Tuesday, April 26, 2016

Books Read In 2015


This post is long overdue. Dapat January ko pa ito inilabas pero ngayon ko lang naasikaso. And the bad news is -- hindi ko na-meet ang Goodreads challenge ko for 2015. 50 books ang target ko pero 40 lang ang nabasa ko. Na-in love kasi ako kaya, ayun, na-sidetrack. Nauwi rin naman sa wala dahil bago naghiwalay ang taon, naghiwalay din kami. Ang hirap kayang mag-Happy New Year nang broken-hearted. At kahit nagpalit na ang taon, parang hindi ko magawang palitan siya sa puso ko. Hindi lang pagbabasa kundi pati pagsusulat, napabayaan ko. Sorry sa mga nag-akalang magsasara na ako. Nahirapan lang akong mag-bounce back. Pero heto, nagbalik na ako. Pasensya na muna sa kakaunti at maiiksing posts. Pasasaan ba't dadami at hahaba rin uli ang aking mga kuwento lalo na't kapag dumating na ang bagong inspirasyon ko.

Sunday, April 3, 2016

Sa Dalampasigan


Ever After played. The perfect beach music. Nagyaya siyang sumayaw. Nagpaunlak ako nang walang pagdadalawang-isip. Sa maharot na beat ng kanta ni Bonnie Bailey, nag-ulayaw ang aming mga katawan. Hanggang sa hindi na namin mapigilan ang aming mga sarili, nagyakap kami. At sabay sa paghalik ng mga alon sa dalampasigan, kusang nagtagpo ang aming mga labi. Nalasahan ko ang tamis ng kanyang bibig. Humigpit ang yakap niya sa akin at ako'y napapikit. Higit siyang nakalalasing kaysa Mindoro Sling.