Sunday, February 17, 2013

Lihim

Nanlalamig ako habang nakatunghay sa computer ni Enrico na kung saan tumatakbo ang isang video.

“Bakit ka nagsinungaling?” ang sumbat niya sa akin.

Wala akong maisagot.

“Si Francis pa ang nakadiskubre sa panloloko mo.”

Napayuko na lamang ako. At nang hindi na makatagal, tumalikod ako at umalis.

Hindi niya ako pinigilan o sinundan.

Nangyari na ang kinatatakutan ko.

Nabunyag na ang aking lihim. 

*** 

Nagkakilala kami ni Enrico sa Boracay, sa after-party ng Bikini Summit na sinalihan ng kaibigan kong si Steven. Nahila lang ako bilang “plus 1”. Sosyal ang event. Mga lehitimong modelo ang kalahok at mga miyembro ng alta-sociedad ang guests.

Ipinakilala ako sa kanya ni Steven bilang isang modelo rin. Hindi iyon totoo pero hindi ko na kinorek. Nagkunwari na lang ako.

Buong gabi, naging magiliw sa akin si Enrico. Kausap siya nang kausap. Hindi ako naging matapat sa pagsagot sa kanyang mga tanong dahil ayokong malaman niya ang totoo. Ayoko siyang ma-turn off.

Guwapo si Enrico, mayaman, successful. Nasa early forties at straight-acting. Tumutugma siya sa tipo ng gusto kong maging boyfriend.

Habang nag-uusap kami, sandali kong nalimot ang agwat ng estado namin.

Nang mag-wind down ang party, niyaya niya ako sa kanyang hotel.

He was sweet and gentle, almost caring. Masuyo at maingat niya akong tinalik sa buong magdamag.
  
Hindi ko iyon malilimutan. It was great.

*** 

Malungkot ako nang pabalik na sa Maynila. Naiisip ko si Enrico. Naiisip ko ang maiksing sandaling namagitan sa amin. 

Hindi ko naiwasang mag-confide kay Steven.

“Tinamaan ka, pare?” ang tanong niya.

“Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,” ang sagot ko.

“Sabagay, mayaman siya.”

“Hindi pera ang habol ko sa kanya.”

“Kung ganoon ay ano?”

“Gusto ko siyang maging boyfriend.”

Napatingin sa akin si Steven, hindi makapaniwala.

“Graduate na ako sa pagiging user. Naghahanap na ako ng isang meaningful relationship.”

Napangiti si Steven. “Maaari kong i-arrange na magkita kayong muli sa Maynila.”

Napansin ni Steven ang aking agam-agam.

“Bakit, may problema ba?” ang kanyang tanong.

Napabuntonghininga ako. “Alam mo kung ano ako. Hindi kami nababagay.”

Muling tumingin sa akin si Steven. “Pare, huwag mong maliitin ang iyong sarili. Pareho lang tayo ng pinanggalingan. Tingnan mo ako ngayon.”

I cannot argue with that dahil malayo na nga ang kanyang nararating at maituturing na rin siyang successful.

“Huwag kang matakot sumubok,” ang kanyang patuloy. “Sa mga kagaya natin, wala nang mawawala. Mayroon pa ba?”

***

Hindi ko alam kung kagagawan iyon ni Steven pero isang araw, nakatanggap ako ng tawag mula kay Enrico. Iniimbita niya akong mag-dinner.  Excited ako kaya kahit may conflict sa schedule, pumunta ako.

Sa restaurant iyon ng isang five-star hotel. Nakangiti siya nang dumating ako. Kinamayan niya ako nang mahigpit. 

Umorder siya ng masasarap na pagkain at habang kumakain, napansin ko ang kakaiba niyang titig na halos hindi lumalayo sa akin.

“Na-miss kita,” ang sabi niya, maya-maya pa, nang tila ay hindi na makatiis.

Napatingin ako sa kanya. Masaya ako sa aking narinig subalit hindi ako makapagsalita.

“Lagi kitang naiisip,” ang sabi niya pa. “Mula nang magkakilala tayo sa Boracay, hindi na kita nalimutan.”

Hindi ko iyon inaasahan. Kung gayon, mutual ang aming nararamdaman. Hindi lang ako sigurado kung katulad ng sa akin, pag-ibig ba iyon o libog lang.

“Are you in a relationship?” ang kanyang tanong.

“No,” ang maiksi kong sagot.

Napangiti siya. “Good.”

Akala ko doon iikot ang aming conversation subalit napunta iyon sa ibang topic. Mostly ay tungkol sa higit na pakikipagkilala niya sa akin.

Pulos kasinungalingan ang naging sagot ko sa kanyang mga tanong. Hindi ko nagawang magpakatotoo. Natatakot ako na baka kung ano ang kanyang isipin. Ayokong mawalan siya ng interest.

Uminom kami after dessert. Habang nalalasing, mas nakatiyak ako sa aking damdamin. Siya na nga ang hinahanap ko. Siya na nga ang magpapaligaya sa akin.

Kaya nang magyaya siya “upstairs”, sa isang silid na kanyang ipina-reserve, hindi na ako nagdalawang-isip.

Nagniig kami. And it was better than the first.

Naidlip ako pagkaraan ng matatamis na sandali.

Nagising ako sa kanyang mga yakap at halik.

Maulap man ang aking isip dahil sa pagod at antok, malinaw kong narinig ang kanyang sinabi.

“I love you. Will you be my boyfriend?”

***

Iyon na ang pinakamasayang kabanata ng aking buhay. Ano pa nga ba ang aking mahihiling?

Binabagabag man ng aking lihim, hindi niyon mapagdidilim ang kaligayahang dulot sa akin ni Enrico.

He was every inch the perfect boyfriend. Maalaga, maalalahanin, mapagmahal. Ginagawa niya ang lahat para sa akin.

Isa lang ang kanyang sinasabi lagi: “Huwag mo lang akong lolokohin.”

At dahil palalim na nga nang palalim ang relasyon namin, dinala niya na ako sa kanyang circle. Ipinakilala niya ako sa kanyang mga kaibigan na malugod naman akong tinanggap.

Maliban kay Francis, ang kanyang best friend, na tila may reservations sa akin.

Nang ipakilala ako kay Francis, napatitig siya sa akin nang mataman.

“Have we met before?” ang kanyang tanong.

“No. I don’t think so,” ang aking tugon.

“Para kasing pamilyar ka. Parang nakita na kita somewhere.”

“Modelo siya,” ang singit ni Enrico. “Baka sa magazine mo siya nakita o sa fashion show.”

“Most probably. But I’m not sure.”

“Oh well, does it matter? Now that you’ve met him, isn’t he gorgeous?”

“Oh yes, of course. Very.” Ngumiti sa akin si Francis pero nahalata ko na parang hindi siya sincere.

Ngumiti na rin ako bilang pagpapakadisente. Pero ewan ko kung bakit later on, nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin, kinabahan ako.

***

Paglabas ko ng school (yes, working student ako), namataan ko sa tapat ng gate ang kotse at driver ni Enrico. Pinasusundo raw ako. Pinapupunta sa condo. Hindi iyon araw ng pagkikita namin kaya naisip ko, marahil nami-miss niya lang ako.

Subalit seryoso at walang kangiti-ngiti ang mukha ni Enrico nang pagbuksan niya ako ng pinto. Yumakap ako sa kanya at humalik pero malamig siya sa akin at agad na kumalas.

Nagtaka ako. “Something wrong?”

Hindi siya sumagot. Sa halip ay naglakad patungo sa kanyang office. Sumunod ako.

Sa ibabaw ng mesa, nakita kong nakabukas ang kanyang laptop.

May pinindot siya sa keyboard. At ilang sandali pa, napuno na ng nakagugulat na imahe ang screen.

Doon na ako nanlumo.

At nanlamig.

***

Nagdilim ang paligid. Nag-anasan sa excitement ang mga manonood.

Pumailanlang ang isang nakakikiliting tugtog.

Mula sa likod ng tabing na kung saan nakasaad ang “Big Night”, lumabas ako at pumagitna sa entablado. Tumutok sa akin ang spotlight.

Nalantad ang kahubdan ko. Isang makipot at manipis na underwear lang ang suot ko.

Napasinghap ang mga manonood, napapalakpak. Nagsindi ang camera ng mga cellphone.

Ako ang star dancer ng club na ito at muli, patutunayan ko iyon.

Nagsimula akong umindayog. Mapang-akit, mapanukso. Kumiwal-kiwal ako, kumadyot-kadyot. 

Broken-hearted or not, the show must go on. 

8 comments:

aboutambot said...

as usual, may kurot sa puso. na-miss ko tuloy ang ibang mong series, idol.

Rygel said...

sana naman may karugtong pa

Aris said...

@aboutambot: don't worry, my friend. anytime soon, magpapatuloy na uli ang mga series. :)

@rygel: why not? promise, kapag naging malikot uli ang utak ko para sa isang posibleng pagpapatuloy hehe! thanks, rygel. :)

Tim Smithson said...

whoa, emotionally drooling! kakawindang!

Aris said...

@tim smithson: hehe! thanks for dropping by. :)

Mac Callister said...

Aw sayang naman...

Ano kaya mangyayari tatatanggapin kaya siya ni boyfriend kahit nalaman ang totoo?

m2mtripper said...

The hopeless romantic in me is in tears.

Kampai!

Aris said...

@mac callister: minahal siya ayon sa kung ano ang kanyang naging pakilala. ngayong nabunyag na ang totoong siya, maaaring maunawaan at tanggapin siya kung tunay nga ang pagmamahal sa kanya. :)

@m2mtripper: aww! pasensya na kung naluha ka. salamat sa walang sawang pagsubaybay. :)