Saturday, January 22, 2011

Dove 12

“Thank you for calling CT Bank. This is Anton. How may I help you?”

Parang hindi pa rin ako makapaniwala kapag binibigkas ko ang mga salitang iyon. Gayundin kapag pinagmamasdan ko ang aking sarili at ang bago kong kapaligiran. Maayos. Malinis. Disente. Malayong-malayo sa kung ano ako at kung nasaan ako four months ago.

Four months. Maiksing panahon pero mahabang biyahe para maitawid ko ang aking sarili sa desperasyon. At hindi iyon naging madali dahil sa hopelessness at broken heart.

Pero nagawa ko. Sa tulong nina Richard at Dan. Lalong-lalo na ni Dan na hinayaan muna akong mag-wallow sa lungkot bago hinimok na bigyan ng bagong direksiyon ang aking buhay. Ang sabi nga, when you are down, there’s no other way to go but up. Kaya nang masaid at masagad ako, I just decided to pick myself up and do a turn-around.

Una kong ginawa, nag-quit muna ako sa pag-aaral. Mas makabubuting wala akong extra baggage. Trabaho. Iyon ang kailangan ko upang makapagsimulang muli. Trabahong ang pupuhunanin ko ay kakayahan, hindi katawan.

Ideya ni Richard ang call center. College level naman daw ako at mahilig mag-english. At dahil pareho silang naniniwala ni Dan na kaya ko, iyon ang pinagpursigihan ko.

Nag-apply ako at natanggap. Sumailalim ako sa training at napagtagumpayan kong i-overcome ang self-doubts. Nagkaroon ako ng bagong pag-asa at tiwala sa sarili. Natuwa ako na malaki ang suweldo. Makakapamuhay ako nang maayos. Makakapag-ipon. Maa-afford ko pa rin ang single room sa boarding house. In time, muli kong maipagpapatuloy ang aking pag-aaral.

Nagmistulang isang pangit na panaginip na lamang ang aking nakaraan na gusto kong kalimutan. Subalit hindi ang mga alaala ni Gilbert. Masakit man ang aming kinahinatnan, gusto ko pa ring manatili iyon sa aking puso upang bigyang-saysay ang pagharap ko sa bagong kabanata ng aking buhay. Patuloy ko pa rin siyang iniibig at hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, muli siyang magbabalik. Ipinangako ko sa aking sarili ang maghintay. No matter how long it takes.

Nang araw na iyon, walang-wala sa aking hinuha na doon na pala magtatapos ang aking paghihintay.

“I would just like to clarify a few things regarding my account,” ang sabi ng nasa kabilang linya.

“Yes, sir. Can I have your name please?”

“Gilbert. Gilbert Garcia.”

Parang biglang huminto ang aking puso. Para akong nabingi at napipi. Parang nag-shut-off ang lahat sa paligid ko.

“Hello? Are you still there?”

Ang tinig na iyon. Hindi ako maaring magkamali.

After four months… ang pinakaasam kong pagkakataon…

“Gilbert…” ang nagawa kong sabihin pagkaraan ng ilang segundo. “Ako ito… si Anton.”

***

Isang pagtitiyap ng tadhana. A one in a million chance. Okay, exaggeration. Pero parang ganoon na rin ang kahulugan niyon sa akin dahil sa dinami-dami ng agents na nasa floor nang mga sandaling iyon, sa akin pumasok ang kanyang call. Isang mapagpalang kamay ang tiyak na nag-guide ng pangyayaring iyon.

“Ako si Anton,” ang ulit ko. “Si Mark.”

Hindi man siya tumugon, naulinigan ko ang pigil na singhap ng pagkagulat at rekognisyon.

“Dito na ako nagtatrabaho,” ang patuloy ko, kesehodang naka-record ang conversation namin. “Hindi nasayang ang mga ginawa mo para sa akin noon. Kahit nawala ka, naituwid ko pa rin ang buhay ko. Ginawa ko ito hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa’yo.”

Tahimik siya.

“Gilbert, I need to see you. Kailangan nating mag-usap.”

I was half-expecting na ibababa niya ang telepono subalit nanatiling nakabukas ang linya. Nakikinig lang siya sa akin, dinig ko ang kanyang paghinga.

“Kailangan kong magpaliwanag sa’yo at humingi ng tawad.”

Tahimik pa rin siya.

“Gilbert, please…” ang samo ko. “Galit ka pa ba sa akin?”

Walang tugon maliban sa isang buntonghininga.

Nawawalan na ako ng pag-asa at parang gusto ko nang gumive-up at maiyak nang siya ay magsalita.

“Hanggang anong oras ang shift mo?”

***

Sa liwanag ng sumisikat na araw habang ako ay nasa isang sulok ng coffee shop, nakita ko siyang paparating. Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan habang papalapit sa akin. Mas matindi ang pananabik na aking nadama kaysa tuwa. Pinigil ko ang aking sarili upang siya ay salubungin at yakapin. Nanatili akong nakaupo, nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung nakangiti ako pero ang tiyak ko, mangha ako. Noon ko lang lubusang napagtanto kung gaano siya kakisig, higit sa imahe na nanatili sa aking isip.

Naupo siya sa harapan ko. Sinubukan kong salubungin ang kanyang mga mata subalit labis na makapangyarihan ang kanyang titig. Para akong whipped cream na nagsimulang matunaw sa iniinom kong frappe. Nagbaba ako ng paningin.

“Kumusta ka na?” ang narinig kong sabi niya.

Nag-angat ako ng mukha at nakita kong nakangiti siya.

Ngumiti rin ako sabay sa pagbalong ng luha sa aking mga mata. Nag-uumapaw ang emosyon sa aking dibdib na hindi ko mapigil.

“Bakit ka umiiyak?” ang kanyang tanong.

“Hindi ko alam. Masyado lang siguro akong overwhelmed,” ang aking sagot.

Pinahid niya ang luhang dumaloy sa aking pisngi.

“Huwag ka nang umiyak,” ang sabi niya.

Napasigok ako dahil sa pagpipigil. Nakakahiya subalit nagsisikip talaga ang aking dibdib.

“Gilbert, I’m sorry,” ang sabi ko pagkaraan ng ilang sandali matapos kong i-compose ang aking sarili.

Nakatingin lang siya sa akin.

“Pinagsisisihan ko ang aking ginawa dahil alam kong nasaktan kita. I just didn’t want to burden you with…”

Dinala niya sa aking mga labi ang kanyang daliri.

“Ssshh. Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Sinabi na sa akin ni Dan ang lahat. Naiintindihan ko na.”

Muling namasa sa luha ang aking mga mata.

“Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Napatunayan mo na kung ano ang iyong hangarin.”

“Gilbert…”

Hinawakan niya ang aking kamay. Nadama ko ang init ng kanyang palad na kaagad dumaloy sa aking braso at tumuloy sa aking puso.

“Ako ang patawarin mo dahil hinusgahan kita,” ang sabi niya. “Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon dahil hindi ko kayang mawala ka sa akin.”

***

Pagkaraan ng mahabang panahon, muli akong tumapak sa Malate. Habang naglalakad sa kahabaan ng Nakpil, nanumbalik ang mga alaala ng aking nakaraan. Subalit wala akong pait na naramdaman o pagwawaksi man, dahil bahagi lahat iyon ng pagkatao ko ngayon.

Halos walang ipinagbago ang lugar. Masaya pa rin, sa kabila ng pagkukubli sa mga drama at personal na pakikihamok sa buhay ng bawat taong naroroon.

Nakapuwesto pa rin sa kanto ng Orosa ang suki kong vendor. Bumili ako ng isang stick ng Winston Lights at nakisindi. Nanigarilyo ako at muling pinagmasdan ang aking kapaligiran.

Patuloy ang hugos ng mga tao sa bar sa tapat. Sabay sa beat ng music ay ang mga tawanan at pingkian ng mga baso at bote ng alak. It was all too familiar. Katulad na katulad noong una kong makita si Gilbert.

“Excuse me, pwede ka ba?” Isang tinig mula sa aking likuran.

Pumihit ako at hinarap ang nagmamay-ari niyon.

“Sorry, hindi na ako nagpapa-booking,” ang sagot ko.

“Bakit? Ang guwapo mo pa naman.”

“Booked na kasi ako for life.”

“Kanino? Ang swerte naman niya.”

“Sa iyo.”

Ngumiti ako at yumakap sa kanya. Niyakap niya rin ako. Si Gilbert.

Hinawakan niya ang aking kamay. At naglakad kami patungo sa direksiyon ng Bed.

Mahaba ang pila pero sa VIP entrance kami tumuloy. Kaka-resurrect lang ng Bed pagkaraang masunog. Higit na maaliwas at maluwag sa loob.

Nagulat ako at natuwa nang makita ko sina Richard at Dan. Niyakap nila ako nang mahigpit.

Naroroon din sina Justin at Brandon na malugod din akong binati.

Dinala ako ni Gilbert sa dancefloor. He held me close, like he was afraid to lose me in the crowd.

“I love you,” ang bulong niya sa akin.

Sa tanglaw ng aandap-andap na ilaw, hinanap niya ang aking mga labi.

At pagkatapos, kami ay nagsayaw.



Wednesday, January 19, 2011

I Write Like... Really?!

Gaya-gaya kay McVie, sinubukan ko ring alamin kung sino ang kamukha kong magsulat.

Ignoring the “any text in English” instruction, nag-copy paste ako ng ilang paragraphs from a recent entry. And guess what, ito ang lumabas...

I write like
J. K. Rowling

I Write Like by Mémoires, journal software. Analyze your writing!


Wow, talaga lang, ha? I was hoping Jackie Collins. Hahaha!

Try n’yo na rin by clicking here.

Thursday, January 13, 2011

Dove 11

Dinampot ko ang roba upang ipantakip sa aking katawan at ako ay mabilis na nagtatakbo paakyat sa hagdan. Pumasok ako sa silid upang magtago, na para bang magagawa ko pa ang tumakas.

Kasunod ko si Richard na puno ng pagpapaumanhin dahil sa nangyari.

“Pare, sorry. Hindi ko sinasadya,” ang kanyang sabi.

Nagsimula akong magbihis. Napansin niya ang aking pagkabalisa.

“Bakit, may problema ba?” ang tanong niya habang tinatanggal ang kanyang maskara.

“Si Gilbert…” ang sagot ko.

“Ano ang tungkol sa kanya?”

“Nasa ibaba siya.”

“Ha?”

“Napanood niya tayo. Isa siya sa mga bisita.”

“Paano nangyari ‘yun?”

“May dapat kang malaman…”

“Ano yun?”

“Sina Gilbert at Dan… mag-ex sila!”

“Ano?” Napamulagat si Richard. “Paano mo nalaman?”

Sinabi ko ang tungkol sa litrato na nakita ko sa kuwarto… at ang pag-amin ni Gilbert nang magtanong ako. “Nang makaharap ko kanina si Dan, nakilala ko kaagad siya. Hindi lang ako sa'yo nagsalita.”

“Ang ibig mong sabihin, ang Gilbert mo at ang Gilbert ni Dan ay iisa?”

Tumango ako.

Hindi makapaniwala si Richard. “Sino ang mag-aakala...?”

“Bakit kaya pumunta si Gilbert? Ang alam ko, naghiwalay sila ni Dan na may samaan ng loob.”

“Nagkaayos na sila,” ang sabi ni Richard. “Naipakilala na nga ako nang pormal ni Dan sa kanya.”

“Paano ngayon? Ano ang gagawin ko?”

Bago niya nagawang sumagot, bumukas ang pinto ng silid. Napatda kami.

Bumungad si Gilbert. Madilim ang mukha. May galit sa mga mata.

Tinambol ng matinding kaba ang aking dibdib. Parang hindi ako makahinga.

Pasugod siyang lumapit sa akin. Natakot ako sa maaari niyang gawin. Napaurong ako.

Dinaklot niya ako sa balikat.

“Bakit mo ginawa ito?” ang sumbat niya, marahas ang tinig.

Hindi ako makapagsalita.

“Bakit patuloy mong binababoy ang sarili mo?”

Ramdam ko ang kanyang galit sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

“Bakit???” Halos yugyugin niya ako.

“Gilbert… nasasaktan ako,” ang nagawa kong sambitin.

Malakas niya akong itinulak. Napaupo ako sa kama, sindak.

“You are a big disappointment,” ang sabi niya. “Naniwala ako sa’yo… sa pangarap mo… sa pangako mo. Kaya tinulungan kita. Pero niloloko mo lang pala ako!”

“Nagkakamali ka…”

“Alam mo ba kung gaano kasakit iyon?”

“Gilbert… I’m sorry…” May pagsusumamo sa tinig ko.

“Minsan tinanong mo ako kung mahal kita. Ngayon kita sasagutin. Hindi. Hindi kita mahal. Dahil hindi ko magagawang mahalin ang isang taong walang respeto sa sarili.”

Nagsimula akong maiyak.

“Sinayang mo ang lahat… ang pagkakataong ipinagkaloob ko sa’yo. Akala ko, iba ka. Pero nagkukunwari ka lang pala. Magmula ngayon, wala ka nang aasahan sa akin. Manatili ka sa putik na kung saan ka nababagay!”

Parang tumimo sa aking puso ang masasakit na salitang iyon.

Tinangka ni Richard ang mamagitan. “Ako ang may kasalanan. Ako ang sisishin mo. Huwag si Anton.”

Binalingan siya ni Gilbert. “Hindi ka na nakuntento. Inagaw mo na sa akin si Dan. Pati si Anton, inagaw mo rin!”

Muling bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Dan.

“What’s going on?” ang kanyang tanong, taka sa kanyang dinatnan.

Wala sa aming sumagot.

Tinapunan siya ni Gilbert ng matalim na sulyap bago tumalikod at lumisan.

***

Ilang ulit ko siyang tinext pero hindi siya sumasagot.

Sa kabila ng lungkot at pagkabagabag, ipinagpasya ko munang manahimik at maghintay ng tamang panahon upang kami ay mag-usap. Kapag humupa na ang kanyang galit, saka ako magpapaliwanag at hihingi ng tawad.

Lunes, nagpunta ako sa school. Hawak ang perang ibinayad sa akin ni Dan, pumila ako sa Treasurer’s Office upang magbayad ng tuition.

Nang turn ko na, ibinigay ko ang aking pangalan sa cashier. Tsinek niya sa computer.

“Wala ka pa bang permit?” ang tanong niya sa akin.

“Miss, magbabayad pa lang ako,” ang sabi ko.

“Bayad na ang tuition mo.”

“Ha?” Nagulat ako at nagtaka. “Baka nagkakamali ka…”

Muling tumingin sa computer screen ang babae. “Alvarez, Anton, di ba?”

“Oo. Tama.”

“Bayad ka na nga. Noong Biyernes pa. Naiwala mo ba ang permit mo?”

Si Gilbert.

“Iisyuhan na lang kita ng bago.”

Parang nanuyo ang lalamunan ko. Sinaklot ako ng guilt.

Lumayo ako sa cashier’s window na tutop sa aking dibdib ang examination permit. Sa kabilang kamay, hawak ko nang mahigpit ang perang naging kapalit ng aking pagpuputa at pagkakanulo kay Gilbert.

Parang ang bigat ihakbang ng aking mga paa. Parang dinudurog ang aking puso sa panlulumo at pagsisisi.

***

At dahil hindi siya sumasagot sa text, tinawagan ko siya kahit halos wala na akong load.

The subscriber cannot be reached. Please try again later.

Pinuntahan ko siya sa condo. Kailangan naming magkausap. Kailangan kong humingi ng tawad.

Hinarang ako ng guwardiya sa lobby. “Yes, sir. Saan po ang punta nila?”

“Sa 408. Kay Architect Gilbert Garcia.”

“Sir, umalis na po si Architect Garcia.”

“Maaari ko ba siyang hintayin?”

“ Ang ibig kong sabihin, wala na po siya sa kanyang unit.”

“Anong wala na?”

“Hindi na siya dito nakatira.”

“Ha? Lumipat na siya?”

“Ang alam ko po, nangibang-bansa na.”

Lumabas ako ng building na hinang-hina. Napaupo ako sa bangketa. Napayupyop sa aking mga palad.

At hindi ko napigilan ang aking pag-iyak.

***

Hindi ako tumigil sa pag-inom hanggang sa malasing ako. Ginagawa ko iyon gabi-gabi bago ako mag-perform. Bawal iyon dahil nakakaapekto raw sa erection pero hindi ko problema iyon. I can be hard at will at ni hindi ko kailangang gumamit ng goma upang i-sustain iyon. Ang kailangan kong i-block ay hindi ang dugo sa aking ari kundi ang mga kalungkutan at kabiguan ko. Umiinom ako para doon. Para mamanhid ang pakiramdam ko. Para makalimot ako sa kirot na hanggang ngayon ay nasa aking puso.

Big night nang gabing iyon at ako ang star dancer ng gay bar na pinagtatrabahuhan ko.

Sa saliw ng isang mapanuksong awitin, lumabas ako sa entablado na kapirasong tela lamang ang suot.

Nakasisilaw ang mga ilaw, higit lalo ang spotlight na nakatutok sa aking katawan.

Nagsimula akong umindayog. Kumadyot-kadyot at kumiwal-kiwal. Hinimas-himas ko ang aking dibdib, ang aking tiyan. Hinila-hila ko ang aking suot upang ipasilip ang aking kaselanan.

“Manatili ka sa putik na kung saan ka nababagay!”

At bago natapos ang tugtog, ako ay tuluyang nagbuyangyang. Nakabibingi ang hiyawan at palakpakan ng mga manonood. May mga lumapit pa at nagtangkang ako ay hawakan.

Guess what, Gilbert. I followed your advice.

***

Beer kaagad ang hinagilap ko pagkatapos ng pagtatanghal. Bago ko nagawang dalhin ang bote sa aking mga labi, may pumigil sa kamay ko.

Si Richard.

Nagulat ako. Kasama niya si Dan. “Anong ginagawa n’yo rito?”

“Ikaw, pare, ano’ng ginagawa mo rito?” Seryoso si Richard.

“Nagtatrabaho,” ang sagot ko sabay lagok ng beer.

“Pare, kailangan bang tuluyan ka nang magpakababa?”

“Pare, matagal na akong mababa. Hindi ko lang matanggap noon.” Nagsindi ako ng sigarilyo.

“Paano na ang mga pangarap mo?” ang tanong ni Dan.

Bumuga muna ako ng usok bago sumagot. “Huminto na ako sa pangangarap. Nang mawala si Gilbert, nawalan na rin ako ng pag-asa.”

“Nawalan na rin ba ng saysay ang mga ginawa niya para sa’yo?”

“Hindi na iyon mahalaga. Wala na siyang pakialam sa akin, di ba?” Muli akong lumagok ng beer.

Mataman akong pinagmasdan ni Dan bago siya muling nagsalita. “Kung makikita ka ni Gilbert na ganyan, ano pa ang maaari mong ipagmalaki sa kanya?”

Hindi ako sumagot. Hithit-buga ng yosi ang ginawa ko.

“Kung totoong mahal mo siya, patunayan mo sa kanya,” ang patuloy niya. “Ayusin mo ang buhay mo. Tuparin mo ang pangarap mo na naging pangarap na rin niya.”

May naging pagbabara sa aking lalamunan. Sinaid ko ang bote ng beer upang pawiin iyon.

“Tutulungan ka namin ni Dan,” ang sabi ni Richard.

“Pare, matagal mo na akong tinutulungan,” ang sagot ko.

“Alam mong hindi kita maaaring pabayaan.”

“Huwag na. Hayaan mo na lang akong ganito.”

“Hindi.” Madiin ang kanyang tinig. “Hindi kita hahayaang sirain ang buhay mo.”

“Magbihis ka na,” ang utos ni Dan.

“May number pa ako,” ang sagot ko.

“Binayaran ko na ang bar fine mo,” ang sabi niya. “Sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo. At kahit kailan, hinding-hindi ka na babalik dito.”

Nang gabing iyon, ni-raid ang bar. Hinuli ang mga dancers, pati ang mga customers.

Mabuti na lang, nauna na akong ni-rescue nina Richard at Dan.

(Tatapusin)

Part 12

Saturday, January 8, 2011

Dove 10

Isinuot namin ni Richard ang mga maskarang tatakip sa aming mga mata.

Lumabas kami ng silid na naka-roba.

Naka-dim na ang mga ilaw sa ibaba. Tanging mga lampshade na kulay dilaw ang liwanag ang nakasindi.

At sa pagbungad namin sa ituktok ng hagdan, natahimik muna ang mga bisita bago napapalakpak.

Nagsimulang pumailanlang ang musika habang pababa kami.

At nang sapitin namin ang punong hagdan, sabay naming tinanggal ang aming mga roba at nakita nilang naka-bikini briefs lang kami.

Muling sumambulat ang palakpakan, higit na malakas, sabay sa mga ekspresyon ng excitement. At muli, natahimik sila habang pinagmamasdan ang hubad naming mga katawan.

Inilaglag namin sa lapag ang aming mga roba at nagsimula kaming sumayaw. Dinama ko ang tugtog at napawi ang aking alinlangan. Umiral ang hilig ko sa pagsasayaw at bigay na bigay ko itong sinabayan.

Sinulyapan ko si Richard. Napakahusay niyang umindayog. Parang propesyonal na macho dancer. Hindi ko naiwasang humanga at pilit ko siyang ginaya.

Naging coordinated ang aming mga galaw at spontaneously, nagkaroon kami ng sariling choreography.

At dahil nakapag-adjust na ang aking mga mata sa dilim, banaag ko na ang mga mukha ng aming audience.

Mga higit sampu lamang sila. Pulos mga lalaki. At nang isa-isahin ko sila, natigilan ako. Likas akong matandain kaya hindi ako maaaring magkamali sa dalawang pamilyar na mukha. Sina Brandon at Justin, mga kaibigan ni Gilbert na ipinakilala sa akin noon sa Bed. Kinabahan ako.

At sa patuloy na pagsuyod ng mga mata ko sa mga naroroon, parang biglang huminto ang tibok ng puso ko nang mapagsino ko ang isa pa sa mga bisita.

Naroroon sa bandang likod, na kung saan bahagya lamang itong tinatamaan ng ilaw, ang isang pigura na kahit sa dilim ay kilala ko at hindi maipagkakamali.

Si Gilbert!

Napatigil ako sa pagsasayaw. Parang hindi ako makahinga. Kaagad akong sinaklot ng guilt at pangamba.

Hinanapan ko ng hint of recognition ang kanyang mga mata subalit wala akong nakita. Naisip ko, effective ang maskara at nakatulong din marahil ang malamlam na ilaw.

Nagpalit ang tugtog. Naging mabagal at mas erotiko. Naramdaman ko ang dampi ng mga palad ni Richard, gayundin ang pagdikit ng kanyang katawan. Hudyat na tapos na ang macho dancing at oras na upang kami ay magniig.

Pilit kong kinalimutan na naroroon si Gilbert, nanonood sa amin. Pilit kong pinaglabanan ang anumang damdamin na hahadlang sa akin upang ako ay lubusang makapag-perform. I took comfort sa maskara na nagkukubli sa aking pagkakakilanlan. Kinumbinsi ko ang aking sarili na ginagawa ko iyon para sa kanya… dahil ayokong abusuhin ang kabaitan niya… dahil willing akong magsakripisyo upang patunayang mahal ko siya at hindi ang pera niya.

Nasa likuran ko si Richard at hinihimas-himas niya na ang aking dibdib. Dama ko ang kanyang pagdikit at marahang pagkiskis sa aking likod.

Sinimulan niya akong halikan sa pisngi… sa tenga… sa batok… sabay sa pagpaikot-ikot ng kanyang hintuturo sa aking mga utong.

Dumausdos ang kanyang mga kamay sa aking tiyan at hinihimas-himas niya rin iyon, nilaro-laro ang aking pusod bago tuluyang pumaloob sa aking brief. Patuloy siya sa paghalik at sa pagsundut-sundot sa aking leeg. Napaliyad ako sa kiliting hatid ng kanyang dila.

Kinuha niya ang aking mga kamay at dinala niya ang mga iyon sa kanyang harap. Dinama ko ang kanyang pagkalalaki at hinimas-himas ko rin iyon. Giniyahan niya ako papasok sa kanyang brief.

Napapikit ako sa sensasyong dala ng aming paghahawakan hanggang sa kami ay sabay na nagkabuhay.

At nang pareho nang matindi ang aming pagkaantig, hinila niya pababa ang aking brief. Umigkas ang aking ari na kaagad kong tinakpan ng aking kamay.

Napasinghap ang mga manonood. Kumawala mula sa kanilang mga bibig ang reaksiyon ng pagkagulat.

Hinubo na rin ni Richard ang kanyang brief at naramdaman ko ang pagpalo ng kanyang ari sa aking puwet.

Nagharap kami at nagtagpo ang aming mga labi. Patuloy siya sa paghimas sa aking katawan habang kami ay naghahalikan.

Muli ay napapikit ako habang tinatanggap ang kanyang bibig. Masarap humalik si Richard at napakagaan ng kanyang mga kamay, parang balahibong humahaplos sa aking balat. Unti-unti akong natangay ng sensasyong ipinagkakaloob niya sa akin at ako ay higit na nagdumiin. Nilasap ko ang kanyang mga labi na tila prutas na makatas at matamis.

Bumaba ang kanyang mga halik sa aking leeg… sa aking dibdib. At nang salitan niyang sipsipin, siklut-siklutin at kagat-kagatin ang aking mga utong, nagsimula akong makalimot. Napakapit ako sa kanya nang mahigpit.

Bumaba pa siya sa aking tiyan at dinila-dilaan ang mga sensitibong bahagi niyon. Sinimsim niya rin ang aking pusod.

Subalit bago pa niya sapitin ang aking paghuhumindig, umakyat siya at hinanap ang aking bibig. Muli kaming naghalikan. Puno ng init at pananabik.

At ako naman ang nagkusang siya ay paligayahin.

Asiwa mang aminin subalit nakadama ako ng matinding pagnanasa habang tinutuklas ko ang bawat sulok ng kanyang katawan. Napakaganda ni Richard at napakinis ng kanyang balat. Ang bawat pagdampi ko sa kanya ay tila pagpapahayag ng damdaming sinupil ko noon at pasasalamat na rin at pagsusukli sa mga kabutihang nagawa niya sa akin.

At nang marating ko ang kanyang kaselanan, hindi ako nag-atubiling angkinin iyon ng aking bibig. Napapitlag siya nang buong sigasig ko siyang kubkubin. Namuwalan ako subalit hindi ako bumitiw. Dinama ko ang kanyang hugis, ang kanyang sukat at siya ay mataimtim kong sinamba.

Inangat niya ako mula sa aking pagkakayupyop at pinaupo sa baytang ng hagdan. Bahagya niya akong pinahiga bago niya ako pinaibabawan. Muli niyang hinagod ng halik ang aking katawan hanggang sa marating niya ang sentro ng aking kasarian. At kung uhaw man ako nang siya ay aking tinikman, gutom naman siya nang ako ay kanyang ninamnam.

Nagbaba-taas ang kanyang ulo at ako ay idinuyan. Tila naging maulap ang aking kamalayan at nawala ako sa linamnam ng kanyang kapusukan. Tuluyan kong nakalimutan kung nasaan kami, na ang ginagawa namin ay isang palabas lamang.

Pinatayo niya ako at pumuwesto siya sa aking likuran. Dinunggul-dunggol niya ako ng kanyang kahindigan. Alam ko na kung ano ang kanyang gagawin at ako ay nagpaubaya. Yumukod ako at kumapit sa barandilya ng hagdanan.

Hinalikan niya muna ang aking likod at tinukso-tukso ng hinlalato ang aking lagusan. Napapikit ako at pinilit kong mag-relax. Nangagamba man sa kanyang sukat, nanaig ang aking kagustuhang madama siya sa aking kaloob-looban at maipadama na kaisa niya ang aking katawan.

Dahan-dahan, naramdaman ko ang kanyang pag-ulos, ang kanyang pagpupumilit na ako ay pasukin. Sinalubong ko ang kanyang bawat kadyot na may pagdudumiin. Napapikit ako at napakagat-labi sa paunang hapdi. Nilaro ko ang aking sarili upang maibsan iyon.

Mayroon mang pagpupursige, maingat pa rin si Richard sa kanyang pag-angkin. Ilang pag-atake pa at ako ay kanyang nalupig. Tila may pag-aatubili pa siyang naglabas-masok sa aking teritoryo sa kabila ng aking pagsuko.

Hanggang sa ang galaw ng aming mga katawan ay naging isang mabilis na ritmo. Habol ang hininga, sabay naming nilandas ang daan patungo sa paraiso. Nagsimula kaming mahibang at mawala sa sarili.

Maya-maya pa, sumulak na ang init sa aming mga katawan. Magkasabay kaming nanginig at hindi na napigil ang pagpulandit. Napakapit si Richard sa akin.

At nangyari ang hindi inaasahan.

Habang nilalasap niya ang kasukdulan, nahila ni Richard ang aking maskara. Napatid ang tali. At bago ko naaagapan, natanggal iyon at nalaglag.

Tumambad ang aking mukha.

Napa-“whoaaa!” ang mga bisita.

Nanigas ako at nahindik. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Kitang-kita ko ang pagkagimbal sa mukha ni Gilbert!

(Itutuloy)

Part 11

Tuesday, January 4, 2011

Dove 9

Dumating si Richard sa takdang oras upang sunduin ako. Nakakotse siya. Mag-isa.

Hinanap ko ang sinasabi niyang makakapareha ko.

“Nag-back-out ang gago,” ang sagot. “Nag-bridal shower kagabi. Kinuyog ng mga babae. Nanlalata hanggang ngayon.”

“So, paano? Mag-isa na lang ako?” Naisip ko, mabuti. Sayaw-sayaw na lang ang gagawin ko. Wala nang sex.

“Nagawan ko na ng paraan. Meron nang kapalit.”

Wala talaga akong kawala. Tutol man ang kalooban ko, kailangan kong gawin ang ayon sa napag-usapan namin.

Nag-drive na kami papunta sa bahay ni Dan. Nasa isang exclusive subdivision iyon. Kinawayan lang ni Richard ang guwardiya sa gate, pinapasok na kami.

“Hindi ko pa nga pala nababanggit sa’yo,” ang sabi ni Richard. “Pinalipat na ako ni Dan sa bahay niya. Dito na ako nakatira.”

Pagdating namin sa bahay, isang mestisuhing lalaki ang nagbukas ng pinto.

Natigilan ako at napatitig sa lalaki.

Kilala ko siya! Hindi ako maaaring magkamali.

“Dan, si Anton.”

Pigil ang aking pagkagulantang.

“Anton, si Dan.”

Nagkamay kami. Nanginginig ang kamay ko dahil sa sorpresang hindi ko inaasahan.

Si Dan ang lalaking nasa larawan sa tabi ng kama ni Gilbert!

“Hi, Anton. Sa wakas, nakilala rin kita. O, bakit parang kinakabahan ka?”

Si Dan ang ex ni Gilbert. At si Richard ang dahilan ng kanilang paghihiwalay!

Hindi ako makapaniwala na napakaliit ng mundo naming apat. Sino ang mag-aakalang magkakadugtong pa pala kami?

Pilit kong pinagtakpan ang aking reaksiyon. “Ninenerbiyos lang ako sa gagawin ko.”

Ngumiti si Dan. “Huwag kang mag-alala. Hindi ka pababayaan ni Richard.”

Kunot-noo akong napatingin kay Richard. Tapos kay Dan.

“Hindi pa ba niya sinasabi sa’yo?” ang tanong ni Dan.

“Sasabihin ko pa lang sana,” ang sagot ni Richard. “Ayoko siyang mabigla.”

“Ang alin?” ang tanong ko.

“Pumasok nga muna kayo at dito na tayo sa loob mag-usap,” ang sabi ni Dan.

Tumuloy kami sa bahay. Kahit distracted ako, hindi ko naiwasang ma-impress sa interior ng bahay. Maluwag. Maaliwalas. Mamahalin ang mga kasangkapan. Kita mo kaagad na mayaman ang naninirahan.

Napansin ko rin ang mga pagkaing nakahanda na sa hapag.

“Dumating na ang catering?” ang tanong ni Richard.

“Oo. At pinag-off ko na rin ang mga maid,” ang sagot ni Dan.

Kaagad na nagsalin ng wine sa kopita si Dan at inabutan niya kami ng tig-isa ni Richard. Magkakasabay kaming tumungga.

“Ano ang dapat kong malaman?” ang ulit kong tanong pagkaraan.

Diretso ang sagot ni Dan. “Dahil nag-back-out ang macho dancer, si Richard na ang makakapareha mo.”

Napatingin ako kay Richard, gulat. “Sabi mo, may kapalit. Hindi mo sinabing ikaw.”

Nagpaliwanag si Richard. “Naghanap ako ng kapalit pero wala akong makuha. Ayokong masira ang plano ni Dan kaya naisipan kong mag-volunteer. Tayong dalawa na lang ang magpapareha. Itinawag ko kanina kay Dan at pumayag naman siya.”

Napatingin ako kay Dan, may pagtataka. “Okay lang sa’yo yun?”

“Hindi sana,” ang kanyang sagot. “Pero mapilit si Richard.”

“Wala naman kasi akong nakikitang masama,” ang sabi ni Richard. “Magkaibigan tayo. Trabaho lang ang gagawin natin, walang malisya. Mas mabuti na yung ako ang makapareha mo kesa yung hindi mo kilala.”

Touched ako. Sa loob-loob ko, pinairal na naman ni Richard ang pagiging protective niya sa akin.

“At saka wala na akong choice,” si Dan uli. “Gahol na sa panahon. Kaya nag-isip na lang ako ng paraan upang maitago ang identity niya.”

“Paano?” ang tanong ko.

“Maskara. Magmamaskara siya para hindi makilala.”

“Pati ba ako, magmamaskara rin?”

“Gusto mo rin bang itago ang iyong mukha?”

“Mas maganda siguro kung pareho kaming nakamaskara ni Anton,” ang sabad ni Richard. “Para uniform.”

“Okay. Sige,” ang sang-ayon ni Dan. “Mabuti na lang may naitabi akong mga maskara noong nagpa-masquerade party ako.”

“Nakatakip ba ang buong mukha namin?”

“Hindi. Mata lang. Dahil paano n’yo gagamitin ang inyong mga bibig?”

***

Mula sa silid na kinaroroonan namin ni Richard, aware kami sa isa-isang pagdating ng mga bisita. Hindi lang dahil natatanaw namin mula sa bintana ang pagparada ng kanilang mga sasakyan kundi dahil nauulinigan din namin ang mga usapan at tawanan nila.

Maya-maya pa, narinig na namin ang kalansing ng mga kubyertos. Ibig sabihin, naghahapunan na sila. Kami ni Richard ay tapos nang kumain (nag-akyat kami ng pagkain sa silid) at naghihintay na lamang na tawagin ni Dan.

Uneasy ako na hindi ko maintindihan. Bagay na napansin ni Richard.

“Bakit, may problema ba?” ang tanong niya.

“Wala naman,” ang sagot ko. “Kinakabahan lang ako.”

“Huwag kang kabahan. Kasama mo ako. Parang katulad lang ito noon na sabay tayong nagpapagamit.”

“Pero tayong dalawa ang maggagamitan ngayon.”

“May pagkakaiba ba yun?”

“Oo. Dahil kahit minsan hindi tayo nagdukutan. Kahit nga maghalikan, never nating ginawa.”

Tumingin siya sa akin nang mataman.

“Kahit minsan ba, hindi ka nakaramdam ng pagnanasa sa akin?” ang tanong niya.

Sinalubong ko ang kanyang tingin. Hindi ako makapagsalita.

Lumapit siya sa akin.

Nagbaba ako ng paningin dahil hindi ko magawang umamin na, oo, pinagnasaan ko siya unang kita ko pa lang sa kanya.

Hinawakan niya ako sa balikat. Itinaas niya ang aking mukha at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako sa labi.

Sa halip na umiwas, tumugon ako. Napapikit ako at napakapit sa kanya.

May certain degree ng pagkauhaw na nagtunggalian ang aming mga labi. Matagal.

Nagkatitigan kami matapos naming magbitiw. Masasal ang tibok ng aking puso.

“Ako, aaminin ko,” ang sabi niya. “Hindi lang kita pinagnasaan kundi minahal pa.”

Hindi pa rin ako makapagsalita. Parang hindi ma-process ng utak ko ang rebelasyon niya.

“Pero noon yun,” ang dugtong niya. “Mahal pa rin kita pero hindi na sa paraang romantiko. Na kay Dan na ang damdaming iyon.”

Nanatili akong nakikinig.

“Mahirap ipaliwanag. Pero kung anuman ang gagawin natin ngayon, mapaghihiwalay nito ang libog sa pagmamahal. Parang closure para tuluyan nang makapag-move on. Huwag kang mag-alala, pagkatapos nito, mamahalin pa rin kita pero sa ibang lebel na. Wala nang pagnanasa. Kaibigan na lang talaga. Wala nang mga pagdududa at pagtatanong.”

Kahit medyo malabo, parang naunawaan ko ang pinupunto niya. Ngumiti ako.

Ngumiti rin siya. “Siguro naman, kalmado ka na ngayon dahil sa halik ko,” ang biro pa niya.

“Oo na.” Tumawa ako.

Ilang sandali pa, kumatok na sa pinto ng silid si Dan.

“It’s showtime!” ang sabi ni Richard. “Ready ka na?”

(Itutuloy)

Part 10