Wednesday, September 30, 2009

Sulat | Bura

Nagkakilala kami sa isang party. Attracted ako sa kanya. Hindi ko alam, attracted din pala siya sa akin.

Pero nagkahiyaan kami. Imbes na mag-usap, nag-iwasan kami.

Nalaman ko lang na pareho kami ng nararamdaman nang ipagtanong ko siya sa common friend namin at sinabi sa akin na ipinagtanong niya rin daw ako.

Natuwa ako at hiningi ko ang number niya. Hiningi niya rin daw ang number ko. At bago pa ako makapag-text, naunahan niya na ako.

Hindi ko maipaliwanag ang excitement ko habang nagpapalitan kami ng mensahe. Higit lalo na nang maging makahulugan na ang mga ito.

Sa aming pag-uusap, naging bukas kami sa damdamin namin sa isa’t isa. We spent long hours on the phone every night. Naging masaya ako at inihanda ko ang aking sarili sa isang punumpuno ng pag-asang pakikipag-relasyon.

Subalit sa kabila ng pagsasabihan namin ng “I love you,” naunsyami ang lahat. Bigla siyang nanlamig at nanahimik.

Nagtaka ako pero kahit anong pilit ko, hindi ako makakuha ng paliwanag mula sa kanya.

May panghihinayang man at nasaktan, ipinagkibit-balikat ko na lamang ang naganap. Ipinagpasiya kong mag-move on at kalimutan siya.

Nang ipabatid ko sa common friend namin ang nangyari, nahanap ko ang sagot sa aking katanungan.

Nadiskubre niya ang blog ko. At nabasa niya ang mga ups and downs ng buhay pag-ibig ko.

Nag-selos siya sa mga kuwento ko.

Nangamba siya na baka maging isang blog entry lang siya.

***

Our common friend invited me to an afternoon gathering. Nagpunta ako na walang expectations. Ang hindi sinabi ng friend ko ay ang sorpresang naghihintay sa akin.

Naroroon siya, imbitado rin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pagkakita sa kanya. Ginawa ko ang pinaka-safe – nginitian ko siya.

Ngumiti rin siya. At nang lumabas ang mga dimples niya, higit siyang naging kaakit-akit sa akin at na-realize ko na naroroon pa rin ang pagtatangi ko sa kanya.

Hinanap ko ang ningning sa mga mata niya na nakita ko noong una kaming magkakilala. Hindi ako nabigo dahil natagpuan ko iyon habang nakatitig ako sa kanya.

It felt like the first time. Pero katulad din ng una naming pagtatagpo, imbes na mag-usap ay nag-iwasan kami.

Siguro dahil may kasama siyang iba. Na ipinakilala niya sa akin. Sa mga kilos at galaw nila, parang alam ko na kung mag-ano sila. Kaybilis niya naman akong pinalitan.

Subalit habang nagkakasarapan ang kuwentuhan sa pagtitipong iyon, madalas na nagkakatagpo ang aming mga mata sa mga panakaw na sulyap. Hindi ko matiis na hindi siya tingnan at siguro, ganoon din siya sa akin.

Napansin ko na naging possessive ang kasama niya na siguro ay nakahalata. Subalit hindi ako tumigil. Ipinagpatuloy ko ang pakikipag-communicate sa kanya sa pamamagitan ng aking mga titig.

At nagkabukingan na nga. Hindi ko alam kung sinadya ng common friend namin o nadulas lang siya. Basta natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinatanong nila tungkol sa aming brief past. Na hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil ako nga itong ibinitin niya. Siya ang itinuro ko na tanungin.

Hindi niya masabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi kami natuloy. Habang pilit siyang gumagawa ng paliwanag, naging uncomfortable ang kasama niya. Bagama't nakangiti, nabasa ko sa mukha nito ang selos at pagkainis.

Ako na ang kusang naglayo sa topic dahil inisip ko ang saloobin ng kasama niya. Nabaling sa ibang bagay ang usapan pero hindi ko nagawang ibaling sa iba ang aking atensyon.

***

“I’m sorry.”

“Ano ba talaga ang nangyari sa atin?”

“Nabasa ko ang blog mo.”

“Kaya iniwan mo ako?”

“Natakot ako na paglaruan mo.”

“Bakit mo naisip yun?”

“Dahil sa mga kuwento mo.”

“Walang kinalaman ang past ko sa present sana natin.”

“Nagduda ako sa intensyon mo.”

“Sincere ang intensyon ko sa’yo.”

“Hindi na ako sigurado.”

“Ano ang kailangan kong gawin para patunayan sa’yo?”

“Huli na ang lahat.”

“Hindi na ba tayo maaaring magpatuloy?”

“I am already in a relationship.”

Pause.

“Are you happy?”

“Yeah. I think so.”

Pagkatapos ng palitang iyon ng text messages, binura ko ang inbox at outbox ko. Binura ko rin ang kanyang number na parang pagbubura na rin sa damdamin ko. Tanggap ko na at ayoko nang makipag-ugnayan pa sa kanya. Ayoko nang umasa.

Kaya heto, naging isang blog entry na lang siya.

Thursday, September 24, 2009

Angkas 3

Muli, ang pamilyar na pakiramdam.

Nakaangkas ako sa motorsiklo ni Jeff at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Nang magpakita siya sa akin kanina, wala akong pagsidlan ng tuwa. Subalit nalungkot ako sa sinabi niya.

“Paalis na ako bukas.”

Natahimik ako habang nakatingin sa kanya. Napawi ang ngiti sa aking mga labi.

“Mabuti naman naalala mo akong daanan,” ang sabi ko.

“Maaari ba naman akong umalis na hindi sa’yo nagpapaalam?”

Kahit paano, pinawi ang lungkot ko ng kanyang tinuran.

“Halika, mag-drive tayo,” ang yaya niya.

“Saan tayo pupunta?” ang tanong ko.

“Bahala na.”

Hinaplos ko muna ang upuan ng kanyang motorsiklo bago ako umangkas.

Ang ugong ng makina habang bumibiyahe kami ay musika sa aking pandinig. Ang dapyo ng hangin sa aking mukha ay pumayapa sa damdamin kong may naghahalong lungkot at saya.

Mabilis pa ring magpatakbo si Jeff pero wala akong pangamba.

Humigpit ang kapit ko sa kanya. Dinama ko ang katawan niya at nilanghap ko ang amoy niya. Gusto kong manatili sa aking pandama ang alaala ng mga sandaling iyon na kasama ko siya.

***

Sa Tagaytay niya ako dinala. At doon sa Picnic Grove, sa overlooking, naupo kami sa isang bench at tinanaw ang lawa at bulkan ng Taal.

Masaya siya habang ako naman ay pilit na nagkukubli ng lungkot.

“Alam mo, madalas kaming mamasyal dito noon ng misis ko,” ang sabi niya.

Nakikinig lang ako sa kanya.

“Paborito ko ang lugar na ito,” ang patuloy niya. “Romantic kasi. Dito ko rin unang nahalikan ang first girlfriend ko.”

“Siguro ang dami-dami mo nang dinalang girlfriends dito,” ang sabi ko.

“Yung mga sineryoso ko lang. At minahal.”

“Siyempre hindi ako kasali roon kahit dinala mo ako rito ngayon.”

“Bakit, girl ka ba?” ang pabiro niyang tugon.

“Hindi. Ang sabi ko nga, hindi ako kasali. Exception to the rule.”

“Pero kaibigan kita at mahalaga ka,” ang bawi niya. “Kaya kita isinama rito.”

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

“Ikaw ba, kahit minsan hindi nagkagusto sa babae?” ang tanong niya.

“Nagkagusto naman,” ang sagot ko. “Nagka-girlfriend din ako noon.”

“Bakit nagbago ang preference mo?”

“Ni-recognize ko lang at tinanggap kung ano ako.”

“Sabagay mas mabuti na yung hindi ka nagkunwari at nanloko. Mas naging masaya ka, di ba?”

“Tama ka.”

Katahimikan.

“Ikaw ba, nagkaroon na ng closeness sa kapwa lalaki?” ang tanong ko pagkaraan. “You know what I mean...”

“May mga kaibigan akong lalaki na ka-close ko.”

“Yung higit pa sa pagiging kaibigan. Yung may kakaibang damdamin.”

Hindi siya kaagad sumagot. Akala ko, na-offend siya sa tanong ko. Subalit pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita siya.

“Oo. Minsan. Sa bestfriend ko noon. Kay Ramir.”

Tumingin ako sa kanya at hinintay ang kanyang pagpapatuloy.

“Magkaklase kami mula elementary. Naging matalik kaming magkaibigan noong high school. Noong fourth year, may ginawa kaming project kaya nag-overnight ako sa kanila. Malamig ang aircon sa kuwarto niya. Niyakap niya ako at yumakap din ako sa kanya. Nagulat ako nang halikan niya ako. Doon ko nalaman na higit pa pala sa pagiging kaibigan ang pagtingin niya sa akin. Na-disturb ako noon kaya umiwas ako sa kanya. Tuluyan na kaming nagkahiwalay noong college. Pumasok kami sa magkaibang eskuwelahan.”

“Hindi na kayo nagkita mula noon?”

“Hindi na. Pero aaminin ko, na-miss ko siya. Nagtaka nga ako sa sarili ko noon dahil sa lungkot na naramdaman ko nang mawala siya. Pero kaagad ko rin naman siyang nakalimutan nang magka-girlfriend ako. Mula noon, hindi na uli ako nagkaroon ng kaibigang katulad niya.”

“E anong tawag mo sa akin?”

“Not until nakilala nga kita. Akala ko, maiilang ako noong una. Pero hindi. Doon ko na-realize na wala na sa akin ang pangamba at maling akala sa mga katulad mo. Siguro dahil nag-mature na ako. Hindi na ako bata at mas kilala ko na ang sarili ko. Walang masama kung maging magkaibigan man tayo dahil nagkakaintindihan tayo at may respeto sa isa’t isa.”

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

“Pero alam mo, may aaminin ako sa’yo,” ang nakakaintriga niyang dugtong.

I held my breath in anticipation.

“Nang makita kita, magaan kaagad ang loob ko sa’yo dahil may hawig ka kay Ramir. Pati kumilos. Naalala ko siya sa’yo pati na ang magandang pinagsamahan namin noon.”

“Akala ko pa naman, napansin mo ako dahil sa pagiging ako,” ang sabi ko na tila may pagtatampo. “Yun pala...”

“Don’t get me wrong. First impression lang yun. Hindi ko na nakikita si Ramir sa’yo ngayon. Ikaw na mismo ang nakikita ko, ang pagkatao mo at ang mga katangian mo. Kaya nga I appreciate you even more. Kung si Ramir pa rin ang nakikita ko sa’yo, lalayuan na kita dahil magdududa ako sa sarili ko kung bakit gusto kong maging close sa’yo.”

Papalubog na ang araw at nagsisimula nang mabahiran ng iba't ibang kulay ang bughaw na pisngi ng langit. Ang repleksiyon ng liwanag sa mukha ni Jeff ay higit na nagpatingkad sa kanyang kaguwapuhan.

Napansin niya ang tila namamangha kong pagkakatingin sa kanya.

“Bakit?” Ngumiti siya. Sa sinag ng namamaalam na araw, higit siyang naging kaakit-akit sa aking paningin.

“Wala. Minememorya ko lang ang mukha mo para hindi kita makalimutan.”

Natawa siya. “Halika na nga. Kumain na tayo.”

***

Sa isang roadside eatery kami nagpunta. Pareho pala naming favorite ang bulalo kaya yun ang inorder namin. Gumawa pa kami ng sawsawang patis na may dinurog na sili. Nagulat kami nang isilbi na ang inorder namin. Ang laki ng serving.

“Kaya ba nating ubusin ito?” ang tanong ko.

“Kaya natin yan,” ang sagot niya sabay tawa.

Ipinagsandok niya pa ako ng sabaw sa isang mangkok.

“Alam mo, mami-miss ko ito.”

“Ang alin?”

“Ang ganito. Ang pagdala-dala mo sa akin sa mga lugar na ganito.”

“Ako rin. Walang mga ganitong pagkain sa pupuntahan ko.”

“Mami-miss din kita. Pati ang motorsiklo mo.”

“Bakit naman?”

“Ikaw lang ang gumawa sa akin ng ganito, yung ilabas-labas ako, iangkas-angkas ako. To think na straight ka at ako, hindi. Hindi naman tayo nagliligawan. At wala naman tayong relasyon.”

“Magkaibigan tayo, di ba?”

“Iba ka, Jeff. Hindi ko inakala na may makikilala akong kagaya mo. Cool sa ganitong bagay. Kapag kasama kita, naipapadama mo sa akin na importante ako. Kaya hindi ko siguro maiwasang may maramdaman ako sa’yo.”

“Opps, baka kung ano na yan. Huwag mo nang ituloy.”

“No. I just want to thank you and to let you know na importante ka rin sa akin. At hindi naman siguro masamang mahalin kita bilang kaibigan.”

Ngumiti lang siya pero hindi sumagot.

“Mami-miss kita, Jeff. Malulungkot ako sa pag-alis mo.”

“Ako rin, mami-miss kita. At nalulungkot din ako.”

***

Gabi na nang kami ay makauwi. Umaambon nang bumaba ako sa tapat ng bahay namin. Nanatili akong nakatayo, nakatingin sa kanya. Parang may bikig ang aking lalamunan at hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Kung paano ako sa kanya magpapaalam.

Nakatingin din siya sa akin habang nakaangkas sa kanyang motorsiklo. Pinatay niya muna ang makina at hindi siya umaalis.

Inabot ko ang aking kamay. “I guess, this is goodbye,” ang nasambit ko.

Mahigpit niyang ginagap ang aking kamay sabay hila sa akin upang ako ay yakapin.

Yumakap din ako sa kanya.

“Mag-ingat ka,” ang sabi ko.

“Ikaw rin.”

“Huwag mo akong kalilimutan.”

“Siyempre, hindi.”

Nagsimulang lumakas ang patak ng ulan.

Kumalas kami sa aming pagkakayakap.

“O, huwag ka nang malungkot,” ang sabi niya.

Pinilit kong ngumiti. “Hanggang sa muli nating pagkikita.”

“Babalik ako, promise.”

Binuhay niya ang makina ng motorsiklo niya. Ngumiti siya sa akin at nagmaniobra. Bahagya pa siyang kumaway bago umalis.

Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ako tuminag sa aking kinatatayuan. Kahit nababasa na ako, nanatili akong nakatanaw sa kanya.

“Goodbye, Jeff,” ang bulong ko. “Maghihintay ako.”

Monday, September 21, 2009

Rain

Nagsisimula nang umambon nang sumakay ako ng bus. Nagmamadali ako dahil ayokong mahuli sa aking pupuntahan.

Medyo mabagal ang bus na nasakyan ko. Wala kasing pasahero kaya panay ang hinto para magsakay.

May dalawang bagets na sumakay. Parehong may itsura. At pamilyar sa akin ang isa.

Nagulat ako nang mapagtanto ko na si Xyrus ang isa sa kanila.

Nakaramdam ako ng excitement.

Babatiin ko sana siya subalit napansin ko na magkahawak-kamay sila ng kasama niya.

Napatingin na lamang ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin.

May recognition sa kanyang mga mata pero hindi niya ako binati.

Umupo sila across the aisle, katapat ng upuan ko. Hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa kanya. Gayundin siya sa akin. Gusto ko siyang ngitian pero nag-alinlangan ako.

Napansin ko na bukod sa magka-holding hands ay masyado rin silang magkadikit ng kasama niya. Obvious na may namamagitan sa kanila.

Naglayo ako ng paningin. Tumanaw ako sa labas ng bintana. Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Nanatiling maluwag ang bus dahil nawala ang mga pasaherong nag-aabang sa tabing-daan.

Pinipigil ko ang aking sarili na tumingin sa kinaroroonan ni Xyrus subalit sa gilid ng aking mga mata ay naaaninag ko ang mga galaw nila.

Hindi ko natiis na muling tumingin sa kanila. At nakita ko ang panakaw na paghalik kay Xyrus ng kasama niya. Ngumiti lang sa akin ang kasama niya. Napansin ko na naasiwa si Xyrus.

Walang masyadong tao sa bus at mataas ang backrest ng mga upuan kaya siguro malakas ang loob ng kasama niyang gawin iyon.

“Later… nakakahiya,” ang narinig kong sabi ni Xyrus.

“Ok lang yan kay kuya,” ang narinig kong sagot ng kasama niya. “Di ba, kuya, ok lang sa’yo?” ang baling na tanong sa akin.

Ngumiti lang ako. Nag-usap ang mga mata namin ni Xyrus.

At dahil ngumiti ako, parang na-encourage na muling magpumilit ang kasama ni Xyrus na halikan siya. Panay ang iwas ni Xyrus.

Tempted na tempted na akong kausapin siya para ma-distract ang kasama niya pero naisip ko, bakit naman makikisali pa ako sa kanila?

Maya-maya, tumigil din sa kapipilit ang kasama niya at humilig na lang ito sa balikat niya subalit napansin ko na ang kamay nito ay nakapatong at humihimas-himas sa crotch ni Xyrus.

Gulat ako sa pagka-agresibo ng kasama niya. Hindi na nangimi kahit nasa bus sila. Paano pa kaya kung nasa isang pribadong lugar sila? At paano rin kaya kapag nalaman ito ng mommy niya?

Muli akong naglayo ng paningin. Nilibang ko ang aking sarili sa panonood ng ulan sa labas ng bintana.

Pagkaraan ng ilang sandali, muli ko silang sinulyapan. Nakapikit na ang kasama ni Xyrus, tila natutulog. Nakatingin sa akin si Xyrus. Parang may gustong sabihin. Ako rin, parang gusto ko siyang kausapin subalit parang napakahirap gawin dahil napaka-awkward ng sitwasyon.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Aaminin ko na attracted ako sa kanya, kesehodang malayo ang agwat ng edad namin at kaibigan ko ang mommy niya. Subalit hindi na pala siya kasing-inosente katulad ng akala ko.

Dumaan ang konduktor. Nagbayad ako at nagbayad sila. Nagpatuloy ang tahimik na biyahe. Sa labas, patuloy ang malakas na buhos ng ulan.

Hindi nagtagal, tumayo ako at pumara. Tumayo rin sila. Hindi ko inakala na iisang lugar lang pala ang bababaan namin.

Huminto ang bus. Bumaba ako at kaagad na nagbukas ng payong. Naglakad ako patungo sa tawiran.

Kasunod ko sila na naka-payong din.

Habang nakatayo sa bangketa at naghihintay sa stoplight, katabi ko sila. Hindi na ako nakatiis.

“Hey, Xyrus. Kumusta ka na?” ang sabi ko.

Taka ang kasama niya. “Magkakilala kayo?” ang tanong niya kay Xyrus.

Taka rin si Xyrus sa pambabati ko pero parang may nakita akong tuwa sa kanyang mukha. “Yeah, kaibigan siya ng mommy ko.”

“Ha? Bakit hindi mo sinabi kanina. Naku, baka isumbong niya tayo,” ang tila biglang na-praning na sagot ng kasama niya.

“Huwag kang mag-alala. Hindi naman kami close ng mommy niya,” ang sagot ko.

“Siyanga pala,” ang sabi ni Xyrus. “Aris, si Jericho. Jericho, si Aris.”

“Hi.” Kinamayan ko si Jericho. “Is he your boyfriend?” ang tanong ko kay Xyrus.

“Yeah,” si Jericho ang sumagot. “I am his boyfriend,” ang tila may pagmamalaki pang sabi.

Tahimik lang si Xyrus na nakatingin sa akin.

“Let’s go, babe,” ang biglang yaya ni Jericho nang magpalit ang ilaw. “Tumawid na tayo. Basambasa na ang shoes ko.”

“Bye, Aris,” ang paalam sa akin ni Xyrus.

“Bye.” Hindi ko na sila sinabayan sa pagtawid. Nagpaiwan ako.

Pinagmasdan ko sila habang papalayo. Nakapayong sa ulan at magkahawak-kamay.

Hindi ko alam pero parang may selos akong naramdaman.

Monday, September 14, 2009

La Vida Loca

Sabado nang gabi at maulan. Kung hindi lang birthday nina Ace at James, hindi ako susugod sa Malate.

Ilang hakbang na lang bago ko marating ang Silya nang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong muna ako sa kanto ng Nakpil at Bocobo. Nakasabay ko sa pagsilong ang mga callboys ng Supermen. Na-overhear ko ang kuwentuhan nila tungkol sa dick size.

Pagdating ko sa Silya, kumpleto na ang barkada. Kumakain na sila at umiinom. Bineso ko muna ang mga celebrants bago ang iba. Walang Strong Ice kaya nag-Red Horse ako.

Lumabas mula sa katapat na bar si YJ at hinila ako upang ipakilala sa mga kasama niya. Isang girl at dalawang guys na parehong guwapo. Napa-beautiful eyes ako. Kaya lang, may catch pala. Jowa nung girl yung maskulado at baby naman ni YJ yung matangkad. First timers ang tatlo sa Malate at curious sila sa going-ons. We agreed to meet later sa Bed.

I went back to my friends. Tuloy ang inom at kaagad akong nalasing. Hindi ko talaga carry ang Red Horse. Feeling ko, naging maingay ako at magulo.

Luis came with a friend and joined us. After a while, we trooped to Bed. It was almost 2am.

At dahil lasing ako, para akong paru-paro na hindi napirmi sa loob. Ikot-ikot. Beso-beso. Sayaw-sayaw.

Maya-maya, Ace handed me a beer. Red Horse na naman. Ugh! Ininom ko pa rin pero hindi ko na inubos dahil umiikot na ang tingin ko.

Higit akong naging maharot. I danced and circulated some more.

Then I went upstairs para magpahinga sandali. Nakiupo ako at naki-chika sa grupo ni YJ. Ang cute talaga ng baby niya! “Wala bang kakambal yan?” ang tanong ko sa kanya.

Nag-restroom ako. Nakita kong nakatambay sa bridge ang dalawa kong friends. I joined them.

Habang nagkukuwentuhan kami, napansin ko ang isang guwapong boylet sa tabi namin. Panay ang iwas niya sa isang older guy na pinipilit siyang halikan.

I stared at them.

Napansin ako ni older guy.

“Gusto mo siya?” ang tanong niya sa akin.

Hindi ako nagsinungaling. “Oo.”

Binitiwan niya si boylet. “You can have him. Masyado siyang maarte.”

Umalis si older guy na nagsusuplada. Naiwan kami ni boylet na nakatingin sa isa’t isa.

I smiled at him. He smiled back. Then I got closer and held him.

My friends were watching as I gently kissed him on the lips.

He did not resist.

***

It was a surprise to see Li’l Bro sa dancefloor. It must have been ages since I last saw him. Nag-away kasi sila ng isa naming kabarkada kaya nag-sabbatical muna siya. I hugged him tight. I missed him so much.

Nakita ko rin si Kane, kasayaw si J (Do I know him? Charing!). Ang sweet nila ha! Konting chika tapos iniwanan ko na sila.

I Gotta Feeling” was playing nang muli akong umakyat sa ledge. I swayed to the beat.

Doon ko na-meet si Patrick. The attraction was instant.

I made the first move and he responded. We danced and kissed. We hugged and held hands. He was the cutest thing I have seen that night and I could not be happier because he was mine.

He was just visiting from Pampanga. He’s taken pero nasa States ang jowa. He had the sweetest lips and the roughest kiss. Masakit siyang humalik but I liked it.

Ipinakilala niya ako sa kasama niya. Si Ronald.

Ipinakilala kami ni Ronald sa kahalikan niya. Si Warren.

Nagbiro si Patrick na mag-kiss kami ni Ronald.

Nagkatinginan kami ni Ronald. Nagkangitian. Unti-unting naglapit ang aming mga labi.

We kissed. His lips were soft and gentle.

Not wanting to be left out, sumali sa amin si Warren.

Naghalikan kaming tatlo. Matagal. Maalab.

Nang magbitiw kami, wala na si Patrick.

Muling nagtagpo ang mga labi namin ni Ronald.

Nagparaya si Warren. At umalis.

***

Pagbaba sa ledge, inalok ako ni Ronald na uminom ng zombie. Hindi ako nakatanggi. And then, nag-excuse siya sandali.

Namalayan ko na lamang na katabi ko na si Patrick.

Pinakiramdaman ko muna siya bago ko hinawakan ang kanyang kamay.

Niyakap ko siya. I tried kissing him but he resisted.

“Ayoko. Hinalikan mo na si Ronald,” ang sabi.

“Ikaw kasi. Binuyo mo kami,” ang sagot ko.

“It was just a joke.”

“Nagselos ka ba?” ang tanong ko.

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. “Oo.”

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

“Alam mo,” ang sabi ko pagkaraan. “Gusto sana kita kaya lang…”

“Kaya lang ano?”

“May boyfriend ka na.”

“Ikaw rin, gusto na sana kita kaya lang…”

“Ano?”

“Player ka.”

Bumalik si Ronald. Muli niya akong pinainom ng zombie.

Maya-maya, nagpaalam na sila. Uuwi pa raw sila ng Pampanga.

I just waved at them.

I was so drunk to manage a proper goodbye.

***

Bandang 5am, lumabas na kami ng mga friends ko sa Bed.

Medyo umaambon kaya sumilong muna kami sa tolda sa labas ng O Bar. Ang daming taong nakikisilong. We thought about getting inside kaya lang masyadong siksikan.

Napatingin ako sa bagets na katabi ko. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.

“Are you alone?” ang tanong ko.

“Yes,” ang sagot niya.

Inakbayan ko siya. I was poised to flirt.

“Bakit mag-isa ka lang?”

“Kasi…” Pause for effect. “Nagtitinda ako ng taho.”

Saka ko lang napansin ang dalawang stainless container sa may paanan niya.

OMG.

Me and my friends were laughing like crazy when we walked away.

The joke was on me.

Thursday, September 10, 2009

Hiram

Na-meet ko siya sa mall.

Si Marlon.

Nagba-browse ako sa National nang mapansin ko siya.

Matangkad. Matipuno. May libog ang mukha.

Mukha siyang straight kaya lang iba kung makatingin.

Nang sundan sundan niya ako, saka ko napagtanto na kabaro siya.

Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya.

Sabay pa kaming nag-“Hi” kasunod ang requisite na pagpapakilala at pagtatanong ng “Mag-isa ka lang?”

Before I knew it, nagmemeryenda na kami sa Chow King. At nag-uusap.

Bumanggit siya ng tungkol sa sex. Tila gini-gauge niya kung game ako.

Doon ko natiyak na on the prowl siya at naghahanap. Sumakay ako.

Naging malikot ang mga kamay niya sa ilalim ng mesa. Naging responsive ako.

Nang niyaya niya ako sa parking lot (may kotse siya), sumama ako.

Akala ko, magda-drive kami somewhere pero pagkasakay na pagkasakay sa kotse, sinimulan niya akong trabahuhin.

Nagdidilim na sa labas at tinted ang kanyang kotse.

Nagpaubaya ako. Na-excite ako sa danger na mahuli kami ng guwardiya.

Trinabaho ko rin siya. Mabilisan. Hanggang sa pareho kaming makatapos.

“I have to go,” ang sabi niya.

Wham-bang-thank you. “Ok,” ang sagot ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse.

“Number mo nga pala,” ang sabi niya.

Nag-atubili ako pero ibinigay ko rin.

“Text kita,” ang sabi pagkakuha sa number ko.

“Sure.” Bumaba na ako ng kotse.

“Pasensya na, may susunduin pa kasi ako,” ang pahabol niyang sabi.

“Let me guess. Your boyfriend?” ang pabiro kong sagot.

“No. My wife.”

***

Hindi siya nag-text pagkatapos noon. Not that I was expecting him to.

Buwan ang lumipas until one day, November 1 to be exact, nagparamdam siya sa akin. Actually, nag-“Who’s this?” pa ako sa text kasi nakalimutan ko na siya.

“We did it sa parking lot, remember?” He prompted me.

Saka ko lang siya naalala.

“Uy, musta na?” ang reply ko.

“Pwede ba tayong magkita ngayon?”

Undas, walang pasok at wala akong ginagawa sa bahay kaya pumayag ako.

Magkita raw kami sa McDo.

Pagdating ko, nandoon na siya.

Naka-shorts at sando lang. Na-take note ko ang maganda niyang arms at chest. And his legs, huwaw! Nakaramdam ako ng stirring sa kaloob-looban ko.

Nag-meryenda muna kami at siyempre, nag-usap.

Diniretso niya ako. Horny siya at gusto niyang makipag-sex.

Inaasahan ko na yun. At sa itsura niyang napaka-sexy, tatanggi ba ako?

Isa lang ang kundisyon ko. “Ayoko na sa kotse.”

“Huwag kang mag-alala. Iuuwi kita sa bahay,” ang sabi niya.

“What about your wife?” ang tanong ko.

“Umuwi sila ng anak ko sa probinsya. Dumalaw sa patay.”

“Mag-isa ka lang sa bahay?”

“It’s just you and me, baby,” Ang sagot niya na may pilyong ngiti.

***

Sa isang maliit na townhouse sila nakatira. Kita ang feminine touches sa salas ng bahay nila. Must be the wife.

Kaagad niya akong dinala sa kuwarto nila.

Napansin ko ang wedding portait na nakasabit sa dingding.

Maganda si wife. At napaka-guwapo ni Marlon.

Naghalikan kami. Nagyakap. At naghubad.

Nahiga kami sa kama nilang mag-asawa.

Nagniig kami. Dahan-dahan, almost leisurely.

Naranasan ko ang totoong husay niya. Kakaiba sa unang karanasan ko sa kanya.

Sa tuwing mapapadako ang mga mata ko sa litrato nila, pumipikit na lamang ako.

Nang humupa ang init namin, nag-usap kami.

“Bakit ka nag-asawa?” ang tanong ko.

“Kasi bisexual ako,” ang sagot niya.

“Gusto mo rin ng babae?”

“Kung paanong gusto ko rin ng lalaki.”

“Mahal mo ba ang asawa mo?”

“Oo.”

“Gaano mo siya kamahal?”

“Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sinong lalaki.”

Maya-maya, tumayo siya at nagtungo sa banyo.

Naiwan akong nakahiga sa kama.

Muli kong pinagmasdan ang wedding portrait nila.

“Sorry,” ang bulong ko habang nakatingin sa mukha ng misis niya.

***

A week after, nag-krus muli ang landas namin ni Marlon. Sa Jollibee sa mall na kung saan kami nagkakilala.

Kasama niya si wifey at ang anak nila. Larawan sila ng isang happy family.

Nakita niya rin ako subalit pareho kaming nagkunwari na hindi magkakilala.

Mixed ang feelings ko habang pinagmamasdan sila. Maasikaso si Marlon sa asawa at anak niya. Palangiti si misis at mukhang mabait. Ang cute din ng baby nila.

Nagpasya akong umalis na lang. Nag-restroom muna ako.

Hindi ko inaasahan na susundan ako ni Marlon.

Nagkatinginan kami sa loob ng restroom. Nag-usap ang aming mga mata.

Walang sali-salita, niyakap niya ako at hinalikan. Puno ng pananabik.

Nilabanan ko ang bugso ng aking damdamin. Pilit akong kumawala sa kanya.

Nagmamadali akong lumabas ng restroom.

Pagdaan ko sa mesa nila ng asawa niya, nabangga ko ang stroller ng anak nila. Nalaglag ang bag ng mga dede.

Kaagad kong dinampot ang bag at inabot sa asawa niya.

“Sorry,” ang sabi ko.

“It’s ok,” ang sabi ng asawa niya, nakangiti.

Nilukuban ako ng guilt.

Alam ko na higit pa roon ang dapat kong ihingi ng tawad sa kanya.