Monday, April 26, 2010

Bawal

Muli siyang nagparamdam. Kung kailan hindi na ako umaasa. Kung kailan akala ko, limot ko na siya.

Hindi pa rin kita malimutan sa kabila ng mahabang panahong nagdaan. Palagi pa rin kitang naiisip. Palagi pa rin kitang pinananabikan.

Nanumbalik ang masasayang alaala ng aming nakaraan. Muli kong nadama ang pangungulila sa kanya.

You will always be my greatest love kahit mayroon na akong iba.

Masarap na masakit iyon para sa akin. Siya rin ang greatest love ko subalit may nakapagitan na sa amin. Hindi na siya malaya, isang pagkakamali na hindi na niya maituwid.

I miss you and I want to see you.

Miss ko rin siya at hindi ko lang siya gustong makita kundi gusto ko rin siyang mayakap at mahagkan. Madama kahit panandalian lamang ang init sa kanyang mga bisig. Malasap kahit saglit ang mapagkalinga niyang bibig.

I long to touch you.

Nanariwa sa aking pandama ang ligayang dulot ng aming pag-iisang katawan. Ang kaganapang walang kasintamis at patuloy kong hinahanap subalit hindi matagpuan sa iba.

Magkita tayo ngayong gabi. Magkunwari tayo na ako at ikaw pa rin.

Sa kabila ng pagiging bawal, hindi namin magawang bumitiw sa isa’t isa. Sa kabila ng kawalan ng pag-asa, patuloy kaming nakakapit sa nakaraan.

Sa dating tagpuan, hihintayin kita.

Hanggang ngayon, hindi namin magawang magpaalam.

13 comments:

citybuoy said...

napakasarap ng bawal. at napaka-perfect nung soundtrack! :D

caloy said...

dahil pretentious ako, sasabihin ko sayong itigil mo yan. hahahaha!

Aris said...

@citybuoy: love the song. glad you liked it too. :)

@caloy: opo. magpapa-rehab na ako. haha! :)

Anonymous said...

aris.. naiinitindihan ko nararamdaman mo.. ganun din kasi ako... akala ko sa tv o pelikula lang nangyayari yung katulad ng nangyari sa akin pero eto pareho pala tayo ng sinapit.di ko din maintindihan kung bakit ilang beses na niya ko tinataboy pero di ako bumibitiw. siguro kasi narrmdman kong di cya nagssbi ng totoo..at nung time na bibitiw na ako at handa ng iwan ang lahat kahit labag sa loob... ayun hinabol niya ko at inakap.. ang drama tlg pero pareho nming di alam kung bkit di nmin magawang malimutan ang isa't isa.. alam mo yun? di nmin magwa ang gusto nmin kasi nakatali na siya at kht gustuhin nmin patago lang din tlg.. andun lagi ang pananbik sa kanya... andun yung araw araw na hinahanap mo siya dahil namimiss mo siya.. sa inaraw araw na ginawa ng Diyos siya ang nakikta mo pero kaht sa pagpikit ng mga mata mo siya pa din ang nakikita mo... sa pagtulog mo siya ang naiimagine mong katabi at kayakap mo... nakadikit na ang amoy sa higaan at sa ilong mo... pero wala kayo pareho magawa kasi magiging sakim kami pareho kung gagwin nmn ang gusto nmin.. kht maskit ang nangyayri mas pinili nmin yung mas konting tao ang maaapektuhan.. di ko alam kung pano ko nga kinakaya eh siya kasi una ko... wala nman akong kaibigang mapagsabihan ng problemang gnito walang makakarelate sa akin.. walang makakaintindi

Guyrony said...

I don't like the idea but then again, I'm not in your shoes right now.

I hope you think what's best for you both.

Another touchy-feely post.

I so hate you Aris! Haha!

Nice indeed.

caloy said...

@jake: ooooh..nararamdaman kita. :(

Aris said...

@jake: *sigh!* hug na lang kita. :)

@guyrony: aminado ako na minsan mahina ako pero sinisikap ko pa ring gawin kung ano yung tama. please don't hate me. hahaha! :)

@caloy: friend, naka-relate ka rin? hehe! :)

Pantas said...

Alam kong alam mo na hindi dapat, pero sabi nga nila, sa pagmamahal, walang eksepsyon; lahat hahamakin.
Kung kaya mong panindigan ang kalalabasan ng lahat, at kung kaya mong mas nakikitang nasasaktan ang iba kaysa sa sarili mo. Go lang!

Aris said...

@pantas: itutuwid ko ang lahat dahil alam ko na sa huli, ako pa rin ang magiging talunan. salamat sa iyong comment. i really appreciate it. :)

Rozen said...

Aris thank you for giving me enough inspiration to write my own blog, Great Blog..

Aris said...

@rozen: oh, am so touched. salamat din sa iyo. your comment inspired me too. happy blogging! ingat always. :)

arkin said...

can totally feel for you. owel, funny how we can't have that one person we long for the most. haha

Aris said...

@arkin: actually. sana pwedeng maging simple na lang ang buhay, lalo na sa love. :)