Friday, March 20, 2015

Galera! Galera!


Wala nang bakante sa VM Resort for Holy Week. Kahit sa katapat nitong White Beach Hotel. Tinawagan ko ang Villa Bienvenida, fully booked na rin. Late na kasi kaming kumilos upang magpa-reserve.  Well, napagdesisyunan namin na maghanap na lang pagdating sa Galera. Konting adventure, ang sabi ko nga sa barkada. At saka kung wala talagang matutuluyan, e di matulog sa buhanginan. Parang Temptation Island lang!

*** 

But no, may options kami. One, makikisiksik kami sa room ng isa pang grupo na kakilala namin (may reservations sila sa VM). At least on the first night, kasi sa Sabado nang gabi, may vacancy na raw na pwede naming lipatan. Two, may ex ako na taga-Calapan at ang alam ko, ma-koneksyon siya sa Galera dahil nasa hotel and bar business siya. We’ve remained friends all these time at maaari ko siyang tawagan kung sakaling magkagipitan.

*** 

May nag-o-offer sa amin ng room for 12K for four days (Thursday to Sunday). Okay sana, kaya lang walang gusto sa aming bumiyahe nang Thursday. Lalo na ako. Sa dalawang instances kasi na sinubukan naming pumunta nang Thursday, Diyos ko, dusa! Grabe ang traffic sa South Super Hiway. At pagdating sa Batangas port, umaapaw ang tao. Tulakan at agawan sa bangka. Last time na ginawa namin ito, umalis kami ng Manila nang 6:00 am, nakarating kami sa port nang 12 noon, nakasakay kami sa bangka nang 3:00 pm at nakarating kami sa isla nang pasado alas-kuwatro. Ubos ang araw sa biyahe! Whereas kapag Friday kami umaalis, bago mag-alas dose nang tanghali, nasa isla na kami. Ang luwag kasi ng biyahe sa bus at kokonti na lang ang mga pasahero sa port. Ang mga shipping lines ang nag-aagawan sa mga pasahero at halos walang waiting time dahil nakapila ang mga bangka. Pagpasok mo sa holding area, boarding na kaagad. 


***

Ano nga ba ang mga unang ginagawa namin pagdating sa Galera? Siyempre, check-in muna sa hotel (sa kaso ng pagpunta namin ngayon, hanap muna). Side kuwento: Three years ago, napaaga kami nang dating. Mga bandang eleven lang. Inaayos at nililinis pa ang aming tutuluyan. At dahil kailangan naming maghintay, naisipan naming mag-inuman. Yes, inuman sa katanghalian! Nalasing kami lahat kaya pag-akyat sa kuwarto, ayun, total eclipse of the heart ! Well, on normal circumstances, ganito talaga ang routine namin: Pagdating sa isla, check-in muna. Then, lunch. Doon lang sa mga cheap na carinderia. And then, mamimili na kami ng mga pangangailangan. Like drinking water (Dalisay!) na tigdadalawang galon kami for the duration of our stay. At mga inuming pampalasing. May barkada kaming mahilig at marunong magmix kaya siya ang nakatoka rito. Kami lang ang tagabitbit. Then, short nap. At pagkatapos, kapag hindi na masyadong mainit ang araw, swimming. Actually, pasyal na rin sa dalampasigan at boy watching! Pinapanood din namin ang sunset before showering and preparing for dinner.

*** 


Sa dinner kami medyo maarte. Gusto namin by the beach. Yung candle-lit. Alam mo na, para medyo romantic naman kahit na magbabarkada lang kami. At dito sa dinner na ito, nakikita at nararamdaman ko kung gaano kami ka-relax. Kung paano namin nalilimutan ang mga alalahanin ng kanya-kanya naming buhay. Magaan at masaya ang aming kuwentuhan. Halos puro kalokohan at kantiyawan lang. At dahil “sarado” ang mga bar kapag Biyernes Santo, balik kami sa room after dinner upang doon mag-inuman. Tuloy ang kuwentuhan at kapag naubusan na, games naman. Sa room na muna kami (actually sa balkonahe) hanggang alas-dose nang hatinggabi na kung saan nili-lift na ang “curfew” sa mga bar. At saka kami bababa uli para mag-party party!

***

But then, hindi na kami kumpleto sa pagbaba naming muli dahil ilan sa amin ang bumabagsak na sa inuman. Nangunguna ako roon. Ewan ko ba, tradisyon na yata sa akin ang malasing tuwing Biyernes Santo. As in, mega throw-up talaga! Itong mga friends kong matatatag, aasikasuhin lang muna kaming mga “mahihina” – aalalayan sa banyo at ita-tuck-in sa kama – bago magsiharap sa salamin at magpaganda. Tapos, bababa na upang rumampa. Maaalimpungatan ako sa mga kaluskos at boses na hindi ko kilala pero wala na akong lakas upang bumangon at makipagsosyalan pa.

6 comments:

Jay Calicdan said...

ay, buti ka pa, nakakapagbakasyon.
inggit me, haha!
ako? #nganga friend. dito lang sa bahay

Anonymous said...

gusto ko ring pumunta sa galera! hayyy!

aboutambot said...

VM Resort, Puerto Galera.

Last trip, last hotel na pinuntahan namin ni M. Ex na lng sya ngayon, pero may kirot pa din sa puso pagkabasa ko ng post mo. hays.....

Anonymous said...

Hanggang anung taon pa ang pagpunta sa galera,iyut iyun din...

Anonymous said...

anonymous 5:47: i think it's none of our business if he goes there every year. nakikibasa lang tayo. wala namang bayad.

Aris said...

@jay calicdan: ok din naman ang staycation. pwedeng matulog, magbasa, kumain. enjoy din yun. hehe!

@anonymous 3:32: tara! :)

@about ambot: minsan kailangang balikan ang mga bagay na iniiwasan, upang matanggap ang nangyari sa nakaraan at maibsan ang sakit na nararamdaman. :)