Monday, April 3, 2017

Bintana


Mula sa siwang ng capiz na bintana na bahagyang nakasara, sinilip ko siya. Naroroon si Ricardo, abala sa pagliligpit ng mga kalat. Kadarating ko lang galing sa Maynila na kung saan ako ay nag-aaral. At sa muling pagtapak ko sa hacienda pagkalipas ng mahabang panahon, si Ricardo kaagad ang umagaw sa aking atensyon. Isa siya sa mga trabahador ng aking ama na naatasang sumalubong at umasikaso sa akin. May munting piging, imbitado ang lahat, at habang iyon ay nagaganap, hindi ko maiwasang si Ricardo ay apuhapin ng tingin. Hindi dahil sa siya ay makisig kundi dahil sa tila kakaibang damdaming hatid niya sa akin. May pagsasal ng kaba sa aking dibdib sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, higit lalo kapag ako ay ngingitian niya nang tipid at may pagkamahiyain.

Magkasinggulang kami ni Ricardo, subalit hindi kami lumaking magkababata dahil wala na ako, nag-aaral na sa Maynila, nang dumating at manilbihan ang kanilang pamilya sa hacienda. Hindi sila taal na tagarito kung kaya ngayon ko lang siya nakita at nakilala. At hindi ko maipaliwanag itong nadarama. Pagkaraang ako’y manggaling ng Maynila na kung saan ang mga kalalakihan doo’y higit na makikisig, hindi iilan sa mga iyon ang aking napaibig at inibig, hindi ko maunawaan kung bakit sa maiksing sandali ng pagkikilala ay tila hindi ko magawang supilin ang nadarama ko sa kanyang pagkaakit. Kung tutuusin, mukha pa nga siyang madungis dahil maitim. Pero ang kanyang kutis ay pantay na tsokolateng tila nagpapatakam sa akin. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Kaylapad ng dibdib, kaypipintog ng mga masel. Kaytatatag ng mga bisig na tila kayang-kaya akong iduyan at sapuhin. Iniisip ko pa lang na ako’y makukulong sa mga yakap niyang mahigpit ay tila nanghihina na ako sa pagnanasa at pananabik.  At tila nalalanghap ko na rin ang natural na singaw ng kanyang katawan, lalaking-lalaki, amoy tustadong pinipig, walang bahid ng anumang pabango na tila makadudungis lamang sa kanyang pagka-maskulino.

At ngayon ngang tapos na ang pagdiriwang para sa aking pagdating na kung saan marami sa mga trabahador ng hacienda ang nabusog at nalasing, umakyat na ako sa aking silid upang magpahinga. Subalit ako ay nababalisa higit lalo at sa aking pagsilip sa bintana ay nasisilayan ko si Ricardo, na matatag pa rin sa kabila ng maraming nainom at abala sa pagtulong sa pagliligpit at paglilinis sa pinagdausan ng piging. Pawis na pawis, walang pang-itaas na damit at ang suot na pantalong maong ay kaybaba ng kapit, halos mahubo sa baywang, kung kaya’t manaka-naka ang paglitaw ng kanyang bulbol at kuyukot (wala yata siyang panloob!). At dahil hindi ko na makayanan ang pag-iinit dahil sa  nasisilip kong tanawin, tinanggal ko na rin ang aking T-shirt, hinubo ang aking shorts at itinira lamang ang aking underwear. Dinama ko ang aking ari, hindi ko na kinailangang himasin upang maghumindig dahil kanina pa habang ang aking mga mata’y umaapuhap sa kanyang mga titig, ako ay nagngangalit na at umaapaw sa pananabik.

Pumikit ako at siya ay kinatalik sa aking isip.