Sunday, July 6, 2014

6th


Dear Blog,

Happy birthday sa iyo! Anim na taon ka na at matagal na rin ang ating pinagsamahan. Sa iyo ko naikuwento ang iba't ibang mga pangyayari sa buhay ko  malungkot, masaya, pangit, maganda. Sa pamamagitan mo, nagkaroon ako ng takbuhan, tagapakinig, karamay at kanlungan upang maipahayag ang sarili ko. Sa pamamagitan mo, nagkaroon din ako ng mga kaibigan at mambabasang nagpalawak sa mundo ko. Sa iyo ko rin nagawang ilabas at hubugin ang anumang malikhaing talino na mayroon ako na nagbunga ng pagkakasali ko sa isang libro.

Pasensya ka na kung nitong mga huling araw ay napapabayaan kita, kung hindi na kita masyadong nadadalaw at nababahagian ng mga kuwento. Wala rin naman kasing masyadong nangyayari sa buhay ko, bukod pa sa kapos na kapos ako sa oras dahil sa trabaho. Pero hindi iyon nangangahulugang nakakalimutan na kita. Ang totoo niyan, gustung-gusto ko ang magsulat, lagi nga lang akong pagod at may writer's block.

Gayunpaman, huwag kang mag-alala. Kahit sa mga panahong ito na tila lumamlam na ang blogspot dahil sa paglalaho ng ilan sa mga maniningning na manunulat, magpapatuloy pa rin ako. Dahil, unang-una na, ayaw kitang iwan. Manghihinayang ako at malulungkot. Pangalawa, ayaw ko ring iwan ang ating mga tagasubaybay na ang kahit munting paramdam ay nagdudulot sa akin ng saya.

Ipinapangako ko, Blog, na matapos lang ang lahat ng pinagkakaabalahan ko sa ngayon, muli kitang haharapin. Maglalaan ako ng panahon upang magawa ko ang makapag-update nang madalas, upang madugtungan ko na rin ang mga kuwentong bitin. Nasa utak ko na ang lahat, hindi ko pa nga lang maisulat.

Muli, happy birthday sa'yo. At sana sa araw na ito ay makapiling mo at maging kaisa sa pagdiriwang ang ating mga mambabasa na patuloy na nagbibigay-inspirasyon  at dahilan upang magpatuloy  sa ating dalawa.

Aris

6 comments:

nyoradexplorer said...

happy 6th bortdey! congratula, aris! nawa'y ulanin mo pa kame ng mga makabagdamdamin, nakakaliti at nakakapagpa-water water ng very very light sa aming mga imaginary pachuchay na mga kwento. sana tumagal din ang aking blog gaya ng sa'yo. http://nyoradexplorer.blogspot.com

again, congratula, idol!

Anonymous said...

Happy 6th anniversary, Aris. I'm still an avid reader! Keep on writing.

-Bewired

SilverwingX said...

Congratulations Aris!!!

Anonymous said...

wow! congrats on your 6th years tagal muna rin pala. ako. ako mag 2 years ng reader mo lately lang ako nag co- comment.
and I wish sana matuloy Na yung Mga kwento na Hindi mo Na Tapos sana may karugtong na.
thank you ! sa Mga experience mo na naisulatvor na i- share samin, thank you so much.

red 08

Sepsep said...

Congrats Aris. I hope makatagal ako gaya mo. ;)

Jay Calicdan said...

Hi Aris! It is nice to be here again to read your past entry and medyo tinapik lang ng kaunti yung 'Another Sad Love Song' entry mo. Ba't ganoon? Ang sakit lang ng mga pamamaalam cuz I hate goodbyes :'( Siguro, sapat na ang kakaunting linyang iyon upang ipaalala sa akin nang panandalian ang kuwento ng mga nakaraan kong ayoko nang balikan pa and ang sakit lang. Pero kuwento lang yan! :D

Anyway... sana magkaroon pa ng maraming blessings and readers ang blog mo at sana, makatagal din ang blog kong katulad mo. Batch 2012 kasi ako eh. Happy 6th to AkoSiArisBlog! Nakakainggit tuloy :D Congratulations! Cheers! :)

P.S. Kaunting tambling na lang, matatapos ko na yung entry. You know nahhh...

Again, congratulations! ^_^

-jc