Sa una’y masakit,
Para akong pinupunit
Sa iyong pagpupumilit.
Subalit kinalaunan,
Para na akong nahihibang
Sa iyong pagduruyan.
At ika’y naglabas-masok;
Nag-agaw ang ginhawa’t kirot
Hanggang sa maabot ang rurok.
Niyakap mo ako nang mahigpit;
Pag-ibig ay sinambit-sambit
Sabay sa muling paggiit.
Sabay sa muling paggiit.
Parang nakararamdam ako ng "init". Ang lakas ng imagination ko!
ReplyDeleteSa konting salita, gumana nang husto ang imahinasyon ko! Hehehe! :)
ReplyDeletehot!!! nice. :))
ReplyDeleteNagbabaga ang mga sandali sa pag-iisa ng dalawang katawang sabik sa laman ng isa't isa.
ReplyDeleteMy gosh! Ang init! Hooo...