Sunday, December 25, 2011

Maligayang Pasko



Sana ngayong Pasko ay ating bilangin
Ang mga biyayang natanggap natin
At tayo ay magpasalamat, manalangin
Na patuloy Niya tayong pagpalain
At patnubayan sa taong darating.

Saturday, December 24, 2011

Status

Ano nga ba ang pinag-awayan namin?

Nagsimula ang lahat right after our “honeymoon”. Two months after magkaroon kami ng relasyon.

Hindi ko inakala na may mababago sa amin at magsisimula iyon sa pamamagitan ng isang bagay na may kinalaman sa kanyang trabaho.

Teambuilding daw, ang paalam niya. Sorry, hindi raw muna siya pupuwede sa lakad namin sa Saturday.

Okay, no problem. Naiintindihan ko naman na parte iyon ng kanyang pagiging call center agent.

Pagkatapos niyon, sumunod ang birthday party na kailangan niyang daluhan dahil magtatampo raw ang kanyang officemate. Muli, nakansela ang lakad namin na nag-coincide sa okasyong iyon.

Okay, fine. Ganoon talaga, kahit may relasyon kami, may social obligation pa rin siya sa mga kaibigan at kaopisina niya.

Then, he started mentioning the name “Bong”. Naka-close niya raw sa Teambuilding at ito ‘yung nag-birthday. It didn’t bother me na mayroon siyang ka-close sa office. Ang sabi ko pa nga, gusto ko itong makilala.

Kaya lang nagsimula akong maapektuhan nang minsang nanonood kami ng sine, naging abala siya sa pakikipag-text.

Tuluy-tuloy iyon at parang nakalimutan niya na nasa moviehouse kami.

Nagtanong ako. “Sino ba ka-text mo?”

“Si Bong,” ang sagot niya. Doon ako nairita.

“Can’t it wait until later?” ang sabi ko.

Subalit sa halip na sumagot, nagpaalam siyang magsi-CR muna.

Ang tagal niya. Ano pa ba ang maiisip ko kundi tinawagan niya si Bong at nag-usap sila. O kaya nagpatuloy ang pakikipag-text niya. Nadagdagan ang iritasyon ko dahil we were supposed to be on a date at basta niya na lang ako inabandona dahil sa Bong na ‘yan.

Sa unang pagkakataon mula nang maging kami, nakaramdam ako ng pagdududa at matinding selos.

Nang bumalik siya, tahimik ako. Hindi ako nagtanong dahil ayokong magmukhang nagger.

At nang kunin niya ang kamay ko, umiwas ako.

Tumingin siya sa akin. “Something wrong?”

Hindi ako sumagot.

Natapos ang palabas na hindi ko siya kinakausap. Immature, I know, but I was really pissed off.

***

Ayun, sa parking lot na kami nag-away. For the very first time.

At dahil selos nga ang pinag-ugatan, ang hirap pag-usapan at ayusin right there and then.

For two days, dedmahan. Pero na-patch up din namin kaagad.

Subalit pagkatapos niyon, heto na naman.

Ang usapan, didiretso siya sa bahay pagkatapos ng kanyang shift dahil rest day niya. Mag-o-overnight na rin siya. Sa tantiya ko, darating siya around 7am. Pero dumating siya 9am na. Saan pa siya nagpunta pagkagaling sa trabaho?

Wala, hindi ako nagtanong pero pahapyaw siyang nag-explain. Nayaya raw kasi siyang mag-breakfast ng mga katrabaho niya at hindi niya natanggihan. Okay, fine, I believed him.

Maliligo raw muna siya bago matulog. Inayos ko ang hihigaan niya.

Tumunog ang cellphone niya habang nasa banyo siya. Ewan ko kung bakit parang kinutuban ako kung kaya hindi ko na-resist na silipin ang mensahe niya. I know, hindi ko iyon dapat ginawa.

Subalit tama ang kutob ko. Si Bong nga ang nag-text sa kanya at ang sabi: “Had a great time. Just got home and will be sleeping now. See you.”

Muli, ang panunumbalik ng pamilyar na pakiramdam ng panibugho. Gusto ko siyang katukin sa banyo at ibato sa kanya ang cellphone niya. Pero nagtimpi ako. Pinigil ko ang emosyon ko.

Paglabas niya ng banyo, pinilit kong magpaka-composed. “May text ka,” ang sabi ko. “Sorry, binasa ko.”

May rumehistrong pangamba sa kanyang mukha.

At nang mabasa niya ang mensaheng nabasa ko, ang ekspresyon ng pangamba ay nauwi sa pagkabagabag.

***

Oh, yes, we fought again after that. At hindi na naman kami nag-usap. Pinabayaan ko siyang matulog na lang. At hindi ko siya tinabihan.

Bandang hapon, nagpaalam siya na may aayusin daw siyang mga papers para sa kanyang regularization. I didn’t know na hindi pa siya regular sa trabaho. Hindi na lang daw muna siya mag-o-overnight. At dahil may away nga kami, hindi na ako kumibo. Pinabayaan ko siyang umalis.

The following day, wala kaming imikan sa text. I was thinking, mauna siya. Mag-sorry siya dahil may kasalanan siya. Pero hindi iyon nangyari. Ma-pride kami pareho at mas makabubuti nga siguro ang manahimik muna kami para makapagpalipas ng sama ng loob.

The day after that, ako ang unang lumambot. Gusto kong bumalik kami sa dati. Willing akong kalimutan ang away namin kahit di siya mag-sorry. Napag-isip-isip ko na in a way, at fault din ako dahil nagpadala ako sa emosyon ko at medyo OA ako. If ever kailangan kong maging mas understanding. Hindi ko dapat pairalin ang pagdududa at selos. I just have to trust him.

I texted him.

“Hey, let’s have dinner,” ang sabi ko. “Meet tayo mamaya bago ka pumasok sa work.”

I had to wait for a while bago siya sumagot.

“Saan tayo magkikita?” ang sabi niya.

Natuwa ako na di niya ako in-ignore.

“Sa KFC na lang. Malapit sa office n’yo. Around 5pm.”

“Ok.”

At nang magkita kami, parang walang nangyari. Kumain kami, nag-usap. We even shared a few laughs. Wala nang saysay pa na balikan ang naging pag-aaway namin dahil ang mahalaga, okay na kami. Na-achieve na ang purpose ng pagkikitang iyon, ang mag-reconcile kami. At happy na uli ako.

Subalit may nag-text sa kanya.

Binasa niya.

Nakatingin lang ako, on hold ang emosyon.

“Si Meg,” ang sabi niya.

I was relieved. Akala ko si Bong na naman. Kilala ko si Meg sa mga kuwento niya. Sort of fag hag niya sa office.

“Tinatanong niya kung nasaan ako.”

“Tell her nandito tayo. Ask her to join us.”

“Okay lang sa’yo?”

“Sure. I would love to meet her.”

And so, ni-reply-an niya si Meg.

Maya-maya pa, I saw this girl na pumasok sa KFC, luminga-linga at kaagad na kumaway pagkakita sa kanya. Dumiretso ito sa table namin.

Beso-beso sila.

“Meg, I would like you to meet my boyfriend,” ang sabi niya. Tapos, ipinakilala niya ako by name.

Kaagad na bumeso sa akin si Meg. “Hello,” ang sabi. “I’ve heard so much about you.”

“I hope they’re all good,” ang sagot ko nang nakangiti. “Halika, upo ka.”

Nagsimulang dumaldal si Meg sa kanya. Mga office-related kuwento.

Tapos, bigla itong nagtanong: “Bes, bakit absent ka kahapon?”

Bigla siyang natahimik.

Nag-stiffen naman ako.

“Ano’ng nangyari sa’yo?” ang dugtong pa ni Meg.

“Nagka-fever ako,” ang agad niyang sagot.

Napatingin ako sa kanya, pinipigil ang magsalita.

Nagpatuloy si Meg. “Inilabas na kahapon ang memo. Congratulations, Bes. Regular na tayo.”

Akala ko ba, aayusin niya pa lang ang mga requirements niya para sa regularization? At bakit hindi ko alam na umabsent siya kahapon?

Nanatili ang tingin ko sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

Naging uncomfortable siya. Obvious na may inililihim sa akin.

Unti-unting namuo ang galit sa aking dibdib.

***

At doon sa may entrance ng kanilang building, pagkaraang makaalis ni Meg, sumabog ang giyera mundiyal sa pagitan namin.

“Bakit hindi ko alam na absent ka kahapon?” ang tanong ko, madiin ang tinig.

“I was sick,” ang sagot niya.

“Bakit hindi ko alam na nagkasakit ka?”

“I don’t wanna disturb you.”

“Why? Hindi ba dapat tinext mo ako? Ipinaalam sa akin na may sakit ka?”

“It was nothing. I didn’t feel it was necessary.”

“Boyfriend mo ako. It’s necessary for me to know. Not unless, hindi totoong nagkasakit ka.”

Natahimik siya. Nag-aakusa hindi lang ang aking mga salita kundi pati ang tingin ko sa kanya.

Sinubukan niyang salubungin ang aking mga mata subalit kaagad din siyang bumawi.

“Why did you lie to me?” ang sumunod na tinuran ko. Hindi na lamang iyon pag-aakusa kundi pangongompronta.

“What are you talking about?” Hindi niya pa rin magawang salubungin ang matalim kong titig.

“About your regularization. About the requirements na sabi mo kailangan mong ayusin.”

Muli siyang hindi nakasagot.

“Something just doesn’t fit. Inaayos mo pa ang mga requirements mo, tapos na-regular ka na pala?”

Tahimik pa rin siya.

“Saan ka nagpunta? Ano’ng ginawa mo? Bakit hindi ka nakapasok kahapon? Sino ang kasama mo?” Hindi ko na mapigil ang tuluy-tuloy na panunukol sa kanya.

At dahil siguro wala na siyang masulingan, hinarap niya ako.

“Ok, fine. You wanna know the truth?” Palaban na siya.

Ako naman ang natahimik. Dama ko ang pintig ng mga ugat sa aking sentido, gayundin ang mabilis na tibok ng aking puso.

“Nagkita kami ni Bong.”

Para akong sinampal ng sinabi niyang iyon.

“Lumabas kami. Uminom. Sa kanila ako natulog.”

Parang hindi ako makahinga at nagsimulang umikot ang aking paligid.

“Buong araw kaming magkasama kahapon kaya hindi ako nakapasok.”

I was in shock. Nagsisikip ang aking dibdib sa sakit. Sa galit.

“Bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit mo ako niloko? Bakit ka nagsinungaling?”

“Dahil nasasakal na ako sa’yo!”

“Ano?”

“Dahil wala ka nang ginawa kundi ang magselos.”

“Dahil may rason.”

“Dahil insecure ka.”

At bago pa kami magkapalitan ng higit na masasakit na salita, tumalikod na ako at umalis.

Hanggang ngayon, makalipas ang dalawang linggo, nananatiling buo ang katahimikang namamagitan sa amin.

Thursday, December 22, 2011

If You Forget Me

Neruda as read by Madonna




I want you to know
one thing.

You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.

Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.

If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.

If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.

But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine.

Tuesday, December 20, 2011

Moves

Nitong Sabado, finally nakalabas din ako. Ang huling gimik ko noong Black Party pa. Na-neglect ko na ang social life ko dahil sa trabaho. Actually, pilitan lang ang nangyari dahil maulan at medyo may sinat ako. Ang tagal na naming hindi nagkikita-kita ng mga friends ko at baka magkatampuhan na kung hindi ako sisipot. Anyway, magpa-Pasko naman kaya tumuloy na ako para sa get-together namin na bale Christmas party na rin.

Late ako. Ang usapan, 10:30 pero nakarating ako 12:30 na. Nagpatila pa kasi ako ng ulan. Naghintay naman sila at hindi nainip dahil nag-iinuman at nagkukuwentuhan. Yun nga lang, pagdating ko parang ang dami na nilang napag-usapan at lost na ako. Hindi na rin ako nakainom masyado dahil by 1:00 a.m., nagyaya na sila sa Bed.

Pero pagpasok naman namin, diretso kami sa itaas at doon ipinagpatuloy ang inuman. Blue Frog, two pitchers kaagad. At ilang sandali pa, may tama na kami at maingay na lahat. Binalikan namin ang mga pinagsamahan namin noon at pinagtawanan ang mga kalokohan. Nagkaroon din ng kantiyawan at asaran. Inasar nila ako pero hindi ako napikon. Ang saya lang kasi ng pakiramdam ko at wala ako sa mood magsuplada.

Maya-maya pa, nagkayayaan na kami sa ibaba. Aba, ang dami nang tao. At may performance ang mga go-go boys sa ledge. Bukod sa Santa cap, red trunks lang ang suot! Apat sila na nagsasayaw nang mapang-akit habang ipinagbubunyi ng crowd.

Kuha uli kami ng drinks. Rum Coke naman. Naku, sa sobrang saya ko, hindi ko na inisip ang magiging epekto ng halo-halong drinks sa katinuan ko. Basta sige, inom lang. At sayaw-sayaw. Di nagtagal, namalayan ko na lang nasa ledge na ako kasama ang dalawang friends. Todo hataw pa rin, walang pakialam dahil lasing. At nang mapagod at magsawa, bumaba ako at dumiretso sa couch upang magpahinga at magpa-sober.

Medyo nanibago lang ako dahil parang wala na akong masyadong kilala. Although mayroon pa rin naman pero hindi katulad noon na parang halos lahat pamilyar. Nasaan na kaya ang mga dating regulars? Mayroon na kaya silang ibang pinupuntahan?

Nag-restroom lang ako sandali – pinanood ang mga knife fish sa aquarium habang dyumi-jingle – bago muling bumalik sa dancefloor. Nakita ko ang mga friends ko pero hindi na ako pwedeng jumoin dahil may mga bagong “kaibigan” na sila at abala na sa “getting-to-know-you”. So, sayaw-sayaw na lang uli ako nang mag-isa, palinga-linga, naninipat ng mga guwapo. Ang daming bagong mukha pero ang babata at grupo-grupo. Sa kagagalaw ko, napunta ako sa may sulok sa tabi ng DJ’s booth. Magpapaka-wallflower na sana ako subalit may umagaw sa aking atensiyon.

Katulad ko, pasayaw-sayaw din siya at mag-isa. Matangkad, maputi, chinito.

Napatingin din siya. At maya-maya pa, nag-uusap na ang aming mga mata.

Hindi ko alam kung bakit ang mga galaw namin ay naging tila pag-gravitate sa isa’t isa. Basta’t napansin ko na lang, halos isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mga mukha.

Nagtitigan kami at sabay na napangiti.

Bumulong siya sa akin. “Are you alone?”

“Yeah,” ang pagsisinungaling ko.

“Are you Filipino?”

“Yeah.” Mukha ba akong foreigner? “You?”

“Korean.”

“Oh.”

Hindi na naglayo ang aming mga mata and we moved even closer.

Langhap ko na ang kanyang mabangong hininga.

“I’m Kim,” ang pakilala niya.

“Aris,” ang pakilala ko rin.

Nagkamay kami at hindi na nagbitiw.

And then, we kissed.