Wednesday, December 17, 2008

Singles

Noong nakaraang Sabado nang gabi, ako ang unang dumating sa tagpuan namin ng barkada sa Malate.

Umorder ako ng Strong Ice at nagpaka-busy sa pagte-text habang mag-isang umiinom.

Maya-maya dumating na si A. Nagtaka ako kung bakit naglalakad siya.

“Asan ang motorsiklo mo?” ang tanong ko.

“Di ko dinala kasi maglalasing ako ngayong gabi. Break na kami ni J,” ang sagot.

“Ay, kami rin ni GP.”

Napatingin siya sa akin, parang hindi makapaniwala. “Bakit? Anong nangyari?”

“Umupo ka muna, friend, at umorder.”

Sumenyas ako sa waiter. Red Horse ang inorder ni A. Nagulat ako nang maglabas siya ng yosi.

“Nagyo-yosi ka na? Kelan pa?” ang tanong ko.

“Nung mag-break lang kami. Nag-iinom ako. Masarap palang mag-yosi habang umiinom.”

Wala akong masabi. Nagyo-yosi rin kasi ako kaya wala akong karapatang mangaral.

“Bakit kayo nag-break?” ang tanong niya sa akin sabay sindi ng yosi.

Hindi ako sigurado sa isasagot ko sa kanya. Lumagok muna ako ng beer at nagsindi rin ng yosi.

“I really don’t know…” ang sabi ko pagkaraan. “Basta nitong nakaraang linggo, wala na lang kaming communication. I stopped texting kasi hindi na siya nagre-reply sa mga text ko.”

“Ganon lang?”

“Tumawag siya minsan sa office. I was in a meeting. Di na siya tumawag uli. Di niya rin sinasagot ang mga tawag ko.”

“Last Saturday, absent ka sa gimik. Nagkita ba kayo?”

“We were supposed to go to Tagaytay nung weekend but suddenly, hindi na siya pwede. May school project daw sila at kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng kaklase niya. Sunday afternoon, I was inviting him out. Ilang ulit ko siyang tinext pero hindi siya nagre-reply.”

“Hmm…”

“Isang linggo na kaming hindi nag-uusap. So by default, break na kami. Ewan ko ba, may curse yata talaga ako. Kapag pumapasok ako sa relationship, sandaling kaligayahan lang, tapos, wala na. ”

“Palagay mo, may extra-curricular activity siya?”

“Maybe. Pangalawang beses nang nangyari ito. Overnight siya tapos hindi niya sinasagot ang mga text ko. Pinaka-hate ko pa naman yung hindi nagre-reply lalo na kapag nagtatanong ako. Friend, hindi naman ako makulit. Isang sagot lang, kuntento na ako. Kung importante ako sa’yo, hindi mo ako dededmahin, di ba? Not unless may pinagkakaabalahan kang mas importante sa akin.”

“Yan din ang ikinainis ko kay J. Yung hindi nagre-reply sa text na parang I don’t exist. Hello, boyfriend mo ako. Bakit mo ako binabalewala kapag nagte-text ako sa’yo. Pasalamat ka nga, tinetext kita. Ibig sabihin importante ka. Sumagot ka naman para ipakita mo rin na importante ako.”

“Yan din ba ang dahilan kung bakit break na kayo ni J?”

“Among other things. Hindi naman kaila sa’yo na lately we have been fighting a lot.”

“So, ano ang pinag-awayan nyo na finally nag-decide kayong maghiwalay na lang?”

“Katulad pa rin ng dati na nakaplano na ang weekend namin, magkaka-cancel out siya dahil biglaan, nagkaroon sila ng lakad ng barkada niya. Noong una, iniintindi ko siya. Pero ngayon, malinaw na sa akin ang priorities niya at hindi ako kasali roon. Nakakalungkot kasi mahal ko siya. Pero ayoko nang kawawain ang sarili ko. Alam mo naman ako, friend, lagi akong desperado na magka-relationship kaya kapag nagkaka-boyfriend ako, todo-bigay ako… todo-tiis to the point na nagpapaka-martir talaga ako. Pero itong sa amin ni J, hindi ko na kaya.”

Sabay kaming lumagok ng beer.

“Ikaw, mahal mo pa ba si GP?” ang tanong ni A.

“Oo. Kaya lang ayoko na rin ng drama. Lalo na sa mga panahon ngayon na masyado akong busy sa trabaho. Nakakadagdag lang sa stress.”

“Sinabi mo pa…”

“Pero hindi ko sinasabing nasa kanya lang ang mali. Nasa akin din siguro. Hirap din kasi akong maging full-time boyfriend. Sa mga pagkakataong sinisikap kong magkaroon ng time para sa kanya, hindi kami magtagpo.”

“Uminom na lang tayo. At i-enjoy ang pagiging single uli.”

We toasted and drank again from our bottles.

And then we ordered for another round.

Dumating si L. Isa sa pinakabata sa grupo namin pero pinaka -- how shall I say it? -- walang inhibition. Ilang Sabado rin siyang hindi umeksena sa Malate. Nakita ko sa Friendster niya ang dahilan kung bakit. Nagka-jowa siya. Nasa main pic at shout-out niya ang ebidensya. Nakita ko rin sa Friendster niya ang dahilan kung bakit naririto siya ngayong gabi. Kanina lang, napansin ko, wala na ang mga pics ni “bebehco” sa profile niya at ang status niya, single uli.

“Gurl! I missed you!” ang bati niya sa akin sabay beso. Bumeso rin siya kay A.

“May napansin ako sa Friendster mo,” ang sabi ko.

“Ano yun?”

“Biglang may-I-disappear ang mga pics ni bebehmo.”

“Break na kami,” ang sabi ni L na lungkot-lungkutan habang sumesenyas sa waiter ng iced tea.

“Ikaw din?” ang tanong ni A na parang na-aamuse na nasa iisang bangka kaming tatlo.

“Bakit? Ikaw rin ba?” ang balik-tanong ni L kay A.

“Yes. At si Aris din.”

“Ano ba yan? Magpapasko pa naman.”

“Bakit kayo nag-break?” ang tanong ko.

“Hindi siya seryoso sa akin.”

“At bakit ka naman niya seseryosohin, aber, e napaka-playgirl mo?” ang pagbibiro ni A kay L.

“Gurl, nagpapakatino na ako para sa kanya kasi nga, mahal ko siya. Pero, exactly, yun ang tingin niya sa akin. Malandi. Hindi siya naniniwala na capable akong magpakatino para sa kanya. Ang gusto niya, open relationship. Believe it or not, gurl, ayoko. Dahil kung makikipag-sex din lang ako sa iba at siya ganun din, walang saysay ang relasyon namin.”

Pagdating ng iced tea ay kaagad itong tinungga ni L.

“Bakit hindi ka mag-beer, gurl? Iinom natin ang mga sama ng loob sa boyfriends – I mean, ex-boyfriends – natin!” ang suhestiyon ko.

“Ayokong malasing.”

“Bakit? Nagpapakatino ka pa rin ba?” ang biro uli ni A.

“Ay, hindi na nga pala. Ok, get me a San Mig Light!”

Natawa kami ni A. Ako na ang umorder ng beer para kay L.

Maya-maya, dumating si M. Ang friend namin na always single dahil mahiyain sa lalaki. Pero mukhang finally, lumabas na siya sa kanyang kabibe dahil may excited na chika si A tungkol sa kanya.

“Makinig kayo,” ang pagtawag ni A sa atensyon namin ni L pagkatapos ng beso-beso namin kay M. “May mainit akong kwento tungkol kay M!”

Pinandilatan ni M si A pero naka-smile siya. Umupo siya sa mesa namin.

Lumapit sa amin ang waiter.

“Pilsen,” ang order ni M.

Pag-alis ng waiter, nagpatuloy si A. “Friday last week, nag-Obar kami. And guess what, lumandi nang husto si M. Yung hindi niya ginagawa sa Bed, ginawa niya sa O!”

“Shut up!” ang saway kunwari ni M kay A pero nakatawa siya.

Parang hindi ako makapaniwala dahil si M ang tipo na palilipasin ang buong magdamag sa Bed na nasa isang sulok lang at hirap na hirap akong ibuyo sa mga lalaki.

“At ano yung mga pinaggagawa ni M?” ang tanong ni L.

“Nakipaghalikan siya. Hindi lang sa isa kundi sa dalawa!”

“Oh my God,” ang reaksyon ko. “M, I am so proud of you!”

“Aris, ginaya lang kita. You are such an inspiration!” ang sagot ni M.

Natawa ako.

Dumating ang Pilsen. Uminom kaagad si M.

“Antagal nilang naghalikan nung pangalawa,” ang patuloy na kwento ni A. “And take note, ang cute nung guy! Nainggit talaga ako!”

“Talaga?” sabay pa kami ni L.

“Stop it!” ang saway uli ni M kay A.

“At hindi lang yun,” ayaw paawat ni A. “Nagpa-take-home siya dun sa guy!”

Napanganga kami ni L. Hindi kami makapaniwala. Nagpaka-wild nga si M! Hindi na siya isang Maria Clara.

“I am so happy to hear that!” ang sabi ko sabay tawa.

“Saang motel ka dinala?” ang tanong ni L.

“Excuse me. Sa condo niya!” ang proud na sagot ni M.

“Bongga!” ang tili ni L.

“And so… you are seeing him now?” Excited ako sa prospect na magkaka-boyfriend na si M.

“It was just a one night stand,” ang sagot ni M without batting an eyelash.

Natahimik kami nina L at A. Napatingin kami kay M.

“Ang sarap-sarap maging single, noh!” ang hirit ni M. “Why spoil it?”

Sabay-sabay kaming napangiti.

“Let’s drink to that!” ang anyaya ko.

Sabay-sabay naming itinaas ang mga beer namin.

“To being single!” ang sabi ko.

“To being single!” ang sagot ng friends ko.

Nag-umpugan ang mga bote namin.

At sabay-sabay kaming uminom.

Tuesday, December 2, 2008

Wasted

He was a new face sa table namin pagdating ko sa Silya last Saturday. Napagkamalan ko pa siya na bagong jowa ng ex ko na ka-join ng barkada. He was good looking alright but any interest sa kanya ay pinigil ng pagiging committed ko na. Distracted at consumed din ako ng longing ko kay GP at inis kung bakit wala siya gayong dapat ay magkasama kami.

“Aris, this is KM. Kapitbahay ko,” ang pakilala ni Ex. “KM, this is Aris.”

I said hello. He smiled. Pero hindi na kami nagkamay.

Nagsimula akong uminom ng Strong Ice habang nagkikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ko. KM seemed comfortable sa grupo dahil sumasali siya sa usapan, biruan at tawanan. He is only twenty two pero nagtuturo na siya sa isang university sa Manila.

Isa sa mga kaibigan ko ang pabirong nagpahayag ng interest kay KM nang malaman niya na single ito and looking. Game na sumakay si KM sa mga kantyaw namin.

“Buti na lang hindi na single si Aris,” ang sabi ng friend ko. “Dahil tiyak na makikipag-unahan yan sa akin. Type niya ang mga katulad mo.”

“Shut up!” I shot back at my friend. “Nakakahiya kay KM baka kung ano ang isipin niya.”

Napatingin ako kay KM. Nakangiti siya.

“Pero single siya tonight. Di siya sinipot ng jowa eh!” ang hirit ng isa ko pang friend.

Nakitawa ako sa biro nila pero may biglang kumirot sa dibdib ko. Tumungga ako ng beer. Inubos ko. And then I ordered for another bottle.

Tuloy ang kwentuhan at inuman. Kasali pa rin ako sa pinagtitripan.

“Bakit hindi natin tanungin si Ex kung payag siya na mapunta si Aris sa kapitbahay niya,” ang baling ng friend ko sa ex ko.

“Why not?” ang sagot ni Ex. “Basta ba single na uli siya at di niya lolokohin ang kapitbahay ko.”

“Bakit, niloko ka ba niya noon?” ang pang-iintriga ng friend ko.

“Bakit hindi ninyo itanong sa kanya?”

Kantyawan. Nakatingin sa akin si KM.

“Hoy, hindi kita niloko!” ang sagot ko kay Ex. “Ako ang iniwanan mo.”

“Hindi kita iniwanan. Tingnan mo, nandito pa rin ako.”

“Uy, nagkakalabasan na ng sama ng loob…” ang patuloy na pangangantyaw ng friends ko.

Natawa na lang kami ni Ex.

Nagtanong si KM. “May past kayo?”

Si Ex ang sumagot. “Yup. But we’re still good friends.”

Patuloy ako sa pag-inom. May gusto akong lunurin sa aking dibdib. Order lang ako ng order pagkakaubos ko ng bawat bote. Patingin-tingin ako sa aking celfone for any messages from him. Palinga-linga rin ako dahil umaasa ako na sosorpresahin niya ako at siya ay darating.

Lumagpas ako sa limit ko ng beer. Lasing na ako nang pumasok kami sa Bed pero tuwid pa naman ang lakad ko at matino pa ang pag-iisip ko.

Wala pa ring paramdam si GP.

***

We drank some more inside. We were sipping from a pitcher of blue frog habang pasayaw-sayaw. I danced with Ex, then with KM. Medyo matagal ang naging pagsasayaw namin ni KM pero sayaw magkaibigan lang na medyo may distansya. Hindi naghahawakan at hindi nag-uusap. Nagngingitian lang. Very much aware ako na hindi na ako single kaya kailangan kong mag-behave. Ayoko ring may masabi ang mga friends ko, lalong-lalo na si Ex.

Natigil lang ang pagsasayaw namin ni KM nang may lumapit sa kanya na guy na mukhang kakilala niya at binati siya. Sandali silang nag-usap at pagkaraan, napansin ko na hindi na ito humiwalay sa kanya. Sayaw-sayaw uli kami ng mga friends ko. Si KM, nakita kong kasayaw yung guy at medyo intimate sila.

Hindi ko naiwasang magtanong kay Ex: “Who’s the guy?”

“Manliligaw niya.”

We were already on our second pitcher. Feeling ko habang nalalasing kami, lalo kaming sumasaya. We danced to “Baby When The Light”. My other friends started connecting with other guys. I just stayed with my two other friends na taken na rin (one of them was my bestfriend AC). Gusto ko pa ring magpakatino kahit masama ang loob ko kay GP. Sayaw-sayaw. Inom-inom.

Biglang-bigla, naramdaman ko ang epekto ng alak. Nahihilo ako at nasusuka! I hurriedly made my way to the bathroom at muntik na akong madapa sa pagmamadali ko. Napakapit ako sa isang guy na nakatayo. Si KM pala. Sinapo niya ako, halos payakap. Nagkatapat ang aming mga mukha. At kahit umiikot ang aking paningin, nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako sa lips.

I was too drunk to react or to respond. Nasa tabi niya ang manliligaw niya at nakatingin lang.

May naramdaman akong braso na umakbay sa akin. My bestfriend AC. “Are you alright?”

“I need to go to the bathroom…” ang sabi ko.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni KM.

“Samahan na kita,” ang sabi ni AC.

At inalalayan niya ako paakyat sa banyo. I was really drunk.

After throwing up and washing my face, naupo muna kami ni AC sa couch.

“Tama ba ang nakita ko?” ang tanong sa akin ni AC.

“Anong nakita?”

“Na hinalikan ka ni KM?”

“Oo. Nagulat nga ako,” ang sagot ko.

“Alam mo na mali yun. May jowa ka na.”

“Hindi ako ang nag-initiate. Bigla niya akong hinalikan.”

“Paalala lang, gurl…”

“Kanina pa ako behave in case you haven’t noticed.”

Pagkaraang makapagpahinga at mahimasmasan, bumaba na kami ni AC. “Here I Am” was playing. I was instantly reminded about GP. Ito yung song na sinayawan namin noong magkakilala kami. Muli kong naramdaman ang lungkot sa aking dibdib. Miss ko talaga siya.
Nagsayaw na lang kami ni AC.

Sa di-kalayuan, natanaw ko si KM. Iba na ang kasayaw. Nasaan na ang kanyang manliligaw? Bakit biglang nawala? Magkayakap si KM at ang kanyang kasayaw. And they were kissing.

At one point, habang tinitingnan ko siya, napatingin din siya at nagtama ang aming mga mata. Nagpatuloy siya sa pakikipaghalikan sa kanyang kapareha habang nakatingin sa akin. I just smiled at him.

Jumoin sa amin ni AC ang dalawa pa naming friends, one of them with a pitcher of yet another lethal drink. He was again insisting that we take a sip. I obliged na parang hindi pa ako nalalasing. Go lang nang go. Sige lang nang sige. Kailangan kong mag-enjoy at makalimot.

We danced and drank until 5:00 am. Hindi na namin namalayan ang isa-isang pagkawala ng iba pa naming mga kasama. Nakalimutan ko na rin ang tungkol kay KM.

Lumabas kami at naglakad na magkakaakbay ng mga friends ko. Saglit kaming huminto sa tapat ng O Bar para mag-hello sa mga kakilala na nakita namin sa labas.

We had breakfast at Silya. I had papaitan para matanggal ang aking pagkalasing. At dahil apat na lang kaming magkakasama, nag-usap kami ng mga bagay-bagay na seryoso naman. We talked about being in a relationship and how to keep it. I listened intently. Si GP ang nasa isip ko and how much I wanted to keep our relationship.

Maya-maya nag-text si Ex. Nakauwi na raw sila ng kapitbahay niyang si KM.

Badtrip daw si KM.

Nadukutan daw kasi ng celfone.

Monday, December 1, 2008

Spice

FRIDAY

Kausap ko si GP sa phone while I was grabbing dinner. I was still in the office working overtime.

“I miss you, baby,” ang bungad niya. “How are you?”

“Very busy. I miss you too, baby,” ang sagot ko. “Ikaw, kumusta?”

“Kadarating ko lang. Dinner ka na?”

“Ngayon lang. Ikaw?”

“Kumain na ako sa labas. Pahinga lang muna.”

“How’s school?” ang tanong ko.

“Kakapagod pero ok naman. Are we meeting tomorrow?”

“Yup. Miss na miss na kita. I need to see you.”

“Ako rin.”

Pause.

“Baby? Magpapaalam sana ako. Pwede ba akong lumabas tonight?” ang sabi niya pagkaraan.

“San ka punta?” ang tanong ko.

“Greenbelt lang. A friend is inviting me out.”

“Ah, ok. Who’s this friend?”

“A new friend. Makulit lang eh. Nagpapasama.”

“What time kayo magkikita?”

“Mga ten o’clock.”

“Bakit medyo late na?”

“Manggagaling kasi siya sa work.”

“Inuman ba?”

“No. Coffee lang. Uwi ako nang maaga.”

“Ok. Just take care. Text me when you get home.”

“Thanks, baby.”

Nang maibaba ko ang phone, may kakaiba akong naramdaman. Magkakahalong feeling na hindi ko maipaliwanag. It was uncomfortable…na parang may mali.

I texted him: “Selos ako, baby. You are going out on a date tonight.”

“It is not a date.”

I decided not to pursue or validate my insecurity. I texted back: “Joke lang hehe! Have a great time. Take care. Just text me later ok?”

I waited but he did not text.

***

SATURDAY

Around 5pm, I texted him: “Meet tayo tonight sa Malate?”

No reply.

I texted him again: “Anong oras tayo magkikita mamaya?”

No reply.

Ako uli: “Sleep muna ako. Wait ko reply mo.”

Paggising ko, I checked my celfone for messages.

Got a number of messages from friends. Wala pa rin siyang reply.

I texted again: “Sana reply ka…”

Wala pa rin.

Nakaligo na ako at nakapagbihis, naghihintay pa rin ako sa reply niya.

Naiinis na ako.

“Imbyerna ako. Di nagre-reply ang jowa,” ang text ko sa friend ko. “Dapat kasama ko siya.”

“Just get your ass out here. Forget about him. Enjoy the time with your friends,” ang sagot.

Umalis na ako ng bahay.

Habang nasa daan ako papuntang Malate, tinext ko uli siya. “Bakit hindi ka nagre-reply? May ibig bang sabihin ito?”

Wala pa ring sagot.

I arrived at Silya and my friends were already there. Siya kaagad ang hinanap ng mga ito when I joined them.

“Asan si GP?” ang tanong nila. “Akala ko kasama mo siya.”

“I don’t know,” ang honest na sagot ko. “Di siya nagre-reply sa text ko.”

“May problema ba?”

“Hindi ko alam.”

Kahit deep inside naiinis ako kay GP, I tried my best to get into the groove with my friends. We had bottles of beer. Kwentuhan. Tuksuhan. Tawanan. Harutan.

I kept on checking my celfone for any message from him. Nada. I was hoping na bigla na lang siyang darating para i-surprise ako.

Kahit lasing na ako, nararamdaman ko na narooroon ang tampo sa dibdib ko. Kahit tumatawa ako, naroroon pa rin ang lungkot dahil wala si GP sa tabi ko.

We went to Bed at around 1:00 am.

Natapos ang gabi na wala akong natanggap na kahit isang text mula sa kanya.

***

SUNDAY

Nagising ako around 1:00 pm.

I had 3 messages from him.

9:02am: “Sorry po kung di ako nakapunta ng Malate kagabi. 6pm nasa bahay na ako ng friend ko. Uminom kami sa Timog. Sabay sana kami punta ng Malate kaya lang dumating yung iba pa naming friends. Naparami yung inuman. Di na kami nakaalis.”

9:04am: “Di po ako nakapag-reply kasi na-lowbat celfone ko. Nakapag-recharge ako 3am na pagdating ko sa bahay. Nakatulog ako kaagad kasi po lasing ako.”

9:06am: “Sorry po talaga. I feel guilty sa nagawa ko sa’yo. Tanggap ko po kung ano man ang consequence. Sorry sorry sorry from the bottom of my heart.”

Ako naman ang hindi nag-reply.

***

MONDAY

“Sorry na po. It was not my intention to hurt you. Please forgive me.” Ito ang text na nabasa ko paggising ko.

Nagmamatigas pa rin ako pero nalulungkot ako.

Humingi ako ng advice sa bestfriend ko.

“Wag ka lang manahimik,” ang sabi niya. “Ipaalam mo sa kanya kung bakit masama ang loob mo.”

I texted GP: “I am hurt because it was our 1st monthsary and I wanted us to celebrate last Saturday but you ignored me and you completely forgot about us.”

His reply: “I am sorry. Mas malaki pala ang kasalanan ko sa’yo. Nawala sa isip ko na monthsary natin last Saturday. Sorry, hindi ko sinasadya…”

Text ko pa: “It was also strange that you went out Friday night and you disregarded me Saturday night…”

Matagal bago siya sumagot: “Let us not count the days when we were not together but instead let us look forward to the days that we will be together. It was my fault and I am asking for your forgiveness. I love you and I do not want to lose you. Sana walang mabago sa ating dalawa…”

Bumigay na ako: “I love you and I miss you and I think so much about you but I feel taken for granted and I am afraid that you are seeing somebody else…”

“I was only with my friends. There’s nobody else. Our relationship is important to me and I am committed to you. I just forgot and I blame myself for it.”

Tuluyan na akong lumambot: “Ok, sige po. Mag-lunch ka na.”

“Forgiven na ba ako?”

“Kalimutan na natin ang nangyari.”

“I love you, baby.”

“Happy 1st monthsary.”

“Happy 1st.”

Thursday, November 27, 2008

Sweetness

Text messages / conversations between me and GP…

***

GP: Papasok na ako sa school. Call me. Usap tayo sandali para ma-inspire ako.

***

A: Good morning, baby. Busy day as usual. Take care.

GP: Don’t skip your meals, ok? Hug kita pag tired ka na.

***

GP: Alam ko, busy ka. Pero pa-kiss muna. Mmmwah! Sorry sa istorbo hehe!

***

A: Baby, dumadami ang falling hair ko.

GP: Wag ka muna gumamit ng wax.

A: Baka makalbo ako.

GP: So?

A: Papangit ako.

GP: Mamahalin pa rin kita kahit kalbo o pangit ka na.

***

GP: Miss na kita.

A: Miss you too, baby.

GP: When will I see you again?

A: This weekend. Malate tayo.

GP: Meet tayo nang maaga sa Rob, pwede?

A: Bakit?

GP: Treat kita ng dinner sa foodcourt. Pasensya na, estudyante lang po.

***

A: Bakit di ka masyadong umiinom? Nakakatatlo na ako. Lasing na nga ako.

GP: Sinong aalalay sa’yo kapag nalasing din ako?

***

A: I cannot make it tonight.

GP: Why?

A: I am working until midnight.

GP: I see.

A: Sama ka na lang sa gimik ng mga friends mo. Ok lang.

GP: Ayoko.

A: Bakit?

GP: Baka kung ano pa isipin mo.

A: I trust you, baby.

GP: Kahit na. Dito na lang ako sa bahay.

A: Sorry.

GP: Call me na lang mamaya. Di muna ako matutulog. Sasamahan kita sa overtime mo.

***

GP: Sige nga, i-describe mo ang pagmamahal mo sa akin…

A: Mas matamis pa sa asukal. Mas malinamnam pa sa laing. Mas maanghang pa sa sili.

GP: Hahaha! Ang corny. But I believe you. I love you, too. Very much.

***

A: Goodnight, baby. See you in my dreams. I love you.

Saturday, November 15, 2008

Isang Gabi

Mga linyang hinabi sa mga hibla ng lungkot at ligaya...

***

Maalinsangan ang gabi
Na sinisiklot-siklot
Ng hangin
Habang ang aking puso
Ay sinusundot-sundot
Ng mga alaala
Sa pag-iisa.

Maalinsangan ang gabi
Na tinutukso-tukso
Ng buwan
Habang ang aking kabuuan
Ay dinadampi-dampian
Ng pananabik
Sa mga halik.

Maalinsangan ang gabi
Na umaandap-andap
Ang liwanag
Habang ang aking katawan
Ay umiinda-indayog
Sa tugtog
Ng paghahanap.

***

Isang gabi iyon
Na lahat ay nagpapatianod
Sa maharot na tugtog
At ilaw na humahaplos.

Isang gabi iyon
Ng pakikipagtuos sa lungkot
At pag-apuhap ng ligaya
Sa malamig na pag-iisa.

Isang gabi iyon
Na ikaw ay naghandog
Ng mapang-akit na mga titig
At maalab na mga halik.

Isang gabi iyon
Na ako ay nagpakalunod
Sa mapusok mong pag-indayog
At nakababaliw na mga hagod.

Monday, November 10, 2008

Whirlwind

Mabuti na lang hindi tayo naka-costume o naka-maskara kahit Halloween. Pareho tayong walang pagbabalatkayo nang gabing iyon.

Nakita kitang nakatayo sa tabi ng dancefloor, mag-isa. Inagaw kaagad ang pansin ko ng presence mo. You are so cute. I immediately hit on you and you responded with a smile.

“Ako si Aris,” ang sabi ko.

“Ako si GP,” ang sagot mo.

Up close, I realized how young you are. Kahit guwapong-guwapo ako sa’yo, I decided na hindi tayo bagay kaya ipinakilala kita sa isa sa mga kasama ko, si LM, na mas kaedad mo. I could tell na type ka ni LM dahil pinormahan ka niya kaagad at niyayang sumayaw. Lumayo ako.

Habang nagsasayaw kayo ni LM, tinatanaw ko kayo. Panay ang bulong ni LM sa’yo and his body was so close to you. I even saw him steal a kiss from you. Bigay na bigay si LM sa pagsasayaw pero ikaw, simple lang ang iyong mga galaw. Kahit may attraction ako sa’yo, I decided to let go dahil iba na ang hinahanap ko. “I am so done and over with twenty-year-olds,” ang sabi ko nga sa bestfriend kong si AC.

I was just starting to circulate, flirting with a hunky semi-kalbo, nang makita ko si LM na nasa tabi ko. It seemed na nag-disengage na siya sa’yo.

“What happened?” tanong ko.

“I don’t think he likes me,” ang sagot niya.

Pahapyaw kang hinanap ng mga mata ko pero hindi kita makita.

Kumalas ako kay hunky semi-kalbo at sinamahan ko si LM na pumunta sa kinaroroonan ng aming mga kabarkada. I stayed for a while pero parang hindi ako mapakali sa kinaroroonan ko. Parang may humihila sa akin sa dancefloor.

“Restroom lang ako,” ang paalam ko sa mga friends.

Pero sa halip na magtungo sa banyo, dumiretso ako sa dancefloor.

Saka kita uli nakita. Nakatayo sa tabi ng dancefloor, mag-isa.

Habang nagsasayaw ako sa saliw ng “Here I Am”, nagtama ang ating mga mata. We both smiled. May paanyaya ang aking mga galaw na kaagad mo namang tinugunan. Lumapit ka sa akin at nakipagsayaw.

“Are you alone?” ang bulong ko sa’yo habang nagsasayaw tayo.

“I am with friends,” ang sagot mo. “Kaya lang hindi ko na sila makita.”

“Ilang taon ka na?” ang tanong ko.

“Twenty one,” ang sabi mo. Ang bata mo pa nga!

“Ikaw, ilang taon ka na?” ang tanong mo.

Sinagot kita truthfully.

“Really? I like them older,” ang sabi mo sabay ngiti.

Napangiti rin ako sa affirmation na narinig ko mula sa’yo.

“Working ka na?” ang tanong ko uli.

“Nag-aaral pa,” ang sagot mo.

“Saan?”

“Mapua. Architecture.”

Sumagi sa isip ko ang ex ko na minahal ko noon. Mapua din siya, architecture din. Mas older nga lang sa’yo. Hindi ko alam kung dahil sa school at course mo pero pakiramdam ko, lalo akong na-endear sa’yo.

“Ikaw, what do you do?” ang tanong mo.

Sinabi ko sa’yo ang trabaho ko.

At dahil kanina pa tayo nagbubulungan para magkarinigan sa malakas na music, hindi maiwasang magkalapit at magkadikit ang ating mga mukha. Naramdaman ko ang malambot at makinis na balat ng iyong pisngi. Dinampian ko ito ng halik. Humalik ka rin sa aking pisngi. Nagtagpo ang ating mga labi sabay sa ating pagyayakap. Napapikit ako habang tayo ay naghahalikan. Nakalimot na ako sa pagsabay sa tiyempo ng tugtog na ating sinasayawan. Pakiramdam ko, lumulutang ako sa gitna ng dancefloor habang nilalasap ko ang init at tamis ng iyong bibig. Nang magbitiw tayo, napatitig ako sa mga mata mo at ako ay iyong nginitian. Humigpit ang yakap mo sa akin. Niyakap din kita nang mahigpit. Nagpatuloy tayo sa pagsasayaw na humahaplos ang ating mga kamay sa iba't ibang bahagi ng magkadikit nating katawan. Sa muli nating paghahalikan, natiyak ko ang pagkabuo ng isang connection sa pagitan nating dalawa.

“Aakyat sana ako sa restroom,” ang sabi ko pagkaraan.

“Sasamahan na kita,” ang sagot mo.

Hinawakan mo ang kamay ko and you led the way. May mga napapatingin sa atin habang umaakyat tayo sa hagdan. I felt proud dahil ikaw ang ka-holding hands ko.

Pagpasok natin sa restroom, doon ko higit na nakita sa liwanag kung gaano ka kaguwapo. Ang hahaba ng pilikmata mo at brown ang mga mata mo. Matangos ang iyong ilong at manipis ang iyong mga labi. Buo at mapuputi ang ngipin mo. Humarap tayo sa salamin at niyakap kita mula sa likod. Pinagmasdan ko ang reflection nating dalawa. Inspite of the age gap, napagtanto kong bagay tayong dalawa.

“We look good together!” ang bulalas ko.

“Yeah,” ang sagot mo at piniktyuran mo tayo sa celfone mo.

Sabay tayong nagtungo sa urinal pero nasa magkabilang side tayo. At dahil magkaharap, pilyo tayong nagngingitian habang nagkakatinginan at nagkakasilipan sa salamin ng aquarium na divider.

Kumuha muna tayo ng drink before we settled sa couch. Nag-usap tayo habang umiinom ng beer. We were seated so close na maya’t maya, naghahalikan tayo. Panay din ang yakap mo at hawak sa kamay ko. You were so sweet na hindi ko ma-resist. Gustung-gusto ko ang ginagawa mo sa akin. In fact, nararamdaman ko, gusto na kita.

“Do you have a boyfriend?” ang tanong ko.

“No,” ang sagot mo. “Ikaw?”

“Wala rin,” ang sagot ko.

“Ano ba hinahanap mo?”

Saglit akong nag-isip, gusto kong maging maingat sa pagsagot dahil ayaw kong ma-discourage ka. “Basta yung makakasundo ko… Yung makakaintindi sa trabaho ko… Mature… Sweet… Hindi matampuhin…”

Tumango-tango ka.

“Ikaw, ano hanap mo?” ang tanong ko.

Mabilis ang sagot mo. “Katulad mo!”

I could not help but smile.

You cupped my face in your hands at ginawaran mo ako ng halik. I kissed you back. Nang magbitiw ang ating mga labi, tumitig ka sa mga mata ko at nagtanong.

“Do you like me?”

Sumagot kaagad ako. “Yes, I like you.” Iyon ang totoo.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na tanong mo.

“Will you be my boyfriend?”

Natigilan ako.

“Are you serious?” ang tanong ko.

“Yeah,” ang sagot mo. “Gusto rin kita. Kailangan pa ba nating patagalin? I don’t believe in courtship.”

"Uhmm, ok. Sure,” ang sagot ko.

“So, mula ngayon, tayo na?” ang pag-confirm mo.

“Oo.”

Napangiti ka. Niyakap mo ako ng mahigpit at binulungan ng “I love you.”

Ang anumang reservation sa biglaang decision ko ay nilunod ng mga halik mo. I was actually happy to hold you.

I decided to take the risk to have you.

Nang tinugtog ang “Love At First Sight”, tumayo tayo at muling nagsayaw.

Wednesday, November 5, 2008

Beauty Disaster

Nakakahiya man, ikukuwento ko na.

After partying hard Friday night and spending a leisurely Saturday, I decided to pamper myself Sunday.

I had a whole body massage and a haircut.

Yung suki kong manggugupit, nag-resign na sa parlor na pinupuntahan ko, kaya naghanap ako ng bagong pagpapagupitan. I went to this famous salon.

Nakatagpo ako ng mahusay gumupit. Nagustuhan ko ang ginawa niyang style sa buhok ko. I was so pleased with my new look.

Nag-suggest siya ng hair spa. Ok, sabi ko, nandito na rin lang, lubus-lubosin na ang pagpapaganda.

So, nagpa-hair spa ako.

May inilagay na cream sa buhok ko. Minasahe ang scalp ko. Binalutan ng shower cap ang ulo ko. May bonus pa na shoulder and back massage habang nakababad ang ulo ko sa gamot.

After 30 minutes, hinugasan ang ulo ko. Uy, ang sabi ko, ang sarap ng feeling. Ang presko sa scalp at ang dulas ng buhok ko. Nagbigay ako ng malaking tip.

Nagsimba muna ako at namasyal sa mall bago umuwi.

Before going to bed, I bathed and did my usual rituals.

Nakahiga na ako para matulog nang magsimulang mangati ang ulo ko. Pati noo, tenga, mukha at leeg ko. Ang kati-kati na hindi ko kayang tiisin. Bumangon ako at humarap sa salamin.

Puno ng rashes ang mukha at leeg ko. Namumula at namamantal din ang anit ko.

I immediately applied Fluoderm, a cream prescribed by my derma the last time na nagka-allergy ako sa sabon. Uminom din ako ng anti-histamine. Nakaramdam ako ng relief kaya nakatulog ako.

Paggising ko kinabukasan, pakiramdam ko, nangangapal ang mukha at anit ko. May intense throbbing sa ulo ko. Masakit din ang anit ko na parang sinabunutan ang buhok ko.

Humarap kaagad ako sa salamin at nagulat ako sa nakita ko. Parang lumaki ang ulo ko dahil sa pamamaga ng anit at noo ko (think hydrocephalus!). Naging parang chicharon ang tenga ko. Halos magsara ang mga mata ko dahil sa pamamaga sa paligid nito. Naiba ang hitsura ko na halos di ko na makilala ang sarili ko!

Oh my God, it must have been the hair spa! Na-allergy ako!

Nagmamadali akong nag-shower. While shampooing, nasalat ko ang mga blisters sa anit ko. My God! My God! Ano ito? Katatapos lang ng allergy ko sa sabon, may bago na naman akong allergy. At mukhang grabe ito!

Uminom uli ako ng anti-histamine.

Pagkabihis, I went downstairs to report for work. (Yes, my office is just downstairs.) I was greeted by my staff with shocked expression on their faces. “What happened to you?” ang sabay- sabay nilang tanong. I realized that I looked worse than I thought.

After an hour, lalong lumala ang pamamaga ko. I was also in pain. My business partner drove me to the doctor.

The dermatologist confirmed na na-allergy nga ako sa hair spa. She assured me, though, na wala akong dapat ipag-alala. “It’s nothing serious.” That was the good news. But the bad news: “Mas mamamaga pa yang mukha mo for the next two days dahil sa fluid build-up dala ng allergic reaction mo.” Niresetahan niya ako ng Claricort para sa pamamaga.

More bad news: “Kailangan mong hugasan ng boiled guava leaves (cooled, of course!) ang anit mo twice a day for 20 minutes.” Gosh, saan ako kukuha ng dahon ng bayabas? And who has the time to wash scalp for 20 minutes twice a day?

Fluoderm was also prescribed for topical application to affected areas on the scalp. Paano ko ito ia-apply e hindi ko naman nakikita ang mga sugat sa anit ko?

Anyway, nagawan ko rin ng solusyon ang mga ito. Nagpabili ako sa Quiapo ng dahon ng bayabas. At nagpatulong ako kay Inday sa paglalagay ng gamot.

Sinusulat ko ito, effort na effort na ibukas ko ang mga mata ko dahil sa higit na pamamaga nito. Kakatingin ko lang sa salamin at magang-maga rin ang mukha ko. Mukha ng isang alien ang nakikita ko sa reflection ko at hindi na ako!

“Yan kasi,” ang sabi ng bestfriend ko habang naghihinagpis ako sa phone. “Hindi ka na nakuntento sa likas na ganda mo kaya pinapangit ka tuloy!” Jokingly, of course.

For the next seven days, I will just be confined at home and in my office. I don’t even intend to accept visit from friends. Hindi ako maaaring lumabas dahil kapag may nasalubong akong mga kakilala, tiyak na masisindak sila sa itsura ko. Sabagay, baka hindi rin nila ako mamukhaan. Magtatanong nga lang sila sa isip nila: Ano kaya ang nangyari sa mamang iyon?

Hay naku, the price I have to pay for beauty! Kung alam ko lang na magdudusa ako nang ganito dahil sa simpleng hair spa, sana nagpa-cosmetic surgery na lang ako!

Tuesday, October 28, 2008

Multo

Kagabi, muling nagpakita ang multo sa kuwarto ko.

Sa kalaliman ng gabi, ako ay nagising. Nakita ko siyang nakatayo sa may bintana, nakaharap sa akin.

Mariin akong napapikit at umusal ng “I believe in God…”

Pagdilat ko uli, wala na siya.

Ito na ang ikatlong pagpapakita ng multo sa akin.

Kalilipat lang namin dito sa bagong gawang bahay nang una siyang magpakita.

Mahimbing ang tulog ko noon nang bigla akong magising. Tumambad sa akin ang isang anino na nakatayo sa may paanan ng kama ko at nakatunghay sa akin.

Ang una ko kaagad naisip: Napasok kami ng magnanakaw!

Hindi ako gumalaw sa takot na baka kung ano ang gawin ng “magnanakaw” sa akin. Nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kanya. Madilim, hindi ko makita ang kanyang mukha. Ang naaaninag ko lamang ay ang hubog niya.

Matagal ko siyang pinagmasdan.

Habang nakatingin sa kanya, plinano ko sa isip kung ano ang aking gagawin.

Bumuwelo ako at bumalikwas ng bangon. Tinakbo ko ang pinto at binuksan upang makatakas ako palabas. Nilingon ko ang “magnanakaw” sa kanyang kinaroroonan. Ngunit bigla siyang naglaho. Binuksan ko ang ilaw, walang ibang tao sa kuwarto ko kundi ako.

Ang kinatitirikan ng bahay namin ngayon ay dating bakante at madawag na lote sa isang subdivision. Noong ipinapalinis namin ito, may narinig na akong kwento sa mga kapitbahay na noon daw ay may pinatay at itinapon dito.

Hindi ko pinansin ang kuwento. Nakalimutan ko na nga ito. Naalala ko lang uli pagkatapos ng unang pagpapakita sa akin ng multo.

Binalak ko na lumipat sa guest room at iwan ang kuwarto ko pero naisip ko, kuwarto ko ito. May karapatan ako rito. Kung may dapat umalis, hindi ako kundi ang multo.

Mahigit isang buwan ang lumipas bago uli nagpakita sa akin ang multo. Nagising ako at nakita ko siya na nakatayo sa may aparador. Binulungan ko siya: “Umalis ka… Umalis ka rito… Kuwarto ko ito…” Pumikit ako at sinabayan ko ng dasal. Pagdilat ko, mag-isa na lang ako.

Akala ko, iyon na ang huli niyang pagpapakita sa akin. Akala ko dininig niya ang bulong at assertion ko sa teritoryo ko. Matagal na hindi niya ako dinalaw.

Ngunit kagabi, nagpakita uli siya.

Bakit hindi siya matahimik? Bakit pababalik-balik siya? Bakit kung kailan malapit na ang halloween ay saka uli siya nagpakita? Nakiki-uso ba siya?

May takot ako pero pinaglalabanan ko. Mukha namang harmless siya.

Susubukan ko na lang siyang ipagdasal para sa ikatatahimik niya.

At siguro, pabe-bendisyunan ko na rin ang kuwarto ko.

Monday, October 27, 2008

Haraiku

As inspired by Joaqui Miguel and Tristan's haikuhan...

***
PAGKIKITA

Nagkatinginan
Saka nagkangitian
Nagkagustuhan.

***
PAGTATAGPO

Tayo'y nagsayaw
At ako ay niyakap
Sabay hinagkan.

***
PAGNINIIG

Bawal na prutas
Tinikman ko’t nilasap
Tamis ng katas.

***
PAGHIHIWALAY

Pusong ulila
Ipinagkatiwala
Ba't pinaluha.

Friday, October 24, 2008

Li'l Bro

Nang sumali sa barkadahan namin si JL, siya yung tipong hindi ko makaka-close.

Suplado ang first impression ko sa kanya. Noong ipinakilala siya sa grupo, sinubukan ko siyang chikahin pero cold ang response niya na parang hindi siya interesadong makipag-usap sa akin. Eighteen lang siya at masyadong bata para sa age group namin. Sa tingin ko, hindi siya makaka-relate at eventually, aalis din siya para maghanap ng mga ka-edad niya.

Nang sumunod na pagkikita-kita, sinubukan ko uling maging friendly sa kanya, pero yes or no o kaya’y iling o kibit-balikat lang ang mga sagot niya sa tanong ko. Tuluyan na akong nawalan ng gana sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko, hindi ko na siya uli kakausapin. Napapahiya lang ako.

Surprisingly, nag-stick si JL sa barkadahan namin. Napansin ko, nag-warm-up na siya sa iba pa naming mga kabarkada. Sa akin lang talaga hindi at mukhang iwas siya. Sa regular na pagsasama-sama naming magkakabarkada tuwing Sabado, nakikipagkuwentuhan siya sa lahat maliban sa akin. Dahil dito, lalo akong nailang sa kanya at tinotoo ko na talaga ang pandededma.

Hindi ko na siya pinansin at kinausap sa mga sumunod na bonding time namin ng barkada.

Isang Sabado nang gabi, kaming dalawa ang naunang dumating sa meeting place. Iiwasan ko sana siya kaya lang wala naman akong ibang matatambayan kaya no choice ako kundi ang maki-share sa mesa niya.

“Hi, JL,” ang pamamlastik ko.

“Hi, Aris,” ang sagot niya. Mabuti naman at in-acknowledge niya ang pambabati ko.

Umorder ako ng beer. Napansin ko na hindi pa siya umiinom kaya inalok ko siya.

“No, thanks,” ang tanggi niya.

So, uminom akong mag-isa. Ang awkward ng moment naming dalawa. Magkaharap kami sa isang mesa pero hindi kami nag-uusap. Ayokong mag-initiate ng conversation, baka mainis lang ako. Lihim kong wini-wish na sana dumating na ang iba pa naming mga kabarkada.

Matagal kaming tahimik at halos ayaw magtinginan. At dahil mukhang matatagalan pa bago may dumating sa aming mga kabarkada, hindi ko natiis na hindi siya kausapin. Umiral ang aking pagka-Ms. Congeniality.

“Kumusta ka?” ang opener ko.

“Medyo hindi ok.” Aba, milagro, sumagot. At hindi simpleng “ok lang” na inaasahan ko. Mukhang may problema ang isnabero.

“Bakit naman?” ang follow-up ko siyempre.

“Heartbroken ako…” ang sagot, seryoso.

“Uhuh…” After acknowledging what he said, natigilan ako. Hindi ako sure kung dapat kong i-pursue ang pagtatatanong.

Pero nagpatuloy siya. “Somebody I really like… na akala ko gusto rin ako, just texted me kanina... Nakipag-commit na siya sa iba.” Nakatingin siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

Naramdaman ko na kailangan niya ng karamay...ng makakausap…ng makikinig sa kanyang hinagpis. I decided to make myself available.

I ordered a beer for him. Alam ko na magiging madali sa kanya ang paghahayag ng kanyang saloobin kung umiinom siya.

“Who is this guy?”

“Somebody I met in a bar. Matagal na. He is a doctor. I have this thing for older guys, you know… He is the perfect one for me. ”

“Is he cute?”

“Yeah.”Ipinakita niya sa akin ang picture nila ni Doc sa celfone niya.

“Uy, ang sweet nyo ah,” ang comment ko. “Mukha kayong mag-jowa.”

“We dated a number of times at ok naman kami. Sweet siya sa akin. Akala ko nga, magiging kami na. Pero ayaw niya sa bata. The guy he is in love with – na jowa niya na ngayon – is older than him. He thinks we are just wrong for each other dahil sa age difference namin.”

“Mahal mo ba siya?”

“Oo,” ang walang kagatol-gatol niyang pag-amin.

“I am so sorry to hear that…”

“It makes me sad na nauwi sa wala ang lahat. Akala ko mahal niya rin ako. Dahil sa mga ipinakita niya sa akin, naniwala ako na special ako sa kanya… na may feelings din siya sa akin. Pero mali pala ako.”

Mababakas sa tinig ni JL ang hurt na dinaramdam niya.

I tried my best to console him. Kahit hindi ako sigurado kung makakatulong ba at makagagaan sa dinadala niya ang sasabihin ko, I still gave it a shot.

Ang sabi ko sa kanya: “JL, you’re still young. Nagsisimula ka pa lang i-explore ang pakikipag-relasyon. Marami talagang stumbling blocks sa una. Maraming lessons to be learned. Kapag nadapa ka, kailangang bumangon ka. Kapag nasaktan ka, kailangan magawa mong i-manage ang pain. You have to move on… you should not give up. You have to love yourself more and be aware of who you are… of what you’ve got. You are one good looking guy. Guwapo ka. I am sure, maraming nagkaka-crush sa’yo. Enjoy the attention and be more responsive. Alam ko, darating ang tamang tao sa tamang panahon. Mamahalin ka niya the way you deserve to be loved.”

Nakatingin sa akin si JL. Maya-maya, ngumiti siya. Parang nagliwanag ang kanyang mukha.

“Thank you,” ang sabi niya sabay taas ng beer niya.

Sabay kaming uminom.

I suddenly felt at ease. Siguro dahil sa beer o sa maiksing interaction namin ni JL, parang biglang nawala ang dingding sa pagitan namin.

“I am sorry kung hindi ako masyadong naging friendly sa’yo…” ang sabi niya pagkaraan.

“Hindi nga ba?” ang pagkukunwari ko.

“Naiilang ako sa’yo eh. Parang ayaw kong maging close sa’yo…”

“Huh? Why is that?”

“Maniniwala ka ba? Because you remind me so much of Doc. Ayokong maging fond sa’yo kasi ayokong maging unfaithful sa kanya. Crazy thought, noh? Kaya iniwasan talaga kita.”

“W-what…?” Medyo confused ako sa sinabi niya.

“When we were introduced, ang impression ko sa’yo, mabait ka. I immediately liked you and your sunny personality. Kinontra ko lang ang sarili ko kasi, ewan ko, parang feeling ko, magkakasala ako kay Doc kapag naging nice ako sa’yo.”

“That’s…weird.”

“I know. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon ang naisip ko. Siguro dahil masyado akong in love sa kanya kaya distorted akong mag-isip.”

“Magkaiba ang boyfriend sa friend. Pwede mo silang mahalin nang sabay na walang conflict.”

“I hope we can still be friends…”

“Friends naman talaga tayo, di ba? Pwede rin tayong maging magkapatid, kung gusto mo.” I smiled at him.

Hindi ko inaasahan, niyakap niya ako. “Thanks, big bro.”

I hugged him back. “No problem, li’l bro.”

We toasted and drank.

After another round of beer, para na kaming sina Shawie at Juday.

Friday, October 17, 2008

Emote

Mula nang mag-disappear ka, hindi ka na uli nagparamdam.

Hindi ka na uli nag-text.

Nabalitaan ko na lang mula sa common friend natin: Nagkabalikan na kayo ng ex mo.

Noong iniwan ko kayo sa Sonata para mag-usap, you kissed and made up.

And then you made out.

Sumama ka na pala sa kanya habang ako ay parang tangang naghihintay sa’yo sa Bed.

Sa harap ng isang bakanteng mesa, pilit kong nilunod sa Strong Ice ang magkakahalong damdamin: sakit, galit at lungkot.

It felt like a roller coaster mishap. After the thrill and excitement, I fell hard and I was broken.

***

Last night after finally telling our story, hindi ako kaagad nakatulog.

Nanariwa ang alaalang pilit kong sinu-suppress nitong mga nagdaang araw.

Naiisip pa rin kita. Ayokong aminin sa sarili ko na in-love ako sa’yo. No. No. No.

You just caught me off-guard kaya ako nagkakaganito.

I was at my most vulnerable nang pinukol mo ako ng atensyon kaya sapul na sapul ako.

I will be fine, I know.

***

By nature, masokista yata talaga ang tao.

Nasasaktan na nga ako sa alaala mo, pinatugtog ko pa ang “Somewhere Down The Road” ni Barry Manilow.

Pinakinggan ko nang paulit-ulit na parang gusto ko na higit pang masaktan.

Bawat linya ng kanta, bawat sinasabi ay parang patungkol sa akin at sa ating dalawa. Tumitimo sa puso.

“Hindi ba ganoon talaga ang music? Pag in-love na in-love ka, o kaya naman heartbroken, almost all the songs na marinig mo, kahit saan, ay may meaning at parang kinakausap ka?” -- Joel McVie

Para akong maiiyak. Pero pinigil ko.

I pressed STOP.

Husto na ang emote.

Ayoko na.

Thursday, October 16, 2008

Sana Ikaw At Ako

The moment I saw you, nakalimutan ko ang tampo ko sa di mo pagsipot sa birthday party ko.

Napakaguwapo mo sa iyong pagkakangiti habang papalapit ako sa kinaroroonan mo. Sa Dencio's Harbor Square natin napagkasunduang mag-dinner.

“Hi, Aris,” ang bati mo kaagad sa akin.

“Hi,” ang bati ko rin.

Naupo ako sa harap mo. Alam ko na hindi maikakaila sa mukha ko ang saya sa muli nating pagkikita.

“Kumusta?” ang tanong ko.

“Mabuti.” Nakangiti ka pa rin nang sumagot ka.

Hinagod ko ng tingin ang iyong mukha na naging laman ng isip ko nitong mga huling araw. Nagtama ang ating mga mata at pakiramdam ko, sandaling tumigil ang ikot ng mundo nang magkatitigan tayo.

Napukaw tayo sa paglapit ng waiter. We ordered.

“Akala ko, hindi ka darating…” ang sabi mo pag-alis ng waiter.

“Akala mo, gagantihan kita?” ang sagot ko. “Of course, I won’t do that to you.”

Muli kang napangiti at nakita ko ang braces sa mga ngipin mo na nagpapatingkad sa sex appeal mo.

“How was your week?” ang tanong mo pagkaraan.

“Busy. Too much work. Ikaw?”

“Work din. The usual boring stuff. Buti na lang we are having this dinner together. Nagkaroon ng highlight ang linggo ko.”

“Really?” Deep inside, kinilig ako pero siyempre hindi ako nagpahalata.

“I was looking forward to this… I want to know you more. Mula nang magkakilala tayo, ngayon lang uli tayo nagkita. Masaya ako na magkasama tayo ngayon.”

“Masaya rin ako,” ang amin ko.

Muling nagtagpo ang ating mga mata. May ibig sabihin ang ating mga titig na hindi masabi ng ating mga bibig.

Hindi nagtagal, dumating ang ating order. Nagpatuloy tayo sa pag-uusap habang kumakain.

Unti-unti kang nagkuwento tungkol sa sarili mo. Mataman akong nakinig. At habang unti-unti kitang nakikilala, higit kitang nagugustuhan.

Nagsiwalat din ako ng mga bagay-bagay tungkol sa akin. Nakinig ka rin. At mula sa mga ngiti at sagot mo, nakaramdaman ako ng affirmation.

Hindi natin namalayan ang paglipas ng oras. Medyo ginabi na tayo nang husto dahil nalibang tayo at nag-enjoy sa ating pag-uusap.

Ayaw ko pang matapos ang gabi. Gusto ko na makasama pa kita nang matagal. At dahil Sabado nang gabi, niyaya kita sa Malate.

Kaagad kang pumayag.

Tahimik tayo sa likod ng taxi. Maya-maya, naramdaman ko ang paggagap mo sa kamay ko. Nag-respond ako sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa kamay mo. Nagkatinginan tayo at nagkangitian. Buong biyahe, magka-holding hands tayo… nagko-communicate kahit hindi nag-uusap.

We joined my friends sa Silya. Our common friend was there at ngiting-ngiti siya sa pagdating natin na magkasama. Naroroon din ang bestfriend ko na dinatnan nating kumakanta sa videoke. Sa kanya ako nag-confide noon tungkol sa’yo kaya napangiti rin siya nang makita tayo.

We ordered beer. Strong Ice sa akin. Red Horse sa’yo. Pagkatapos kumanta ng bestfriend ko, ang common friend naman natin ang kumanta. May spiel pa siya na dedicated daw sa ating dalawa ang kanta niya. Pareho tayong natawa.

Bumulong sa akin ang bestfriend ko. “You look so happy.”

Bumulong din ako sa kanya. “I am happy.”

“Siya na ba?” ang tanong niya.

“I still don’t know,” ang sagot ko. “Maybe.”

“Do you sing?” ang tanong mo sa akin.

Ang bestfriend ko ang sumagot. “Of course. In fact, he’s going to sing for you… I mean, for us… his signature song.”

Naka-cue pala ang isa sa mga kantang paborito kong kantahin sa videoke. Kakantahin sana ito ng bestfriend ko, pero nag-give way siya sa akin.

Pagkatapos kumanta ng common friend natin at mag-flash sa TV screen ang title ng susunod na kanta, inabot sa akin ng bestfriend ko ang mic.

Nakatingin ka sa akin at nakatingin ako sa’yo habang pumapasakalye ang kanta.

At kinantahan kita ng “Reaching Out”.

Damang-dama ko ang bawat linya ng kanta. Swak na swak sa nararamdaman ko at sa gusto kong ipahayag nang mga sandaling iyon. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang appreciation sa ginagawa ko. Nakangiti ka at nakatitig sa akin. Hinawakan mo pa ang kamay ko.

Kilig na kilig ang bestfriend ko at ang common friend natin.

Dahil siguro sa inspirasyong hatid mo, natapos ko nang buong-buo ang kanta na hindi ako sumablay sa mga parteng mataas ang tono.

Iniabot ko sa’yo ang mic pagkatapos kong kumanta. Naka-cue ang song na kakantahin sana ng common friend natin. Pero nagparaya rin siya. Hinayaan niyang ikaw na ang kumanta ng kanta niya.

At kinanta mo ang “So It’s You.”

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang kumakanta ka at nakatingin sa akin. Pakiramdam ko, punumpuno ng pakahulugan para sa akin ang lyrics ng kanta. Sumasapol sa puso ko ang bawat salita na binibigyang-buhay ng tinig mo.

Palihim akong kinukurot ng dalawa kong kaibigan habang kinikilig ako sa pagkanta mo. Panay ang inom ko ng Strong Ice dahil nagpapasimple ako at pilit kong kino-contain ang nag-uumapaw na kaligayahan ko.

Maya-maya, nagdatingan na ang iba pa naming mga kaibigan. I introduced you again but they remembered you from two Saturdays ago. They seemed happy to see you again. And you seemed comfortable in the presence of my friends. Medyo napasiksik ka nga lang sa akin nang konti at tayo’y magkadikit na sa ating pagkakaupo dahil nag-squeeze in sa table natin ang mga bagong dating.

We had two rounds of beer and after, we decided to hit the club. Where else but Bed.

Nakaakbay ka sa akin habang naglalakad tayo patungo sa courtyard. Ang sarap sa pakiramdam ng warmth na hatid ng braso mo sa balikat ko. Wala ka mang sinasabi, nararamdaman ko ang mensahe mo.

It was my happiest moment.

Ngunit pagtapat natin sa Sonata, natigilan ka. Napatitig ka sa isang taong nakatayo sa labas ng bar. Para kang nakakita ng multo.

Tinanggal mo ang pagkakaakbay sa akin. Sinundan ko ang direksyon ng tingin mo.

Nakatitig din sa’yo ang lalaking iyon na nakatayo sa labas ng bar. Gulat din ang expression sa mukha niya. Kasintangkad mo siya. Maputi. At guwapo.

Para kang ipinako sa kinatatayuan mo. Nanatili akong nakatayo sa tabi mo… nagtataka. Lumapit ang lalaki sa’yo.

“Hey,” ang bati sa’yo ng lalaki.

“Hey,” ang bati mo rin.

“Can we talk?” ang tanong ng lalaki.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang mga sandaling iyon. Nanatili akong nakamasid.

Hindi ka sumagot sa lalaki.

“Please…?” ang pakiusap nito.

Tumingin ka sa akin. Nagtatanong ang mga mata ko.

“Aris, I am sorry. Can you go ahead sa Bed with your friends? I’ll follow…” ang sabi mo.

Nilapitan ako ng common friend natin. Inakbayan ako. Parang alam niya ang nangyayari.

“Ok…” ang tanging nasambit ko. You seemed to be very disturbed by the guy. Ni hindi mo naisipang i-introduce kami.

“Friend, let’s go…” ang hila sa akin ng common friend natin papalayo.

“What happened? Sino yun?” ang tanong ng bestfriend ko.

Ang common friend natin ang sumagot. “His ex!”

“Ouch!” ang spontaneous na reaction ng bestfriend ko sabay tingin sa akin.

Ouch, indeed! I didn’t know what to say.

Just before getting inside Bed, sumulyap ako sa direksyon ng Sonata. At doon natanaw ko kayong nakaupo na sa isang mesa at sinisilbihan ng waiter.

Pagkapasok sa Bed, I immediately hit the dancefloor. “I Just Wanna Fucking Dance” was playing and at that very moment na naguguluhan ako, nalulungkot at nasasaktan, I just wanna really fucking dance!

Habang nagsasayaw, umaasa ako na bigla ka na lang susulpot sa tabi ko. Nakangiti na parang walang nangyari. At makikipagsayaw ka sa akin.

Mapapawi ang kirot sa puso ko. At muli akong magiging masaya.

Pero nakailang palit na ng tugtog at napagod na ako, wala ka pa rin.

Nagyosi ako sa may entrance para abangan ang pagpasok mo… sinuyod ko na rin ng tingin ang paligid para hanapin ka, pero hindi kita makita .

Hindi ko na matiis ang pananabik at paghihintay sa’yo. Lumabas ako ng Bed.

Nagtungo ako sa Sonata.

At ang mesang occupied n'yo kanina ng ex mo ay dinatnan kong bakante na.

Wala ka na.

Naupo ako sa bakanteng mesa.

Umorder ako ng Strong Ice.

At uminom akong mag-isa.

Saturday, October 11, 2008

Sana Ikaw Pa Rin

Kahit panay ang palitan natin ng text messages mula nang magkakilala tayo, hindi pa rin ako nakatitiyak kung saan nga ba tayo patungo.

You are sweet but safe. Pahapyaw kang sumagot sa mga leading questions ko. Hindi mo pinapatulan ang mga pambubuyo ko upang ma-draw out ko ang tunay na damdamin mo.

Medyo nagho-hold back din tuloy ako. Pinipigil kong i-reveal ang tunay na nararamdaman ko dahil baka mapahiya lang ako.

Sabi ko nga sa common friend natin: “Kailangan ko ng encouragement para magpatuloy ako.”
Ang sagot niya: “He has been very encouraging mula nang magkakilala kayo. Huwag kang manhid.”

And so, I decided to pursue. Nagkataon, magbi-birthday ako and I was treating my close friends to dinner. I decided to invite you.

You were hesitant at first but eventually, you said yes.

Pero hindi ka dumating.

I was disappointed.

Sabi ng common friend natin, nagbago raw isip mo. “Gov siya tonight with his friends.”

Mas pinili mo na magpunta ng Gov kesa um-attend ng party ko? You did not even bother to text me.

Since it was a Saturday, we went to Bed after dinner. While dancing and celebrating, naiisip kita. Alam ko na nasa dancefloor ka rin nang mga sandaling iyon, sa Government nga lang. Sino kaya ang kasayaw mo? Naiisip mo rin kaya ako?

I decided to give up on you. Hurt ako sa pagbale-wala mo sa invitation ko. Sana nag-decline ka na lang kesa nang-indian.

Two days after, you texted me. Nagso-sorry ka sa di mo pagsipot sa birthday dinner ko. You were trying to explain yourself.

Hindi ako nag-reply. Inis pa rin ako sa’yo.

Pero bandang gabi, hindi kita natiis. Nag-reply ako sa text mo.

Akala ko, hindi ka sasagot. Kasi antagal kong naghintay hanggang sa makatulog ako.

Pero kinabukasan, paggising ko, may text ka sa akin.

Ang sabi mo: “How about dinner? Just the two of us.”

Tuesday, September 30, 2008

Sana Ikaw Na

I met you through a friend.

Your beauty struck me immediately. I tried to be my usual self even if I was disturbed by your presence when you joined us sa umpukang iyon. Maingay ako sa pagkukuwento habang tahimik akong humahanga sa’yo.

Nakikitawa ka naman, pero hindi ka nagsasalita. Pasulyap-sulyap ako sa’yo at palihim na iniisa-isa ang mga katangian mo na nagde-define sa kaguwapuhan mo.

Matangkad ka (around 5’10 sa tantiya ko). Chinito ka pero mukhang hindi ka naman Chinese kasi medyo moreno ka. I really have this thing for tall, chinito and moreno guys and you fit the image of my dream guy perfectly. Naka-braces ka pa and I find it very sexy when you smile. I love your long hair and the way it was styled. It opens up your face, highlighting your cheekbones and your clear skin. I also noticed your toned arms and your big hands. I wondered how it would feel like being held tightly by you.

After another round of beer, nagpasya na ang lahat na tapusin na ang inuman session. It was time to hit the dancefloor. Habang naglalakad ang grupo patungo sa club, nasa unahan kita kaya higit kong napagmasdan ang kabuuan mo. Your shoulders are broad and I can see the outline of your back muscles through your body-fit shirt. Your waistline must only be 30 and your low-rise slim-fit pants seem to be suspended only by the well-rounded curve of your butt. Your legs are long and firm. There is something sensual about your walk that complements your height and your built.

Habang nakapila papasok sa club, kinausap mo ako. Inakbayan mo pa ako. May kilig na gumapang sa katawan ko.

“Madalas ka rito?” sabi mo.

“Yup. Ikaw?” I was trying to behave and give you my best smile.

“Ngayon na lang uli,” ang sagot mo.

Pagpasok natin, “Closer” was playing. Niyaya mo akong sumayaw. Hindi ako makapaniwala. Gusto ko talagang makipagsayaw sa’yo.

Akala ko mananatili na lang akong silent admirer mo buong gabi pero ikaw mismo ang gumawa ng paraan upang tayo ay magkalapit. Habang nagsasayaw, unti-unti, nagsimula tayong mag-connect. Nakangiti ka while doing your moves at nakatingin sa akin. Nakangiti rin ako dahil nag-uumapaw ang saya ko at paghanga sa'yo. Tahimik ka kanina (akala ko pa nga, suplado ka) pero habang nasa dancefloor tayo, nakita ko ang other side mo. Makuwento ka rin pala. Panay ang bulong mo sa akin in an effort to make a conversation kahit maingay ang music. Naaamoy ko ang pabango mo everytime na may ibubulong ka sa akin. At one point, dahil sa sobrang lapit ng mukha mo sa mukha ko, gusto na sana kitang halikan pero hindi ko ginawa. Nirerespeto kita.

Sa patuloy nating pagsasayaw, hindi lang mukha natin ang nagkakalapit. Gayundin ang ating mga katawan. May pahawak-hawak pa tayo sa bewang ng isa’t isa habang nagkakadikit ang dibdib, braso at balikat natin. Nagkakatitigan din ang ating mga mata. At makailang ulit din akong nawala sa mga titig mo.

Let Me Think About It” played. At dahil favorite ito ng mga kaibigan ko, they dragged me up the ledge to dance. Niyaya kita pero tumanggi ka. “Di ako ledge person,” sabi mo. Sumama ako sa mga kaibigan ko dahil mapilit sila.

Habang nagsasayaw ako sa ledge, sa’yo ako nakatingin. At nakatingin ka rin sa akin na parang pinapanood mo ako. Panay din ang ngiti mo sa akin. How I wished na ikaw ang kasayaw ko.

Saglit akong nalingat nang may kakilala akong nag-hello, nakipagsayaw at chumika sa akin. Pagtingin ko, wala ka na sa kinaroroonan mo. I stayed for a while dahil ayaw pang bumaba ng mga kaibigan ko. Isa pang tugtog ang sinayawan namin.

Pagbaba ko ng ledge, hinanap kita sa dancefloor pati sa magkabilang sulok ng club. Umakyat pa ako sa second floor pero hindi kita makita. I went to the bar, uminom ako at nag-smoke. I was thinking about you hanggang nasaid ko ang bote ng beer.

Habang pababa ako ng hagdan, nakita kita. Nasa dancefloor ka. Nagsasayaw. Parang pumitlag ang puso ko sa tuwa. Pero may kasayaw kang iba. Kaya parang kaagad din akong nanlumo.

Mula sa malayo, pinanood kita. You seemed to be enjoying yourself. Hindi ko alam kung lalapitan kita kahit may kasayaw ka nang iba.

Pero para kang magnet na humihigop sa akin. Nanaig ang kagustuhan kong maipagpatuloy ang connection natin. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa iyo, sa inyo ng partner mo habang sinasayawan ninyo ang “If You Could Read My Mind” na sa totoo lang, feeling ko theme song ko nang mga sandaling iyon.

Nagtama ang paningin natin habang papalapit ako. Your face broke into a smile.Your partner saw you smiling at me. Nilingon niya ako at nakita niya rin akong nakangiti sa iyo. Possessively, bigla siyang yumakap sa iyo, siguro upang ilayo ang atensyon mo sa akin.

Dahil sa inasal ng partner mo, I decided to change course. Sa halip na lumapit pa sa’yo, lumihis ako sa kinaroroonan mo. Kumawala ka sa yakap ng partner mo at inabot mo ako, hinawakan sa kamay at hinatak papalapit sa’yo. Nag-resist ako in deference sa partner mo. Pinisil mo nang mahigpit ang kamay ko. Pero bumitiw pa rin ako. Nakatingin ako sa’yo habang papalayo. Nakatingin ka rin sa akin. Nasa mga mata ko ang hurt at jealousy. Ewan ko kung tama ang basa ko, pero parang may nakita rin akong lungkot sa mga mata mo.

I joined my friends. Sayaw-sayaw kami pero parang hindi ko pa rin maiwaksi ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako… nanghihinayang. Naroroon ang pagnanais na muli kang makapiling subalit naroroon din ang pagpaparaya… ang pag-give up ko sa’yo.

Nilapitan ako ng common friend natin.

“You like him, don’t you?” ang sabi.

Ganoon ba ako ka-transparent? Was my longing for you written all over my face kaya napansin niya?

“Halata ba?” ang sagot ko.

“I know you like him,” ang sabi niya pa.

Tumango ako ng pag-amin.

My friend hugged me sabay bulong ng: “Just go for it.”

But how?

I spent the entire evening dancing with my friends even if there were tempting invitations to flirt with other guys. Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang.

Natapos ang gabing hindi na kita nakita at nakasamang muli.

Late Sunday afternoon, nagising ako na ikaw pa rin ang nasa isip ko. Parang ayokong bumangon. I was feeling low. Ito ang pinakaayaw ko: the day after. Madalas may hatid itong lungkot sa akin. Lalong-lalo na ngayon.

Tumunog ang celfone ko.

A text from our common friend: “Ok lang ba, binigay ko number mo? Hiningi niya eh.”

Huh? Hiningi mo ba talaga ang number ko?

Maya-maya, tumunog uli ang celfone ko.

At napangiti ako nang mabasa ko ang message mo.

Thursday, September 25, 2008

Stop-Over

Nang makita ko siya, halos hindi ko mailayo ang tingin ko sa kanya.

Matangkad siya, maputi, payat pero malaman ang dibdib. Mga bente anyos lang sa tantiya ko. Hubog na hubog ang mahahaba niyang legs sa suot na skinny jeans. Naka-Havaianas lang siya at napakalinis, napakaganda ng kanyang mga paa.

Isa siyang refreshing sight sa nakakapagod na bus trip ko from the province to Manila. (Yes, sweetie, I just came from a four-day vacation!) Lunch stop-over namin sa isang roadside restaurant na hintuan din ng iba pang mga biyahero.

Namataan ko siya habang nakapila sa pag-order ng pagkain. Nagtama ang aming mga mata at napansin ko na habang panay ang tingin ko sa kanya, panay din ang tingin niya sa akin.

Sinadya kong umupo sa isang mesa na nakaharap sa kanya. At habang kumakain, nakikipagtitigan ako sa kanya. Palaban ang kanyang mala-Wendell Ramos na mga mata. Nang-aakit… nakikipag-communicate. Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya.

Napansin ko ang kanyang kasama. Isang lalaki na medyo may edad na at asikasong-asikaso siya. (Nakita ko itong tumayo, kumuha ng tubig. Pagkatapos, tumayo uli at nang bumalik, may dala nang ice cream.) Tatay? Tiyuhin? May napansin akong pilantik sa mga galaw nito. Hmmm…

Habang kumakain ng ice cream, patuloy sa pakikipagtitigan si bagets. The way he was licking his Cornetto was turning me on.

Maya-maya tumayo siya. Nagpaalam sa kasama niya. Naglakad patungo sa direksyon ng restroom. Saglit na lumingon at pasimpleng sumenyas sa akin. Lihim akong napangiti. Naughty boy. Tumayo ako at sinundan siya.

Pagpasok ko ng restroom, nasa harap siya ng salamin.

Nagtama ang aming mga mata sa reflection namin. Sabay kaming napangiti.

“Hi. Ako si Nico,” ang pakilala niya.

“Ako si Aris,” ang pakilala ko rin.

Nagkamay kami. Ang lambot ng kamay niya at ang firm ng grip.

“Papunta kayo ng Manila?” ang tanong ko.

“Pauwi ng probinsya. Isinama lang ako ng friend ko,” ang sagot niya.

“Yung kasama mo?”

“Yup.”

Tumingin ako sa kanya na parang nagtatanong.

“Ok, he’s my daddy. My lover,” ang pag-amin niya.

Sabi ko na nga ba.

Nagtungo ako sa urinal. Tumabi siya sa akin. Ibinaba niya ang kanyang zipper. At walang pag-aalinlangang ipinakita niya sa akin si Junior.

Oh-my-gosh!

Ang gwapo at ang lusog ni Junior!

Para akong lalagnatin. Biglang bumilis ang heartbeat ko.

He was smiling at me habang nakamulagat ako sa ipinagmamalaki niya. It was exceptionally beautiful!

Kinuha niya ang kamay ko upang ipahawak ito. I was weak with excitement kaya nagpaubaya ako.

“Nico!!!”

Bigla ang dagundong ng boses na iyon sa labas ng restroom.

He zipped up immediately.

Bumungad ang daddy niya. “Bakit ang tagal mong umihi? Gagabihin tayo sa daan!” Sumulyap sa akin si daddy. Ewan ko kung guilty lang ako, pero pakiramdam ko, ang talim ng tingin niya sa akin. Dedma lang ako.

Bago tuluyang lumabas ng restroom, isang makahulugang tingin ang ipinukol sa akin ni Nico. I just smiled weakly.

Paglabas ko ng restroom, nakita ko siyang nakasakay na sa kotse na minamaniobra ni daddy pabalik sa highway. Ang ganda ng kotse. Pangmayaman.

Goodbye, Nico. See you in my dreams.

Hindi ko man lang nakuha ang kanyang number.

Wednesday, September 17, 2008

Witching Hours: Postscript

After reading my “Witching Hours” post, AC called me.

“Friend, may kailangan kang malaman. Tungkol kay MD.”

My attention was grabbed immediately. “What about him?”

And he went on to confess…

Nang gabing iyon, bago kami nagkatagpo ni MD, may nangyari na sa kanila ni AC.

They have shared a few kisses but AC, being loyal to his boyfriend, immediately detached from MD and told him he is taken.

MD pursued. Sinundan pa siya sa restroom. He was trying to grope AC but my friend was firm na hindi pwede.

It was AC that MD was after. Ginamit lang ako ni MD para mapalapit siya kay AC.

AC told me na panay ang eye contact sa kanya ni MD habang nagbe-breakfast kami kaya panay din ang iwas niya ng tingin. Bagay na hindi ko napansin maybe because I was so blinded by my fascination for MD.

The kisses, the hugs MD gave me were only for show. Ipinapakita niya lang siguro kay AC, how sweet he can be.

AC did not want to burst my bubble at that time kaya hindi niya kaagad sinabi sa akin. Iniisip niya rin na baka naman totoo ang mga ipinapakita sa akin ni MD at nabaling na ang pagtingin nito sa akin. Gustung-gusto na rin kasi ni AC na magka-boyfriend na uli ako.

Pero iba pala talaga ang intentions ni MD.

“Friend, I don’t want to hurt you but you have to know. Para hindi ka nagtataka at nagtatanong what really went wrong. Walang mali sa’yo. Siya ang mali para sa’yo.”

Truth hurts.

Being used is something I cannot get used to.

Witching Hours

At dahil naubusan ng Strong Ice sa Silya, Red Horse ang ininom ko. We sang a few songs sa videoke habang umiinom. Sa sobrang enjoy sa kantahan at kwentuhan, napadami ang inom ko. At dahil Red Horse, sobrang lakas ng naging tama ko. Masarap sa pakiramdam, para akong lumulutang.

Lalong na-enhance ang aking happy mood pagpasok namin sa Bed. The party was in full swing. I immediately got caught in the whirl of things. I had a brush with two cuties, one after the other. The usual dancing, flirting and kissing.

Then I met RN. He is 5’11 and he has an innocent face. Attracted kaagad ako sa kanya. Nagkatinginan muna kami at nagkangitian. We moved closer to each other and then we started dancing. We held each other and we were both smiling.

We kissed. Sa sobrang tangkad niya, kinailangan kong tumingkayad (I am only 5’9) to meet his lips. It was so nice and sweet, almost romantic. We stayed together half of the evening.

Then I lost him. I went to the restroom. He promised to wait for me pero pagbalik ko, wala na siya. Baka niyaya na ng mga kasama niyang umuwi. Baka sumama na sa iba. Hinanap ko siya, pero hindi ko na nakita. Hindi man lang kami nakapag-exchange numbers. Oh, well… I am getting used to this.

I decided to rejoin my friends. Papunta sa kinaroroonan nila, I was stopped by a group of tall chinese-looking guys na tipong mga basketbolista. (What’s with this night? Ang tatangkad ng mga tao!) They were sipping blue frog from a pitcher and they were offering me to drink. I was refusing but they were insisting. Inakbayan pa nila ako. Pinagbigyan ko sila, I took a short sip. They wanted me to drink some more and to dance with them. I realized they were all drunk. I said thank you sabay kawala sa mga akbay nila. Lumayo kaagad ako. Ayokong ma-gangbang noh!

I took refuge in the company of my friends. We danced to our favorite music na magkakasunod na pinatugtog. Then I noticed him, nagsasayaw rin sa aming likuran.

He was chinese-looking (na naman?) pero hindi sobrang tangkad (magka-height lang kami). Mag-isa lang siya. At dahil ako ang pinakamalapit sa kanya, hinarap ko siya. Ngumiti ako. Ngumiti siya. At nagsayaw kami na magka-partner.

MD ang pangalan niya. He has bee-stung lips and gym-toned arms and chest. When he wrapped his arms around me, I felt so protected. When he kissed me, it was like savoring a luscious fruit. We did other naughty things while we were dancing. I was so warmed up nang magyaya siyang umakyat sa ledge.

It was like bringing ourselves to the next level. There, we continued to dance and hug and kiss na parang kami lang ang tao sa mundo. Masyado kaming naging absorbed sa isa’t isa, nakalimutan namin ang oras. We did not even notice na nabawasan na ang tao sa ledge at kami na lang and two other pairs ang nagsasayaw.

Manipis na rin ang tao sa dancefloor kasi nag-uumaga na pala. Nagyaya nang lumabas ang mga friends ko. I invited MD to join us for breakfast. He said ok.

We went to Silya and ordered breakfast. I introduced MD to my friends. I could tell they liked him. Ang mga friends ko, kapag ayaw nila sa ipinapakilala ko, tahimik lang sila. Pero kay MD, kausap sila nang kausap, tanong sila nang tanong. They kept on looking at me with approval in their eyes. I was just smiling.

MD was extra sweet sa akin during breakfast. He was stealing kisses. Panay ang akbay at yakap niya sa akin. Panay din ang holding hands namin. Kulang na lang, magsubuan kami ng pagkain. “Oh my gosh,” ang sabi ko sa sarili. “Is he the one?”

Sa sobrang aliw ng mga friends ko, piniktyuran nila kami. Sa bawat click ng camera, MD would hold me close to him at ididikit niya ang ulo o mukha niya sa akin. Ang sweet, para kaming lovers. Kilig na kilig at botong-boto ang mga friends ko. They even randomly planned an outing in Tagaytay next week at hindi raw pwedeng mawala si MD kasi partner-partner daw dapat. “Sure. Just let me know,” was MD’s answer. Kaagad niyang itinayp ang number niya sa celfone ko. At miniscol ko siya.

After breakfast, naglakad kami sa Nakpil patungong Taft para kumuha ng taxi. Ako, si MD at ang bestfriend kong si AC. Nauna na ang iba naming friends. Habang naglalakad kami, nakaakbay sa akin si MD. May dumaang taxi. Pinara niya. At bago sumakay, niyakap niya ako at hinalikan sa lips -- for manong driver to see! Medyo nagulat ako, ganundin si AC. But I was very happy.

“Siya na yata talaga,” ang nasabi ko sa sarili habang tinatanaw ko ang papalayong taksi.

AC and I decided to hang around for a while. We just needed to process the MD experience before we finally go home.

Sunod-sunod ang text na natanggap ko mula sa mga friends.

Finally you found him! Am so happy for you, friend.

You look good together.

Siya na ang matagal mong hinihintay. Make it work.

Nangiti ako sa support at encouragement nila.

Maya-maya, a text from MD. Excited akong binasa ito, line by line. My heart was beating fast.

Aris, I am so happy I have met you.
Thank you for a very memorable evening.
I hope we can really be good friends. =)

Hu-wat??? Ano daw?

I showed AC the text message.

“Good friends?” Napatingin sa akin si AC. Nagtataka… nagtatanong.

May kasunod pa ang text.

I am sorry. I did not mean to lead you on.

“What the fuck…?” Halos sabay pa kaming napamura ni AC.

Matagal bago ko nagawang mag-reply.

Sure. No prob.

Oh, well… I am getting used to this.

Thursday, September 11, 2008

Mindoro Sling

Mula sa balkonahe ng aming cottage, natanaw ko siya.

Nasa balkonahe rin siya ng kaharap naming cottage.

Pareho kaming nagyo-yosi.

Shirtless siya, naka-shorts lang. Mukhang kagagaling niya lang sa pagsu-swimming sa beach. His body is lean, his chest firm and his stomach flat. He has honey brown skin.

Hindi ko maiwasang pagmasdan siya at titigan. He is one beautiful male specimen! I was so engrossed with my admiration nang mapatingin din siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Para akong napaso sa titig ng kanyang chinitong mga mata. Umiwas ako.

Nang muli akong sumulyap sa kanya, nakatingin pa rin siya. We held glances for a moment. Pagkatapos, itinapon niya ang kanyang sigarilyo at pumasok na siya sa loob ng cottage.

Naiwan akong parang natutulala at nagtatanong: Sino siya?

First time ko sa Puerto Galera at kadarating lang namin. Kakatapos lang naming mag-lunch at dahil matindi pa ang sikat ng araw, siesta time muna kami ng mga friends ko. Pito kami lahat Five boys (four are PLUs) and two girls (wife ng straight naming kasama yung isa). Ako, hindi talaga ako mahilig matulog sa hapon kaya tumambay muna ako sa balkonahe.

After another stick of Winston Lights, I decided to explore the island. Naglakad-lakad ako… tumingin-tingin sa mga souvenir shops… contemplated on getting a henna tattoo. Ang daming tao sa Galera. Long weekend kasi. Ang dami ring magaganda (gwapo actually!), flaunting their gym-toned bodies. At pamilyar na mga mukha (must have seen them in Malate). Seeing all these beautiful people and locking stares with some of them, you will realize na, totoo nga, ang lugar na ito ay isang gay mecca.

After picking out a bead necklace (na standard accessory na yata ng mga nagpupunta rito), I stopped by a vendor selling ice crumble. At sino ang aking makakasabay na bumili?

Chinito Guy himself!

It seemed na hindi rin siya mahilig matulog sa hapon kaya naggagala rin siya. Nagkatinginan kami. Gusto ko siyang ngitian… gusto kong mag-hi sa kanya kaya lang nag-alinlangan ako.

After getting his ice crumble, tumalikod na siya at naglakad patungo sa direksyon ng cottages. Ako naman, pauwi na rin pero bumili muna ako ng bottled water.

Pagdating ko sa cottage, I saw him again on their porch. I, too, stayed on our porch. We were both enjoying our ice crumble habang pasulyap-sulyap, patingin-tingin kami sa isa’t isa.

Late afternoon, nagkayayaan na kami ng mga friends ko na magtungo na sa beach. The sky and the sea were so blue. Nang magsimula kaming magtampisaw sa tubig, I started feeling relaxed, the tightness in my muscles was loosening up and my worries were melting away. I was happy just being playful with my friends. After a few minutes of swimming, we rested on the beach.

My girl friend GN was nudging me. “Friend… Friend… Look!” Her lips pointed to a guy in board shorts, walking alone by the beach.

It was Chinito Guy!

Noon ko lang napansin kung gaano siya katangkad… kung gaano katikas ang kanyang pangangatawaan… kung gaano kahahaba ang kanyang legs…

“He is… gorgeous!” ang bulalas ni GN.

We both watched as he walked by. Napansin ko ang malalapad niyang balikat at ang bilugan at matambok niyang butt pagkalagpas niya sa amin.

“Kapitbahay natin siya,” ang sabi ko kay GN. “Saw him kanina sa cottage sa tapat.”

“Talaga? Gosh!”

“Do you think he’s gay?” ang tanong ko kay GN.

“This is Galera. Hello?!” ang sagot niya.

Muli kaming naglunoy sa tubig. Habang palangoy-langoy ako at palutang-lutang, hindi mawala sa isip ko si Chinito Guy. Nai-imagine ko ang maganda niyang mukha… ang kaseksihan niya… Sana sa susunod, magawa ko nang ngitian siya. At sana pansinin niya ako. Sana makilala ko siya.

We stayed hanggang sa paglubog ng araw. Pinanood namin ang makulay na sunset. The sky was an awesome burst of orange and red, of purple and blue. Ang panooring ito ang higit na nagpatingkad sa aking vacation mood.

After showering and changing, we had dinner in a restaurant by the beach. Food was okay but it was Mindoro Sling that gave us a different kind of high and satisfaction. We were on our second round when my attention was caught by him. Chinito Guy, with his friends, in a table not far from us, also enjoying their Sling.

He was laughing. Nagbibiruan sila ng kanyang mga kaibigan. It was nice to see a different side of him. I could not seem to take my eyes off him. Medyo tinatamaan na ako ng iniinom namin kaya parang ang lakas ng loob kong tumitig sa kanya. “Look at me… Look at me…” ang bulong ko sa isip.

Ewan ko kung na-mental telepathy ko siya, pero bigla siyang tumingin sa akin. We held our eyes for a moment. Then I smiled. I even raised my glass a bit.

Ngumiti rin siya. Itinaas niya rin nang bahagya ang kanyang baso.

At sabay kaming uminom.

Nakita pala ni GN ang pangyayari.

“Malandi ka,” ang bulong niya sabay kurot sa akin.

After dinner, nagyaya si EG na pumunta sa Jurassic Park. Hindi interesado si JY, ang straight friend namin at ang wife niyang si ML. Couple naman sina RJ at MC kaya ayaw din nilang pumunta. Girl naman si GN kaya ano naman daw ang gagawin niya roon. Nagpaiwan na lang sila sa isang bar at kami ni EG na lamang ang naglakad sa beach patungo sa batuhan at kweba ng kababalaghan.

Habang naglalakad, may inabot sa akin si EG galing sa kanyang bulsa.

“Kakailanganin mo yan,” ang sabi.

Frenzy. Nangiti ako.

Madilim ang dulong bahaging iyon ng beach pero mababanaagan mo ang mga anino. Mga aninong naghahanap… nagtatagpo… nag-uulayaw. Sa likod ng malaking bato ay may pagsasalo-salo ng mga kalalakihan sa isang makamundong piging. May mga pagniniig din sa mga kubling bahagi ng halamanan. Hindi lang pares-pares kundi grupo-grupo.

Niyaya ako ni EG na gumapang papasok sa kweba na kung saan, ayon sa kanya, higit na mapangahas ang mga pagtatalik. Tumanggi ako. Natatakot akong sumuong sa mas kahindik-hindik na bahagi ng lugar na iyon. Sapat na ang aking nasaksihan.

Bago pa man nakapag-desisyon si EG kung papasok siya sa kweba, may humila na sa kanya. May humila rin sa akin pero kumawala ako. May tila pumipigil sa akin upang makibahagi at makisali. Nakakatukso, nakakahalina pero parang may gusto akong paglaanan ng sarili ko kaya pinilit kong magpakatatag.

Iniwan ko si EG. Naglakad ako palayo. Nakasalubong ko ang mga papunta pa lang sa paraiso. I could almost smell lust and desire.

Nang makalayo-layo na ako, naupo ako sa lilim ng nakayungyong na puno, paharap sa dagat. Pinakinggan ko ang hampas ng mga alon. Dinama ko ang malamig na dampi ng hangin.

Nahiga ako sa buhangin. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit. Nakaramdam ako ng kapanatagan at katahimikan. Higit na masarap sa pakiramdam kesa sa kalibugan.

Pumikit ako. Matagal.

May naramdaman akong presence na nakatunghay sa akin. Dumilat ako.

Isang napakagandang pangitain ang tumambad sa akin. Medyo madilim pero hindi ako maaaring magkamali.

Si Chinito Guy! Oh-my-God!
Parang hindi ako makakilos. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin, waring pinagmamasdan niya ang aking kabuuan habang nakahiga ako sa buhangin.

Maya-maya, dahan-dahan siyang umupo. Bumangon ako. Nagtapat ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga mata. Naglapit ang aming mga labi at dahan-dahang naglapat sa isang halik. Sa simula’y marahan, maingat pero nang lumaon naging marahas, mapusok. Matagal na naglaro ang aming mga labi at dila. Napakatamis sa panlasa ng halik na iyon. Napakasarap. In my mind, the perfect beach music started playing.

Nang magbitiw ang aming mga labi, muling nagtama ang aming mga mata. Matagal. Hinagod ko ng tingin ang kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya ngayon… abot-kamay… naghahandog ng kanyang sarili.

Sinimulan niyang hubarin ang aking damit. Hinubaran ko rin siya. Nagyakap kami at mariing nagdikit ang hubad naming mga katawan. Napakainit sa pandama ng kanyang balat. Sinimulan niya akong halikan sa leeg, pababa sa aking dibdib. Gayundin ang ginawa ko sa kanya. Hinalikan ko ang buo niyang katawan. Hanggang sa muling magtagpo ang aming mga labi at maghinang sa isang maalab na paghahalikan. Nahiga kami sa buhangin.

Sex on the beach. May kakaibang sensasyon ang buhangin sa aming kahubdan. May kakaibang thrill ang open air sa pagsasanib ng aming mga katawan.

Pareho kaming nagpaubaya… nagpatianod sa daloy ng aming pagnanasa. Matagal naming tinuklas ang ligayang hatid ng bawat dampi…hagod… at haplos.

Kumawala ang init mula sa aming mga katawan.

Isang mahabang katahimikan.

Nanatili kaming nakahiga sa buhangin. Nagpapakiramdaman.

Pagkatapos, nagsimula kaming mag-usap.

“I’m TJ,” ang sabi niya.

“Aris,” ang sagot ko.

“Pabalik na kami bukas sa Manila.”

“We are staying until tomorrow. Who’s with you?”

“Officemates.”

“Where do you work?”

“Call center. Ikaw?”

Sinabi ko.

“Do you have a boyfriend?”

“Wala. Ikaw?”

“We just broke off.”

“Saan ka usually gumigimik sa Manila?”

“Greenbelt. Malate.”

“Do you ever go to Bed?”

“Yeah.”

“Maybe we can meet there sometime?”

“Sure.”

Inabot niya ang aking kamay. Hinawakan niya ito. Tumayo siya sabay hila sa akin. Tumayo na rin ako.

“Let’s go.”

Nagbihis kami at nagsimulang maglakad pabalik sa beachfront ng resort.

Akala ko, didiretso na kami pauwi sa cottages pero nagyaya pa siyang dumaan sa isang bar. We ordered Mindoro Sling and we started drinking.

“Why wait for Bed? We can party now. Right here,” ang kanyang sabi.

“Yeah,” ang sagot ko, nakangiti.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaligayahan nang mga sandaling iyon. I still could not believe we just made love. Kanina ina-admire ko lang siya from a distance, pinapangarap, pero ngayon magkasama pa kami sa isang bar, nag-iinuman at nag-uusap. Naghahawakan pa ng kamay. It was too much.

Ever After” played. Tumayo siya at nagyayayang sumayaw. Exactly what I wanted to do. Sa maharot na beat ng kanta ni Bonnie Bailey, muling nag-ulayaw ang aming mga katawan sa isang sayaw. Alternately we danced and hugged. Hanggang hindi na namin mapigilan ang aming mga sarili, we kissed. Naroroon pa rin ang pananabik at tamis sa kanyang mga labi na hindi ko ma-resist. Higit na nakalalasing si TJ kaysa sa Mindoro Sling.

Everything was a blur after that.

Nagising ako na mataas na ang araw. Gosh, I got so drunk hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Mag-isa lang ako sa cottage. Wala ang mga kasama ko. Malamang nasa beach na sila. Si TJ kaagad ang unang naisip ko. Napangiti ako sa parang panaginip na nangyari sa amin noong gabi. It was great. It was perfect.

Bigla akong napabalikwas. Naalala ko na paalis na nga pala sila. Patakbo akong lumabas ng cottage. Tinungo ko ang cottage nila. Nakabukas ang pinto. Sumilip ako. It was empty. Nakaalis na sila.

Nakaramdam ako ng panlulumo. Napakaganda ng nangyari sa amin noong gabi. Hanggang doon na lamang ba magtatapos iyon? Hindi ko man lang nakuha ang kanyang number. Nakakainis. Sayang. Sayang.

Bumalik ako sa cottage namin at muling nahiga. I felt like sulking the whole day.

Tumunog ang celfone ko. Text from somebody unknown. Number lang ang naka-display.

It was nice meeting you, Aris. Sana magkita uli tayo sa Manila.- TJ

My heart skipped a beat. Gulat ako. Taka.

How did you get my number?

Dropped by your cottage before we left. Your friend GN gave me your number.
Oh my God, Thank you! Mahahalikan ko si GN sa ginawa niyang ito.

Am so happy you texted.
I want to see you again.
I feel the same way.
See you soon. Take care.
You take care too.

Monday, September 8, 2008

Muli

“Hi. Musta?”

Surprised ako sa text mo. Lumukso pa ang puso ko. It has been ages since I last heard from you.

Kahit nasa gitna ako ng sobrang ka-busy-han, nag-reply ako: “Buti. May exhibit ako ngayon.”

The last time I participated in an exhibit, you attended. Kaka-break lang natin noon pero dumating ka. Mas na-surprise ako noon.

Ikaw: Bakit di mo ako invite?

Ako: Baka kasi di ka pumunta.

Ikaw: Syempre, punta ako kung invite mo ako.

Ako: Talaga?

Ikaw: Akala ko nasa house ka.

Ako: Why?

Ikaw: Am here near your house. Sunduin sana kita. Coffee tayo.

Huh? Bakit? Antagal-tagal na nating wala. May jowa ka na. Antagal-tagal mo na ring walang paramdam. Nakalimutan na kita. Tapos, heto ka na naman.

Ikaw: What time ka uwi?

Ako: Mga 10pm siguro.

Ikaw: Text me. Maybe we can still meet.

Why oh why? Kailangan pa ba talaga? Kahit isipin ko man na friends na lang tayo at wala nang ibang kahulugan ang mga ganitong pagkikita, heto, bumabalik na naman sa akin ang ating nakaraan. Ikaw talaga, bakit parang hindi mo magawang tuluyan na akong iwanan at pabayaan? Mahirap ito para sa akin, alam mo ba, kasi parang pinag-iisip mo ako… pinapaasa mo ako… na may pag-asa pa rin tayong magpatuloy na dalawa.

Pero kapag ganito, nakakadama rin ako ng excitement. Excited ako na andyan ka na naman at gusto mo akong makita. Sa totoo lang, gusto rin kitang makita… makausap… makumusta. Pero kadalasan kapag ganito, pagkatapos nating magkita, nalulungkot lang ako. Kaya as much as possible, ayaw ko na sana ng ganito.

Ewan ko ba, what’s with you. Bakit kaya kahit nakakalimutan na kita… kapag nagparamdam ka, balik na naman ang feelings ko sa’yo na parang hindi nawala. Isang text mo lang parang napindot na naman ang switch ng puso ko at muling magsisindi ang pagmamahal ko sa’yo.

Siguro dahil iba ka at iba ang naging pagmamahal ko sa’yo. Kahit sinaktan mo ako noon, naroroon pa rin, hindi nawawala ang pagtatangi ko sa’yo. Siguro dahil din sa mga maliliit na bagay na patuloy mo pa ring ginagawa para sa akin na nagpapakitang mahalaga pa rin ako sa’yo… na naaalala mo pa rin ako… na ayaw mong maputol ang ating connection… na gusto mo pa rin akong i-keep sa buhay mo… kahit bilang isang kaibigan na lang. Katulad ngayon, nagparamdam ka na naman… nangungumusta… nag-iimbita after a long, long time na wala akong balita sa’yo.

Pero mahirap sa akin ito. Minsan nga, pakiramdam ko, parang pinaglalaruan mo lang ako. Magkikita tayo… mag-uusap… mag-e-enjoy ako sa company mo. Tapos, balik ka uli sa jowa mo. Malulungkot ako at mami-miss kita.

Effort na naman ang gagawin kong paglimot sa’yo. And back to square one ako.

Ewan ko ba sa sarili ko, parang hindi na ako natuto. Makailang beses nang nangyari ito pero parang wala akong kadala-dala. Kahit alam kong masasaktan ako pagkatapos, sige pa rin ako.

Katulad ngayon, pagdating ko, tinext kaagad kita: “Home na.” kahit kaninang nasa sasakyan ako, paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na “No! No! No!”

“Will pick you up. Wait lang po,” sagot mo.

Nakapagpalit na ako ng damit. Nakapag-ayos na. At naghihintay sa’yo, excited na makita kang muli.

Sabado ngayon. Who knows, baka after coffee, yayain mo ako sa Malate. Kahit hindi ako dapat magpuyat ngayong gabi, sasama ako sa’yo sa Bed.

Gusto kong magsayaw tayo katulad ng dati.

I just want to hold you close to me.

Kahit sandali.

Tuesday, September 2, 2008

Tukso

Kuwento ito ng friend kong si AC.

Two Saturdays ago, he got an invitation from G, his officemate, na mag-inuman silang dalawa sa Harbor Square. Hindi ito natuloy.

Last Saturday, inulit ni G ang invitation niya sa friend ko. Since may bonding kami ng barkada sa Malate, hindi uli sila natuloy.

The following day, Sunday, bandang alas-onse nang gabi, nagulat si AC nang biglang umapir sa house nila si G.

“Siguro naman this time, matutuloy na ang inuman natin,” ang nakangiti nitong sabi sabay taas sa supot ng 7-11 na naglalaman ng Tanduay at Coke.

Taka si AC kasi hindi niya alam na alam ni G ang eksaktong address niya. First time ito ni G na makarating sa house nila.

No choice ang friend ko kundi patuluyin si G. Nakataas ang tig-isang kilay ng kanyang madir at sisterette nang ipakilala niya ito.

Akyat sila sa room niya at doon sila nagsimulang uminom. Si G pa ang nagtimpla ng rhum coke.

Habang nag-iinuman sila, parang hindi makapaniwala si AC na kasama niya si G sa room niya. Hindi sila close ni G. Bagong pasok lang ito sa kumpanya nila. Napansin niya from Day 1 na panay ang effort nitong makipagkaibigan sa kanya. Napansin niya rin na gwapo ito at maraming nagkaka-crush sa office. Isa na siya dun!

Straight si G sa pagkakaalam niya. Basketball varsity player noong college. At may girlfriend.

Habang nag-iinuman sila, siyempre, usap sila ng kung anik-anik. Noong una, puro safe topic pero kinalaunan, habang tinatamaan sila, napag-usapan nila ang sex.

Kuwento si G tungkol sa mga experiences niya sa girl. Kuwento rin siya tungkol sa mga pananaw niya sa sex.

Ang friend kong si AC, hanggang pananaw lang sa sex ang inispluk dahil hindi siya pwedeng magkwento ng mga experiences niya. Ingat siya kasi hindi siya sigurado kung alam ni G ang tunay niyang pagkatao. Although sa tingin niya, may idea si G. At sa tingin niya rin, kahit straight itong si G, mukhang game sa bading.

“Are you in a relationship?” ang tanong sa kanya ni G.

“I don’t have a girlfriend,” ang sagot ni AC. Meron kasi siya, boyfriend. Yes, committed na ang friend ko at mag-iisang taon na sila ng boyfriend niya. Pero discreet sila.

“I thought so,” ang sabi ni G.

Nang maubos ang iniinom nila, akala ni AC, magpapaalam na si G. Mga 2:00 a.m. na yun. Malapit lang kasi ang inuuwian nito. Pero nahiga ito sa kama niya.

“Can I sleep over?” ang sabi nito.

Hindi nakatanggi si AC.

Nagtanggal si G ng shirt. “Pasensya na, nakahubad kasi ako kung matulog,” ang sabi.

Pinahiram siya ni AC ng shorts. Tumayo si G at mismong sa harap niya nagpalit. Nakita ni AC na puti ang suot nitong brief. Tapos muli itong nahiga. Hindi naiwasan ni AC na mapasulyap sa napakagandang dibdib at abs nito.

Pinatay ni AC ang ilaw at nahiga na rin siya sa tabi ni G.

Hindi siya makatulog. Damang-dama niya ang body heat ng katabi. Dinig na dinig niya ang bawat paghinga nito. Langhap na langhap niya ang lalaking-lalaking amoy nito.

Katahimikan. Waring nagpapakiramdaman sila.

Maya-maya, niyakap ni G ang unan na nasa pagitan nila. Pati siya, nadamay sa yakap. Matagal na nanatiling nakapatong ang kamay ni G sa kanyang dibdib. Siya naman ay nanatiling nagkukunwaring tulog. Maya-maya naramdaman niya ang dantay ng binti ni G sa binti niya.

Hindi kumikilos si AC.

Tinanggal ni G ang pagkakayakap sa unan. Nag-brush ang kamay nito sa crotch ni AC. Tinanggal din ni G ang unan sa pagitan nila. At dahil wala nang harang, bumaling si AC patalikod kay G. Pero gumalaw si G, pasiksik sa kanya. Dito naramdaman ni AC ang erection ni G na nadikit sa butt niya.

Naghahabulan ang tibok ng puso ni AC pero hindi siya kumikilos. Pinipigil niya ang sariling bumigay sa wari ay panunukso sa kanya ni G. Iniisip niya, officemate niya ito. Baka pag may nangyari sa kanila, kumalat sa office nila. Iniisip niya rin, committed na siya. May boyfriend. Kailangan niyang magpakatatag.

Naging mariin ang pagkakapikit ng mga mata ni AC. Pilit niyang iwinawaksi ang tuksong nakahain sa kanyang tabi.

Maya-maya naramdaman niyang nilalaro ng mga daliri sa paa ni G ang talampakan niya. Pero hindi siya tuminag. Nagkunwari pa rin siyang tulog.

Gumalaw si G. Bumaling palayo sa kanya. Maya-maya, si AC naman ang umayos ng higa. Humarap siya sa nakatalikod na si G. Pero biglang humarap sa kanya si G. Nagkatapat ang mukha nila, nagkalapit.

Matagal silang nanatiling ganoon. Pareho silang nakapikit. Hinihintay na lamang ni AC na idikit ni G ang mga labi nito sa mga labi niya. Si G ay waring naghihintay rin na ganoon ang gawin ni AC sa kanya.

Pigil na pigil si AC. Paulit-ulit ang kanyang litanya sa sarili: I am in a relationship. I have a boyfriend. I should be faithful.

At dahil walang move to initiate a kiss, halos sabay pa silang naglayo ng mukha, bumaling patalikod sa isa’t isa.

At nakatulog na si AC. Pero nung nag-uumaga na, nagising siya na nakayakap sa kanya si G, ramdam na ramdam niya pa ang mainit na hininga nito sa batok niya.

Pinabayaan niya na lamang ito…

Habang ikinukwento ito sa akin ni AC, hindi ako makapaniwalang walang nangyari sa kanila ni G. Nakahain na sa tabi niya, natiis niya? Nagpaparamdam na, dinedma niya? Kinaya niya yun?

But he insisted na wala talagang nangyari. Natutukso na siya pero pinaglabanan niya. Aminado siyang nahirapan siya, pero naipanalo niya ang self-control niya.

Sabi pa niya, “At least ngayon, malinis ang konsensiya ko, humarap man ako sa boyfriend ko.”

“Congratulations! Ang galing mo, neng,” ang sabi ko. Pero sa totoo lang, gusto ko siyang batukan! Ha ha ha! Joke!

But I was just wondering. Habang nagkukwento siya sa akin sa phone, naririnig ko sa background ang pinapatugtog niyang “Half Crazy”.

Para kanino ang song? At bakit siya nagse-senti?

Hmmm…