Thursday, July 17, 2008

Umbrella

Panay ang ulan. Kalalabas lang namin sa office at pauwi na kami. Katulad ng nakagawian, sumabay ako sa kotse ni MF.

Nung nasa daan na kami sa gitna ng malakas na ulan, nagyaya siyang magmeryenda. Dumaan kami sa isang coffee shop. Medyo malayo ang napag-parkan namin. Buti na lang may payong siya. Magkasukob kaming naglakad patungo sa coffee shop.

Hindi ako gutom pero pinagbigyan ko si MF. Ewan ko ba, I can’t seem to say no to this guy.

Mula nang magkakilala kami at maging close, andun yung feeling na gusto ko siyang laging makasama. Gusto kong gumawa ng mga bagay para sa kanya. Gusto ko na nakikita siyang masaya.

Napansin ko ito sa aking sarili. At nitong mga huling araw, higit ko itong nararamdaman nang masidhi.

***

Magka-batch kami ni MF nang pumasok sa kumpanya. First day ng training namin, napansin ko na kaagad siya. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa kanya. Matangkad. Maputi. Maporma. Mukhang sosyalin at maykaya. I learned later on na La Sallista siya.

Inspite of his good looks, mahiyain si MF. Tahimik, hindi masyadong nakikihalubilo. Kapag breaktime, lalabas ng building at magyoyosi sa isang tabi. Hindi nakikipagkwentuhan sa iba. Ako, medyo ganoon din. Galing kasi ako sa province at bagong salta. Pero kahit paano, medyo sociable naman ako. At least I would smile sa aking mga co-trainees. Pero siya hindi. Para siyang may sariling mundo. Parang laging nag-iisip nang malalim. Parang laging may lungkot sa mga mata kung tumingin.

Then, one lunchbreak, I was sitting alone sa canteen. Mag-isa akong kumakain ng lunch. He approached me. Gesture lang actually, asking if he can join me. Puno kasi ang canteen at sa mesa ko lang may bakante. He was carrying his food tray. I smiled and nodded. Naupo siya sa harap ko.

“Hi, ” ang bati ko, courtesy lang.

“Hi,” ang bati niya rin.

I noticed na salad lang ang laman ng kanyang tray. At saka juice.

Nakiramdam ako. In my mind, naghahagilap ako ng sasabihin. Pinapakiramdaman ko rin kung type niya bang makipag-usap habang kumakain. He started picking at his food na parang I did not exist. I decided to keep quiet and concentrated on my meal.

“First job?” Parang nagulat pa ako nang marinig ko ang boses niyang nagtatanong. Akala ko matatapos siyang kumain na hindi kumikibo.

“Yup,” ang sagot ko.

“Anong school mo, pare?”

Sinabi ko name ng school ko.

Hindi na siya nagsalita. Wala akong maisip na itatanong din o sasabihin to keep the conversation going. Intimidated ba ako sa kanya? I worried na baka isipin niya, suplado ako.

Nagpatuloy kami sa pagkain.

Discreetly, I was observing him. He has nice skin. Ang hahaba ng eyelashes niya at ang kapal ng kilay niya. His jaw is firm and his lips are full.

For one brief moment, nagtama ang aming paningin. I half-smiled. He nodded sabay bawi ng tingin.

Wala nang nagsalita sa amin hanggang sa parehong maubos ang pagkain sa mga pinggan namin.

Uminom siya ng juice. Akala ko tatayo na siya at aalis. Pero tumingin siya sa akin at nagtanong. “Do you smoke, pare?”.

No. I don’t smoke. Pero maagap ang aking sagot.“Yeah.”

“Tara, smoke tayo sa labas.”

Nung nasa labas na kami, he offered me a stick. Winston Lights.

Parang di ako makapaniwala na si MF with his “leave-me-alone” personality ay kasama ko ngayon sa labas ng building, nagyoyosi sa isang tabi.

From then on, naging yosimates na kami. Sa kanya ako natutong mag-smoke.

***

Eventually, we became friends.

Natapos ang training namin at nagsimula kami sa aming trabaho. Everyday magkasama kami. Sabay kumain. At mag-yosi. Wala na ring dead air sa conversations namin dahil relaxed na kami at kumportable sa company ng isa’t isa.

One time, he offered to take me home, para daw alam niya kung saan ako nakatira. Medyo out of the way ang bahay ko, kailangan niyang umikot pero ok lang daw. Iyon ang simula ng parang routine na pagsabay ko sa kotse niya pauwi after work.

We got closer. We started going out on our days-off. Pasyal lang sa Makati. Nood kami sine, kain sa labas. Usap kami habang kumakain. We started getting to know each other well.

Minsan, nagulat ako. I was about to leave the house para pumasok sa work. Paglabas ko, nakita ko nandun ang kotse niya sa labas ng gate namin.

“Dinaanan na kita,” ang sabi.

“Buti naman. Di na ako mahihirapang mag-commute hehe!” ang sabi ko, pabiro.

We even started going out at night. Inom kami sa bar. Nood kami ng banda sa music lounge. Sayaw kami sa clubs. Pero ang lahat nang iyon ay walang malisya. We were just two friends na laging gumigimik. At pareho kaming enjoy na magkasama.

Until I slept over at his place.

Birthday ng Mom niya and I was invited. We drank a little too much at wala na siya sa kundisyong mag-drive.

“Dito ka na matulog,” ang sabi. “Hatid na lang kita bukas nang umaga.”

Magkatabi kami sa kama niya. Pinakikiramdaman ko siya. Naririnig ko ang mahina niyang paghinga. Naaamoy ko ang cologne niya.

Parang hindi ako makatulog. Dahan-dahan, ibinaling ko ang aking mukha sa kinaroroonan niya. Aninag ko sa dilim ang sharpness ng facial features niya. Nakapikit siya pero nararamdaman ko, gising siya. I had the urge to embrace him pero pinaglabanan ko. Tumalikod ako sa kanya.

Maya-maya naramdaman kong dumantay ang thigh niya sa behind ko. Dumikit ang chest niya sa likod ko. It felt so warm and comfortable I did not move. The two of us huddled together in bed just felt so good!

We both fell asleep. Walang ibang nangyari sa amin nang gabing iyon.

Pero kinabukasan, may realization ako. May iba akong nararamdaman para kay MF!

***

Pagkaupo namin sa coffee shop, umorder kaagad kami. Sa labas patuloy ang malakas na buhos ng ulan. Pinanood ko ito mula sa aming kinaroroonan. I love it when it rains. I love it more ngayon dahil nasa isang cozy place ako kasama si MF.

Isinerve ang aming meryenda.

“May sasabihin ako sa’yo,” ang sabi ni MF, may excitement sa kanyang boses. May kakaibang ningning sa kanyang mga mata.

“What?” ang tanong ko.

“Uuwi na siya.” Nakangiti si MF. Napakaganda ng contrast ng makulimlim na panahon sa kanyang masayang mukha.

“Sino?” Naka-kunot-noo ako.

“Si Z.”

“Sino si Z?”

“My girlfriend.”

Para akong nayanig sa aking narinig pero hindi ako nagpahalata. I never knew na may girlfriend siya.

I tried to compose myself. “Hindi mo siya nababanggit sa akin…”

“You never asked.”

I looked at him. Hindi ko maipaliwanag ang aking damdamin.

Nagpatuloy siya. “Akala ko hindi na siya babalik. When she left for Paris, nag-break kami. Last night, she called. Gusto niya, magkaayos uli kami and she is coming home for good.”

“So, makikipagbalikan ka sa kanya.”

“I already did.”

Paano ako?

“You look happy…” ang sabi ko.

“I am happy.”

Higit na nakakagulat ang sunod niyang sinabi.

“I am resigning soon.”

“Ano?”

“Balak namin ni Z na magtayo ng sariling business. Gusto ko nang magsimula para pagdating niya, maayos na ang lahat.”

Paano na tayo?

Unti-unti, may panlulumo at lungkot na gumapang at bumalot sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin na ang gloomy pala ng panahon sa labas.

Anong tayo? Wala namang tayo.

Ngayon ako higit na naging sigurado sa aking nararamdaman para kay MF. Matagal ko na itong itinatanggi at itinatago. Bumuntonghininga ako at nagpasya.

“May sasabihin din ako sa’yo,” ang sabi ko.

***

“I am in love with you.”

The words just slipped out of my mouth. Antagal-tagal ko nang pinipigilan ang nararamdaman ko para kay MF. It was almost a relief na finally, nasabi ko na sa kanya.

“W-what?” Nagulat siya.

“All these time alam ko na alam mo kung ano ako. I’m sorry, I can’t help it. You have been so good to me. I just realized na mahal na kita.”

Parang hindi makapagsalita si MF. Hindi alam kung paano magre-react.

“I am sorry but I love you,” ang ulit ko.

“Pero… straight ako, pare, ” he managed to say.

“I am risking everything by telling you this, “ ang sabi ko. “Alam ko na maaari kang magalit sa akin. Maaaring masira ang ating friendship. But I have to be honest dahil hindi ko na kaya.”

Maiksing katahimikan.

Nagpatuloy ako. “Ang hirap na araw-araw, nakikita kita at nakakasama. When you do good things to me or when you simply smile at me, lalo akong nahihirapan dahil lalo kitang minamahal. You have no idea how hard it is for me… loving you more each day and just keeping it to myself.”

Katahimikan uli.

“We’re best friends, Aris,” ang sabi ni MF pagkaraan. “Walang ibang kahulugan ang pagiging close natin.”

Unti-unti, naramdaman ko na para akong natutunaw. Nag-iinit ang aking mukha pero nanlalamig ang aking mga kamay. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Rejection. Lungkot. Para akong biglang maiiyak. I suddenly felt sorry na hindi ko napigilan ang pagsisiwalat ng aking damdamin.

Tahimik na kumuha ng pera si MF sa kanyang wallet. Inilapag niya ito sa mesa kahit di pa namin nahihingi ang bill. Dinampot ang kanyang payong at siya ay tumayo.

Tumingin siya sa akin. Matagal. Nasa mga mata niya ang magkakahalong emosyon na hindi ko exactly matukoy kung ano.

“Aris, I am sorry…” ang sabi sa mahinang tinig. At siya'y umalis.

Nakalabas na siya sa pinto ng coffee shop nang magawa kong tumayo. “Wait!” ang habol ko. Pero parang wala siyang narinig at patuloy na naglakad palayo.

Lumabas ako ng coffee shop at doon sa may entrance, napatayo na lamang ako. Nakatanaw sa kanya habang naglalakad na nakapayong sa ulan palayo sa akin.

Higit na malakas ang ulan.

Nakaramdam ako ng panghihina. Napasandal ako. Napayuko. Unti-unti akong napaiyak.

Patuloy ang buhos ng ulan. Parang hindi titila.

Tahimik akong umiyak. Matagal. Parang hindi maubos-ubos ang sakit sa aking dibdib.

Maya-maya, may naramdaman akong kamay na humawak sa aking balikat. Nag-angat ako ng paningin.

“Malakas ang ulan. Mababasa ka.” Parang mainit na haplos ang tinig na iyon sa aking nanlalamig na pakiramdam.

Si MF.

Bumalik siya. Binalikan niya ako.

Napatitig ako sa kanya, basa ang aking mga mata.

Inakbayan niya ako, halos payakap. Isinukob niya ako sa kanyang payong.

At naglakad kami sa ulan.



12 comments:

Benzgasm said...

hay..... so touchy! pang maalaala mo kaya material. :) di ka niya natiis infairness! just keep us posted! sana may part deux. hehehe

joelmcvie said...

Punyeta, letche. I remember what happened to me many years ago... hindi lang nga kasing dramatic ang weather. In fact, I don't remember na what the weather was like. Shet.

Aris said...

hay, madrama talaga ang buhay natin @benzgasm. salamat nang marami sa pagbabasa at sa comments. :)

lol @mcvie. Kumpleto na blog ko, nag-comment ka na eh. mwah! :)

ArchieMD said...

oh my gosh... you just made suffer from a cardiomyopathy... then what happened next?

shercat said...

i can relate.....omg...naiiyak ako.

Aris said...

i had to google cardiomyopathy lol @archiemd. salamat po doktor. :)

iyak din ako noon, grabe @shercat. saw your blog. ganda. :)

uSt007 said...

naalala ko ang college life ko mahal na mahal ko sya pero di ako kasing tapang mo hanggang ngayon walang syang alam na minahal ko sya ng husto kasi ayaw kong masira ang friendship namin....

Aris said...

@ust007: nagawa ko iyon dahil sa bugso ng damdamin. hindi man naging favorable ang resulta, ang consolation ko na lang ay naipaalam ko sa kanya. at kahit unsure ako sa aking ginawa, wala akong naging pagsisisi. :)

sweetjhon said...

congratulations...sana kasing lakas at tapang din ng loob mo ang loob ko...

Aris said...

@sweetjohn: looking back, hindi ko rin akalain na magiging ganoon ako katapang. hehe! :)

Sephy Ganzon said...

potek!! best so far!! napaiyak ako. amf ka aris! haha. sorry feeling close. grabe. naiyak ako promise. especially sa part na "i'm risking everything by telling you this". damang dama ko. hahaha pero bitin. haha. ano kayang nangyari after? love love love. love ko na talaga tong blog na to. ^_^

Aris said...

@sephy ganzon: naiyak din ako sa kuwento kong ito. hehe! :)