Friday, February 11, 2011

Face 2 Face | M2M

Nagkaroon ako ng pagkakataong mapanood kanina ang episode ng “Face-To-Face” na may pamagat na “Unico Hijo, Lalaki Ang Gusto?!”. Unwittingly, naging “sawsawero” ako sa programa ni Tiyang Amy dahil interesante ang kuwento.

***

Biyuda si Aling Josie at may nag-iisang anak, si Jessie. Jessie is a fine young man. Mabait, matino, may girlfriend. Tahimik ang buhay nila hanggang sa dumating at manirahan sa kanilang lugar ang magkapatid na Clyde at Chuck na naging mga kaibigan ni Jessie.

Isang gabi nagkaroon ng kasayahan sa bahay nina Clyde at Chuck. Siyempre imbitado si Jessie at ang iba pang mga kabataan sa kanilang lugar, kabilang na si April na kapatid ng girlfriend ni Jessie na si Venus.

Habang nag-iinuman, napansin ni April ang pagiging masyadong malapit sa isa't isa nina Jessie at Clyde. Nag-aakbayan, laging magkatabi, may papatong-patong pa ng kamay sa hita. Nang magkalasingan, nahuli niyang naghahalikan ang dalawa. Shocked si April at dahil pakiramdam niya napagtaksilan si Venus, kaagad siyang nagsumbong kay Aling Josie.

Kinumpronta ni Aling Josie si Jessie. Na nauwi sa matinding pag-aaway ng mag-ina. Lumayas si Jessie at nakituloy kina Clyde.

***

Sa kanilang paghaharap sa programa, inamin ni Jessie sa kanyang ina (at sa audience) na totoo, may relasyon sila ni Clyde kahit na noong una ay itinatanggi niya ito. Puno ng hinagpis si Aling Josie dahil hindi niya ito matanggap.

Upang higit na paigtingin ang pag-uusap, isa-isang tinawag sa entablado ang iba pang mga tauhang sangkot sa kuwento: si April na siyang nakatuklas at nagsumbong, si Venus na girlfriend ni Jessie, at higit sa lahat si Clyde na sinasabing karelasyon ni Jessie, kasama ang kapatid nitong si Chuck.

Guwapo si Clyde at mukhang disente. At kahit galit na galit sa kanya si Aling Josie, buong ningning niya ring inamin na totoo, nagmamahalan sila ni Jessie. Ang relasyon nila ay alam ng kanyang straight na kapatid na si Chuck at supportive ito sa kanila.

Sa panig ni Venus, tanggap na niya kung ano si Jessie. Naiintindihan niya ang boyfriend at ang sabi niya pa nga habang lumuluha: “Pinalalaya na kita.”

Nag-sorry si Jessie kay Venus at sa kanyang ina. Ang sabi: “Nagpapakatotoo lang ako sa aking sarili.” Nakiusap siya sa kanyang ina na sana unawain siya nito, na sana tanggaping muli dahil gusto niya pa ring gampanan ang kanyang tungkulin bilang anak.

Nagyakap ang mag-ina at nag-iyakan.

Marami ang napaluha sa audience. Pati na ako.

***

Refreshing na makita ang maluwag na pagtanggap ng mga tao sa relasyon nina Jessie at Clyde. Nang tanungin ang audience kung kanino sila kampi – kay Jessie o kay Aling Josie, marami ang pumanig kay Jessie. Na ang ibig sabihin, bukas na ang isipan ng nakararami sa realidad ng pag-iibigan ng dalawang lalaki.

Wala ring pagkondena na narinig mula sa lupon ng mga tagapayo na kinabibilangan ng isang abogada, psychologist at pari (o pastor?). Nagkakaisa sila na sa ganitong sitwasyon, ang pinakamahalagang manaig ay pang-unawa, pagtanggap at pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak maging sino o ano man siya.

Para sa akin, ang kuwento ng pag-iibigan nina Jessie at Clyde ay perfect for Valentines. Pag-iibigan na ipinaglaban at hindi ikinahiyang ipagsigawan.

Sana maging matatag at matagumpay sila.

***

P.S.
I found the YouTube uploads. Thanks to Eratam100. Here are the links. Enjoy!
Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6

33 comments:

  1. aha! napanood ko rin ayn bago ako pumasok ng opis kanina.. hehe

    Sa ngayon hindi naman na big deal ang mga ganyang relasyon.. mas mabuting tanggapin na lang nila at irespeto ang bawat tao para magkaroon ng harmonious life ang bawat isa :))

    follow lang kita :p

    ReplyDelete
  2. papanuorin ko replay nito... hehehe...

    sa tingin ko nagkaka-isa naman tayo kung ano ang pagmamahal, nagkakatalo na lang kapag binigyan na natin ito ng mukha...

    ReplyDelete
  3. Aris, may replay ba yan? hehehe! gusto kong panoorin.

    ReplyDelete
  4. AWWWWW!!!!!!!!! gusto ko siya panuodin sa yoouttubeeeee... interesting ah.... :D

    buti ka pa...

    ReplyDelete
  5. Kanina lang 'to? May replay kaya? Gusto kong mapanood!

    Thanks for blogging about it.

    ReplyDelete
  6. hey hey hey.. aris kelan yang episode na yan? gusto ko kasi panuodin... hahanapin ko sa youtube lol :D

    salamat :D

    ReplyDelete
  7. @kristiamaldita: korek na korek ka jan, friend. thanks a lot for following my blog. :)

    @kaloy, ms. chuniverse, egg, j: nahanap ko ang youtube upload. check the lower portion of my post. nandun ang links. enjoy! :)

    ReplyDelete
  8. tenk yu sa link aris!!!!!!!! yes!! at yehey lol

    ReplyDelete
  9. friends na tayo? hehe..

    thanks din for following back.. ;)

    ReplyDelete
  10. @aris - Napanood ko din. Hindi natiis at sinearch talaga, wala kasing replay tonight.

    Sa ibang site ko sya napanood, pero embedded din lang ung videos from, I guess, the same youtube links you put up. Hehe. Ise-send ko sana ung link sa 'yo, kaso nagutom kaya kumain muna ako. :D

    Here's the link anyways:
    http://mytvnatinto.blogspot.com/2011/02/21111-face-to-face-unico-hijo-lalaki.html

    ReplyDelete
  11. papanuorin ko 'to this weekend! thanks for sharing Aris! mwah!

    happy weekend. :D

    ReplyDelete
  12. story is nice pero talagang skeptical about people who go on shows like these... lalo na mga Pinoy... parang wala sa nature natin na kimkimin ang sama ng loob at ilabas on cue

    ReplyDelete
  13. At pinanood ko talaga from beginning 'til the end sa You TUbe. One positive note is the discussion and the acceptance of the audience and the persons concerned of the sexual orientation of Jessie. Whether he is truly loved by Clyde or not (it depends on our point of view) is beside the point I'm making. It suffices that in a way, the Filipino audience is shown why Jessie and all PLU are worthy of understanding, respect and love.

    ReplyDelete
  14. Napanuod ko din to kanina. I like this episode kasi walang negative na sinabi yung priest/pastor tungkol sa pagiging bading.

    ReplyDelete
  15. eto lang ang masasabi ko. SIK SIK LIG LIG UMAAPAW. hhahahahaha

    ReplyDelete
  16. very... very ... VERY WELL WRITTEN!!!

    kilig na tagos hanggang balun-balunan...


    kudos!

    ReplyDelete
  17. thanks!! papanoorin ko talaga pag-uwi ko sa bahay.
    .
    .
    kaya lang maiinggit na naman ako..letse...naghuhumiyaw pa naman ang SINGLE stat ko, bwehehe.

    ReplyDelete
  18. Interesting
    Thanks for the links Aris

    ReplyDelete
  19. friend thanks for the links. lam mo naman di umaabot dito si tita amy.

    misshuuuuuu fwend

    ReplyDelete
  20. dahil sa post mo, first time kong nakapanuod ng face to face. hehehe

    kahit medyo bitin, at least may effort mag explain ang show... hehe

    ReplyDelete
  21. I like! Kelan naman kaya ang eksena ko na aamin at tatanggapin ako nina mudrax at pudrax? Hehehe

    ReplyDelete
  22. Hehe. Natuwa ako kasi merong ganitong episode na lumabas. Kasi just last week, I posted entries on my blog talking about the same, or a bit similar issue. Your readers might want to check it out. Here are the links.

    PART 1
    http://stories-out-of-inkblots.blogspot.com/2011/02/face-to-face-i-cant-smile-without-you.html

    PART 2
    http://stories-out-of-inkblots.blogspot.com/2011/02/face-to-face-adam-or-eve.html

    ReplyDelete
  23. aris, mukhang inspiring. thanks for the link. i-broadcast message ko kaya sa aking mga kamag-anakan and friends haha! papanoorin ko mamaya.

    ReplyDelete
  24. Kuya Aris, napanood mo na ba yung Thai Film na "A Little Thing called Love"? Nirerecommend ko po yun na panoorin mo tapus sana po makagawa kayo ng movie review at mga pictures ni Mario Maurer, suggestion lang po, I'm sure hindi po kayo magsisisi na panoorin, sana nga po maigrant niyo yung request ko. Thanks po! Keep up the good work!

    ReplyDelete
  25. sayang hindi ko napanood.. seriously i'm impressed with their relationship kahit may nasaktan silang ibang tao..i'm happy for them..
    visit me back at my blog.. exchange lilnks.. thanks..

    ReplyDelete
  26. ayan, papanoorin ko nga iyan... dito sa ofc ngayon! hahaha :P

    ReplyDelete
  27. wow..malaya na sila...


    sana ung iba katulad ni jesie ay matanggap din ng mga magulang nila...

    ReplyDelete
  28. I don't usually watch this show but this episode really touched me and made me cry.

    ReplyDelete
  29. Kamukha ni Clyde si Clint Jun Gamboa of American Idol.

    ReplyDelete
  30. naks ang ganda naman ng post na to.. Follow ko tong blog na to. Nakakaaliw mga post. :) Keep posting bro. :)

    ReplyDelete
  31. @ardent1: welcome to my blog. salamat nang marami. sana dalaw ka palagi. :)

    ReplyDelete