Monday, November 30, 2009

Bestman

I had to see him kasi nangako ako.

Ex-boyfriend ko si Leo. Nagkahiwalay kami noon dahil nagtrabaho siya sa Taiwan.

Pero buong panahon na nasa abroad siya, hindi naputol ang aming komunikasyon. Hindi nga lang madalas pero he made it a point to keep in touch.

Nag-e-email siya sa akin o kaya nagme-message sa Friendster. Nangungumusta. Nagkukuwento. Na sinasagot ko naman.

Inilagay niya rin ako sa featured friends niya. At ang shout-out niya, feeling ko, patungkol sa akin:

I hope you’re doing fine out there without me
‘Cause I’m not doing so good without you;
The things I thought you’d never know about me
Were the things I guess you always understood...

Nitong huli, panay ang “I miss you” niya. At ang sabi pa, uuwi siya bago magtapos ang taon. He made me promise na makikipagkita ako sa kanya.

Kahapon, nagulat ako sa tawag niya. Nasa Pilipinas na siya. Napaaga ang uwi niya.

Kagabi, tinupad ko ang pangako ko sa kanya.

***

Nagkakilala kami noon ni Leo isang gabi sa kanto ng Nakpil at Orosa.

Una kong napansin ang bad boy niyang porma. Sumunod ang guwapo niyang mukha. Pagkatapos, ang height at built niya. Matangkad siya at malaki ang kaha.

Binalewala ko ang posibilidad na callboy siya. Sinunod ko lang ang gut-feel ko na mabuting tao siya. Nginitian ko siya at kinausap. Naging responsive naman siya.

Niyaya ko siya sa NYC. Doon, uminom kami at nag-usap.

Natagpuan ko ang sarili ko na tumatawa sa mga jokes niya.

Tumugtog ang “Happy”. Tumayo si Leo at hinila ako upang magsayaw.

Nakipagsiksikan kami sa masikip na dancefloor. Nagsayaw kami na halos magkadikit ang aming mga katawan.

Dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa, hindi namin naiwasang magkatitigan. Maya-maya, namalayan ko na lamang na magkadikit na ang aming mga labi.

Napapikit ako at dinama ko ang kanyang mga halik. Matagal.

Nang matapos ang tugtog at magbitiw kami, muli kaming nagkatitigan. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagnanasa na alam kong nasa mga mata ko rin.

Bigla siyang nagyaya sa Biology.

Ang Biology ay isang maliit na bar na kung saan may darkroom sa itaas. Doon kami tumuloy at sa saliw ng “Dove”, nag-make out kami sa isang sulok.

Habang tinutuklas namin ang isa’t isa, hindi niya pinayagang mahipuan ako ng mga nangangapa sa dilim. May mga pagkakataong naging marahas siya sa mga nagtatangka.

Marahas man ang trato niya sa mga gustong makibahagi, marahan naman ang ginawa niyang pagdama sa aking katawan. Napakalambot ng kanyang mga labing dumadampi sa akin. Napakainit at napakalikot ng kanyang dila.

Binigyang laya ko rin ang pananabik ko sa kanya.

Sa mainit, masikip at magulong darkroom, nagkaroon ng kaganapan ang una naming pagniniig.

Nagtanong siya sa akin pagkatapos.

“Gusto mo, tayo na?”

“Gusto mo ba?” ang balik-tanong ko.

“Oo.”

“Sige. Tayo na.”

Ganoon kabilis kami naging mag-jowa.

***

Wala akong masyadong expectations sa relasyon namin. Inakala ko nga na kaagad din kaming maghihiwalay. Pero tumagal kami ng ilang buwan.

Mahirap nga lang dahil kinailangan naming mag-adjust sa isa’t isa. Magkaiba ang mundo namin, magkaiba ang circle of friends. Ipinakilala niya ako sa kanyang tropa na pulos straight. Nakipag-inuman ako sa kanila at naki-pagkuwentuhan tungkol sa basketball. Ipinakilala ko siya sa aking mga kaibigan. Nakipag-dinner siya sa amin at naki-chika tungkol kina Carrie at Samantha.

Na-appreciate ko ang effort niya to make things work. May mga awkward moments man kami dahil sa proseso ng getting to know you, pinangatawanan niya talaga ang pagiging mag-on namin.

Sa mga private moments namin, doon ko higit na nadama ang pagpapahalaga at pagmamahal niya sa akin. Kung sa harap ng ibang tao ay medyo rough ang dating niya, kapag kaming dalawa na lamang, napaka-tender niya. Napaka-comforting ng mga yakap niya at napaka-gentle ng mga halik niya.

If ever may mga naging away kami, sa akin nagsimula. At never niya akong pinatulan. Pinagpasensyahan niya ang mga quirks ko. Never niya akong sinaktan. Tahimik lang siya at kung meron man siyang ginawa, iyon ay ang ayusin lagi ang gusot sa pagitan namin.

But just when I was starting to realize how perfect he was for me and how lucky I was to have him, doon siya nagpaalam. Matagal niya nang inililihim sa akin ang pag-a-apply niya ng trabaho sa abroad. At nang matanggap siya, saka niya lang sinabi sa akin.

I cried. Doon ko nalaman sa sarili ko na sobrang mahal ko na siya at pakiramdam ko, hindi ko iyon naipakita sa kanya sa maiksing panahon ng aming pagsasama.

Lalo akong napaiyak nang makipag-break siya sa akin dahil hindi siya naniniwala sa long-distance relationship. Maraming maaaring mangyari sa pagkakalayo namin at gusto niya akong maging malaya. Ayaw niya rin akong paasahin dahil maraming maaaring mangyari hanggang sa kanyang pagbabalik.

That night, we made love for the last time.

***

Higit siyang gumuwapo. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita sa kanya.

Pumuti siya at kuminis. Lalong gumanda ang katawan. Maayos ang kanyang pananamit at wala na ang bad boy image.

Nakangiti siya habang ako ay papalapit.

Tumayo siya, sinalubong ako at niyakap. Muli, nadama ko ang kanyang mga bisig at nanumbalik sa aking alaala ang mga sandaling wala akong pangamba sa piling niya. Yumakap din ako sa kanya nang buong pananabik.

Matagal na kaming nakaupo, wala pa rin sa aming nagsasalita. Nakatingin lang kami sa isa't isa at parang hindi makapaniwala na magkaharap kami pagkaraan ng mahabang panahon.

Ginagap niya ang aking kamay. May electricity na gumapang paakyat sa braso ko dahil sa pamilyar na pandama ng kanyang palad.

“Masaya ako na makita ka,” ang sabi niya.

“Ako rin,” ang sagot ko.

“Kumusta ka na?”

“Mabuti. You look good.”

“Ikaw rin.”

We ordered food.

Normal ang usapan namin habang kumakain. Parang magkaibigan lang na muling nagkita. Nagkuwento siya tungkol sa Taiwan experience niya. Nagtrabaho siya sa isang electronics factory doon. Tumira sa dorm. Nagkaroon ng maraming kaibigan. I was happy to know na nag-enjoy siya.

It was not until nagbe-beer na kami nang maiba at maging mas personal ang takbo ng usapan namin.

“Kumusta ang lovelife mo?” ang tanong niya. “Nagkaroon ba kaagad ako ng kapalit pag-alis ko?”

“Hindi naman, “ ang sagot ko. “I had a few attempts pero walang naging successful. But I am in a relationship right now.”

“Talaga?” Tumingin siya nang diretso sa akin. “That’s good.”

“Ikaw, nagkaroon ka ba kaagad ng karelasyon pagdating mo sa Taiwan?”

“Oo, pero hindi naman kaagad. Naging close ako sa isang kasamahan ko pero parang mag-bestfriend lang. Hindi katulad ng sa atin noon.”

“Kayo pa rin ba?”

“Hindi na. Para kasing hindi naman pormal na naging kami. May nangyari sa amin pero hindi namin iyon pinag-usapan. Parang wala lang. Ni hindi namin kinailangang mag-break. Basta naghiwalay na lang kami.”

“Bakit in a relationship pa rin ang status mo sa Friendster?” ang tanong ko.

“Dahil may bago na akong karelasyon ngayon,” ang sagot niya.

Ako naman ang tumingin nang diretso sa kanya. Nagtatanong ang aking mga mata.

“Katrabaho ko rin siya,” ang sabi niya. “Hindi ko inaasahan na magiging kami. Pero napakabait niya at napakamaalaga kaya na-in love ako sa kanya.”

Ewan ko pero parang may naramdaman akong kirot sa aking puso sa pag-amin niyang in-love siya.

“That makes us even,” ang pagbibiro ko. “Pareho tayong in-love ngayon sa iba.”

“Sa palagay mo ba, kung hindi ako umalis noon, tayong dalawa pa rin hanggang ngayon?”

Nagulat ako sa tanong niyang iyon.

“We had a perfect relationship,” ang sagot ko. “Mahal na mahal kita noon. It could have been forever.”

“Mahal na mahal din kita noon kahit madalas mo akong inaaway.” Bahagya siyang natawa.

“Lambing ko lang iyon.” Pinilit ko ring tumawa.

Pero sumeryoso si Leo. “Hanggang ngayon naman, mahal pa rin kita.”

Natahimik ako. Hindi ko alam ang aking isasagot. Please, huwag mong sabihin iyan. Baka bumigay ako. May boyfriend na ako.

“Pero siyempre, hindi na dapat,” ang bawi niya.

Bakit, ayaw mo na ba sa akin? Mas mahal mo na ba siya? Bakit ang sabi mo, na-miss mo ako? Na-miss din kita, Leo.

May sasabihin ako sa’yo,” ang sabi niya.

I held my breath in anticipation.

“I am so in love with my girl right now.”

Napakunot-noo ako. Tama ba ang dinig ko? “Girl?”

“Babae nga pala ang karelasyon ko ngayon,” ang pagliliwanag niya.

Muli akong napatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala.

“Si Romina. Actually, kasama ko siyang umuwi. Isang araw, makikilala mo siya.”

“Are you sure about this?”

“Yeah. In fact, kaya kami umuwi dahil… magpapakasal na kami.”

What???” Gulat na gulat ako sa aking narinig.

“O, huwag kang masyadong ma-shock,” ang sabi niya.

I had a hard time composing myself. “Wait, Leo. Alam ko na kahit noon, mas nangingibabaw sa’yo ang pagiging lalaki mo. Pero hindi ka one hundred percent straight. Hindi kaya nabibigla ka lang? May panahon ka pa para mag-isip.”

“Nakapagdesisyon na ako. Pakakasalan ko si Romina.”

“Will you be happy kapag ginawa mo iyon?”

“I will be. Hindi na maaaring magbago ang desisyon ko.”

Naghahagilap pa ako ng sasabihin nang muli siyang magsalita.

“Buntis na siya.”

Parang saglit na tumigil ang mundo. I suddenly felt numb.

“Excited na akong maging daddy.”

Nakatingin lang ako sa kanya.

“Hindi ka ba natutuwa para sa akin?”

“Of course, I'm happy for you,” ang pagsisinungaling ko. “Kelan ang kasal?”

“January.”

I tried my best to smile. “Congratulations.”

Nag-toast kami at sabay na tumungga ng beer. Halos sairin ko ang laman ng aking bote. Gusto kong lunurin ang sakit na umaahon sa dibdib ko.

“May hihilingin sana ako sa’yo,” ang sabi niya pagkaraan.

“Let me guess. You want to sleep with me bago ka ikasal? Sure,” ang pagbibiro ko upang itago ang nararamdaman ko.

“Aris, seryoso. Makinig ka sa akin. And please don't say no.”

“Okay. Ano yun?” Pumormal ako.

Inapuhap niya muna ang mga mata ko bago siya nagsalita.

“Will you be my bestman?”

Tuesday, November 10, 2009

Tricky

Hindi ako lumabas Sabado nang gabi. No, hindi niya ako pinagbawalang mag-Malate. By choice kaya hindi ako nagpunta.

Out of town siya at panay ang tawag niya. Usap lang kami.

Wala naman kaming importanteng pinag-uusapan. Enjoy lang kami na marinig ang boses ng isa’t isa.

Pasado ala-una na nang mag-goodnight kami.

Nakatulog ako na iniisip siya habang yakap ang unan.

Napanaginipan ko tuloy siya.

***

Tanghali na nang magising ako kinabukasan. It was a beautiful day. Bumangon akong nakangiti.

May text siya sa akin: “Good morning. Nakauwi na ako.”

Reply ko: “Just woke up. Gandang umaga.”

Kaagad nag-ring ang phone ko.

“Na-miss kita,” ang sabi.

“Na-miss din kita. Gawa mo?”

“Nakahiga. Isip ka.”

“Patabi,” ang pagbibiro ko.

“Yun nga ang gusto ko. Sana katabi kita.”

At pagkatapos, naglambing na siya na puntahan ko siya sa apartment niya.

Usually kapag ganitong Sunday, tamad na tamad akong lumabas ng bahay. Nagsisimba lang ako tapos uwi na. Pahinga lang. Nood ng DVD, basa ng libro, internet. Ito yung pinaka-alone time ko. Kahit mga friends ko, hirap na hirap akong yayaing lumabas kapag Linggo. Pero hindi ko na-hindian ang imbitasyon niya. Gustung-gusto ko siyang makita at mayakap.

And so, nag-commit ako to see him around 4 pm.

He gave me directions to his place. Pero dahil hindi ako familiar sa mga landmark na sinasabi niya, I asked him na i-meet niya na lang ako sa Jollibee sa kanto ng kalye nila. Nag-agree siya. Ang usapan namin, I will text or call him kapag nasa Jollibee na ako.

After lunch, excited akong nag-prepare para makipagkita sa kanya.

***

“Nandito na ako sa Jollibee,” ang text ko kaagad pagdating ko. I was ten minutes early.

No reply. So, tumawag ako.

Nag-ring ang phone niya. Hinintay kong sagutin niya. Pero ang narinig ko ay: The subscriber cannot be reached.

Inulit ko. Boses pa rin ng friendly operator ang narinig ko.

Inisip ko, baka nakatulog siya. Puyat din kasi siya kagabi. Pagod pa sa biyahe.

I pressed redial, hoping na magigising siya sa ring ng phone. But still, he did not pick up.

Nag-text ako: “Hintay kita rito sa Jollibee.”

Pumila ako sa counter. Bumili muna ako ng kahit ano para hindi naman nakakahiyang makiupo habang naghihintay.

Pag-upo ko with my food, tinawagan ko uli siya pero hindi pa rin sumasagot.

Nagsimula na akong maging uncomfortable. Okay, mainis. Pinapunta niya ako tapos ngayong nasa meeting place na ako, hindi ko siya ma-contact. Nakakainis, di ba?

I texted him again: “Am here na at Jollibee. Bakit di ka sagot sa call ko? Am waiting.”

Nagsimula akong kumain. Dahan-dahan lang para puwede akong magtagal.

Patingin-tingin ako sa aking phone. Nagsisimula na akong mainip.

Nangangalahati na ako sa kinakain ko nang mag-ring ang phone ko.

It was him.

“Hey,” ang sagot ko. Parang pinalis ang inis at inip ko.

“I am sorry, I cannot meet you now.”

“What?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Nandito ang boyfriend ko.”

I was jolted with disbelief. “Akala ko, break na kayo.”

“Ex-boyfriend, I mean.”

May pagpupuyos akong naramdaman.“Bakit siya nandiyan?”

“Bigla siyang dumating.”

Hindi ko alam ang sasabihin, I was trying to get hold of myself.

“I am sorry… This is a difficult situation for me.”

“Ano ang sadya niya sa’yo?”

“Gusto niyang mag-usap kami.”

“Bakit? Tungkol saan?”

“Gusto niyang makipagbalikan.”

***

Lumabas ako ng Jollibee na mabibigat ang aking mga hakbang. Ang sama-sama ng loob ko.

Wala sa sarili na sumakay ako ng jeep. Pagdating sa Taft, bumaba ako at sumakay ng bus. Occupied ako ng malalim na pag-iisip. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nakarating ako ng MOA. Naglakad ako nang walang direksiyon, trying to make sense of what has happened.

Dinala ako ng aking mga paa sa may tabing-dagat sa likod ng mall. Gusto ko sanang umupo sa breakwater at tumanaw sa dagat habang papalubog ang araw pero napaka-cinematic naman nun kaya naglakad-lakad na lang ako. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga lovers na naglalakad-lakad din, magka-holding hands at sweet na sweet.

Nakaramdam ako ng inggit at lungkot. Ganun lang ba yun? Hanggang dito na lang? Whatever happened to my trick of fate? Akala ko pa naman, siya na… I felt so crushed.

Hurt ako but I did not want to feel sorry for myself. Instead, pinagalitan ko ang aking sarili: Ikaw kasi, alam mo nang may sabit, pinatulan mo pa. At ni-reassure: Marami namang nagkakagusto sa’yo, ikaw lang ang ayaw. At pinaalalahanan: Mahalin mo ang sarili mo para ok ka lang kahit walang magmahal sa’yo.

Muli akong bumalik sa mall na self-love ang nasa isip ko.

Pumasok ako sa Body Shop. Bumili ako ng facial wash at eye cream. Pati concealer na after-thought lang kasi nang mapatingin ako sa salamin, napansin ko ang aking dark circles (or rather ang lungkot sa mga mata ko na gusto kong ikubli). I felt better paglabas ko ng store bitbit ang mga pampaganda.

Tumuloy ako sa Blue Soda. Nakita ko na marami silang bago. Nagsukat ako nang nagsukat hanggang sa matagpuan ko ang perfect shirt para sa akin.

Hinagod ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng salamin. My God, you’re so beautiful, ang bulong ko. Matagal kong in-admire ang aking reflection. Na-imagine ko na suot ko ang shirt sa Malate. Sa Sabado, babalik uli ako sa Malate. Sasayaw uli ako sa ledge. Magbibilang uli ako ng boys na mahahalikan...

I decided to buy the shirt.

Palabas ako ng fitting room para magbayad sa counter nang mag-ring ang aking phone.

May pumitlag sa aking dibdib nang makita ko kung sino ang tumatawag. Nag-atubili akong sagutin pero sinagot ko pa rin.

“Hello…” Pigil ang emosyon sa aking boses.

“Aris, I’m sorry…”

Hindi ako sumagot.

“Hindi pa ako handa na pagharapin kayo. Ikaw ang iniisip ko.”

Tahimik lang ako.

“Ayaw kitang idamay sa problema namin.”

Parang may pagbabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.

“Nag-usap na kami… at nagkaintindihan.”

Inaasahan ko na ang bombshell: Kami na uli. I am sorry, Aris, pinaglaruan lang kita. Goodbye.

“Hindi naging mahirap sa akin ang magdesisyon…” ang patuloy niya.

Nasa harap na ako ng cashier, inabot ko ang shirt na bibilhin ko.

“Tuluyan na akong nakipaghiwalay sa kanya.”

Sir, that will be 899.95.

“Ikaw ang pinili ko.”

Sir, cash or charge?

“Aris, ikaw ang mahal ko.”

Sir…?

“Nasaan ka? Pupuntahan kita.”

Ibinigay ko ang credit card ko sa cashier.

“MOA,” I managed to say.

“Hintayin mo ako. Darating ako.”

Sinwipe ng cashier ang card ko.

“I love you and I don’t want to lose you.”

Hindi ko napigilan ang maiyak.

“Sir, are you ok?” ang tanong sa akin ng cashier.

“Yeah.” Ngumiti ako sabay pahid ng luha.

Inabot niya sa akin ang pipirmahan ko.

“Masaya lang ako,” ang sabi ko.

Thursday, November 5, 2009

Trick Or Treat

Dagsa ang tao sa Malate last Saturday para sa Halloween/Black Party.

The line to Bed was long and winding. Buti na lang hindi na kami pumila kasi nagpa-stamp na kami bago uminom sa Silya.

Out-of-stock pa rin ang Strong Ice at dahil hindi ako tinatamaan sa San Mig Light, nag-Red Horse ako. At dahil hindi ko ma-handle ang Red Horse, lasing ako nang pumasok sa Bed.

In full swing na ang party at sobrang siksikan. Agad kaming nagkahiwa-hiwalay at nagkawalaan ng aking mga kaibigan.

Nagpa-sober muna ako sa isang sulok habang nakikipag-kissing sa isang bagets. Ayaw niyang sumayaw sa ledge kaya iniwan ko siya at umakyat akong mag-isa.

Dahil lasing pa rin, high na high ako. I was feeling flirty kaya kung kani-kanino ako nakipagsayaw. At nakipag-kiss.

May tumapik sa akin habang nakikipag-landian ako sa isang cutie.

“Layuan mo siya,” ang sabi. He was tall, lean and shirtless.

“Huh?”

“Boyfriend ko siya.”

“Oh, I’m sorry,” ang sabi ko sabay bitiw kay cutie.

And then, I moved away. Nagpatuloy ako sa pagsasayaw na parang walang nangyari.

“Hey,” may bumati sa akin. Familiar face.

“Hey,” ang bati ko rin pero hindi ko maalala ang pangalan niya.

“Nag-sex na tayo,” ang sabi. “Mga four years ago.” Ang tagal na nun.

“Nagkakilala tayo sa Bath,” ang dugtong pa. Ang tagal nang nagsara ng Bath! Pero dahil sa sinabi niya, bigla ko siyang naalala. At naalala ko rin na may ipagmamalaki siya. Naging interesado uli ako sa kanya.

“Oh, hi,” ang sabi ko, nakangiti. “Wanna do it again?”

“No, hindi na pwede…”

“But why?” Bumalot ang braso ko sa baywang niya.

Nakipaghalikan muna siya sa akin bago sumagot.

“May boyfriend na ako. Kasama ko ngayon. Nag-CR lang.”

Para akong biglang napaso sa pagkakahawak sa kanya.

***

May boyfriend na ako.

Sanay na ako sa punchline na ‘yan. Sanay na ako na may makikilala, makaka-kissing o makaka-sex at pagkatapos saka magsasabi na taken na siya.

Pero si Jay, inamin niya kaagad sa akin pagkatapos ng hi and hello.

Nagkakilala kami sa pila ng restroom sa Silya noong umaga na.

He was so cute. Kaya hindi ko napigilan ang aking sarili. Nginitian ko siya at kinausap.

Dahil wala na akong masabi, tinanong ko ang kanyang relationship status.

“May boyfriend na ako,” ang sabi niya.

Hindi na ako nagulat.

“Sayang,” ang sabi ko. “Gusto pa naman kita.”

Siya ang parang nagulat.

Hinagod ko ng tingin ang napakaganda niyang mukha.

Tinitigan ko siya. Sinalubong niya ang aking mga mata.

Unti-unting naglapit ang aming mga mukha. Nagtagpo at naglapat ang aming mga labi.

Nagsalo kami sa isang mainit na halik. Parang huminto ang mundo. Napapikit ako habang nilalasap ang kanyang matamis na bibig.

Kinurot ako ng bestfriend kong si Ace na nasa likuran ko. Saka lang ako parang natauhan. Bumitiw ako kay Jay at napatingin ako sa mga taong nakapila sa restroom. They were smiling.

Mabilisan kaming nag-exchange number ni Jay.

Hinila na ako ni Ace.

“Teka, gurl, magbabanyo pa tayo,” ang protesta ko.

“Doon na tayo sa kabila magbanyo, malandi ka,” ang sabi ni Ace.

“Bye, Jay,” ang sabi ko. “Text me.”

***

Dahil sobrang dami ng tao sa Silya nang umagang iyon, sa McDo kami nag-almusal ng barkada.

I was halfway with my Big Breakfast nang tumunog ang aking phone.

Lumukso ang puso ko nang makita ko na siya ang tumatawag.

“Hello… Jay.”

“Nasaan ka?”

“Here at McDo Pedro Gil. Ikaw?”

“Andito sa Taft. Naghiwa-hiwalay na kami ng mga kasama ko.”

“Wanna come over and join us?” ang yaya ko.

“Ok lang ba?”

“Yeah.”

“Actually, I was thinking… Puwede ba akong sumama sa’yo?”

“Ha?”

“Ayoko pa kasing umuwi.”

Hindi na ako nag-isip pa. “Yeah, sure.”

“I want to sleep with you,” ang prangkang sabi niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. Na-excite ako.

“What about your boyfriend?” ang tanong ko.

“What about him?” ang balik-tanong niya.

“Oh, nothing,” ang sagot ko. “Of course, you can sleep with me.” Sorry, pero hindi ako santo.

Pagkalipas ng ilang minuto, dumating siya.

Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga friends ko.

Pinaupo ko siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa hita ko.

Napangiti ako.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Post-Halloween, nagkaroon ako ng trick. Or treat.