Thursday, June 30, 2011

Mga Kuwentong Patikim

Muli, may mga nahalungkat ako sa aking baul. Tatlong kuwentong sinimulan kong sulatin subalit hindi ko na naipagpatuloy. Nanghihinayang akong itapon kaya heto, pinagsama-sama ko para sa isang post. Paumanhin, sapagkat tiyak na kayo ay mabibitin.

Isipin n’yo na lang na preview ang mga ito dahil balang araw, baka sipagin akong magdugtong. Maaari n’yo ring sabihin sa akin kung alin sa mga ito ang nais n’yong mabasa nang kumpleto.

===



TIFFANY

Sana naka-high heels ako. O naka-boots. Habang nakikipaghabulan sa suspect. Bagay na bagay sana ito sa suot kong skinny jeans at bolero jacket.

Sana mahaba rin ang buhok ko at may hawak akong baril. Ang fierce! Parang si Lucy Liu sa Charlie’s Angels.

Ini-imagine ko na lang na ume-echo ang takong ko sa semento ng ruins na kung saan tumakbo ang hinahabol namin. Madilim ang abandonadong building at habang pinapasok ko ito, nakikipag-unahan sa mga hakbang ko ang tibok ng aking puso.

Ako nga pala si Stefanio a.k.a. Tiffany. Hindi ako policewoman o detective o secret agent. Isa akong salon owner slash impersonator slash drag queen. Never kong naisip na matatagpuan ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

Ano nga ba ang ginagawa ko at nasa gitna ako ngayon ng isang police operation?

***

It was my moment to shine sa comedy videoke bar na kung saan ako nagpe-perform kada T-Th. Ako si Donna Summer nang gabing iyon. Fully made-up. Naka-wig. Naka-gown. Naka-boa feathers.

Nakatalikod muna ako at dahan-dahang humarap habang nag-e-emote sa mabagal na simula ng “Last Dance”. At nang nasa parteng mabilis na, sinabayan ko na ng pag-indak ang pagli-lipsynch.

Palakpakan ang mga tao kaya ginanahan ako. Sa mga ganitong pagkakataon, nakakalimot ako. Pakiramdam ko, babaeng-babae ako at ako mismo ang karakter na ini-impersonate ko.

===



WET SUMMER

Sabi sa forecast, magiging maulan daw ang summer. Tama ang PAGASA, dahil sa kasagsagan ng Abril, hinahaplit ng malakas na ulan ang kinalululanan ko patungo sa isla. Malakas din ang alon na sumisiklot-siklot sa bangka. Mahigpit ang kapit ko sa aking lifevest habang pinaglalabanan ang pangamba.

Nitong mga huling araw, parang maunos na panahon din ang aking pinagdaanan habang bumubuo ng pasya. Hinaplit din ako ng mga emosyon at siniklot-siklot ng mga agam-agam. Tanging matibay na resolve ang kinapitan upang mapaglabanan ang takot na magkamali at magsisi.

Subalit nagawa ko ang dapat gawin. Hiniwalayan ko si Stephen. Pagkaraan ng mahabang panahon ng pagtitiis at pagkukunwari.

At ngayong malaya na ako, wala nang dahilan upang layuan ko si Xavier. Na sa gitna ng aking pag-iisa at pangungulila ay muling nagparamdam at gustong makipagkita pagkalipas ng isang taon mula nang kami ay magkakilala.

Summer din noon, sa parehong isla na sa kabila ng masungit na panahon ay buong tapang kong pinagsusumikapang marating ngayon.

***

It was a festive summer, noong nakaraang taon, nang magpunta kami sa isla ng mga kaibigan ko. Partner-partner kami dapat, kasama ang mga boyfriends. Subalit typical of my boyfriend Stephen na second priority ako lagi, nag-back-out siya dahil bigla nilang naisipang mag-Hong Kong ng kanyang mga kabarkada. Kahit wala na akong partner, sumama pa rin ako sa isla dahil nakapag-commit na ako. At nangyari nga ang pinangagambahan kong ma-OP.

Isang gabi na romantic ang atmosphere sa beach, humiwalay ako sa grupo. Naghihimutok ako at nalulungkot, naaawa sa sarili dahil muli ko na namang nadama ang pagkukulang sa akin ni Stephen. Na inilagay niya na naman ako sa isang sitwasyon na hindi ko maiwasang mag-isip at magtanong kung tama ba na palagi ko na lang siyang inuunawa at pinagbibigyan kahit na palagi niya akong sinasaktan. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nadama ko na parang wala ring kabuluhan ang aming relasyon.

Naglakad-lakad ako sa pampang at bago ko namalayan, napalayo na pala ako. At doon sa may batuhan na tahimik at malayo sa mga bar, naupo ako at nagmuni-muni. Bakit pakiramdam ko, for the past three years na naging kami ni Stephen ay parang bibihira akong naging masaya? Na kung susumahin, parang mas marami pa ang sama ng loob na idinulot niya sa akin. Katulad ng pagbalewala niya sa lakad na ito na matagal nang nakaplano. Na para bang wala siyang pakialam, mag-isa man ako. Mahal niya nga ba ako? At mahal ko ba talaga siya?

Naghahanap pa rin ako ng sagot sa aking mga tanong nang agawin ang aking pansin ng isang lalaking naglalakad papalapit sa aking kinaroroonan. Hindi ako tuminag habang pinagmamasdan ko ang kanyang kabuuan. Matangkad. Matipuno ang dibdib. Balingkinitan ang katawan.

Huminto siya sa di-kalayuan. At sa tama ng liwanag ng buwan, naaninag ko ang kanyang mukha. Guwapo siya.

Tuluyan na akong na-distract ng presence niya. Nagkukunwari man akong unaffected, hindi ko pa rin maiwasang sumulyap-sulyap sa kanya.

At sa isang pagsulyap ko, sinalubong niya ang aking mga mata. Sa halip na umiwas, hinayaan kong magtagpo ang aming mga titig. Hinagod namin ng tingin ang isa’t isa.

===



SECRETS

Pagdating ni Adrian sa probinsiya ng kanyang ama, sinalubong siya ng kanyang mga tiyuhin at tiyahin, pati na ng kanyang mga pinsan sa terminal ng bus. Nang huli siyang mapunta roon, maliit pa siya at halos wala pang muwang. At taliwas sa kanyang naaalala, higit palang maganda ang lugar na iyon.

Nagpunta siya sa San Martin dahil sa kasal ng kanyang tiyahin na bunsong kapatid ng kanyang ama. Nasa ibang bansa ang kanyang ama at dahil hindi makapag-leave sa trabaho ang kanyang ina, siya ang naatasang kumatawan sa kanilang pamilya. At dahil summer naman at wala siyang pasok, pumayag siya dahil gusto niya ring magbakasyon. At makalimot. Dahil bago nagsara ang klase, nag-break sila ni Gerard.

Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng kanyang mga kamag-anak. Nakilala niya ang tiyahin niyang ikakasal, si Rosario na halos hindi nagkakalayo ang kanilang edad dahil bente-dos anyos lamang ito at siya naman ay disiotso. Nakilala niya rin ang nakatatandang kapatid ng kanyang ama, si Dolores na sinasabing nag-alaga sa kanya noong huling bumisita sila rito. Dito niya piniling tumuloy dahil matandang dalaga ito at mag-isa lang sa bahay.

Medyo malayo sa mga kamag-anakan ang bahay ni Dolores. Kinailangan pa nilang bumiyahe sakay ng jeep sa baku-bakong daan upang marating iyon. Subalit namangha siya pagkakita sa bahay ni Dolores dahil hindi ito pangkaraniwan. Tila inukit ito sa gilid ng bundok at nayuyongyungan ng mga puno. Malalaki ang mga bintana na nakukurtinahan ng mga pinagtuhug-tuhog na shells. Ang dalawang palapag na bahay ay may veranda sa itaas na nakaharap sa dagat at mistulang bahay-bakasyunan.

“Nagustuhan mo ba ang bahay ko?” ang tanong ni Dolores.

“Nagustuhan?” ang sagot niya. “Pwede bang ampunin mo na lang ako, Tiyang, para dito na ako tumira habambuhay?”

Natawa si Dolores sa sagot niya. Pinagmasdan niya ang tiyahin at nakita niya na sa kabila ng pagiging mas matanda nito sa tatay niya, maganda pa rin ito at mukhang bata sa edad na kuwarenta y dos. Sa kabila ng pagtira sa probinsiya, makikita mong hindi nito pinababayaan ang sarili at maayos ito maging sa pananamit.

Hindi na nagtaka si Adrian kung bakit naiiba ang bahay ni Dolores. Dahil alam niya na sa magkakapatid, naiiba rin ito. Matagal niya nang naririnig sa kanyang ama na si Dolores ang black sheep ng pamilya. Moderno ang pananaw nito at madalas sumuway sa mga magulang nila. Kahit tutol ang ama, nag-abroad ito. At pagkaraang mamalagi nang matagal sa ibang bansa, umuwi ito sa hindi malamang kadahilanan at pumirmi sa probinsiya. Nagpatayo ng sariling bahay at namuhay mag-isa. Sa kabila ng maraming manliligaw, nanatili itong dalaga hanggang sa tumanda.

Sa kabila ng mga kuwento ng pagiging kakaiba ng kanyang Tiya Dolores, magaan ang loob niya rito. Siguro dahil alam niyang bukas ang isipan nito. At sa isang katulad niya na kakaiba rin dahil sa kasarian niya, pakiramdam niya, may pagkakapareho sila. At sakali mang malaman nito ang lihim niya, naniniwala siyang maiintindihan siya nito.

“Gusto mo bang mag-swimming?” ang tanong ni Dolores.

“Nabasa mo ang nasa isip ko,” ang sagot ni Adrian.

“Huwag mong kalilimutang mag-sunblock. Napakakinis pa naman ng iyong balat.”

Natigilan siya sa sinabi ng kanyang tiyahin.

“Alagaan mo na ang kutis mo habang bata ka pa. Ano bang cream ang ginagamit mo?”

Gusto niyang malaglag sa kanyang kinauupuan. Dahil sa tanong na iyon, napag-isip siya: alam na ba nito kung ano siya?

Umiwas siya. Hindi iyon ang tamang panahon para sa pangungumpisal niya.

“Magbibihis muna ako, Tiyang.”

“O, sige. Ipaghahanda kita ng meryenda.”

Pumasok na siya sa silid.

Nang magpapalit na siya ng panligo, saka niya napansin na ang nadala niyang swimming trunks ay ang regalo sa kanya ni Gerard. Hindi niya naiwasang muling maisip ang ex-boyfriend. Nagbalik sa kanyang alaala ang tagpong iyon ng kanilang pagkakasira.

***

Alalang-alala siya noon kay Gerard dahil may sakit ito kaya umabsent siya sa last period at umuwi nang maaga sa boarding house nila. May dala pa siyang pagkain at gamot.

Subalit nagulat siya sa kanyang dinatnan.

Katabi ni Gerard sa kama si Yvonne, ang boardmate nila na may matinding crush dito. Magkayakap na natutulog ang dalawa. Nakadamit naman pareho pero malay ba niya kung katatapos lang nitong mag-ano.

Saklot man ng galit at panibugho ang kanyang puso, tinimpi niya pa rin ang kanyang emosyon. Dahan-dahan siyang pumasok sa silid, inilapag ang pagkain at gamot sa mesa, binuksan ang cabinet, kinuha ang kanyang maleta at tahimik siyang nag-impake.

Tapos na siyang ayusin ang mga gamit nang sabay na magising ang dalawa. Nagulat si Gerard pagkakita sa kanya. Gayundin si Yvonne. Kaagad na nagkalas sa pagkakayakap ang dalawa.

Hindi siya nagsalita subalit matalim at nanunumbat ang kanyang mga mata.

“It’s not what you think,” ang sabi ni Gerard. “Let me explain.”

Tahimik si Yvonne na hindi niya alam kung dahil sa sindak o sa pagdiriwang ng kalooban.

Tumayo siya, binitbit ang kanyang mga gamit at dumiretso sa pinto.

“Adrian, saan ka pupunta?”

“Tapos na sa atin ang lahat, Gerard. This is goodbye.”

Pinihit niya ang seradura ng pinto at tuluyan na siyang lumabas.

Hindi siya hinabol ni Gerard.

At nang nasa taksi na siya, saka siya napahagulgol ng iyak.

***

Nakahiga siya sa beach at hindi maiwasang muli ay bagabagin siya ng alaala ni Gerard. Naiisip niya na hindi man lang sila nakapag-usap pagkatapos ng insidenteng iyon. Magtatapos na kasi ang school year at pareho na silang naging abala sa finals. At saka umiwas din siya. Pati sim card, nagpalit siya. Ayaw niya kasing makipag-usap dahil baka kung anu-anong masasakit na salita lang ang masabi niya.

Pero aaminin niya, mahal niya pa rin si Gerard at nami-miss niya ito. Sa mga ganitong pagkakataon na napakaganda ng kapaligiran, nawi-wish niya na sana magkasama sila.

Napabuntonghininga siya. Tama ba ang ginawa niya? Ang talikuran ito na hindi niya man lang binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag? Heto na naman siya, pinagdududahan ang kanyang naging pasya. Bakit hindi niya na lang kalimutan si Gerard? Sinaktan siya nito. Pinagtaksilan. Huling-huli niya.

Pumikit siya, mariin. Pilit niyang kinaklaro ang kanyang isip. Pinakinggan niya ang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Dinama niya ang ihip ng hangin. Nakadama siya ng kapanatagan.

Unti-unti na siyang hinihila ng pagkakaidlip nang maramdaman niya na may taong nakatayo malapit sa kanyang kinahihigaan.

Dahan-dahan siyang nagmulat.

Naroroon ang isang lalaki. Makisig. Maskulado. Hubad-baro. Bata pa ito at sa tantiya niya ay ilang taon lang ang tanda nito sa kanya.

Sandaling tumigil ang tibok ng kanyang puso at siya ay napasinghap. Nananaginip ba siya?

Ang lalaking nakatunghay sa kanya ay kamukhang-kamukha ni Gerard!

Napabalikwas siya. Subalit bago pa man siya nakapagsalita ay tumalikod na ang lalaki at humakbang palayo sa kanya. Hinabol niya ito ng tingin habang duda pa rin kung namamalikmata lamang siya.

Ganoon ba niya ka-miss si Gerard kung kaya nakikita niya ang mukha nito sa iba?

***

Subalit bandang dapithapon, natiyak niya na hindi siya pinaglalaruan ng kanyang guni-guni.

Pagdungaw niya mula sa veranda ng bahay, muli niyang nakita ang lalaki. Kausap ito ni Dolores sa may gate. Nag-aagaw man ang dilim at liwanag, hindi niya maipagkakamali ang features nito na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Nagmamadali siyang bumaba upang mapagmasdan ito nang malapitan. Subalit bago pa man niya narating ang gate, papaalis na ito. Muli, wala siyang nagawa kundi habulin ng tingin ang paglayo nito.

“Tiyang, sino ‘yun?” ang tanong niya.

“Si Lucas.”

Gusto niya pa sanang magtanong tungkol sa lalaki subalit tumalikod na si Dolores upang bumalik sa bahay.

Nang gabing iyon, binagabag siya ng imahe ni Lucas. Hindi ito mawala sa kanyang isip.

Siguro dahil kamukha ito ni Gerard.

Subalit nang paligayahin niya ang kanyang sarili – oo nga at mukha ni Gerard ang nasa kanyang isip – ang maskuladong katawan ni Lucas ang kinatalik niya sa kanyang imahinasyon!

Sunday, June 26, 2011

Unexpectedly

Hindi natuloy ang White Party kagabi. At dahil nakaplano na at maganda naman ang panahon, tumuloy pa rin kami. Pero hindi na kami nag-white.

Ang daming tao sa Malate for what was supposedly a regular Saturday. Katulad namin, siguro nakaplano na rin sila at ayaw nang magpaliban o umurong. Ang dami rin sigurong hindi naabisuhan dahil may mga dumating pa rin na naka-outfit.

Two months ding hindi nagkita-kita ang barkada. Last kaming nagsama-sama noong Puerto Galera. Kaya excited ang lahat, reunion pa nga ang tawag nila. Gayunpaman, hindi lahat nakapunta. May tatlong nang-indyan.

Hindi bale, naroroon naman ang key members. Yung mga umabsent, bago lang naming ka-grupo. Siyempre, wala na rin yung mga umalis. That’s right, may mga barkada kami na hindi na namin nakakasama. Dahil tumawid na sa ibang grupo o kaya ay naging exclusive na sa mga dyowa. Ganoon talaga ang buhay, may mga dumarating, may mga umaalis. Pero kami namang mga datihan, buo pa rin at matatag ang samahan.

Masaya na rin, maliban na lang sa ako ay masyadong nalasing. Ano ba yan, every White na lang lagi akong nasosobrahan ng inom. Nagpapapayat ako ngayon (I have already lost 15 pounds, congratulate me!) at bahagi ng diyeta ko ang mag-skip ng dinner. And you know how it is about an empty stomach and beer. And Tanduay Ice. And Rhum Coke. Halos bitbitin na ako ng aking mga friends. And not long after, nagsusuka na ako sa banyo ng Bed.

But that’s getting ahead. Kasi nagkaroon ng unexpected na pangyayari at ito ‘yung real story.

Pagpasok sa Bed, pinilit ko pang magpaka-normal. Nagsayaw-sayaw pa ako. At lumaklak ng zombie! Malaking pagkakamali dahil tuluyan na akong nahilo at napasalampak sa couch. My friends got worried but I assured them I was fine and that they should just go ahead and enjoy themselves. At pagkaalis na pagkaalis nila, ‘yun na, naramdaman ko na… susuka ako. I ambled my way to the restroom.

Putek, may pila sa cubicle! Alangan namang sumuka ako sa urinal o sa lababo. Kaya pinigil ko at nakipila ako. Tiis. Tiis.

Napansin ko ang sinusundan ko. Uy, guwapo. Nakatingin sa akin. At nginitian ako!

Diyos ko, wala ako sa tamang huwisyo upang lumandi. Ang hirap kayang mag-beautiful eyes nang nasusuka. Pinilit ko pa ring ngumiti, albeit awkwardly, kasi nga ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko at ang konsentrasyon ko ay nasa pagpipigil.

Nasa edge na ako at konting-konti na lang bibigay na ako nang bumukas ang pinto ng banyo. Siya na ang susunod at nagulat ako nang mag-offer siya na mauna na ako. Thank God, sensitive siya at naramdaman niya ang predicament ko.

Nagmamadali akong pumasok at hindi ko pa man naisasara ang pinto ng banyo, nagsuka na ako nang nagsuka sa inidoro.

Bigla na lang may naramdaman akong humahagod sa likod ko. Sinaid ko muna ang lahat ng likido sa tiyan ko bago ko inalam kung sino.

Siya pala. Si Guwapo.

“Are you alright?” ang tanong niya.

Tumango lang ako. Hiyang-hiya sa kanya.

Kaagad akong nag-flush. I mumbled a quick thank you at nagmamadali ring lumabas.

Siya naman, pumasok na at nag-lock.

Naghugas ako sa lababo, nagmamadali rin. Ayaw ko na kasing maabutan pa niya. Sabi ko nga, hiyang-hiya ako.

I felt better pero nahihilo pa rin ako kaya bumalik ako sa couch. And before I knew it, nakatulog ako.

Sandali lang naman dahil nang magising ako, kasagsagan pa rin ng party at mas kumapal ang tao.

At hulaan mo kung sino ang namulatan kong nakaupo sa tabi ko at nakamasid. Korek, si Guwapo na nakasaksi ng pagkakalat ko sa banyo. At nakangiti siya sa akin.

Dahil bumuti na rin ang pakiramdam ko, ngumiti na rin ako nang matino at sinalubong ko ang kanyang titig.

Umusog siya palapit sa akin. Masyadong malapit, in fact, na nagdikit na ang mga balikat at hita namin.

“Hi,” ang sabi. Bulong actually, kasi maingay ang music. “I was watching you sleep.”

My God, baka nakanganga ako! Or worse, humihilik. Muli na naman akong parang nahiya sa kanya.

“You were sleeping like a baby,” ang dugtong. “I actually enjoyed watching you.”

Napangiti na lamang ako at muli ko siyang pinagmasdan. Kahit medyo madilim, lutang na lutang pa rin ang features niya na naka-attract sa akin. Payat, matangkad, mabibilog na mga mata, matangos na ilong, mapipintog na mga labi. Naka-braces din siya na dumagdag sa sex appeal niya.

And he has big hands na aking nadama nang magpakilala siya at makipagkamay.

Ang firm ng grip niya at halos balutin ang aking palad. Naughtily, nag-wonder ako kung ano kaya ang pakiramdam niyon kapag sumapo sa butt ko.

Hindi na niya binitiwan ang kamay ko. At ang sumunod na mga pangyayari ay parang panaginip.

We kissed.

We hugged.

We touched.

Gising na gising na ang kamalayan ko habang ginagawa namin iyon. And I was enjoying it. Na habang nagtatagal, parang ayoko nang kami ay magbitiw. I was drawn to him like metal to magnet. Ang sarap-sarap ng feeling. Hindi lang nakaka-turn on kundi nakaka-comfort din.

At kami ay nag-usap.

“Pagkakita ko sa’yo, attracted na kaagad ako,” ang sabi niya.

“I felt the same way,” ang sagot ko. “Masama pa ang pakiramdam ko nun.”

Natawa siya. “Oo nga. Kitang-kita ko nga, pero nagustuhan pa rin kita.”

Ako naman ang natawa. “Buti di ka na-turn off.”

Sumeryoso siya. “There’s something about you na gusto ko. Na kahit magkalat ka pa sa harap ko, hindi mababago.”

Talaga lang, ha? Ayokong maniwala subalit nang tumingin ako sa kanyang mga mata, nakita kong sincere siya at nagsasabi ng totoo.

“Do you believe in love at first sight?” ang sumunod niyang tanong.

Hindi ako nakasagot. Actually hindi, pero dahil sa nangyayari sa amin, parang gusto kong maniwala. Cheesy, I know, pero ganoon talaga ang naramdaman ko.

“Ok,” ang sabi niya. “If you are unsure, we can always find out.”

“Yeah, sure,” ang tangi kong naisagot.

“Maaari ba uli tayong magkita? And let’s see kung saan tayo makakarating.”

“Yeah, sure.” Para akong sirang plaka.

“Strange, pero may nararamdaman akong kakaiba.” Seryoso pa rin siya. “Parang ang tagal ko nang may hinahanap at ngayon, natagpuan ko na.”

Strange nga dahil parang eksaktong sentimyento ko rin ang mga sinasabi niya.

The attraction. The kiss. The embrace. Parang ang lahat ng iyon ay kakaiba nga, hindi lang sa kanya kundi pati sa akin. And the feeling. Nothing like I’ve ever experienced before. Parang bago lahat.

We kissed once again and we spent the rest of the evening doing just that. And also, hugging (our bodies are a perfect fit) and talking (our minds meet).

Kaninang hapon, muli kaming nagkita. At ngayong Linggo, hindi ako nagsimba nang mag-isa. Dininig din sa wakas ang dasal ko na magkaroon na ng kasama.

He has seen me at my worst.

He has watched me sleep.

He asked me to church on our first date.

Huwag nang banggitin pa na pareho kaming suki ng Booksale… na favorite namin ang Lechon Paksiw… na kinilig kami sa “Forever And A Day”.

Siya na nga.

This time, sigurado na ako.

Friday, June 24, 2011

Plantation Resort 10

Nakatayo sila nang magkaharap. Nakatingin sa isa’t isa, puno ng pagnanasa sa mga mata.

Gumalaw ang kanilang mga kamay patungo sa kanilang kahubdan. Humaplos sa mala-sedang kinis ng kanilang mga balat. Sumalat sa mga murang umbok ng kanilang kalamnan.

Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso at nakipaghabulan sa kanilang paghinga.

Nagyakap sila sabay sa muling pagtatagpo ng kanilang mga labi. Naghalikan sila nang walang pag-aalinlangan, kusang nagkaloob at malugod na tumanggap.

Nagkiskisan ang kanilang mga katawan. Nagningas ang init sa kanilang kaibuturan at naglakbay sa kanilang kabuuan. Hanggang sa ang kanilang kamalayan ay lagumin ng masarap na pagliliyab.

Bumaba ang mga labi ni Miguelito sa kanyang leeg. Napapikit si Alberto. Nalanghap niya ang halimuyak ng mga ligaw na bulaklak. At sa pagdako ni Miguelito sa kanyang dibdib, sa marahang pagdila at pagsipsip, nalango siya hindi lamang sa bango kundi pati sa sensasyong dulot nito.

Napasinghap siya at napakapit nang mahigpit. Halos ipagdiinan niya ang kanyang dibdib sa bibig ni Miguelito na patuloy sa pagsibasib.

At nang dumausdos ito pababa sa kanyang tagiliran, sa kanyang tiyan… ngumingibngib sa pagitan ng kanyang mga tadyang at humihimod sa kanyang pusod… napaarko ang kanyang katawan, hindi malaman kung babawi o bibigay dahil sa kiliting tumulay sa kanyang bawat himaymay.

Hinubo ni Miguelito ang kanyang brief at umigkas ang kanyang kahindigan. Dumilat siya at nagsalubong ang kanilang mga sulyap. Napangiti si Miguelito.

“Naging napakaganda ng iyong paghihilom,” ang sabi bago iyon ikinulong sa kanyang palad. Marahang hinagod, urong-sulong, habang sinisipat.

Napaigtad si Alberto nang maramdaman niya ang dulo ng dila ni Miguelito na pumilantik sa kanyang ulo. Sumundot-sundot sa siwang, humagod-hagod sa gilid, nagpaikot-ikot sa kahabilugan. Muli siyang napapikit nang tuluyan siyang kubkubin nito, buong pagkauhaw, pagkasabik at pagkatakam.

Napasabunot siya kay Miguelito habang naglalabas-masok sa humihigpit-lumuluwag na bibig nito. Naglunoy siya sa init at dulas habang nakapagitan sa ngala-ngala at dilang masigasig sa pagpangas.

Sinapo ni Miguelito ang magkabilang pisngi ng kanyang puwit. Hinimas-himas, pinisil-pisil, piniga nang marahas. Masakit na masarap, higit lalo nang igiit nito ang hinlalato sa kanyang butas. Sinundol-sundol ang makipot na lagusan. Isa, dalawang daliri, subalit hindi siya lubusang masiyasat.

Bumitiw si Alberto. Pinatayo niya si Miguelito at pinahiga sa isang malapad na bato. Kumubabaw siya rito. Pinadipa niya ito, hawak ang magkabilang braso. Saglit na nagtama at nag-usap ang kanilang mga mata bago niya sinimulang ariin ang kaytagal niyang inasam na alindog nito.

Nakahain sa kanya ang isang adonis. Matangkad, matipuno, makisig. Isang imaheng higit na perpekto sa labas ng kanyang mga panaginip. Hindi siya makapaniwalang halos isang dangkal lang ang layo niya rito upang lubusang maangkin.

Parang talulot ng rosas sa pandama ang balat ni Miguelito nang ito ay kanyang hagkan. Subalit ang amoy na sumigid sa kanyang ilong ay maskulino, parang pandan. Sinimsim niya ito nang buong ingat. Dinampi-dampian ng mga labi at masuyong nginabngab.

Napapitlag si Miguelito nang dumako siya sa mga kili-kili nito. Sinanghap niya muna ang mga ito bago hinimod. Nagkasabit-sabit man sa mga buhok, hindi siya tumigil hanggang hindi nahahagod ang bawat sulok.

Nilasap-nilakbay niya ang katawan ni Miguelito. At nang nasa bandang tiyan na siya, ito na mismo ang nagbaba ng suot na brief. Bumulaga sa kanya ang ari nito, tirik na tirik, higit na malaki sa natatandaan niyang sukat. Subalit hindi sila nagkakalayo, maputi nga lang ang balat nito at mapula ang ulo.

Hindi na siya nagsayang ng oras at ito ay kaagad niyang hinabhab. Nabigla siya at nabilaukan, naluha sa pagkakadunggol ng lalamunan.

“Dahan-dahan,” ang bulong ni Miguelito.

Muli niyang sinubukan. Unti-unti ang ginawang paglagom. Kahit tantiyado na, namuwalan pa rin siya. Saglit siyang huminto at dinama ang subo. Mainit, mapintog, pumipintig-pintig. Kung maaari nga lang na iyon ay kanyang nguyain at lunukin. Maya-maya, kumibot-kibot ang kanyang bibig, pasipsip-pahimas na naghugot-baon.

Napaungol si Miguelito. Napaliyad. Napaangat ang balakang. Sinalubong ang kanyang pagparoo’t parito. Hanggang sa silang dalawa ay magmistulang piston sa galaw na koordinado.

Bago pa man makarating, kumalas na si Miguelito. Bumangon ito at pinatalikod siya, pinadapa sa malapad na bato. Napapikit siya nang maramdaman niya ang dila nitong sumusundot-humahagod sa butas niya. Ginapangan siya ng masarap na kilabot at kusang ipinagduldulan ang kanyang ubod. Bumilis naman nang bumilis at higit na nagdumiin ang dila ni Miguelito. Nabalisa siya at napabiling-biling.

Maya-maya, huminto si Miguelito at siya ay pinatungan. Siya naman ang padipang pinigilan. Nakapapaso ang matigas na ari nito na tumutok at nagpumilit pumasok. Napakagat-labi siya sa bawat ulos subalit nanatili siyang nakapinid, nakakipot.

Ilang ulit na si Miguelito ay sumubok subalit anumang diin, hindi nito magawang makalagos.

Pinatayo na lamang siya nito at pinaharap. Muling nagtagpo ang masuyo nilang mga titig.

“Hindi bale, sa susunod na lang,” ang sabi.

Tumango lang siya. Nagbabara ang kanyang lalamunan sanhi ng masidhing init sa kanyang katawan.

Nagyakap sila at muling naghalikan. Matamis. Matagal. Puno ng pagmamahal.

Muling gumapang ang kanilang mga kamay hanggang sa pareho nilang magagap ang nag-uumigting nilang mga kaselanan. Binalot nila iyon ng kanilang mga palad at dahan-dahang pinaglaruan.

Nag-urong-sulong, taas-baba ang kanilang mga kamay. Humimas nang todo, bumayo nang sagad. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga labi habang pinakikiramdaman ang pag-akyat ng katas mula sa balon ng kanilang mga pagkalalaki.

Ilang sandali pa, habol na nila ang kanilang mga hininga. Paparating na ang agos ng luwalhating hindi mapigil. Papasulak. Papasirit.

Higit na bumilis ang ritmo ng kanilang mga kamay.

Magkasabay silang nanginig.

At pumulandit.

Umalingawngaw sa paligid ang kanilang mga panambit.

Wala silang kamalay-malay, may mga matang sa kanila ay nagmamatyag.

(Itutuloy)

Part 11

Wednesday, June 15, 2011

Yipee!

Parang countdown ko itong inabangan. At ngayong umaga, nangyari na.



Pumatak na sa apat na raan ang followers ng blog na ito kaya nagdiriwang ako.

Dagdag-inspirasyon ito sa akin upang patuloy na magsulat. Dagdag-motibasyon din upang pagbutihan ko pa.

Ano pa nga ba ang masasabi ko kundi maraming salamat sa inyong lahat. I love you all, my dear friends, from the bottom of my heart.