Nang magsimula ang pagdiriwang sa hatinggabi, hinanap kita sa Mikko's. Subalit sa halip na ikaw ang matagpuan ko roon, nakita ko ang boyfriend mo. Hindi ikaw ang kasama. Hindi ikaw ang kasayaw. At siya'y masaya.
Nitong mga huling araw, nabalitaan ko na may pinagdaraanan ka, na mabuway na ang relasyon ninyo. Kung kayo pa ring dalawa, kumpirmadong pinagtataksilan ka niya.
Dapat ba akong matuwa? Maaari ko kasing ipagpalagay na dahil sa sakit na idinulot niya sa'yo ay muli mong mapagtanto ang kahalagahan at kaibahan ko. Ni minsan hindi ako nagtaksil sa'yo at hindi ako nang-iwan noon.
But then, sa pagyayakap at paghahalikan nila ngayon sa harapan ko, nalulungkot at nasasaktan ako para sa'yo.
***
I edged my way patungo sa kinaroroonan nila. Tinapik ko siya sa balikat at nang mag-angat siya ng mukha, sinalubong ko ang kanyang mga mata.
"Rex, hi!" ang bati ko.
Kumunot ang noo niya. "Do I know you?"
"Aris," ang agad kong pakilala. "Claude's ex. We met a year ago. Dito rin, remember?"
May recognition na rumehistro sa kanyang mukha.
"Where's Claude? At bakit hindi mo siya kasama?"
Nagkibit-balikat siya, hindi sumagot.
Nanatili ako sa pagkakatayo, nanunumbat ang mga mata.
Nagbawi siya ng tingin, ibinaling ang atensiyon sa kasama niya.
Napailing na lamang ako at lumayo. Hindi ko maatim na maging masaya sa iyong pagkabigo.
5 comments:
Ayeeeee :)
Opportunity?
May limit ba sa mga bading o bi o silahis,etc.,kung hanggang kailan maghahanap sa mga bar ng gustong makasama ng panghabambuhay?..
@simon: hehe! :)
@jay calicdan: no. not really. :)
This was great too read
Post a Comment