Sa nakikita ko, okay ka naman. Sosyal na sosyal pa nga eh
dahil diyan sa kaibigan mong de-kotse na hatid-sundo ka kapag may gimik. At
hindi sa kung saan-saan lang. Doon talaga sa mga sosyal na lugar. I wonder kung
sino ang nagbabayad sa mga inoorder nyo. Nakikita ko sa FB mo na, aba, hindi na
lang bote ng Tanduay Ice ang hawak mo ngayon kundi baso ng Jack Daniels na. Ang
impluwensiya nga naman ng mayaman mong kaibigan. Maitanong ko lang: siya ba ang
nagbabayad sa mga iniinom nyo? Dahil kung ikaw, wow, ang laking kabawasan niyan
sa kinikita mo, na imbes ipunin mo na, ginagasta mo lang sa alak. At alam ko na
bote-bote ang usapan diyan, hindi baso-baso lang. Kaya kumusta naman, hindi ka ba
kinakapos sa pera? Napapansin ko kasi, maingay ka lang kapag bagong suweldo.
Post dito, post doon ng mga sosyal na lakad nyo. Kapag mga alanganing araw,
wala, tahimik ka. Dahil ba sa wala nang budget? Dahil ba sa naubos na sa isang gabi
ang pinaghirapan mo sa loob ng 15 days? ‘Yan ang sinasabi na iayon sa payslip ang pagpapasosyal. In your case, wala, ubos-ubos biyaya. Yung friend
mo, rich yun. E ikaw? Hindi naman sa pangmamaliit, pero hindi ka mayaman. Imbes na
magbigay ka sa mga magulang mo ng pambayad sa ilaw at tubig, inuubos mo ang
sweldo mo para lang maka-keep up sa lifestyle ng kaibigan mo.
Wednesday, October 19, 2016
Social Climber
Wednesday, October 5, 2016
Reklamo
Muli kong narinig ang ating kanta mula sa mga
nagvivideokeng lasing. Sa kabila ng sintunadong tono, naramdaman ko ang kirot ng bawat salita. Sa
lalim ng gabi, muli akong dinalaw ng iyong mga alaala. Muling binagabag ng
pagsintang inakalang hindi magtatapos sa kabila ng mga pagsubok.
Nagpabiling-biling ako sa higaan, pilit na isinasara hindi lamang ang tenga
kundi pati ang puso, isip at pandama.
Tumawag ako sa Barangay at inireklamo ang maingay na kapitbahay.
Tumawag ako sa Barangay at inireklamo ang maingay na kapitbahay.
Subscribe to:
Posts (Atom)