Mula sa siwang ng capiz na bintana na bahagyang nakasara,
sinilip ko siya. Naroroon si Ricardo, abala sa pagliligpit ng mga kalat.
Kadarating ko lang galing sa Maynila na kung saan ako ay nag-aaral. At sa
muling pagtapak ko sa hacienda pagkalipas ng mahabang panahon, si Ricardo
kaagad ang umagaw sa aking atensyon. Isa siya sa mga trabahador ng aking ama na naatasang sumalubong at umasikaso sa akin. May munting
piging, imbitado ang lahat, at habang iyon ay nagaganap, hindi ko maiwasang si
Ricardo ay apuhapin ng tingin. Hindi dahil sa siya ay makisig kundi dahil sa
tila kakaibang damdaming hatid niya sa akin. May pagsasal ng kaba sa aking
dibdib sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, higit lalo kapag ako ay
ngingitian niya nang tipid at may pagkamahiyain.
Magkasinggulang kami ni Ricardo, subalit hindi kami lumaking
magkababata dahil wala na ako, nag-aaral na sa Maynila, nang dumating at
manilbihan ang kanilang pamilya sa hacienda. Hindi sila taal na tagarito kung
kaya ngayon ko lang siya nakita at nakilala. At hindi ko maipaliwanag itong
nadarama. Pagkaraang ako’y manggaling ng Maynila na kung saan ang mga
kalalakihan doo’y higit na makikisig, hindi iilan sa mga iyon ang aking
napaibig at inibig, hindi ko maunawaan kung bakit sa maiksing sandali ng
pagkikilala ay tila hindi ko magawang supilin ang nadarama ko sa kanyang
pagkaakit. Kung tutuusin, mukha pa nga siyang madungis dahil maitim. Pero ang
kanyang kutis ay pantay na tsokolateng tila nagpapatakam sa akin. Matipuno ang
kanyang pangangatawan. Kaylapad ng dibdib, kaypipintog ng mga masel. Kaytatatag
ng mga bisig na tila kayang-kaya akong iduyan at sapuhin. Iniisip ko pa lang na
ako’y makukulong sa mga yakap niyang mahigpit ay tila nanghihina na ako sa
pagnanasa at pananabik. At tila
nalalanghap ko na rin ang natural na singaw ng kanyang katawan,
lalaking-lalaki, amoy tustadong pinipig, walang bahid ng anumang pabango na
tila makadudungis lamang sa kanyang pagka-maskulino.
At ngayon ngang tapos na ang pagdiriwang para sa aking pagdating
na kung saan marami sa mga trabahador ng hacienda ang nabusog at nalasing, umakyat
na ako sa aking silid upang magpahinga. Subalit ako ay nababalisa higit lalo at
sa aking pagsilip sa bintana ay nasisilayan ko si Ricardo, na matatag pa rin sa
kabila ng maraming nainom at abala sa pagtulong sa pagliligpit at paglilinis sa
pinagdausan ng piging. Pawis na pawis, walang pang-itaas na damit at ang suot
na pantalong maong ay kaybaba ng kapit, halos mahubo sa baywang, kung kaya’t
manaka-naka ang paglitaw ng kanyang bulbol at kuyukot (wala yata siyang
panloob!). At dahil hindi ko na makayanan ang pag-iinit dahil sa nasisilip kong tanawin, tinanggal ko na rin
ang aking T-shirt, hinubo ang aking shorts at itinira lamang ang aking
underwear. Dinama ko ang aking ari, hindi ko na kinailangang himasin upang
maghumindig dahil kanina pa habang ang aking mga mata’y umaapuhap sa kanyang
mga titig, ako ay nagngangalit na at umaapaw sa pananabik.
Pumikit ako at siya ay kinatalik sa aking isip.