Thursday, August 21, 2014
Letter To Cee
Tuesday, August 19, 2014
Ang Tambay Sa Village
Palihim,
mula sa maliit na siwang ng bintana, pinanood ko siya habang naglalaro ng
basketball sa tapat ng bahay namin. Binusog ko ang aking mga mata sa kabuuan
niya. Hubad-baro at naka-shorts lang – manipis at maluwag – na sa bawat kilos
ay binabakat ang matatambok niyang katangian. Payat lang siya subalit siksik ang
kalamnan. Mahaba ang torso at impis ang tiyan. Malaman at bilugan ang kanyang
mga hita at binti na sa bawat pagtakbo at pagtalon ay puno ng katatagan. At ang
kanyang mga paang nakatsinelas lang ay malinis, mahahaba ang mga daliri at sa
aking tantiya’y size 9.
Una
siyang tumatak sa aking kamalayan nang madatnan ko siyang nakatambay sa parlor
na aking pinagpapagupitan. Pabukaka siyang nakaupo sa sofa at dahil maiksi at maluwag
ang kanyang shorts, mula sa salamin na
kung saan ako ay nakaharap, siya ay aking nasilipan. Kulay asul ang kanyang
brief at ang puti ng kanyang singit. May naramdaman akong excitement pero pasimple
lang ako dahil ayokong makahalata ang gumugupit sa akin. Nang siya ay umalis,
agad siyang pinagtsismisan ng mga bading. Josh ang pangalan niya. Twenty-two
years old. Tambay sa village – kung
hindi sa basketbolan o sa internet café ay sa parlor ng mga bading. At pahada!
Dahil walang trabaho at may mga pangangailangan kaya pumapatol. At higit sa
lahat, dakila! Napatili pa ang mga bakla nang mabanggit iyon. At dinescribe pa
talaga ang itsura. Tahimik lang ako sa pakikinig pero naging
abala ang aking imahinasyon. At dahil doon, naging interesado ako kay Josh.
Mula
noon, inabang-abangan ko na ang pagdaan niya sa tapat ng bahay namin. Lagi na’y
may kiliti akong nararamdaman kapag siya’y nakikita. Kiliti sa aking
imahinasyon at higit sa lahat sa ibabang bahagi ng aking puson. Ang interes ay
naging pagnanasa at ngayon nga habang sinisilip ko siya ay dama ko ang pag-uumigting
niyon.
Napapitlag
ako nang biglang kumulog at kumidlat. Kanina pa makulimlim at nagbabanta ang
ulan. Maya-maya nga’y bigla na itong bumuhos. Lumamig ang paligid subalit hindi
iyon sapat upang maibsan ang aking pag-iinit habang pinagmamasdan si Josh. Patuloy
siya sa paglalaro ng basketball at dahil basa na sa ulan, humakab na sa katawan ang shorts. Higit na nagmura ang
kanyang alindog.
Iniwan
ko ang bintana. Naghubad ako ng T-shirt at lumabas ng bahay, shorts lang ang suot. Agad akong nabasa ng ulan. Pumikit ako at nagpaikot-ikot. Dinama
ang ginhawang dulot ng malamig na tubig.
Nang
ako’y magmulat, ang kanyang mukha ang aking nasilayan. Nakatingin siya sa akin, pinapanood ako. Nagtama ang aming mga mata. Hindi ako nagpa-intimidate, sa halip ay pilit kong ipinarating ang aking interes. Maya-maya'y ngumiti siya at lumapit. Sumasal ang tibok ng aking dibdib.
“Gusto
mong maglaro?” ang kanyang sabi.
Mabilis niyang pinalipat-lipat ang bola sa kanyang mga palad na tila nagpapa-impress. Nag-igtingan ang kanyang mga masel.
“Magaling akong mag-shoot,” ang sabi pa. “Gusto mo ba akong subukan?”
Muling kumulog at kumidlat subalit hindi na ako nagulat. Titig na titig ako kay Josh, puspos ng pananabik.
“Sure,” ang sagot ko. “Magaling ka rin bang mag-dribble?”
Thursday, August 14, 2014
One Fine Day
Dahil sa nangyari, muli naisip niya, ang hirap maging
promdi. Lumuwas siya sa Maynila upang makipagsapalaran. Nakahanap naman siya ng
trabaho bilang isang mensahero. Yun nga lang, dahil promdi siya at di pa
masyadong maalam sa Maynila, natututunan niya ang lahat sa paraang mahirap.
Kagaya ngayon, inutusan siyang maghatid ng mga dokumento sa isang opisina,
nagkaligaw-ligaw muna siya bago niya iyon nahanap at nang pauwi na siya, bigla
siyang tumawid sa bawal kaya hinuli siya ng pulis. At pinagmumulta siya ng tatlong
daan dahil sa jaywalking. Diyos ko naman, two fifty lang nga ang sahod niya
sa isang araw, saan naman siya kukuha niyon? Sandaan lang nga ang laman ng
bulsa niya at kulang pang pamasahe-pangkain iyon.
Kaya nagmakaawa siya sa pulis. Mangiyak-ngiyak
siyang nag-sorry at nangakong hindi na
uulit. Pero matigas ang pulis at ang sabi pa, kung wala siyang pangmulta,
dadalhin siya sa presinto at ikukulong siya. Takot na takot siya. Hindi niya
alam ang gagawin. Napaupo siya, napayupyop sa mga palad at tuluyan nang
napaiyak.
Maya-maya’y may naramdaman siyang kamay na dumantay sa kanyang
balikat. Nag-angat siya ng paningin at nakita niya ang isang lalaking maayos ang bihis – mukhang mayaman – na nakatunghay sa kanya, may simpatiya sa mga mata.
“Tumayo ka,” ang sabi nito sa kanya.
Napasunod siya na tila namamalikmata.
Hinarap ng lalaki ang pulis. “Magkano ba ang multa?” ang
tanong nito.
Sumagot ang pulis. Kaagad na bumunot ng pera sa kanyang
wallet ang lalaki at iniabot sa pulis.
“You're free to go,” ang sabi nito sa kanya.
Iyon lang at tumalikod na ang lalaki, naglakad palayo.
Hindi siya nakapagsalita, gulat sa ginawa nito para sa kanya.
“Hindi ka man lang ba magpapasalamat dun sa lalaki?” ang
sabi ng pulis habang ibinubulsa ang pera.
Saka lang siya parang natauhan. Tinanaw niya ang lalaki.
Malayo-layo na rin ito sa kanyang kinaroroonan. Mabilis niyang inihakbang ang
kanyang mga paa, halos patakbo, upang habulin ito.
At dahil hindi naman kabilisan ang paglalakad ng lalaki,
kaagad niya rin itong inabutan.
“Sir. Sir. Sandali po,” ang tawag niya rito.
Huminto ang lalaki at humarap sa kanya.
Nagkatitigan sila at parehong natigilan. Ilang sandali
silang nanatiling ganoon, nakatayo sa bangketa, sa gitna ng magkasalubong na
hugos ng mga tao.
Saka niya nagawa ang magsalita. “Sir, maraming salamat.”
Ngumiti ang lalaki. “Walang anuman.”
Ngumiti rin siya.
Nanatili silang magkaharap, nakatingin sa isa’t isa. Waring
nag-aantayan sa susunod na sasabihin at gagawin ng bawat isa.
“Ako si Mike,” ang sabi ng lalaki na unang hindi nakatiis
sa awkward na sitwasyon nila. “Ikaw, anong pangalan mo?”
“Ronaldo Mapayapa Jr. po.”
“Huwag mo na akong po-poin, Ronaldo. Ano bang palayaw mo?
Ronald? Ronnie? Jun?”
“Naldo.”
“Let me call you Ronald, ok?”
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
“Now, Ronald. Gusto mo ba akong samahan magmeryenda?”
Tuesday, August 12, 2014
Last Full Show
Tumayo ako
Hindi dahil naiihi
Kundi dahil nangangati.
Nagtungo ako sa banyo
Pumuwesto sa urinal
Pumuwesto sa urinal
Naghintay, nagkunwari.
Bumukas ang pinto
At siya’y pumasok
Lumapit sa akin, tumabi.
Pakiramdaman muna
Bago nagsilipan, nagpakitaan
Ng mga ari.
Naghawakan, nagbayuhan
Hanggang sa sumirit
Bago nagsilipan, nagpakitaan
Ng mga ari.
Naghawakan, nagbayuhan
Hanggang sa sumirit
Ang mga kiliti.
Nang matapos ang sine
Nang matapos ang sine
Inabangan ko siya sa lobby
Baka pwede kaming mag-coffee.
Natigilan ako
Nang siya’y lumabas:
May kaakbay na babae.
Iniwasan niya ako, mabilis pa sa alas-dose.
Iniwasan niya ako, mabilis pa sa alas-dose.
Subscribe to:
Comments (Atom)