Thursday, March 24, 2011

Plantation Resort 2

Pitong taong gulang siya noon nang una niyang masilayan si Miguelito. Nagtatapos noon ang Marso nang dumating ito sa plantasyon kasama ni Doña Anastasia.

Mangha siya sa itsura nito na naiiba sa mga batang kanyang nakakasalamuha. Mestiso, maputi ang balat at ginintuan ang buhok. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa.

“Mula ngayon, dito na maninirahan ang aking mag-ina,” ang anunsiyo ni Don Miguel Montemayor sa mga tagapaglingkod na sumalubong sa kanila. “Paglingkuran n’yo sila na katulad ng paglilingkod n’yo sa akin.”

Nagbigay-galang ang mga tagapaglingkod na kinabibilangan ng kanyang ina. Nakasilip siya mula sa likuran nito.

Namataan siya ni Miguelito at nginitian. Subalit sa halip na ngumiti rin, siya ay nagkubli.

Nang sumunod na araw, hindi siya nakaiwas nang lapitan siya nito.

“Ano’ng pangalan mo?” ang tanong.

Nahihiya man, nagawa niyang tumugon. “Alberto.”

“Ako si Miguelito. Halika, laro tayo,” ang yaya nito.

Nanaig ang kagustuhan niyang makipagkaibigan kaya sumama siya rito.

Nagtungo sila sa hardin at doon ay naglaro sila ng habulan. Ang saya-saya nila.

Mula noon, lagi na silang magkalaro at nagkaroon ng bagong sigla ang pagsama-sama niya sa kanyang ina sa malaking bahay.

Pagkalipas ng dalawang linggo, muli ay may dumating sa plantasyon. Si Miss Josephine, kasama ang isang batang babae na nagngangalang Isabel. Kasinggulang nila ito ni Miguelito.

Kaibigan ni Doña Anastasia si Miss Josephine. Anak niya si Isabel at nanggaling sila sa Maynila. Isa siyang maestra at pinapunta siya roon ni Doña Anastasia upang maging tagapagturo ni Miguelito. At dahil lagi silang magkasama ni Miguelito, pati siya ay naging estudyante nito. Gayundin si Isabel na kaagad din nilang nakasundo. Sa araw-araw, bukod sa paglalaro, ay naging bahagi na ng mga aktibidad nila ang pag-aaral.

Sa kanilang tatlo, si Alberto ang pinakamatalino kung kaya tuwang-tuwa sa kanya si Miss Josephine. Pumapangalawa si Isabel. Hindi naman mahina ang ulo ni Miguelito, medyo mabagal lang ito.

Sa hapon, pagkatapos ng kanilang pag-aaral, diretso sila sa paglalaro sa hardin na kung saan palaging abala ang hardinerong si Delfin. Mabait sa kanila si Delfin. Palagi sila nitong ipinangunguha ng mangga at bayabas. At kahit sunog ang balat sa araw, hindi mapasusubalian ang kakisigan nito. Lagi itong hubad-baro kapag nagtatrabaho at litaw ang katawang matipuno.

Ang napansin niya kay Delfin, kapag nasa hardin na sila at naglalaro, panay ang sulyap nito sa ikalawang palapag ng malaking bahay na para bang may hinahanap at hinihintay. At minsang sinundan niya ang tingin nito, nakita niyang nakadungaw sa bintana si Miss Josephine at nakatingin din kay Delfin. Kitang-kita niya na nagpalitan ng tipid na ngiti ang dalawa.

At dahil bata pa, wala siyang naging malisya. Subalit isang hapong malapit nang dumilim, nagyaya si Miguelito na magtungo sa bayabasan. Hinahanap sana nila si Delfin upang magpapitas ng prutas subalit wala ito sa hardin. Ayaw sumama ni Isabel dahil natatakot itong sumuot sa kakahuyan kung kaya sila na lamang ni Miguelito ang lumakad.

Dahil pamilyar siya sa lugar, si Alberto ang naging giya. Nagmamadali sila dahil ayaw nilang abutan ng dilim. Malapit na sila sa bayabasan nang matanaw nila sa di-kalayuan ang isang kamalig. Umiral ang kanilang kuryusidad nang makita nila ang isang babae na pumasok doon. Dali-dali nilang tinungo ang kamalig at sumilip sa mga siwang sa dingding.

At sila ay nagulat. Dahil nakita nila sa loob ng kamalig si Miss Josephine. At si Delfin.

Magkayakap at naghahalikan.

Napasinghap sila nang maghubad ang dalawa.

Binuhat ni Delfin si Miss Josephine at isinampa sa mga sako ng mais.

Ipinagpatuloy nito ang paghalik. Sa labi… sa leeg… sa dibdib ni Miss Josephine. Napapaliyad si Miss Josephine habang nakakapit nang mahigpit kay Delfin.

Maya-maya pa, ibinuka ni Delfin ang mga hita ni Miss Josephine at nagsimulang magdumiin sa pagitan niyon. Sa bawat kadyot ni Delfin ay impit na napapasigaw si Miss Josephine.

Hanggang sa bumilis nang bumilis ang urong-sulong ng balakang ni Delfin na sinasalubong naman ni Miss Josephine at ang impit na mga sigaw ay naging mga ungol.

Nakamulagat sina Alberto at Miguelito sa panonood. Dinig nila ang bilis ng tibok ng kanilang mga puso.

At nang higit na maging marahas ang galaw ng katawan ni Delfin at mag-ingay si Miss Josephine na parang sinasaktan, natakot ang dalawang bata at mabilis na nagtatakbo palayo.

Hingal na hingal sila nang makarating sa malaking bahay. Hindi nila maunawaan kung ano ang kanilang nasaksihan. Nag-alala sila sa maaaring mangyari kay Miss Josephine dahil sa ginagawa ni Delfin. Gulung-gulo man ang kanilang isip, sinarili nila ang nakita sa kamalig. Hindi nila iyon binanggit kahit kanino, lalo na kay Isabel.

Kinabukasan, wala silang nakitang anumang bakas ng nakahihindik na karanasan kay Miss Josephine. Normal pa rin itong humarap sa kanila at tila higit pang naging masayahin. Nakahinga sila nang maluwag. Subalit nang makita nila si Delfin sa hardin, may takot na silang nadama rito kaya mula noon, iniwasan na nila ito.

Tahimik na lumipas ang mga araw. Aral-laro pa rin ang naging takbo ng kanilang buhay. Naging mas malapit sila sa bawat isa at nagsimula silang gumala palayo sa malaking bahay upang tuklasin ang iba pang bahagi ng plantasyon. At kung may pinakaiiwasan man sina Alberto at Miguelito na puntahan, iyon ay ang kamalig. Ayaw na nilang muli ay may masaksihan doon lalo na at palagi nilang kasama si Isabel. Ayaw nila itong magimbal sakaling makita ang ginagawa ni Delfin kay Miss Josephine.

Kasagsagan noon ng tag-init nang sabay na mawala sa plantasyon sina Miss Josephine at Delfin. Narinig niya sa usapan ng mga tagapaglingkod na nagtanan daw ang dalawa. Nagulat ang mga tagapaglingkod dahil hindi nila alam na may relasyon sina Miss Josephine at Delfin. Nagalit din sila kay Miss Josephine dahil kasamahan nila ang asawa ni Delfin. Hindi rin sila makapaniwala na magagawang iwan ni Miss Josephine ang anak na si Isabel upang sumama sa isang lalaki.

“Haliparot! Naturingan pa namang isang maestra,” ang pagkondena na nanggaling mismo sa kanyang ina.

Isang liham ang natagpuan ni Doña Anastasia na iniwan ni Miss Josephine:

Mahal kong Ana,

Ipagpatawad mo ang kapangahasang aking nagawa. Likas na ako ay mahina pagdating sa pag-ibig. Hindi na ako natuto sa mga pagkakamali ko noon. Sumama ako kay Delfin bilang pagsunod sa itinitibok ng aking puso.

Sana hindi kalabisan na ihabilin ko sa inyo si Isabel. Kayo na ang bahala sa kanya. Mas makabubuting mamuhay siya sa piling ng isang pamilya kaysa ang sumama sa isang pariwarang ina.

Josephine

Iyak nang iyak si Isabel sa pagkawala ng ina. Umiyak siya hanggang sa masaid ang kanyang luha. Subalit hindi naglaon, natanggap niya rin iyon. At muli siyang bumalik sa pakikipaglaro kina Alberto at Miguelito. Muli silang naging masaya, higit lalo at pulos laro na lamang ang inatupag nila dahil natigil na ang pag-aaral nila. Wala silang ginawa kundi ang maghabulan sa hardin.

Dahil sa naging paghahabilin ni Miss Josephine, naging bahagi ng pamilya Montemayor si Isabel. Inari siyang parang anak nina Don Miguel at Doña Anastasia.

“I have always wanted a daughter, anyway. At hindi naman na iba sa akin ang batang ‘yan,” ang narinig niyang sabi ni Doña Anastasia.

Katapusan noon ng Mayo nang ipahanda ni Don Miguel ang kotse para sa isang pagbibiyahe. At nagulat si Alberto nang malaman niyang aalis sina Doña Anastasia, Miguelito at Isabel. Narinig niya sa mga tagapaglingkod na kailangan daw kasing mag-aral ng mga bata. Subalit narinig niya rin na nababagot daw si Doña Anastasia sa plantasyon at hinahanap-hanap nito ang nakasanayang buhay sa lungsod.

Bumaba ng bahay sina Miguelito at Isabel, bihis na bihis. Kahit bagong paligo, nagmukha siyang gusgusin nang mapatabi sa mga ito.

“Babay, Alberto.”

“Saan kayo pupunta?”

“Sa Maynila.”

“Babalik pa ba kayo?”

“Hindi ko alam.”

“Magkikita-kita pa ba tayo?”

“Hindi ko rin alam.”

“Sino na ang magiging mga kalaro ko?”

Hindi niya napigil ang umiyak. Umiyak din si Isabel. Niyakap siya ni Miguelito nang napakahigpit.

At nang umandar na ang kotse, humabol pa siya subalit kaagad din siyang naiwan. Parang dinudurog ang kanyang puso habang tinatanaw niya ang paglayo at paglalaho nito.

Nangulimlim ang kanina ay maaliwalas na langit. Umihip ang malamig na hangin. Dumagundong ang kulog at may kidlat na gumuhit. Bumuhos ang malakas na ulan at kaagad na tinigmak ang paligid.

Napasalampak siya sa putik, patuloy sa pag-iyak habang tinatawag ang mga pangalan nina Miguelito at Isabel.



(Itutuloy)

Part 3

Saturday, March 12, 2011

Plantation Resort

“Welcome to Plantation Resort,” ang sabi sa arko.

Tiningala iyon ni Albert hanggang makalagos ang kotseng kinalululanan niya. Napansin niya ang mabulaklak na bogambilyang nakalingkis sa mga poste nito. Gayundin ang kupas nang pintura.

“Mang Carding,” ang sabi niya sa driver ng kotse. “Pakibanggit kay Nanding na kailangan nang pinturahan ang arko.”

Ang arkong iyon ang nagsisilbing palatandaan papasok sa kanyang lupain.

Ang kalsadang binabagtas nila ay nagsimulang humiwa sa gitna ng pataniman ng mais at tubo. Malawak iyon kaya mahaba-haba rin ang kanilang nilakbay bago nila sinapit ang bahagi ng kalsadang nayuyungyongan ng nagpapang-abot na mga dahon at sanga ng mga akasyang nakatanim sa magkabila.

Sa dulo niyon ay naroroon ang gate ng Plantation Resort. Matatanaw sa loob ang lumang plantation house na nasa bulubunduking bahagi ng lugar. Imposing ang bahay na dati ay tahanan ng mga Montemayor na nagmamay-ari ng pataniman.

Isang guwardiya ang nagbukas ng gate at nagbigay-pugay. Nilandas ng kotse ang daan paakyat sa plantation house. Pinagmasdan ni Albert ang malawak na hardin. Naalala niya noong paslit pa siya. Iyon ang palaruan nila nina Miguelito at Isabel.

Parang kailan lang, kasa-kasama siya ng kanyang mga magulang sa paninilbihan sa mga Montemayor. Sino ang mag-aakalang darating ang panahon na mapapasakanya ang lugar na iyon?

Humimpil ang kotse sa tapat ng bahay. Bumaba si Albert at inakyat ang hagdan patungo sa balkonahe. Tuluy-tuloy siyang pumasok sa salas na ngayon ay nagsisilbi nang reception ng resort. May mga guests na nagtse-check-in sa front desk at may mga nakaupo sa couches habang sumisimsim ng welcome drinks.

“Albert!” ang salubong sa kanya ng isang charming at eleganteng babae na nasa late forties. Si Aurora, ang manager ng resort. “You’re early.”

“Alam mo naman si Mang Carding, mabilis magmaneho,” ang kanyang sagot.

Nagbeso sila. Ganoon sila ka-close. Hindi boss-employee ang turingan nila dahil may pinagsamahan na sila noon pa.

“Kumusta kayo rito?” ang tanong niya.

“We’re fully booked,” ang sagot ni Aurora. “Kailangang i-commend ang Manila office natin. They’re doing a good job in selling the resort.”

“I’m happy to hear that.”

“Halika, magmeryenda ka muna.” Kumapit sa braso niya si Aurora at giniyahan siya patungo sa dining room na converted na ngayon bilang isa sa mga restaurant ng resort.

Pagtapat nila sa front desk, saglit siyang napatigil at napatingin sa isa sa mga staff na naroroon. Si Francis na ang angking kakisigan ay namumukod-tangi sa kanyang mga kasamahan. Napatingin din ito sa kanya at ngumiti. Tumango si Albert bilang tugon at muli silang nagpatuloy sa paglalakad ni Aurora.

“How is he doing?” ang tanong niya kay Aurora.

“He’s enjoying it here. I am thankful that he has chosen to be with his mother.”

Anak ni Aurora si Francis. Nang alukin siya ni Albert na i-manage ang resort, hiniling niya ang employment nito para makasama niya sa relokasyon. Pumayag si Albert dahil may kuwalipikasyon naman si Francis bilang Tourism graduate. Bukod sa minsan ay naging espesyal din ito sa kanya.

Pag-upo nila sa restaurant, kaagad na nagsilbi ang waiter.

“Ipinahanda ko na ang paborito mong meryenda,” ang sabi ni Aurora.

“Thanks.”

“Ipinahanda ko na rin ang kuwarto mo sa itaas. Nag-reserve din ako ng riverside cottage just in case gusto mong lumipat.”

Ngumiti si Albert. “What will I do without you, Aurora? Mabuti na lang nagbago ang isip mo about retiring early at pinagbigyan mo ako.”

Ngumiti rin si Aurora. “My life in Manila was so stressful. Dito, nag-slow down ako. Para na rin akong nag-retire and yet I am still useful. Buti na lang tinanggap ko ang alok mo. I love it here.”

Nagsimula silang kumain.

“How long will you be staying?” ang tanong ni Aurora.

“Hindi ko alam. Kailangan kong magpahinga… to sort something out.” Saglit na nag-wander ang atensiyon ni Albert, distracted ng kung anumang sumagi sa kanyang isip.

Mataman siyang pinagmasdan ni Aurora, tila binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.

“May problema ba?” ang tanong nito sa kanya.

Bumuntonghininga muna si Albert bago sumagot. “Ayokong magsinungaling sa’yo, Aurora, kaya sasabihin kong mayroon.”

“Business?”

“Personal.”

Muli siyang pinagmasdan ni Aurora. “Is it about… Mico?”

Marahang tumango si Albert. “From the very start, I knew it was wrong.”

“Pero siya lang ang nakita kong nakapagpasaya sa’yo mula nang mawala si Ramon.”

“I know I shouldn’t be acting this way. For God’s sake, I am already 38 and I should be decisive.”

“You are decisive,” ang giit ni Aurora.

“Not when it comes to love,” ang sagot niya.

“Akala ko, nakapagdesisyon ka na tungkol sa kanya. Na kahit malayo ang agwat ng edad n’yo, mamahalin mo siya. Bagay na pinapaboran ko dahil nakikita kong mahal ka rin niya at natitiyak kong hindi pera ang habol niya sa’yo dahil maykaya ang pamilya niya.”

“Pero may nangyaring hindi inaasahan. May natuklasan ako tungkol sa kanya at iyon ang nagpapagulo sa isip ko ngayon. Suddenly, unsure na ako sa relasyon namin. Hindi ko alam kung dapat pa ba kaming magpatuloy.”

Bumuntonghininga si Aurora, puno ng simpatiya. “It’s none of my business kaya hindi na ako magtatanong kung ano ang problema ninyo. Hahayaan muna kitang makapag-isip-isip at ayusin ang bagay na ‘yan on your own. But if you need somebody to talk to, nandito lang ako.”

Sa kabila ng pagkagulumihan, pilit na ngumiti si Albert. “Salamat, Aurora.”

Ngumiti rin si Aurora at tinapik-tapik ang kamay niya.

At nang matapos ang kanilang pagmemeryenda, tumayo na sila at lumabas ng restaurant.

“Magpapahinga ka na ba?” ang tanong ni Aurora.

“Hindi. Maglalakad-lakad muna ako,” ang sagot ni Albert.

“Alright. Ipapaakyat ko na lang ang mga bagahe mo sa kuwarto. I’ll see you later, Albert.”

“Okay. Thanks again.”

Tinanaw niya ang paglayo ni Aurora at natiyak niya, the resort is doing her good dahil sa masigla at masaya nitong kilos. Sana ganoon din ang maging epekto sa kanya ng pagtigil niya roon.

Sa pagdaan niya sa tapat ng front desk ay muli silang nagkatinginan ni Francis. Nginitian siya nito. Bahagya siyang tumugon subalit hindi huminto, patuloy ang mga hakbang palabas ng plantation house.

It was a glorious day. Asul na asul ang kalangitan at kahit mainit ang sikat ng pang-alas diyes na araw, mapresko ang ihip ng hangin at malilim ang mga lakaran dahil sa mayayabong na mga puno at halaman na nagkalat sa paligid.

Malaki na ang ipinagbago ng plantasyon mula nang ito ay maging pag-aari niya. Ideya niya na i-convert iyon. Hindi mapapasubalian ang kariktan ng lugar. Tahimik at hitik sa likas-yaman. Malapit sa paanan ng bundok at dinadaluyan ng malinis na ilog. Sayang naman kung mananatili na lamang itong pataniman at hindi malulubos ang potensyal. Naging malaking karagdagang kita sa ani ng lupain ang pagiging isang tourist destination nito.

Malaki ang kapasidad ng resort na tumanggap ng maraming guests dahil sa mga cottages na ipinatayo niya at in-incorporate sa landscape. At kahit maging fully-booked pa sila, sa sobrang lawak ng property ay hinding-hindi ito magiging masikip. Magkakaroon pa rin ng sapat na katahimikan at privacy ang mga manunuluyan doon.

Dama ni Albert ang koneksiyon niya sa lugar na iyon kahit na may kaakibat iyong magkahalong saya at lungkot. Dito siya nagkaisip at lumaki, unang umibig at nasaktan. Masakit ang mga alaala kung bakit kailangan niyang iwan noon ang plantasyon. At kahit itinadhana ang muli niyang pagbabalik, hindi nabubura iyon. Lalo na ngayon dahil isang bahagi ng kanyang nakaraan ang nagtulak sa kanya upang dito ay magkanlong.

Isang cottage na nakasuksok sa halamanan ang nadaanan ni Albert. Isang pamilya ang umuokupa niyon. Nasa porch ang Tatay at Nanay na nakapahingalay sa lounging chairs habang ang tatlong maliliit na anak – dalawang lalaki at isang babae – ay naglalaro ng habulan sa hardin. Matitinis ang mga tili at tawa, lipos ng kasiyahang walang malay.

Pamilyar sa kanya ang eksenang iyon at habang pinapanood niya ang mga bata, nakadama siya ng masidhing kirot sa kanyang puso.

Hindi niya napigil ang muling pananariwa ng mga alaala.

Mahigit tatlumpong taon na ang nakakaraan nang magsimula ang lahat, dito rin sa lugar na ito na kung tawagin ngayon ay Plantation Resort.



(Itutuloy)

Part 2

Thursday, March 3, 2011

Bagong Serye



Abangan. Malapit na.

Friday, February 25, 2011

Happy Ending

Muli akong nagsindi ng sigarilyo, kumapit sa barandilya ng rooftop at tumanaw sa ibaba. Wala nang pila, naubos na rin ang mga gustong makapasok sa Bed.

I needed a drink. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa hawak-hawak kong beer kanina. Siguro hindi ko lang namalayan na panay ang inom ko at naubos ko na habang nag-uusap kami ni Johann.

Sandali akong nagtungo sa bar at kumuha ng Strong Ice. Subalit pagbalik ko, may umuokupa na ng aking puwesto.

Nakakapit siya sa barandilya, nakadungaw sa ibaba. Malalim ang kanyang iniisip at oblivious sa paligid.

I stayed nearby at pinagmasdan ko siya. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha, na-sense ko na parang malungkot siya.

I ditched my cigarette and drank my beer, hindi lumalayo ang tingin ko sa kanya.

Maya-maya, nakita kong yumupyop siya sa kanyang mga palad. Matagal. Halos hindi tumitinag.

Hindi ako nakatiis. Nilapitan ko siya.

“Are you alright?”

Nag-angat siya ng mukha at bumaling sa akin ng tingin. Saka ko nakumpirmang malungkot nga siya dahil nakita ko iyon sa kanyang mga mata.

“Yeah. I mean… no.” He raked his fingers through his hair.

I just stood there with a questioning stare.

He fished a cigarette from his pocket. “Do you have a light?”

I held out my lighter for him.

“Thanks,” ang sabi niya.

Nagsindi rin ako ng panibagong sigarilyo.

Hindi ko napigilang mag-pursue. “May problema ba?”

Hinarap niya ako. “I broke off with my boyfriend. Just now.”

Napatitig ako sa kanya. What a coincidence.

“May iba na siya at ayaw niya na sa akin,” ang dugtong pa niya.

Ano ito, mirroring? Napalagok ako ng beer.

“I need a drink,” ang sabi niya. “Sandali, kukuha lang ako sa bar.”

Tinanaw ko siya habang papalayo. Bagsak ang kanyang balikat at mabibigat ang hakbang. May nadama akong simpatiya para sa kanya.

Bumalik din siya kaagad na may dalang Tanduay Ice. Muli niya akong tinabihan sa pagkakatayo sa may barandilya.

“Ako nga pala si Myro,” ang pakilala niya.

“Aris,” ang pakilala ko rin.

Nagpalitan kami ng ngiti at nakita ko sa kanyang mga labi ang pait na nadarama ko rin.

“If it will make you feel any better, alam mo ba na kaka-break ko lang din ngayon sa aking boyfriend?” ang sabi ko.

Napatitig siya sa akin, unbelievingly.

“It’s funny,” ang dugtong ko pa. “Pero pareho tayo ng sitwasyon.”

“Ang sakit ‘no?”

“Yeah,” ang sang-ayon ko.

“Pero hindi ka mukhang malungkot,” ang sabi niya.

“Hindi ba?”

“Yeah. Unlike me. Ang sama-sama ng loob ko. And I know it shows.”

“You should have seen me the first time somebody broke my heart. I was worse than you.”

“This is my first,” ang amin niya.

I surveyed him. He looked very young. He really must be new in the game, yung tipong sumusubok pa lang. Napansin ko rin that he was quite attractive. Not drop dead gorgeous but personable. Matangkad din siya at maayos ang pangangatawan.

“Ganoon lang ba talaga kadali ‘yun?” ang tanong niya.

“Ang alin?”

“Ang i-give up ako dahil may nahanap na siyang iba?”

“Seems like. Pero depende ‘yun kung totoong mahal ka niya.”

“Sabi niya sa akin, mahal niya ako. Kaya nga, minahal ko rin siya. Pero sa konting di- pagkakaunawaan, bumitiw siya. And before I knew it, mayroon na siyang iba.”

Mirroring ito talaga.

“Alam mo kung ano ang masakit?” ang patuloy niya. “Mahal ko pa rin siya at hindi ko matanggap na wala na siya. Parang gusto ko nang… mamatay.”

“Ano? No, don’t say that. Huwag kang masyadong magpadala sa emosyon mo. He dumped you because he found somebody else. That makes him a worthless son-of-a-bitch. Why would you want to die for somebody like him?”

“I feel worthless myself dahil iniwan niya ako.”

“Pero hindi diyan nagtatapos ang mundo. Nagsisimula ka pa lang. Maraming stumbling blocks bago mo mahanap ang magmamahal sa’yo. Dapat matuto kang bumangon sa iyong pagkakadapa.”

“I feel so sad… depressed. Na parang ayoko nang magpatuloy.”

“Nasasabi mo lang yan dahil bago sa’yo ang ganitong karanasan at nasasaktan ka. Ganyan din ako noon. Pero kapag naaalala ko ang panahong iyon, natatawa na lang ako. A few years from now, matatawa ka na rin lang kapag naalala mo ito.”

“How should I manage this lousy feeling then?”

Nagkasabay kaming magtapon ng sigarilyo at lumagok ng drink na para bang gusto muna naming i-clear ang hangin at lalamunan namin.

“Una sa lahat,” ang sabi ko, “tanggapin mo muna ang nangyari sa inyo ng boyfriend mo. Para magkaroon ka ng enlightenment, kailangan magkaroon ka muna ng acceptance.”

Nakikinig siya. Bakas sa kanyang mukha na iniintindi niya ang sinasabi ko kahit nakikita kong may agam-agam siya.

“Pangalawa,” ang patuloy ko, “mahalin mo ang sarili mo. Isa-isahin mo ang mga espesyal na katangian mo. Kailangan i-affirm mo sa sarili mo na isa kang mabuti at kaibig-ibig na tao.”

“Right now, wala akong makitang espesyal sa sarili ko. I’ve just been dumped. That makes me feel unwanted… ugly...”

“Kung hindi mo makita ngayon, hanapin mo. Dahil iyon ang magbibigay sa’yo ng kumpiyansa na karapat-dapat kang mahalin ng ibang tao. Iyon din ang katangiang kailangang makita ng magmamahal sa’yo.”

Kumurap-kurap siya subalit hindi nagsalita.

“Pangatlo, believe in your own destiny. Na may taong nakatakda para sa’yo. Misteryoso ang pag-ibig, maaaring dumating nang hindi inaasahan. Kailangang maniwala ka lang at maging ready.”

Patuloy siya sa pakikinig.

“At ang panghuli, huwag kang matakot na sumubok muli. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na magmahal at mahalin kahit na paulit-ulit ka pang masaktan. Huwag kang madadala. Huwag kang susuko. Sabi nga, success – or happiness, for that matter – comes only to those who are persistent and unafraid.”

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga pinagsasabi kong iyon. Sa subconscious ko siguro -- mga bagay na gusto kong sabihin sa sarili ko -- dahil ang pakikipag-usap ko kay Myro ay parang self-counseling na rin. Heartbroken din ako, remember?

Sabay naming sinaid ang laman ng aming mga bote. At nang muli siyang tumingin sa akin, may nakita akong ngiti sa kanyang mga labi. Nakita ko rin na tila umaliwalas ang kanyang mukha. Maybe I made sense. O baka naman dahil lang iyon sa tama ng Tanduay Ice.

“Salamat.” He hugged me.

I hugged him back.

“Sige, mauuna na ako,” ang paalam niya nang magbitiw kami. “Sisimulan ko nang ibangon ang sarili ko.”

May nadama akong gaan ng kalooban habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo.

***

Kasagsagan na ng kasiyahan pagbaba ko. Sisksikan sa dancefloor ang mga nagsasayaw – maiingay, magagaslaw – sa musikang dama ko ang vibration hindi lang sa dingding kundi maging sa dibdib ko. The place suddenly felt like the old Bed. Mabuti naman at nakikinig sa feedback ang management. Binawasan na ang ilaw, dinagdagan na ang aircon at ibinalik na ang ledge/stage.

I started looking for my friends. Hindi ko sila makita sa kapal ng crowd. Tumayo na lang ako sa isang sulok at nakipag-exchange ng tingin at ngiti sa iba pang mga nakatayo roon.

Dumako ang tingin ko sa ledge. Daming cuties na nakasampa roon, half-naked. I ogled at their beautiful bodies, envying them because my waistline is no longer a size 31.

I was enjoying the display of sculpted chests and abs nang matigilan ako. Nag-double-take pa ako dahil noong una, hindi ako sigurado. Gyrating to the music in wild abandon was Myro.

Si Myro na kanina lamang ay lumung-lumo, mababa ang tingin sa sarili dahil iniwan ng boyfriend. Si Myro na sumalamin sa kabiguan ko at pinangaralan ko kung ano ang dapat gawin upang makabangon sa pagkakalugmok.

He was shirtless (ang ganda pala ng katawan niya!) shining up there the brightest. He must have found himself sooner than I expected dahil nakangiti siya, enjoying the attention – and affection – of the other dancers. I saw him being approached by the hunkiest of all, touching him, saying something in his ear, making him giggle.

Maya-maya pa, naghahalikan na sila.

Hindi ko naiwasang mapangiti. Pinanood ko siya, sila ng kapartner niya. Nakadama ako ng tuwa at excitement para sa kanya.

I forgot about my own misery dahil ang tagumpay niya sa kabiguan ay parang naging tagumpay ko na rin.