Sunday, October 23, 2011

Proxy

“I met somebody last night,” ang excited na pagbabalita sa akin ni Ace. “He is so gorgeous!”

“I hate you. Isang gabi lang akong umabsent sa gimik, napunta na sa’yo ang dapat para sa akin,” I joked.

“Shut up. He’s meant to be mine,” he asserted.

“So tell me about him.” Excited din ako to know about the guy. “What’s his name?”

“Anthony.”

“Age?”

“Twenty-two.”

“Height?”

“5’8 or maybe 5’9”

Hmmm… young and tall. “Guwapo ba talaga?”

“Of course. And guess what, panay ang text niya sa akin ngayon.”

“Ano’ng sabi?”

“He misses me. And he wants to see me again.”

***

“We talked on the phone last night,” ang kuwento ni Ace sa akin nang sumunod na araw. “Ang tagal naming nag-usap.”

“Ano’ng pinag-usapan ninyo?” ang tanong ko.

“Marami. Tungkol sa kanya. Tungkol sa akin. Masyado akong nag-enjoy. Hindi ko namalayan, madaling araw na pala.”

“Hmmm…”

“There’s something about him I really like. Ang sarap niyang kausap. Napapatawa niya ako sa mga jokes niya. Malambing siya. He makes me feel so special.”

“Gurl, mukhang iba na yan…”

“Kinikilig ako sa kanya. Para akong high school uli na nagsisimulang ma-in love.”

“I am happy for you.”

“And guess what. Gusto niya akong sunduin mamaya paglabas ko sa office.”

“Go!” ang encouragement ko .

Sandaling natahimik si Ace, tila nag-isip. “I’m not sure. I think I am not yet ready.”

“So kelan kayo uli magkikita?”

“Soon. Basta huwag muna ngayon.”

***

After two days, nagkausap uli kami ni Ace.

“I think I am falling for him,” ang sabi niya.

“Sigurado ka ba sa nararamdaman mo?”

“Siya lagi ang laman ng isip ko. I have never felt like this in a long time. I don’t know what’s happening to me.”

Tahimik lang ako at hinayaan ko siyang magpatuloy.

“Kagabi, naging seryoso ang aming pag-uusap. Naging honest siya sa feelings niya para sa akin. At nang tinanong niya ako tungkol sa feelings ko sa kanya, hindi ako nakasagot. At ngayon, parang hindi ako matahimik dahil alam ko kung ano ang totoong nararamdaman ko. May pumipigil lang sa akin. At alam mo kung ano yun.”

“Dahil may boyfriend ka na?”

Napabuntonghininga siya. “Yeah. And I am so confused.”

“Balak mo bang magtaksil sa boyfriend mo… kay Teddy?”

“I don’t know.”

“Balak mo na ba siyang hiwalayan?”

“No!” Maagap at tiyak ang sagot niya. “Mahal ko si Teddy.”

“So anong balak mo kay Anthony?”

“Hindi ko alam. Hindi ko siya kayang i-give-up ngayon. Malulungkot ako kapag nawala siya.”

“Alam ba niya?”

“Ang alin?”

“Ang tungkol kay Teddy.”

“Siyempre hindi.”

“Balak mo bang sabihin?”

“Oo naman. Pero hindi muna ngayon.”

***

“Magkikita kami mamaya,” ang kaagad na bungad ni Ace pagkatapos kong mag-hello sa phone. “Susunduin niya ako sa office.”

“Good,” ang pangungunsinti ko. “So, ano ang mangyayari sa pagkikita ninyo?”

“Mag-uusap lang kami.”

“So, sasabihin mo na sa kanya ang totoong status mo?”

“Maybe. Bahala na.”

***

“Pass muna ako tonight,” ang text ni Ace sa akin kinabukasan. It was a Saturday at may gimik ang barkada. “May obligasyon ako ngayon sa asawa ko.”

“Sinong asawa? Si Anthony?” ang pagbibiro ko.

“Loka. Si Teddy, siyempre,” ang sagot.

“Ano nga pala ang nangyari sa pagkikita ninyo kahapon ni Anthony?”

“Saka na ako magkukuwento.”

“Akala ko pa naman, pupunta ka at isasama mo siya. Excited pa naman akong makilala siya.”

Sa pagkikita-kita namin ng mga friends ko nang gabing iyon sa Malate, hopeful ako na may ma-meet din na kagaya ng na-meet ni Ace. In my mind, “I Gotta Feeling” was playing bilang bahagi ng aking mental conditioning.

Habang umiinom sa Silya, nagpaalam ako sandali para mag-restroom. May nakapila at na-take note ko kaagad ang itsura niya. Hmmm… puwede. Matangkad. Bata. Guwapo. No, gorgeous! Hindi lang puwede kundi puwedeng-puwede.

Hindi ako masyadong nagpahalata na tinitingnan ko siya. Pero naramdaman niya yata dahil tumingin din siya sa akin. Gusto ko sanang umiwas nang magtama ang aming mga mata subalit nginitian niya ako. Ngumiti rin ako sa kabila ng tila biglaang panghihina ng tuhod ko.

“Hi,” ang sabi niya.

“Hey,” ang sagot ko habang may kaba sa dibdib. Subalit bago ko pa madugtungan ang bati ko, bumukas na ang pinto ng restroom at turn niya nang gumamit.

Nagkaroon ako ng time to compose myself habang nasa loob siya.

Paglabas niya, nagngitian uli kami subalit hindi na ako nakapagsalita. It was an awkward moment kaya kaagad na rin akong pumasok sa banyo. Panay ang buntonghininga ko sa loob.

Paglabas ko, wala na siya.

Bumalik ako sa mesa namin. Habang umiinom, nasa isip ko siya. Gumagala ang aking mga mata sa pag-asang nasa paligid lang siya. Pero wala, hindi ko siya makita. Sayang naman.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-inom hanggang sa ako ay malasing.

***

Kahit madilim at aandap-andap ang mga ilaw sa Bed, parang hinila ang atensyon ko papunta sa kanya. The restroom guy at Silya. Nakita ko siyang nakatayo sa isang sulok.

Bumilis ang tibok ng puso ko as I slowly edged my way patungo sa kinaroroonan niya. Habang papalapit ako, nagmistula siyang isang pangarap na gusto kong abutin.

“Hi,” ang maagap kong bati, diretso ang tingin ko sa kanya.

Sinalubong niya ang aking mga mata. Ngumiti siya.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kaagad akong nagpakilala. “Ako si Aris.”

“Mark.”

Nagkamay kami at hindi na nagbitiw. We stood close to each other at nag-communicate sa pamamagitan ng mga titig.

Hindi nagtagal, nagtagpo ang aming mga labi.

Napapikit ako habang nilalasap ang tamis ng kanyang halik.

Niyaya ko siyang magsayaw sa ledge.

“Nahihiya ako,” ang sabi niya. “Maraming nakatingin.”

“Feeling mo lang yan. But everybody is minding their own business. Nobody really cares,” ang giit ko.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Hinila ko na siya. At kusa na rin siyang sumama.

Nang nasa ledge na kami, hindi ko inakala na magiging agresibo siya. Siya na mismo ang nag-initiate na maghalikan kami.

Magkayakap pa kami habang sinasayawan ang “Good Girls Go Bad”.

***

Kinabukasan, ako naman ang excited sa pagbabalita kay Ace tungkol kay Mark.

“I met somebody last night. He is so gorgeous!” ang sabi ko.

“Gaya-gaya ka,” ang sagot niya.

“Nainggit ako sa’yo kaya ginaya kita.”

“Ano’ng name niya?”

“Mark. Young and tall. With the face of an angel.”

“I am happy for you, friend.”

“And guess what, panay ang text niya sa akin ngayon.”

“Ano’ng sabi?”

“He misses me. And he wants to see me again.”

“Ako naman ang inggit sa’yo…”

“Why?”

“Friend, I have to tell you something…”

“What?”

“Pinutol ko na ang ugnayan namin ni Anthony nang magkita kami noong Friday.”

“Ha?”

“Sinabi ko na sa kanya ang totoo… na may boyfriend na ako. Nasaktan siya. Inisip niya na niloko ko siya… pinaasa. I can’t blame him. Parang ganon naman talaga ang ginawa ko sa kanya. At para huwag ko na siyang masaktan pa, wala man kaming relasyon, nakipag-break ako sa kanya. Which he accepted. Friend, malungkot ako hanggang ngayon dahil doon. Pero ang iniisip ko na lang, it was the right thing to do, di ba? Ituwid ang lahat kasi isang pagkakamali iyon na may boyfriend na ako, I still entertain yung mga ganoon.”

“Korek ka diyan. Kinunsinti lang kita pero from the very start, gusto ko nang sabihin sa’yo na mali ang ginagawa mo. Siguro naghahanap lang ako ng timing because I don’t want to burst your bubble.”

“Oh, well, nagawa ko na ang dapat gawin. Mawawala rin naman ang lungkot na nararamdaman ko. Ang mahalaga, bumawi ako kay Teddy. More than ever, ngayon ko na-realize na siya pa rin pala ang pinaka-importante sa buhay ko.”

“Sige, hindi na muna kita kukuwentuhan tungkol kay Mark. Hindi tama na magkuwento ako ng masaya habang nalulungkot ka.”

“Ok lang. It’s your turn naman para maramdaman ang naramdaman ko last week. Ganyan naman talaga ang buhay, parang gulong.”

“Saka na lang. Huwag muna ngayon. Wala pa namang masyadong nangyayari sa amin. Basta, friend, next Saturday, huwag ka nang mawawala sa gimik. Ngayon pa lang, magpaalam ka na kay Teddy.”

“Oo, sige.”

“Malay mo, baka sa Saturday, isama ko si Mark. Ipapakilala ko sa barkada. I am sure, you would not want to miss that.”

***

Nang mga sumunod na araw, naging maganda ang development sa amin ni Mark.

Bukod sa text exchanges namin araw-araw, nag-uusap din kami sa phone gabi-gabi.

“Matagal na akong single,” ang kanyang sabi. “At palagi ring broken-hearted.”

“Bakit naman?” ang tanong ko.

“I always fall for the wrong guy. And I always end up hurt. Ikaw, sasaktan mo rin ba ako?”

“Bakit kailangan mong itanong yan?”

“Because I think I am falling for you.”

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi pero dama ko ang pag-uumapaw ng saya sa puso ko.

“Ikaw, may nararamdaman ka ba para sa akin?”

I stammered kahit alam ko ang sagot sa tanong niya. “Uhm, yeah, I think, I am falling for you, too.”

“Talaga? Baka naman may boyfriend ka na at niloloko mo lang ako. Ayokong maging kabit. Ayoko ng part-time love.”

“Single din ako at kagaya mo, palagi ring nabo-broken heart.”

“So, ano na tayo? Tayo na ba?”

“Kailangan ba nating magmadali?”

“Hindi naman. Kaya lang kung sigurado naman tayo, bakit kailangan pang patagalin?”

“Ok…”

“Anong ok? Tayo na?”

“Ang ibig kong sabihin, magkita tayo. Mag-dinner. Mag-usap tayo. At saka natin i-formalize ang ating relasyon. Mas magiging sigurado tayo kung face-to-face nating gagawin yun.”

“Kelan?”

“Sa Friday.”

“Sure.”

Pero bago pa man sumapit ang Friday, nag-on na kami sa phone. Masyado nang overwhelming ang feelings namin sa isa’t isa kaya hindi na kami nakapaghintay.

Sabado na kami nakapag-dinner. Wala nang kailangang i-formalize dahil officially, kami na. Ang saya-saya namin pareho and we could not be more sure about our feelings for each other.

Tumuloy kami sa Malate after dinner upang i-meet ang aking mga kaibigan.

***

I was aiming for a complete attendance kaya maaga pa lang tinext ko na ang aking mga kaibigan.

“Kitakits tonight. Ipakikilala ko ang bago kong boyfriend.”

Everybody was excited. Naroroon na sila pagdating namin.

Ngiting-ngiti sila nang i-introduce ko si Mark. I could tell by the look on their faces na aprub ito sa kanila. Bumulong pa sa akin si Axel: “Winner, mare.” I felt so proud.

Napansin ko na wala si Ace. Hinanap ko kaagad ito.

“Nag-CR lang,” ang sabi ni Arnel.

Naupo kami ni Mark at umorder ng drinks.

With fondness, kaagad siyang kinausap ng mga friends. Feeling ko, welcome na welcome sa kanila si Mark. I could not be happier.

Maya-maya, nakita ko si Ace na paparating. Ngiting-ngiti siya habang papalapit sa amin.

Subalit pagsapit niya sa table namin, kaagad na napawi ang kanyang ngiti. Kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat nang makita si Mark.

Nagulat din si Mark pagkakita kay Ace.

Pinagkilala ko sila. “Ace… Mark. Mark… Ace.”

Hindi sila nagkamay. Nagpalitan lang ng makahulugang tingin.

“You know each other?” ang tanong ko.

“Yeah,” ang sagot ni Ace. “Nagkakilala na kami before.”

“Talaga? Paano? Saan?” Addressed iyon kay Mark.

Hindi siya sumagot. Sa halip, iniwas ang kanyang mga mata.

Then Ace dropped the bombshell.

“Si Mark at si Anthony ay iisa.”

Friday, October 21, 2011

Don’t Cha 2

I didn’t go immediately for the kill.

Pagkasampa ko sa kama, pinagmasdan ko muna siya. Para akong nananaginip.

At upang tiyaking hindi, hinipo ko siya. Sinalat ko ang contours ng kanyang dibdib at dinama ko ang makinis niyang kutis.

Dahan-dahang bumaba ang aking palad sa kanyang tiyan at nang mapadako iyon sa kanyang six-pack, dinaluyan ako ng kuryente na nagpasidhi sa aking pananabik. Higit lalo nang masagi ko ang umbok sa kanyang brief. Subalit bago ko pa nagawang dukutin iyon, hinila niya na ako upang balutin sa kanyang bisig at papagtagpuin ang aming mga bibig.

Hinimas niya ang aking likod at sinapo ang aking puwet. Marahan siyang kumanyod-kanyod. Nagbanggaan, nagkiskisan ang aming mga umbok. Sabay kaming naghubo upang papagdampiin iyon, kasunod ang paggagap upang laruin at higit na papagngalitin.

Humulagpos ako sa kanyang kapit at dumausdos. Binakas ko ng halik ang landas pababa sa kanyang katawan, may saglit na paghimpil sa mga sensitibong bahagi. Hanggang sapitin ko ang kanyang kaselanan na nais balutin hindi lamang ng aking palad kundi pati ng mga labi.

At ako ay nagpatuloy sa masigasig na pag-angkin. Napaliyad siya at napasinghap, nabalisa at napabiling-biling, hindi malaman kung uurong o susulong sa aking panginginain.

Bago ko pa siya tuluyang malupig, nagsagawa siya ng kontra-atake. Hinila niya ako paakyat, saglit na hinagkan, pinahiga at pinaibabawan. Siya naman ang gumawa sa akin ng mga ginawa ko sa kanya. Napapikit na lamang ako at nagpaubaya.

Nagpalitan kami at nagsalitan ng posisyon. Nagpagulong-gulong, nagpaikot-ikot nang makailang-ulit. Ang bawat pagkakataon ay puno ng masidhing pagnanasa at pagnanais na makapagdulot ng ligayang tatagos sa laman at titimo sa isip.

Pagkaraang makarating at masaid, nahiga kami nang magkaharap.

“You are so beautiful,” ang sabi ko habang siya ay pinagmamasdan.

“No. You are beautiful,” ang sabi niya.

Nagtitigan kami at nagngitian.

Maya-maya pa, hinila na kami ng antok.

***

Wala siya sa aking tabi nang ako ay magising.

Lumabas ako ng silid at sinalubong ako ng masarap na halimuyak ng bacon.

“Good morning,” ang bati niya habang nag-aayos ng mesa. “Halika na. Breakfast muna.”

Wala akong masabi. Talagang nag-abala siyang magluto!

Over breakfast, nagkaroon kami ng conversation.

“You’ve been going to Malate for how long now?” ang tanong niya.

“A year, I think,” ang sagot ko.

“You’ve met a lot of guys then?”

“Yeah. Not really a lot, though.”

“You’ve slept with them?”

“Yeah. With some of them.” Ayokong magsinungaling.

“Was it exciting?”

“No. Not really. Nobody has got me quite interested.”

“Why?”

“I don’t know. Maybe because too much of anything will make everything seem the same?”

“Really?”

“I guess the one you are supposed to fall in love with doesn’t come along that easy. Pero dumarating.” I looked at him meaningfully.

“Hmmm…” Ngumiti siya at hindi na muling nagsalita.

Pagkakain, niyaya niya akong mag-shower. Sabay kami. To which I willingly agreed. Siyempre, may nangyari uli.

Pagkatapos, inihatid niya na ako sa ibaba.

Binati siya ng guwardiya sa lobby.

Binati niya rin ito at ipinakilala ako.

“Si Aris nga pala. Tandaan mo na siya. Magiging madalas na siya rito.”

***

Nahadlangan ang muli at agaran naming pagkikita dahil nag-sem break at kinailangan niyang umuwi sa probinsiya.

Subalit naging walang patid ang komunikasyon namin sa text. At sa takbo ng mga mensahe namin, naramdaman ko na mayroong something. Kaya naging masaya ako at umasa, nanabik sa muli naming pagkikita.

At nang mangyari iyon, hindi ako nabigo.

Nag-meet kami sa bar. Hindi na namin kinailangang magpakalango sa beer o mag-foreplay sa dancefloor dahil nang magkita kami at magkatabi, instant ang naging sexual tension. Hindi na kami nag-stay nang matagal at kaagad na lumisan.

Sa condo niya, muli kaming nagtalik. Higit na mainit at matamis. Punumpuno ng pagnanasa at pananabik. Tuluyan na naming inihandog at inangkin, tinuklas at dinama nang buong-buo at sagad na sagad ang kaloob-looban ng isa’t isa.

Pagkaraang humupa ang init, pinagmasdan ko siya. Nag-uumapaw pa rin ako sa ligayang dulot ng muli naming pagniniig. At bunsod ng damdaming hindi matimpi, kumawala nang kusa sa aking bibig ang isang pagtatanong.

“Tayo na ba?”

Tumingin siya sa akin, ngumiti at saka sumagot.

“Matulog ka na.”

Natigilan ako.

At kahit niyakap niya ako, na-disturb ako.

I wanted to kick myself for asking.

***

Meeting him changed me.

Parang nawalan ng appeal sa akin ang Malate. At ang iba pang mga lalaki na nakilala ko roon at nakaniig. Parang all of a sudden, gusto ko nang iwan ang lugar na iyon at siya na lamang ang pag-ukulan ng panahon.

Dumalang man ang komunikasyon namin nang sumunod na linggo, hindi siya nawala sa aking isip. Pasukan na kasi kaya maaaring busy lang siya. Nagme-message naman siya, hindi nga lang kasindalas katulad noong bakasyon. At cliché man, totoo ang kasabihang “absence makes the heart grow fonder” dahil ang bawat mensahe niya ay naging mas mahalaga, mas makahulugan sa akin. Bagay na nagpasidhi sa damdamin ko sa kanya.

Yeah, I think I’m in love with him.

He did say that I am beautiful, didn’t he? It could mean na attracted din siya sa akin. And I could just hope na may damdamin din siya sa akin. Na maaari kaming magkaroon ng relasyon… maging mag-boyfriend.

May konting alinlangan man, kailangan kong bigyang-daan ang pangangarap. Alam ko, maaaring masyado lang akong nag-a-assume subalit kailangan kong makipagsapalaran. Itaya ang puso upang malaman kung kami nga ba ay may patutunguhan. Dedma na sa posibilidad na ako ay masaktan. Basta’t ang alam ko, I had to take the chance. Or I would never know.

Kaya nang Sabadong iyon, niyaya ko siyang magkita kaming muli. Medyo nag-worry pa ako na baka siya ay tumanggi. Subalit tinanggap niya ang imbitasyon ko.

At may pahabol pa na “I miss you.”

***

Excited ako nang dumating ang takdang araw ng aming pagkikita.

Sa NYC ang napag-usapan naming tagpuan. Dumating ako bago ang usapang oras subalit nakakadalawang bote na ako at isang oras na ang lumilipas, hindi pa rin siya dumarating.

Isang text ang natanggap ko mula sa kanya. “I’m sorry, I can’t make it tonight. I am not feeling well.”

Nanlumo ako. I was disappointed.

“Ok. Pahinga ka na lang. Get well soon,” ang reply ko na lang.

I thought about leaving nang may lumapit at nag-hello sa akin. Si Ace na isa sa mga acquaintances ko noon (he’s now my bestfriend!).

“Are you alone?”

“Yeah.”

“Then why don’t you join us?” ang sabi. May kasama siyang dalawang kaibigan na kaagad niyang ipinakilala sa akin.

Siguro dahil sa kagustuhan kong malibang at malimutan ang disappointment kay Jasper kaya kaagad akong pumayag. “Sure.”

At hindi kami sa Biology tumuloy (although doon kami nagkakilala) kundi sa Bed. Medyo sosyalin kasi ang kanyang mga kasama. I needed a change of atmosphere anyway para malayo ang isip ko kay Jasper.

Admittedly, I had fun. Maraming malandi sa loob pero umiwas ako. Inisip ko si Jasper. Ayokong gumawa ng mga bagay na maaari kong ika-guilty at pagsisihan.

Mag-uumaga na nang lumabas kami. Nagyaya pa sina Ace na mag-breakfast sa Silya. I went along with them.

At doon, hindi ko napigilan ang mag-confide kay Ace. Ewan ko, I just felt comfortable doing so with him.

Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Jasper . Gusto kong makuha ang kanyang opinyon tungkol sa aming dalawa, kung ano ba sa tingin niya ang meron kami. Kung tama ba ang ginagawa kong pag-a-assume, pag-e-effort at pag-e-expect na mauuwi kami sa isang relasyon.

Medyo maingat siya sa kanyang sagot. Basta ang sabi niya lang: “May mga bagay kasi na kailangan talaga nating pagpursigihan kung gusto nating makuha. Kailangan nating subukan, para sa huli hindi tayo nagwa-wonder sa mga what-could-have-been’s.”

At sa kanya nanggaling ang ideyang iyon: “Bakit hindi mo siya sorpresahin? Bakit hindi mo siya puntahan ngayon. Dalhan mo ng breakfast.”

“Ha? Okay lang ba? You think maa-appreciate niya ‘yun?”

“Maysakit kamo siya. Kailangan niya ng care. What could be a better way upang pakitaan mo siya ng pag-aalaga?”

I agreed with him kaya kaagad akong nagpaalam sa kanila.

Dumaan ako sa McDonald’s at nag-take out ng Big Breakfast.

Nagtaksi ako. At habang bumibiyahe papunta sa condo niya, I felt good about my decision na sundin ang suggestion ni Ace.

Pagpasok ko sa lobby, naroroon, naka-duty na ang guard na ipinakilala niya sa akin noon. Binati ako nang nakangiti.

“Punta ako kay Jasper,” ang sabi ko.

“Sige, sir, akyat ka na.”

Sumakay ako sa elevator at nang sapitin ko ang kanyang floor, mabibilis ang mga hakbang ko sa pasilyo patungo sa kanyang unit.

Akmang pipindutin ko na ang kanyang doorbell nang biglang bumukas ang pinto.

Bumungad si Jasper, papalabas, papaalis. Nagulat siya pagkakita sa akin.

Nagulat din ako at hindi nakakilos, para akong itinulos.

Hindi siya mag-isa. May lalaki siyang kasama, kasunod niya, magka-holding hands pa sila.

I caught a whiff of fried bacon galing sa loob.

At napansin ko, medyo basa pa ang kanilang buhok.

***

“Why?” ang sabi ko sa mahinang tinig, timpi ang emosyon.

“Because…” ang sagot niya na tila nag-aapuhap ng tamang salita.

“Because what?”

“Because I wanted to. And I am free whatever I want to do.”

“Sino siya?”

“Somebody I met in a moviehouse.”

“Nagsinungaling ka. Niloko mo ako,” ang sumbat ko.

“Nagsinungaling, oo. Pero hindi kita niloko,” ang diin niya.

“Akala ko, we have something special going.”

“Yes, we do. Pero wala tayong relasyon.”

Natigilan ako. Hindi nakasagot.

“Look, Aris. You’re special. But we are not boyfriends. Not yet, anyway.”

“So what are we?”

“Friends. Special friends.”

“Fucking friends?”

“We had sex. Pero wala tayong commitment.”

“Fucking friends then.”

“Kailangan ko pa bang magpaliwanag sa’yo? More than anybody else, ikaw ang dapat makaintindi sa akin.”

“No, I don’t understand you.”

“Nagsisimula pa lang akong mag-explore. Nagsisimula pa lang akong pakawalan ang sarili ko… ang tunay na sexuality ko. Ang daming possiblities and I want to experience them all.”

Hinayaan ko siyang magsalita.

“You’ve been there ahead of me,” ang patuloy niya. “Nang simulan mong tuklasin ang mga possiblities ng sexuality mo, I bet hindi mo rin muna binalak ang mag-seryoso. Naging laman ka ng mga bar, ng mga darkroom. Nakipaglaro ka muna. Nag-enjoy. Hind ka nag-isip ng pakikipag-relasyon. Mas maiintindihan mo ako kung iintindihin mo ang sarili mo.”

Napakurap-kurap ako.

“Hindi ako ready na magmahal at mag-seryoso. Masyadong maraming tukso sa paligid na hindi ko kayang i-resist. Mas excited akong makipag-sex kaysa makipag-boyfriend. Ayoko munang matali because I cannot be faithful. Makakasakit lang ako dahil hindi ko maiiwasan ang magtaksil.”

“Pero paano na…?”

“Ayaw kitang saktan kaya nagpapaka-honest ako. Ayaw kitang paasahin kaya sinasabi ko sa’yo ang totoo.”

“Palagay ko… mahal na kita.”

“No. Don’t.”

“Mahal na kita, Jasper.”

“Do yourself a favor. Please. Don’t fall in love with me.”

***

Mula sa malayo, pinagmamasdan ko siya. He was basking in the attention of his admirers, fully aware of how beautiful he is. He was confident and effortless habang nakikipag-flirt sa club na kung saan una kaming nagkita at nagkakilala.

He was still Mr. Perfect at nasasaktan ako na hindi na siya akin – was he ever? – at may distansiya na sa pagitan namin.

Nakita ko na hinila siya sa ledge ng isa sa mga kausap niya na guwapo rin at matangkad. At doon, hinubaran siya habang nagsasayaw. Nalantad ang maganda niyang katawan, ang kanyang tiyan, ang pusod na ginagapangan ng buhok pababa sa kanyang low-rise. Muli kong naramdaman ang familiar stirrings sa aking kaibuturan.

Ipinagpasiya kong umalis na lamang bago pa ako tuluyang lamunin ng frustration.

On my way out, may humarang sa aking daraanan.

“Hello, sexy,” ang bati.

Nang-angat ako ng paningin. Kaharap ko ang isang good looking guy. I’ve never seen him before but he was smiling like he knew me.

I smiled back at him.

“Wanna dance?” ang tanong niya.

“Sure,” ang sagot ko. I needed to to ease my pain.

“I’m Ethan,” ang pakilala niya.

“I’m Aris,” ang pakilala ko rin.

He held my hand at giniyahan niya ako. Akala ko sa dancefloor niya ako dadalhin subalit iniakyat niya ako sa ledge.

It was too late to say no.

And there, I found myself side by side with Jasper.

Hinubaran ako ni Ethan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako tumutol. Siguro dahil may gusto akong patunayan. Na maaari rin akong maging sexy at desirable.

Naging aware si Jasper sa presence ko. Nagkatitigan kami at nagkangitian.

Maya-maya pa, magkaharap na kaming nagsasayaw, limot na ang mga partners pati na ang aming nakaraan.

I touched his body and he touched mine. Sinalat namin ang aming mga kahubdan.

We moved closer. So close na naglapat na ang aming mga dibdib at crotch. Nagyakap kami.

And then, we kissed. Buong pagkauhaw at pagkasabik.

Saglit na nag-linger sa amin ang spotlight.

The crowd cheered.

Wala kaming pakialam. Hindi kami nagbitiw.



Wednesday, October 12, 2011

Don’t Cha

Kasagsagan iyon ng pamumukadkad ko sa Malate.

Pupunta akong mag-isa. Iinom sa NYC.

At pagkatapos kapag may tama na, didiretso sa alinman sa mga bar na may darkroom.

Nang gabing iyon pinili ko ang Biology.

Pagpasok ko, in full swing na ang party. Nakipagsayaw muna ako sa ibaba. Nakipaglandian sa kung sinu-sino. Balak ko nang umakyat sa itaas upang makipaglaro nang makita ko siya.

Kapapasok lang niya. At hindi lang ako ang nakapansin. Marami sa dancefloor ang napalingon din sa kanyang pagdating.

Paano’y napakatangkad niya. 6 footer yata kung hindi man 5’11. Maputi. Makisig. May maamong mukha na luminous sa malamlam na ilaw. Para siyang isang diyoso na naligaw sa daigdig ng mga mortal.

Titig na titig ako sa kanya. Gayundin ang iba pa while he inched his way patungo sa bar. At ilang sandali pa, pinutakti na siya. Marami na ang lumapit at nakipagkilala.

From a distance, patuloy ang pagmamasid ko sa kanya. He seemed friendly dahil habang umiinom patuloy siya sa pag-e-entertain sa mga admirers niya.

Naghanap ako ng sapat na lakas ng loob upang lapitan din siya subalit nang matagpuan ko iyon ay paalis na siya sa bar, patungo na sa may hagdan upang umakyat sa darkroom. Nakasunod sa kanya ang mga makakating higad.

Dumaan siya sa harap ko at pahapyaw kaming nagkatinginan. Sandaling-sandali lang iyon subalit parang hinigop ako ng kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. At nang malanghap ko ang pabango niya, nag-init ako.

Sinundan ko siya ng tingin habang papaakyat sa hagdan. Nakita ko ang outline ng kanyang V-shape na katawan at na-take note ko ang kanyang bubble butt. Higit na nag-init ang aking pakiramdam.

At nang mawala siya sa aking paningin, mabilis akong nagdesisyon sabay sa mabilis na paghakbang.

“I am going to get him,” ang pangako ko sa sarili.

Natalisod ako sa paghabol at muntik pang mahulog sa hagdan.

***

Hindi ako nahirapang maghanap dahil namumukod-tangi pa rin siya kahit sa dilim. Napapaligiran siya ng mga nagnanasa at nagbabakasakaling maangkin siya.

Lumapit ako at tumayo sa harap niya. Sa naglalagos na liwanag mula sa dancefloor sa ibaba, nagsalubong ang aming mga mata. I was thinking Nora Aunor and Tyra Banks while I was trying to communicate with my eyes. And I thought it was effective dahil nakuha ko ang kanyang atensiyon at hindi siya naglayo ng tingin.

I edged closer to him. Ibinalot ko ang aking mga bisig sa kanyang baywang at buong kapangahasan na siya ay hinalikan. Una, marahan na kinalaunan ay naging marahas. Kinailangan ko pang tumingkayad subalit unti-unti siyang nag-adjust, yumuko sabay sa pagtugon ng kanyang mga labi.

Ang mga bisig ko ay lumipat sa kanyang leeg at sinapo ko ang kanyang ulo upang higit na ipagdiinan ang kanyang bibig.

Bumalot din sa akin ang kanyang mga bisig at ako ay kanyang kinabig upang madiin naman sa kanyang dibdib.

Naramdaman kong may kumurot sa akin – isa sa mga nakapaligid na nainggit o nagalit – at may mga nagtangka ring makisali subalit naging manhid ako at maramot siya. Itinaboy namin ang mga gustong makibahagi subalit higit silang nagsumiksik.

Kaya bumitiw ako sa kanya. Hinagilap ko ang kanyang kamay at kaagad siyang hinila palayo sa mga piranha. Muli, may kumurot sa akin, higit na masakit kaysa una. But it was a small price to pay sa pang-aagaw sa kanya dahil nagtagumpay ako at akin na siya.

“Ako nga pala si Aris,” ang pakilala ko sa kanya pagkalabas namin ng Biology.

“Ako si Jasper,” ang pakilala rin niya.

Hindi na namin kinailangang magkamay dahil magka-holding hands pa rin kami.

Sinipat namin ng tingin ang isa’t isa sa liwanag ng poste.

I think we both liked what we saw dahil sabay kaming napangiti.

***

Dinala ko siya sa NYC. At doon habang umiinom, higit kong napagmasdan ang exceptional niyang kaguwapuhan. Na kinumpirma ng mga sulyap ng paghanga na natanggap niya mula sa iba pang mga naroroon. I felt so lucky and proud.

Nagsimula kaming mag-usap. Getting-to- know-you stuff.

Napag-alaman ko na 21 lang siya. Graduating. Psychology ang kurso. Taga-Bataan. Mag-isang namumuhay sa Maynila.

“Bakit wala kang kasama ngayon?” ang tanong ko.

“I am new to the scene,” ang kanyang sagot. “Wala akong kaibigan na maaari kong makasama sa ganitong lugar. Lahat sila straight at wala pang nakakaalam. Ikaw, bakit mag-isa ka rin?”

“Pareho siguro tayo. Although, hindi na ako bago. Pero sa ngayon, wala pa talaga akong masasabing friend dito. Pulos acquaintances lang.”

“First time ko sa Biology.”

“Buti hindi ka nagulat.”

“Nagulat. Pero na-excite.”

“Pinagkaguluhan ka kasi.”

“Oo nga. Di ko akalain.” Bahagya siyang tumawa.

“Buti hindi ka nagalit…”

“Nagalit?”

“Nung nilapitan kita at hinalikan.”

“Bakit naman ako magagalit?”

Hindi ako sumagot. Sa halip, tinitigan ko siya.

Sinalubong niya ang aking mga mata. Palaban siya at hindi pai-intimidate.

“Bakit mo ginawa iyon?” ang tanong niya.

“Dahil gusto kita,” ang walang gatol kong sagot.

Siya naman ang napatitig sa akin. At pagkatapos ay napangiti.

“Okay lang,” ang sabi niya. “I like it.”

Ako naman ang napangiti.

“In fact, I want more.”

Tumingin siya sa akin na parang nanghahamon. Bagay na hindi ko inurungan dahil right there and then, walang kaabog-abog, siya ay aking hinalikan. Sa lips. Dedma na sa mga naroroon.

Mabilis lang iyon at hindi siya nakatugon.

Pagkatapos niyon, tahimik kami. Pero hindi ang aming mga mata na patuloy na nag-usap.

Tinungga namin ang aming mga bote at sinaid ang laman niyon.

“Tara,” ang kanyang sabi pagkatapos.

“Saan?” ang tanong ko.

“Sa bahay. Iuuwi kita.”

“Ha?” Saglit na pagkabigla na sinundan ng pagguhit ng ngiti sa aking mga labi. Hindi ko inaasahan na tatapatan niya at hihigitan pa ang pagka-agresibo ko.

Tumayo siya at hinila ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Nagtaksi kami. At habang bumibiyahe, gumapang ang mga kamay namin at humimas sa maseselang bahagi, lingid sa kaalaman ng drayber.

Ang inaasahan ko, boarding house o room-for-rent ang bahay na sinasabi niya. Subalit pinahinto niya ang taksi sa tapat ng isang condominium.

Bumaba kami.

“Dito ka nakatira?” ang tanong ko na tila hindi makapaniwala.

“Yup,” ang sagot niya.

Mangha ang ekspresyon sa aking mukha.

“Binili ng Dad ko para may matirhan ako habang nag-aaral dito sa Maynila.”

Hindi na ako nagsalita – wala akong masabi – habang papasok kami sa lobby.

***

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kanyang unit, agad na nagtagpo ang aming mga labi. Naghalikan kami, may sense of urgency. Hinubaran niya ako at hinubaran ko siya. At nang kami ay pareho nang talop at brief na lamang ang suot, dinala niya ako sa kanyang silid.

Makalat ang kanyang silid. But it didn’t matter dahil kalat-mayaman iyon. Laptop. Pringles. Wireless phone. Men’s Health. Cadbury. Belt. Shoes. Dumbells. Hindi ko na naimbentaryo ang iba pa dahil nahiga na siya sa kama.

He stretched out his long legs and torso. Napasinghap ako. Sa backdrop ng powder blue niyang bedsheet at sa tama ng soft white na ilaw ng lampshade, nagmistula siyang isang buhay na imahe sa pornography. I mean, photography.

He wiggled his forefinger signalling me to come over with a “fuck me” look in his eyes.

I could feel myself straining in my briefs as I moved closer to him.

(May Karugtong)

Saturday, October 1, 2011

Getting Older

“Guess who’s having a birthday…”

“Who?”

“Eddie.”

“Eddie who?”

Eddie… AKO!”

(Corny)

***

Ang bilis ng panahon.

Baka bago ko mamalayan, retirable na ako.

Mababago na ang mundo ko.

Ang dating ganito…



Ay magiging ganito na…



But I guess, higit akong magiging masaya.

Matagal-tagal pa naman ito
Pero pinaplano ko na.

Dito ako titira…



Wala akong gagawin kundi ang magpahinga.

At magsulat nang magsulat.

Dahil kahit sa pagtanda
Patuloy akong mangangarap.



***

But for now…
Party muna!

Enjoyin ang mga nalalabing sandali
Ng pagiging bata.