Friday, October 30, 2009

Ang Lalaki Sa Dilim

Nakatayo ako sa likod ng sinehan. At dahil last full show, konti lang ang tao. Ang karamihan ay hindi nanonood kundi naghahanap. Isa na ako roon.

May tumabi sa akin. Inaninag ko siya sa dilim. Napansin ko ang kakaibang luminosity ng kanyang mukha.

Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Matangkad siya at payat. Naka-jacket na itim.

Nang muli akong tumingin sa kanyang mukha, ako ay hinigop ng kakaibang ningning sa kanyang mga mata.

Nginitian niya ako. Natigagal ako habang nakatingin sa kanyang mga labi na luscious at napakapula.

Hinawakan niya ang aking mukha at ako ay kanyang hinagkan. Natikman ko ang kakaibang tamis ng kanyang mga labi. Napapikit ako. Nakaramdam ng unti-unting pagkalasing.

Niyakap niya ako. Nalanghap ko ang kakaiba niyang bango na lumango sa akin.

Hinalikan niya ako sa leeg. Nanghina ako sa kakaibang kiliti na ipinadama niya sa akin.

Nag-umigting ang aking pagnanasa at ako ay nagpaubaya.

Subalit kung gaano kabilis na ako ay kanyang sinunggaban, ganoon din kabilis na ako ay kanyang binitiwan. Nagulat ako at nagtaka. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

Naroroon ang kakaiba niyang titig na tila tumatagos sa akin.

“Sa parking lot sa basement, hihintayin kita,” ang sabi niya. May kakaibang modulation at lamyos ang kanyang tinig na tila humagod sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang kanyang kabuuan. Napakakisig niya na halos hindi kapani-paniwala. Kakaiba ang kanyang pang-akit na para siyang isang pangitain.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong ko.

“Lester,” ang sagot niya bago tumalikod at umalis.

Naiwan ako na parang namalikmata hanggang sa siya ay maglaho sa aking paningin.

***

Ipinagpasiya kong sundan siya. Hindi ako mapakali sa pananabik dahil sa ipinalasap niya sa akin.

Nasa fourth floor ang sinehan at sasakay lang ako ng elevator upang marating ang basement.

Madilim sa labas. Dahil siguro late na at nagtitipid sa kuryente ang mall.

Nagtungo ako sa elevator. Pinindot ko ang “open”. Bumukas ang pinto at nakita kong walang ilaw sa loob.

Nag-atubili akong sumakay.

Binitiwan ko ang buton. Sumara ang pinto. Subalit muli itong bumukas at nakita kong nakasindi na ang ilaw.

Sumakay ako.

Pinindot ko ang “close” at ang “B”. Muling sumara ang pinto ng elevator. Nakaramdam ako ng pag-uga bago ito dahan-dahang bumaba.

Nagulat ako nang biglang mamatay ang ilaw sabay sa paghinto ng elevator.

Kinabahan ako. Kinapa ko ang mga buton at hinanap ang “alarm”. Pero dahil sa taranta, kung anu-ano ang napindot ko.

“Tulong!” ang sigaw ko sabay katok nang malakas sa pinto ng elevator.

Ang dilim-dilim. Ang init-init. Parang hindi ako makahinga.

Nagsimula akong makaramdam ng takot.

Ipinagpatuloy ko ang pagsigaw at pagkatok.

“Tulungan n’yo ako!”

Biglang sumindi ang ilaw at muling gumalaw ang elevator. Unti-unti akong nakahinga nang maluwag.

Pagbukas ng pinto sa basement, siya ang tumambad sa akin.

Si Lester. Nakangiti. Nakatayo sa may bungad.

Kaagad akong bumaba. Madilim ang ilaw sa basement at ilang sasakyan na lamang ang naka-park. Wala ring ibang tao maliban sa amin.

“Sumunod ka sa akin,” ang tila nag-uutos na sabi niya.

Akala ko sasakay kami sa kotse pero dumiretso siya papasok sa banyo. Kahit walang ilaw, sumunod ako sa kanya.

Sa loob, naaninag ko ang makisig niyang tindig.

Lumapit siya sa akin.

Sa tanglaw ng kapirasong ilaw na naglalagos sa maliit na bintana ng banyo, muli kong napagmasdan ang kanyang mukha. Luminous pa rin ito sa dilim.

Tinitigan niya ako at muli, nahalina ako sa ningning ng kanyang mga mata. May nadama akong magkakahalong emosyon sa mga titig niyang tila tumatagos sa akin.

Sinimulan niya akong halikan. Muli, nalasahan ko ang kakaibang tamis ng kanyang bibig.

Hinubad niya ang aking t-shirt. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at ako ay padipa niyang isinandal sa dingding.

Hinalikan niya ako sa leeg. Kakaiba ang sensasyong nanuot sa akin.

Bumaba ang kanyang bibig sa aking dibdib at sa bawat dampi ng kanyang mga labi, ginapangan ako ng kakaibang kiliti. Ang bawat hagod ng kanyang dila ay nagpaigtad sa akin. Ang bawat sipsip at kagat ay naghatid ng mga mumunting kuryente.

Binitiwan niya ang aking mga braso at hinalikan niya ang aking tiyan. Ang pagsundut-sundot ng kanyang dila sa aking pusod ay tuluyang nagpahina sa akin.

Binuksan niya ang aking zipper at ibinaba ang aking pantalon, kasunod ang aking brief.

Lumuhod siya upang halikan ang ibabang bahagi ng aking katawan. Sinapo ng kanyang mga palad ang aking puwitan.

Naramdaman ko ang mainit niyang bibig na bumalot sa akin. Napasabunot ako sa kanyang buhok.

Hindi lang kiliti at kuryente ang aking naramdaman. Para akong lumutang at idinuyan. Naglunoy sa ligaya ang bawat himaymay ng aking laman.

Naramdaman ko ang build-up ng climax mula sa aking kaibuturan. Parang rumaragasang agos na hindi ko mapigilan.

Ilang sandali pa, ako ay nanginig at sumambulat. Sabay sa pagkasaid ng lakas ay ang pagtakas ng aking ulirat.

Nagdilim sa akin ang lahat. At ako ay napahandusay.

***

Nagising ako sa tama ng flashlight sa aking mukha.

Nagmulat ako.

“Ayos ka lang?” ang tanong ng lalaking may hawak sa flashlight.

Dahan-dahan akong bumangon at saka ako naging aware na nakahubad ako.

Inabot sa akin ng lalaki ang aking damit.

Tinulungan niya akong tumayo at dali-dali akong nagbihis.

“Hindi ikaw ang unang natagpuan kong ganyan sa CR na ito,” ang sabi ng lalaki. Nakasuot-guwardiya siya.

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata.

“Pang-apat ka na,” ang patuloy niya. “Kaya hindi na ako nagulat nang makita kita.”

Humakbang siya palabas ng banyo. Sumunod ako sa kanya.

“Sarado na ang CR na ito. Matagal nang hindi ipinapagamit.”

Saka ko napansin ang “Out of Order” sign sa pinto ng banyo.

“May pinatay kasing lalaki dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatahimik at patuloy na nagmumulto.”

Kinilabutan ako sa aking narinig.

“Ako ang nakatuklas ng kanyang bangkay.”

“Ano ang itsura niya?” ang tanong ko.

“Payat. Matangkad. Maputi.”

“Nalaman n’yo ba kung sino siya?”

“Oo.”

“Ano ang pangalan niya?”

“Lester.”

***

Saklot ng matinding takot, halos patakbo kong tinungo ang elevator. Gusto kong makalayo kaagad sa lugar na iyon.

Pinindot ko ang “open” button.

“Sira ‘yan,” ang sabi ng guwardiya na nasa likuran ko.

“Ha? Dito ako sumakay kanina pababa.”

“Imposible. Matagal nang hindi gumagana yan.”

Higit na sumidhi ang aking takot.

“Gamitin mo na lang ang hagdan paakyat sa ground floor. Doon, pwede kang lumabas.”

Tinungo ko ang hagdan. Nagmamadali akong umakyat.

Madilim ang stairway. Parang never-ending ang mga baytang.

Tumingala ako upang tanawin ang hangganan.

Nanghilakbot ako sa aking nakita.

Naroroon si Lester sa itaas.

Nakangiti. Naghihintay sa akin.

Friday, October 23, 2009

Gym Boy

Lagi siyang dumadaan sa tapat ng bahay namin. Naka-sleeveless, shorts at rubber shoes, may dala pang bag.

Maganda ang katawan niya kaya in-assume ko na sa gym siya nagpupunta.

Hindi ako nagkamali dahil minsang nagawi ako sa gym na malapit sa amin, nakita kong naroroon siya.

Nagpunta ako roon upang sunduin ang dalawa kong kaibigan na naisipang mag-work out. Nagpamasahe ako noon at dahil katabi lang ng gym ang masahehan, dinaanan ko na sila at niyayang mag-dinner.

Nainggit ako at namangha pagkakita sa mga tao sa gym. Ang daming guwapo na pursigido sa pagpapaganda ng katawan.

Kabilang na siya roon. At sa dinami-dami ng maaari kong pag-ukulan ng pansin, sa kanya napako ang aking tingin.

Pinagmasdan ko siya habang abala sa kanyang work out. Higit siyang maganda sa malapitan at higit na kaakit-akit sa kanyang pawisang itsura habang nagbubuhat ng bakal. Napansin ko ang kanyang matipunong dibdib, impis na tiyan at maliit na baywang. Gayundin ang kanyang matambok na puwet at bilugang mga hita.

Hindi ko naiwasang tumitig sa kanya. Na napansin niya dahil napatingin siya sa akin. May nakita akong recognition sa kanyang mga mata subalit naglayo din siya kaagad ng tingin.

Dahil katatapos ko lang magpamasahe, confident ako na glowing ang aura ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagpapapansin sa kanya. Hinintay ko na muli siyang tumingin sa akin.

At nang mangyari iyon, maagap ko siyang nginitian. Subalit sa halip na tumugon ay muli niyang inilayo ang mga mata sa akin.

Bumitiw ang atensyon ko sa kanya nang magyaya nang umalis ang aking mga kaibigan.

Habang papalabas ng gym, hindi ko napigilang muli siyang sulyapan. At nakita kong nakatingin siya sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong ngitian.

***

Linggo nang gabi after mass, dumaan ako sa 7-11 para bumili ng snacks.

Napa-OMG ako nang makita ko siya na naroroon at bumibili rin. Parang bumagal ang mga sandali nang magkatinginan kami. Nag-alinlangan ako kung babatiin ko siya.

Paiwas akong umikot-ikot sa loob ng convenience store. Gayundin siya. At habang napapagitnaan kami ng mga shelves ng paninda, pasulyap-sulyap kami sa isa’t isa.

Napakaguwapo niya talaga at napakakinis. Dama ko na higit na nag-ibayo ang crush ko sa kanya.

Sinabayan ko siya sa counter. Napansin ko ang binibili niya: Fit N’ Right, yoghurt, saging. Samantalang ako: Mountain Dew, Potato Chips, Adobo Peanuts. May pahabol pa ako na Winston Lights. Para akong biglang nahiya sa kanya. Kitang-kita ang pagkakaiba ng health habits at lifestyle namin.

Muli kaming nagkatinginan. At siguro dahil hindi na namin mapigilan, kami ay nagkangitian.

“Hi,” ang sabi ko.

“Hi,” ang sabi rin niya.

Sabay kaming lumabas ng convenience store bitbit ang mga pinamili. At dahil sa iisang street lang kami nakatira, hindi naiwasang magkasabay kami sa paglalakad papasok sa village.

Since na-break na ang ice sa pagitan namin, naging madali na lang para sa amin ang mag-usap.

“Matagal ka na bang nagdyi-gym?” ang tanong ko.

“Oo,” ang sagot niya.

“Gusto ko rin sanang mag-gym uli…”

“Bakit hindi?”

“Wala kasi akong kasama.”

“E yung mga kaibigan mo?”

“Hindi naman sila regular na nagpupunta.”

“Sumabay ka sa akin, kung gusto mo.”

“Hindi rin ako confident sa routine.”

“No problem. Tuturuan kita.”

“Talaga?”

“Oo. Akong bahala.”

“Sige. Magdyi-gym na uli ako.”

“Kelan?”

“Next week siguro.”

“Bakit next week pa? Bakit hindi bukas na?”

“Ha?”

“Kung desidido ka, gawin mo na kaagad.”

“Pero…”

“Dadaanan kita bukas. Sumama ka na sa akin sa gym.”

Hindi na ako nakatanggi. “Ok.”

Saka lang namin naalala na hindi pa nga pala kami pormal na magkakilala. Halos sabay pa kaming nagsabihan ng pangalan.

“Ako nga pala si Ian.”

“Ako si Aris.”

Nagkamay kami habang parehong nakangiti.

***

Nahirapan ako sa pagbabalik-gym. Pero naroroon siya, trying to make things easy for me. Ang presence niya at ang mga ngiti niya ay sapat na upang ma-motivate ako.

May mga pagkakataon na habang tinuturuan niya ako ng dapat gawin, malapit na malapit siya sa akin. Nagkakadikit kami at naaamoy ko siya. Pawis na pawis siya pero napakabango pa rin niya.

Feeling ko napabayaan niya na ang kanyang work-out dahil sa pag-intindi sa akin. At hindi ako madaling turuan dahil ang awkward ko sa mga dapat gawin. Pero naging matiyaga siya sa akin.

At dahil grateful ako sa kanya, niyaya ko siyang kumain after. Nakita ko na medyo nag-alinlangan siya. Kasi naman, hello, kain after gym? Sa katulad niyang gym boy, mortal sin iyon dahil masasayang ang work-out. Pero naging mapilit ako at nang banggitin ko na dadalhin ko siya sa isang chicken house, pumayag na rin siya. He can always eat the breast, you know. Diet food na rin iyon.

And so, we took a tricycle papasok sa kabilang village. Naka shorts kami pareho at dahil sa sikip, buong biyaheng magkadikit ang aming mga legs.

Umorder ako ng pancit canton bukod sa Savory-style na manok. At dahil napagod ako sa gym, ginanahan akong kumain. Nakita kong pinagmamasdan ako ni Ian.

“Dahil nagdyi-gym ka na uli, we have to do something about your diet,” ang sabi niya. Na-take note ko ang we. Dahil doon, hindi ako na-offend, sa halip natuwa ako sa kanyang concern.

“Sure. So, ano ang dapat kong gawin? Ano ang mga pwede at hindi ko pwedeng kainin?” Hindi dahil wala akong alam sa proper diet kundi dahil gusto ko siyang i-draw out.

At nang magsimula siyang mag-explain tungkol sa tamang pagkain at sa benefits nito, doon ko na-realize kung gaano siya ka-dedicated sa physical fitness. Higit na tumindi ang admiration ko sa kanya.

“If you want to look good, hindi enough ang work out lang. You have to complement it with a good diet,” ang sabi niya.

“Okay, from now on, I will watch what I eat,” ang sabi ko.

“Good. You will be doing yourself a great favor.”

“I am not doing this for myself alone,” ang sabi ko.

“That’s good na may iba ka pang motivation.”

“Hindi lang motivation. Inspiration.”

Tumitig ako nang diretso sa kanya.

“I will also be doing this for you,” ang sabi ko.

Nakita ko na medyo nabigla siya.

“I like you,” ang dugtong ko pa.

Tuluyan na siyang nagulat at hindi nakasagot.

***

Tahimik kami sa tricycle habang palabas ng village. Hindi ko alam kung mas masikip ang nasakyan namin dahil parang masyado kaming magkasiksik. Hindi lang legs namin ang magkadikit kundi pati ang mga balikat at braso namin.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi siya tumutol, subalit hindi rin tumugon.

Dumaan kami sa 7-11. Nakigaya ako sa kanyang binili: Fit N’ Right, yoghurt at saging.

Naglakad kami papasok sa street namin.

Tahimik pa rin siya, mukhang nag-iisip.

Nag-iisip din ako, nag-aalala na baka dahil binigla ko siya, umiwas na siya. Sana hindi ko muna sinabi na gusto ko siya.

Maya-maya, inakbayan niya ako.

Napatingin ako sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata.

May ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

“Bukas uli,” ang sabi niya. “Susunduin kita.”

Sunday, October 18, 2009

Happiness

Wala talagang plano.

Around 7 pm, tinext ko ang barkada. Bored lahat, gustong lumabas.

Eclipse ako kaagad para ma-refresh. I woke up around 9:30. Naligo, nagpaganda at gumora.

Ang mantra ko nang gabing iyon: “Happiness is mine tonight!” bukod sa “I am gorgeous and desirable!” (Choz!)

Nagkita-kita kami before 12 sa Malate.

Ang gaganda ng mga friendship. Masasaya ang aura.

Uminom kami sabay chika. Habang nalalasing, lalo kaming sumigla at sumaya.

Jumoin sa amin si YJ, kasama ang jowa. Nag-LFS sila sa Rob at nag-drop by lang sa Silya. Napanganga kami sa kaguwapuhan ng jowa! Pasimpleng kumerengkeng ang barkada. Kausap sila nang kausap sa jowa habang kausap ako nang kausap kay YJ. Gusto kong pagkukurutin sa singit ang mga malalandi! But I cannot blame them, winner kasi talaga ang jowa. Pag-alis nila after a few bottles, namatay kami lahat sa inggit!

Only to rise again pagpasok namin sa Bed. Jampacked as usual. Ang daming cute!

We went to our usual spot after grabbing a drink. Wala pang ten minutes, connected na kaming lahat.

Mine was a cutie with longish hair. We went up the ledge and there, we danced and kissed. Perfect na sana kaya lang nag-negative comment siya about my friend. Na-slight ako kaya nag-excuse ako at iniwan siya.

I saw Mksurf8 (with his very nice and handsome boyfriend!). He flew in from Singapore kasi miss na miss niya na ang Bed (sosyal!). Kasama niya sina Mcvie (na kinulit-kulit ko kung bakit on blog holiday siya) at Joaqui (na kinulit-kulit ko rin kung bakit two months nang walang update ang blog niya). Tinukso-tukso ko rin si Joaqui ng: “I am sure, may nami-miss ka na nasa America!”

Nakita ko rin si Kane. I was introduced to his entourage of good looking friends. Mukhang masaya na siya uli at naka-recover na sa heartbreak.

I was dancing with another boylet nang mamataan ko si Ewik na ka-join na ng mga blogger friends. Kaway-kaway ako sa kanya mula sa ledge. Paalis na siya kaya inabot niya lang ang kamay ko. Hindi na kami nakapag-chikahan kasi cameo appearance lang siya sa Bed.

I checked on my gurls. Aba, busy ang lahat! Cozy-cozy sa kani-kanilang mga partner. Maynard was with this beautiful black guy. Lance was being hugged by a tall semi-kalbo. Luigi was kissing a cute bagets. James was dancing with a hunky chinito. And Arnel was with a (former) G4M sensation. Smile na lang ako like a proud momma.

Then I met him. Ang guy na pwedeng ipantapat sa jowa ni YJ. Ang guy na feeling ko kaiinggitan din ng lahat! Ok, exaj ako. Pero nang mga sandaling iyon, siya ang pinaka-guwapo para sa akin!

Nagsimula kaming magsayaw na nasa likod niya ako. Dahan-dahan kaming nagdikit hanggang sa naka-lean na siya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang tiyan. Sinalat-salat ko ang buhok sa kanyang pusod sabay halik sa kanyang leeg.

Humarap siya sa akin at naglapat ang aming mga labi. Napapikit ako sa sarap niyang humalik. Nagyakap kami at gumapang ang mga kamay niya sa katawan ko. We explored each other.

Nag-getting to know you kami. Pareho kaming single pero unsure sa commitment. We decided to see each other again kaya nag-exchange numbers kami. Kahit wala na kaming masabi, hindi pa rin namin iniwan ang isa’t isa. We just hugged and kissed.

Before the night came to a close, nag-gather kami ng barkada sa dancefloor. May ningning sa mga mata at ngiti sa mga labi ang bawat isa.

Nag-last dance kami at nagyakap-yakap.

It was a good night. Nag-translate sa reality ang mantra ko.

Thursday, October 15, 2009

Seventeen

“She’s the girl I am going to marry.”

Para akong sinampal sa sinabi niyang iyon.

“Paano ako?” ang tanong ko.

“Inisip mo ba na ipagpapalit ko siya sa’yo?”

“Paano tayo?”

“Anong tayo? Walang tayo.”

“Ano’ng tawag mo sa relasyon natin?”

“Eksperimento.”

“What?”

“Pareho tayong lalaki. Sinubukan lang natin ang mag-sex.”

“Akala ko sinubukan din natin ang magmahal.”

“Walang ibig sabihin yun.”

“Pero minsan mo na ring sinabi na mahal mo ako.”

“It was just an outburst.”

Nilapitan ko siya at niyakap.

“Mahal kita, alam mo ‘yan.” May pagsusumamo sa aking tinig.

Pilit siyang kumawala sa akin.

“Bitiwan mo ako,” ang sabi niya.

Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Nagpumiglas siya.

At nang makawala, itinulak niya ako palayo sa kanya.

Napaupo ako sa kama. Sa kama na kanina lang ay pinag-alab naming dalawa.

“Itigil na natin ito habang maaga pa,” ang sabi niya.

“Are you breaking up with me?”

“Yes. If that is how you want to put it.”

Nagsikip ang aking dibdib. Parang gusto kong maiyak.

“Hindi ako bakla,” ang mariin niyang sabi.

Tumalikod siya at lumabas ng aking silid.

Sa mesa, nakita kong nakalapag ang pinag-ugatan ng lahat. Ang imbitasyon sa debut ng kanyang girlfriend.

Kinuha ko ito at binuklat. Nakita ko ang pangalan niya bilang escort.

Nakaramdam ako ng galit.

Pinunit ko ang imbitasyon. Pinagpira-piraso at itinapon.

Napahagulgol ako ng iyak.

I was only seventeen.

***

Isang long-stemmed rose ang inaabot niya sa akin.

Sa gitna ng marangyang ballroom, natigilan ako at napatitig sa kanya. Napakaguwapo niya sa suot na coat and tie.

Tinanggap ko ang bulaklak.

“Para sa 18 roses,” ang sabi niya.

Akala ko, may ibig sabihin na.

“Maaari ba tayong mag-usap?” ang tanong ko.

“Wala na tayong dapat pag-usapan,” ang sagot niya.

“Please?” ang giit ko.

“Hindi ka ba makaintindi? Tapos na tayo.”

“Ganoon lang ba 'yun kadali?”

“Oo.”

“Hindi mo na ba ako mahal?”

Hindi na siya sumagot. Sa halip, ako ay kanyang tinalikuran.

Nagsimula ang programa. Dahan-dahang bumaba sa hagdan ang debutante. Nakangiti. Magarbo ang gown.

Sinalubong niya at inabutan ng rosas. Siya ang first dance.

Nag-waltz sila. Napakaganda ng debutante at napakaguwapo niya. Bagay na bagay sila.

Parang sasabog ang dibdib ko sa panibugho.

Humigpit ang hawak ko sa rose. Tumusok sa akin ang mga tinik.

Nagdugo ang aking kamay pero ang kirot ay nasa aking puso.

I was only seventeen nang ako ay mabigo.

Tuesday, October 13, 2009

Counterpoint

Papahupa na ang init sa dancefloor nang tayo ay magtagpo.

Sa liwanag ng aandap-andap na ilaw, hinagod natin ng tingin ang isa’t isa.

Nagngitian tayo at naglapit. Nagtitigan. At sabay sa kumpas ng maharot na tugtog, gumalaw tayo sa isang seduction dance.

Kusang nagtagpo ang ating mga labi. Naglapat at nagtunggalian sa isang sabik na halik.

May kakaibang tamis ang iyong mga labi na bumura sa alaala ng iba ko pang mga nakaulayaw nang gabing iyon. Para kang unang karanasan na nagdulot sa akin ng masidhing excitement.

Nagsabihan tayo ng pangalan at nagpalitan ng number.

“I want to see you again,” ang sabi mo.

Sa kabila ng pagnanasa, umusbong sa akin ang pag-asa para sa isang bagong simula.

***

Ang cute mo. Para kang bata. Malikot ka at makulit pero hindi ako naiinis. Natutuwa pa nga ako sa mga kilos mo. Madaldal ka rin at opinionated pero hindi ako nagsasawang makinig. Naaaliw ako sa mga kuwento mo at sa mga points-of-view mo. Refreshing ang take mo sa mga bagay-bagay na ikinaka-amuse ko. Nakakahawa rin ang iyong pagiging masayahin.

Iyan ang mga katangian mong nag-endear sa akin. Bukod pa sa iyong good looks. Kapag kasama kita, feeling ko maraming naiinggit sa akin. Malambing ka kasi at kahit nasa “ligawan” stage pa lang tayo, lagi kang nakaakbay sa akin at malagkit kung tumingin. Nagyayakapan at naghahalikan din tayo in public.

Actually, parang tayo na kahit wala pa naman tayong pinag-uusapang pormal tungkol sa atin. Hindi ko alam pero kahit nagawa na natin ang lahat, pagdating sa bagay na iyon, parang nagkakahiyaan tayo. Parang mas gusto pa natin iyong implied na lang ang ating relasyon.

Subalit ang pagkakamabutihan natin ay nahadlangan ng aking trabaho. Pumasok ang peak season at naging very demanding ang office sa time ko. I had to work extra, even at night. Humingi ako ng paumanhin at pang-unawa sa’yo dahil nawalan ako ng panahon. Nangako akong babawi kapag lumuwag na ang schedule ko. Pero hindi iyon nangyari dahil dumagdag nang dumagdag ang responsibilidad ko. Sa pagtupad ko sa aking tungkulin, napabayaan kita. Dumalang ang mga text at tawagan natin. Hindi na tayo nagkita. Bago ko namalayan, katahimikan na ang namamagitan sa ating dalawa.

Nagising ako isang araw na parang may void sa buhay ko. Hinahanap-hanap kita.

Tinext kita: “Hey, kumusta na?”

Ang reply mo: “Who’s this?”

Ouch! Kaya tinawagan kaagad kita.

“Myco, it’s me, Aris,” ang sabi ko nang mag-hello ka.

“Alam ko,” ang sagot mo.

“Bakit who’s this ang reply mo? Binura mo na ba ako sa phonebook mo?”

“Oo. Pero memorized ko ang number mo.”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. “I miss you,” ang sabi ko na lang.

“I miss you, too.” Mabilis ang iyong sagot.

Nabuhayan ako ng loob. Sumigla ang aking pakiramdam.

“I’m sorry. Masyado akong naging busy. I didn’t mean to neglect you.”

“Akala ko, bumitaw ka na. Akala ko, ayaw mo na,” ang sagot mo.

“No. Mahal kita.” Hindi ko napigilang isatinig ang nararamdaman ko.

“Bakit ngayon mo lang sinabi ‘yan?”

“I don’t want to lose you. Magsimula tayo uli. Ipagpatuloy natin ang nasimulan natin noon.”

Wala kang tugon.

“Mahal mo rin ba ako?” ang tanong ko.

May na-sense akong hesitation bago ka sumagot. “Oo.”

“Mag-dinner tayo. Mag-usap. Gawin na nating pormal ang ating relasyon.”

Tahimik ka.

“Kailan tayo pwedeng magkita uli?” ang tanong ko.

Bumuntonghininga ka muna bago nagsalita. “Aris, hindi na puwede.”

“Ha? Bakit?”

Nanlumo ako sa iyong tinuran.

“May boyfriend na ako.”

***

Balik ako sa Malate upang limutin ka at ang nakapanghihinayang nating kabanata. Hurt ako pero kasalanan ko rin.

Magkasama kami ng bestfriend kong si Ace na umiinom sa Silya nang may bumati sa kanya. Matangkad, guwapo, maganda ang katawan. Nagulat ako nang makita kong ikaw ang kasama.

Ipinakilala ako ni Ace sa bumati sa kanya. “Aris, Drake. Drake, Aris.”

Higit akong nagulat nang ipakilala ka ni Drake na boyfriend niya. Nagulat din si Ace dahil alam niya ang tungkol sa atin pero hindi siya nagpahalata.

Nagkunwari tayong first time na nagkakilala.

Nang makaalis kayo saka nagsalita si Ace.

“Oh no! Alam ko, at this very moment, parang dinudurog ang puso mo.”

Tumungga lang ako ng Strong Ice.

“Akalain mo yun? Si Drake pa pala ang naging jowa niya. Ang liit ng mundo!”

“Ano ba yan. Kaya nga ako naririto para kalimutan siya tapos, makikita ko siya na kasama ang jowa.”

“Worried ako para kay Myco,” ang sabi ni Ace.

“Bakit naman?”

“Kilala ko ‘yang si Drake. Malandi ‘yan.”

“Really? Pero guwapo siya ha! Bagay sila ni Myco.”

“Nagmo-model model ‘yan. Alam ko pa nga, sumasali ‘yan sa bikini open.”

Hindi na ako nagsalita. Na-insecure na ako. At least, mas maganda ang ipinalit mo sa akin.

“Sabay-sabay ‘yan kung makipag-boyfriend,” ang patuloy na chika ni Ace.

Nag-alala ako para sa’yo. Ayaw kitang masaktan.

“Pero malay natin, baka nagbago na siya. Baka nagtino na siya dahil kay Myco.”

***

Nakita ko kayo ni Drake na nagsasayaw sa Bed nang gabing iyon. Magkahawak-kamay, magkayakap at panay ang halikan. Nagpakatatag ako sa kabila ng pagiging crushed. Pilit kong ibinaling sa iba ang aking pansin subalit patuloy ang kirot sa aking damdamin.

Later that evening, lumabas ako upang bumili ng yosi. Parang nananadya ang tadhana dahil naroroon ka at may binibili rin.

“Hey,” ang bati ko.

“Hey,” ang bati mo rin.

“Mag-isa ka. Nasaan si Drake?”

“Nasa loob with his friends.”

“You want to grab a beer?”

Nag-alinlangan ka. “I want to. Kaya lang baka hanapin niya ako.”

I forced a smile. “It’s ok. I understand.”

“Sorry, baka kasi magalit siya.”

I stared at you. Parang may na-sense akong pangamba sa’yo.

“Myco, masaya ka ba?” ang tanong ko.

Ngumiti ka.

“Yeah. Masaya ako.”

***

Hindi ko inaasahan na muli kitang makikita nitong Sabado. Sa nagdaang mahabang panahon, naka-get over na ako sa’yo. In fact, nakalimutan na kita.

Tila may nabago na sa iyong itsura na hindi ko matukoy exactly kung ano. Tumaba ka ba? Nagka-edad? Naging seryoso? Parang nawala na ang innocence at pagkamasayahin sa iyong mukha. Pero guwapo ka pa rin.

Ikaw kaagad ang aking nabungaran pagpasok ko sa Bed. At nakita ko, kasama mo si Drake. Kayo pa rin pala.

Parang hindi nagbago si Drake. Parang higit itong gumuwapo subalit parang naging cocky. Ewan ko, biased lang siguro ako pero parang yumabang ang tingin ko sa boyfriend mo.

At dahil kasama ko si Ace, hindi naiwasang mag-hello-hello tayo. Remember, magkakilala sila ni Drake.

When our eyes met, tahimik tayong nag-communicate. Dinaan natin sa ngiti ang mga bagay na hindi natin masabi.

Ayoko nang balikan pa ang nakaraan natin at ang naging pagdurusa ng aking damdamin. Kaya kahit nasa iisang bubong tayo, sa lugar na kung saan una tayong nagkatagpo, umiwas ako sa’yo. Pinilit kong mag-enjoy. I danced and flirted.

I saw you and Drake dancing. Ewan ko pero parang wala na ang dating sweetness na nakita ko sa inyo noong bago pa lang kayo. Wala na rin ang ngiti sa mukha mo.

I met and kissed a few guys. Nagkunwari akong masaya pero parang napagod lang ako. At the back of my mind, naroroon ka, hindi mawala anumang waksi ang gawin ko.

Then I saw Drake dancing with another guy. May nakita akong libog sa kanilang mga galaw. Hinanap kita subalit hindi kita makita.

Bigay na bigay sa pagsasayaw si Drake at ang kapareha niya. Nagulat ako nang maghalikan sila. Na-disturb ako para sa’yo. Nag-alala ako sa damdamin mo sakali mang nakita mo ang nakita ko. Muli kang hinanap ng aking mga mata. Subalit wala ka.

I felt uncomfortable na parang gusto ko munang umalis. At dahil hindi ko mahagilap si Ace, niyaya ko si James na lumabas. Uminom kami sa Silya. Nagkuwentuhan kami. Hindi ko napigilang magkuwento sa kanya ng mga nagpapasikip sa aking dibdib. Lately I have been feeling lousy, kailangan kong i-express ang halo-halong emosyon na nagpapahirap sa akin. Nakinig naman siya. No, I did not tell him about us.

Nang makaramdam na ako ng pagkalasing, nagyaya na akong bumalik sa loob. Humiwalay sa akin si James at mag-isa akong umakyat para mag-restroom.

At doon, muli kitang nakita at si Drake. Napahinto ako sa paghakbang dahil mula sa malayo, nakita kong nagtatalo kayo. Hindi ko man naririnig ang usapan ninyo, nabasa ko sa mga kilos ninyo na nag-aaway kayo. At si Drake, galit na galit sa’yo.

Pinanood ko kayo na saklot ako ng pag-aalala at pangamba para sa’yo.

Nakita kong dinuro-duro ka ni Drake. At pagkatapos, itinulak ka niya nang malakas. Napaupo ka sa couch at napayupyop sa iyong mga palad.

Umalis si Drake at iniwan ka. Nakita ko siyang dumiretso sa exit.

Matagal kitang pinagmasdan. Nag-alinlangan akong lapitan ka subalit nanaig ang malambot na damdamin ko para sa’yo.

Humakbang ako patungo sa kinaroroonan mo. Nanatili kang nakatungo at nakayupyop sa mga palad mo.

Marahan kong hinagod ang likod mo.

Nag-angat ka ng mukha. At nakita kong basa ng luha ang iyong mga mata.

Maingay at malakas ang music. Sa dancefloor at sa ledge, siksikan ang mga nagsasayaw. Masaya ang lahat. May mga nagtatawanan pa.

“Are you alright?” ang tanong ko sa’yo.

Hindi ka sumagot.

Inabot ko ang kamay mo at itinayo kita.

Kumapit ka sa akin.

Niyakap kita.

At sa balikat ko, muli kang umiyak.



Friday, October 9, 2009

Snap Out

Nakaka-100 posts na pala ako.

Sinusulat ko na ang pang-101 pero hindi ko matapos-tapos. Hindi ako maka-emote kasi masyado akong busy at laging pagod sa work.

At ang pagkapagod ko parang hindi lang physical kundi emotional din. Ewan ko ba kung bakit may mga bouts of loneliness ako ngayon.

Siguro dahil all work and no play ako lately. At dahil din siguro sa bad weather.

Anyway, tomorrow, Saturday, I am sure to hit Malate again after a long absence. Tinext ko na ang buong barkada at nag-confirm na silang lahat na pupunta.

I need to snap out of this physical and emotional state. Kailangan ko na uling uminom, sumayaw at makihalubilo. Kailangan kong sumaya at ma-inspire upang makapagsulat nang matino.

And yes, I have something to celebrate.

I just turned a year older.