Friday, February 25, 2011

Happy Ending

Muli akong nagsindi ng sigarilyo, kumapit sa barandilya ng rooftop at tumanaw sa ibaba. Wala nang pila, naubos na rin ang mga gustong makapasok sa Bed.

I needed a drink. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa hawak-hawak kong beer kanina. Siguro hindi ko lang namalayan na panay ang inom ko at naubos ko na habang nag-uusap kami ni Johann.

Sandali akong nagtungo sa bar at kumuha ng Strong Ice. Subalit pagbalik ko, may umuokupa na ng aking puwesto.

Nakakapit siya sa barandilya, nakadungaw sa ibaba. Malalim ang kanyang iniisip at oblivious sa paligid.

I stayed nearby at pinagmasdan ko siya. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha, na-sense ko na parang malungkot siya.

I ditched my cigarette and drank my beer, hindi lumalayo ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya, nakita kong yumupyop siya sa kanyang mga palad. Matagal. Halos hindi tumitinag.

Hindi ako nakatiis. Nilapitan ko siya.

“Are you alright?”

Nag-angat siya ng mukha at bumaling sa akin ng tingin. Saka ko nakumpirmang malungkot nga siya dahil nakita ko iyon sa kanyang mga mata.

“Yeah. I mean… no.” He raked his fingers through his hair.

I just stood there with a questioning stare.

He fished a cigarette from his pocket. “Do you have a light?”

I held out my lighter for him.

“Thanks,” ang sabi niya.

Nagsindi rin ako ng panibagong sigarilyo.

Hindi ko napigilang mag-pursue. “May problema ba?”

Hinarap niya ako. “I broke off with my boyfriend. Just now.”

Napatitig ako sa kanya. What a coincidence.

“May iba na siya at ayaw niya na sa akin,” ang dugtong pa niya.

Ano ito, mirroring? Napalagok ako ng beer.

“I need a drink,” ang sabi niya. “Sandali, kukuha lang ako sa bar.”

Tinanaw ko siya habang papalayo. Bagsak ang kanyang balikat at mabibigat ang hakbang. May nadama akong simpatiya para sa kanya.

Bumalik din siya kaagad na may dalang Tanduay Ice. Muli niya akong tinabihan sa pagkakatayo sa may barandilya.

“Ako nga pala si Myro,” ang pakilala niya.

“Aris,” ang pakilala ko rin.

Nagpalitan kami ng ngiti at nakita ko sa kanyang mga labi ang pait na nadarama ko rin.

“If it will make you feel any better, alam mo ba na kaka-break ko lang din ngayon sa aking boyfriend?” ang sabi ko.

Napatitig siya sa akin, unbelievingly.

“It’s funny,” ang dugtong ko pa. “Pero pareho tayo ng sitwasyon.”

“Ang sakit ‘no?”

“Yeah,” ang sang-ayon ko.

“Pero hindi ka mukhang malungkot,” ang sabi niya.

“Hindi ba?”

“Yeah. Unlike me. Ang sama-sama ng loob ko. And I know it shows.”

“You should have seen me the first time somebody broke my heart. I was worse than you.”

“This is my first,” ang amin niya.

I surveyed him. He looked very young. He really must be new in the game, yung tipong sumusubok pa lang. Napansin ko rin that he was quite attractive. Not drop dead gorgeous but personable. Matangkad din siya at maayos ang pangangatawan.

“Ganoon lang ba talaga kadali ‘yun?” ang tanong niya.

“Ang alin?”

“Ang i-give up ako dahil may nahanap na siyang iba?”

“Seems like. Pero depende ‘yun kung totoong mahal ka niya.”

“Sabi niya sa akin, mahal niya ako. Kaya nga, minahal ko rin siya. Pero sa konting di- pagkakaunawaan, bumitiw siya. And before I knew it, mayroon na siyang iba.”

Mirroring ito talaga.

“Alam mo kung ano ang masakit?” ang patuloy niya. “Mahal ko pa rin siya at hindi ko matanggap na wala na siya. Parang gusto ko nang… mamatay.”

“Ano? No, don’t say that. Huwag kang masyadong magpadala sa emosyon mo. He dumped you because he found somebody else. That makes him a worthless son-of-a-bitch. Why would you want to die for somebody like him?”

“I feel worthless myself dahil iniwan niya ako.”

“Pero hindi diyan nagtatapos ang mundo. Nagsisimula ka pa lang. Maraming stumbling blocks bago mo mahanap ang magmamahal sa’yo. Dapat matuto kang bumangon sa iyong pagkakadapa.”

“I feel so sad… depressed. Na parang ayoko nang magpatuloy.”

“Nasasabi mo lang yan dahil bago sa’yo ang ganitong karanasan at nasasaktan ka. Ganyan din ako noon. Pero kapag naaalala ko ang panahong iyon, natatawa na lang ako. A few years from now, matatawa ka na rin lang kapag naalala mo ito.”

“How should I manage this lousy feeling then?”

Nagkasabay kaming magtapon ng sigarilyo at lumagok ng drink na para bang gusto muna naming i-clear ang hangin at lalamunan namin.

“Una sa lahat,” ang sabi ko, “tanggapin mo muna ang nangyari sa inyo ng boyfriend mo. Para magkaroon ka ng enlightenment, kailangan magkaroon ka muna ng acceptance.”

Nakikinig siya. Bakas sa kanyang mukha na iniintindi niya ang sinasabi ko kahit nakikita kong may agam-agam siya.

“Pangalawa,” ang patuloy ko, “mahalin mo ang sarili mo. Isa-isahin mo ang mga espesyal na katangian mo. Kailangan i-affirm mo sa sarili mo na isa kang mabuti at kaibig-ibig na tao.”

“Right now, wala akong makitang espesyal sa sarili ko. I’ve just been dumped. That makes me feel unwanted… ugly...”

“Kung hindi mo makita ngayon, hanapin mo. Dahil iyon ang magbibigay sa’yo ng kumpiyansa na karapat-dapat kang mahalin ng ibang tao. Iyon din ang katangiang kailangang makita ng magmamahal sa’yo.”

Kumurap-kurap siya subalit hindi nagsalita.

“Pangatlo, believe in your own destiny. Na may taong nakatakda para sa’yo. Misteryoso ang pag-ibig, maaaring dumating nang hindi inaasahan. Kailangang maniwala ka lang at maging ready.”

Patuloy siya sa pakikinig.

“At ang panghuli, huwag kang matakot na sumubok muli. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na magmahal at mahalin kahit na paulit-ulit ka pang masaktan. Huwag kang madadala. Huwag kang susuko. Sabi nga, success – or happiness, for that matter – comes only to those who are persistent and unafraid.”

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga pinagsasabi kong iyon. Sa subconscious ko siguro -- mga bagay na gusto kong sabihin sa sarili ko -- dahil ang pakikipag-usap ko kay Myro ay parang self-counseling na rin. Heartbroken din ako, remember?

Sabay naming sinaid ang laman ng aming mga bote. At nang muli siyang tumingin sa akin, may nakita akong ngiti sa kanyang mga labi. Nakita ko rin na tila umaliwalas ang kanyang mukha. Maybe I made sense. O baka naman dahil lang iyon sa tama ng Tanduay Ice.

“Salamat.” He hugged me.

I hugged him back.

“Sige, mauuna na ako,” ang paalam niya nang magbitiw kami. “Sisimulan ko nang ibangon ang sarili ko.”

May nadama akong gaan ng kalooban habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo.

***

Kasagsagan na ng kasiyahan pagbaba ko. Sisksikan sa dancefloor ang mga nagsasayaw – maiingay, magagaslaw – sa musikang dama ko ang vibration hindi lang sa dingding kundi maging sa dibdib ko. The place suddenly felt like the old Bed. Mabuti naman at nakikinig sa feedback ang management. Binawasan na ang ilaw, dinagdagan na ang aircon at ibinalik na ang ledge/stage.

I started looking for my friends. Hindi ko sila makita sa kapal ng crowd. Tumayo na lang ako sa isang sulok at nakipag-exchange ng tingin at ngiti sa iba pang mga nakatayo roon.

Dumako ang tingin ko sa ledge. Daming cuties na nakasampa roon, half-naked. I ogled at their beautiful bodies, envying them because my waistline is no longer a size 31.

I was enjoying the display of sculpted chests and abs nang matigilan ako. Nag-double-take pa ako dahil noong una, hindi ako sigurado. Gyrating to the music in wild abandon was Myro.

Si Myro na kanina lamang ay lumung-lumo, mababa ang tingin sa sarili dahil iniwan ng boyfriend. Si Myro na sumalamin sa kabiguan ko at pinangaralan ko kung ano ang dapat gawin upang makabangon sa pagkakalugmok.

He was shirtless (ang ganda pala ng katawan niya!) shining up there the brightest. He must have found himself sooner than I expected dahil nakangiti siya, enjoying the attention – and affection – of the other dancers. I saw him being approached by the hunkiest of all, touching him, saying something in his ear, making him giggle.

Maya-maya pa, naghahalikan na sila.

Hindi ko naiwasang mapangiti. Pinanood ko siya, sila ng kapartner niya. Nakadama ako ng tuwa at excitement para sa kanya.

I forgot about my own misery dahil ang tagumpay niya sa kabiguan ay parang naging tagumpay ko na rin.



Sunday, February 20, 2011

Closure

“Smoke muna ako,” ang paalam ko. May tama na ako at kailangan kong magpa-sober.

It was a Saturday night at nasa Bed ang barkada. Lumabas kami upang ipagdiwang ang Valentines at i-cheer up ang mga walang jowa.

“Tara, samahan ka na namin,” ang sabi nila.

Umakyat kami sa rooftop sa pangunguna ko kahit na medyo umeekis ang lakad ko.

Daming tao sa itaas. I inched my way patungo sa may barandilya, nakayuko at hindi masyadong tumitingin. At dahil medyo lasing na nga ako, nabangga ako sa isang lalaking nakatayo.

Nag-angat ako ng paningin at natigilan ako.

It was him.

Nagtama ang aming mga mata at sandaling tumigil ang aking paghinga. Kadalasan kapag ganitong lasing ako, ang lakas ng loob ko at walang hiya-hiya. Pero sa hindi inaasahang paghaharap naming iyon, natameme ako.

I knew I should say hello, o kahit ngumiti man lang, pero nanatili akong blangko.

At bago ko pa nagawa ang anumang dapat, nahila na ako ng aking mga kaibigan palayo sa kanya.

He was somebody from my past. And I used to call him Mr. Perfect.

***

Nagsindi ako ng sigarilyo, humithit at bumuga ng usok sabay sa pagdama sa ihip ng hangin. I was still holding a bottle of beer na kaagad kong tinungga. Parang nawala ang aking pagkalasing dahil sa nangyari.

Sumulyap ako sa kanya, panakaw. At saka ko lang napansin, hindi siya nag-iisa.

Nakahawak sa baywang niya ang lalaking kausap niya at masyadong malapit ang mukha nila sa isa’t isa. Tumawa siya bilang reaksyon sa sinasabi ng lalaki at may kirot akong nadama.

Nakatingin sa akin ang best friend kong si Ace, very much aware sa pagkaligalig ko. Sa barkada, siya lang ang tanging nakakaalam tungkol sa amin ni Mr. Perfect.

Iniwas ko ang aking mga mata at nagkunwari akong nakikinig sa kuwentuhan ng barkada. Subalit hindi ko pa rin siya maiwaksi sa aking isip. Tila tumatak ang kanyang itsura sa aking hinagap sa maiksing sandaling iyon na napatitig ako sa kanya.

I was trying to concentrate on what one of my friends was saying nang bumulong sa akin si Ace.

“He’s looking at you.”

“Huh?”

“Yeah.”

“Shut up.” Ayokong maniwala. At lalong ayokong tumingin sa direksiyon niya.

Nagpatuloy ako sa pag-inom at pagyoyosi. Nakisali pa ako sa usapan ng mga kaibigan ko. But at the back of my mind, I was actually wondering: tumitingin nga ba siya talaga?

At hindi ko natiis. Tinapunan ko siya ng sulyap, halos palihim, upang kumpirmahin.

Tama si Ace. Tumitingin nga siya. At huling-huli ko siya.

Sa kabila ng distansiya, hindi ko alam kung bakit kitang-kita ko pa rin ang pagiging maningning ng kanyang mga mata. Sandali lang iyon subalit may kakaibang epekto sa akin kaya kaagad akong naglayo ng tingin.

“I told you so,” ang sabi ni Ace na pinagmamasdan pa rin pala ako.

***

Nakilala ko siya isang panahong hindi ako naghahanap. Nagtagpo ang aming landas sa bar na kung saan madalas kaming uminom ng barkada. Pareho kaming mag-isa at may hinihintay, nakaupo sa magkatabing mesa. At dahil hindi nga ako naghahanap, hindi ako masyadong tumitingin kaya hindi ko siya napansin.

Nang lumapit siya para makisindi, saka ako parang nagulantang. Kakaiba ang ningning na nakita ko sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Para akong nataranta sa pag-aabot sa kanya ng aking lighter. At nang bumalik na siya sa kanyang kinauupuan, hindi ko na naiwasan ang pagsulyap-sulyap sa kanya.

At nang mahuli niya ako, ngumiti siya at na-take note ko ang mapupula niyang labi at mapuputing ngipin. Ngumiti rin ako.

“Are you alone?” Nagkasabay pa kami sa pagtatanong.

Nagsimula kaming mag-usap. Nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan siya nang mataman at hindi ko naiwasang humanga sa kanyang kaguwapuhan.

At dahil medyo awkward ang space na nakapagitan sa amin, tumayo siya upang lumipat sa mesa ko.

“Okay lang?” ang tanong niya pa bago naupo.

“Sure. Sure.” Magagawa ko bang tumanggi gayong attracted na ako sa kanya?

Nagpatuloy kami sa aming pag-uusap. Honestly, hindi ko na maalala kung anu-ano ang mga napag-usapan namin basta kinalaunan, tawa na kami nang tawa dahil nagkatugma ang sense of humor namin.

Maya-maya, dumating na ang hinihintay niya. Ipinakilala niya sa akin. Best friend niya raw.

Dumating na rin si Ace at ipinakilala ko rin.

“Siyanga pala, ako si Johann,” ang sabi niya.

“Aris,” ang sabi ko naman.

“Gorgeous,” ang comment ni Ace pagkaalis nila.

“Yeah, he’s perfect,” ang sang-ayon ko.

“Did you get his number?”

“No. I didn’t.”

***

Akala ko hanggang doon na lang iyon. Subalit isang araw na namasyal kami ni Ace sa mall, muling nagkrus ang landas namin ni Johann.

Naisipan naming magkape muna bago umuwi. Pagpasok namin sa coffee shop, siya ang nabungaran namin. Nagkakape rin kasama ang kanyang best friend.

Ngiting-ngiti kami sa aming pagkikita. Kumaway pa kami sa isa’t isa.

Inimbita niya kaming jumoin sa table nila. Medyo alinlangan si Ace pero napilit ko rin.

Buti na lang dahil naging napakasaya ng kuwentuhan namin. Hindi ko naiwasang higit na humanga sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang nagsasalita, nagmumuwestra at tumatawa. There was something about him na totoong kaiga-igaya – must be his easy manner or his being exceptionally good looking.

Just before we said our goodbyes, nagpalitan kami ng number.

And that same evening, nagtawagan kami at nag-usap hanggang 2 a.m.

***

Tila hindi pa naging sapat iyon dahil kinabukasan, nagkita kami.

Over dinner, I learned more about him.

Nalaman ko na nagtapos siya sa isang top school… Na nagtatrabaho siya sa isang financial institution, sort of a bank (or investment company) na may international operations… Na madalas siyang bumibiyahe abroad dahil parte iyon ng trabaho niya… Na twenty-two years old lang siya!

Medyo nagulat ako sa age niya. I knew he was young but I was not expecting that he was that young! May resolve pa naman ako to stay away from the likes of him dahil medyo nadala na ako sa aking mga naging karelasyon na kasing-edad niya.

But he seemed mature. Click kami at nagkakatugma ang aming isip. Wala naman akong nakikitang problema sa age gap namin. So far.

Habang nag-uusap, may mga pagkakataong basta na lang kami mapapahinto and we would just stare at each other. Ayoko mang mag-assume, obvious at nararamdaman ko ang mutual attraction na namamagitan sa amin.

Over coffee, we started getting serious. Openly, we admitted to liking each other. Nang mga sandaling iyon, my heart was soaring. I could not be happier na mangyayari ang bagay na iyon sa akin kung kailan hindi ako naghahanap, hindi umaasa at hindi nangangarap na makatagpo ng katulad niya. Pakiramdam ko he was too beautiful – too perfect – for me and I just could not believe my luck.

Inakala ko pang nananaginip lang ako.

But when he held my hand, saka ako naniwalang totoo nga ang lahat nang iyon. Higit lalo nang tumitig siya sa aking mga mata at seryosong magtanong.

“Puwede bang maging tayo?”

***

Maiksi man ang panahong iyon, naging napakasaya ko nang maging kami.

He was the sweetest, the most thoughtful and the most caring boyfriend I have ever known. Kakaibang high ang hatid niya sa akin. Lagi akong masigla at puno ng inspirasyon.

If ever may mga pagkakataong hindi namin nagagawang magkita, trabaho ang dahilan. Madalas sa panig niya dahil ako, puwedeng maging flexible. Nevertheless, it was one thing na tanggap namin – lalo na ako – dahil parte talaga ng buhay ang career. Hindi naman kami maaaring mabuhay sa pag-ibig lang. Kaya naging understanding ako. Kapag sinasabi niyang hindi siya puwede, ok lang sa akin. Hindi ko kailanman hinadlangan ang kagustuhan niyang maging successful.

Katulad ng Sabadong iyon na nakatakda kaming magkita.

“Hon, I’m sorry. Hindi tayo matutuloy mamaya. There’s this important account I need to work on. Kailangan kong mag-overtime,” ang paalam niya sa akin over the phone.

Kahit disappointed, I just shrugged it off. “Okay lang, no problem,” ang sabi ko kahit na last week ay hindi rin kami natuloy dahil sa pareho ring rason.

“May back-up plan ka ba tonight? Bakit hindi ka lumabas with your friends?” ang tanong niya.

“Okay lang ako. I’ll just catch up on my reading,” ang sagot ko.

“I miss you.”

“I miss you too.”

“Gotta go. I love you.”

At bago pa ako nakapag-“I love you too”, ibinaba na niya ang telepono. Napabuntonghininga na lamang ako.

Bandang alas-onse nang gabi, naging restless ako. I wasn’t enjoying the book I was reading at hindi rin ako inaantok. Naisipan kong i-text si Ace.

Bored din pala ang aking best friend dahil out-of-town ang kanyang boyfriend. Biglaan siyang nagyayang lumabas.

“There’s this bar in Ortigas you need to see,” ang kanyang sabi.

Pasado alas-dose, nasa taxi na ako papunta sa meeting place namin.

Excited akong makipagkita kay Ace dahil ang dami kong kuwento. Mula kasi nang maging kami ni Johann, hindi pa ako lubusang nakakapag-share sa kanya kung gaano ako ka-happy.

Pero nang gabing iyon, nangyari ang hindi inaasahan.

Pagpasok namin sa bar, napansin ko kaagad ang isang umpukan ng mga bata pang kalalakihan. Pulos guwapo, well-dressed, sosyal. Masaya silang nagkukuwentuhan with a smattering of English habang nag-iinuman.

Parang biglang tinambol ang aking dibdib at napakapit ako kay Ace.

Dahil isa sa mga nasa umpukang iyon ay si Johann.

Tatalikod na sana ako upang lumabas ng bar subalit nakita niya ako.

Our eyes met and we both froze.

***

“Akala ko, may trabaho ka,” ang kumpronta ko nang lumapit siya sa akin.

“Yeah. Pero natapos din kaagad. Dito na ako tumuloy pagkagaling sa office.”

Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo dahil hindi pang-opisina ang suot siya. “Johann, kung gusto mong gumimik with your friends, hindi mo kailangang magsinungaling. Papayagan naman kita.”

Naging defensive siya. “I am not lying. At kung payag ka na gumimik ako with my friends, bakit ka nagagalit?”

“Alam mo kung bakit and it is not because you went out with your friends.”

Nakainom na siya kaya siguro nakalimutan niyang maging maingat sa pagsasalita. “Aris, I’m still young, ok? Kailangan ko pang mag-enjoy. Huwag mo naman akong sakalin. Mag-adjust ka naman sa akin katulad ng ginagawa kong pag-aadjust sa’yo. Hindi porke’t mas matanda ka sa akin, ikaw na lang palagi ang masusunod.”

Nabigla ako. It was harsh at hindi ko naiwasang masaktan. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon dahil wala naman akong ginagawa upang magkaroon siya ng ganoong saloobin.

Tumalikod ako at nagmamadaling lumabas ng bar.

Hinabol niya ako.

“Aris, I’m sorry,” ang kanyang sabi.

Huminto ako at hinarap ko siya. Tumitig ako sa kanyang mga mata.

“Tama ka,” ang sabi ko. “Pero sana naisip mo ‘yan before you made me fall for you.”

***

Simpleng tampuhan lang iyon na pinalala ng pride. Ang supposedly ay pagpapalipas lang ng sama ng loob ay nauwi sa hiwalayan. Hiwalayang walang pormalidad.

Basta hindi na lang siya nakipag-communicate at nakipagkita sa akin.

Naghintay ako hanggang sa mainip at mapagod. At sa paglipas ng panahon, natutunan ko ring tanggapin ang tuluyan niyang pagkawala sa akin. Kahit hindi ko lubos na maunawaan ang nangyari sa amin, nagdesisyon akong mag-move on.

Isang araw, excited na tumawag si Ace sa akin.

“Guess kung sino ang nakasabay ko kanina sa gym,” ang sabi.

“Sino?” ang tanong ko.

“Si Josef.”

“Sinong Josef?”

“Yung bestfriend ng ex mong si Johann.”

“Siya ba ‘yung nakasama nating magkape noon?”

“Exactly. Siyempre, nag-usap kami.”

“Ano ang napag-usapan ninyo?”

“Naroroon pala siya sa bar nang gabing mag-away kayo ni Johann.”

“Hindi ko siya napansin. And please, hindi kami nag-away. Nag-usap lang.”

“Whatever. Siyempre, kinumusta ko si Mr. Perfect.”

“Anong sabi?”

“Noon palang gabing iyon, nawala yung celfone niya.”

“Ganoon ba?”

“Tapos, ipinadala pala siya sa ibang bansa ng office nila.”

“Uhuh.”

“Kaya siguro hindi na niya nagawang makipag-communicate sa’yo.”

“Siguro nga.” Pero sa isip-isip ko, maraming paraan kung gusto niya talagang makipag-communicate sa akin.

“Nasaan na siya ngayon?” Hindi ko napigilang magtanong.

“Sino? Si Josef?”

“Hindi. Si Johann. Ano ba?!”

“Ay, hindi ko naitanong.”

Napabuntonghininga na lamang ako.

Iyon ang naging huling balita ko sa kanya.

***

Muli akong umakyat sa rooftop upang manigarilyo. This time, mag-isa na lang ako dahil nasa dancefloor ang mga kaibigan ko. Luminga-linga ako pero hindi ko na siya makita. O sadyang iniwasan ko lang na mahagip siya ng aking mga mata.

Muli akong nagtungo sa may barandilya at dumungaw sa ibaba. Malamig ang hangin na bahagyang pumayapa sa damdaming hindi ko maipaliwanag – nasa gitna ako ng kasiyahan subalit may lungkot na namamayani sa aking kalooban.

Magkasalit ang ginawa kong paghithit sa sigarilyo at pagtungga sa beer. Pilit kong kinaklaro ang aking isip dahil apektado pa rin ako ng muli naming pagkikita ni Johann kanina.

Valentines na naman at muli, single ako. I refuse to feel sorry for myself kaya pilit kong binubura iyon sa aking isip. Hopefully next year, things will be different.

I was in deep thought nang mula sa aking likuran ay marinig ko ang kanyang tinig.

“Aris...”

Pumihit ako at naroroon siya, nakatayo, nakatingin sa akin.

“Johann…” ang sambit ko.

Saglit kaming nagkatitigan.

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Mabuti,” ang sagot ko. “Ikaw?”

“Mabuti rin.”

Pinagmasdan ko siya. He looked taller dahil pumayat siya. Nagkalaman din ang dibdib niya. Siguro nagdyi-gym na siya. I wondered kung ano na kaya ang pakiramdam sakaling mabibilanggo akong muli sa kanyang mga bisig.

Nakamasid din siya sa akin at naroroon sa kanyang mukha ang tender expression na pamilyar sa akin dahil nakita ko na iyon nang una niya akong sinabihan ng “I love you”. Tila higit na pinatingkad ng ekspresyong iyon ang kanyang kaguwapuhan na naghatid ng magkahalong kirot at pananabik sa akin.

It took me awhile bago ko naisatinig ang tanong na matagal ko ring kinimkim mula nang mawala siya sa akin.

“What happened to us?”

“I… I don’t know…”

“Hindi ko inakala na sa unang pagsubok, bibigay tayo.”

“Naguluhan lang ako.”

“Saan?”

“Sa’yo. Sa akin. Sa biglaang naging relasyon natin.”

“Ano ang naging magulo roon? Dahil nag-away tayo? Parte yun ng pakikipagrelasyon.”

“Nagkaroon ako ng mga tanong... ng confusion. Hanggang hindi ko na alam kung paano i-handle.”

“We could have at least talked about it.”

“I know. But it took me some time bago ko naintindihan. And it was already too late.”

“Naghintay ako. At kahit natanggap ko na, hindi ako nawalan ng pag-asa.”

“As I’ve said, huli na ang lahat.”

“Why, because you realized that you don’t love me anymore?”

“No, because I realized that I was still in love with you but I have already lost you.”

“Iyon ba ang naisip mo?”

“Oo. Kaya tuluyan na akong lumayo at hinanap na lamang kita sa katauhan ng iba.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“May bago na akong boyfriend. Parang kagaya mo rin siya kaya hindi naging mahirap sa akin na siya ay mahalin.”

Ang lalaking kayakap niya kanina. Natahimik ako habang dinadama ang masidhing kirot sa aking puso. Sana hindi niya iyon nakita sa aking mga mata.

“Aris, have I really lost you?”

“Johann, it was I who have lost you. But let’s not talk about that anymore dahil sabi mo nga, huli na ang lahat.”

“I’m sorry… for the pain I’ve caused you.”

“I’m sorry, too.”

“I hope we can still be friends.”

“Sure.”

Suddenly, there was nothing more to say.

“I have to go,” ang sabi niya. “Hinihintay na niya ako.”

“Sige.”

Tumalikod na siya subalit muling humarap sa akin.

“Aris…”

“Yes?”

“By the way, happy valentines.”

“Oh yes, happy valentines.”

Iyon ang naging closure namin.



Sunday, February 13, 2011

Sana Ngayong Valentines


Kung papanain tayo ni kupido
Sana siya ay maging asintado;
Tuhugin ang puso ko at puso mo
Sa iisang palaso.

Sana ay timplahin niya tayo
Sa spices niyang sikreto;
Ihawin na parang barbecue
Sa apoy ng pagsuyo.

At kung masunog man at mapaso
Di bale, magkatusok naman tayo;
Tuloy pa rin ang pintig ng puso
Maabo man at maglaho.

Friday, February 11, 2011

Face 2 Face | M2M

Nagkaroon ako ng pagkakataong mapanood kanina ang episode ng “Face-To-Face” na may pamagat na “Unico Hijo, Lalaki Ang Gusto?!”. Unwittingly, naging “sawsawero” ako sa programa ni Tiyang Amy dahil interesante ang kuwento.

***

Biyuda si Aling Josie at may nag-iisang anak, si Jessie. Jessie is a fine young man. Mabait, matino, may girlfriend. Tahimik ang buhay nila hanggang sa dumating at manirahan sa kanilang lugar ang magkapatid na Clyde at Chuck na naging mga kaibigan ni Jessie.

Isang gabi nagkaroon ng kasayahan sa bahay nina Clyde at Chuck. Siyempre imbitado si Jessie at ang iba pang mga kabataan sa kanilang lugar, kabilang na si April na kapatid ng girlfriend ni Jessie na si Venus.

Habang nag-iinuman, napansin ni April ang pagiging masyadong malapit sa isa't isa nina Jessie at Clyde. Nag-aakbayan, laging magkatabi, may papatong-patong pa ng kamay sa hita. Nang magkalasingan, nahuli niyang naghahalikan ang dalawa. Shocked si April at dahil pakiramdam niya napagtaksilan si Venus, kaagad siyang nagsumbong kay Aling Josie.

Kinumpronta ni Aling Josie si Jessie. Na nauwi sa matinding pag-aaway ng mag-ina. Lumayas si Jessie at nakituloy kina Clyde.

***

Sa kanilang paghaharap sa programa, inamin ni Jessie sa kanyang ina (at sa audience) na totoo, may relasyon sila ni Clyde kahit na noong una ay itinatanggi niya ito. Puno ng hinagpis si Aling Josie dahil hindi niya ito matanggap.

Upang higit na paigtingin ang pag-uusap, isa-isang tinawag sa entablado ang iba pang mga tauhang sangkot sa kuwento: si April na siyang nakatuklas at nagsumbong, si Venus na girlfriend ni Jessie, at higit sa lahat si Clyde na sinasabing karelasyon ni Jessie, kasama ang kapatid nitong si Chuck.

Guwapo si Clyde at mukhang disente. At kahit galit na galit sa kanya si Aling Josie, buong ningning niya ring inamin na totoo, nagmamahalan sila ni Jessie. Ang relasyon nila ay alam ng kanyang straight na kapatid na si Chuck at supportive ito sa kanila.

Sa panig ni Venus, tanggap na niya kung ano si Jessie. Naiintindihan niya ang boyfriend at ang sabi niya pa nga habang lumuluha: “Pinalalaya na kita.”

Nag-sorry si Jessie kay Venus at sa kanyang ina. Ang sabi: “Nagpapakatotoo lang ako sa aking sarili.” Nakiusap siya sa kanyang ina na sana unawain siya nito, na sana tanggaping muli dahil gusto niya pa ring gampanan ang kanyang tungkulin bilang anak.

Nagyakap ang mag-ina at nag-iyakan.

Marami ang napaluha sa audience. Pati na ako.

***

Refreshing na makita ang maluwag na pagtanggap ng mga tao sa relasyon nina Jessie at Clyde. Nang tanungin ang audience kung kanino sila kampi – kay Jessie o kay Aling Josie, marami ang pumanig kay Jessie. Na ang ibig sabihin, bukas na ang isipan ng nakararami sa realidad ng pag-iibigan ng dalawang lalaki.

Wala ring pagkondena na narinig mula sa lupon ng mga tagapayo na kinabibilangan ng isang abogada, psychologist at pari (o pastor?). Nagkakaisa sila na sa ganitong sitwasyon, ang pinakamahalagang manaig ay pang-unawa, pagtanggap at pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak maging sino o ano man siya.

Para sa akin, ang kuwento ng pag-iibigan nina Jessie at Clyde ay perfect for Valentines. Pag-iibigan na ipinaglaban at hindi ikinahiyang ipagsigawan.

Sana maging matatag at matagumpay sila.

***

P.S.
I found the YouTube uploads. Thanks to Eratam100. Here are the links. Enjoy!
Part 1 | Part 2 | Part 3 | Part 4 | Part 5 | Part 6

Monday, February 7, 2011

The Hustle

Na-meet ko siya sa club. Si Brent.

Una akong na-attract sa katawan niya. Hubog na hubog. Ang kinis. Ang puti. Shirtless kasi siya dahil kabababa niya lang sa ledge na kung saan ang daming lumalandi sa kanya habang nagsasayaw. Tapos, napagmasdan ko ang kanyang mukha. Hindi siya klasikong guwapo pero exceptional ang features niya. Makapal na kilay. Bilugang mga mata na may mahahabang pilikmata. Katamtamang ilong – hindi matangos, hindi pango. Mataas na cheekbones at squarish na panga.

Napag-alaman ko sa aming pag-uusap na sumasali-sali siya sa bikini open. Hindi malayo dahil napakakisig ng total package niya.

Hindi nagtagal, nagki-kissing na kami.

Feeling ko, ang ganda ko lang dahil pinatulan niya ako.

Hinanap ko ang barkada dahil mahalaga sa akin ang approval nila. Nakita ko silang nakatingin pero bakit parang disdain ang nakita ko sa kanilang mga mata. Good catch si Brent kaya dapat matuwa sila para sa akin.

Baka madilim lang ang mga ilaw kaya mali ang basa ko sa reaksiyon nila.

***

Breakfast time, sumama si Brent sa amin. I was expecting my friends to swoon over him pero civil lang sila.

Nagulat ako nang biglang umapir ang ex kong si Harvey at sumali sa amin. Actually, kahit hiwalay na kami, parte pa rin siya ng barkada. Nagtataka lang ako kung bakit napasugod siya gayong ang alam ko, may biyahe siya papuntang Hong Kong nang araw na iyon.

Tinext pala kasi siya ni Allen, isa sa mga kabarkada namin, na may na-meet ako na dapat niyang makilala.

May na-sense akong tensiyon nang pinagkilala ko sila ni Brent. Hindi nalingid sa akin ang tila matalim na tingin ni Harvey.

Naisip ko, baka selos lang siya. Ang guwapo kasi talaga ni Brent at ang ganda ng katawan. Although hindi rin naman magpapahuli si Harvey dahil nagdyi-gym din siya. Ang kaibahan nga lang, hindi siya nagbibilad ng katawan sa bikini open.

Inimbita ako ni Brent sa bahay niya. Na-excite ako.

Pero humadlang si Harvey. “Ihahatid na kita,” ang sabi. “Papunta ako ng airport. May dala akong kotse at may kasamang driver.”

Bago pa ako nakatanggi, hinila na ako ni Harvey. Bahagya na akong nakapagpaalam kay Brent. Nakatingin lang ang mga kaibigan ko pero nasa mga mata nila ang pagsang-ayon sa nangyari.

Tahimik kami sa kotse. Naiinis ako dahil na-realize ko na muli na naman akong nagpa-domina kay Harvey. Hello, wala na kami. Bakit nanaig na naman ang pagiging sunud-sunuran ko sa kanya?

Alam kong may gusto rin siyang sabihin pero pareho kaming nagtitimpi dahil kung ano man iyon, hindi dapat marinig ng driver.

Pagbaba ko, saka siya nagsalita.

“Layuan mo siya. Maghanap ka na lang ng iba.”

At bago ko pa naitanong kung bakit, umandar na ang kotse at naiwan akong nakatayo sa tapat ng bahay namin.

***

Unanimous ang mga kaibigan ko sa dislike nila kay Brent.

Taka ako. He is the most gorgeous thing I have ever laid my eyes on. Naiinggit ba sila?

“Layuan mo siya. Maghanap ka na lang ng iba.” Parang echo lang ni Harvey si Allen nang magkausap kami sa phone.

“But why?” Lalo akong nagtaka. “Dahil ba sa sobrang guwapo niya at alangan ako sa kanya?”

“It’s not that, gurl. Guwapo ka naman ah. Kaya lang…”

“What?”

“Hindi siya karapat-dapat sa’yo.”

“Bakit nga?”

“Itanong mo na lang kay Harvey,” ang sagot niya. “Basta, ayaw ka naming masaktan.”

Sa kabila ng kanilang pagiging kontra, sumige pa rin ako.

Muli akong nakipagkita kay Brent. Enjoy ako sa company niya kaya hindi ko lubos-maisip kung ano ba talaga ang dahilan at nega siya sa mga kaibigan ko.

Yes, we did it. And it was great! Para akong nakipag-sex sa porn star dahil sobrang ganda nga ng katawan niya. Nakaka-insecure dahil hindi naman ako nagdyi-gym at may baby fats pa pero very reassuring siya. “I like you the way you are,” ang bulong niya habang hinahalik-halikan ako.

Magaling siya sa kama. Kung anu-ano ang ginawa niya sa akin. Makalawa na akong nakarating but I was still craving for more.

***

Nang sumunod na weekend, nagyaya siyang mag-clubbing. Siyempre, go ako. Hindi ko na ipinaalam sa mga kaibigan ko dahil ayaw ko nang may marinig na pagtutol mula sa kanila.

Pagdating sa meeting place, napansin kong balisa siya.

“What’s wrong?” ang tanong ko.

“I lost my wallet,” ang kanyang sagot. “Nalaglag yata pagbaba ko sa taxi.”

Hindi ko hinayaang masira ang aming gabi. I paid for everything.

At bago kami naghiwalay, nagulat ako nang mag-“I love you” siya sa akin.

“So, anong ibig sabihin, tayo na?” Hindi ko naiwasang magtanong.

Ngumiti siya. “Let’s take it easy. But I’m very sure, doon na tayo papunta.”

Hindi ko man narinig ang inaasahan kong sagot, it was as good as “yes”.

At nagpatuloy ang pagkahibang ko sa kanya.

***

Subalit nang mga sumunod na araw, naging madalang ang aming pagkikita.

Busy lang daw siya.

Ok, fine.

Pero text-text pa rin naman kami.

OA ang mga text ko sa kanya at hinahanap ko ring maging expressive siya, pero tipid ang mga sagot niya. Nanlalamig na ba siya?

Nagsimula akong mag-alala. Pero bago pa iyon lumala, he invited me out Saturday evening. Sa loob na lang daw kami ng club magkita.

Ang saya ko. Gusto ko kasi talagang mag-work-out kami para patunayan sa mga kaibigan ko na mali sila.

***

Nang gabing iyon, surprise appearance muli si Harvey. Na-intercept niya ako sa meeting place ng barkada habang naglalakad ako patungo sa club. Naroroon siya, umiinom mag-isa, hinihintay ang barkada na mula nang mahumaling ako kay Brent ay hindi ko na nakakasama.

I joined him. Maaga pa naman. Maaari pa akong uminom. At saka hindi pa nagte-text si Brent.

“Magkikita kami ni Brent,” ang pagpapaka-honest ko.

“Hindi ka sa akin nakinig.” Nakita ko ang disappointment sa kanyang mga mata. “You are making a mistake.”

“Why? What is wrong with him?” Medyo agitated ang aking boses. Naiinis na kasi ako sa pagiging kontra niya at ng buong barkada kay Brent.

Hindi siya sumagot. Lumagok lang ng beer.

“Hayaan mo naman akong maging masaya uli.”

“Gusto kitang maging masaya kaya iniiwas kita sa kanya.” Tumingin siya sa akin, mataman.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata. “I don’t understand. Because of him, I have never been happier. Ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganito mula nang… magkahiwalay tayo.”

Umiwas siya ng tingin at muling lumagok ng beer.

“Siguro… nagseselos ka lang,” ang akusa ko.

“Hindi.” Diretso ang kanyang sagot.

“Siguro… mahal mo pa ako.”

“Shut up.”

Bahagya akong natawa. I was half-joking, anyway. “Then why?”

“Dahil concerned pa rin ako sa’yo. Ayokong masaktan ka.”

“At bakit naman ako masasaktan?”

“Dahil lolokohin ka lang niya!”

Napatitig ako sa kanya. How can he be so sure?

“May dapat kang malaman tungkol kay Brent…” ang sabi niya.

Heto na ang sagot sa mga katanungan ko kaya hinayaan ko siyang magpatuloy.

“Una, may nakaraan kami. Kaka-break lang natin noon nang makilala ko siya.”

Napasinghap ako.

“Sa club din kami nagkakilala. Wala ka noon dahil nagda-drama ka pa sa break-up natin. Kasama ko noon sina Allen kaya nakilala din nila si Brent.”

Nagpatuloy ako sa pakikinig.

“Pangalawa, hustler siya. Pagkatapos niyang makuha ang loob ko, inunti-unti niya ako sa pera.”

Naalala ko ang “lost wallet”.

“Pumapatol siya kahit kanino. Walang pinipili basta may pera.”

May naramdaman akong pagsisikip sa aking dibdib.

“Pangatlo, hindi totoo ang tungkol sa bikini open. Stripper siya. Callboy. Macho dancer.”

Para na akong hindi makahinga.

“Now tell me, siya ba ang karapat-dapat mong mahalin?”

Katahimikan. Hindi lumalayo ang tingin ni Harvey sa akin. Hinihintay ang aking reaksiyon.

I was sorting out my thoughts. Lumagok ako ng beer. Sunud-sunod.

“I don’t believe you,” ang sabi ko pagkaraan.

Napailing si Harvey. “Hanggang ngayon, matigas pa rin ang ulo mo.”

“Dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.”

“Hindi tungkol sa atin ang pinag-uusapan natin. Tungkol sa iyo at kay Brent.”

“Hindi mo siya dapat siraan.”

“Hindi ko siya sinisiraan. Sinasabi ko lang ang totoo.”

Tumunog ang aking cellphone. Si Brent. Nasa club na raw siya. Sinaid ko ang laman ng aking bote at naghanda na akong umalis upang katagpuin siya.

Subalit bago ko pa nagawang tumayo, dumating si Allen. Kasunod ang iba pa sa barkada. They were surprised to see me – and Harvey – na nasa tambayan at naghihintay sa kanila.

I had to admit na hindi ako nagpunta para jumoin sa kanila, na may date kami ni Brent nang gabing iyon. Muli kong nakita ang disdain sa kanilang mga mukha.

Nevertheless, pinakiusapan pa rin nila akong mag-stay muna sandali. Isa o dalawang bote lang para makapagkuwentuhan kami. Ayaw kong magtampo sila kaya pinagbigyan ko.

At habang umiinom kami, my friends spewed more revelations about Brent.

“May mga nude pictures ‘yan sa internet.”

“May video pa na kumalat sa cellphone.”

“I have a friend na hiniraman niya ng pera tapos tinakbuhan.”

“He sleeps around.”

“Wala siyang matinong trabaho. Rumaraket lang sa mga bading.”

Bago pa ako marindi, tumayo na ako.

“Guys, sorry, but I have to go. Kanina pa siya naghihintay sa akin sa club,” ang sabi ko.

“You don’t believe us, do you?” Nandidilat ang tingin ni Allen sa akin.

“Ayaw ka naming mapahamak,” ang sabi pa ng isa naming friend. “Pero kung ayaw mo talagang maniwala, go ahead. But don’t tell us we didn’t warn you.”

“Please, guys. Hayaan n’yo akong tuklasin ang totoo on my own. Hindi baleng masaktan ako.”

They all just shrugged. Kahit sila, alam nilang stubborn ako.

“Sasamahan na kita.” Nagulat ako nang tumayo rin si Harvey. Hindi ko inaasahan iyon.

“Bakit? Hindi ko kailangan ng kasama.” Masungit ang tingin ko sa kanya.

“I mean, sasabay na ako sa’yong pumasok.”

“Bakit nga?”

“Dahil may kaibigan din akong naghihintay sa loob. It has nothing to do with you.”

Wala na akong nagawa. Nagpatiuna ako pero hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad.

“Actually, wala talaga akong imi-meet na friend,” ang amin niya nang half-way na kami. “I just feel the need to watch over you.”

Tiningnan ko siya ng masama.

“Friendly concern,” ang dugtong niya. “Walang ibig sabihin.”

“Gago ka,” ang sabi ko. Pero na-touch ako niyon.

Kaya nang nakapila na kami sa entrance ng club, hindi ako tumutol nang akbayan niya ako.

***

In full-swing na ang party pagpasok namin. Maingay. Siksikan. Masaya.

Hinanap ng aking mga mata si Brent. Sa kabila ng mga hindi magagandang bagay na narinig ko tungkol sa kanya, excited pa rin akong makita siya.

Kinalimutan ko si Harvey na nakatayo sa aking tabi.

Dahil sa sobrang dami ng tao, hindi ko makita si Brent. Nag-alala ako na baka umalis na siya dahil naabala nga ang aking pagpunta.

Kandahaba pa rin ang leeg ko sa paghahanap sa kanya nang kalabitin ako ni Harvey.

“What?” ang angil ko.

May itinuturo siya.

Sa isang sulok iyon ng club na kung saan may dalawang lalaking nag-uulayaw.

Napahindig ako. Nakatalikod man, kilalang-kilala ko ang hubog ng isa sa mga lalaki.

Napatingin ako kay Harvey. He was shaking his head. At kahit malakas ang music, dinig ko ang kanyang “Tsk! Tsk! Tsk!”

Sumenyas ang kamay ko sa kanya ng “wait, stay”. At bago niya ako napigilan, sumugod ako sa sulok na iyon ng club.

Dama ko ang masidhing kirot habang pinagmamasdan ko ang pakikipaghalikan at pakikipagyakapan ng lalaking kilalang-kilala ko ang hubog. Tinap ko siya sa balikat, hinawakan sa braso at hinila paharap sa akin.

Si Brent.

“I thought we have a date,” ang sabi ko, matalim ang titig.

Hindi siya sumagot, nakatingin lang sa akin. I didn’t know if he was drunk, drugged or just stunned.

“Teka, sino ka ba?” ang asik sa akin ng kapareha niya.

Hinarap ko siya at pinamewangan. Maayos lang ang bihis niya pero hindi siya kagandahan.

“Ako ang boyfriend niya!” ang paninindak ko sa kanya. It wasn’t exactly true pero iyon lang ang alam kong paraan upang i-assert ang karapatan ko kay Brent.

“Siya nga ba ang boyfriend mo?” ang baling ng lalaki kay Brent, wala ni katiting man na bahid ng pagkasindak.

Hinintay kong i-validate iyon ni Brent. Afterall, parang ganoon na rin naman kami, di ba?

Nakatingin siya sa akin na parang naguguluhan. After a while, umiling siya.

“No, he’s not my boyfriend,” ang mariing sabi.

“Ilusyunado,” ang sabi sa akin ng kapareha niya.

Napahiya ako. Nainsulto. Pero higit na masakit ang outright denial at rejection ni Brent.

Tumalikod ako at lumayo.

Sinalubong ako ni Harvey.

“Ano’ng nangyari?” ang kanyang tanong.

Pinilit kong ngumiti. “It’s over.”

Kilalang-kilala niya ako and he can see right through me. Alam niya, hurting ako.

“I told you so,” ang kanyang sabi.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang mag-concede.

Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit.

Nadama ko ang daloy ng init mula sa kanyang palad. Pinayapa niyon ang aking loob.

Tumingin ako sa kanya. Sinalubong niya ang aking mga mata at hindi siya bumitiw.

Nagpalit ang tugtog.

“Halika, magsayaw tayo,” ang kanyang sabi.

Naging sunud-sunuran na lamang ako.