Ang San Marino sa lalawigan ng Quezon ay isang resort town. Tanyag sa pagkakaroon ng white sand beaches na maihahalintulad sa Boracay. Dinarayo ng mga turista lalo na ng mga taga-Maynila dahil accessible at hindi na kailangang mag-eroplano o magbangka. Isang sakay lang ng bus mula Cubao o Pasay, pagkaraan ng apat na oras, naroroon ka na.
Nagpunta
si Adrian sa San Marino upang dumalo sa kasal ng kanyang tiyahin na bunsong
kapatid ng kanyang ama. Taga-roon kasi ang angkan nila. Nasa ibang bansa ang
kanyang ama at dahil hindi makapag-leave sa trabaho ang kanyang ina, siya ang
naatasang kumatawan sa kanilang pamilya. At dahil summer naman at wala siyang
pasok, pumayag siya dahil gusto niya ring magbakasyon. At makalimot. Dahil bago
nagsara ang klase, nag-break sila ni Gerard.
Pagbaba
ni Adrian sa bus ay kaagad niyang nalanghap ang simoy ng dagat at nadama ang
haplos nito sa kanyang balat. Hindi niya naiwasang ma-excite dahil hindi niya
inaasahang gayon kaganda ang lugar, higit na maganda sa mga kuwentong naririnig
niya at sa larawang nabuo sa imahinasyon niya. Maituturing na first time niya
sa San Marino dahil noong una siyang dinala rito ng kanyang ama, masyado pa
siyang bata upang iyon ay maalala.
Kasunod
niyang bumaba sa bus si Dave. Kagaya niya ay napangiti ito habang pinagmamasdan
ang paligid. Sa kabila ng papatinding tag-init, tila higit na luntian ang mga
halaman at puno sa San Marino. Tila higit ding mabulaklak ang mga bogambilya,
gumamela at santan na nagbibigay-kulay at rikit sa gilid ng mga daan at sa
mismong terminal.
“Wow,
ang ganda nga rito!” ang bulalas ni Dave.
“Oo
nga,” ang sang-ayon ni Adrian. “I can’t wait to hang out by the beach.”
Hindi
talaga sila magkasama. Nagkatabi lang sila sa bus, nagkakuwentuhan at nagkapalagayang-loob.
Bakasyunista si Dave at ngayong summer, napagpasyahan niyang mag-out-of-town
nang mag-isa. Gusto niya lang magkaroon ng “me” time ngayong single na uli
siya. LDR is not for him kaya nang finally ay matuloy sa States ang kanyang dyowa,
nakipag-break siya.
Halos magkasing-edad sila – disiotso si Adrian at bente-uno si Dave. Pareho silang matangkad, payat at guwapo. Pareho rin silang PLU. Hindi na nila kinailangang umamin dahil nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanilang lovelife at mga exes, gumamit sila ng mga panghalip na “he” at “him”. Buong biyahe, nagkaroon sila ng bonding kung kaya pagsapit nila sa San Marino, para na silang mag-best friend.
Subalit
tila kaagad din iyong mapuputol. Dahil ngayong nakarating na sila, kailangan na
nilang magkanya-kanya.
“Saan
ka na papunta niyan?” ang tanong ni Adrian.
“Bahala
na,” ang sagot ni Dave. “Maghahanap na lang muna ako ng resort na matutuluyan.”
“Will
you be alright?”
“Don’t
worry about me, I’ll be fine.”
“If
you want, I can ask my relatives if you can stay with us.”
“No,”
ang mariing tanggi ni Dave. “I can very well manage on my own. Salamat na
lang.”
Saglit
na nag-hold ang kanilang tinginan.
“Text-text
na lang,” ang sabi ni Dave.
Tinapik siya nito sa balikat bago umalis.
Tinapik siya nito sa balikat bago umalis.
(Itutuloy)
Part 2
No comments:
Post a Comment