatulog kaagad ako.

“Aris…” Nagising ako sa boses ni AJ at sa kanyang mahinang tapik. “Pwedeng patabi?”

H-huh?” Medyo naalimpungatan ako. Akala ko, nananaginip ako.

“Di ako makatulog eh. Sakit sa likod ng higaan ko.”

“Ok,” ang sabi ko.

Nahiga siya sa tabi ko.

Katahimikan. Nakiramdam ako.

“Pwedeng pa-share sa kumot mo?” ang sabi niya pagkaraan. “Ang lamig eh.”

“Ok, sige,” ang sabi ko uli.

Nagsukob kami sa kumot ko.

At dahil hindi naman ganoon kalaki ang mattress at kumot ko, di naiwasang magdikit kami ni AJ.

Ramdam ko ang mainit na singaw ng kanyang katawan. Dinig ko ang kanyang bawat paghinga.

Nakatulog uli ako.

Madaling araw, nagising ako. Tulog na tulog si AJ. Nakayakap siya sa akin.

Di ako makakilos pero lihim akong napangiti.

***

By twist of fate, nagkaroon ng pagbabago sa play namin at di ko inaasahan na magiging malaking bahagi ako ng pagbabagong iyon.

Naaksidente sa basketball ang second lead namin. Nabalian ng braso.

Medyo panic ang grupo lalong-lalo na ang direktor namin dahil malapit na ang araw ng aming pagtatanghal.

“Ano ang gagawin natin? Wala pa naman siyang understudy. Sino ang ipapalit natin?”

Tahimik kami.

Maya-maya nagsalita si AJ. “Sir, bakit hindi natin ipalit si Aris.”

Nagulantang ako. Anooo?

“Kaya ni Aris yan. Subukan natin,” ang dugtong pa ni AJ.

Hilo ka ba?

Masusi akong tinitigan ni direk. “Hmmm… kabisado mo ba ang buong script?”

“Opo. Pero...”

Bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko, nag-utos na si direk. “Ok, Aris, let’s do the confrontation scene. ”

Si AJ ang ka-eksena ko. Isang maigting na pagtatalo iyon na mauuwi sa sigawan at pisikalan. Isa sa mga highlight ng play ang eksenang iyon na kung saan magkakaibang emosyon ang kailangan naming ipakita ni AJ.

Hindi ko alam kung na-challenge ako o na-inspire. Nakalimutan ko ang aking sarili. Natangay ako sa eksena namin ni AJ.

Napapalakpak ang direktor namin pagkatapos. “Aris, mula ngayon, ikaw na si Rodrigo!”

Ang saya-saya ko! Di ko alam kung dahil ako na si Rodrigo o dahil nakita ko na masaya si AJ para sa akin.

***

We had a lot of catching up to do kaya naghabol kami ni AJ sa praktis. Anumang oras na pwede kaming magkita, ginugol namin sa pagpapraktis. Very supportive siya sa akin at pursigido siyang tulungan ako na mapagbuti ko ang aking pagganap.

Dahil dito, pakiramdam ko higit akong napalapit kay AJ. At lalong lumaki ang paghanga ko sa kanya. Sa puso ko, higit siyang nagkaroon ng espesyal na lugar.

Dalawang araw bago ang pagtatanghal namin sa competition, ginabi kami sa school dahil sa pagpapraktis. Nakaupo kami ni AJ sa isang bench sa ilalim ng isang puno sa school ground. Maliwanag ang buwan at malamig ang simoy ng hangin. Nakasindi na ang mga poste ng ilaw sa buong campus.

May ibinigay siya sa akin. Isang keychain na may palawit na bola ng soccer.

“Ano to?”

“Isabit mo diyan sa bag mo.”

Kahit nagtataka sa bigay niya, isinabit ko kaagad ang keychain sa bag ko.

“Ok di ba? “ ang sabi niya.

“Ba’t mo naman ako binigyan ng keychain?” ang tanong ko.

“Lucky charm yan.”

“Para saan?”

“Para sa play natin.”

Napangiti ako sa kanya.

“Remembrance na rin,” ang sabi niya pagkaraan.

Napatingin ako sa kanya.

“Bakit kailangan ng remembrance?” ang tanong ko.

“Kasi…after the play, hindi na tayo magkakasama.”

Para akong biglang nalungkot.

Ipapalabas na nga pala ang play. At di na kami magkikita at magkakasama pa nang ganito para mag-praktis.

Parang gusto ko siyang yakapin at sabihing mami-miss ko siya. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Parang may lungkot din akong nakita sa kanyang mga mata.

Maya-maya inakbayan niya ako.

“Tara na, uwi na tayo. Gabi na.”

***

“And the winner for best actor is…”

Drum roll.

Napatalon ako at napasigaw nang marinig ko ang pangalan ni AJ.

Umakyat si AJ sa stage.

Nakabibingi ang palakpakan ng mga tao.

Ang lakas din ng palakpak ko.

Nakatingin ako kay AJ habang tinatanggap niya ang award. Napakasaya ng kanyang mukha. Napakagwapo niya sa gitna ng tagumpay. Nag-uumapaw ang aking puso hindi lamang sa galak kundi sa paghanga at pagmamahal. Pagmamahal! Noon ko lang naamin sa aking sarili ang tunay kong nararamdaman para kay AJ!

Kaagad siyang lumapit sa akin pagkatapos niyang tanggapin ang award. Bigla niya akong niyakap. Mahigpit.

“I love you, my friend!” ang bulong niya.

Yumakap din ako sa kanya.

“I love you, too,” ang sagot ko. And I really meant it!

Napatingin siya sa akin. Napangiti.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa noo ko.

Tuesday, July 22, 2008

Sayang

Di sinasadya, nabuksan ko ang kanyang Friendster.

Na-excite ako and at the same time na-disturb habang bina-browse ko ang mga pictures niya.

He is so damn good looking! Wala siyang pangit na pic. Kahit yung mga “bagong gising” pics, he looked so fresh and yummy! And his “wet, shirtless, in trunks” Boracay pics, oh boy, so hot and sexy!

Napaka-gwapo talaga ni JB. As in!

Una kong narinig ang pangalan niya sa aking mga friends. Na-meet nila si JB isang Saturday na absent ako sa Bed. They were talking about him the next Saturday. They were swooning over him.

I met him that Saturday evening. My friends introduced me to him. At napanganga ako pagkakita sa kanya. Hindi OA ang mga friends ko. Nagsasabi lang sila ng totoo!

He was surprisingly very nice. He firmly shook my hand. And took time to chat.

Nang magyaya na ang mga friends ko na sumayaw, niyaya ko rin siya and he gamely went along with us. Nang umakyat kami ng mga friends ko sa ledge, umakyat din siya. We danced but I did not have the courage to flirt with him.

As we were dancing, I was just watching him. Kuntento na akong pagmasdan siya habang sumasayaw. Masaya na akong makasayaw siya. At ang mga panaka-naka niyang pagngiti sa akin ay sapat na upang ang tibok ng puso ko ay bumilis sabay sa beat ng “Just Fine”.

After a while, nagpaalam siya sa amin. Kailangan niya na raw umalis.

Natapos ang gabing iyon na si JB ay parang isang dumaang panaginip.

***

Nakita ko uli siya nang sumunod na Sabado sa ledge ng Bed.

“Hey, Aris!” ang bati niya. It was a warm greeting.

“JB!” ang parang nagulat kong banggit sa pangalan niya.

We shook hands.

May kasayaw siya. May kasayaw rin ako.

We both did not bother to introduce our partners.

Napansin ko na masyadong close si JB sa kasayaw niya. Halos magkayakap na sila.

Ganoon din kami ng kasayaw ko (because we were already flirting bago kami nagkita ni JB).

Habang nagsasayaw, patingin-tingin ako kay JB. Napapatingin din siya sa akin. At nagkakangitian kami. Sana kami na lang ang magkasayaw. Sana kami na lang ang magkayakap.

I pretended na ok ako, na nag-eenjoy ako sa kasayaw ko. Actually, nag-i-enjoy naman talaga ako sa kasayaw ko, but not until I saw JB! Gusto ko ang kasayaw ko, pero mas gusto ko si JB!

I smiled at my partner. He smiled back at hinalikan niya ako.

Pumikit ako.

Habang hinahalikan ako ng partner ko, si JB ang nasa isip ko.

I got lost in my partner’s kiss.

Pagdilat ko, wala na si JB.

Later that evening, I saw him again. He was drunk. Inaalalayan siya nung guy na kasayaw niya earlier.

Nakita niya ako.

“Aris…” ang sabi. He was slurring his words. “Am so drunk…” At hindi ko inaasahan, isinampay niya ang kanyang mga braso sa balikat ko. Gusto ko siyang yakapin, pero di ko nagawa.

“Are you ok?” ang concerned kong tanong.

“Yeah,” ang sabi. “Uwi na ako.”

“Need help to get a cab?” ang volunteer ko.

“No. No. He’s taking me home,” ang muwestra niya sa kasama niya.

Saan? Sa bahay mo o sa bahay niya? Para akong biglang nainggit. Parang gusto ko siyang agawin at sabihin: ako na lang ang mag-uuwi sa’yo. Pero siyempre tumahimik lang ako.

“Bye. ” Kumalas si JB sa akin at maagap na kumapit sa kanyang kasama.

“Bye. Ingat,” ang sabi ko.

Tinapik ko sa balikat ang kanyang kasama. “Ingatan mo siya, pare.”

***

Di siya mawala-wala sa isip ko. Di mabura-bura ang imahe ng maganda niyang mukha lalo na kapag nakapikit ako.

Tinatanong ko sa sarili ko, what’s holding me back? Bakit hindi ko magawa sa kanya ang maging agresibo, katulad ng ginagawa ko kapag may natitipuhan ako. Sa iba, parang ang dali-dali kong makipaglandian. Sa kanya, bakit parang umuurong ang lakas ng loob ko.

Dahil iba ang tingin ko sa kanya. Dahil higit sa halik at yakap ang gusto ko sa kanya. Dahil higit sa isang gabi lamang na pakikipag-relasyon ang gusto ko sa kanya. Gusto ko, siya na!

When I went to Bed the following Saturday, nakapagdesisyon na ako.

Didiskartehan ko na si JB.

Mga 1:30 a.m. na ako pumasok. In full swing na ang party.

Parang lumundag ang puso ko nang makita ko siya. Higit siyang maganda sa imahe na nasa aking alaala. Luminous ang kanyang maputing balat na lalong tumitingkad kapag tinatamaan ng mga ilaw. May mapang-akit na ningning ang kanyang mga mata na mababanaagan mo kahit na sa dilim. Nakaramdam ako ng magkahalong kaba at excitement.

Nakatayo sa isang sulok si JB. May hawak na drink at may kausap. May mga sandaling tumatawa siya o napapangiti (dahil siguro sa pinag-uusapan nila) at nakikita ko ang paglabas ng kanyang dimples sa magkabilang pisngi. Kita ko rin ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.

Sinino ko ang kanyang kausap. Friend ko pa pala. Si MK. (Si MK ay barkada rin namin pero hindi namin siya regular na nakakasama.)

Nilapitan ko sila.

Kinawayan ako ni JB at nginitian nang makita niya akong papalapit. Nginitian ko rin siya. Nag-hi ako sa kanila ni MK. Bumeso pa sa akin si MK.

Naghanap ako ng buwelo para isagawa ang plano ko. Pero napansin ko na masyadong immersed sina JB at MK sa kanilang pag-uusap. Whatever it was, mukhang private and I felt that I shouldn’t be there. Nagpaalam muna ako sa kanila at lumayo. I joined my other friends. Later, ang sabi ko sa sarili. Hihintayin ko muna na humiwalay si MK at lalapitan ko si JB. Magsasayaw kami…mag-uusap…magtititigan… Oh, JB, atin ang gabing ito!

Pero antagal-tagal ko nang nakikipag-kuwentuhan sa mga friends ko at nakakailang tugtog na rin kaming sinasayawan, hindi pa rin naghihiwalay sina JB at MK. MK, friend, haller! Wag kang maging isang malaking hadlang!

From a distance, I was watching them. Madilim lang siguro at medyo nakainom na ako, pero ang tingin ko sa kanila, parang ang sweet nila sa isa’t isa at hindi lang sila basta nag-uusap. Maya-maya, umakyat sila sa ledge. Nagsayaw. Magkahawak-kamay. May panibugho akong naramdaman. Parang gusto kong sumugod sa ledge at agawin si JB kay MK.

Nayanig ako sa sumunod na eksena.

Naghalikan sila. Si JB at ang kaibigan kong si MK.

JB, my dream lover boy. How could you?

Parang dinurog ang puso ko sa aking nasaksihan.

Wala akong nagawa kundi ang magparaya.

I grabbed the nearest cutie. “Hi. Wanna dance?”

“Sure.”

And I danced like crazy.

***

“Kumusta na kayo ni JB?” Tanong ko kay MK nang magkita kami the following Saturday. Nasa Silya kami at umiinom habang naghihintay sa iba naming mga friends. “I saw you kiss last Saturday.” May masakit pa rin sa aking puso habang sinasabi ko ito.

“Wala na.”

“Anong wala na?”

“Just yesterday nag-usap kami, di na pwede.”

“Bakit?” Parang nabuhayan ako ng loob sa aking narinig.

“Kasi… “

“What? Dahil ayaw mo na sa kanya? Dahil wala kang balak na seryosohin siya? Dahil ayaw niya sayo? What?” ang sunud-sunod at punumpuno ng pag-asa kong pagtatanong.

“Kasi… nagkabalikan na sila ng kanyang boyfriend.”

Ouch!

“Alam mo, Aris,” ang patuloy ni MK. “I like him. I really do. Sayang. I don’t think we will ever see him again. Di na siya pwedeng lumabas dahil mahigpit ang kanyang boyfriend.”

***

This morning tinext ako ni MK. “I added you na sa Friendster. Accept mo na.”

I logged on, at in-accept ko ang Friendster request ni MK. Nakatuwaan kong i-check ang mga friends niya.

At doon sa Recently Added, I clicked randomly.

Si JB ang di sinasadyang nabuksan ko.

Kaya nakita ko ang kanyang Friendster.

At habang tinitingnan at ina-admire ko ang kanyang mga litrato, parang kinukurot ang aking puso. Nalulungkot ako. Nanghihinayang. Antagal ko ring hindi nakaramdam ng ganito sa isang tao. Kay JB lang. Pero walang nangyari, nauwi lang sa wala. At parang nawalan na ako ng pag-asa.

May nakita akong isa pang album. “HON”, ang title.

I clicked it.

There I saw his boyfriend’s pics.

He is not even half as goodlooking as JB.

Bitter ako, I know.

Friday, July 18, 2008

Stop!

He texted me: “San ka?”

“Bed. Kaw?” I replied.

“D2 rin.”

Iginala ko ang aking paningin. Hinanap ko siya sa dami ng tao.

Sa liwanag ng magaslaw na mga ilaw, nakita ko siya. He was so handsome nang gabing iyon.

Then nakita niya rin ako. We were both on the dancefloor.

Rihanna was singing:

Who knew

That you’d be up here

Looking like you do

You’re making staying over here impossible

Baby I must say your aura is incredible

We moved towards each other. Nagtama ang aming mga mata nang kami’y magkalapit. At nagsimula kaming sumayaw sa kanta ni Rihanna.

Do you know what you started

I just came here to party

But now we’re rockin’ on the dancefloor

Acting naughty

Hinawakan niya ang aking kamay, ang aking bewang. Hinila niya ako payakap sa kanya. Nagdikit ang aming mga katawan. Naglapit ang aming mga mukha. Nanatili kaming nakatingin sa mga mata ng isa’t isa.

Your hands around my waist

Just let the music play

We’re hand in hand, chest to chest

And now we're face to face

Tukso ang kanyang mga labi. Barely an inch away from mine. Hindi ko napigil ang aking sarili. I kissed him. He kissed me back. Nakapikit akong nilasap ang tamis ng kanyang mga labi.

“Hi. Ako si Aris.” Ang sabi ko nang magbitiw kami.

“Ako si F.”

We both smiled.

The dancefloor was one big burning playground. Everybody was hot dancing to Rihanna. Higit na nag-iinit ang aking pakiramdam dahil kasayaw ko si F. Dahil kahalikan ko siya.

Finally, natuloy ang aming pagkikita. I just wanted to be with him nang gabing iyon. Oblivious ako sa ibang tao.

I wanna take you away

Let’s escape into the music

DJ let it play

I just can’t refuse it

Like the way you do this

Keep on rocking to it

Please don’t stop

Please don’t stop the music

Muling naglapat ang aming mga labi. We could not seem to get enough of each other’s kisses. Nagyakap kami. Mahigpit. I could feel the contours of his body. He has the body of a god.

Baby are you ready ‘cause it’s getting close

Don’t you feel the passion ready to explode

What goes on between us no one has to know

This is a private show

In my mind, I started imagining the two of us becoming lovers. It was an exciting thought. I could feel na pareho kaming attracted sa isa’t isa. Nararamdaman ko na gusto niya ako. At gusto ko rin siya.

Patuloy kaming nagsayaw. We were both uninhibited. There was fire in our movements.

Keep on rocking to it

Please don’t stop

Please don’t stop the music

"Hi." May guy na lumapit sa amin. Inakbayan niya si F. He was smiling. Matangkad siya. Maporma. Mestisuhin. Nginitian din siya ni F. Obviously, magkakilala sila.

“Aris,” ang baling ni F sa akin. “I want you to meet B... My boyfriend.”

I was taken aback.

“Don’t worry, we have an open relationship.”

Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa

Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa

“Can I join you?” ang tanong ni B, nakatingin sa akin.

“Of course.” Si F ang sumagot.

He kissed F. Then he kissed me. F kissed me. Then B kissed us both. Tatlong mga labi ang magkakasabay na naglapat at naghalikan.

I just can’t refuse it

Like the way you do this

Keep on rocking to it

Please don’t stop

Please don’t stop the music

I felt my heart slowly breaking but I went along with what was happening.

Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa

Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa

Bumulong sa akin si F. “Sama ka sa amin ni B. Let’s have a threesome.”

My heart totally broke and sank. The music just stopped playing.

Iyon na ang huli naming pagkikita ni F.

Thursday, July 17, 2008

Umbrella

Panay ang ulan. Kalalabas lang namin sa office at pauwi na kami. Katulad ng nakagawian, sumabay ako sa kotse ni MF.

Nung nasa daan na kami sa gitna ng malakas na ulan, nagyaya siyang magmeryenda. Dumaan kami sa isang coffee shop. Medyo malayo ang napag-parkan namin. Buti na lang may payong siya. Magkasukob kaming naglakad patungo sa coffee shop.

Hindi ako gutom pero pinagbigyan ko si MF. Ewan ko ba, I can’t seem to say no to this guy.

Mula nang magkakilala kami at maging close, andun yung feeling na gusto ko siyang laging makasama. Gusto kong gumawa ng mga bagay para sa kanya. Gusto ko na nakikita siyang masaya.

Napansin ko ito sa aking sarili. At nitong mga huling araw, higit ko itong nararamdaman nang masidhi.

***

Magka-batch kami ni MF nang pumasok sa kumpanya. First day ng training namin, napansin ko na kaagad siya. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa kanya. Matangkad. Maputi. Maporma. Mukhang sosyalin at maykaya. I learned later on na La Sallista siya.

Inspite of his good looks, mahiyain si MF. Tahimik, hindi masyadong nakikihalubilo. Kapag breaktime, lalabas ng building at magyoyosi sa isang tabi. Hindi nakikipagkwentuhan sa iba. Ako, medyo ganoon din. Galing kasi ako sa province at bagong salta. Pero kahit paano, medyo sociable naman ako. At least I would smile sa aking mga co-trainees. Pero siya hindi. Para siyang may sariling mundo. Parang laging nag-iisip nang malalim. Parang laging may lungkot sa mga mata kung tumingin.

Then, one lunchbreak, I was sitting alone sa canteen. Mag-isa akong kumakain ng lunch. He approached me. Gesture lang actually, asking if he can join me. Puno kasi ang canteen at sa mesa ko lang may bakante. He was carrying his food tray. I smiled and nodded. Naupo siya sa harap ko.

“Hi, ” ang bati ko, courtesy lang.

“Hi,” ang bati niya rin.

I noticed na salad lang ang laman ng kanyang tray. At saka juice.

Nakiramdam ako. In my mind, naghahagilap ako ng sasabihin. Pinapakiramdaman ko rin kung type niya bang makipag-usap habang kumakain. He started picking at his food na parang I did not exist. I decided to keep quiet and concentrated on my meal.

“First job?” Parang nagulat pa ako nang marinig ko ang boses niyang nagtatanong. Akala ko matatapos siyang kumain na hindi kumikibo.

“Yup,” ang sagot ko.

“Anong school mo, pare?”

Sinabi ko name ng school ko.

Hindi na siya nagsalita. Wala akong maisip na itatanong din o sasabihin to keep the conversation going. Intimidated ba ako sa kanya? I worried na baka isipin niya, suplado ako.

Nagpatuloy kami sa pagkain.

Discreetly, I was observing him. He has nice skin. Ang hahaba ng eyelashes niya at ang kapal ng kilay niya. His jaw is firm and his lips are full.

For one brief moment, nagtama ang aming paningin. I half-smiled. He nodded sabay bawi ng tingin.

Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa parehong maubos ang pagkain sa mga pinggan namin.

Uminom siya ng juice. Akala ko tatayo na siya at aalis. Pero tumingin siya sa akin at nagtanong. “Do you smoke, pare?”.

No. I don’t smoke. Pero maagap ang aking sagot.“Yeah.”

“Tara, smoke tayo sa labas.”

Nung nasa labas na kami, he offered me a stick. Winston Lights.

Parang di ako makapaniwala na si MF with his “leave-me-alone” personality ay kasama ko ngayon sa labas ng building, nagyoyosi sa isang tabi.

From then on, naging yosimates na kami. Sa kanya ako natutong mag-smoke.

***

Eventually, we became friends.

Natapos ang training namin at nagsimula kami sa aming trabaho. Everyday magkasama kami. Sabay kumain. At mag-yosi. Wala na ring dead air sa conversations namin dahil relaxed na kami at kumportable sa company ng isa’t isa.

One time, he offered to take me home, para daw alam niya kung saan ako nakatira. Medyo out of the way ang bahay ko, kailangan niyang umikot pero ok lang daw. Iyon ang simula ng parang routine na pagsabay ko sa kotse niya pauwi after work.

We got closer. We started going out on our days-off. Pasyal lang sa Makati. Nood kami sine, kain sa labas. Usap kami habang kumakain. We started getting to know each other well.

Minsan, nagulat ako. I was about to leave the house para pumasok sa work. Paglabas ko, nakita ko nandun ang kotse niya sa labas ng gate namin.

“Dinaanan na kita,” ang sabi.

“Buti naman. Di na ako mahihirapang mag-commute hehe!” ang sabi ko, pabiro.

We even started going out at night. Inom kami sa bar. Nood kami ng banda sa music lounge. Sayaw kami sa clubs. Pero ang lahat nang iyon ay walang malisya. We were just two friends na laging gumigimik. At pareho kaming enjoy na magkasama.

Until I slept over at his place.

Birthday ng Mom niya and I was invited. We drank a little too much at wala na siya sa kundisyong mag-drive.

“Dito ka na matulog,” ang sabi. “Hatid na lang kita bukas nang umaga.”

Magkatabi kami sa kama niya. Pinakikiramdaman ko siya. Naririnig ko ang mahina niyang paghinga. Naaamoy ko ang cologne niya.

Parang hindi ako makatulog. Dahan-dahan, ibinaling ko ang aking mukha sa kinaroroonan niya. Aninag ko sa dilim ang sharpness ng facial features niya. Nakapikit siya pero nararamdaman ko, gising siya. I had the urge to embrace him pero pinaglabanan ko. Tumalikod ako sa kanya.

Maya-maya naramdaman kong dumantay ang thigh niya sa behind ko. Dumikit ang chest niya sa likod ko. It felt so warm and comfortable I did not move. The two of us huddled together in bed just felt so good!

We both fell asleep. Walang ibang nangyari sa amin nang gabing iyon.

Pero kinabukasan, may realization ako. May iba akong nararamdaman para kay MF!

***

Pagkaupo namin sa coffee shop, umorder kaagad kami. Sa labas patuloy ang malakas na buhos ng ulan. Pinanood ko ito mula sa aming kinaroroonan. I love it when it rains. I love it more ngayon dahil nasa isang cozy place ako kasama si MF.

Isinerve ang aming meryenda.

“May sasabihin ako sa’yo,” ang sabi ni MF, may excitement sa kanyang boses. May kakaibang ningning sa kanyang mga mata.

“What?” ang tanong ko.

“Uuwi na siya.” Nakangiti si MF. Napakaganda ng contrast ng makulimlim na panahon sa kanyang masayang mukha.

“Sino?” Naka-kunot-noo ako.

“Si Z.”

“Sino si Z?”

“My girlfriend.”

Para akong nayanig sa aking narinig pero hindi ako nagpahalata. I never knew na may girlfriend siya.

I tried to compose myself. “Hindi mo siya nababanggit sa akin…”

“You never asked.”

I looked at him. Hindi ko maipaliwanag ang aking damdamin.

Nagpatuloy siya. “Akala ko hindi na siya babalik. When she left for Paris, nag-break kami. Last night, she called. Gusto niya, magkaayos uli kami and she is coming home for good.”

“So, makikipagbalikan ka sa kanya.”

“I already did.”

Paano ako?

“You look happy…” ang sabi ko.

“I am happy.”

Higit na nakakagulat ang sunod niyang sinabi.

“I am resigning soon.”

“Ano?”

“Balak namin ni Z na magtayo ng sariling business. Gusto ko nang magsimula para pagdating niya, maayos na ang lahat.”

Paano na tayo?

Unti-unti, may panlulumo at lungkot na gumapang at bumalot sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin na ang gloomy pala ng panahon sa labas.

Anong tayo? Wala namang tayo.

Ngayon ako higit na naging sigurado sa aking nararamdaman para kay MF. Matagal ko na itong itinatanggi at itinatago. Bumuntonghininga ako at nagpasya.

“May sasabihin din ako sa’yo,” ang sabi ko.

***

“I am in love with you.”

The words just slipped out of my mouth. Antagal-tagal ko nang pinipigilan ang nararamdaman ko para kay MF. It was almost a relief na finally, nasabi ko na sa kanya.

“W-what?” Nagulat siya.

“All these time alam ko na alam mo kung ano ako. I’m sorry, I can’t help it. You have been so good to me. I just realized na mahal na kita.”

Parang hindi makapagsalita si MF. Hindi alam kung paano magre-react.

“I am sorry but I love you,” ang ulit ko.

“Pero… straight ako, pare, ” he managed to say.

“I am risking everything by telling you this, “ ang sabi ko. “Alam ko na maaari kang magalit sa akin. Maaaring masira ang ating friendship. But I have to be honest dahil hindi ko na kaya.”

Maiksing katahimikan.

Nagpatuloy ako. “Ang hirap na araw-araw, nakikita kita at nakakasama. When you do good things to me or when you simply smile at me, lalo akong nahihirapan dahil lalo kitang minamahal. You have no idea how hard it is for me… loving you more each day and just keeping it to myself.”

Katahimikan uli.

“We’re best friends, Aris,” ang sabi ni MF pagkaraan. “Walang ibang kahulugan ang pagiging close natin.”

Unti-unti, naramdaman ko na para akong natutunaw. Nag-iinit ang aking mukha pero nanlalamig ang aking mga kamay. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Rejection. Lungkot. Para akong biglang maiiyak. I suddenly felt sorry na hindi ko napigilan ang pagsisiwalat ng aking damdamin.

Tahimik na kumuha ng pera si MF sa kanyang wallet. Inilapag niya ito sa mesa kahit di pa namin nahihingi ang bill. Dinampot ang kanyang payong at siya ay tumayo.

Tumingin siya sa akin. Matagal. Nasa mga mata niya ang magkakahalong emosyon na hindi ko exactly matukoy kung ano.

“Aris, I am sorry…” ang sabi sa mahinang tinig. At siya'y umalis.

Nakalabas na siya sa pinto ng coffee shop nang magawa kong tumayo. “Wait!” ang habol ko. Pero parang wala siyang narinig at patuloy na naglakad palayo.

Lumabas ako ng coffee shop at doon sa may entrance, napatayo na lamang ako. Nakatanaw sa kanya habang naglalakad na nakapayong sa ulan palayo sa akin.

Higit na malakas ang ulan.

Nakaramdam ako ng panghihina. Napasandal ako. Napayuko. Unti-unti akong napaiyak.

Patuloy ang buhos ng ulan. Parang hindi titila.

Tahimik akong umiyak. Matagal. Parang hindi maubos-ubos ang sakit sa aking dibdib.

Maya-maya, may naramdaman akong kamay na humawak sa aking balikat. Nag-angat ako ng paningin.

“Malakas ang ulan. Mababasa ka.” Parang mainit na haplos ang tinig na iyon sa aking nanlalamig na pakiramdam.

Si MF.

Bumalik siya. Binalikan niya ako.

Napatitig ako sa kanya, basa ang aking mga mata.

Inakbayan niya ako, halos payakap. Isinukob niya ako sa kanyang payong.

At naglakad kami sa ulan.

Monday, July 14, 2008

Okray

Magkakasama na kami nina AC at ng dalawa niyang kaibigan (na noon ko lang na-meet) sa Silya nang dumating si X.

Suplada ang face nang jumoin sa amin.

“Blooming!” ang bati ko agad kay X with my usual cheer. Ganoon talaga ako sa aking mga friends. I would always greet them with something positive every time we meet. Kailangan ang boosting ng self-confidence and self-esteem lalong-lalo na dito sa Malate.

“Magja-jogging ka?” Ang hirit ni X pagkaupo, referring to the sports jacket I am wearing. I took it as a joke.

“Ikaw, mag-oopisina ka?” ang ganti ko. Naka-puting polo kasi siya.

“I love your hair,” ang sabi. I was wearing my hair loose. I am undergoing hair and scalp treatment kaya bawal ang wax or gel.

“Thank you,” ang sagot ko, smiling.

“Para kang si Jose Rizal,” ang dugtong ni X. Nawala ang ngiti ko.

“Ikaw, ganda rin ng hair mo. Para kang si Emilio Aguinaldo”, referring to his semikal hairstyle.

“Ganda ng funda mo ngayon, Aris,” ang hirit uli ni X. “Hindi halata na mas older ka sa amin. San-San ba yan?”

“Wala akong funda. Olay lang yan. San-San? Ano yun? Ka-level ba yun ng Careline na gamit mo? Yung nabibili sa supermarket, yung naka-display sa check-out katabi ng mga battery?

“Di ako naka-Careline noh! Myra lang yan.”

“Kaya pala blooming ka. Parang si Isabel Oily”.

Maya-maya, humirit uli siya. “Friend, nice shoes ha! San mo nabili, sa Divi?”

“Dun ka ba namimili? Sorry ha, hindi ako sosyal eh.”

Naiinis na ako. Sumosobra na itong si X. Kararating lang, head-to-foot kaagad ang pang-ookray sa akin.

Just what is his point? Nagbibiro lang? I am telling you, hindi nakakatawa! Feeling ko, pinu-put-down niya ako. Bakit, because I really look good tonight at nai-insecure siya? Inggiterang ’to!

Aba, pinaghahandaan ko rin naman ang pagpunta sa Malate. Natutulog muna ako para fresh and stress-free ang face. I shower luxuriously para glowing ang skin. I carefully plan what I am going to wear. I won’t step out of the house until I feel all glammed up and pretty. Tapos ookrayin niya lang ako nang ganito? And he has the nerve to call me friend?

“Pero alam mo, Aris, five years from now, mahahalata na ang age diff natin.” Ayaw talaga akong tantanan ni X.

“Kung Myra lang ang ipantatapat mo sa Olay ko, I am sorry. Palagay ko, hindi,” ang sagot ko.

“Sabagay, andiyan naman si Belo. Carry mo na yun,” ang hirit pa.

Ang kapal ha! Porke’t nagkakaresulta na ang mga beauty secrets na shinare ko sa kanya, kung umasta akala mo mas maganda na siya sa akin. Haller! May salamin sa CR ng Silya, humarap ka kaya muna. (Note: hindi kasali sa mga beauty secrets ko ang San-San, Careline o Myra. Sariling modification and substitution niya yun!)

Nararamdaman ko, napipikon na ako.

To ease the tension, nagsalita si AC: “Guys, “ referring to his friends. “You should add Aris sa Friendster para makita ninyo mga pics namin. ”

“Talaga? What’s your email, Aris?” ang tanong ng isa sa mga friends ni AC.

Humirit uli si X. “Oo nga, you should add him para makita nyo rin kung gaano siya kagaling sa Photoshop. Di halata mga eyebags niya at wrinkles! Nyahaha!”

Below the belt na ito! Pinapahiya na ako sa mga bisita. And for the record, walang retouch ang mga pics ko sa Friendster noh! Hindi rin ako marunong mag-Photoshop. Coreldraw lang.

Gusto ko nang mag-ala-Cherie Gil at buhusan si X ng beer.

Pero nanaig ang pagiging prim and proper ko. (Mental note: delete X from my Friendster.)

Hindi na ako nagsalita hanggang sa dumating ang iba naming mga kaibigan. They all complimented me for my hair and outfit. I love my real friends!

Di ko kinausap si X buong gabi.

He is now ex-communicated from the Queen!

Saturday, July 12, 2008

Go!

Two Saturdays ago, I got this text from an unidentified number: "Punta ka malate l8r?"

I pretended to know the texter.

“Yup. Kaw?” ang reply ko.

“Punta rin. Kita tau?”

“Sure. Juz txt me.”

“K.

That Saturday, birthday ng friend naming si L. Nag-dinner muna ang buong barkada sa Gerry’s before we proceeded to Malate. Lahat kami nakaputi. White Party kasi.

Dagsa ang mga PLU sa Malate. Sa dami ng tao, poproblemahin mo ang mauupuang bar o ang mapapasukang club. Kung makikipagkita ka sa isang tao na di mo kilala, dagdag problema.

Nevertheless, I waited for the text from my unidentified texter.

The barkada was squeezed in sa Silya na kung saan may GEB ang mga clans ng G4M. Occupied ang lahat ng mga mesa at silyang nadadamitan ng puting tela (parang reception sa kasal!). We had a few bottles of San Mig Light and Strong Ice .

And then we went to Bed after. Ang haba-haba ng pila. Yung ibang mga nakapila, nainis na. Pumunta na lang sila sa Mafia.

Thanks to a VIP friend, nakapasok kami sa Bed na hindi masyadong nagdusa. Jampacked ang Bed.

“Happy pride! Mwah! Mwah!” ang batian ng mga nagkikita-kitang mag-aamiga.

Bed was exceptionally alive and lively. May pasabog ng confetti habang ang lahat ay nakikipag-“Please Don’t Stop The Music.” Daming naka-shirtless sa ledge. May umiilaw-ilaw at kumukuti-kutitap sa kamay ng lahat habang sumasayaw. Namigay kasi sa gate ng glow-in-the-dark rings at bead necklaces.

Kahit napaka-engrossing ng atmosphere sa Bed, I would still keep on checking my celfone for text messages.

Walang text mula sa unidentified texter ko na gustong makipagkita.

Actually, in my mind, parang kilala ko na kung sino ang nag-text sa akin kanina. Sa recollection ko, isa lang ang pinagbigyan ko ng number na hindi ako nakipag-exchange. Usually, nakikipag-palitan ako ng number. Pero ewan ko ba, dahil siguro sa sobrang lasing ako noon, di ko na nagawang kuhanin ang kanyang number.

I went up the ledge. I danced with my friends. Nakipag-hello ako sa mga gwapo. Nakipag-kiss.

Masyado akong nalibang sa pakikipag-“Touch My Body”.

The text never came.

***

Just this morning, I got a text from the same unidentified number: “Hi. Gud am.

I texted back: “Gud am. May I know hus dis pls? Sori, prob wid my fonebuk.” Chika lang yung tungkol sa phonebook para di maka-offend.

“F hir. Ur Harry, ryt?” Harry daw, o!

“Hi F,” reply ko. “Aris hir.”

“Hi Aris, remember me?”

“Yup. We met in malate, ryt?” I was trying to fish.

“Bed. Tagal na. Musta?”

Mukhang tama ako. Parang F nga yung naaalala kong name niya. I think sa ledge kami nagkakilala (where else?). Am sure we danced and we kissed (what else?). Many Saturdays ago.

“Sori, di tau nagkita nung white, ” text niya.

“K lang,” sagot ko.

May bigla akong naalala. Nung gabi iyon na sa palagay ko nagkakilala kami, may ibinulong sa akin si I, na friend ko: “Kilala ko yang ka-connect mo. May account yan sa G4M.”

“Punta ka Malate l8r?” Text ko.

“Yup. Wanna mit up?”

“Sure.”

Tinawagan ko kaagad si I pagkatapos ng palitan namin ng text ni F. “Friend, remember, may nakilala akong guy noon sa Bed na sabi mo, kilala mo…?”

“Sino? Kelan?”

“F ang name niya. Tagal na, 3 or 4 Saturdays ago. ”

“F? Can’t remember…”

“Sabi mo pa nga, dati mo siyang ka-clan. May binanggit ka pa nga sa aking G4M account.”

Diyos ko, katakut-takot na paliwanagan bago ako nakakuha ng impormasyon sa friend ko.

“Ahh… Si F!”

“Naalala mo na? Bilis, give me his account name!”

Sinearch ko kaagad sa G4M.

Voila!

At sure na nga ako na siya yung nakilala ko na di ko nahingi ang number. The mystery of the unidentified texter is now solved.

I stared at his pic.

He is cuter than I can remember. He is young at 22. Tall. Lean. Masculine. May laman at lalim ang sinasabi sa profile. At may x-rated pics pa! Nandilat ang mga mata ko. Verrry interesting!

Oh F! I can’t wait to see you!

I saved his number.

Kung di siya magti-text, ako ang magti-text sa kanya.

May nararamdaman ako ngayong excitement.

Later…

Thursday, July 10, 2008

Promise

May missed call ako paggising ko. Hindi ko kilala ang number.

Tinext ko: “Hus dis pls?”

Walang reply.

Bandang hapon, nag-ring ang celfone ko. Same number.

“Aris. Hi.” Kilala ko ang boses. “Si R ito. Remember me?”

“R!” ang bulalas ko, bigla ang bugso ng tuwa.

“Kumusta ka na?”

“Ikaw ang kumusta,” ang sabi ko, hindi ko maitago ang excitement.

“I am calling from Dubai.”

“Antagal mong di nagparamdam.”

Two years. It has been two years since huli kaming nagkita ni R.

***

Aksidente ang huli naming pagkikita ni R. Nagkasalubong kami sa mall. When we saw each other, pareho kaming nagulat. And we hugged. Nagyakapan kami sa gitna ng mataong mall! Hindi kami nakapagpigil sa sobrang tuwa.

He was looking exceptionally well. In fact, he looked happy.

“Antagal nating nagkawalaan. Almost a year! You never texted,” sumbat ko kay R.

“Nawala phone ko, sorry. Di ko na-backup ang phonebook ko.”

“Kaya pala di ka nagre-reply sa text ko. I was worried…”

Alam niya ang ibig kong sabihin. “I am fine. Look, buhay pa ako ha ha!” ang pabiro niyang sagot.

“May tampo ka ba sa akin?”

“May dahilan ba para magtampo ako sayo?”

“Wala,” ang sagot ko pero hindi ako sigurado.

Napansin ko ang mga shopping bags na bitbit niya. “Ang dami mong pinamili ah.”

“Mga damit.”

“Ang dami namang damit niyan. Ang dami mo talagang pera,” ang biro ko.

“Paalis kasi ako.”

“Huh?”

“Pupunta na ako ng Dubai. Doon ako magtatrabaho.”

Natahimik ako.

“Buti na lang nagkita tayo. Ano na nga uli number mo? Tatawagan kita kapag nasa Dubai na ako.”

Nalungkot ako. Ang tagal naming di nagkita. Tapos ngayon, mangingibang-bansa na siya?

“Kelan ang alis mo?”

“Bukas. Paalis na ako bukas.”

***

Kaka-break ko lang noon sa boyfriend ko nang magkakilala kami ni R. Malungkot ako. Nililibang at inaaliw ko ang sarili ko kaya gala ako nang gala sa mall.

Una ko siyang nakita na nakatambay sa fourth floor ng SM, malapit sa sinehan. Naka-hiphop outfit, may bandana pa sa ulo. 19 lang siya noon.

Nagkatinginan kami. Nginitian niya ako.

“Oh, please…” ang sabi ko sa sarili. “Callboy.”

I ignored him. I went inside the cinema.

Tahimik akong nanonood nang may tumabi sa akin. Dedma lang. Ni hindi ko tiningnan.

Naramdaman ko na parang hindi mapakali ang katabi ko, pasulyap-sulyap sa akin. Tumingin ako sa kanya. And I recognized him.

Si Callboy.

Napabuntonghininga ako. “Oh, well,” ang sabi ko sa sarili. “Why not? Malungkot ka, di ba?” At nagpasya akong patulan siya.

Muli akong tumingin sa kanya. Nginitian ko siya.

Ngumiti rin siya. Nakita ko sa dilim ang mapuputi niyang ngipin. “Hi,” ang sabi. “Ako si R.”

“Ako si Aris.”

Maya-maya naramdaman ko, hinahawakan niya ang kamay ko. Nagpaubaya ako.

Humilig siya sa akin. Maya-maya’y sumiksik. May init na hatid ang pagdidikit ng aming mga katawan na maginhawa sa pakiramdam. Nalanghap ko ang amoy ng magkahalong pabango at yosi. There was something very masculine about his scent.

Pinakiramdam ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Pero nanatili siyang nakahilig at nakasiksik lamang sa akin.

Pinagmasdan ko siya. Kahit sa dilim aninag ko ang maganda niyang mukha. Maamo. Inosente. Parang masarap alagaan at mahalin. “Sayang, callboy siya,” ang bulong ko sa sarili.

Bago ako tuluyang madala at makalimot sa kaakit-akit na itsura niya, I decided to talk business. Binawi ko ang kamay ko, lumayo ako sa aming pagkakadikit at hinarap ko siya. “Magkano?” ang tanong ko.

Tahimik siyang nakatingin sa akin. Alam niya ang ibig kong sabihin.

“Hindi ako callboy,” ang sagot niya.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya.

“I’m sorry,” ang sabi ko.

At hinawakan ko ang kamay niya.

***

Muli kaming nagkita ni R. It was a planned date. I was expecting to see the same hip-hop guy pero nagulat ako nang dumating siya. Disente ang ayos niya. Naka-polo shirt. Naka-gel pa ang buhok. Parang nagpa-pogi talaga siya para sa akin he he!

Nag-dinner kami. Nakakatuwa dahil nilibre niya ako. Balak ko sana ako ang manlilibre, pero hindi siya pumayag.

“Ako ang nagyaya, di ba?” ang sabi niya.

“Ibang klase ang batang ito,” ang nasabi ko na lamang sa aking sarili.

Over coffee and yosi, nagsimula siyang magkuwento tungkol sa kanyang sarili.

Solong anak siya. Magkahiwalay ang parents na parehong nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi problema ang pera dahil dala-dalawa ang sumusustento sa kanya. Nakatira siya sa kanyang Tita at nag-aaral pa siya.

“Alam mo minsan, pakiramdam ko, mag-isa lang ako,” ang seryoso niyang sabi. “Wala akong magulang. Wala akong kapatid.”

“Marami ka naman sigurong kaibigan,” ang sabi ko.

“Marami. Pero iba pa rin siyempre yung pamilya.”

Pinagmasdan ko si R. He looked younger than his 19 years. Para siyang bata na may dinaramdam at nagsusumbong.

Nagsindi siya muli ng yosi. Napansin ko ang suot-suot niyang leather bracelet. Nagandahan ako.

“Pahiram. Sukat ko,” ang sabi ko.

Nag-alinlangan siyang tanggalin ito. Pero pinagbigyan niya ako. Tinanggal niya ang bracelet. At doon ko napansin ang pilat na tinatakpan nito.

Napansin niya na nakatingin ako sa pilat.

Sinagot niya ang tanong sa isip ko. “Suicide attempt he he!” ang parang pabiro niyang sabi pero alam ko, nagsasabi siya ng totoo.

Nagtatanong ang mga mata ko.

“Masyado akong naging malungkot noong maghiwalay ang parents ko. Di ko kinaya.” Seryoso siya. May nakadungaw na pait sa kanyang mga mata.

May awang humaplos sa aking puso.

Tumitig ako nang diretso sa kanyang mga mata. “Wag mo na uling gagawin.” Madiin ang bigkas ko sa aking mga salita. “Please. Promise me.”

Ngumiti siya.

“Hindi na. I promise.”

***

We saw each other regularly sa loob ng dalawang buwan. Every moment was a beautiful experience. Kakain kami sa labas. Manonood ng sine. Magho-holding hands. We would even kiss.

“Tayo na ba?” ang tanong ni R sa akin.

Katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

“I don’t know,” ang pagpapaka-honest ko.

“Bakit di mo alam?”

Mahal ko siya pero may emotional baggage pa ako sa break-up namin ng ex ko kaya hindi ko masabi sa kanya.

“I am not yet over him,” ang pag-amin ko. “Mahal ko pa siya!”

Hindi kaagad nakapagsalita si R. May hurt akong nakita sa kanyang mga mata.

“E ano tayo?”

“Ewan ko.”

“Pero mahal na kita, Aris. Mahal na kita!”

“Pero hindi ako sigurado.”

“Saan ka hindi sigurado? Sa akin? Hindi ka sigurado kung dapat mo ba akong mahalin?”

“Hindi ako sigurado sa sarili ko. Ayokong lumabas na panakip-butas ka, na ginagamit lang kita para ipampuno sa emptiness na nararamdaman ko. Dahil hanggang ngayon, kahit nandiyan ka na, hinahanap-hanap ko pa rin ang ex ko. Naiintindihan mo ba ako?

Hindi sumagot si R.

“Bigyan mo ako ng time. Time to heal. Time to sort things out.”

Bumuntonghininga siya.

“Ayoko na,” ang bulalas ni R.

“Anong ayaw mo na?”

“Ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Kung hindi mo rin lang ako pwedeng mahalin ngayon, itigil na natin ito. Habang hindi pa masaydong malalim. Habang hindi pa masyadong masakit.”

“R! What are you saying?”

“Maghiwalay na lang tayo.”

I was stunned.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Goodbye, Aris.”

Nang mahimasmasan ako, wala na siya.

***

Hindi inaasahan, nakita ko uli siya pagkaraan ng anim na buwan. Sa dating lugar na kung saan una ko siyang nakita. Sa fourth floor ng SM, malapit sa sinehan.

Nakatalikod siya, naka-lean sa barandilya padungaw sa ibaba.

“Hey, R,” ang bati ko sa kanya sabay tapik sa likod niya.

Lumingon siya. “Aris,” ang halos pabulong niyang tawag sa pangalan ko.

“Kumusta ka na? It has been a long time,” ang sabi ko.

There was something strange about the way he looked.

“Ok lang,” ang sagot niya.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Wala. Tambay lang.”

“Pumayat ka. Nagkasakit ka ba?”

“Kalalabas ko lang ng ospital.”

And then I saw it. Ang bandage sa kanyang left wrist.

Oh my God! Don’t tell me…

Napansin niya ang expression sa aking mukha.

“I did it again,” ang sabi niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita.

“Nagka-boyfriend ako after na maghiwalay tayo. Mahal na mahal ko siya. Pero iniwan niya ako. I got so depressed…”

“But you promised. Sabi mo sa akin noon, di mo na uli gagawin”

“Sorry,” ang sabi. “But hey, it’s over. I am OK now.”

Napabuntonghininga ako. Hinagod ko siya ng tingin. May kurot akong naramdaman sa aking puso.

“I have to go,” ang sabi niya sa akin pagkaraan. “Baka mag-worry na ang Tita ko.”

“Text me,” ang sabi ko habang papaalis siya.

“Yes, I will.”

But he never did.

***

“Hello? Aris?”

Pinukaw ako ng kanyang tinig sa kabilang linya ng celfone. Bumitiw ako sa alaala ng nakaraan.

“Alam mo ba, napanaginipan kita nung isang gabi,” ang sabi ni R.

“Talaga? Ano napanaginipan mo? Medyo horror ba? Ha ha!” ang pabiro kong sabi.

“Hindi. Lumalangoy daw ako. Tapos biglang lumakas ang agos. Tinangay ako. Sigaw ako nang sigaw. Tapos iniligtas mo ako.”

“Hindi ako tinangay ng agos?”

“Hindi. Kasi nakakapit ka sa bato. Hindi ka bumitiw. Inabot mo kamay ko. Hinila mo ako kaya nakaligtas ako.”

“Ako pa pala bida sa panaginip mo ha?”

“Ang weird noh? Antagal-tagal na nating di nagkikita, tapos mapapanaginipan kita. Siguro dahil palagi pa rin kitang naiisip... hanggang ngayon.”

Pause.

“Malapit na akong umuwi,” ang sabi niya pagkaraan.

“Talaga? Kelan?”

“Sa December. Magkikita tayo ha?”

“Siyempre naman.”

"Hihintayin mo ako?"

"Oo."

“Promise?”

“Promise.”


Postscript: Hindi dumating si R nung December. Ang status niya ngayon sa Friendster: "In a relationship". Hindi na siya tumawag. Hindi na rin nag-text.

Wednesday, July 9, 2008

Take Off

Unang kita ko kay K, crush ko na siya.

Pero ako na ang unang sumaway sa sarili ko: “Huwag kang ilusyunado, napaka-gwapo niyan para magkagusto sa’yo.”

Nakuntento na lamang akong patingin-tingin mula sa malayo. Pamasid-masid sa kanyang mga kilos, kung paano siya maglakad… magsalita… tumawa.

Magkatrabaho kami noon ni K sa isang airline. We were both flight stewards. Two batches ahead ako sa kanya.

Then for the first time, nagkalipad kami. I was so thrilled. Magka-galley pa kami sa likod ng eroplano.

Habang gumagawa sa masikip na galley, nagkakabanggaan kami. Langhap ko ang Cool Water sa tuwing kami’y magkakalapit at magkakadikit. I have never been this close to him.

Pagkatapos ng food service, nagka-kwentuhan kami. Habang nagsasalita, nakatingin ako sa kanyang mukha. My God, higit pala siyang gwapo sa malapitan. He has the finest skin I have seen. The brightest eyes I have looked into.

“Can I get your number?” ang tanong niya sakin nung malapit na kaming lumapag.

“Huh?” Parang hindi ako makapaniwala.

“Let’s go out sometime. Kung ok lang sa’yo.”

Oh-my-God!

Ibinigay ko kaagad ang number ko.

***

At tumawag nga si K. He was inviting me for dinner. Dinner! Hindi ko ma-contain ang excitement ko. Napalundag ako pagkababa ko ng telepono.

Sa Malate kami nag-dinner. Pagkatapos, lumipat kami sa isang bar. Uminom kami at nag-usap.

“Matagal na kitang gustong i-approach sa Inflight. Kaya lang, laging walang chance. When I see you, you are always with your friends. Nakakahiyang kausapin ka na kasama mo sila.”

Nakikinig lang ako.

“Remember, nung time na nagkayayaang gumimik ang mga crew? Gustong-gusto na kitang kausapin noon. Kaya lang, lagi kang nasa dancefloor. Pinanood na lang kita. Ang cute mo habang nagsasayaw. I was looking at you the whole time.”

Ramdam ko ang bilis ng heartbeat ko. Parang hindi ako makahinga.

Nagpatuloy siya: “Nung nagkalipad tayo, hindi ko naman talaga flight yun, nag-volunteer lang ako. Nakita ko kasi pangalan mo sa check in. The opportunity was perfect.”

Sobra na ito. Gusto kong kurutin ang sarili ko. Nananaginip ba ako?

Akala ko uuwi na kami after a few bottles pero nagyaya pa siyang sumayaw. We went inside a club.

Sa sobrang lakas ng music, hindi kami makapag-usap. We just held on to each other and danced. We were sweating and I could smell his sweet manliness.

Bumulong siya sa akin.” Do you wanna see my place?”

Hindi na ako nag-isip. “Sure.”

Lumabas kami ng club.

At kaagad siyang pumara ng taxi.

***

Nakiki-share si K sa condo ng pinsan niya sa Makati.

Pagdating namin doon, may hinahanap siya na di niya makita sa kanyang bulsa.

“Gosh, I don’t have my key,” ang sabi.

“Then, let’s knock. Gisingin natin cousin mo.”

“Maiinis yun.”

“Maybe, we should just go to my place,” ang alok ko.

“No, wait. I have an idea. Akyat na lang tayo sa rooftop.”

Bago pa ako nakapagsalita, hinila na niya ako papunta sa elevator.

Malamig ang simoy ng hangin sa rooftop. Kalmado ang tubig ng swimming pool. Nahiga kami sa poolside, magkatabi.

“Kakapagod, noh? Sarap humiga,” ang sabi. Tapos hindi na siya nagsalita.

Tahimik kami. Nagpapakiramdaman.

I could hear his breathing. I could feel his warmth.

Pinagmasdan ko ang langit. Napakaganda ng mga bituin. Napakaningning.

Maya-maya, bumangon siya at padapang humarap sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Nag-usap ang aming mga titig.

Dahan-dahan, inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapikit ako.

Hinalikan niya ako. Maingat. Banayad.

We held each other. Mahigpit.

At kami’y lumipad.

Monday, July 7, 2008

Shining Star

Ang lambot ng lips niya.

Ito ang napansin ko nang halikan ko siya.

Hindi siya nag-resist. Sa halip, idiniin niya ang mga labi niya sa mga labi ko. Higit kong naramdaman kung gaano kalambot ang lips niya.

We kissed gently habang parang slow motion na sumasayaw sa maharot na “Gimme More”.

Nasa ledge kami ng Bed. The kiss was so enchanting na parang huminto ang pulso ng paligid at nakalimutan ko kung nasaan kami.

We started exploring each other’s mouth. Gumalaw ang mga dila namin, pahagod na tinikman ang tamis ng bibig ng bawat isa.

We held on to each other’s body. Gumapang ang mga kamay namin, pahaplos na dinama ang init ng aming mga katawan.

At nagdikit ang aming mga dibdib sa aming pagyayakap. Higit na naging madiin ang paglalapat ng aming mga labi at higit na naging maalab ang aming mga halik.

Si M. Matangkad. Moreno. Matikas.

Una akong nabighani sa kanyang tindig. Stand-out siya habang mag-isang nagsasayaw sa ledge. Lumapit ako at nagkatinginan kami. Parang magnet ang tsinito niyang mga mata. Parang may puwersang humihigop sa akin habang nagtititigan kami. Hanggang sa hindi ko na matiis ang tila pang-aakit niya at inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya. Nalanghap ko ang mabango niyang hininga. At hinalikan ko siya.

Kasabay ng mga halik at yakap, ng pagkalasing at pagkalimot, ay ang unti-unti pagniningas at pagsisindi ng pag-asa at pangarap sa aking puso na baka siya na nga ang matagal ko nang hinihintay. Na sa wakas ay dumating na siya. At magiging masaya na ako.

Bumitiw ang mga labi niya sa labi ko. At tumitig siya sa mga mata ko. Ngumiti siya. Humigpit ang yakap niya, parang ayaw niya akong pakawalan, at nakaramdam ako ng comfort, ng paglingap na matagal ko ring hinanap at pinanabikan.

Huminto ang music. Dumilim ang ilaw. It’s showtime para sa mga drag queens. Our moment was rudely interrupted. Bumaba kami ng ledge at nanood ng show. He was holding my hand.

I had to pee. Nagpaalam ako sa kanya. “Ok. Make it quick,” ang sabi niya nang nakangiti. I waded my way through the crowd papunta sa restroom sa itaas. Along the way, I saw some friends and acquaintances. Beso-beso. Konting chika.

And who will I see sa restroom. Si N. A pretty young thing from my past. He seemed to be genuinely happy to see me. “Hey, Aris,” ang bati. He gave me a smack on the lips. Aaminin ko, nagka-feelings ako noon kay N. Muntik nang maging kami. Pero, ang bata niya pa kasi. Di ko masakyan ang mga hang-ups niya sa buhay. “Who’s with you?” ang tanong niya.

“My friends,” ang sagot ko.

“Sino yung guy?”

“Sinong guy?” ang ulit ko.

“Yung ka-kissing mo sa ledge.”

“You saw us?”

“Of course, I saw you.”

Hindi ako sumagot. May nagmamasid pala habang nagaganap ang moment namin ni M.

“Is he your new boyfriend?” ang tanong niya.

“No,” ang maiksi kong sagot.

Ngumiti siya. “Good. Then join me outside. Uminom tayo,” ang yaya niya.

“I can’t…”

“Why? Kailangan mo siyang balikan?”

“Yes.”

Nakaharap kami sa salamin ng restroom habang nagaganap ang conversation naming ito. Parang may nakita akong hurt sa kanyang mga mata. Pero hindi na siya nagsalita.

Nanatili kaming nakaharap sa salamin at nakatingin sa isa’t isa.

“I gotta pee,” ang sabi ko pagkaraan ng ilang sandali at tinungo ko ang urinal.

Paglabas ko ng restroom, naroroon si N. Nakasandal sa barandilya ng bridge overlooking the dancefloor. Hindi maikakaila na cute talaga siya. Hindi nga lang siya matangkad pero hindi mo na ito mapapansin dahil hahatakin na ang atensyon mo ng maganda niyang mukha. There is something sexy about the way he looks at you and the way he carries his lean body.

“Sayaw tayo,” ang yaya niya sabay hawak sa kamay ko.

“I am sorry, I can’t,” ang sabi ko. Binitiwan niya ang kamay ko pero inilapit niya ang mukha niya sa akin. Mahina, halos pabulong, sinabi niya: “Ayaw mo na ba?”

Wala akong maisagot.

“Anong nangyari? Hindi mo na ba ako gusto?” ang dugtong niya.

“Hey, you’re drunk,” ang sagot ko, paiwas.

“Gusto pa rin kita. Bakit ayaw mo na sa akin?”

“Alam ko, naiintindihan mo kung bakit. We are just so… different,” ang sabi ko sa kanya. Gusto kong idugtong: “Kasi pakiramdam ko, ang dami-dami mong problema, parang ang bigat-bigat mong dalhin. Nahihirapan akong intindihan ka. Ang laki kasi ng agwat ng age natin,” pero tumahimik na lang ako.

He must be aware kung gaano ka-expressive ang kanyang mga mata. Tumingin siya nang diretso sa akin at doon nabasa ko ang lungkot, pagkabigo, pag-iisa at iba pang mga bagay na nais niyang sabihin. Umiwas ako ng tingin.

“I have to go,” ang paalam ko. “We will always be friends naman, di ba?”

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Umalis na ako. Walang lingon-likod.

I realized na parang ang tagal ko yatang nag-restroom. Baka naiinip na si M. Nagmamadali akong bumaba.

Tapos na ang drag show. Nagsasayawan na uli sa ibaba.

Dumiretso ako sa lugar na kung saan iniwanan ko si M. Wala siya doon. Iginala ko ang aking mga mata. Sa dami ng tao, hinanap ko siya.

Di ko makita.

Sinuyod ko ng tingin ang dancefloor.

Inisa-isa ko ang mga nagsasayaw sa ledge.

At doon sa bandang likuran na kung saan medyo madilim ang ilaw, naaninag ko ang makisig niyang hugis.

Excited akong umakyat sa ledge para lapitan siya. Pero bigla akong napahinto.

Si M. My sweet, beautiful M.

Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang iba. At hindi lang sila basta nagsasayaw o nag-uusap.

Naghahalikan sila.

Nanlumo ako. Parang biglang hinipan ang kanina’y nagsinding pag-asa at pangarap sa puso ko.

May naramdaman akong masakit.

Matagal ko silang pinagmasdan. Matagal kong sinaksihan ang mapait na katotohanan.

Tumugtog ang “It’s Not Right But It’s OK”. Para akong biglang natauhan. Nagsimula akong umindak. Iginalaw ko ang aking katawan, sabay sa maharot na tugtog. Sumayaw ako palayo sa kinaroroonan ni M.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit kong binubura sa aking isipan ang imahe ni M na nakikipaghalikan sa iba.

Matagal akong nagsayaw na nakapikit. Pilit kong pinapayapa ang aking damdamin. Pilit kong itinatakwil ang sakit.

Maya-maya naramdaman ko, may humawak sa kamay ko. It was a familiar touch.

Dumilat ako.

Si N.

Napakaamo ng mukha ni N. Napakaganda ng kanyang mga mata.

Nagtama ang aming paningin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang reflection ng aking lungkot, pagkabigo, pag-iisa at iba pang mga emosyon na hindi ko masabi.

Niyakap niya ako. Mahigpit. Kumapit ako sa kanya na parang nalulunod at sinasagip.

Tumugtog ang “Shining Star”. Pumagitna kami sa ledge at nagsayaw.

And we kissed.

Sunday, July 6, 2008

Strong Ice

Matagal na niyang promise sa akin ito. Ang ipakilala ako sa bago niyang jowa.

Kahit wala na kami (naging kami nga ba?), in touch pa rin kami sa text at minsan nagtatawagan pa. Ako ang unang nakaalam nung nagliligawan pa lang sila. Ako rin ang unang nakaalam nung finally ay sila na.

At ngayon nga, nandito sila sa harap ko. Si H, my ex. At si J, ang bago niyang jowa. Sabado nang gabi sa Malate at walang pasabi si H sa pagsulpot nilang ito. Nasa Silya ako nang mga sandaling iyon at umiinom habang hinihintay ang pagdating ng mga friends ko.

“Aris, this is J,” ang sabi ni H. “J, this is Aris.”

At nagkamay kami. Parehong nakangiti.

Totoo ang sabi sa akin ni H. At totoo rin ang chika sa akin ng mga friends ko na nakakita na sa kanila sa Government. Cute nga ang bagong jowa.

Inaasahan ko na may mararamdaman akong kurot sa puso. Pero wala. Inaasahan ko na medyo matataranta ako (masasagi ang bote ng Strong Ice sa harap ko, matatapon ang laman at mababasag). Pero hindi.

I invited them to join me. Naupo sila. Umorder ng drinks sa waiter.

Awkward moment.

Nagsimula ang small talk. Kung anik-anik lang para ma-break ang ice. Nakatingin ako sa kanila at aaminin ko, they are a handsome pair. Nakangiti sila sa akin habang may sinasabi na di ko na maalala kung ano dahil mas interesting ang nakikita ko kesa sa naririnig.

I could tell from the look in H’s eyes na in-love siya kay J.

I could also tell from the look in J’s eyes na may alam siya sa past namin ni H. But he remained gracious. He was very nice, warm and friendly. In fact, I like him. I like him for H.

Maya-maya, nagpaalam si J. He got a text from a friend. Imi-meet niya raw muna sandali.

At naiwan kami ni H.

With H, I can be very comfortable. So I told him honestly about how I feel meeting his new jowa. Happy ako, sabi ko. And I really meant it. Sabi ko pa, gusto ko si J para sa kanya. Mukhang mabait at sa tingin ko, mahal siya. Napangiti siya.

“Ikaw, kumusta na?” ang tanong niya.

“Katulad pa rin ng dati,” ang sagot ko.

“Wala ka pa ring bago?”

“Wala.”

“Ano na nangyari sa inyo ni A?”

“Nagkasawaan na kami,” ang sabi ko sabay tawa nang maiksi.

Tumawa ako para pagmukhaing joke ang sagot ko. Pero yun ang totoo. Wala talagang nag-e-endure sa mga relationships ko. Laging nagkakawalaan, nagkakasawaan. Bihira yung nagtutuloy-tuloy. Bihira yung katulad ng sa amin ni H na nagtuloy kahit hindi kami nagkatuluyan.

“Player ka kasi ha ha! Pinaglalaruan mo lang mga boys,” ang hirit niya.

“Hindi ah. Ako ang pinaglalaruan nila!”

“Bakit di ka nagkaka-jowa? Maganda ka naman.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Kung hindi lang kapapakilala niya pa lang sa akin sa bago niyang jowa, iba ang iisipin ko sa sinabi niyang yun. He is just trying to make me feel better, ang naisip ko na lang. Di ako sumagot.

“Hoy, maganda ka, sabi ko,” ang ulit niya. “Wala bang thank you?”

Natawa ako. “Sinabi mo na ‘yan noon. Di mo na ako mabobola ngayon.”

Natawa na rin siya.

“Sana magka-jowa ka na para maging masaya ka na rin,” ang sabi niya pagkaraan.

“Antayin mo lang,” ang sagot ko. “One of these days, tatawagan na lang kita para sabihing may bagong jowa na ako at mas maganda sa jowa mo ha ha ha!”

As if on cue, biglang umapir si J. Immediate ang shift ng attention ni H. Para siyang spotlight na nagliwanag at tumutok sa star of the night. Para akong manikang basahan na hawak-hawak at biglang binitawan.

Umupo si J sa tabi ni H. Nag-holding hands sila. Nagtitigan. I could see the sparkle in their eyes. I could see the connection. I could see the love.

And they kissed habang nakatingin ako.

Pigil ang emosyon ko. Kahit parang natutunaw, nagpakatatag ako.

Tinungga ko ang Strong Ice sa harap ko.

Hello

“Hi. Ako si Aris. Ano’ng pangalan mo?”

Ito ang linya ko when I would hit on somebody in Bed.

Tapos sayaw na. Di na ako muling magsasalita pa dahil bukod sa maingay ang music, abala na ako sa tahimik na pakikipag-connect.

Sa pagbubukas ng blog na ito, parang ganun din ang gusto ko. Di na muna ako masyadong magsasalita tungkol sa sarili ko. Kilalanin mo na lang ako as we go along.

Isipin mo kasayaw mo ako sa musika ng mga isusulat ko. Sabay tayong umindayog sa pintig ng buhay ko.

Unti-unti, ire-reveal ko ang sarili ko.

Dahan-dahan, ipakikita ko ang tunay na ako.

At sana magustuhan mo.