Naupo sila. Nakangiti, nakatingin lang sa bawat isa. Parang wala munang gustong magsalita.
Halos hindi makapaniwala si Alvin na kaharap niya si Vincent. Kaytagal niyang pinanabikan ang sandaling iyon. Dama niya ang pag-uumapaw ng kanyang pagmamahal na tinimpi niya at hindi nawala sa loob ng matagal na panahon.
Masaya naman si Vincent na muli ay makita si Alvin. Nang magkalayo sila, parang may nabawas sa kanya. Subalit ngayon na magkasama na uli sila, parang muli ay nakumpleto siya.
Masaya rin siya na makilala si Darwin. Hindi niya maipaliwanag ang gaan ng loob na kaagad niyang nadama. Parang malapit na rin ito sa kanya, kagaya ni Alvin.
Si Darwin naman ay pigil ang damdamin. Pilit ikinukubli ang pagkabighani kay Vincent. Sa panlabas ay kalmante siya subalit sa kaloob-looban ay hindi siya mapakali.
Lumapit ang waiter. Saka lang parang na-break ang ice sa pagitan nila. Umorder sila.
At pagkatapos, nagsimula ang kanilang conversation.
“Saan ka nga pala tumutuloy?” ang tanong ni Alvin kay Vincent.
“Sa bahay ng Tita ko. Balak ko ring lumipat kapag nakahanap na ako ng trabaho.”
“So, naghahanap ka ng trabaho?” ang tanong ni Darwin.
“Yeah. May opening ba sa inyo?”
“May opening ba sa atin?” ang tanong ni Darwin kay Alvin.
“Ang alam ko freeze hiring tayo,” ang sagot ni Alvin.
“Teka,” ang sabi ni Darwin. “May friend ako na nasa call center. Ang alam ko patuloy ang hiring nila.”
“Talaga? Matutulungan mo ba ako?” ang tanong ni Vincent kay Darwin.
“Sure. Tatawagan ko ang friend ko. Itatanong ko ang requirements.”
“Can you please let me know? I’ll give you my number.”
“Sige. Text ko sa’yo tomorrow.”
At nag-exchange numbers sila.
Nakatingin lang si Alvin. Although natutuwa siya sa alok na tulong ni Darwin kay Vincent, parang may discomfort siya sa usapan ng dalawa, higit lalo sa pagpapalitan nito ng numbers.
Una sa lahat, siya ang dapat tumulong kay Vincent. At dahil sa offer ni Darwin, feeling niya ay sinasaklawan siya nito.
Hindi niya rin gusto ang tila kaagad na pagwa-warm up ni Vincent dito.
Pero hindi siya magpapatalo. Hindi niya hahayaang maagaw ni Darwin ang atensiyon ni Vincent.
“Friend,” ang sabi niya kay Darwin. “Maybe tomorrow, you can ask your friend. Pero ako na ang bahala kay Vincent. Nakakahiya kasi sa’yo, maaabala ka pa.”
Tumingin sa kanya si Darwin na parang na-sense ang kanyang pagtutol. “Yeah, sure. But I won’t really mind.”
“Hindi,” may diin ang salita ni Alvin. “Responsibilidad ko si Vincent. Ako na ang tutulong sa kanya sa pag-a-apply. Sasamahan ko pa siya kung kinakailangan.”
Hindi na kumibo si Darwin kahit deep inside, gusto niyang mag-insist. Gusto niyang may magawa para kay Vincent. Pero alam niya rin na dapat niyang ilugar ang sarili.
Hindi nagtagal, dinner was served.
“Siyanga pala, Vincent,” ang sabi ni Alvin nang nagsisimula na silang kumain. “You can move in with me. I am renting my own place. It’s not much but it can accommodate the two of us comfortably.”
Kailangan niyang maging assertive. Kaytagal niyang nanahimik at naghintay. Hindi niya sasayangin ang chance na magkaroon na ng katuparan ang pag-ibig niya kay Vincent.
***
“Aaminin ko, attracted ako kay Vincent,” ang sabi ni Darwin kinabukasan sa office.
“I appreciate your honesty,” ang sagot ni Alvin, walang pagkagulat.
“Alam ko na siya ang greatest love mo. And I value our friendship. Kaya wala na akong iba pang intensiyon. Gusto ko lang makatulong as a friend. Wala kang dapat ipag-alala.”
“Salamat. Ngayon, mapapanatag na ako.”
“Sa halip na mangamba o magselos, ang pagtuunan mo ngayon ng pansin ay kung paano mo ipapaalam sa kanya na mahal mo siya, kung ano ang gagawin mo upang magkatuluyan na kayo.”
“Nasimulan ko na. Niyaya ko na siyang tumira sa bahay, di ba?”
“Pumayag na ba siya?”
“Oo. Lilipat siya kapag nagkatrabaho na.”
“Speaking of trabaho, natawagan ko na ang kaibigan ko sa call center.” May kinuhang kapirasong papel si Darwin sa ibabaw ng kanyang mesa. “Heto ang requirements. Pag-apply-in mo na kaagad si Vincent. Natimbrehan ko na ang kaibigan ko. May posisyon ‘yun doon. He will keep an eye on his application.”
“Thank you, friend.” Inabot ni Alvin ang papel.
“Bilis, tawagan mo na si Vincent. Paghandain mo na. Para matuloy na ang mga plano ninyo. I can’t wait na marinig ang magandang balita na finally ay may relasyon na kayo.”
“Huwag kang mainip. Malapit na.”
“Kapag nangyari iyon, ako ang magiging pinakamasaya para sa’yo.”
Napangiti si Alvin. “Sige na nga, tatawagan ko na siya.”
“Good. Now, maiwan muna kita. Pupunta lang ako sa restroom.”
Lumabas ng office si Darwin. Pero hindi siya tumuloy sa restroom. Sumakay siya sa elevator at bumaba sa lobby. Lumabas siya ng building at nagsindi ng yosi.
I appreciate your honesty.
Parang naririnig niya pa ang sinabing iyon ni Alvin. Pero naging honest nga ba siya?
Kahit sinabi niya na wala siyang ibang intensiyon, hindi iyon ang totoong nararamdaman niya. Dahil hindi mawala si Vincent sa isip niya. At ini-entertain niya ang mga possibilities sa kanilang dalawa.
Ayaw niyang masira ang friendship nila ni Alvin. Pero parang ayaw niya ring i-give up ang nararamdaman niya kay Vincent. Alam niyang mali subalit matindi ang kanyang paghahangad to take a chance at being happy. To pursue love against the odds.
Pinakamahirap na kalaban ang sariling emosyon. At habang nag-iisip at naguguluhan, dama ni Darwin ang unti-unting pananaig niyon.
Pinatay niya ang kanyang sigarilyo at muli siyang pumasok sa building upang bumalik sa office.
Nasa elevator siya nang tumunog ang kanyang phone.
Sinilip niya kung sino ang tumatawag. Nagulat siya sabay sa pagkabog ng kanyang dibdib.
Vincent, ang sabi sa screen.
(Itutuloy)
Part 3
21 comments:
oh my...:))
sino kaya sa kanilang dalawa yung talagang magpapa-ubaya for the sake of friendship?hehe
napangiti ako... ganda mo talaga magsulat ng story idol..:))
susubaybayan ko to..
awts...just as I thought...I'm starting to feel sorry for Alvin right now..T_T
I hope you have more "twists" to add on the story Aris. I'll be following your story.... take care =)
wowowowow! astig! :)
ang dibdib ko Aris...grabe..
kxe naman..ako yata yang si Alvin eh..haha
WTF. Sulutan ever ang drama. Haha. Kawawa naman si Alvin. Tsk. Go Aris, I'll wait for the next part. :D You're doing well.
Kinakabahan ako sa kasunod Aris...
wag ka na mambitin...Waaaahhhhh
Magndang panimula ng umaga ang pagbasa ng post mo..hahahaha:)
@toffer: salamat. actually sa ngayon, tinitimbang-timbang ko pa kung sino talaga ang karapat-dapat. hehe! :)
@kojin: thank you. yeah, merong twist. abangan mo na lang. hehe! you take care too. :)
@nimmy: i hope you are enjoying the story, nimmy boy. :)
@desole boy: uy, talaga, nakaka-relate ka kay alvin? kuwento mo naman sa amin ang personal mong karanasan. mukhang mas exciting! :)
@bjoy: salamat sa patuloy na pagsubaybay. promise, pagagandahin ko para sa'yo. :)
@nicos: kaka-tense ba? hehe! salamat sa comment. kaka-inspire ka naman. :)
fiction ba yan. kainis ka aris. bitin ka. nawala rin ako sa link mo. *tampo*
At nagising na naman ang katawang lupa ko.
Shit shit shit..kakainis! Sana wala masyadong complications... and I hope I am the one writint this so I will know what would happen next.
:)
Love you Aris!
Oh and I love it!
@jinjiruks: nasa links kaya kita. ginawa ko lang "teh other side of jin" instead of "jinjiruks ikari". pinalitan ko kasi ang links ko ng blog titles instead of names. ikaw pa ang mawawala eh friend kita. :)
@mark joefer: love you too, macky! :)
@ck: thank you. am glad you liked the story. :)
laos na ang drama sa radyo at mga telenovela. ito na ang in. lol.
hayup ka vincent! mga vincent talaga!
@ex jason: ganon? may poot? hahaha! :)
'Yan na nga ba ang sinasabi ko.. Aris, I hate you.. masyado kang nangbibitin friend!☺
@al: please don't hate me. hehe! ginagawa ko na ang karugtong. will post it anytime, my friend. :)
After my recent break-up, ang pagbabasa ng mga kwento mo isa sa mga umaliw sa akin.
You're a gifted writer.
Fabulosa ka.
Mwah!
:)..watching out for it! Sorry sa mga nakakarelate like me.. Hehehehe..
@ms. chuniverse: salamat naman at kahit paano ay nakatulong ako upang maibsan ang kalungkutan mo. :)
@al: kapag natapos ko na ang editing, post ko na kaagad. pramis. :)
http://www.kampeonngpagibig.com po ang blog ko
very nice.. chini-check ko ang blog mo always kung may update.
@promking: nasa link na kita. salamat sa pagsubaybay. :)
Post a Comment