Wednesday, March 31, 2010

Hello Galera



Nahiga ako sa buhangin. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit. Nakaramdam ako ng kapanatagan.


Pumikit ako. Pinakinggan ko ang hampas ng mga alon sa dalampasigan.

May naramdaman akong nakatunghay sa akin. Dumilat ako.

Kahit medyo madilim, kaagad ko siyang nakilala.

Matagal niyang pinagmasdan ang aking kabuuan habang ako ay nakahiga, nakatitig sa kanya.

Maya-maya, tumabi siya sa akin. Nagtapat ang aming mga mukha. Nagtama ang aming mga mata.

Muli akong napapikit nang magdikit ang aming mga labi.

***

Nasa Puerto Galera na ang aking mga kaibigan. Bukas, susunod ako. I am so excited na.

Monday, March 29, 2010

Fallin’

Asan ka?

Silya. Breakfast kami. Ikaw?

Chelu. Puntahan kita.

Akala ko, matatapos ang gabi (umaga na pala kasi alas-singko na) na hindi nagpaparamdam si Gian. I had a feeling na nasa Malate rin siya at hindi nga ako nagkamali.

Dumating siya. Ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko. It turned out na magkakilala na pala sila ni Basil kasi classmates sila sa college. Small world.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Katulad ng dati niyang ginagawa, hinalikan niya ito. Tapos bumulong siya sa akin: “I missed you.”

Smile lang ako, pa-demure.

Dedma kunwari ang mga kasama ko na sina Basil at Axel pero alam ko, nakikiramdam sila.

Inakbayan ako ni Gian tapos kiniss ako sa lips.

“Lasang… corned beef,” ang sabi niya pagkaraan.

Na-conscious ako. “As you can see, I am having corned beef for breakfast. Turn off ba?”

“No,” ang kaagad niyang sabi. Tapos kiniss niya akong muli as if to reassure me. “Ok lang, kahit ano pa ang lasa ng bibig mo.”

“Mag-breakfast ka na nga,” ang sabi ko. “Ano ba gusto mo?”

“Ayoko mag-breakfast. Gusto lang kitang makita.”

Hindi na nakatiis si Basil. “Ang sweet naman. Kayo na ba?” ang tanong niya, directed sa aming dalawa.

Nakangiting tumingin sa akin si Gian na parang ako ang pinasasagot niya.

Tumingin din ako sa kanya pero hindi nagsalita. Di ko kasi alam. Wala naman kaming pormal na pinag-uusapan.

“Tayo na ba?” Ako ang tinanong niya.

“Ewan ko sa’yo,” ang sagot ko.

“Oo lang o hindi,” ang singit ni Axel.

“Hindi,” ang sagot ni Gian.

“Ay, bakit?” ang react ni Basil.

“Hindi niya pa ako sinasagot,” ang sabi niya.

“Hindi ka naman nanliligaw ah,” ang sabi ko.

“Sabi mo, ayaw mo.”

“Sabi mo, di ka ready kasi kaka-break mo lang.”

“Ang gulo n’yo ha!” ang sabi ni Axel.

“Pag-usapan n’yo nga yan,” ang sabi naman ni Basil.

Hinug ako ni Gian. “MU lang kami.”

“Oo nga,” ang sang-ayon ko.

“Libre siyang gawin ang gusto niya. Walang expectations o pagbabawal sa akin. Ganito na lang muna until pareho na kaming ready,” ang sabi pa ni Gian.

I just smiled. Then he kissed me again.

Quiet na lang sina Basil at Axel habang naglalambingan kami. I was enjoying it actually kahit ako mismo, parang hindi ko maintindihan ang set-up namin.

***

Nitong nakaraang Sabado, lumabas ako with my friends. We finalized our Galera plans tapos diretso gimik. (I invited Gian na sumama sa Galera pero may work daw siya.) I did not text him na lalabas ako. Actually, I was waiting for him to text me na lalabas siya.

Sa gitna ng kasiyahan namin, I was constantly checking my phone, half-expecting na magte-text siya o tatawag. Pero wala.

Hanggang breakfast, inaasahan ko pa rin na magpapakita siya. Pero wala talaga.

Medyo disappointed ako. Aaminin ko na may mga nakilala ako nang gabing iyon, pero siya ang nasa isip ko. Miss ko siya habang nagsasayaw ako. Miss ko ang mga paglalambing niya. Miss ko ang kiss niya.

Naisip ko tuloy, baka ayaw niya na. Baka nagsawa na. Baka may nakilala siya sa Chelu. Baka nang mga sandaling iyon na hinahanap-hanap ko siya, sumama na pala sa iba.

Pero wala naman kaming relasyon. Sabi niya nga, libre ako at libre siya. Kaya dapat walang expectations.

Pilit ko siyang iwinaksi sa aking isip.

Umuwi ako na parang may mabigat sa aking dibdib.

***

Ngayong umaga, nag-text siya.

Lumabas ka ba nung Sabado? Hinihintay ko ang text mo kasi kung yayayain mo ako, sasama sana ako. But I guess, may iba kang plano.

Nag-reply ako.

Yup. Akala ko nga magkikita tayo. Pero hindi ka rin nag-text. Wala akong ibang plano, ayoko lang magmukhang makulit sa’yo.

Miss na miss kita.

I miss you too.

Palagay ko, ready na ako.

Saan?

To fall in love again.

Hindi ako sumagot.

Palagay ko, mahal na kita.

Lalo akong hindi nakasagot.

Sana mahal mo na rin ako.

Thursday, March 25, 2010

Torn

“Ako si Aries,” ang sabi niya.

Napa-“Huh?” ako. Linya ko yata yun.

“Ikaw, ano’ng name mo?” ang tanong niya.

“Aris,” ang sagot ko.

Siya naman ang napa-“Huh?” kasunod ang: “Magkapangalan tayo?”

“Yeah…”

“Aries as in zodiac sign din ba ang sa’yo?”

“Ay, hindi. Without an e.”

“Parang pareho pa rin yun.”

Tapos, nagkatitigan kami. Sa kabila ng madilim na lighting sa loob ng club, his eyes were sparkling. Yun ang unang naka-attract sa akin nang makita ko siya, bukod sa matangos niyang ilong.

Bago naganap ang pagpapakilalang iyon, nagkatinginan muna kami. He was sipping zombie from a glass and I was just chilling. Lumukso ang puso ko nang ngitian niya ako sabay alok sa iniinom niya. Ngumiti rin ako at tumanggi. Tapos lumapit siya sa akin at yun na nga, nagpakilala.

Muli siyang nagsalita subalit hindi na rumehistro sa akin ang kanyang sinasabi dahil papalapit na nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. At bago pa ako nakahuma, nagtagpo na ang aming mga labi.

Ang lambot ng lips niya. We kissed gently at nalasahan ko ang tamis ng kanyang bibig. Napapikit ako habang ninanamnam ang kanyang halik. Hinapit ng isang kamay niya ang aking baywang. Napayakap ako sa kanya.

Inistorbo kami ng kanyang mga kaibigan. Lumapit ang mga ito, may ibinulong sa kanya at siya ay hinila. Bahagya na siyang nakapagpaalam sa akin.

Napabuntonghininga na lang ako habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglayo.

Umakyat ako sa ledge at doon ay nagsayaw. May pumartner sa akin (shirtless, makinis ang katawan, halos kita na ang pubes sa low-rise jeans) subalit hindi mawala sa aking isip si Aries. At ang kanyang halik. Tila nasa pandama ko pa rin ang lambot at init ng kanyang bibig.

Maya-maya, nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. May nag-text.

Nasa Malate ka ba?

Si Gian.

***

Nagkakilala kami ni Gian nang nagdaang Sabado dito rin sa Bed.

Nagkatabi kami. Nagkadikit. And before we knew it, we were already kissing.

Akala ko simpleng landian lang iyon dahil hindi kami nag-uusap. Tinginan lang at halikan. May konting hipuan din. Subalit niyaya niya akong lumabas.

Uminom kami sa Silya at doon, higit kaming nagkakilala.

We had a very nice conversation. Ang sarap niyang kausap. Noong una kuwentuhan lang pero kinalaunan, naging personal na. Napag-alaman ko na single siya (kaka-break lang) at open sa pagkakaroon ng bagong relasyon.

“Puwede ka ba?” ang prangkang tanong niya.

“Puwedeng ano?”

“Ligawan.”

Natawa ako.

Kinuha niya ang kamay ko at dinala niya sa kanyang mga labi.

“Seryoso ako,” ang sabi niya pa.

“I am not looking for a relationship,” ang etchos ko.

“Ok lang. Maaari naman tayong maging close, di ba? Parang MU lang.”

Napakunot-noo ako.

“Sa ngayon, I just want somebody to care for and to care for me, too.”

Hindi na ako kumibo kahit parang confused ako.

Pinanay-panay niya ang text at tawag sa akin pagkatapos niyon. Hindi siya nanligaw but instead, he acted like he was my boyfriend. Frankly, enjoy ako sa atensyon kaya sumakay lang ako at walang naging pagtutol. But I made sure na kontrolado ko ang emosyon ko.

Sinadya kong huwag ipaalam sa kanya ang gimik ko ngayong Sabado. Hindi naman kasi kami mag-jowa. At malaya pa rin akong gawin ang gusto ko.

Hindi naman siya nagtanong. At di rin siya nagsabing pupunta.

At sa text niya, isang maiksing “Yes” lang ang naging sagot ko.

Di siya nag-reply.

***

Ilang sandali pa, bumaba na ako ng ledge at muling nagbalik sa lugar na kung saan kami nagkonek ni Aries. I was hoping na muli siyang babalik. And so I waited.

Nainip ako and I was about to hit the dancefloor nang may pumigil sa braso ko.

Si Aries.

“Hey, saan ka pupunta?”

“Halika, magsayaw tayo,” ang yaya ko.

Kaagad siyang sumama.

“Nakita kitang may kasayaw kanina,” ang sabi niya nang nasa dancefloor na kami.

“Iniwan mo kasi ako,” ang sabi ko.

“Pero binalikan kita.”

“Nasaan na ang mga kaibigan mo?”

“Nasa itaas, iniwan ko muna.”

Muli akong napatitig sa kanyang mga mata. Tumitig din siya sa akin. Hinila niya ako palapit sa kanya.

Muli kong natikman ang malambot at matamis niyang labi. Napapikit ako. Parang huminto ang pintig ng paligid at kaming dalawa lang ang humihinga.

Muling nag-vibrate ang aking phone. Ayoko sanang pansinin pero persistent at paulit-ulit. Bumitiw ako kay Aries at kinuha ko ang phone mula sa aking bulsa.

It was Gian calling.

“Nasa Bed ka ba?”

“Yeah.”

“Pupuntahan kita.”

Bago pa ako nakasagot, nawala na siya sa linya.

“Sino yun?” ang tanong ni Aries.

“Friend,” ang sagot ko.

***

Ipinagpatuloy namin ni Aries ang paghahalikan pero distracted ako dahil sa tawag ni Gian. Paano kung makita niya kami sa ganoong sitwasyon?

Bumitiw ako kay Aries. Isinaalang-alang ko ang mararamdaman ni Gian. Pero hindi naman kami. Pero nitong nakaraang linggo, parang naging kami.

“Are you ok?” ang tanong ni Aries.

“Yeah,” ang sagot ko. “Magsayaw na lang tayo.”

Pinagbigyan niya ako. Nakatingin siya sa akin at nakangiti habang sinasayawan namin ang “Telephone”.

Maya-maya, bumulong siya sa akin: “I like you.”

Napangiti ako. Gusto ko rin sanang sumagot ng “I like you, too” pero pinigil ko ang sarili ko.

Pagkatapos, hiningi niya ang number ko.

Inabot ko sa kanya ang celfone ko at tinayp niya ang number niya. Tapos miniskol niya ang sarili niya.

Akmang ibabalik ko na sa aking bulsa ang phone nang mag-ring ito.

Si Gian uli.

“Nandito na ako. Nasaan ka?”

Hindi ko alam kung bakit para akong kinabahan. Natigilan ako.

“Aris? Hello?”

“Yes, Gian…”

“Nasaan ka?”

No choice ako kundi sagutin ang tanong niya.

“Dancefloor. Left side.”

“Friend mo uli?” ang tanong ni Aries pagkababa ko sa phone.

“Yeah. He’s here.”

At bago ko pa nadugtungan ang sasabihin ko, nakita ko na si Gian, papalapit sa kinaroroonan namin.

Kiniss niya kaagad ako sa cheeks sabay akbay.

Nakatingin lang si Aries.

Ang awkward ng moment. Deep inside, tense ako.

Pinagkilala ko sila.

Nagkamay sila at pagkatapos, pilit na akong isinasama ni Gian. Hindi ko alam ang sasabihin kay Aries.

Kumaway na lang ako sa kanya ng pamamaalam.

Napaka-possessive ng pagkakahawak ni Gian sa aking kamay habang papalayo kami.

Hindi ko napigilang lingunin si Aries.

Nakatingin siya sa amin. At kahit malayo, nakita ko pa rin ang lungkot sa makikislap niyang mga mata.

***

“Is he your boyfriend?”

“No.”

“I saw you kissing when I passed by Silya.”

“It’s hard to explain. Pero wala kaming relasyon.”

“It’s hard for me to understand that.”

“Parang MU lang. Pero walang commitment.”

“Gusto ko sa relasyon, seryoso.”

“Ako rin.”

“I guess I should just stop calling you.”

“Why?”

“Baka ma-in love ako sa’yo. Masasaktan lang ako.”

Wednesday, March 17, 2010

Pagniniig

Dinama ng aking mga labi ang makinis niyang tiyan. Yumapos ang aking mga bisig sa makipot niyang baywang. Tinanggal niya ang kanyang shorts, kasunod ang kanyang brief. Dinampi-dampian ko muna ng halik ang sentro ng kanyang katawan bago ko iyon binalot ng aking bibig. Napakapit siya sa aking ulo, mahigpit. Sinapo ko ang kanyang matambok na puwet at pinisil-pisil.

Hinubad niya ang aking damit at itinulak niya ako pahiga sa kama. Pumaibabaw siya sa akin. Dama ko ang bigat ng kanyang katawan at ang pag-uumpugan ng aming mga kaselanan. Nagtama ang aming mga mata. Nagtagpo ang aming mga labi. Nagyakap kami at matagal na naghalikan.

Gumapang pababa ang kanyang bibig at magkasalit na sinakmal-sakmal at dinila-dilaan ang aking leeg. Pagkatapos binudburan niya ng nakakikiliting diit ng kanyang mga labi ang aking dibdib at kinagat-kagat, sinundut-sundot at sinipsip-sipsip ang dalawang sensitibong kuntil.

Napaliyad ako sa sensasyon ng masarap na kuryenteng dumaloy sa aking katawan na abot hanggang sa aking talampakan. Higit kong ipinagduldulan ang aking sarili upang ako ay kanyang angkinin.

Dumausdos siya patungo sa aking tiyan. Hawak ang aking mga kamay, pinaglaruan niya ang aking pusod. Hinimod niya ito nang paikot-ikot at pasulut-sulot hanggang sa umabot ang kanyang mga hagod sa aking puson at sa bahaging higit na mababa pa roon.

Napasinghap ako nang salikupin niya ang aking pagngangalit. Dama ko ang init at higpit ng kanyang pagkasabik nang higupin ako ng kanyang madulas na bibig. Napadakot ang aking mga palad at nagdumiin ang aking mga daliri sa maskulado niyang balikat.

Dama ko ang unti-unting pag-akyat sa rurok subalit nang ako ay malapit na sa kaganapan, bumitiw siya sa akin. Hinagkan niya ang aking mga hita at sinaliksik pati ang kaloob-looban malapit sa sugpungan.

Dumapa siya at siya naman ang aking pinaibabawan. Pinagapang ko ang aking mga halik mula sa kanyang tenga, batok, at balikat. Dinama ng aking mga labi ang arko ng kanyang likod hanggang sapitin ko ang mapipintog na pisngi ng kanyang puwet. Hindi ko napigil ang aking panggigigil at ito ay magkabila kong minarkahan ng aking mga ngipin. At pagkatapos siniklut-siklot ng aking dila ang lagusan sa pagitan niyon.

May inabot siyang isang maliit na pakete sa akin. Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang aking mga mata. Tumango siya, hudyat ng pagpapaubaya. Kaagad kong pinunit ang balot na plastic. At pagkaraang maisilid, unti-unti siyang inulos at tinuklas ng aking paghuhumindig.