Akala ko dadalhin niya ako sa isang mumurahing motel sa Cuneta (nasanay na kasi ako na doon dinadala ng mga pumi-pick-up sa akin) subalit tumuloy kami sa isang mamahaling hotel sa Roxas Boulevard. Iyon ang una kong pagkakataon na makatapak sa ganoon karangyang lugar at hindi ko naiwasang mamangha habang nagmamasid.
Pinaupo muna ako ni Gilbert sa lobby bago siya tumungo sa front desk. Magiliw siyang hinarap ng front desk personnel. Muli kong iginala ang aking paningin at in-appreciate ang paligid.
Nang bumalik si Gilbert, akala ko didiretso na kami sa kuwarto subalit niyaya niya ako sa music lounge ng hotel.
“Uminom muna tayo,” ang sabi.
Pagbungad namin, napansin ko na mangilan-ngilan na lamang ang tao sa loob. Siguro dahil pasado alas-dos na. Patuloy sa pag-awit ang singer kahit tila walang pumapansin sa kanya.
“Are you hungry?” ang tanong ni Gilbert pagkaupo namin.
Lumapit ang waiter.
Kahit gutom ako, tumanggi ako sa alok niyang umorder. Ayoko kasing magmukhang nagte-take advantage.
“Beer na lang,” ang sabi ko.
Subalit umorder pa rin siya ng makakain. Siguro halata sa mukha ko na gutom ako. Humingi rin siya ng isa pang beer.
Tahimik kami. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa singer at nakinig sa kanyang inaawit. The Nearness of You. Ewan ko kung bakit parang humaplos iyon sa akin. Ewan ko kung bakit parang may ginising iyon na pangungulila sa aking puso. Siguro dahil sa malamyos na tinig ng mang-aawit o dahil sa madamdaming accompaniment.
Dumako ang tingin ko kay Gilbert. Nakikinig din siya subalit nakatingin sa akin. Nang magtama ang aming mga mata, may ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Para akong na-conscious pero ngumiti rin ako.
“You like the song?” ang tanong niya.
Tumango ako.
“Ako rin,” ang sabi niya. “It reminds me of somebody.”
Bago pa ako nakapagtanong kung sino ang naaalala niya sa kanta, dumating na ang kanyang inorder. Na-distract na ako sa pagsisilbi ng waiter.
Kaagad siyang tumungga ng beer.
Ako naman, sinapinan ko muna ng fish and chips ang aking sikmura bago ako uminom. Mahirap nang mag-acidic kasi gutom nga ako. Ayokong mabigo si Gilbert sa performance ko. Ewan ko pero parang gusto ko siyang i-please, tumbasan ang bawat sentimong ibabayad niya sa akin. Sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa ganitong trabaho, inisip ko ang total customer satisfaction.
Muli akong napatingin kay Gilbert at nakita kong pinanonood niya ako habang kumakain. Muli siyang ngumiti. Alam kong na-obvious na ako na hindi pa nagdi-dinner. Sinikap ko na lang maging pino ang bawat pagsubo at pagnguya ko upang maging disimulado.
Patuloy sa pagkanta ang singer. Hindi ko alam kung bakit parang bigla, naiugnay ko ang kanta kay Gilbert. Hindi ko alam kung bakit habang pinagmamasdan ko siya, nagkaroon ako ng longing sa imahe ng perfect lover na pinatutungkulan ng lyrics.
“May girlfriend ka na ba?” ang tanong niya sa akin.
“Wala,” ang tugon ko sabay iling.
“Boyfriend?”
“Wala rin.”
“Bakit?”
“Sa ginagawa kong ito, mahirap ang may karelasyon. At saka may ibang priorities ako.”
“Katulad ng?”
“Sasabihin ko ba?” Nag-alinlangan ako dahil baka isipin niya, gumagawa lang ako ng kuwento.
“Bakit naman hindi?” ang pilit niya.
Hindi na ako nagkaila. “Pag-aaral. Gusto ko kasing makatapos.”
“Nag-aaral ka?” ang tanong niya na parang nasorpresa.
“Oo. Nagsisikap para sa kinabukasan.”
“Kaya mo ba ginagawa ito?”
Tumango ako at tuluyan nang nagsiwalat ng tungkol sa aking sarili. “Probinsyano ako. Iginagapang lang ng mga magulang ko ang pag-aaral ko. Mahirap lang kami at kinakapos lagi sa pantustos. Ayoko na silang pahirapan pa kaya naghanap na lang ako ng paraan upang kumita ng ekstra.”
Nakatingin lang siya sa akin na hindi ko alam kung naniniwala sa sinabi ko. Ang istorya kasi ng buhay ko ay walang ipinag-iba sa gasgas nang istorya ng bawat callboy sa Metro Manila. Pero iyon ang totoo.
Muli siyang lumagok ng beer na sinabayan ko.
“Ikaw, may boyfriend ka na?” Ako naman ang nagtanong. Gusto kong ilayo sa akin ang topic bago pa man siya mag-isip ng kung ano.
“Wala na. Naghiwalay na kami noong isang linggo.”
Hindi ako nakakibo sa matapat niyang sagot. Naunawaan ko ang lungkot na kanina ko pa nasilip sa kanyang mga mata.
“Ipinagpalit niya ako,” ang patuloy niya.
“Ha? Kanino?” ang tanong ko.
“Sa isang katulad mo.”
***
Tahimik kami habang paakyat sa kuwarto. Pinagmasdan ko ang repleksiyon namin sa salamin na nakapalibot sa elevator. Lihim akong nangiti. Tingin ko kasi, bagay kami. Hindi halata ang agwat ng edad namin at estado sa buhay. Maaari kaming maging mag-boyfriend. Pero, siyempre, nangangarap lang ako. Ewan ko ba pero mula pa kanina nang una ko siyang makita, kung anu-ano nang isipin ang pumapasok sa utak ko. Na kung malalaman niya, tiyak na pagtatawanan niya lang ako at baka sabihin niya pa: dream on!
Pagkapasok namin sa kuwarto, nauna na siyang maligo. Dinig ko ang lagaslas ng shower sa banyo at nai-imagine ko ang paghulas ng mga bula ng sabon sa kanyang katawan. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa antisipasyon. Naupo ako sa kama at pinagmasdan ang kabuuan ng maluwag na kuwarto na natatanglawan ng madilaw na ilaw.
Maya-maya pa, bumukas na ang pinto ng banyo. Lumabas siya na tanging white briefs lang ang suot. Napagmasdan ko ang magandang hubog ng kanyang katawan. Obvious na nagdyi-gym siya. Toned ang kanyang chest. Flat ang kanyang tiyan. Firm ang kanyang thighs. Nakadama ako ng stirrings sa aking kaibuturan habang papalapit siya sa aking kinaroroonan.
“Your turn,” ang kanyang sabi na gumising sa aking pagkatigagal.
Kaagad akong tumayo at pumasok sa banyo. Hinubad ko ang aking damit at pinagmasdan sa salamin ang aking kabuuan. Hindi man ako gym-toned, alam kong kaibig-ibig din ang aking katawan na akma lang sa mura kong edad. Payat pero malaman.
Habang nagsasabon, dinama ko kung gaano kakinis ang aking balat. Alagang-alaga ko ito kahit noong bata pa ako. Lalo na ngayon dahil pinagkakakitaan ko na ito. Sinalat ko rin ang matambok kong puwet na minsan na ring may nagpumilit umangkin. Hinimas ko ang aking pagkalalaki na kanina pa nag-uumigting. Higit sa anupamang bahagi ng aking katawan, dito ako pinaka-proud dahil alam kong hindi pangkaraniwan ang sukat nito. Marami-rami na rin ang namangha at nabaliw rito.
Nagmadali ako dahil parang hindi ko na matimpi ang aking pananabik. Gusto ko nang ipadama kay Gilbert ang kakayahan kong magpaligaya. In the same way na gusto ko na rin siyang madama.
Lumabas ako na nakatapi lang ng tuwalya.
Nadatnan ko si Gilbert na nakahiga na sa kama.
Mataman niya akong pinagmasdan. May kislap ng pagnanasa sa kanyang mga mata.
Lumapit ako dahan-dahan. Mapanukso ang bawat hakbang.
At bago pa ako tuluyang makarating sa kanya, nalaglag na sa lapag ang tuwalya.
(Itutuloy)
Part 3
20 comments:
gay for pay! and a very serious one at that
kaabang-abang. ;-)
oh syet, nalaglag na ang tuwalya!
galing talaga ni papa aris. im now back reading your old fiction stories. Nakakaiyak ang "chances".
Sobrang nice ng story, a different take on the life of callboys. may research bang naganap dito? dama ang puso! hehe. fan here :)
www.whensakurametsasuke.blogspot.com
@orally: kinakarir ang pagbibigay-aliw. hehe! :)
@le vogue: salamat. at sana maging patuloy ang iyong pag-antabay. :)
@papa pilyo: ang susunod na kabanata ay dedicated sa'yo. ito na ang pinakahihintay mo. :)
@sakura chaotica: yup, may konting research at may mga bahaging hango sa tunay na buhay.
salamat sa iyong pagdalaw. sana patuloy kang masiyahan sa bawat kuwentong aking ilalahad. salamat din sa pagsubaybay. ingat always. :)
Looking forward for Dove 3 :) Where do you get the inspiration?
itong dove na 'to, parang i can totally relate. hahahaha! ang bata ko pa kasi nung natutong lumandi. hahahaha!
@ryan: sa mga tao at bagay na napagmamasdan ko sa aking kapaligiran. gayundin sa aking mga personal na karanasan. :)
@caloy: at bakit, matanda ka na ba? hello? hahaha! :)
ako i do admit na i patronize. Why? para hindi complicated. walang burden. na pagkatapos ng lahat, magkakahiwalay na ng landas. hindi ko na inaantay pa ang magsusunod na pangyayari. matatapos lage ang minsan.
ewan - i do want to be detached. I cannot be involved sa mga katulad nila. Nadala na ako sa pagtulong. HIndi ko hiningi ang lahat, pero pinagkait niya ang konti.
again - eto na naman ako. emo!
galing mo talaga Aries.
konting saltik lang, palagi akong me naalala..
More power.
@the golden man: "Hindi ko hiningi ang lahat, pero pinagkait niya ang konti. " -- i love that line.
friend, muli ay salamat sa iyong appreciation sa aking mga isinusulat. you inspire me to keep on writing. :)
ganda ng story na ginawa mo papa aris. lahat ng mga sinulat may aral sa bandang huli. uhhmm tama ba ako hehehe. pero ang napansin ko yun primary photo mo dito sa blog mo. ang lungkot mo dito para ba may something.. hmmm yun lang.. goodluck and more power, ingat palagi at sana post yun na po yun dove 3...
tnx
eunso
@anonymous / eunso: natutuwa ako na nagandahan ka sa story. about my pic, projection lang yan at konting emote hehe! ingat ka rin at maraming salamat. :)
nyahahah.. kaka excite.. alam mo talaga kung panu mambitin ng readers..
@virex: hehehe! keep reading. :)
aawww... nakaka-uhmm.... nasa opisina pa naman ako... =(
@angel: sana nagustuhan mo at sana abangan mo ang continuation. :)
oh thank you my dear.
sa muling pagbubukas ng BED, who knows, we might just be able to bump into each other.
Excited na ako sa plano ni Tata Kuron! lols
Aries, the pleasure is mine. stories coming from the heart is deeply felt and I am enamoured by the sentiments you share with us.
Ang konting binigay niya kung hindi ko pa hiningi , hindi rin ibibigay.
yan ang masaklap na karanasan ng isang parte ng buhay ko - na minsan nasabi kong kaya kong kalimutan ang dapat sa akin para lumigaya lang siya, na sa buong akala ko - pati ako ay liligaya.
Pero mali. maling mali. isa siyang tunay na akala.
again , my dear... MORE POWER....
and enjoy the long weekend!
HAPPY HALLOWEEN!
ok... puyatan nanaman ito sa pag aabang ng sunod na kabanata! hehe
ang galing po... hehehhe... pede po mkisama d2... please visit my blog
www.samataniuno.blogspot.com
Naadik tuloy ako sa "The Nearness of You" na version ni Sheena Easton, dahil to sa'yo. Love your stories. You never fail to amaze me. :D
Post a Comment