Sa gabi, kapag nakahiga na ako at naririnig ang mga
lumang kanta na nagmumula sa radyo ng kapitbahay, nalulungkot ako.
Naaalala ko kasi ang mga panahong ang simple lang ng
buhay. Simple lang ang mga pangarap, simple lang ang mga problema, at simple
lang din ang mga dahilan upang ako’y makuntento at mapanatag.
Naaalala ko rin ang kasimplehan ng ating pag-iibigan.
Basta’t magkita lang at magkasama, masaya na tayo at hindi na maghahanap. Kahit
na ang pagkikita natin ay sa isang karinderya lang, sa parke, o sa
simbahan.
Naaalala ko rin ang sumpaan natin noon na tayo lang sa habang-buhay.
Nanunumbalik ang sakit at panghihinayang dahil nauwi pa rin tayo sa
paghihiwalay.
Ngayong naiba na ang takbo ng lahat – ang buhay ay isa
nang karera na kaakibat ang pag-iisa – nalulungkot akong marinig ang mga lumang
kantang nagpapaalala sa ating nagdaan.
Nasaan ka na kaya? At kumusta na?
3 comments:
:'(
Aray naman!
Relate much! :(
Nasaan na kaya sila at kamusta na?
---Rye
Magandang makinig ng mga crusin musics. Pero ang pangit lang kung yung music e sasapul ng mga alaalang nakatatak sa kanta #PistiLang
@rye: sakit nga. hehe! :)
@jay calicdan: korek. :)
Post a Comment