Tinatamad ako kaya nagdesisyon ako na palipasin ang gabi sa panonood ng DVD. Bandang alas-onse, nagbago ang isip ko.
Dali-dali akong nagbihis. 12:30 nasa Malate na ako.
Nasa Silya na ang mga friends ko.
Excited sa pagkukuwento ang mga nag-Puerto Galera. Sa saya ng mga kuwento habang umiinom, nakalimutan namin ang oras. Pasado alas-dos na kami pumasok sa Bed.
“Insomnia” was playing and we danced.
Buhay na buhay ako at masaya habang nagsasayaw kami ng barkada.
Buti na lang nagpunta ako.
***
Hindi sumama sina A at LW sa Bed. Pareho silang may rason kung bakit nagpaiwan sila sa Silya. Si A, pinayagan ng jowa na mag-Malate pero pinagbawalan sa Bed. Si LW, naaksidente sa bisikleta at hirap maglakad dahil nagkasugat-sugat ang tuhod.
After an hour, niyaya ko si AX na puntahan sila dahil gusto kong magpahangin sa labas.
Pinagkuwentuhan nilang tatlo si Lady Gaga at ang mga kagagahan nito sa Galera. Iniwasan kong mag-comment dahil friend namin siya pero na-amuse ako sa kuwento nila.
Hindi ko napansin kanina ang pandededma ni Lady Gaga kay AX. Nag-away pala ang dalawa sa Galera kaya umuwi sila ng Manila na hindi nagkikibuan.
Marami pa akong narinig na off-the-record na kuwento. Higit na makulay sa mga napagkuwentuhan kanina. Nakakainis na nakakatawa.
Buti na lang nagpunta ako.
***
Palabas kami ng Bed ni AX nang makita ko si McVie. And yes, sina Joaqui at Tristan.
Kanina pa pala ako tinetext ni McVie para ipakilala sa iba pang mga bloggers na naroroon din.
Nakilala ko sina AJ, John Stanley at Kane. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sila sa sobrang tuwa at excitement.
Isang malaking karangalan na makilala ko ang tatlo pang maniningning na mga bituin sa blogosphere.
Buti na lang nagpunta ako.
***
Pagbalik namin ni AX sa loob, sumampa ako sa ledge. Gusto ko lang magsayaw.
Naka-dalawang Red Horse kasi ako sa Silya at masaya ang pakiramdam ko. Gusto ko lang i-express ang sarili ko.
Hindi ko inisip maglandi.
Pero siguro good vibes ako nang mga sandaling iyon dahil nagkaroon kaagad ako ng kasayaw. Matangkad, maputi, guwapo. Si Ronald.
Carried away na ako sa “Just Dance” pero restrained siya. Parang hindi kami magkapareho ng groove.
Kaya nang pumartner sa akin ang isa pang guy (si Daniel) at sinabayan ang aking mga galaw, bumigay kaagad ako.
Bumulong sa akin si Ronald: “Pinagpalit mo na ako.”
Pinaglapit ko sila. Sinubukan kong gawing threesome ang aming pagsasayaw. Naglapat ang aming mga katawan. Naglakbay ang aming mga kamay. Nag-overlap ang aming mga yakap. It was sexy and fun.
Pero nang magsimula si Daniel na halikan ako, kumalas si Ronald at nagpaalam.
Naiwan kami ni Daniel at nakalimot. We kissed na parang kami lang ang tao sa ledge. Nakaramdam ako ng kapanatagan sa mga yakap niya. At saka ko na-realize na mas gusto ko siya kaysa kay Ronald.
Hindi siya tumutugma sa ideal ko na chinito, payat at matangkad pero nang magkuwentuhan kami, nakita ko ang kanyang maturity at na-appreciate ko ang malalim niyang personality. Isang arkitekto si Daniel at nakahanda sa isang seryosong pakikipag-relasyon.
Ang emote ko nga kay AX: “Friend, pagod na pagod na ang puso ko pati katawan ko sa paghahanap ng taong magmamahal sa akin at mamahalin ko. Sawang-sawa na ako sa pakikipaglaro at sa pakikipaglokohan. Hindi na ako teen-ager para mag-aksaya ng panahon sa mga flings at one-night stands. Ako lang sa barkada ang palaging single. Kailangan ko nang magkaroon ng seryosong relasyon dahil napapag-iwanan na ako at ayokong maging malungkot for the rest of my life.”
Skeptikal si AX: “Friend, hindi sa Bed natatagpuan ang seryosong relasyon.”
Pero nang bumulong si Daniel bago kami naghiwalay ng “Gusto kitang mahalin at alagaan”, nabuhayan ako ng pag-asa at muling naniwala.
Kaka-text niya lang ngayon habang sinusulat ko ito: “I miss you. When will I see you again?”
Buti na lang nagpunta ako.
Sunday, April 19, 2009
Tuesday, April 14, 2009
Pagkakataon
Ang balak ko talaga maaga ako magsisimba pero late na ako nagising. At kahit mainit na ang sikat ng araw na iniiwasan ko sana, humabol pa rin ako sa 10:30 mass.
Sa kabila ng masiglang atmosphere dahil Pasko ng Pagkabuhay, napakainit sa simbahan. Mabuti na lang at ang napuwestuhan ko ay malapit sa electric fan.
Nagsimula ang misa at mataimtim akong nagdarasal nang may naki-excuse at nakiraan sa harap ko upang umupo sa bakanteng espasyo sa tabi ko. Sa aking pagkakayuko, nalanghap ko ang halimuyak niya na bagong paligo. Nag-angat ako ng mukha, sinulyapan ko siya at ako ay natigilan.
Kung gaano ka-fresh ang kanyang amoy ay ganoon din ka-fresh ang kanyang itsura. Para akong nawala sa sarili na napatitig sa kanya. Bata pa siya at napaka-guwapo niya.
Nginitian niya ako. Yumuko akong muli upang ipagpatuloy ang pagdarasal.
Pero distracted na ako. Parang may magnetic energy na hatid ang presence niya sa tabi ko. Pumikit man ako, nakalarawan na sa isip ko ang kanyang itsura.
Soft, shiny, black hair. Makapal na kilay at mahahabang pilikmata. Chinito eyes (na naman!). Cute nose. Mapupulang labi. Makinis at maputing kutis. Kaunting baby fats.
Ang hirap paglabanan ng tukso kahit na nakaharap ako sa altar at nakikinig sa pangaral ng pari. Pasundot-sundot sa aking kamalayan. Padampi-dampi sa aking pandama dahil sa manaka-nakang pagdidikit ng aming mga balikat at pagkikiskisan ng aming mga braso.
Napapabuntonghininga na lamang ako.
Nang nasa bahagi na ng pagkanta ng “Ama Namin”, nagulat ako when he grabbed and held my hand. Nadama ko ang malambot niyang palad.
Bumilis ang tibok ng aking puso nang maramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay.
Sinulyapan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Diretso ang tingin niya pero higit na naging madiin ang pressure na iginagawad niya sa aking kamay. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kanya.
Tahimik na nagpambuno ang aming mga kamay sa pagpisil hanggang sa matapos ang kanta at kami ay nagbitiw.
Sa pagsapit ng “Peace Be With You”, nagbatian kami. Nagngitian. Nagtitigan. Kung maaari ko nga lang siyang hagkan katulad ng paghalik sa bawat isa ng mga magkakapamilya sa aming paligid.
Natapos ang misa na may pagpipigil sa aking kalooban. Tinanaw ko siyang papalayo paglabas sa simbahan. Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan.
Tumigil siya sa paglalakad. Lumingon sa aking kinaroroonan.
Napako ako sa aking kinatatayuan. Sa gitna ng hugos ng mga taong katatanggap lang ng bendisyon, nawalan ako ng lakas ng loob upang i-pursue ang blessing na nakangiti, nag-aanyaya at naghihintay sa akin.
***
Later that day, nayaya akong mag-mall ng dalawa kong kaibigan. Pagkatapos maglibot, kumain at magkape, tumuloy kami sa Powerbooks. Nagsisimula nang gumabi at iyon na ang aming last stop. Naghiwa-hiwalay kami sa loob.
I was browsing at the Fiction section nang may tumawag sa pangalan ko.
“Aris…”
Nag-angat ako ng paningin. Nasa harap ko ang isang smartly dressed na babae in her 40’s na kaagad kong nakilala.
“Katrina!” ang bulalas ko.
Officemate ko siya dati (actually, supervisor ko siya) and it has been years nang huli kaming magkita.
Nagbeso-beso kami. Hindi kami close pero ok naman kami. Hindi lang siguro kami nagkaroon ng pagkakataon noon na maging magkaibigan.
“How are you?” ang pangungumusta ko.
“Still connected with the same company. Ikaw?”
I updated her a little about myself.
“You still look the same,” ang sabi niya. “Are you married?”
“No. Ikaw?”
“Single mom pa rin. Pero masaya na ako.”
Gusto kong sabihin: ako rin, masaya na sa pagiging single. Pero bago ako nakapagsalita, nakita ko siya.
The boy from church.
Para siyang isang aparisyon na dahan-dahang nagmula sa likod ng bookshelves at ngayon ay papalapit sa kinaroroonan namin ni Katrina.
Natigilan ako. May sinasabi si Katrina pero hindi ko na narinig dahil inagaw na ang atensyon ko ni church boy. Nakatingin siya sa akin at nakangiti.
Napansin yata ni Katrina na may tinitingnan ako sa likuran niya kaya napalingon siya. Napangiti siya nang makita si church boy.
“Oh, there you are,” ang sabi ni Katrina.
Nagulat ako at nagtaka.
“Aris,” ang baling niya sa akin nang nasa tabi na niya si church boy. “I would like you to meet my son, Xyrus.”
Hindi ako makakibo. Napatda ako sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanila. Parang na-shock ako.
“Xyrus, this is my former officemate, Aris. Say hello, anak.”
Inabot ni Xyrus ang kamay niya upang makipag-shake hands sa akin.
Muli, nadama ko ang malambot niyang palad. At ang marahang pisil.
Napangiti ako hindi lang dahil pleased ako na makilala siya kundi dahil mangha ako sa pagkakataong iyon.
I tried my best to compose myself. Ipinagpatuloy ko ang pakikipagkuwentuhan kay Katrina at nagkunwari akong hindi apektado sa presence ng anak niya.
Tumingin-tingin ng libro si Xyrus sa di-kalayuan sa amin.
Maya-maya, nagpaalam si Katrina. “May hinahanap nga pala akong recipe. Maiwan na kita, Aris. It was nice seeing you again.”
Tinawag niya ang pansin ni Xyrus. “Anak, I am going to the Cookbook section.”
“I’m staying right here, mom,” ang sagot ni Xyrus.
“Ok.” At umalis na si Katrina.
Naiwan kami ni Xyrus sa lane na iyon ng mga fiction books.
Nagkatinginan kami. Nagkangitian.
Magkatabi kaming nag-browse. Walang imikan. Nagpapakiramdaman.
Siya ang unang hindi nakatiis sa katahimikan.
“So, you and my mom were officemates…” ang sabi niya.
“Yup. She’s older though.” I had to emphasize that.
“I can see that…”
“But that still makes you very young…” ang sabi ko.
“I’m old enough to be allowed beer in Malate.”
Natigilan ako. “Malate? You go to Malate?”
“Yup. And guess what… I’ve seen you there. Once… twice…”
“Huh? Really?”
“Minsan nang nagkatabi ang mga mesa natin sa Silya. Minsan mo na ring nakasayaw ang friend ko sa Bed.”
Gosh, I must really be all over the place. Wala na yata talaga akong mystery.
“Please don’t tell my mom about Malate, ok?” ang sabi niya.
“Don’t worry, I won’t.” I assured him.
Sandali kaming natahimik. Waring parehong nag-aapuhap ng sasabihin.
“I have to go find my mom,” ang sabi niya pagkaraan.
“Will I see you again?” ang tanong ko.
“Sure. I’ll see you in Malate.”
“Bakit doon?”
“Dahil doon, we can be ourselves. Maaari tayong mag-usap na hindi iniisip ang mom ko." At halos pabulong: “Aris, I want to know you better.”
Napangiti ako. “Gusto rin kitang higit na makilala, Xyrus.”
“I’ll see you then.”
Hindi na ako nagtanong kung kailan. Bahala na ang tadhana sa pagtatakda ng pagkakataon upang kami ay muling magkita. Sapat nang assurance ang dalawang ulit na pagku-krus ng aming landas ngayong araw na ito upang ako ay maniwala at umasa na kami ay muling pagtatagpuin.
“Bye, Aris.”
“Bye, Xyrus.”
He gave me a playful wink bago siya umalis.

Wednesday, April 8, 2009
My Tough Ten
I was tagged by Tristan.
***
10. Who is your least favorite blogger and why?
Hindi ko na matandaan ang pangalan. Minsan ko lang siya binasa, hindi ko na binalikan. Masyado siyang mayabang.
9. If there was just one blog that you'll read, what is it?
The McVie Show. I respect the views and I enjoy the humor.
8. Who do you think tells fabricated stories?
Nasa Wordpress siya. Inconsistent ang mga detalye sa kuwento niya bukod sa hindi kapani-paniwala.
7. If there is just one blogger whom you haven't met and would like to meet, who would it be and why?
Jun Lana. Grabe, ang galing niyang magsulat. Idol.
6. If there was one thing that you'd like to write about but cannot (due to real or perceived complications) what would it be?
My heterosexual relationships. Pagtataasan n’yo ako ng kilay, alam ko.
5. Have you had sex with a blogger?
No.
4. Have you had sex with a reader?
No.
3. Who is the most narcissistic/self-absorbed blogger that you know?
Nandito siya sa Blogspot. Siya mismo ang pumupuri sa sarili niya.
2. Who do you wanna sex with?
Tiggah. Carried away ako sa mga litrato niya.
1. Based on how you know this blogger through his (or her) blog, who would you like to be in a serious relationship with?
Mark Xander. Sweet and faithful ang tingin ko sa kanya.
***
I am tagging Pao, Kokoi, Dabo, Yffar.

Tuesday, April 7, 2009
Minsan
Kahit masama ang pakiramdam ko at nadaan lang sa Biogesic ang sakit ng ulo, nagpunta pa rin ako sa Malate.
I had a tough week at kailangan kong mag-unwind.
“Last hurrah before Holy Week,” ang text ng mga kaibigan ko.
The Strong Ice made me feel better. Pero ramdam ko pa rin ang pagod at kakulangan sa tulog.
“I should have just stayed home,” ang usal ko sa sarili. “Pero nandito na ako. Try ko na lang mag-enjoy.”
Hindi ako lubusang makasakay sa animated na kuwentuhan ng aking mga kaibigan. Kahit gusto ko ring makipagkulitan, nangingibabaw ang aking pananamlay.
I drank some more to enliven myself.
When we entered the club, the usual flurry and thump thump greeted me. Sinikap kong i-internalize ang music at makibahagi sa mataas na energy ng paligid. Bahagya kong nakalimutan ang aking dinaramdam.
Pero saglit lang. Dahil sa patuloy kong pag-inom ng beer at kinalauna’y zombie, naramdaman ko ang muling pananakit ng aking ulo.
And so I retreated to a corner. I sat down para ipahinga ang sarili. Buti na lang, my friends were gathered around me kaya hindi ko naramdaman na mag-isa ako sa aking misery.
But not for long. Dahil siyempre kailangan din nilang mag-fly away. It’s a party and everybody must circulate.
Including me.
So tumayo ako at sinubukang uminda-indayog sa ledge. Pero nahihilo talaga ako. Kaya kahit na paborito ko ang music at may mga kaaya-ayang nilalang doon, bumaba kaagad ako. Nakakahiya naman kung doon pa ako mag-collapse.
I had to steady myself kaya balik ako sa sulok. Sumandal ako sa dingding. Resigned na ako sa pagiging wallflower nang gabing iyon. Masama talaga ang pakiramdam ko.
Then you came.
Dumaan ka sa harap ko at nagkatinginan tayo. Napahinto ka.
“Hi,” ang sabi mo.
Ngumiti ako at pinagmasdan kita.
Taglay mo ang weakness ko: chinitong mata. Shirtless ka at pawisan. Alam ko na galing ka sa ledge. Isa ka sa mga kaaya-ayang nilalang na nagsasayaw doon kanina.
Walang kaabog-abog, hinapit mo ang aking baywang at hinila ako papalapit sa’yo. Nadiin ako sa mapipintog mong dibdib. Napahawak ako sa matitigas mong muscles.
Niyakap mo ako. Mahigpit. At dahil nanghihina ako, tuluyan na akong kumapit sa’yo.
Hinalikan mo ako. Marahas. At dahil uhaw ako, I sucked hard on your lips.
Naglakbay ang aking mga kamay. Nadama ko ang makinis mong balat at nasalat ko ang iba pang mapipintog na bahagi ng iyong katawan.
Maalab ang mga sandaling iyon. Parang pagsasalin ng lakas.
Kumalas ka sa akin at nagpaalam.
Lumapit sa akin ang kaibigan ko.
“He’s hot, isn’t he?” ang sabi habang tinatanaw ang iyong paglayo.
“Yeah,” ang sagot ko. Medyo breathless pa ako but feeling better.
“I know him,” ang dugtong niya. “I’ve met him before.”
“Really?”
“His name is Renz…”
May pagkahumaling sa kanyang tinig.
“Naka-sex ko na siya minsan. And, oh… it was great!”

Subscribe to:
Posts (Atom)