Friday, October 30, 2009

Ang Lalaki Sa Dilim

Nakatayo ako sa likod ng sinehan. At dahil last full show, konti lang ang tao. Ang karamihan ay hindi nanonood kundi naghahanap. Isa na ako roon.

May tumabi sa akin. Inaninag ko siya sa dilim. Napansin ko ang kakaibang luminosity ng kanyang mukha.

Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Matangkad siya at payat. Naka-jacket na itim.

Nang muli akong tumingin sa kanyang mukha, ako ay hinigop ng kakaibang ningning sa kanyang mga mata.

Nginitian niya ako. Natigagal ako habang nakatingin sa kanyang mga labi na luscious at napakapula.

Hinawakan niya ang aking mukha at ako ay kanyang hinagkan. Natikman ko ang kakaibang tamis ng kanyang mga labi. Napapikit ako. Nakaramdam ng unti-unting pagkalasing.

Niyakap niya ako. Nalanghap ko ang kakaiba niyang bango na lumango sa akin.

Hinalikan niya ako sa leeg. Nanghina ako sa kakaibang kiliti na ipinadama niya sa akin.

Nag-umigting ang aking pagnanasa at ako ay nagpaubaya.

Subalit kung gaano kabilis na ako ay kanyang sinunggaban, ganoon din kabilis na ako ay kanyang binitiwan. Nagulat ako at nagtaka. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

Naroroon ang kakaiba niyang titig na tila tumatagos sa akin.

“Sa parking lot sa basement, hihintayin kita,” ang sabi niya. May kakaibang modulation at lamyos ang kanyang tinig na tila humagod sa akin.

Muli kong pinagmasdan ang kanyang kabuuan. Napakakisig niya na halos hindi kapani-paniwala. Kakaiba ang kanyang pang-akit na para siyang isang pangitain.

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong ko.

“Lester,” ang sagot niya bago tumalikod at umalis.

Naiwan ako na parang namalikmata hanggang sa siya ay maglaho sa aking paningin.

***

Ipinagpasiya kong sundan siya. Hindi ako mapakali sa pananabik dahil sa ipinalasap niya sa akin.

Nasa fourth floor ang sinehan at sasakay lang ako ng elevator upang marating ang basement.

Madilim sa labas. Dahil siguro late na at nagtitipid sa kuryente ang mall.

Nagtungo ako sa elevator. Pinindot ko ang “open”. Bumukas ang pinto at nakita kong walang ilaw sa loob.

Nag-atubili akong sumakay.

Binitiwan ko ang buton. Sumara ang pinto. Subalit muli itong bumukas at nakita kong nakasindi na ang ilaw.

Sumakay ako.

Pinindot ko ang “close” at ang “B”. Muling sumara ang pinto ng elevator. Nakaramdam ako ng pag-uga bago ito dahan-dahang bumaba.

Nagulat ako nang biglang mamatay ang ilaw sabay sa paghinto ng elevator.

Kinabahan ako. Kinapa ko ang mga buton at hinanap ang “alarm”. Pero dahil sa taranta, kung anu-ano ang napindot ko.

“Tulong!” ang sigaw ko sabay katok nang malakas sa pinto ng elevator.

Ang dilim-dilim. Ang init-init. Parang hindi ako makahinga.

Nagsimula akong makaramdam ng takot.

Ipinagpatuloy ko ang pagsigaw at pagkatok.

“Tulungan n’yo ako!”

Biglang sumindi ang ilaw at muling gumalaw ang elevator. Unti-unti akong nakahinga nang maluwag.

Pagbukas ng pinto sa basement, siya ang tumambad sa akin.

Si Lester. Nakangiti. Nakatayo sa may bungad.

Kaagad akong bumaba. Madilim ang ilaw sa basement at ilang sasakyan na lamang ang naka-park. Wala ring ibang tao maliban sa amin.

“Sumunod ka sa akin,” ang tila nag-uutos na sabi niya.

Akala ko sasakay kami sa kotse pero dumiretso siya papasok sa banyo. Kahit walang ilaw, sumunod ako sa kanya.

Sa loob, naaninag ko ang makisig niyang tindig.

Lumapit siya sa akin.

Sa tanglaw ng kapirasong ilaw na naglalagos sa maliit na bintana ng banyo, muli kong napagmasdan ang kanyang mukha. Luminous pa rin ito sa dilim.

Tinitigan niya ako at muli, nahalina ako sa ningning ng kanyang mga mata. May nadama akong magkakahalong emosyon sa mga titig niyang tila tumatagos sa akin.

Sinimulan niya akong halikan. Muli, nalasahan ko ang kakaibang tamis ng kanyang bibig.

Hinubad niya ang aking t-shirt. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at ako ay padipa niyang isinandal sa dingding.

Hinalikan niya ako sa leeg. Kakaiba ang sensasyong nanuot sa akin.

Bumaba ang kanyang bibig sa aking dibdib at sa bawat dampi ng kanyang mga labi, ginapangan ako ng kakaibang kiliti. Ang bawat hagod ng kanyang dila ay nagpaigtad sa akin. Ang bawat sipsip at kagat ay naghatid ng mga mumunting kuryente.

Binitiwan niya ang aking mga braso at hinalikan niya ang aking tiyan. Ang pagsundut-sundot ng kanyang dila sa aking pusod ay tuluyang nagpahina sa akin.

Binuksan niya ang aking zipper at ibinaba ang aking pantalon, kasunod ang aking brief.

Lumuhod siya upang halikan ang ibabang bahagi ng aking katawan. Sinapo ng kanyang mga palad ang aking puwitan.

Naramdaman ko ang mainit niyang bibig na bumalot sa akin. Napasabunot ako sa kanyang buhok.

Hindi lang kiliti at kuryente ang aking naramdaman. Para akong lumutang at idinuyan. Naglunoy sa ligaya ang bawat himaymay ng aking laman.

Naramdaman ko ang build-up ng climax mula sa aking kaibuturan. Parang rumaragasang agos na hindi ko mapigilan.

Ilang sandali pa, ako ay nanginig at sumambulat. Sabay sa pagkasaid ng lakas ay ang pagtakas ng aking ulirat.

Nagdilim sa akin ang lahat. At ako ay napahandusay.

***

Nagising ako sa tama ng flashlight sa aking mukha.

Nagmulat ako.

“Ayos ka lang?” ang tanong ng lalaking may hawak sa flashlight.

Dahan-dahan akong bumangon at saka ako naging aware na nakahubad ako.

Inabot sa akin ng lalaki ang aking damit.

Tinulungan niya akong tumayo at dali-dali akong nagbihis.

“Hindi ikaw ang unang natagpuan kong ganyan sa CR na ito,” ang sabi ng lalaki. Nakasuot-guwardiya siya.

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata.

“Pang-apat ka na,” ang patuloy niya. “Kaya hindi na ako nagulat nang makita kita.”

Humakbang siya palabas ng banyo. Sumunod ako sa kanya.

“Sarado na ang CR na ito. Matagal nang hindi ipinapagamit.”

Saka ko napansin ang “Out of Order” sign sa pinto ng banyo.

“May pinatay kasing lalaki dito. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatahimik at patuloy na nagmumulto.”

Kinilabutan ako sa aking narinig.

“Ako ang nakatuklas ng kanyang bangkay.”

“Ano ang itsura niya?” ang tanong ko.

“Payat. Matangkad. Maputi.”

“Nalaman n’yo ba kung sino siya?”

“Oo.”

“Ano ang pangalan niya?”

“Lester.”

***

Saklot ng matinding takot, halos patakbo kong tinungo ang elevator. Gusto kong makalayo kaagad sa lugar na iyon.

Pinindot ko ang “open” button.

“Sira ‘yan,” ang sabi ng guwardiya na nasa likuran ko.

“Ha? Dito ako sumakay kanina pababa.”

“Imposible. Matagal nang hindi gumagana yan.”

Higit na sumidhi ang aking takot.

“Gamitin mo na lang ang hagdan paakyat sa ground floor. Doon, pwede kang lumabas.”

Tinungo ko ang hagdan. Nagmamadali akong umakyat.

Madilim ang stairway. Parang never-ending ang mga baytang.

Tumingala ako upang tanawin ang hangganan.

Nanghilakbot ako sa aking nakita.

Naroroon si Lester sa itaas.

Nakangiti. Naghihintay sa akin.

50 comments:

Aris said...

This is fiction. Happy Halloween! :)

LhanDz said...

wow galing

joelmcvie said...

Ito ang entry mo for the MGB Halloween Special! LOL =)

Anonymous said...

I have always enjoyed and admired your writing style and choice of words...this one tops it all!!! Thanks for making my day!

rudeboy said...

Hahah, nice one, Aris.

Ano alternative title nito? "Multong Bakla"? :P

Herbs D. said...

omg i love you lol
nice post

Jinjiruks said...

minsan lang naman yang m2m horror na yan. haha. ewan. tuwing ganitong panahon lang ba pwede magkwento.

Anonymous said...

i like this story friend. 'twas written very subtle but awesome. ahloveit!

Happy halloween!


-Bewired

wanderingcommuter said...

tsktsk!!! napaka natural ng talent mo, tsong! innate o nasobrahan ng xerex nung bata? haaha! joke.

pero seriously, hands down... nakaka insecure!

Aris said...

@lhandz: salamat. sana pasyal ka lagi. :)

@joelmcvie: oo nga hahaha! :)

@anonymous: thank you for your kind words of appreciation. thank you for inspiring me to keep on writing. :)

@rudeboy: hahaha! that's a good one. di ko naisip yan. :)

@herbs d.: i love you too, bibi gurl. :)

@jinjiruks: sige, kapag sinipag ako, magsusulat uli ako ng erotic horror para sa'yo hehe! :)

@bewired: friend! salamat naman nagustuhan mo. i hope naging masaya ang halloween mo diyan. ingat always. :)

@wandering commuter: ikaw nga diyan ang sobrang galing magsulat noh! idol kaya kita. thankful ako na na-enjoy mo ang kuwento. :)

neil said...

aus bro..pang nobela...

MkSurf8 said...

bulasang bulsa ako dito! happy halloween friend =)

Aris said...

@neil: thanks neil. please visit always. :)

@mksurf8: friend, na-miss kita last sat. ang saya ng party sa bed. :)

Aeson||Jerry said...

i love this...im always checking your blog and i think as of the moment, this one is the best!..

citybuoy said...

ang galing galing talaga nito. nakakaarouse at nakakatakot. strange combination pero you really rocked it. :D

Yj said...

ha! i doubt if this is fiction...

ramdam ko... nangyari yan friend hehehehehehehe

Aris said...

@aeson / jerry: thank you very much for following my blog. sana patuloy kitang mapasaya sa mga sinusulat ko. tc. :)

@citybouy: nakaka-inspire naman. thanks, nyl. :)

@yj: secret. charing hehe! di ako takot sa multo basta guwapo hahaha! :)

MkSurf8 said...

friend, mukhang matagal tagal pa ulet ako mag Bed. =) straight muna ako, Choz! =)

Aris said...

@mksurf8: ako rin, friend. pahinga muna. nasobrahan ako nung saturday. nagka-ubo't sipon ako hehe! :)

chicomachine said...

itatanong ko sana kung totoo to. biglang may bumungad na comment na "this is fiction" hahaha!

grabe! parang pinapanood ko! ang jangas!

Aris said...

@chicomachine: thanks, friend. happy ako na na-enjoy mo ang kuwento ko. :)

m2mtripper said...

Whew... That's hot!

Ang lupit nung incubus na yun. Sabagay, kung kamukha ba naman ni Brandon Boyd, kahit alam kong incubus yun, go-go pa rin ako. Haha.

Nice entry!

Aris said...

@m2mtripper: thank you very much. happy ako na na-enjoy mo ang story. please visit often. thank you din sa comment. :)

Sheen said...

naks..ang galing..suspense m2m encounter..Ü

Aris said...

@sheen: hello, sheen. thank you. take care. :)

Griffen said...

da best :)
kudos.

Aris said...

@griffen: hello there. salamat. sana pasyal ka lagi. tc. :)

Anonymous said...

ang galing..every words tinutukan ko..nice work...i appreciate a lot

Aris said...

@anonymous: hello. maraming salamat sa appreciation. sana pasyal ka lagi. tc. :)

jeticool09226378608 said...

creepy yet hot 09226378608

Aris said...

@jeticool: hello. salamat sa pagbabasa at sa comment. masaya ako na nag-enjoy ka. ingat always. :)

Anonymous said...

nice narrative... sexy yet compelling like a homo erotic scene from one of de costeu films ehheheh.

Aris said...

@anonymous: thank you. :)

jay ar said...

grabe!!
ang ganda ha,, kahit ayaw ko ng horror stories kasi nababaduyan ako,, pero this story is different... like it! =)

Aris said...

@jay ar: salamat, nagustuhan mo. sana dalaw ka lagi at sana magustuhan mo rin ang ibang posts ko. :)

PluripotentNurse said...

innate talent in writing aris winner ang post mo na to hihi...just followed your blog, hope u'l follow me too thanks!

Adventure said...

first time ko bumisita sa blog na ito at ito ang first blog entry ang nabasa ko.

galing.. kinilabutan naman ako. pang pelikula. whew!!!

im sure, babalik at babalik ako sa blog mo.

keep it up. more stories to go. cheers :)

Aris said...

@pluripotentnurse: happy ako na nagustuhan mo. followed you na. nasa links na rin kita. :)

@adventure: welcome to my blog. natutuwa ako na nagustuhan mo ang pinakaunang kuwento na nabasa mo rito. sana ma-enjoy mo rin ang iba pa. maraming salamat. :)

Viktor Saudad said...

pretty neat.

Aris said...

@viktor saudad: thanks a lot. :)

sweetjhon said...

grabe...addiction na toh....maaadik na talaga ako sa mga story mo...ang galimg talaga..whewww..

Aris said...

@sweetjohn: thanks a lot. favorite ko rin ito. hehe! :)

Anonymous said...

interesting..can't wait to read the next one..

ispluk said...

ang galing mo aris heheheh.

Anonymous said...

napakagaling!!! ang husay mong sumulat!!!

Aris said...

@anonymous, ispluk and anonymous: salamat sa inyong tatlo. pinasaya ninyo ako. :)

rokai010 said...

galing ng kwento

Aris said...

@rokai: hello, rokai. thank you. :)

Ethan said...

shoot! This blog gave me goosebumps!!!!!!!! waaaaaaaaaaaa

Aris said...

@ethan: hehehe! happy halloween! :)