Friday, December 24, 2010

Pasko

Sa inyo mga kaibigan ko,

Sana ang paskong ito ay maging puno ng pag-asa at inspirasyon upang kamtin natin ang bawat mithiin ng ating puso. Sana ang bagong taon ay maging simula ng higit na mabiyaya, makahulugan at maligayang yugto ng ating buhay.

Nagmamahal,
Aris

Sunday, December 19, 2010

Notes On Bed



Abot na sa kanto ng Nakpil-Orosa ang pila nang magkayayaan na kaming pumasok bandang 1:30 am. Medyo slow ang usad kaya by the time na makarating kami sa pinto, nawala na ang tama ng ininom namin sa Silya.

Five hundred ang entrance fee with 2 drinks (local beer or juice). At hindi ka na lang basta tatatakan pagpasok mo. May ikakabit pa silang paper bracelet sa wrist mo. May separate entrance na ang mga VIPs.

Ang lawak ng floor area. Sinakop na nila ang dating Mafia (na dating Rainbow Project na dating NYC) bukod sa 3 floors na sila. Although yung pangatlong floor, maliit lang na bahagi ng rooftop. Doon lang pwedeng mag-smoke.

Ang liwanag ng lighting. Kita ang mukha ng lahat kaya naman wala nang excuse upang hindi mambati ng mga kakilala. Madali na ring magkahanapan kapag nagkahiwa-hiwalay kayo ng iyong mga kasama.

Ang laki na ng DJ’s booth. Ang laki na rin ng dancefloor pero wala nang ledge. Although may dalawang hugis bilog na platform na kung saan nakasampa ang mga go-go boys.

Ang sound system? Dumadagundong! Super pa rin ang music. May fog machine na nakakagulat ang tunog kapag nagbubuga ng usok (lalo na kapag nakadungaw ka mula sa second floor na kung saan ito naka-install). At ang usok, sa sobrang kapal, nahirapan akong huminga.

Directly above the DJ’s booth (ka-level ng second floor) ay may napakalaking glass window (parang aquarium) and guess what kung ano ang naroroon? A mock bathroom na kung saan may tatlong hunks na naka-trunks ang nagsa-shower! As in, naliligo with real water. Nakakamangha silang panoorin. Nakakabuhay ng damdamin. Subalit sandali lang iyon (mga 30 minutes to 1 hour siguro) at pagkatapos ay tinabingan na ang window ng screen na kung saan naka-project ang video.

Grabe, ang init sa loob! Medyo kapos ang airconditioning system. Pawis na pawis ako kaya I had to look for spots na kung saan bumubuga ang aircon. I discovered na malamig ang mga lugar na kung saan naroroon ang mga couches.

Ang liit na ng restroom sa second floor (1 cubicle, 2 urinals). Wala na ang aquarium divider. At ang naging kapalit ay mirror sa harap ng urinals na konting dukwang mo lang, masisilipan mo na ang umiihi. Kaya siguro pila-pila sa cubicle.

As expected, ang daming cuties! Fresh and new faces. Hindi na nga lang ganoon ka-condusive kumarir dahil sa lighting. Although pwede pa rin naman kung gugustuhin.

I like the new Bed but I prefer the old one.

And frankly, I do not like the new logo. Thai massage ang naiisip ko.

Friday, December 17, 2010

Dove 8

Nag-offer siya na ihatid ako pauwi. Ayoko sana dahil nahihiya akong makita niya ang kalagayan ko sa boarding house. Pero mapilit siya.

Ang boarding house ko ay isang luma at malaking bahay na kinuwarto-kuwarto. Maayos naman ito. Siksikan nga lang kaming mga boarders na halos lahat estudyante dahil malapit sa U-Belt ang lokasyon nito at mura ang upa.

Ewan ko naman kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataong hindi ko naman nadadatnan ang kasera ko sa aking pag-uwi, ngayon niya naisipang maggantsilyo sa salas kung kailan may kasama ako.

“Magandang gabi, Aling Vangie,” ang bati ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin at kay Gilbert, naka-arko ang mga kilay. Classic na ang ekspresyong iyon sa kanyang mukha dahil sa likas na pagkasuplada niya.

“Si Gilbert nga po pala. Kaibigan ko,” ang sabi ko pa.

“Uhum,” ang naging tugon ni Aling Vangie at muling nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

“Saan ang kuwarto mo?” ang tanong ni Gilbert sa akin.

“Sa itaas.”

“Maaari ko bang makita?”

Nag-angat ng paningin si Aling Vangie. “Bawal ang bisita sa kuwarto ng mga bedspacers,” ang sabi, higit na mataas ang mga kilay at masungit ang mga mata.

Napatingin ako kay Gilbert, apologetic.

“Anim sila sa kuwarto. Baka may mawala at may magreklamo,” ang dugtong pa ni Aling Vangie na puno ng kataklesahan. Ano’ng palagay niya kay Gilbert, magnanakaw?

Pero hindi na-intimidate si Gilbert. “Kung solo ba ang nirerentahang kuwarto, pwede ang bisita?” ang tanong niya kay Bella Flores.

“Oo. Pero bawal makitulog,” ang sagot.

“May solong kuwarto ba kayo na bakante?”

“Meron. Pero mas mataas ang upa.”

“Magkano?”

“Two five.”

Kaagad na dumukot ng wallet si Gilbert, mabilisang nagbilang ng pera at inabot kay Aling Vangie.

Napanganga si Aling Vangie, nanlaki ang mga mata.

“Heto ang kabayaran sa apat na buwan. Lilipat ngayon din sa solong kuwarto si Anton.”

Halos dakmain ni Aling Vangie ang pera sabay sa pagkakaroon ng maluwag na ngiti sa kanyang mukha. “Sure. Sure,” ang sabi. “Walang problema.”

Bumaling sa akin si Gilbert. “Hakutin mo na ang mga gamit mo.”

Sa bilis ng mga pangyayari, hindi na ako nakakibo. Napasunod na lamang ako, mangha sa mga bagay na maaari niyang gawin para sa akin.

***

At nagsimula ang bagong kabanata ng aking buhay.

Tinalikuran ko na ang pagko-kolboy. Nag-concentrate ako sa aking pag-aaral. At dahil solo ko na ang kuwarto ko at may mga libro na ako, lahat ng libreng oras ko ay ginugol ko sa pagbabasa at pagkabisa ng mga leksiyon ko. Nagbunga iyon ng matataas na marka na ikinatuwa ni Gilbert.

Patuloy pa rin kaming nagkikita ni Gilbert. Naroong sorpresa niya akong sinusundo sa school o pinupuntahan sa boarding house. Madalas lumalabas kami kapag weekend – dinner, bar, pasyal – at doon ako natutulog sa condo niya. Maiinit pa rin ang mga gabing pinagsasaluhan namin.

Subalit hindi defined kung anong relasyon meron kami. Hindi naman kasi namin pinag-uusapan. May isang pagkakataon na hindi ko naiwasang magtanong bunsod na rin ng nag-uumapaw kong kaligayahan pagkatapos naming magtalik.

“Mahal mo ba ako?” ang tanong ko.

Hindi siya sumagot. Niyakap niya lang ako nang mahigpit.

Gusto ko mang marinig ang kanyang damdamin, nakuntento na ako roon dahil nararamdaman ko naman ang kanyang saloobin at wala akong mairereklamo sa mga kabutihan niya sa akin.

Minsan, may ibinigay siya sa aking mga damit. “Hindi ko na isinusuot. Sa’yo na lang,” ang sabi. Tinanggap ko ang mga iyon subalit nang nasa bahay na ako at hina-hanger ko na sa cabinet, napansin ko na may tag pa ang mga damit. Bago pa ang mga iyon, hindi katulad ng kanyang sabi na pinaglumaan na niya.

Minsan din, wala na akong pera. Linggo noon at nasa condo niya ako, nag-aaral dahil may exam kinabukasan. Sabay sa pagsasaulo ko ay ang pag-aalala kung saan ako kukuha ng panggastos. Siyempre, hindi na option ang pagpapa-booking. At katulad ng sabi ko, hindi ako manghihingi sa kanya. Umuwi ako na walang binabanggit tungkol sa aking problema kahit na at one point, nagtanong siya kung bakit para akong balisa. Subalit nang nasa bahay na ako at muli kong ipinagpatuloy ang pagre-review, nagulat ako. May nakaipit na pera sa aking libro.

Natuto akong magtipid nang husto upang makaraos. Naglakad ako papasok sa eskuwela. Naghapunan ng isaw at squid balls. Nag-skip ng meals.

Tinulungan din ako ni Richard upang kumita ng extra. Sa tuwing magde-deliver siya ng mga sabon at pabango sa kiosks nila sa mga mall sa Metro Manila (iyon ang business ni Dan), ako na ang isinasama niya bilang tagabuhat sa halip na tao nila.

Sa kabila ng mga hirap at pagtitiis, masaya pa rin ako dahil napapangatawanan ko ang promise ko kay Gilbert.

At lagi siyang nandiyan, hindi niya ako pinababayaan.

***

Nalalapit na ang finals. At ang inaasahan kong padala ng mga magulang ko na pang-tuition ay nabulilyaso pa dahil sinalanta ng bagyo ang aming mga pananim sa probinsiya.

Halos walang-wala na ako at ang natitira kong pera ay sapat na lamang upang ipantawid ko ng gutom. Alalang-alala ako dahil kung hindi ako makakapag-exam baka bumagsak ako at masayang lang lahat ng aking pagsisikap. Hangga’t maaari ayokong lumapit kay Gilbert. Sobra-sobra na ang nagagawa niya sa akin at ayaw kong isipin niya na umaabuso ako.

Si Richard ang naisipan kong hingan ng tulong. Subalit wala rin siyang maipahiram sa akin. Pareho kami ng paninindigan kaya ayaw niyang ilapit kay Dan ang problema ko. Umiiwas din siya sa maaari nitong isipin.

Pero nangako pa rin si Richard na tutulungan ako. Maghahanap siya ng ibang malalapitan. Kahit medyo malabo, hindi ako nawalan ng pag-asa. Naniwala ako sa kanya dahil kahit noong mga panahong nagpapahada pa kami, hindi niya ako natitiis sa ganitong mga pagkakataon.

Sa panig ko naman, naghanap din ako ng raket. Kahit anong trabaho basta marangal at malinis. Subalit talagang nahirapan ako, dahil kung may napasukan man ako, kulang na kulang ang kinita ko. Hindi sasapat upang maipon ko ang pang-tuition ko.

Isang araw, tinawagan ako ni Richard.

“Pare, hindi ako sure kung okay lang sa’yo,” ang sabi niya. “Pero malulutas nito ang problema mo.”

“Kahit ano, basta kaya ko,” ang sagot ko. Desperado na kasi ako.

May na-sense akong pag-aalinlangan sa kanya bago siya nagpatuloy.

“Ganito kasi… May kabarkada sina Dan na magma-migrate na sa Australia. Bibigyan niya ito ng despedida.”

Ano naman kaya ang relevance niyon sa akin?

“At sa despedidang iyon, balak niyang magkaroon ng… live show.”

Saka ko lang naunawaan ang tinutumbok niya.

“Pinakiusapan ako ni Dan na maghanap ng performer,” ang patuloy niya. “Alam ko na labag na ito sa kalooban mo pero ipinapaalam ko pa rin sa’yo dahil baka gusto mong i-consider. Pero kung ayaw mo, okay lang dahil may mga kakilala naman ako sa gaybar na maaari kong kuhanin. Kaya lang, pare, wala na akong ibang mahanap na paraan upang makatulong sa’yo.”

Napabuntonghininga ako.

“Dalawa kayong magpe-perform. Macho dancer ang makakapareha mo. Sayaw-sayaw muna tapos live sex sa harap ng mga kaibigan ni Dan. Malaki ang budget. Sobra pa sa pang-tuition mo. Kung gusto mo lang. Private naman ito. Tayo-tayo lang. Hindi na ito malalaman ni Gilbert.”

Natahimik ako at napag-isip.

“Pare, sorry, I even brought this up,” ang sabi ni Richard pagkaraan ng ilang sandali na hindi ko pagkibo. “Alam ko naman na nagbagong-buhay ka na. Sige, tatawagan na lang uli kita. Baka makahanap pa rin ako ng ibang way para makatulong sa’yo.”

“Sandali…” ang pigil ko sa kanya.

“O, pare… bakit?”

“Kailan ang despedida?”

Saglit na natigilan si Richard. “Pare, sigurado ka?”

“Wala na akong ibang magagawa.”

“Sa darating na Biyernes.”

“Paano tayo magkikita?”

“Maaari kitang sunduin sa boarding house mo. Mga bandang alas-sais siguro. Kasama ko na noon ang makakapareha mo. Tapos tutuloy tayo sa bahay ni Dan. Itatago ko muna kayo dahil sorpresa sa mga bisita ang palabas n’yo.”

“Ok, sige. Sa Biyernes, hihintayin kita.”

“Pare, sigurado ka?” ang ulit niya.

“Pare, may choice pa ba ako?”

(Itutuloy)

Part 9

Monday, December 13, 2010

Dove 7

Nagising ako na nasa tabi ko si Gilbert. Pinagmasdan ko siya sa kanyang pagkakahimbing.

Inisa-isa ko ang kanyang mga pisikal na katangian. Binusog ko ang aking mga mata sa kanyang makisig na kabuuan. Nag-uumapaw ako sa saya.

Subalit kinalaunan, nakadama ako ng lungkot dahil sa napipinto naming paghihiwalay. At pangamba dahil walang katiyakan kung kailan uli kami magkikita.

Kung maaari nga lang na pigilan ko sa pag-usad ang mga sandali upang manatili kami sa gayong kalagayan. Kung maaari nga lang na maging ganoon na lang kami habang buhay.

Panay ang buntonghininga ko dahil sa malabis na paghanga at pag-asam sa kanya. Gayundin sa magkakahalong emosyon sa aking dibdib.

Maya-maya, nagising na siya. At sa pagdilat ng kanyang mga mata, higit na tumingkad ang kanyang pang-akit nang tumitig sa akin ang mga iyon.

“Good morning,” ang sabi niya.

Sa kabila ng udyok ng aking damdamin na hagkan siya bilang tugon, ngumiti lang ako.

Nag-inat siya at bumangon. Bumangon na rin ako.

At dahil pareho kaming nakahubad, nagbihis muna kami. (Pinahiram niya ako ng T-shirt at shorts.) Niyaya niya ako sa kitchen na kung saan nagsimula siyang magluto ng breakfast.

Hindi ko akalain na marunong pala siyang magluto. (Although, scrambled eggs lang naman at sausages ang niluto niya.) Nag-brew din siya ng kape.

“May live-out maid ako pero hindi siya pumapasok kapag Sunday,” ang sabi niya.

Ilang sandali pa, pinagsasaluhan na namin ang almusal na inihanda niya. Hindi ko inasahan na pagkakaabalahan niya ako nang ganoon.

“Kumusta ang pag-aaral mo?” ang pagbubukas niya ng conversation.

“Okay naman. Nakakaraos din.”

“Hindi ka naman nahihirapan?”

“Medyo. Ano kasi… wala pa akong mga libro. Nakikihiram-hiram lang o kaya nakikibasa sa library. Pinag-iipunan ko pa kasi ang pambili.”

Saglit niya akong tiningnan nang mataman.

“Saan ka nga pala nag-aaral?” ang tanong niya uli.

Sinabi ko. Medyo nahiya pa ako kasi hindi iyon nabibilang sa mga sikat na eskuwelahan. Pero may magandang reputasyon din naman.

“Ano’ng course mo?”

“Education. Pangarap kasi ng nanay ko na maging teacher pero hindi natupad.”

“Iyon din ba ang pangarap mo?”

“Iyon na rin ang gusto ko para mapasaya ko siya at para makatulong din ako sa mga bata.”

“Mukhang pursigido ka naman sa iyong pag-aaral. Ipagpatuloy mo lang ‘yan at siguradong may mararating ka.”

Napangiti ako sa kanyang encouragement.

“Hanggang anong oras ang klase mo bukas?”

“Alas-kuwatro.”

Tumango-tango siya at hindi na muling nagsalita.

Tahimik naming ipinagpatuloy ang pag-aalmusal.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagkusang magligpit. Tinulungan niya ako. At nang mahugasan na namin ang mga pinagkainan at pinaglutuan, muli kaming pumasok sa silid at naghanda na akong umalis.

“Ano nga pala ang number mo?” ang tanong niya.

Natuwa ako dahil nangangahulugan iyon ng pagkakaroon namin ng komunikasyon at posibleng pagkikitang muli sa lalong madaling panahon.

Kaagad kong ibinigay ang number ko. Miniskol niya ako at sinave ko iyon.

“Aalis na ako,” ang sabi ko nang matapos akong magbihis. “Salamat.”

“Sandali,” ang pigil niya.

Napahinto ako at nakita kong may inaabot siya sa akin. Pera.

Parang gusto kong ma-offend.

“Hindi mo ako kailangang bayaran,” ang sabi ko. “Wala tayong usapan. At hindi ako naniningil.”

“Hindi ito kabayaran,” ang sagot niya. “Ibinibigay ko ito dahil may gusto akong hilingin sa’yo.”

Napatitig ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

“Stay out of the streets,” ang sabi niya. “Tanggapin mo ito para hindi mo muna kailanganing magbenta ng sarili.”

Parang nagbara ang lalamunan ko.

“Gusto kong pag-isipan mo ang pagsasaayos ng buhay mo. Kung maaari, simulan mo na ngayon.”

Nakita ko sa kanyang mukha ang concern at sincerity. Na-touch ako.

“Will you do it for me?”

Parang gusto kong maiyak.

***

Kalalabas ko lang sa klase nang mag-ring ang cellphone ko. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumatawag. Parang lumukso ang puso ko.

“Hello? Gilbert?” Bakas ang excitement sa aking tinig.

“Hey, Anton,” ang sabi niya. “Tapos na ang klase mo?”

“Katatapos lang.”

“May lakad ka ba?”

“Wala. Sasaglit lang ako sa library tapos uuwi na.”

“Nandito ako sa labas ng eskuwelahan n’yo. Naka-park ako.”

“Ha?” Seryoso ba siya?

“Kilala mo naman ang kotse ko, di ba? Hihintayin kita.”

“Sinusundo mo ba ako?”

“Oo.”

Hindi ko maipaliwanag ang tuwang bumalot sa akin. Halos liparin ko ang gate palabas ng eskuwelahan namin.

At nang makita ko ang kotse niya, saka ko lang napagtanto na totoo nga, hindi siya nagbibiro.

Ibinaba niya ang bintana ng kotse nang makalapit ako. Naka-shades siya at naka-long sleeves and tie. Napakaguwapo niya sa sinag ng panghapong araw.

“Halika, sakay na,” ang sabi niya.

Nakaupo na ako sa tabi niya, para pa rin akong hindi makapaniwala na naroroon siya.

Binuhay niya ang makina ng kotse at nagmaniobra siya palabas ng parking lot.

Malayo-layo na ang natatakbo namin nang magawa kong magsalita.

“Saan tayo pupunta?”

“Mamamasyal,” ang sagot niya sabay tingin at ngiti sa akin.

Ngumiti rin ako. Deep inside, tuwang-tuwa ako.

“Maaga akong nakalabas ng opisina kaya naisipan kong daanan kita. Saan mo gustong pumunta?”

“Kahit saan. Basta doon sa hindi nakakahiya ang suot ko.”

“You look fine.”

“Ano kasi… Hindi ako nakabihis nang maayos.”

“Wala kang dapat alalahanin. Para sa akin, it doesn’t matter.”

Napatingin ako sa kanya at muling napangiti. Masarap sa pakiramdam iyong naa-appreciate ka kung ano ka.

Maya-maya pa, lumiko kami papunta sa Mall of Asia. Higit akong natuwa dahil hindi ko pa napupuntahan ang lugar na iyon.

Hindi ko inaasahan na sa pagpasok namin sa mall, ang una naming magiging stop ay National Bookstore. Naisip ko, siguro mahilig siyang magbasa. Okay lang, kasi gusto ko rin namang mag-browse. Mahilig din ako sa libro, wala nga lang pambili.

Akala ko sa fiction section ang tuloy namin pero dinala niya ako sa textbook section.

Bakit dito? Gusto ko siyang tanungin. Pero bago ko pa nagawa iyon, nagsalita na siya.

“Get the books you need for school.”

Gulat akong napatingin sa kanya.

“I'll buy them for you,” ang sabi pa niya.

“Are you kidding me?”

“No.”

“Hindi mo kailangang gawin ito.”

“Gusto kong gawin ito.”

“But it’s too much.”

“Gusto kong makatulong sa pag-aaral mo. And this is the least I can do.”

Noon lang may nag-care sa akin nang ganoon. Na-overwhelm ako ng emosyon na para akong natulala at hindi makakilos.

“Ano pa ang hinihintay mo?” ang pukaw niya sa akin. “Go!”

***

Over dinner, kinausap niya ako nang seryoso.

“Huminto ka na sa pagko-kolboy,” ang sabi niya. “Mag-concentrate ka na lang sa pag-aaral mo.”

“Iyon sana ang gusto ko,” ang sagot ko. “Kaya lang, may mga pangangailangan akong natutustusan ng pagko-kolboy ko.”

“Tutulungan kita.”

“Ayokong dumepende sa’yo.”

“Bakit?”

“Dahil hindi ako katulad ng iba na mapagsamantala.”

“Alam ko. Kaya nga nag-aalok ako ng tulong kahit hindi ka nanghihingi.”

“Bakit mo ginagawa sa akin ito?”

Saglit siyang tumitig sa akin bago sumagot.

“Because it makes me feel good.”

Hindi iyon ang inaasahan kong sagot. Akala ko, maririnig ko na sa kanya ang pinakaaasam ko, na gusto niya rin ako. Nakakatawa, dalawang beses na kaming naging intimate pero parang ang hirap sabihin ng feelings. Kahit ako, parang hindi ko pa magagawang aminin sa kanya na gusto ko siya.

“I will try my best na gawin ang ipinagagawa mo sa akin,” ang sabi ko sa kanya.

“Good,” ang sagot niya.

“Pero hangga’t maaari, ayokong manghingi sa’yo.”

“Saan ka kukuha ng pera?”

“Titipirin ko na lang ang padala sa akin. Maghahanap ako ng ibang pagkakakitaan. Bahala na.”

Isipin niya nang ma-pride ako, pero iyon ang gusto kong mangyari dahil… mahal ko siya. Precisely iyon ang dahilan kung bakit pumapayag ako sa gusto niya. Kahit alam ko na mahihirapan ako, gagawin ko ang gusto niya upang ma-please ko siya at maging karapat-dapat ako sa kanya.

“Okay,” ang sang-ayon niya. “Ang mahalaga, pumapayag ka. Basta nandito lang ako and my offer stays. All you have to do is ask.”

Ngumiti ako. Sapat na iyon upang lumakas ang loob ko.

“May isa pa nga pala akong hihilingin sa’yo,” ang sabi niya.

“Ano yun?” ang tanong ko.

“Maaari ba tayong magkita nang madalas?”

(Itutuloy)

Part 8

Thursday, December 9, 2010

Finally

Woohooo!!!

Tuesday, December 7, 2010

Ex-sena

Nakita kita sa simbahan. May kasamang iba.

Nagsisimba ka na pala ngayon.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi kita nayayang magsimba. “Hindi ako religious,” ang sabi mo pa.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iniwasan kita. Mas mabuti nang hindi mo ako makita.

***

Pagkatapos ng misa, muling nag-krus ang landas natin.

Sa bookstore sa kalapit na mall. Kasama mo siya.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi mo ako sinamahang mag-bookstore. “Hindi ako mahilig magbasa,” ang sabi mo pa.

Isa uli iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iiwas sana ako subalit nagkasalubong na ang ating mga mata.

***

“Kumusta?” ang bati mo.

“Mabuti,” ang tugon ko.

Ipinakilala mo ako sa kasama mo. Kunwari wala tayong nakaraan.

“Saan kayo galing?” ang chika ko pa.

“Nagsimba,” ang sagot niya.

“Uy, nagsisimba ka na,” ang tukso ko sa’yo.

“Oo. Good boy na ako,” ang sagot mo, nakangiti.

“At nagbabasa na rin,” ang dugtong ko pa.

“Dahil sa kanya,” sabay turo sa kasama mo.

Ngumiti siya at nakita ko sa mga mata niya na proud siya dahil napagbago ka niya.

***

Bitbit ang mabibigat na libro, lumabas ako ng bookstore na mabigat din ang dibdib ko.

Sa huling sulyap, nakita ko kayong masayang nagba-browse.

Willing ka palang magbago at mag-adjust, bakit hindi pa sa akin noon?

Sana tayo pa rin hanggang ngayon.

At sana hindi ako nagbabasa ng romance upang pawiin ang lungkot.

Sunday, November 28, 2010

Dove 6

Dinala niya ako sa Bed, ang pinakasikat at pinaka-in na dance club sa Malate.

Nginitian niya lang ang receptionist, tuluy-tuloy na kami sa loob. VIP pala siya roon.

First time kong makapasok sa lugar na iyon at namangha ako kung gaano kasaya at kasigla sa loob.

Nagsasalimbayan ang makukulay na ilaw sabay sa tiyempo ng mabilis na tugtog. Siksikan ang mga kalalakihan sa dancefloor, gayundin sa ledge.

Ang daming guwapo. May mga hubad-baro na nagbibilad ng magagandang katawan. May mga nagyayakapan at naghahalikan. Malaya at walang pag-aalinlangan ang mga naroroon sa paghahayag at pagdiriwang ng kanilang kasarian.

Nakangiti at may kislap sa mga mata na pinagmasdan ko ang aking kapaligiran. Nakadama ako ng excitement, ng kakaibang tuwa. Para akong bata na napasok sa Enchanted Kingdom.

Napatingin ako kay Gilbert. Nakangiti rin siya habang pinagmamasdan ang aking reaksiyon. Hinawakan niya ang aking kamay at giniyahan niya ako papunta sa bar. Medyo gitgitan kaya nahirapan kaming makiraan. Mahigpit ang kapit ko sa kanya na parang takot akong mawalay.

“Hey, Gilbert!” ang bati sa kanya ng isa sa mga nakasalubong namin.

“Justin!” ang bati niya rin.

Nagyakapan sila.

“This is Mark,” ang pakilala niya sa akin. “Mark, Justin.”

Kinamayan ako ni Justin. “Nice meeting you, Mark.”

“Nice meeting you, too.” Nakangiti ako kahit medyo nahihiya. Deep inside natuwa ako sa pagpapahalaga sa akin ni Gilbert. Gayundin sa magiliw na tugon ni Justin. Parang nakalimutan ko ang tunay kong katayuan dahil sa munting respetong natanggap ko mula sa kanila.

Saglit silang nagkumustahan bago kami nagpatuloy. At bago namin narating ang bar, isa pang kaibigan ni Gilbert ang bumati sa kanya. Humalik pa ito sa pisngi niya. Sandali silang nag-usap.

“Si Mark nga pala,” ang baling ni Gilbert sa akin pagkatapos. “Mark, this is Brandon.”

Hinagod ako ng tingin ni Brandon.

“Is he your new boyfriend?” ang tanong niya kay Gilbert.

“What do you think?” ang sagot ni Gilbert.

Ngumiti si Brandon at niyakap ako. Dama ko ang mainit niyang pagtanggap sa akin. Hindi ko inaasahan iyon pero natuwa ako.

“Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko,” ang sabi pa.

Sumakay ako sa assumption niya. “Baka ako ang saktan niya,” ang sagot ko.

“I don’t think so. Mabait siya,” ang sagot niya. Na kaagad kong pinaniwalaan. At pinanghawakan dahil kung mayroon man akong pinangangambahan, iyon ay ang masaktan dahil sa namumuong damdamin ko kay Gilbert.

“Sikat ka pala rito,” ang sabi ko kay Gilbert nang nasa bar na kami.

“Marami lang kaibigan,” ang mapagkumbaba niyang sagot.

Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong inumin.

“Bahala ka na,” ang sagot ko. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang puwede kong orderin.

“Blue frog,” ang sabi niya sa bartender.

Isinilbi iyon sa amin na nasa pitsel at may dalawang straw. Ibig sabihin, magsasalo kami.

“Ito ang famous cocktail ng Bed,” ang pagbibigay-impormasyon niya. “It’s like no other and they do it best here. Kakaiba rin ang tama nito.”

Hindi ako pamilyar sa inuming iyon pero nang matikman ko, nasarapan ako. Manamis-namis at suwabe ang pasok. Nag-share kami sa drink at may mga pagkakataong nagkakatinginan kami at nagkakangitian habang nagsi-sip.

At dahil nagustuhan ko ang drink, naging sunud-sunod ang aking pag-inom at hindi nagtagal, naramdaman ko na ang sipa niyon. Kakaiba pala talaga. Dahil nawala ang inhibitions ko at lumakas ang loob ko. Naging madaldal din ako.

“Alam mo, Gilbert, ang saya-saya ko ngayon,” ang sabi ko.

“Bakit naman?” ang tanong niya.

“Dahil kasama kita.”

Ngumiti lang siya. Muli kong napagmasdan ang kaakit-akit na facial features niya.

“Ngayon ko lang uli naramdaman ang ganito,” ang patuloy ko. “Parang nakalimutan ko kung ano ako dahil sa ipinapakita mo sa akin. Na sa kabila ng pagiging mababa ko, tinatrato mo ako nang mabuti.”

“Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan. Mabuti kang tao and you deserve it.”

Parang haplos iyon sa aking puso. Gusto ko siyang yakapin bilang pasasalamat subalit parang hindi proper.

Muli, isang kaibigan ang bumati sa kanya.

At nang ipakilala niya ako, ako na mismo ang nag-volunteer ng pangalan ko.

“Anton. Ako si Anton,” ang sabi ko.

Kinamayan ako ng kaibigan niya. “Nice meeting you, Anton.”

May pagtatanong sa mga mata ni Gilbert habang nakatingin sa akin.

Pagkaalis ng kaibigan niya, nagpaliwanag ako. “Anton ang totoong pangalan ko. Alias ko lang ang Mark dahil sa trabaho. Habang maaga, puputulin ko na ang pagkukunwari at magpapakatotoo na ako. Ako si Anton Alvarez. Gusto ko uling magpakilala sa’yo. At sana tanggapin mo ako bilang ako at hindi bilang si Mark.”

Tumitig siya sa akin na parang pinag-aaralan ako. Saglit akong nawala sa softness ng kanyang mga mata. Maya-maya, ngumiti siya at inabot ang kamay ko.

“Ako si Gilbert Garcia,” ang sabi niya. “Ikinagagalak kitang makilala, Anton.”

Ngumiti rin ako at mahigpit na nakipagkamay sa kanya. “Salamat.”

Tumugtog ang “I Will Go With You”. Nakita kong nagliwanag ang kanyang mukha.

Hindi ako nakatanggi nang hilahin niya ako sa dancefloor upang magsayaw. Sabagay, wala naman akong dapat ipag-alala dahil isa iyon sa mga strengths ko. Bata pa ako mahilig na akong sumayaw at alam kong magaling ako.

Nagsimula kaming umindak. Hindi naglalayo ang mga mata namin sa isa’t isa. Siguro dahil sa makahulugang musika o dahil sa aking pagkalasing kung kaya ako na mismo ang naglapit ng aking mukha at nag-initiate ng halik.

Malugod niyang tinanggap ang aking bibig. At sa paglalapat ng aming mga labi, napapikit ako. Niyakap niya ako at para akong idinuyan. Nawala ang mga pangamba ko at agam-agam. Nakadama ako ng kapanatagan… ng comfort… ng proteksyon. Para akong naging invincible na walang maaaring manakit sa akin nang mga sandaling iyon. Parang nabura ang aking mga takot.

Nagpalit na ang tugtog, hindi pa rin ako bumibitiw sa kanya.

Maya-maya, bumulong siya sa akin.

“Halika, iuuwi na kita.”

***

Inuwi niya ako sa bahay niya.

Isang condominium iyon sa Makati. Masculine ang interior, minimalist ang dekorasyon at essentials lang ang mga gamit.

Napansin ko ang drafting table sa isang gilid. May nakapatong na blueprint ng plano ng bahay doon. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na ang kanyang propesyon. Isa siyang arkitekto.

Pagpasok namin sa kanyang silid, muli isang bagay ang napansin ko sa kanyang bedside table. Hindi ko naiwasang mapatitig doon.

Isang picture frame na may larawan niya kasama ang isang lalaki. Magkaakbay sila at parehong nakangiti.

Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ng lalaki. Guwapo. Mestisuhin. Maputi. Bagay na bagay sila. Sabi nga, a picture paints a thousand words. Parang nahulaan ko na kung sino ang lalaking iyon.

“My ex,” ang kanyang pagkumpirma.

Obviously, mahalaga pa rin ito sa kanya dahil sa larawang iyon sa tabi ng kanyang kama. Mahal niya pa rin kaya ito? May selos akong naramdaman kahit alam kong wala akong karapatan.

Kaagad na dinampot ni Gilbert ang picture frame at ipinasok iyon sa drawer.

“Tapos na ang lahat sa amin. It’s time for me to move on,” ang kanyang sabi.

Nilapitan niya ako. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok, ang aking mukha. Sapat upang pawiin ang anumang pagdaramdam sa aking dibdib.

Wala akong naging pagtutol nang hubaran niya ako.

Naghubad din siya at dinala niya ako sa banyo. Binuksan niya ang dutsa ng shower at dinaluyan kami ng masaganang tubig.

Sinalat namin ang depinisyon ng aming mga katawan. Gayundin ang hugis ng aming mga kaangkinan. Appreciatively, hinaplos-haplos namin ang mga sensitibong bahagi at nilaro-laro ang mga iyon.

Maya-maya, para akong bata na kanyang sinabon. Napapikit ako habang hinahagod ng kanyang mga palad. Pakiramdam ko, hindi lang dumi ng aking katawan ang kanyang tinatanggal kundi pati na ang unworthiness na nasa aking isip.

At dahil grateful ako, ginawa ko rin iyon sa kanya. Sinabon ko siya mula ulo hanggang paa. Subalit hindi iyon paglilinis kundi pagsamba.

Paglabas namin ng banyo, dumiretso kami sa kama. Humiga kami nang magkatabi. Humarap kami sa isa't isa at nag-usap ang aming mga mata.

Nagyakap kami at naghalikan. Nag-ugnayan ang aming mga katawan.

Nilasap namin nang walang pagmamadali ang tamis ng bawat sandali.

(Itutuloy)

Part 7

Sunday, November 21, 2010

Dove 5

Kaagad akong pumihit at humakbang palapit sa kanya. Nag-uumapaw ako sa tuwa.

Ngiting-ngiti siya habang pasalubong sa akin.

At kahit maraming tao, hindi namin napigilan ang magyakap nang kami ay magtagpo.

Si Richard. Miss na miss ko siya. At dama ko sa higpit ng yakap niya na miss niya rin ako.

Iyon ang muli naming pagkikita pagkatapos naming maghiwalay. Ilang buwan na rin ang nakakaraan.

“Kumusta?” ang halos sabay pa naming bati sa isa’t isa.

Pinagmasdan ko siya. Iba na ang kanyang itsura. Bihis na bihis at halatang mamahalin ang damit. Higit siyang pumuti at kuminis. May bitbit siyang paperbag ng Smart.

“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong ko.

“May binili lang,” sabay muwestra sa bitbit niya.

“Wow, cellphone!” ang sabi ko.

“Binigyan ako ni Dan ng pambili ng bago. Luma na raw kasi ang cellphone ko.”

Ang tinutukoy niyang Dan ay ang mayaman niyang boyfriend. Parang nakaramdam ako ng inggit. Gayunpaman, natutuwa akong makita siyang maayos at masaya.

“Bakit dito ka pa namili?” ang tanong ko.

“Mura kasi. At saka dito pa rin ako sa Maynila nakatira. Diyan lang sa Sampaloc ang apartment ko.”

“Bakit, hindi ka pa rin ba nakatira kay Dan?”

“Baka palipatin niya na ako sa bahay niya. Ngayong legal na kaming dalawa.”

Napakunot-noo ako. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Pauwi ka na ba?” ang tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ko.

“Oo.”

“Halika, uminom muna tayo. Libre kita.”

“May pasok ako bukas.”

“Kahit isa o dalawang bote lang. Para makapagkuwentuhan tayo.”

Hindi na ako nakatanggi.

“Ikaw, bakit ka nandito?” ang tanong niya habang papalabas kami ng mall. “Huwag mong sabihing balik-Quiapo ka.”

“Hindi. Kumain lang ako. May binili akong libro kanina sa Recto.”

Naghanap kami ng mumurahing beerhouse, katulad ng mga pinupuntahan namin noon. Nagbalik sa aking alaala ang mga panahong lagi kaming magkasama at nilulunod sa alak ang mga hinagpis namin sa buhay.

Umorder siya ng San Mig Light. At saka sisig.

“Big time ka na talaga,” ang sabi ko.

“Hindi naman,” ang sagot niya. “Gusto ko lang i-celebrate ang muli nating pagkikita kaya sinamahan ko na ng pulutan.”

Nagsimula kaming uminom. At magkuwentuhan.

“May hindi ako sinabi sa’yo noon,” ang panimula niya. “Kabit lang ako ni Dan. May iba siyang boyfriend kaya ibinahay niya ako. Matagal din naming itinago ang aming relasyon. Nitong huli lang, nabuko kami ng boyfriend niya. Umamin si Dan at nauwi iyon sa paghihiwalay nila. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili niya gayong matagal na sila. Siguro dahil na-bore na siya sa relasyon nila. Siguro dahil mas nabibigyan ko siya ng excitement na hinahanap niya.”

Napatingin ako sa kanya, dina-digest ang ipinagtapat niya.

“Mabait si Dan,” ang patuloy niya. “Galante. Pero iniiwasan kong humingi dahil ayokong isipin niya na inaabuso ko siya. Kusa niya akong binibigyan. Tumutulong-tulong ako sa business niya para makaganti sa mga kabutihan niya.”

“Masuwerte siya sa’yo,” ang sabi ko.

“Masuwerte rin ako sa kanya dahil binigyan niya ako ng pagkakataong ayusin ang buhay ko.”

“Sana makatagpo rin ako ng kagaya ni Dan.”

“Makakatagpo ka rin.”

Mabilis na sumagi sa isip ko si Gilbert. “Pero, teka. Palagay ko, natagpuan ko na siya.”

Namilog ang mga mata ni Richard. “Talaga?”

“Mabait. Guwapo. Mayaman. Gusto ko siya. Kaya lang hindi ako sigurado kung gusto niya rin ako.”

“Sino siya? Saan mo nakilala?”

“Customer ko sa Malate noong Sabado. Akalain mo ba na sa hotel ako dinala? At sobra-sobra ang ibinigay sa akin.”

“Ibig sabihin, nagustuhan ka. Magandang senyales yun. Kami ni Dan, parang ganyan din nagsimula.”

“Actually, hindi siya mawala sa isip ko. First time ko itong maramdaman sa isang customer.”

“Magkikita ba kayo uli?”

“Hindi ko alam.”

“Bakit? Hindi ba kayo nagpalitan ng number?”

“Paggising ko kasi, wala na siya. At saka wala akong cellphone, di ba?”

“Ganoon ba?” Dumukot si Richard sa kanyang bulsa. Inilabas ang lumang cellphone niya. “O, sa’yo na ‘to,” ang sabi.

Hindi ako makapaniwala. “Sigurado ka?”

“Di ko naman na kailangan ‘yan. Meron na akong bago.”

Mula sa paperbag, may kinuha siya.

“Sa’yo na rin itong bagong sim card. Di ako magpapalit ng number. Dati pa rin ang gagamitin ko.” Inayos niya muna ang sim card at sinave ang numero niya bago tuluyang ibinigay sa akin ang telepono.

Tuwang tuwa ako. “Wow, salamat.”

“Kailangan mo ‘yan sa trabaho. At malay natin, baka dahil diyan, magka-lovelife ka na rin,” ang sabi niya nang nakangiti.

Nakangiti rin ako habang dinadama sa aking palad ang cellphone.

“Text-text tayo ha?” ang sabi niya.

“Siyempre naman.”

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong tumambay sa dating kanto na kung saan nagkakilala kami ni Gilbert. Hindi pagbebenta ng sarili ang pakay ko kundi ang makita siyang muli.

Buong linggo, siya ang laman ng isip ko. At habang nakatayo, hindi lumalayo ang tingin ko sa bar na pinanggalingan niya noon.

Subalit nakailang sigarilyo na ako, wala pa rin kahit anino niya. Naisip ko na baka hindi siya nagpunta. Wala mang katiyakan, patuloy akong naghintay. Puno ng pag-asa at pagbabaka-sakali.

“Puwede ka ba?”

Napapitlag ako pagkarinig sa tinig na iyon. Kaagad kong binalingan ang nagsalita. Akala ko si Gilbert na. Subalit hindi pala.

Isang mataba at pandak na lalaki. Namumuti sa foundation ang mukha at puno ng pagnanasa sa mga mata.

Umiling ako bilang pagtanggi.

Subalit mapilit ang lalaki. “Sige na, magpresyo ka. Type lang kita eh.”

“Hindi ako callboy,” ang sagot ko sabay layo sa kanya.

Subalit sinundan niya ako.

“Anong hindi,” ang pangungulit niya. “Matagal na kitang nakikitang nagpapa-pick-up dito. Bakit ba ayaw mo? Magbabayad naman ako.”

Tiningnan ko siya nang masama.

Hindi pa rin tumigil ang lalaki. Hinawakan ako sa braso. “Sige na. Magkano ba?”

“Bitiwan mo ako,” ang sabi ko.

Subalit lalong humigpit ang hawak niya sa akin. “Pumayag ka na.”

“Sinabi nang bitiwan mo ako!” Kumawala ako nang pilit subalit ayaw niyang bumitiw.

“Putang ina! Ano ba!” ang sigaw ko sa kanya.

Patuloy ako sa pagpupumiglas nang isang tinig ang aking narinig.

“Bitiwan mo siya!”

Napatingin ako sa pinagmulan niyon. Napasinghap ako sa pagkagulat. Sa kabila ng sticky situation ko, binalot ng galak ang aking puso.

Si Gilbert.

“Bakit, sino ka ba?” ang asik ng lalaki.

“Ako ang boyfriend niya.” Hindi ako makapaniwala na iyon ang kanyang naging tugon.

“Boyfriend? E callboy ito eh. Boyfriend ng bayan.”

Nagdilim ang mukha ni Gilbert. Napuno ng galit. Kaagad na umigkas ang kanyang kamao.

Dumapo iyon sa mukha ng lalaki. Na sinundan ng isa pa. Sa lakas ng magkasunod na suntok, tumilapon ito at napahandusay. (I swear, nakita kong parang nagka-eyeshadow at blush-on ang foundation ng lalaki.)

Sumugod si Gilbert at umakmang tatadyakan pa ito.

Napasigaw ang lalaki. “Huwag! Tama na!” Gumapang ito palayo at nagkukumahog na bumangon. At nang makatayo, hintakot na nagtatakbo.

For a moment, nakatingin lang ako kay Gilbert. Para akong nananaginip.

Maya-maya, inabot niya ang aking kamay. Hinawakan niya iyon nang mahigpit.

“Halika, sumama ka sa akin,” ang sabi.

(Itutuloy)

Part 6

Thursday, November 18, 2010

Foolish

Nagkakilala tayo sa gym. Tapos, nag-coffee tayo. Usap-usap. Getting-to-know-you lang.

Nag-exchange numbers din tayo. At pagkatapos, tinext mo ako. Lumabas tayo uli.

Tatlong ulit iyon. At naipahatid mo ang mensahe na interesado ka sa akin. Good, dahil interesado rin ako sa’yo. Tagal ko na ring naghahanap ng serious relationship at pagkaraang mabigo nang ilang beses, nagkaroon uli ako ng pag-asa dahil sa’yo.

Kahit wala kang sinasabi, in-assume ko na doon tayo papunta. Mukha ka namang pursigido kasi. Seryoso at maalaga pa.

Ipinagpasya kong ipakilala ka sa mga kaibigan ko. Importante kasi sa akin ang approval nila. At saka, proud ako sa’yo. Gusto kitang ipagmalaki kasi guwapo ka, matangkad, maykaya. Good catch, kumbaga.

Winelcome ka naman nang maayos ng mga kaibigan ko. At masasabi kong na-charm mo sila. Umorder ka pa nga ng sisig for everybody and you paid for one round of drinks. Na-appreciate ko yung effort mo na magpalakas sa kanila.

But not until nagkaroon ako ng honest mistake. I don’t know, must have been the beer. Out of the blue, nag-text sa akin ang ex ko (na aaminin ko, may pitak pa rin hanggang ngayon sa puso ko). Ewan ko naman kung bakit sa’yo ko naipadala ang reply ko. Madamdamin pa naman ang mga sinabi ko. At dahil nag-I miss you siya, nag-I miss you too din ako.

At biglang naiba na nga ang timpla mo. Nagselos ka. Kinausap mo ako. Actually, kinumpronta. Quietly lang.

Kahit pasimple tayo, nakahalata ang mga kaibigan ko. At na-shock sila nang pagtaasan mo ako ng boses. Siguro dahil lasing ka na kung kaya nakalimutan mo na nasa harap nila tayo. Maaari ring galit ka na at frustrated dahil hirap na hirap akong mag-explain.

Bago pa lumala ang “away” natin at tuluyan tayong mapahiya, nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at niyaya na kitang umalis.

Napatunayan kong galit ka nga (offended, ang term mo) dahil hindi mo ako tinantanan habang naglalakad tayo. Ang lakas pa ng boses mo. Tahimik lang ako.

Subalit nang nasa taksi na tayo, nag-sorry ka. Bigla, para kang naging maamong tupa. Nag-sorry din ako dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nasira ang gabi natin. Sabi mo pa, gusto mo ring mag-sorry sa mga friends ko dahil sa inasal mo. I texted them na nagso-sorry ka pero wala isa man sa kanila ang nag-reply. Alam ko na ang ibig sabihin niyon, bagsak na ang ratings mo sa kanila. Pero hindi na ako nagkaroon ng panahong alalahanin iyon dahil hinawakan mo na ang kamay ko, dinala iyon sa iyong mga labi at hinagkan.

Nagulat ako nang utusan mo ang driver sa biglang-liko.

Naging sunud-sunuran ako sa’yo. At pagkaraan ng halos tatlong linggo na wala tayong ginawa kundi ang magbolahan at magpa-cute, isinuko ko sa iyo ang sarili ko.

Hindi lang pagsuko kundi pagbibigay nang buong-buo. Ginawa ko ang lahat upang paligayahin ka. I did my best to satisfy you.

I was feeling good afterwards. Dahil na-satisfy mo rin ako. Magaling ka pala sa kama. At kahit parang niluray mo ako, may napunuan ka na pangangailangan ko.

At inisip ko na pagkatapos niyon, mababago na sa atin ang lahat. Inasahan ko na magiging tayo na, na magiging pormal na ang relasyon natin. Handang-handa na akong makipag-commit sa’yo. Dedma na kung nakitaan kita ng masamang ugali dahil sa pagseselos mo. Dedma na kung ayaw sa’yo ng friends ko. Maaari pa namang maituwid ang mga pagkakamali.

But the morning after, hindi ka nag-text. Ako pa ang gumawa ng way upang magkaroon tayo ng komunikasyon.

At ang sabi mo: “You’re very special to me. Nahihiya ako sa inasal ko. Siguro kailangan ko muna ng time upang mapagsisihan ang ginawa ko kasi hiyang-hiya ako sa’yo at sa mga friends mo. Ayoko ring i-pressure ka na mahalin ako because, honestly, right now I don’t feel I am worthy of your love.”

Medyo dumugo ang utak ko sa pag-aanalisa sa tunay na kahulugan ng sinabi mo. At nang hindi ko na makayanan, I forwarded your message to my friends at hiningi ko ang opinyon nila.

Ang kanilang consensus: Ayaw mo na. Hindi mo lang ako madiretso.

Pero ayokong maniwala. Biglang-bigla naman yata. Bakit, na-disappoint ka ba sa performance ko? Ganoon ka ba talaga katinding magselos at hindi mo mapatawad ang wrong send ko. Sinabi ko naman sa’yo, ex ko na yun. May bago na siya. Gusto ko na ring mag-move on at ikaw na ang gusto ko.

Or masyado ba akong naging madaldal sa pag-e-explain ng sarili ko? Masyado ko bang ibinilad sa’yo ang damdamin ko at nakita mo na ang mga kahinaan ko? Nawala na ba ang misteryo ko nang magpakatotoo ako?

Nagpursige pa rin ako. Tinanong kita kung kailan uli tayo magkikita. (Siguro, isa rin ito sa naka-turn off sayo, ang pagiging makulit ko.)

Ang sagot mo, baka hindi muna kasi medyo magiging busy ka next week. Kailangan mong tulungan ang iyong Tita sa kanyang business, mag-a-out of town ka, etc. etc., yada-yada.

Alam kong alibi na lang ang lahat nang iyon. At unti-unti, nakita kong nag-crumble ang hopes ko na ikaw na nga ang hinahanap ko. Katulad ka rin pala ng iba. Paasa.

Masakit man, tinanggap ko iyon. At sino pa nga ba ang magiging refuge ko, kundi ang mga kaibigan ko.

They were very consoling. May mga “I knew it” and “I told you so” sila sa akin pero dama ko ang kanilang concern. Na nasasaktan din sila para sa akin. Hindi na kasi ako natuto, lagi na lang akong nahuhulog sa mga kagaya mo. Minsan, kulang na lang sabihin nila sa akin na ang tanga-tanga ko.

Ang speaking of sabi, huwag mo nang itanong kung ano ang sabi nila tungkol sa iyo. You wouldn’t want to know.

And so, tuloy ang ikot ng mundo. Sinimulan na kitang kalimutan. Pati ang gym na kung saan una tayong nagtagpo, iniwasan ko na. Marami naman silang branch.

Pero kung kailan okay na ako saka ka naman muling nagparamdam. (Karma ko yata talaga na hindi ako tinitigilan ng aking mga nakaraan.) Akala ko ba, ayaw mo na.

Initially, nangungumusta ka. Na sinagot ko naman nang maayos dahil polite ako.

Pero nauwi iyon sa pag-iimbita mo na manood tayo ng sine. Hindi ako makapaniwala. Bakit, na-miss mo ba ako? Na-realize mo ba na mahal mo na ako? Inisip ko rin na baka nalilibugan ka lang. Kung sakali man, okay lang dahil parang gusto ko ring makipag-do sa'yo.

Muli, pinairal ko na naman ang aking katangahan. O baka likas lang talaga akong romantiko at patuloy na naniniwala sa posibilidad ng love.

Nagkita tayo at nag-sine. Wow, it was like the first time. You were very nice. Nag-holding hands pa tayo. And, yes, we kissed.

Natunaw na naman ang puso ko. Nabura lahat ng mga hinampo ko. Para uli akong teen-ager na na-in love for the first time.

Nag-dinner pa tayo. And you were the sweetest. Nakinig ako at tumawa sa mga kuwento at jokes mo. Ang tingin ko sa’yo, ikaw na uli ang perfect guy for me.

At hindi tayo nag-sex. After dinner, you drove me home. Inuwi mo ako sa bahay ko na katulad ng isang nirerespetong babae.

Higit akong nagulat nang kinabukasan, Sabado, tumawag ka. Iniimbita mo naman akong gumimik. Hindi ako nagdalawang isip. Pumayag kaagad ako. Actually, may lakad na kami ng barkada nang gabing iyon. At nang sinabi ko sa kanila na kasama kita, isa-isa silang nag-cancel out. Alam ko, naiinis na naman sila sa akin. But no worries, lagi naman nila akong naiintindihan. Ang sabi ko na lang sa kanila: “Please, mga ate, gusto ko lang namang maging masaya.”

And so, nag-clubbing tayo na tayong dalawa lang. Ang sweet-sweet natin, para tayong mag-jowa. Buong gabi mo akong isinayaw, niyakap at hinalikan. Ang saya-saya ko. Sabi ko sa sarili ko, this is it. Ito na talaga. Buti na lang pinayagan ko na magkaroon tayo ng second chance.

That night, pinatulog kita sa bahay ko. Mas naging maalab tayo sa kama. Sinaid talaga natin ang lakas ng isa’t isa.

Nakatulog ako sa mga bisig mo na may ngiti sa mga labi.

Sabay tayong nagising. We looked into each other’s eyes. Hindi na natin kailangang magsalita. Naroroon na, nababasa na ang mga mensaheng gusto nating sabihin.

Nag-breakfast pa tayo together. At bago ka umalis, niyakap mo ako nang mahigpit.

Heaven ang pakiramdam ko nang bumalik ako sa pagkakahiga sa kama. Ang saya-saya ko. Sinasabi ko na nga ba, mali na hinusgahan kita noong una. I was tempted to text my friends. Gusto kong sabihin sa kanila: “Gurls, buti na lang binigyan ko uli siya ng pagkakataon dahil kung hindi, hindi ko sana mae-experience ang ganito kasaya.” But I decided against it. Ayokong muli ay magtaasan ang mga kilay nila. Sa akin na lang muna ang masarap na feeling na ipinagkaloob mo sa akin.

I was almost sure na pagdating mo sa bahay, magte-text ka kaagad sa akin o tatawag. Ina-anticipate ko na iyon.

Naghintay ako. Tik tak. Tik tak.

Subalit nakatulog na ako at nagising… nakapagsimba na ako at nakapag-gym… tahimik ka pa rin.

Hindi na ako mapakali. Tinawagan ko ang pinaka-close ko sa barkada. Kumonsulta na ako.

Nakikinig lang siya habang naglilitanya ako tungkol sa confusion ko sa behavior mo. I was just hoping na sana hindi nadagdagan ang dislike niya sa’yo.

“Call him,” ang sabi niya. “Once and for all, kailangan malaman mo, ano ba talaga?”

And so I did.

Ang tagal nag-ring ng phone mo, parang ayaw mong sagutin. At nang mag-hello ka, parang may alinlangan pa. Gayunpaman, lumukso pa rin ang puso ko pagkarinig sa boses mo.

“Hi,” ang sabi ko. Unsure pa ako kung paano sisimulan ang pagtatanong tungkol sa ating dalawa. “Hindi ka na tumawag or nag-text…”

“Uhm, nakatulog kasi ako,” ang sabi mo. “Tapos, inutusan ako ng Tita ko. May ipinagawa siya sa aking trabaho.”

“On a Sunday?” ang tanong ko.

“Yeah. Sa computer lang naman. Dito sa bahay. Pressure nga eh kasi minamadali niya ako.”

“Oh, I see.”

Pause sandali.

“About last night…” ang sabi ko pagkaraan, wanting to go straight to the point.

“Yeah, it was great,” you interrupted me.

Diniretso na kita. “ May ibig na bang sabihin iyon? Ano na ba tayo ngayon? Ano na ang status natin?”

Saglit kang natigilan. You cleared your throat bago ka sumagot.

“You are very special to me.” Mukhang narinig ko na yata ang linya mong yan. “You are a great person and I am not really sure if I deserve you. Natatakot ako na baka masaktan lang kita. Ayokong mangyari yun. You see, in six months time, I will be leaving for the States. Na-approve na kasi ang petition ko. If we are going to have a relationship now, masasaktan lang kita pag-alis ko.”

“Mahal mo ba ako?” Alam ko, hindi ko dapat itinanong iyon pero hindi ko na kasi mapigilan ang damdamin ko. I just had to know.

“Uhm, yeah. Precisely the reason why it is hard for me. Gustuhin ko mang makipagrelasyon, I really cannot kasi nga I am leaving. We can be really good friends, though. The love will always be there kahit magkalayo tayo. Yun na lang ang consolation natin. You get what I mean?”

No, I don’t.

“Nasa akin talaga ang problema. Magulo ang buhay ko. Hindi ako stable.” Blah blah blah.

The classic “It’s not you, it’s me.”

Pinatay ko ang telepono. Ayoko nang makinig sa mga bullshit mo.

Napayupyop na lamang ako at napaiyak. Ang sakit-sakit lang kasi ng loob ko. Feeling ko, pinaglaruan mo lang ako. Pinaasa. Twice over.

Isa kang malaking palaisipan. Higit lang akong mahihirapan at masasaktan kung iso-solve pa kita. I am giving up on you.

At bago pa ako muling bumigay dahil sadya nga akong tanga at mahina, just get out of my life, will you?

Wednesday, November 10, 2010

Dove 4

Maingay, magulo, madumi ang Quiapo. Pero sanay na ako. Minsan ko na rin itong naging tambayan.

Habang binabagtas ko ang kahabaan ng Avenida, nadaanan ko ang bulok na sinehan na kung saan una akong nabinyagan. Naalala ko ang mga surot, ang maingay na industrial fan at ang sahig na malagkit at amoy clorox.

Naalala ko rin ang mga misteryong nagaganap sa loob.

At si Richard.

Kasasalta ko lang noon. Tipid na tipid sa pera kaya doon ako napadpad. Mura na ang bayad, doble pa ang palabas.

Pag-akyat ko sa balcony, nakita ko siya sa lobby. Nakasandal sa barandilya, nakatingin sa akin. Halos kasing-edad ko siya. Guwapo, matangkad, maputi. Naka-sleeveless na itim, hapit na maong at rubber shoes.

Napatingin din ako sa kanya at napansin ko, kakaiba siya kung sumipat. Parang nang-aakit. Inarko niya ang kanyang payat na katawan upang ipangalandakan ang namumukol niyang harapan.

Nilagpasan ko siya pagkaraang saglit na makipagtitigan. Dama ko na sinundan niya ako ng tingin.

Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng dilim. Sandaling nag-adjust ang aking mga mata bago ko nabanaagan ang mga kakaiba. Pulos lalaki ang nasa loob. Marami ang nakatayo at palakad-lakad. May mga nagkukumpulan.

At sa liwanag na nagmumula sa telon, tuluyan kong napagmasdan ang mga nagaganap na aking ikinagulat.

Ang mga nakatayo ay nagdudukutan at naghahawakan.

Ang mga nagkukumpulan ay nakikinood at nakikisali sa group sex.

Ang mga nakaupo ay may mga kamay o ulong nagtataas-baba sa harapan.

Wala talagang nanonood. Ang buong sinehan ay bulwagan ng kamunduhan. Lahat ay naghahanap at tinutugunan ang tawag ng laman.

Nagulat ako nang bigla akong pagsalikupan ng dalawang lalaki. At bago pa ako nakaiwas, pinigilan na nila ako at pinaghihipuan.

Kumawala ako at nagmamadaling lumabas.

Muli ko siyang nakita. Naroroon, nakatambay pa rin sa lobby. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng aking mga paa sa kanyang tabi. Napatingin siya sa akin at ako ay muli niyang sinipat.

“Bago ka?” ang kanyang sabi.

Hindi ko man lubusang nauunawan ang kanyang tanong, napatango ako.

“Richard, pare,” ang pakilala niya sa sarili. “Ikaw, ano’ng pangalan mo?”

“Anton,” ang sagot ko.

Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay.

Maya-maya, lumabas ang dalawang lalaki na nanghipo sa akin sa loob. Lumapit sila sa amin.

“Puwede ba kayo?” ang tanong ng isa.

Bago pa ako nakahuma, sumagot na si Richard. “Sure.”

“Magkano?” ang tanong naman ng isa.

“Five hundred. Buy one, take one. BJ lang. Kayo ang gagawa. Walang halik.”

“Mahal naman.”

“Hindi kayo lugi sa amin. Malaki. Sariwa.”

Napatingin ako kay Richard, sanay na sanay siyang makipag-negosasyon. Parang normal lang.

Gayunpaman, nagkatawaran pa rin. Pumayag si Richard sa four hundred.

“Saan?” ang tanong ng isa. “Sa loob ba natin gagawin?”

“Hindi,” ang sagot ni Richard. “Sumunod kayo sa akin.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatanggi gayong ibinenta niya na ako. Nang mga sandaling iyon, hindi ko alam kung curious lang ako, pero parang na-excite ako sa mangyayari.

Dinala kami ni Richard sa Ladies CR.

“Bakit dito?” ang tanong ko.

“Walang babaeng nanonood sa sinehang ito kaya walang pumapasok dito,” ang sagot niya.

“Baka mahuli tayo ng guwardiya.”

“Walang guwardiya rito.”

“E janitor?”

“Walang pakialam ang janitor dito.”

Pagkapasok namin, kaagad niyang ini-lock ang pinto.

“Ano nga pala ang mga pangalan n’yo?” ang tanong ng isa sa mga lalaki.

“Ako si Eric. Siya si Mark,” ang sagot ni Richard. Nagtaka ako kung bakit binago niya ang mga pangalan namin. “Kailangan ang alias sa ganitong trabaho,” ang sabi niya sa akin later on.

Walang kaabog-abog, niluhuran na kami ng dalawang lalaki. Ibinaba ang aming mga pantalon at brief.

“Ang laki nga,” ang halos sabay pang sambit ng dalawa. Hindi pa matigas ang akin. Gayundin ang kay Richard.

Hindi na nagsalita pa ang dalawa at pinuno na ang kanilang mga bibig. Sinimulan nila kaming kainin.

Ginapangan ako ng kakaibang kiliti at mabilis na tinayuan. Halos mabulunan ang lalaking tumatrabaho sa akin pero tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

Napatingin ako kay Richard. Nakatingin din siya sa akin. Bakas sa kanyang mukha na siya ay nasasarapan na rin.

Ewan ko pero parang higit akong nalibugan habang pinagmamasdan ko si Richard. Ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha. Ang bawat galaw ng kanyang katawan. Higit lalo nang magsimula na siyang mag-pump sa bibig ng lalaking nakayupyop sa kanyang harapan. Hawak ang ulo nito na halos kanyang ipagdiinan.

Napahawak na rin ako sa ulo ng lalaking nagpapasasa sa akin at nagsimula na ring umindayog ang aking balakang. Pabilis nang pabilis habang hindi lumalayo ang mga mata ko kay Richard.

Ilang sandali pa, sabay kaming napapikit at napa-“aaahhh!” Nanginig ang aming mga katawan at sabay kaming nilabasan.

Hindi bumitiw ang dalawang lalaki. Sinaid nila at nilunok ang aming mga katas.

Pagkatapos magkabayaran, ibinigay sa akin ni Richard ang dalawang daan. Nakaramdam ako ng tuwa nang mahawakan ko ang pera. Ang bilis palang kumita sa ganoong paraan.

Niyaya niya akong kumain sa Jollibee. Umorder ako ng Chickenjoy.

“Magkita uli tayo sa Sabado,” ang sabi niya.

“Sige,” ang sagot ko habang sarap na sarap sa kinakain ko. (First time ko kasing matikman iyon.)

Inalok niya ako ng kanyang french fries.

Kumuha ako at sumubo ng ilang piraso.

Ngumiti siya. Lumabas ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi.

Ngumiti rin ako. “Salamat.”

Hindi ko maitago ang saya habang nakatingin sa kanya.

***

Bago ko namalayan, nakarating na pala ako ng Recto na siya talagang sadya ko. Inignore ko ang mga barker na nag-aalok ng diploma at thesis habang naglalakad ako sa bangketa.

Inisa-isa ko ang mga nagtitinda ng segunda-manong libro. Muli kong naalala si Richard dahil minsan niya na rin kasi akong sinamahan noon dito.

“Nag-aaral ka pala,” ang sabi niya.

“Oo. Yun talaga ang dahilan kung bakit nandito ako sa Maynila,” ang sagot ko.

“Mahirap ba?”

“Medyo. Lalo na kung laging kapos sa panggastos.”

“Kailangan mo ngang rumaket.”

“Pero kulang pa rin.”

“Barya-barya lang kasi talaga ang maaari nating kitain sa sinehan.”

Sandali siyang natigilan.

“Alam mo, Anton,” ang sabi niya sa akin pagkaraan. “Matagal ko na itong pinag-iisipan.”

“Ang alin?”

“Ang umiba tayo ng puwesto.”

Napatingin ako sa kanya, interesado sa sinasabi niya.

“Alam mo, para kumita tayo ng malaki, kailangan sa mga sosyal na lugar tayo tumambay. Sa mga mall. O kaya sa Malate.”

“Saang mall? At saan sa Malate?”

“Basta sumama ka lang sa akin. Ako ang bahala. Tuturuan na rin kita kung paano dumiskarte at magpresyo.”

Dinala niya ako sa Shangri-La at sa Galleria. Gayundin sa Nakpil-Orosa. Successful ang plano niya dahil nadagdagan ang kita namin. Para kaming na-promote. Kinailangan nga lang naming magbihis nang maayos at maging pino ang kilos. Pero kaagad din naman kaming nakapag-adapt.

Isang araw, bigla na lang nagpaalam sa akin si Richard. May naging customer siyang mayaman na inalok siyang maging boyfriend. Pumayag siya dahil may gusto na rin siya rito. At dahil pinangakuan siyang aalagaan, ipinagpasya niyang iwan na ang trabaho namin.

Nalungkot ako pero wala akong magawa. Kailangan kong tanggapin iyon dahil alam kong kahit paano aayos na rin ang kanyang buhay. Ikukuha raw siya ng sariling matitirahan. Matatakasan niya na rin ang kahirapan ng kanilang pamilya at maaaring makatulong pa siya.

Bago umalis si Richard, niyakap niya ako.

“Ingatan mo ang sarili mo. Mag-isa ka na lang.”

“Ikaw rin, mag-iingat ka.”

“Mahal kita, pare.”

“Mahal din kita.”

Umiyak ako pero alam kong hangggang doon na lang kami.

***

Natagpuan ko rin ang librong hinahanap ko. Kahit medyo luma na, binili ko pa rin. Nanganganib na kasi akong bumagsak sa subject na kung saan kailangan iyon.

Buti na lang malaki ang ibinigay sa akin ni Gilbert. Bukod sa nakabawas sa utang ko sa boarding house, nagkaroon pa ako ng pambili ng libro. Sa wakas, hindi na ako mahihirapang kumopya sa library. Makakapag-aral na ako nang maayos kahit nasa bahay. Sana magawa ko ring bilhin sa mga darating na araw ang iba pang mga libro na kailangan ko.

At sana muli kaming magkita ni Gilbert.

Hindi ko alam kung bakit na-wish ko iyon. Siguro dahil naging napaka-memorable ng encounter namin. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng pagtatangi sa isang customer. At nag-enjoy ako sa pakikipag-sex. Ibig sabihin, tao pa rin ako na may damdamin.

Hindi naman siguro masamang mangarap. At ma-in love. Kahit isa akong bayaran. Si Richard nga na katulad ko, nakahanap ng kaligayahan. Baka maaari ring mangyari sa akin ang nangyari sa kanya.

At kung mangyayari man iyon, sana kay Gilbert.

Maisip ko lang siya, nai-inspire na akong pagbutihin ang aking pag-aaral. Magsikap pang lalo at ayusin ang aking buhay.

Gusto kong gawin ang lahat upang maging karapat-dapat sa kanya.

***

Dumiretso ako sa Isetann pagkatapos. Naghapunan ako ng budget meal sa foodcourt.

Tapos, naglakad-lakad ako. Napagmasdan ko ang mga pa-pick-up na nakapuwesto sa bawat palapag. Patingin-tingin sa mga nagdaraan. Nakikipagtitigan. Nagpapapansin.

Alam ko ang pakiramdam. Alam ko kung paano maghanap ng prospect.

Kung noon iyon, baka ka-join pa nila ako sa mga ganitong pagkakataon. Pero in-upgrade na nga namin ni Richard ang aming mga sarili. Hindi na kami dumidispley sa ganitong mga lugar. At kahit iniwan niya na ako, ayaw ko nang balikan ang pinaggalingan namin noon.

Papalabas na ako ng mall nang marinig ko ang alias ko.

“Mark!”

Hindi ko iyon pinansin subalit umulit pa, gamit ang tunay na pangalan ko.

“Anton!”

Pamilyar ang tinig. Napahinto ako at napalingon.

Hindi ako makapaniwala nang mapagsino ko ang tumatawag sa akin.

(Itutuloy)

Part 5

Wednesday, November 3, 2010

Dove 3

Halos pagapang akong umakyat sa kama at pumaibabaw sa kanya. Sinapo niya ang aking pisngi. Tumitig siya sa aking mga mata at dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha. Nalanghap ko ang mainit at mabango niyang hininga. Napapikit ako. Ibinuka ko ang aking bibig at malugod kong tinanggap ang kanyang mga labi.

Napayakap ako sa kanya habang kami ay naghahalikan. Hinaplos niya ang aking likod, ang aking puwet na marahan niyang pinisil-pisil at dinakot-dakot. Nagkiskisan ang aming mga ari. Ang ganap na pagdidikit ay hinadlangan ng kanyang suot na brief.

Binalot niya ako ng kanyang mga bisig habang patuloy ang aming mga labi sa pagtutunggali. Nagdumiin ang aming mga katawan. Nadama ko ang kanyang hubog na ang bawat paggitgit sa akin ay nagdulot ng kakaibang init.

Humulagpos ako sa kanyang pagkakayakap at bumaba ako sa kanyang dibdib. Hinanap ko ang kanyang mga utong. Dinila-dilaan ko ang mga iyon, sinundot-sundot at sinipsip-sipsip. Marahang inipit-ipit sa pagitan ng aking mga ngipin. Napaliyad siya at napakapit sa aking ulo, napaungol nang impit.

Bumaba ako sa kanyang tiyan. Binakas ng aking dila ang bawat depinisyon ng kanyang abs. Pinaikutan ko ang kanyang pusod. Sinukat ko kung gaano kalalim iyon at sinimsim-simsim, hinigop-higop.

Hinatak ko pababa ang kanyang brief. Umigkas ang kanyang pagkalalaki na parang jack-in-the-box. Lumikha pa iyon ng slap! nang humampas sa kanyang puson. Nagulat ako dahil napakalaki niyon. Sa wakas, nakatagpo rin ako ng katapat.

Pinagmasdan ko iyon. Mamula-mula ang ulo na hugis-kabute. Mataba ang tagdan at manipis ang balat. Nanuot sa aking ilong ang sariwang halimuyak. Para akong natakam sa isang matamis at makatas na prutas.

Subalit pinili ko munang ipagpaliban ang pag-atake roon upang siya ay pasabikin.

Sinuklay-suklay ko muna ng aking bibig ang kanyang bulbol. Hinimod-himod ko ang kanyang mga singit at nilaru-laro na parang kendi ang kanyang mga itlog.

Napasabunot siya sa aking buhok. Napabiling-biling at napaungol.

Gumawi ako sa kanyang mga hita, sa kanyang mga tuhod. Dinila-dilaan ko rin ang mga iyon. Napasinghap siya sa kiliti. At nang sapitin ko ang kanyang mga paa, napapitlag siya nang hagkan ko ang mga iyon at isubo ang mga daliri.

Kaagad niya akong hinatak paakyat. Hindi ko alam kung hindi niya iyon nagustuhan o hindi niya lang makayanan ang sarap. Inisip ko na lang na baka hindi lang siya sanay. Ako rin naman. Ginawa ko iyon hindi dahil may foot fetish ako kundi dahil gusto ko siyang sambahin nang lubusan, ipakita kung gaano ko pinagnanasaan ang bawat sulok ng kanyang katawan.

Muli kaming naghalikan. At sa muli naming pagpapantay, nagtagpo ang aming mga bahagi na parehong naninigas. Kumadyot-kadyot ako na kanyang sinalubong at kami ay nagpingkian. Kinulong ko sa aking palad ang aming mga kaselanan. Magkadikit at magkasabay na taas-baba kong hinimas hanggang sa dumulas dahil sa paunang dagta na sabay naming inilabas.

At nang ako ay hindi na makatiis, muli akong dumausdos pababa at hindi na nag-atubili pa. Dumiretso ako sa aking pakay. Hinimod-himod ko muna iyon bago tuluyang isinubo. Kinain ko iyon na parang lollipop.

Nabalisa si Gilbert at nagsimulang mamilipit. Halos ipagdiinan niya ang aking mukha. Namumuwalan man, ipinagpatuloy ko ang pagsibasib.

Siguro dahil ayaw niya munang makarating kung kaya muli niya akong hinila pataas. Muli niya akong hinalikan. At pagkatapos, ako naman ang kanyang pinahiga at pinaibabawan.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang paghalik na sumiil sa aking mga labi. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit at napapikit. Ginawa niya rin sa akin ang mga ginawa ko sa kanya.

At bago ko namalayan, nasa loob na ako ng kanyang bibig at nagtataas-baba na siya.

Halos magdeliryo ako sa sarap. Isipin ko lang na siya ang gumagawa niyon sa akin ay parang lalabasan na ako. Subalit ayaw ko muna iyong matapos kaya pinigil ko ang tuluyang pag-akyat sa rurok. Nanatili ako sa isang lebel na abot-kamay lang ang langit.

Para akong nagising mula sa isang napakagandang panaginip nang bumitiw siya sa akin. Subalit hindi pa pala siya tapos. Pinadapa niya ako.

Gumapang ang kanyang mga halik sa aking batok, sa aking likod, pababa sa mga pisngi ng aking puwet na buong panggigigil niyang kinagat-kagat at halos paliguan niya ng himod. Nanuot din ang kanyang dila at ako ay siniklut-siklot. Tapos pumatong siya sa akin at naramdaman ko ang kanyang pagtutok. Hindi talaga ako nagpapapasok subalit hindi ko magawang tumutol. Napakapit na lamang ako sa gilid ng kama at nagpaubaya.

Naramdamanan ko ang kanyang paggiit. Para akong pinupunit. Napakagat-labi ako at napaluha sa sakit. Subalit dahil gusto ko rin, tiniis ko iyon. Ayaw ko siyang biguin. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat sa akin.

Dahan-dahan siyang kumadyot hanggang sa tuluyan na siyang bumaon. Unti-unting napawi ang kirot na nahalinhan ng sarap nang siya ay maglabas-masok. Habol ang hininga na sinalubong ko ang kanyang bawat ulos na sumundot sa G-spot ko at naghatid ng kakaibang sensasyon.

Inikot niya ako at pinahiga. Isinampay niya ang mga binti ko sa kanyang balikat at patuloy niya akong ginalugad.

Hinawakan niya ang aking paghuhumindig at hinagod sabay sa kanyang pag-ayuda. Idinuyan ako ng kakaibang ligaya na noon ko lang nadama.

Bumilis nang bumilis ang kanyang mga ulos. Gayundin ang pagbayo niya sa akin.

Ilang sandali pa, nanigas na ang mga katawan namin.

Halos mapugto ang aming mga hininga sa hindi maampat-ampat na pagsirit ng aming mga katas.

***

Mataas na ang araw nang ako ay magising.

Kaagad kong hinanap si Gilbert subalit mag-isa na lamang ako sa silid. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nalungkot.

Nakita ko ang perang nasa bedside table. Parang ayaw ko iyong damputin. Siguro dahil gusto ko pang mag-hold on sa aking ilusyon.

Tumayo ako at nagbihis. Ni-remind ko ang aking sarili na business lang ang nangyari kaya hindi ko dapat haluan ng emosyon.

Binilang ko ang pera.

Labis-labis iyon sa napag-usapan namin.

(Itutuloy)

Part 4

Sunday, October 24, 2010

Dove 2

Akala ko dadalhin niya ako sa isang mumurahing motel sa Cuneta (nasanay na kasi ako na doon dinadala ng mga pumi-pick-up sa akin) subalit tumuloy kami sa isang mamahaling hotel sa Roxas Boulevard. Iyon ang una kong pagkakataon na makatapak sa ganoon karangyang lugar at hindi ko naiwasang mamangha habang nagmamasid.

Pinaupo muna ako ni Gilbert sa lobby bago siya tumungo sa front desk. Magiliw siyang hinarap ng front desk personnel. Muli kong iginala ang aking paningin at in-appreciate ang paligid.

Nang bumalik si Gilbert, akala ko didiretso na kami sa kuwarto subalit niyaya niya ako sa music lounge ng hotel.

“Uminom muna tayo,” ang sabi.

Pagbungad namin, napansin ko na mangilan-ngilan na lamang ang tao sa loob. Siguro dahil pasado alas-dos na. Patuloy sa pag-awit ang singer kahit tila walang pumapansin sa kanya.

“Are you hungry?” ang tanong ni Gilbert pagkaupo namin.

Lumapit ang waiter.

Kahit gutom ako, tumanggi ako sa alok niyang umorder. Ayoko kasing magmukhang nagte-take advantage.

“Beer na lang,” ang sabi ko.

Subalit umorder pa rin siya ng makakain. Siguro halata sa mukha ko na gutom ako. Humingi rin siya ng isa pang beer.

Tahimik kami. Ibinaling ko ang aking atensiyon sa singer at nakinig sa kanyang inaawit. The Nearness of You. Ewan ko kung bakit parang humaplos iyon sa akin. Ewan ko kung bakit parang may ginising iyon na pangungulila sa aking puso. Siguro dahil sa malamyos na tinig ng mang-aawit o dahil sa madamdaming accompaniment.

Dumako ang tingin ko kay Gilbert. Nakikinig din siya subalit nakatingin sa akin. Nang magtama ang aming mga mata, may ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Para akong na-conscious pero ngumiti rin ako.

“You like the song?” ang tanong niya.

Tumango ako.

“Ako rin,” ang sabi niya. “It reminds me of somebody.”

Bago pa ako nakapagtanong kung sino ang naaalala niya sa kanta, dumating na ang kanyang inorder. Na-distract na ako sa pagsisilbi ng waiter.

Kaagad siyang tumungga ng beer.

Ako naman, sinapinan ko muna ng fish and chips ang aking sikmura bago ako uminom. Mahirap nang mag-acidic kasi gutom nga ako. Ayokong mabigo si Gilbert sa performance ko. Ewan ko pero parang gusto ko siyang i-please, tumbasan ang bawat sentimong ibabayad niya sa akin. Sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa ganitong trabaho, inisip ko ang total customer satisfaction.

Muli akong napatingin kay Gilbert at nakita kong pinanonood niya ako habang kumakain. Muli siyang ngumiti. Alam kong na-obvious na ako na hindi pa nagdi-dinner. Sinikap ko na lang maging pino ang bawat pagsubo at pagnguya ko upang maging disimulado.

Patuloy sa pagkanta ang singer. Hindi ko alam kung bakit parang bigla, naiugnay ko ang kanta kay Gilbert. Hindi ko alam kung bakit habang pinagmamasdan ko siya, nagkaroon ako ng longing sa imahe ng perfect lover na pinatutungkulan ng lyrics.

“May girlfriend ka na ba?” ang tanong niya sa akin.

“Wala,” ang tugon ko sabay iling.

“Boyfriend?”

“Wala rin.”

“Bakit?”

“Sa ginagawa kong ito, mahirap ang may karelasyon. At saka may ibang priorities ako.”

“Katulad ng?”

“Sasabihin ko ba?” Nag-alinlangan ako dahil baka isipin niya, gumagawa lang ako ng kuwento.

“Bakit naman hindi?” ang pilit niya.

Hindi na ako nagkaila. “Pag-aaral. Gusto ko kasing makatapos.”

“Nag-aaral ka?” ang tanong niya na parang nasorpresa.

“Oo. Nagsisikap para sa kinabukasan.”

“Kaya mo ba ginagawa ito?”

Tumango ako at tuluyan nang nagsiwalat ng tungkol sa aking sarili. “Probinsyano ako. Iginagapang lang ng mga magulang ko ang pag-aaral ko. Mahirap lang kami at kinakapos lagi sa pantustos. Ayoko na silang pahirapan pa kaya naghanap na lang ako ng paraan upang kumita ng ekstra.”

Nakatingin lang siya sa akin na hindi ko alam kung naniniwala sa sinabi ko. Ang istorya kasi ng buhay ko ay walang ipinag-iba sa gasgas nang istorya ng bawat callboy sa Metro Manila. Pero iyon ang totoo.

Muli siyang lumagok ng beer na sinabayan ko.

“Ikaw, may boyfriend ka na?” Ako naman ang nagtanong. Gusto kong ilayo sa akin ang topic bago pa man siya mag-isip ng kung ano.

“Wala na. Naghiwalay na kami noong isang linggo.”

Hindi ako nakakibo sa matapat niyang sagot. Naunawaan ko ang lungkot na kanina ko pa nasilip sa kanyang mga mata.

“Ipinagpalit niya ako,” ang patuloy niya.

“Ha? Kanino?” ang tanong ko.

“Sa isang katulad mo.”

***

Tahimik kami habang paakyat sa kuwarto. Pinagmasdan ko ang repleksiyon namin sa salamin na nakapalibot sa elevator. Lihim akong nangiti. Tingin ko kasi, bagay kami. Hindi halata ang agwat ng edad namin at estado sa buhay. Maaari kaming maging mag-boyfriend. Pero, siyempre, nangangarap lang ako. Ewan ko ba pero mula pa kanina nang una ko siyang makita, kung anu-ano nang isipin ang pumapasok sa utak ko. Na kung malalaman niya, tiyak na pagtatawanan niya lang ako at baka sabihin niya pa: dream on!

Pagkapasok namin sa kuwarto, nauna na siyang maligo. Dinig ko ang lagaslas ng shower sa banyo at nai-imagine ko ang paghulas ng mga bula ng sabon sa kanyang katawan. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa antisipasyon. Naupo ako sa kama at pinagmasdan ang kabuuan ng maluwag na kuwarto na natatanglawan ng madilaw na ilaw.

Maya-maya pa, bumukas na ang pinto ng banyo. Lumabas siya na tanging white briefs lang ang suot. Napagmasdan ko ang magandang hubog ng kanyang katawan. Obvious na nagdyi-gym siya. Toned ang kanyang chest. Flat ang kanyang tiyan. Firm ang kanyang thighs. Nakadama ako ng stirrings sa aking kaibuturan habang papalapit siya sa aking kinaroroonan.

“Your turn,” ang kanyang sabi na gumising sa aking pagkatigagal.

Kaagad akong tumayo at pumasok sa banyo. Hinubad ko ang aking damit at pinagmasdan sa salamin ang aking kabuuan. Hindi man ako gym-toned, alam kong kaibig-ibig din ang aking katawan na akma lang sa mura kong edad. Payat pero malaman.

Habang nagsasabon, dinama ko kung gaano kakinis ang aking balat. Alagang-alaga ko ito kahit noong bata pa ako. Lalo na ngayon dahil pinagkakakitaan ko na ito. Sinalat ko rin ang matambok kong puwet na minsan na ring may nagpumilit umangkin. Hinimas ko ang aking pagkalalaki na kanina pa nag-uumigting. Higit sa anupamang bahagi ng aking katawan, dito ako pinaka-proud dahil alam kong hindi pangkaraniwan ang sukat nito. Marami-rami na rin ang namangha at nabaliw rito.

Nagmadali ako dahil parang hindi ko na matimpi ang aking pananabik. Gusto ko nang ipadama kay Gilbert ang kakayahan kong magpaligaya. In the same way na gusto ko na rin siyang madama.

Lumabas ako na nakatapi lang ng tuwalya.

Nadatnan ko si Gilbert na nakahiga na sa kama.

Mataman niya akong pinagmasdan. May kislap ng pagnanasa sa kanyang mga mata.

Lumapit ako dahan-dahan. Mapanukso ang bawat hakbang.

At bago pa ako tuluyang makarating sa kanya, nalaglag na sa lapag ang tuwalya.

(Itutuloy)

Part 3

Thursday, October 21, 2010

Bedazzled

Akala ko tuluyan na akong magreretiro. At makukuntento na lamang sa pagbabasa ng libro tuwing Sabado. Subalit muli akong nabuhayan ng dugo nang makita ko ito…



Tinimbrehan ko kaagad ang barkada na matagal-tagal ko na ring hindi nakakasama. Excited din sila. At ngayon pa lang, naghahanda na kami sa pagbabalik-eksena.

Omigosh, I have nothing to wear!

Saturday, October 16, 2010

Dove

Nagkakilala kami ni Gilbert sa kanto ng Orosa at Nakpil sa Malate. Madaling araw na noon at nakita ko siyang papalabas ng bar. Dumiretso siya sa vendor ng sigarilyo na nakapuwesto malapit sa kinatatayuan ko.

Kahit medyo intimidating siya dahil matangkad, guwapo at mukhang hindi pumapatol sa mga katulad ko, naglakas-loob akong i-approach siya. Nangangamba kasi akong ma-zero nang gabing iyon dahil kapos na ako sa panggastos sa papasok na linggo. Maaaksaya ang Sabado ko (na tanging araw na ginagawa ko iyon) kung hindi ako makakakuha ng booking.

Bumili siya ng sigarilyo at nang mapatingin siya sa akin habang nagsisindi, nginitian ko siya.

“Hi,” ang sabi ko pa.

Akala ko babalewalain niya ako (katulad ng kadalasang ginagawa sa akin ng iba dahil obvious naman kung ano ako), subalit nanatili siyang nakatingin sa akin.

Inalok niya ako ng sigarilyo na kaagad ko namang tinanggap. Nag-offer din siya ng light.

“Thanks,” ang sabi ko, nakangiti pa rin at pilit na pinagagana ang charm ko.

Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko, nakamasid sa galaw ng mga tao sa labas ng bar sa tapat. Nakiramdam ako at nag-alinlangan na muli siyang kausapin dahil expressionless ang kanyang mukha at parang hindi interesado.

Akala ko basta na lamang niya akong iiwan subalit hinarap niya ako.

“Ano’ng pangalan mo?” ang tanong niya.

Nag-light up ako. “Mark,” ang kaagad kong sagot. Siyempre, alias ko lang iyon. Anton ang totoong pangalan ko. “Ikaw?”

“Gilbert,” ang kanyang sagot. Humithit siya sa kanyang sigarilyo.

“Mag-isa ka lang?” ang follow-up ko upang huwag maputol ang aming pag-uusap.

“Oo,” ang maiksi niyang sagot.

“Baka gusto mo ng kasama. Pwede ako.” Hindi ko napigil ang kaagad na pagbebenta ng sarili ko. Pakiramdam ko kasi, nauubusan na ako ng oras. And besides, iyon naman talaga ang purpose ko kaya naka-display ako sa Malate.

Hinagod niya ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang na-conscious ako.

“Magkano?” ang tanong niya.

It was a relief na hindi ko na kinailangang mag-sales talk pa. Gulat din ako dahil pagbabakasakali lang ang alok ko sa kanya and I was half-expecting na tatanggi siya. Sabi ko nga, hindi siya iyong tipong magbabayad sa sex. Sa itsura niya, maraming magkakaloob niyon nang libre.

Nagpresyo ako.

Pinitik niya ang kanyang sigarilyo. “Ok. Sumama ka sa akin.”

Higit akong nagulat dahil kumagat siya. At hindi tumawad. Feeling ko ang suwerte ko dahil bukod sa hindi na ako nahirapang mangumbinsi, ang guwapo pa ng bumili sa akin. Aaminin ko, attracted ako sa kanya at kahit trabaho lang iyon, nakaramdam ako ng excitement sa napipintong pagse-sex namin.

Nagpauna na si Gilbert sa paglalakad at sumunod ako. Akala ko, sasakay kami ng taksi subalit may kotse pala siya na naka-park sa di-kalayuan. Na-impress ako.

“Ilang taon ka na?” ang tanong niya sa akin nang bumibiyahe na kami.

“Twenty.”

“Masyado ka pang bata.”

Gusto ko rin sanang itanong kung ilang taon na siya subalit naisip ko, kailangan pa ba? Tinantiya ko na lang ang edad niya na sa tingin ko ay nasa bente-otso o bente-nuwebe lang.

“Matagal mo na ba itong ginagawa?” ang muli ay tanong niya.

“Bago pa lang.” At the risk na magmukha akong sinungaling, sinabi ko ang totoo. Hindi naman kasi talaga ako full-time callboy. Ginagawa ko lang iyon kapag may pangangailangan. Although of late, ang dalas kong mangailangan kaya ang dalas ko ring magpa-pick-up.

“Guwapo ka. Siguro maraming nagkakagusto sa'yo,” ang muli ay sabi niya.

“Hindi naman,” ang sagot ko. Ewan ko kung bakit parang na-flatter ako sa sinabi niyang guwapo ako. Ibig bang sabihin, attracted din siya sa akin? Malamang, dahil kung hindi, hindi niya ako kukunin. Pero bakit parang wini-wish ko na may mas malalim pang kahulugan iyon? Na naguguwapuhan siya sa akin hindi bilang isang parausan lamang kundi bilang isang tao na may damdamin at pagkatao.

Hindi na siya muling nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Sumulyap ako sa kanya at sa tama ng headlights ng mga sasakyang kasalubong namin, muli kong napagmasdan ang kanyang mukha. Napaka-prominent ng features niya. Subalit ang higit na tumawag sa akin ng pansin ay ang kanyang mga mata. Hindi dahil napakaganda ng mga iyon kundi dahil may nabanaagan akong lungkot na nagkukubli roon. I wondered kung ano ang sanhi niyon.

Naglayo ako ng tingin at marahang bumuntonghininga. Nalanghap ko ang amoy ng kotse niya. Napakabango at amoy bago. Nalanghap ko rin ang amoy niya. Lalaking-lalaki at hindi man ako maalam sa mga pabango, alam kong mamahalin ang gamit niya.

Kadalasan, sa sasakyan pa lang, hinihipuan na ako ng mga customer ko. Sinusukat na ang pagkalalaki ko. I was secretly hoping na gagawin iyon ni Gilbert sa akin pero nanatili sa manibela ang kanyang mga kamay.

Pinagmasdan ko ang kanyang grip, kung paano bumalot sa manibela ang mahahaba at mapipintog niyang mga daliri. Inimagine ko na sa akin nakabalot iyon at kung ano ang pakiramdam niyon. Nagsimula akong magkaroon ng hard-on.

Muli akong napabuntonghinga.

“Ayos ka lang?” ang tanong niya.

“Yup. Excited lang,” ang pag-amin ko.

Tumingin siya sa akin as I shifted uncomfortably.

At sa unang pagkakataon, nakita ko siyang ngumiti.

(Itutuloy)

Part 2

Wednesday, October 6, 2010

Pag-uulayaw

“Nakakatawa tayo, ano?”

“Bakit naman?”

“Ang tagal na nating hiwalay pero nagkikita pa rin tayo.”

“Oo nga.”

“At nagse-sex.”

“Bakit nga ba natin ito ginagawa?”

“Siguro dahil nasanay na tayo.”

“Siguro nga.”

“Bakit parang ang hirap mag-let go? Kahit mayroon na tayong iba?”

“Siguro dahil mahal pa rin natin ang isa’t isa.”

“Bakit nga ba tayo naghiwalay?”

“Dahil hindi na tayo magkasundo.”

“Bakit kung kailan hiwalay na tayo saka natin hinahanap-hanap ang isa’t isa.”

“Siguro dahil totoo ‘yung kasabihan na mare-realize mo lang ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na ito sa’yo.”

“Maaari pa ba tayong magbalikan?”

“Sinubukan na natin minsan pero hindi nag-work-out, di ba?”

“Bakit ganoon? Dalawang beses ka nang napasaakin, pinakawalan pa rin kita.”

“Dahil dalawang beses din akong sumuko. Paulit-ulit na lang kasi ang mga problema natin.”

“Pero heto, magkasama na naman tayo sa isang pribadong lugar. Hindi ba dapat itigil na natin ito?”

“Ikaw, gusto mo na ba?”

“Gustuhin ko man, mahihirapan akong gawin.”

“Bakit?”

“Dahil gumive-up man tayo noon sa relasyon natin, hindi nawala ang love.”

“O lust?”

“Siguro. If that is how you’re going to explain the longing we’ve always felt for each other.”

“Bakit ganoon, when I think of somebody I want to make love with, ikaw ang naiisip ko. When I pleasure myself, ikaw ang ini-imagine ko.”

“Ako rin, iniisip ko ang mga bagay na ginagawa ko sa’yo at ang mga bagay na ginagawa mo sa akin. Parang naririnig ko pa ang mga ungol mo at ang mga ungol ko…”

“Lagi kong pinananabikan ang init na dumadaloy sa katawan ko kapag ako ay nasa kaloob-looban mo.”

“Compatible tayo sa sex. Napapaligaya natin nang husto ang isa’t isa sa kama. But not outside of it.”

“Not because we haven’t tried.”

“But because we’ve tried so hard. Twice.”

“Sabi nga, we can’t have it all. Kaya siguro tayo nagkakasya sa ganito.”

“Ang gulo nating dalawa, ano?”

“Oo nga. Parang ang hirap intindihin kung anong meron tayo.”

“Nakaka-guilty din kung minsan dahil pareho na tayong may ibang karelasyon.”

“Pero ang hirap paglabanan.”

“Sabi nga, masarap ang bawal.”

“Masaya ka ba?”

“Oo naman. Kahit ganitong panakaw lang.”

“Ako rin. Masaya akong nagiging tayo pa rin. Kahit paminsan-minsan lang.”

Saturday, October 2, 2010

Burstday



Count your life by smiles, not tears,

Count your age by friends, not years.


"The more you praise and celebrate your life, the more there is in life to celebrate." -- Oprah Winfrey

Wednesday, September 29, 2010

Still

Hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon. Out of the blue, tinext ko siya.

“Hey, kumusta? Ano nang balita sa’yo?”

“Who’s this?” Medyo na-offend ako sa reply niya. Ibig sabihin, binura niya na ako sa phonebook niya.

But I decided to pursue and play along. “Ang ex mo na mahal mo pa rin hanggang ngayon.”

Akala ko hindi na siya sasagot pero pagkaraan ng ilang sandali, muling tumunog ang cellphone ko. “Aris?”

Nagulat ako. “How did you know it was me?”

“Ikaw lang naman ang ex ko na may feelings pa ako hanggang ngayon.”

Parang haplos iyon sa aking puso. Parang bigla akong natuwa.

“Bakit mo dinelete ang number ko?” ang sumbat ko.

“Para makalimutan na kita kasi may BF na ako,” ang sagot.

Ouch.

“Pero lagi pa rin kitang naaalala,” ang dugtong.

Talaga?

“Lapit na birthday mo ah,” ang sabi niya.

Gulat uli ako. “You still remember?”

“Sabi ko nga, lagi pa rin kitang naaalala. Hindi ko nakakalimutan ang mga importanteng araw na may kinalaman sa’yo. Pati nga anniversary natin, alam ko pa rin.”

Muli kong napatunayan ang kakaibang epekto niya sa akin. Nagagawa niya pa rin akong papaghinain sa konting salita lang.

“Ano’ng regalo mo sa kin?” ang tanong ko.

“Hugs and kisses, gusto mo?” ang sagot niya.

“Magagalit ang BF mo.”

“I want to see you.”

“Hindi na dapat.”

“I miss you. Nami-miss mo rin ba ako?”

Hindi ako sumagot.

“I still love you.”

Nanatili akong tahimik.

“Mahal mo pa rin ba ako?”

Pigil na pigil akong aminin ang tunay na damdamin ko.

“Magkita tayo sa birthday mo. I-celebrate natin iyon nang magkasama. Katulad nang dati. Kunwari tayo pa rin.”

Nagbara ang lalamunan ko. Pumarada sa isip ko ang masasaya naming alaala.

“Aris, I still want to make you happy. Kahit paminsan-minsan lang.”

Nanlabo ang mga mata ko kasabay ng panlalabo ng reasoning ko.

Tuluyan na akong bumigay. “Okay. Sige, magkita tayo.”

Alam kong mali. Pero siguro naman, maaari pa rin naming balikan ang aming nakaraan para sumaya naman ako.

Kahit panandalian lang.

Sunday, September 26, 2010

Chances 8

Nasa loob ng Operating Room si Darwin. Napakabagal ng mga sandali habang naghihintay sa labas sina Alvin at Mimi. Tahimik sila. Batbat ng magkakahalong emosyon – shock, takot, pangamba.

Pagkaraan ng halos tatlong oras, bumukas ang pinto ng Operating Room. Kaagad na sinalubong nina Alvin at Mimi ang doktor. Nagtatanong ang kanilang mga mata.

Makulimlim ang mukha ng doktor na humarap sa kanila. “I’m sorry…” ang sabi.

Nayanig sila sa mga sumunod pang narinig. Nagsikip ang dibdib ni Alvin. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Napakapit siya nang mahigpit kay Mimi.

Nagsimula siyang umiyak. Niyakap siya ni Mimi.

“Oh my God. Oh my God,” ang paulit-ulit niyang usal.

***

Mula sa glass window ng ICU ay pinagmasdan ni Alvin si Vincent.

Nakalulunos ang ayos nito. Balot ng benda ang ulo. Naka-oxygen at nakakabit sa aparato. Walang malay at under observation pa dahil grabe ang mga pinsalang tinamo.

Dumaloy ang mga luha ni Alvin. Parang dinudurog ang kanyang puso.

“Lumaban ka, Vincent. Lumaban ka,” ang bulong niya.

Kung maaari niya nga lang hawakan at hagkan ang kamay nito.

***

“All I wanted is to love and be loved,” ang sabi niya kay Mimi. Nasa isang coffee shop sila sa may tabing dagat habang papalubog ang araw. “Bakit kailangang maging napaka-kumplikado ng pag-ibig?”

Nakikinig lang si Mimi. Alam niyang bottled-up na ang mga emosyon sa dibdib ni Alvin kaya hinayaan niya itong maglabas ng saloobin.

“Bakit kailangang mangyari ito?” ang tanong pa ni Alvin.

Bumuntonghininga si Mimi. “Hindi kita sasagutin ng cliché na may purpose ang bawat pangyayari sa buhay ng tao. Dahil maaaring wala. Pang-asar lang. Mapagbiro ang tadhana at gusto lang tayong gawing miserable. Pero bakit natin papayagan iyon? We only become miserable if we allow ourselves to be. Bakit ko hahayaang maging biktima ako ng putang-inang tadhana? Gawin niya na ang lahat ng gusto niya. Patayin niya na ako. Lalaban pa rin ako at hindi magpapatalo.”

“I actually feel defeated right now. Parang wala na akong lakas lumaban.”

“Alam mo kung bakit? Dahil ayaw mong tanggapin ang mga nangyari. Bakit hindi mo harapin ang biro ng tadhana. Pagtawanan mo kasi biro nga.”

“Hindi nakakatawa ang biro sa akin ng tadhana.”

“Pero wala kang choice. Hindi mo kontrolado ang mga pangyayari. Kung hindi mo pagtatawanan, talo ka. Hindi pwedeng maloka ka na lang forever dahil kapag nagkaganon, ikaw na mismo ang magiging biro. Alam mo, Alvin, marami na rin naman akong mga pinagdaanan pero heto, alive and kicking pa rin ako dahil sa bawat pagsubok na dumating sa buhay ko, lumalaban ako.”

“I wish I could be as strong as you.”

“Maaari kang maging strong. At magsisimula ang lahat sa acceptance.”

“Pero parang nawasak na ang mga pangarap ko sa buhay.”

“Kapag nagkaroon ka na ng acceptance, magagawa mo nang buuin muli ang mga nawasak sa iyong buhay. Maaari mo nang buuin pati ang iyong sarili.”

***

Pagkalipas ng ilang araw, idineklara nang out-of-danger si Vincent. Inilipat na ito sa isang private room. Nababalutan pa rin ng benda ang ulo at naka-cast ang leeg at braso. Naka-oxygen at naka-dextrose. Unconscious pa rin dahil sa epekto ng mga gamot.

Lumapit si Alvin. Naupo siya sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay ni Vincent. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nanumbalik sa kanyang alaala ang masasaya nilang sandali. Mahal na mahal niya pa rin ito subalit nakapagpasya na siya.

Idinikit niya ang kamay ni Vincent sa pisngi niya. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa masaid ang kanyang mga luha.

“Goodbye, Vincent,” ang usal niya.

Hinagkan niya ito sa huling pagkakataon bago siya lumabas ng silid.

***

Panahon ng taglagas. Nagkalat ang mga tuyong dahon sa park. Malamig ang simoy ng hangin na tila hihip ng pamamaalam.

Mula sa malayo, tinatanaw ni Alvin ang imahe ng dalawang nilalang na pilit ibinabangon ang mga sarili at humaharap sa bagong simula. Dalawang nilalang na nakakapit pa rin sa pag-ibig at humuhugot ng lakas sa isa’t isa.

Tulak-tulak ni Vincent ang wheelchair ni Darwin na nakukumutan ang ibabang bahagi ng katawan upang itago ang kawalan na nito ng mga binti.

Sinadya ni Alvin na magkubli. Ang balak niya sana ay magpapaalam siya subalit minabuti niyang huwag nang balikan pa ang mga mapapait na pinagdaanan nila. Sapat nang makita niyang masaya ang dalawa.

Bukas ay nakatakda na siyang mangibang-bansa upang harapin din ang bago niyang simula.

May kirot man sa kanyang puso, may kapanatagan naman sa kanyang kalooban dahil natanggap niya na ang lahat. Naroroon pa rin ang kanyang pag-ibig subalit hindi na iyon makasarili kundi mapang-unawa na at mapagparaya.

Tumalikod siya at humakbang palayo.

Umihip ang hangin at itinaboy ang mga tuyong dahon sa paanan niya.

Tiningala niya ang mga puno. Nahuhubdan man ang mga sanga nito ngayon, alam niya na muli itong sisibol sa pagpapalit ng panahon.

Wednesday, September 15, 2010

Getaway

This is where I am going to be in the next five days...


It is actually a spiritual journey…

But it will also be exciting and fun.

I will hit the beach...


And the bars, too…


I will sample the local delicacies…



(Opps, wrong pic)

And maybe even try this…


Manila is so stressful. Bakasyon muna ako sandali. See you, guys, soon. :)