Thursday, August 26, 2010

Inagaw Na Ligaya

Nagkakilala kami sa madilim na sinehan.

Kasagsagan iyon ng aking pamumukadkad. Mapangahas kong tinutuklas ang mga misteryo ng aking seksuwalidad.

At dahil matangkad siya, maputi at angelic face… at dahil napakabango niya at halos hindi magtagpo ang hinlalaki at hinlalato ko nang magpahawak siya… bumigay ako at kaagad na sumama sa kanyang pagyayaya.

Dinala niya ako sa isang cheap na motel.

Halos manginig ako sa excitement habang nagtatanggal kami ng damit. Napasinghap ako nang mamalas ko ang kanyang kahubdan.

Ang hahaba ng kanyang biyas. Napakakinis ng kanyang balat. Napaka-lean niya at napakatikas. Siya ang imahe ng lalaking laman ng aking pangarap.

Humiga kami at nagdaop ang aming mga katawan. Nagyakap kami at naghalikan. Nagsalubong ang aming mga kaselanan.

Nagsimula kaming magniig. Maigting at puno ng pananabik. Naglakbay kami paakyat sa seventh heaven.

At nang iyon ay aming marating, halos hindi maampat-ampat ang pagsirit ng luwalhati.

Paghupa ng init, humarap siya sa akin. May tenderness sa kanyang mga titig.

Hinaplos-haplos niya ako at muling binalot ng kanyang mga bisig.

“Naniniwala ka ba sa destiny?” ang tanong niya sa akin.

***

“Palagay ko, natagpuan ko na ang matagal ko nang hinahanap,” ang sabi niya.

“Ano yun?” ang tanong ko.

“Ang destiny ko. Ang taong mamahalin ko.”

“Sino yun?”

“Ikaw yun.”

“Ows?”

“Masaya ka ba na nagkakilala tayo?”

“Masayang-masaya.”

“Maaari ba uli tayong magkita? At magkasama?”

“Palagay ko, iyon ang destiny nating dalawa.”

Ginagap niya ang kamay ko at nag-usap ang aming mga mata.

***

“Miss na kaagad kita,” ang text niya sa akin nang ako ay nasa jeep na.

High na high ang puso ko. Kaagad akong nag-type ng reply. Iniwas ko pa ang celfone ko sa lalaking katabi ko na parang nakikiusyuso.

“Miss din kita. Kailan tayo muling magkiki...”

SNAP!

Biglang naglaho ang celfone sa kamay ko. Inagaw ng lalaking katabi ko.

Bago pa ako nakapag-react, nakatalon na ang lalaki sa jeep at mabilis na nakatakbo.

“Ay! Snatcher! Snatcher!” ang tili ng babae sa harapan ko.

Pero huli na ang lahat. Naiwan akong in shock at hindi makakibo.

Ang number niya, hindi ko namemorya. Paano ko pa siya makokontak?

Nanlumo ako at parang gusto kong maiyak.

Kung kailan nakilala ko na ang perfect na lalaki para sa akin… Kung kailan natagpuan ko na ang magmamahal sa akin…

Ilang ulit din akong nagpabalik-balik sa sinehang iyon subalit hindi ko na siya muling nakita.

Hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko pa rin siya.

43 comments:

  1. Oh Fuck! inagaw na ligaya talaga.
    pero teka muna asan ang chances 5

    ReplyDelete
  2. Ang major, major lungkot. :(

    ReplyDelete
  3. Ang lungkot naman nito. Good luck sa iyong paghahanap! :)

    ReplyDelete
  4. @jinjiruks: true story, sir jeff. :)

    @akosimiguel: thank you, miguel. :)

    @orally: as in literal talagang inagaw. hehe! ginagawa ko pa ang karugtong ng chances. singit lang ito. :)

    @anonymous: as in major, major na sayang. :)

    @ms. chuniverse: kapag natagpuan ko siyang muli. :)

    @caloy: malay natin, baka muli pa ring mag-krus ang landas namin. :)

    ReplyDelete
  5. Aw... pero yun nga Aris, dba sabe nya, kugn naniniwala ka sa destiny, and you said yes? ddestiny will make a way para magtagpo kayo ulit..:)

    ReplyDelete
  6. @nicos: sana nga, my friend. sana nga destined to be kami. :)

    @john chen: thank you, john. *blush* :)

    ReplyDelete
  7. Naiwan akong in shock

    ang cute ng litanya! hahaha. sayang naman ang phone. marami namang boys dyan. sa phone ako nanghihinayang. hahaha

    ReplyDelete
  8. @nimmy: sayang din ang kanyang "phone". hahaha! :)

    ReplyDelete
  9. wow. gusto ko din sanang magsulat ng ganito eh. HAHAHA. kelan kaya ang susunod? :))

    ReplyDelete
  10. @iskang sabaw: hello. sulat lang nang sulat, gurl. hehe! sige, magkukuwento uli ako ng iba pang mga karanasan na kahawig nito. maraming salamat nga pala sa follow, sa pagbisita na rin at sa comment. ingat always. :)

    ReplyDelete
  11. walang anuman. maganda kasi kung marami kang paghuhugutan ng inspirasyon at opinyon sa pagsulat. sa ngayon, pangarap na muna ang sumulat ng ganitong lathalain. HAHAHA. saka na...pag kaya ko na ;)

    http://iskangsabaw.blogspot.com/

    ReplyDelete
  12. @iskang sabaw: read your latest post. wow, ang galing mong magsulat! diyan naman ako sa essay hindi masyadong sanay. hehe! :)

    ReplyDelete
  13. bakit ba kinukuha ng mga snatcher pati ang happiness natin? haha

    ReplyDelete
  14. @arkin: korekness. sana nagpaalam na lang siya sa akin para natanggal ko muna yung sim. charoz! :)

    ReplyDelete
  15. awwwww! sayang naman, friend. pero malay mo, destiny will be destiny at baka magkasalubong ulit kayo.

    ReplyDelete
  16. @mike: sana nga, friend. pero matagal-tagal na rin akong naghihintay. :)

    ReplyDelete
  17. Well, I'll be damned. So this is a real story, eh? NAMANNNNN!!!!

    ReplyDelete
  18. @lasherations: kainis noh? ang dami namang ibang pagkakataon, noong time pa na iyon nangyari. thanks for dropping by. :)

    ReplyDelete
  19. siyet naramdamanm ko ang panlulumo mo!hinayupak na snatcher un!!!

    sayang naman...

    ReplyDelete
  20. hey no probs! been a fan of your blog for a long time. matter of fact you are in my blogroll. ;-)

    ReplyDelete
  21. @mac callister: sinabi mo pa. oh well, mapagbiro talaga ang tadhana. :)

    @lasherations: nasa blog roll na rin kita. thanks again. tc always. :)

    ReplyDelete
  22. sobrang naiinggit akoooo! well kahit dinekwat yung phone mo. si destiny na bahala sa inyo :-) well done

    ReplyDelete
  23. buhay pa po ba si Inday Badiday?

    baka pwede siya makatulong

    ReplyDelete
  24. @c.c.: hello. welcome to my blog. sana nga hindi nakakalimot si destiny. salamat. tc. :)

    @promking: oo nga noh? di ko naisipan yan. ang manawagan sa radyo at tv. hehe! :)

    ReplyDelete
  25. ako si snatcher!..... hehehe

    ReplyDelete
  26. Ang sad. :-(

    Pero kung nakatadhana talaga kayo para sa isa't isa... magkikita kayo ulit... Kahit gaano pa ito katagal. Yun nga lang, hidni natin alam kung anu ngaba ang destiny niyo or purpose para sa isa't isa. Kayo ba talaga? O may iba pang bagay na dapat mangyari?

    ReplyDelete
  27. ok na yun kesa naman yung nameet mong guy ang nagnakaw ng cp mo :)
    pasalamat ka parin...

    i hope you could find him somewhere, somehow...

    ReplyDelete
  28. @rex: siguro tinext mo siya at kayo nang dalawa ngayon. hehe! :)

    @canonista: minsan naiisip ko, baka wala namang ibig sabihin yun. baka biniro lang ako ng tadhana. pero tama ka, may purpose yun at malalaman ko rin kung ano yun. :)

    @wandering commuter: na-miss din kita, friend. :)

    @ewan: oo nga ano? mas mahirap kung siya yung magnanakaw. mas masakit yun. hehe! :)

    ReplyDelete
  29. arrrghhh! maasisiraan cguro ako ng bait pag saken nangyari yan LOL..that's very frustrating! :P

    ReplyDelete
  30. nang bumaba ang anghel sa lupa at sa dinami dami ng tao sa mundo, ikaw a ng napili niya.

    minsan mo lang natikman ang kanyang nga labi ngunit ang minsan na iyon ay maaring maging habambuhay, hindi mo man siya makita, sa alaala mo nandoon siya.

    malay mo, sa mga araw na susunod, pagtagpuin ulit kayo ng tadhana.

    ReplyDelete
  31. hala so sad naman. tsk! uy Aris, ala na bang karugtong yung chances? busy busyhan na ako kaya di na ako masyadong maka-update dito :D

    ReplyDelete
  32. @soltero: oo nga. isang bagay na wala ka talagang magagawa kundi ang maghintay at umasa na muli kayong pagtatagpuin ng pagkakataon. :)

    @the geek: hanggang ngayon, nasa alaala ko pa rin siya. kung biro man iyon ng tadhana, tanggap ko na. pero patuloy pa rin akong umaasa. :)

    @bjoy: hello, gurl. nakapost na ang chances 5. pinagtiyagaan kong tapusin kagabi para sa'yo. say mo? enjoy! :)

    ReplyDelete
  33. @al: iniisip ko na lang, baka meron pang iba na mas higit sa kanya. hehe! :)

    ReplyDelete
  34. hmmmp! ang malas naman.... eh panu kaya kau magkikita nyan...?

    ReplyDelete
  35. @xavier randol: wala na. lost na. kainis nga eh. *sigh!*

    ReplyDelete
  36. sayang naman, sana makakilala in ako ng ganun tao san ba ung sinihan na un kuya aris

    ReplyDelete
  37. Na-shock rin ako awww... napakahusay na paglalahad at nakakatuwa ang titulo hehe.

    ReplyDelete