Pitong taong gulang siya noon nang una niyang masilayan si Miguelito. Nagtatapos noon ang Marso nang dumating ito sa plantasyon kasama ni Doña Anastasia.
Mangha siya sa itsura nito na naiiba sa mga batang kanyang nakakasalamuha. Mestiso, maputi ang balat at ginintuan ang buhok. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa.
“Mula ngayon, dito na maninirahan ang aking mag-ina,” ang anunsiyo ni Don Miguel Montemayor sa mga tagapaglingkod na sumalubong sa kanila. “Paglingkuran n’yo sila na katulad ng paglilingkod n’yo sa akin.”
Nagbigay-galang ang mga tagapaglingkod na kinabibilangan ng kanyang ina. Nakasilip siya mula sa likuran nito.
Namataan siya ni Miguelito at nginitian. Subalit sa halip na ngumiti rin, siya ay nagkubli.
Nang sumunod na araw, hindi siya nakaiwas nang lapitan siya nito.
“Ano’ng pangalan mo?” ang tanong.
Nahihiya man, nagawa niyang tumugon. “Alberto.”
“Ako si Miguelito. Halika, laro tayo,” ang yaya nito.
Nanaig ang kagustuhan niyang makipagkaibigan kaya sumama siya rito.
Nagtungo sila sa hardin at doon ay naglaro sila ng habulan. Ang saya-saya nila.
Mula noon, lagi na silang magkalaro at nagkaroon ng bagong sigla ang pagsama-sama niya sa kanyang ina sa malaking bahay.
Pagkalipas ng dalawang linggo, muli ay may dumating sa plantasyon. Si Miss Josephine, kasama ang isang batang babae na nagngangalang Isabel. Kasinggulang nila ito ni Miguelito.
Kaibigan ni Doña Anastasia si Miss Josephine. Anak niya si Isabel at nanggaling sila sa Maynila. Isa siyang maestra at pinapunta siya roon ni Doña Anastasia upang maging tagapagturo ni Miguelito. At dahil lagi silang magkasama ni Miguelito, pati siya ay naging estudyante nito. Gayundin si Isabel na kaagad din nilang nakasundo. Sa araw-araw, bukod sa paglalaro, ay naging bahagi na ng mga aktibidad nila ang pag-aaral.
Sa kanilang tatlo, si Alberto ang pinakamatalino kung kaya tuwang-tuwa sa kanya si Miss Josephine. Pumapangalawa si Isabel. Hindi naman mahina ang ulo ni Miguelito, medyo mabagal lang ito.
Sa hapon, pagkatapos ng kanilang pag-aaral, diretso sila sa paglalaro sa hardin na kung saan palaging abala ang hardinerong si Delfin. Mabait sa kanila si Delfin. Palagi sila nitong ipinangunguha ng mangga at bayabas. At kahit sunog ang balat sa araw, hindi mapasusubalian ang kakisigan nito. Lagi itong hubad-baro kapag nagtatrabaho at litaw ang katawang matipuno.
Ang napansin niya kay Delfin, kapag nasa hardin na sila at naglalaro, panay ang sulyap nito sa ikalawang palapag ng malaking bahay na para bang may hinahanap at hinihintay. At minsang sinundan niya ang tingin nito, nakita niyang nakadungaw sa bintana si Miss Josephine at nakatingin din kay Delfin. Kitang-kita niya na nagpalitan ng tipid na ngiti ang dalawa.
At dahil bata pa, wala siyang naging malisya. Subalit isang hapong malapit nang dumilim, nagyaya si Miguelito na magtungo sa bayabasan. Hinahanap sana nila si Delfin upang magpapitas ng prutas subalit wala ito sa hardin. Ayaw sumama ni Isabel dahil natatakot itong sumuot sa kakahuyan kung kaya sila na lamang ni Miguelito ang lumakad.
Dahil pamilyar siya sa lugar, si Alberto ang naging giya. Nagmamadali sila dahil ayaw nilang abutan ng dilim. Malapit na sila sa bayabasan nang matanaw nila sa di-kalayuan ang isang kamalig. Umiral ang kanilang kuryusidad nang makita nila ang isang babae na pumasok doon. Dali-dali nilang tinungo ang kamalig at sumilip sa mga siwang sa dingding.
At sila ay nagulat. Dahil nakita nila sa loob ng kamalig si Miss Josephine. At si Delfin.
Magkayakap at naghahalikan.
Napasinghap sila nang maghubad ang dalawa.
Binuhat ni Delfin si Miss Josephine at isinampa sa mga sako ng mais.
Ipinagpatuloy nito ang paghalik. Sa labi… sa leeg… sa dibdib ni Miss Josephine. Napapaliyad si Miss Josephine habang nakakapit nang mahigpit kay Delfin.
Maya-maya pa, ibinuka ni Delfin ang mga hita ni Miss Josephine at nagsimulang magdumiin sa pagitan niyon. Sa bawat kadyot ni Delfin ay impit na napapasigaw si Miss Josephine.
Hanggang sa bumilis nang bumilis ang urong-sulong ng balakang ni Delfin na sinasalubong naman ni Miss Josephine at ang impit na mga sigaw ay naging mga ungol.
Nakamulagat sina Alberto at Miguelito sa panonood. Dinig nila ang bilis ng tibok ng kanilang mga puso.
At nang higit na maging marahas ang galaw ng katawan ni Delfin at mag-ingay si Miss Josephine na parang sinasaktan, natakot ang dalawang bata at mabilis na nagtatakbo palayo.
Hingal na hingal sila nang makarating sa malaking bahay. Hindi nila maunawaan kung ano ang kanilang nasaksihan. Nag-alala sila sa maaaring mangyari kay Miss Josephine dahil sa ginagawa ni Delfin. Gulung-gulo man ang kanilang isip, sinarili nila ang nakita sa kamalig. Hindi nila iyon binanggit kahit kanino, lalo na kay Isabel.
Kinabukasan, wala silang nakitang anumang bakas ng nakahihindik na karanasan kay Miss Josephine. Normal pa rin itong humarap sa kanila at tila higit pang naging masayahin. Nakahinga sila nang maluwag. Subalit nang makita nila si Delfin sa hardin, may takot na silang nadama rito kaya mula noon, iniwasan na nila ito.
Tahimik na lumipas ang mga araw. Aral-laro pa rin ang naging takbo ng kanilang buhay. Naging mas malapit sila sa bawat isa at nagsimula silang gumala palayo sa malaking bahay upang tuklasin ang iba pang bahagi ng plantasyon. At kung may pinakaiiwasan man sina Alberto at Miguelito na puntahan, iyon ay ang kamalig. Ayaw na nilang muli ay may masaksihan doon lalo na at palagi nilang kasama si Isabel. Ayaw nila itong magimbal sakaling makita ang ginagawa ni Delfin kay Miss Josephine.
Kasagsagan noon ng tag-init nang sabay na mawala sa plantasyon sina Miss Josephine at Delfin. Narinig niya sa usapan ng mga tagapaglingkod na nagtanan daw ang dalawa. Nagulat ang mga tagapaglingkod dahil hindi nila alam na may relasyon sina Miss Josephine at Delfin. Nagalit din sila kay Miss Josephine dahil kasamahan nila ang asawa ni Delfin. Hindi rin sila makapaniwala na magagawang iwan ni Miss Josephine ang anak na si Isabel upang sumama sa isang lalaki.
“Haliparot! Naturingan pa namang isang maestra,” ang pagkondena na nanggaling mismo sa kanyang ina.
Isang liham ang natagpuan ni Doña Anastasia na iniwan ni Miss Josephine:
Mahal kong Ana,
Ipagpatawad mo ang kapangahasang aking nagawa. Likas na ako ay mahina pagdating sa pag-ibig. Hindi na ako natuto sa mga pagkakamali ko noon. Sumama ako kay Delfin bilang pagsunod sa itinitibok ng aking puso.
Sana hindi kalabisan na ihabilin ko sa inyo si Isabel. Kayo na ang bahala sa kanya. Mas makabubuting mamuhay siya sa piling ng isang pamilya kaysa ang sumama sa isang pariwarang ina.
Josephine
Iyak nang iyak si Isabel sa pagkawala ng ina. Umiyak siya hanggang sa masaid ang kanyang luha. Subalit hindi naglaon, natanggap niya rin iyon. At muli siyang bumalik sa pakikipaglaro kina Alberto at Miguelito. Muli silang naging masaya, higit lalo at pulos laro na lamang ang inatupag nila dahil natigil na ang pag-aaral nila. Wala silang ginawa kundi ang maghabulan sa hardin.
Dahil sa naging paghahabilin ni Miss Josephine, naging bahagi ng pamilya Montemayor si Isabel. Inari siyang parang anak nina Don Miguel at Doña Anastasia.
“I have always wanted a daughter, anyway. At hindi naman na iba sa akin ang batang ‘yan,” ang narinig niyang sabi ni Doña Anastasia.
Katapusan noon ng Mayo nang ipahanda ni Don Miguel ang kotse para sa isang pagbibiyahe. At nagulat si Alberto nang malaman niyang aalis sina Doña Anastasia, Miguelito at Isabel. Narinig niya sa mga tagapaglingkod na kailangan daw kasing mag-aral ng mga bata. Subalit narinig niya rin na nababagot daw si Doña Anastasia sa plantasyon at hinahanap-hanap nito ang nakasanayang buhay sa lungsod.
Bumaba ng bahay sina Miguelito at Isabel, bihis na bihis. Kahit bagong paligo, nagmukha siyang gusgusin nang mapatabi sa mga ito.
“Babay, Alberto.”
“Saan kayo pupunta?”
“Sa Maynila.”
“Babalik pa ba kayo?”
“Hindi ko alam.”
“Magkikita-kita pa ba tayo?”
“Hindi ko rin alam.”
“Sino na ang magiging mga kalaro ko?”
Hindi niya napigil ang umiyak. Umiyak din si Isabel. Niyakap siya ni Miguelito nang napakahigpit.
At nang umandar na ang kotse, humabol pa siya subalit kaagad din siyang naiwan. Parang dinudurog ang kanyang puso habang tinatanaw niya ang paglayo at paglalaho nito.
Nangulimlim ang kanina ay maaliwalas na langit. Umihip ang malamig na hangin. Dumagundong ang kulog at may kidlat na gumuhit. Bumuhos ang malakas na ulan at kaagad na tinigmak ang paligid.
Napasalampak siya sa putik, patuloy sa pag-iyak habang tinatawag ang mga pangalan nina Miguelito at Isabel.
(Itutuloy)
Part 3
19 comments:
Yahoo!!! I got to comment first.. Sobrang lalim grabe di ko marurok ang katangiang taglay ng bawat tauhan..
@arnel: pasensya na, may konting pinagdaanan kaya hindi ko kaagad nadugtungan. but i'm fine now at heto na ang chapter 2. i hope you enjoyed it. :)
It's becoming more interesting!
@mr. g: sana mas magusutuhan mo pa ang pagpapatuloy ng istorya. thanks, mr. g. :)
Yay! I'm loving this na :D
@iamsuperbash: thanks. more exciting things to come. sana huwag kang bibitiw. :)
Kahit Rollercoaster ride pa yan, di ako bibitaw. HAHAHA.
Ang shunga ng comment ko, Kung Rollercoaster ride to, madidisgrasya ako kung bibitaw ako. HAHAHA.
@iamsuperbash: hindi naman. hehe! may seatbelt naman eh. :)
Nice Intro :D Xcited for the next chapter, glad your back :D
nai-imagine ko yung lugar at pati mga costumes na suot nila. pati yung "soundtrack" akmang akma haha! thanks aris.
@anonymous: thanks. salamat sa pagsubaybay. :)
@sean: i am glad na nakita mo ang period feel at nagustuhan ang music. salamat, sean, sa patuloy na pagtangkilik. :)
great job sir aris...i can't wait for the next one...hihi...
@pipay: thanks a lot, my dear. :)
sana mailabas na yung kasunod na kabanata...
@stephenseigfreid: hello. welcome to my blog. ginagawa ko na ang kasunod. abangan. :)
asan an ang kasunod? promise, inaabangan ko. everyday, ino open ko ang blog na to, in order to see if there is a part III already.
sige na please, part III na please.
jan
@anonymous: hello jan. sorry for the delay. medyo may inaayos pa kasi ako. i will post it as soon as ok na. glad to know na sinusubaybayan mo ang series na ito. :)
nahirapan ako sa tinigmak :).
Post a Comment