Hindi ko sinasadyang masagi ang matigas mong bahagi. Agad
akong bumawi subalit pinigilan mo ang aking kamay. Nakapapaso man ang init, nagpaubaya ako sa iyong pinagdalhan. Ipinadama, ipinahimas, unti-unti mong tinupok
ang aking lakas. At hindi nagtagal, pareho na tayong nahihibang sa lagnat.
Thursday, July 23, 2015
Friday, July 17, 2015
Monday, July 6, 2015
Seven
Ngayon ang ika-pitong anibersaryo ng aking blog.
How time flies. Parang kailan lang nang ako ay nagpakilala sa inyo. Parang kailan lang nang ang mga makukulay kong karanasan ay sinimulan kong ibahagi sa inyo.
Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nabago. Siyempre, nagkaedad na tayo at nabago na ang takbo ng mga kuwento. Pero nananatili pa rin ang pagiging makulay ng mga ito.
Sa pagdiriwang ng aking anibersaryo, balikan natin ang bahagi ng isa sa mga pinaka-memorable kong kuwento na inilathala ko noong Hulyo 2008...
***
Dumiretso ako sa lugar na kung saan iniwanan ko si M. Wala siya doon. Iginala ko ang aking mga mata. Sa dami ng tao, hinanap ko siya.
Di ko makita.
Sinuyod ko ng tingin ang dancefloor.
Inisa-isa ko ang mga nagsasayaw sa ledge.
At doon sa bandang likuran na kung saan medyo madilim ang ilaw, naaninag ko ang makisig niyang hugis.
Excited akong umakyat sa ledge para lapitan siya. Pero bigla akong napahinto.
Si M. My sweet, beautiful M.
Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang iba. At hindi lang sila basta nagsasayaw o nag-uusap.
Naghahalikan sila.
Nanlumo ako. Parang biglang hinipan ang kanina’y nagsinding pag-asa at pangarap sa puso ko.
May naramdaman akong masakit.
Matagal ko silang pinagmasdan. Matagal kong sinaksihan ang mapait na katotohanan.
Nagpalit ang tugtog. Para akong biglang natauhan. Nagsimula akong umindak. Iginalaw ko ang aking katawan, sabay sa maharot na tugtog. Sumayaw ako palayo sa kinaroroonan ni M.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit kong binubura sa aking isipan ang imahe ni M na nakikipaghalikan sa iba.
Matagal akong nagsayaw na nakapikit. Pilit kong pinapayapa ang aking damdamin. Pilit kong itinatakwil ang sakit.
Maya-maya naramdaman ko, may humawak sa kamay ko. It was a familiar touch.
Dumilat ako.
Si N.
Subscribe to:
Posts (Atom)