Wednesday, August 11, 2010

Chances 3

“Hey, Darwin,” ang kanyang naulinigan nang ito ay kanyang sagutin.

“Vincent, hi,” ang kanyang nasambit.

Huminto ang elevator at kaagad siyang bumaba kahit hindi pa iyon ang floor ng office nila. Hindi siya kumportableng makipag-usap sa loob ng elevator dahil marami siyang kasakay.

“I just wanna say thank you,” ang sabi ni Vincent.

“For what?” ang tanong ni Darwin habang nakatayo sa corridor.

“For helping me out. Tinawagan na ako ni Alvin. I am applying tomorrow.”

“Well, good luck.”

“Sana matanggap ako.”

“Matatanggap ka.”

Short silence.

“Uhm, Darwin…”

“Yeah?”

“Maybe we can have coffee later?”

“Uhm, sure. Sasabihin ko kay Alvin…”

“No. Huwag mo nang sabihin sa kanya.”

“Why? Nasabihan mo na ba siya?”

“No. It’s just that…”

Short pause.

“I want it to be just the two of us.”

***

May guilt si Darwin nang humarap siya kay Alvin. Tinanggap niya ang imbitasyon ni Vincent at kailangan niya iyong ilihim.

“O, friend, where have you been?” ang tanong ni Alvin.

“Sa baba. Nag-yosi lang.”

“Natawagan ko na si Vincent. He’s getting ready for tomorrow.”

“That’s good.”

Nagkunwari si Darwin na busy na uli siya sa trabaho. In the mood naman si Alvin na chumika.

“Di ba, friend, kapag natanggap siya sa call center, magte-training muna siya. Hindi pa naman siya officially employed. I was thinking na kahit ganoon, palilipatin ko na siya sa bahay. Mas mabuti iyong settled na siya para makapag-concentrate siya sa training. Mahirap iyong nakikisama pa siya sa Tita niya. At least with me, wala siyang iintindihin.”

“That’s a good idea,” ang sagot ni Darwin habang nakatingin sa mga papeles sa mesa niya. Parang hindi niya magawang tumingin kay Alvin.

“I think I should tell him later. Maybe I should invite him for coffee. You want to join us?”

“Ha?” Naghagilap ng isasagot si Darwin, ng alibi dahil may usapan nga sila mamaya ni Vincent. “I can’t, friend. I was about to tell you na may lakad ako mamaya kaya hindi tayo pwedeng magsabay.” May kotse kasi si Darwin at hini-hitch niya lagi si Alvin hanggang sa sakayan malapit sa inuuwian nito.

“Saan ang punta mo?” ang tanong ni Alvin.

“I am meeting a friend.” It was the truth. Half-truth. His best attempt upang huwag magsinungaling.

“Ah, okay.” At tumahimik na si Alvin.

Tahimik na rin si Darwin. Kahit mukha siyang abala sa kanyang ginagawa, hindi siya makapag-concentrate. Ang hirap pala nang may itinatago, lalo na kung sa best friend mo.

Maya-maya, nakita niyang may kausap sa phone si Alvin.

“Hindi siya pwede,” ang sabi nito pagkaraan, disappointed ang expression.

“Sino?” ang tanong niya.

“Si Vincent.”

“Ha? Bakit daw?”

“May ka-meet daw siyang friend mamaya.”

“Ha? Sino raw?” Kinabahan siya.

“Hindi ko na tinanong. Nagtataka nga ako, kararating niya lang dito sa Maynila, may friend na kaagad siya.”

Hindi na sumagot si Darwin. Pilit na lang pinayapa ang sarili. At least, hindi rin nagsinungaling si Vincent. Hindi nga lang din nagsabi ng buong katotohanan.

Ipinagpatuloy niya ang pagkukunwaring abala sa ginagawa upang umiwas kay Alvin.

Pero deep inside, dama niya ang pagtindi ng guilt niya.

***

“Friend, mauuna na ako,” ang sabi ni Darwin kay Alvin nang mag-uwian. Kaka-text lang sa kanya ni Vincent upang ipaalam na on the way na ito sa meeting place nila.

“Ok,” ang sagot ni Alvin. “Enjoy your lakad.”

“Paano ka uuwi?”

“Sasabay na lang siguro ako kay Mimi.”

“Ah, ok. Ingat.” At lumabas na ng office si Darwin. Nagmamadali, walang lingon-likod.

Nakamasid si Alvin, may pagtataka at pagtatanong kung bakit parang kakaiba ang kilos ni Darwin buong araw. Nasanay kasi siya na tinatapatan nito ang kanyang pagiging madaldal. Strangely, tahimik ito ngayon at parang nag-iisip.

Nagkibit-balikat si Alvin. Baka may period. Lihim siyang napangiti sa sariling joke. Inayos niya ang kanyang mga gamit at tinungo ang mesa ni Mimi na executive assistant ng kanilang boss.

“Mimi darling!” ang bati niya.

“Yes, Alvin sweetheart?” Nagre-retouch na ito at naghahanda na ring umalis.

“How heartbreaking to see a lovely lady like you going home by her lonesome. May I volunteer to be your escort?”

Nag-pause si Mimi sa kanyang pagli-lipstick. “Nambola ka pa, makikisabay ka lang pala. Of course, kelan ba naman ako nag-refuse sa isang debonaire gentleman like you.”

“Thank you.” Ngumiti si Alvin at pinanood ang pagpapaganda ni Mimi. Nagsisimula na itong magpulbos. Next to Darwin, si Mimi ang closest niya sa office. Bakla rin ang babaing ito kaya vibes sila.

“Asan ang best friend mo?” ang tanong ni Mimi.

“Nauna na. May imi-meet daw na friend.”

“I’m sure, may date ang bakla.”

“Siguro. Bilisan mo na, girl. Sobrang ganda mo na.”

“Echosera ka. Hoy, di pa muna tayo uuwi ha? Sasamahan mo muna akong rumampa.”

“Saan naman?”

“Sa Powerbooks lang. May bibilhin akong libro.”

“May choice ba ako. Siyempre papayag ako kasi makikisabay lang ako.”

“Sige na, para makapag-chikahan din tayo.”

***

Nagda-drive pa lang sila papuntang bookstore, chumichika na si Mimi.

“In love ako ngayon, bakla,” ang sabi kaagad sa kanya.

“Talaga? Kaya pala mukha kang masaya,” ang sagot niya.

“Masaya sa kung masaya. Kaya lang… medyo complicated.”

“O, bakit naman?”

“Married kasi ang boyfriend ko.”

“So kabit ka, ganon?”

“Oo. Pero ok lang sa akin ‘yun.”

“So anong problema?”

“Asawa kasi siya ng best friend ko.”

“Ha? Keri mo yun?”

“Anong magagawa ko e sa na-in love ako.”

“So paano ‘yun?”

“Ingat na lang kami na huwag makahalata ang friend ko. Ang hirap ngang magkunwari.”

“Paano kapag nalaman ng friend mo?”

“E di eksenang pang-telenovela. Sumbatan. Sampalan. Sabunutan.”

“Gosh, ayoko ng ganon! Worth it ba na iyon ang magiging kapalit ng happiness mo ngayon.”

“Maybe. But honestly, I don’t know. It’s not that gusto kong magtaksil sa kaibigan ko. Nagkataon lang kasi na na-in love ako. I know, mali pero hindi ko kayang kontrolin sa ngayon ang emosyon ko.”

“Gaga ka, ako ang kinakabahan para sa’yo. Hindi ka ba nagi-guilty?”

“Nagi-guilty. Pero nababalewala iyon ng pagiging happy.”

“What about the future? Ano sa palagay mo ang kahihinatnan ng relasyon ninyo?”

“Ayokong mag-worry about the future. Basta masaya ako ngayon. Bahala na kung ano man ang mangyari. I am willing to take the consequences.”

Napatingin na lang si Alvin kay Mimi at napailing. Pagdating sa pakikipag-relasyon, daig pa nito ang bakla sa sobrang pagiging walang takot.

***

Akala ni Alvin sa Powerbooks lang ang punta nila. Pero pagkatapos makapamili, biglang nagyaya si Mimi na mag-coffee.

“Ikaw naman ang magkuwento,” ang sabi ni Mimi habang naglalakad sila papunta sa Starbucks. “Kumusta na ang lovelife mo?”

Napangiti si Alvin. “Kung happy ka, happy din ako.”

“In love ka rin, bakla?” Na-excite si Mimi.

“Yup. But unlike you, hindi kumplikado ang lovelife ko.”

“At sino ang masuwerteng lalaking ito?”

“His name is Vincent. Classmate ko siya sa college. We were so close kaya lang nagkahiwalay kami nang mag-Manila ako. Nandito na siya ngayon, sumunod siya after a year.”

“Kayo na talaga kahit noong college pa?”

“Hindi. Actually, matagal na akong in-love sa kanya, hindi ko lang masabi. But now, sasabihin ko na sa kanya. At palagay ko naman, hindi ako mabibigo dahil kahit noon pa, nararamdaman ko naman that he also cares for me. And guess what, he’ll be moving in with me soon. Kaya doon na talaga kami papunta.”

“Wow, I am so happy for you. Sarap ma-in love noh?”

“Sinabi mo pa.”

Sinapit nila ang Starbucks.

Patungo na sila sa pinto nang biglang mapabulalas si Mimi. “Hey, look who’s here!”

Mula sa glass window nakita niya ang tinutukoy ni Mimi.

Natigilan siya at nagulantang. Nanlamig.

“Sabi ko na sa’yo, may date si Darwin. At ang guwapo!”

Parang hindi siya makakilos sa pagkabigla.

Napansin ni Mimi ang kanyang reaksiyon. “Hey, what’s wrong?”

“Mimi,” he managed to say kahit nagsisikip ang kanyang dibdib. “Ang ka-date ni Darwin…”

“W-what?”

“Siya si Vincent. The boy I just told you about. The boy I have loved since college.”

“Ha? Paanong…?”

“Silang dalawa pala ang magkikita. Pinagmukha nila akong tanga.” Nagdilim ang mukha ni Alvin. “Ang mga taksil…”

Kinabahan si Mimi. “Alvin, ano’ng binabalak mong gawin?”

Mabilis na humakbang si Alvin, pasugod sa kinaroroonan nina Darwin at Vincent.

Nataranta si Mimi. “Oh my God, Alvin. Wait! Wait!”

(Itutuloy)

Part 4

38 comments:

jayps said...

sabi na magkikita sila eh. hahaha!nabitin ako! chances 4 na! hahaha! :)

promking said...

hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-gets kung bakit ako nagbabasa ng blog na tungkol sa mga bakla.

three thumbs up ka na sakin.

Aris said...

@jp: sige, sisimulan ko nang sulatin ang continuation para sa'yo. hehe! :)

@promking: siguro dahil universal ang tema ng pag-ibig irregardless of sex. maraming salamat sa iyong pagkalugod at pagpapahalaga. :)

Nimmy said...

honga! chances 4 na dapat! :)

Aris said...

@nimmy: huwag mainip. lapit na. hehe! :)

MaginoongBulakenyo said...

ngayon lang uli ako nakadalaw sa blog mo..dami ko tuloy na missed na entry mo. habol ako!

Anonymous said...

ay dalian mo! dali!! daliiiii!!!!!!

Désolé Boy said...

aris naman...(stomping his feet)

Aris said...

@maginoongbulakenyo: thanks a lot. enjoy! hehe! :)

@anonymous: hahaha! abangan. :)

@desole boy: don't worry, baby. continuation coming up very soon. promise. :)

mysuperalterego said...

damang dama ko talaga ang bawat story na sinusulat mo. that's why you're one of the greatest blogger I've known. :)

Love this blog so much.

Aris said...

@mysuperalterego: ay, touched naman ako sa'yo. lalo tuloy akong ginaganahan magsulat. thank you, thank you. love you too. :)

Anonymous said...

ang ganda. sana may karugtong na agad

Angel said...

nasaan na po yung 4? ahahaha... naiintriga ako kung eksena kung eksena ang gagawin ni alvin... argh! post mo po agad huh? lol

Aris said...

@anonymous: salamat. ginagawa ko na ang karugtong. :)

@angel: will post the continuation soon. abangan. hehe! thanks, angel. :)

BUJOY said...

OMG! grabe. talo na sa rating ang magkaribal pag ginawang telenovela to. haha. Shet exited na ko sa next episode. haha :D. Anong gagawin ni Alvin? Sana mapigilan sya ni Mimi sa pagsugod.

Anonymous said...

hi aris... the best ka talaga... love this blog

caloy said...

friend, kinakabahan ako dito. hahaha! nahahalintulad sakin tong story na to ah? hahahaha!

Aris said...

@bjoy: haha! sino kaya ang mga gagawin nating bida sa telenovela?

abangan ang kapana-panabik at kahindik-hindik na pagpapatuloy ng dulang...chances! :)

@anonymous: oh, thank you. mahal ka rin namin ng blog ko. :)

@caloy: actually, friend, kuwento mo talaga itong sinusulat ko. charing! haha! nice to know na nakaka-relate ka. :)

BUJOY said...

jlc and luis again. haha. bagay. tas si zanjoe si vincent. yummy. haha. tpos si mimi pwedeng si melai. haha. whatcha think? haha :D pwede!

toffer said...

IDOL!!! I DIDN'T SEE THIS COMING AH..

PART4 NA..:))

I'LL WATCH OUT FOR IT.

Anonymous said...

Obvious ung takbo ng kwento na "magkakahulihan" sila ng friend niya at ung love interest pro na engaged pa rin ako sa pagbabasa. It'll make a difference kung pa'no ico- confront ni Alvin ung dalawa.

casado said...

oh shit shit nung nabasa kong nagyaya pa c Mimi na mag coffee after sa bookstore kinabahan ako ayoko na yatang tapusin ang story bwahhahaha :P crap..pero cge ituloy ko na hehe..asan na karugtong? LOL

Aris said...

@bjoy: pwede! pwede! haha! :)

@toffer: part 4 coming soon! :)

@anonymous: abangan! hehe! :)

@soltero: malapit na. ayan na! ayan na! haha! :)

Anonymous said...

tae, tadhana ngan naman...sa dami ng starbucks...ito ang version ko sa scene hehehe - nag uusap yong dalawa kasi mag tatapat na si vincent kay alvin at nag papatulong lang kay darwin ...:p

Anonymous said...

nabitin ako!! waaahhh...

Joeff said...

Oh Fuck!!!
Fuck!!!
Kinakabahan ako kanina pa!! And I swear... I am beginning to love this more and more!!!!
Aris!!! Napapamura ako sa kaba!!!
I am so attached. Pati supe ko pinapagalitan ako.hehehe..

Love you!

Anonymous said...

I love Darwin's character! Ang sarap i-portray ng character nyang torn between love and friendship. And yes, just like Darwin, I would go for it...all is fair in love! :)

icarusboytoy said...

shet super bitin!!!

pwede paki post na part 4? now na! haha

Master BaTez said...

ngak,, first time kung mabasa eto,,hahaha,, masubaybayan nga..ui hindi ako bakla.. trip ko lang siya basahin..

Aris said...

@anonymous: hmmm... pwede. hehe! basta abangan mo na lang. :)

@anonymous: don't worry, paparating na ang karugtong. :)

@mark joefer: hehe! pabasa mo na rin sa supe mo. love you too, macky! :)

@anonymous: korekness. colorful nga ang character niya dahil sa inner struggle niya. :)

@icarusboytoy: part 4 coming up. hehe! :)

@master batez: welcome to my blog. masaya ako na naaliw ka sa kuwento ko. thank you for the visit and for taking the time to comment. balik ka uli. :)

Mac Callister said...

fiction ito?aba ganito na ngayon theme ng blog mo or subok lang?hahaha

very nice naintriga ako sa mangyayari,feeling ko ma iisip niya na wag na lang mag eskandalo...

Aris said...

@mac callister: yup, fiction. ginagawa ko na dati pa ang mga series na ganito. thanks. basta, abangan mo na lang. hehe! :)

Al said...

OMG! Just as I thought, this is the twist! Argh! One side of me is pleading na pls do not do it Alvin! But another side is shouting louder na go! show it to their faces the treachery that they did.. Gosh friend, the eksena.. so exhilarating...!!:)) Cannot wait for the next part.. Last part na ba?

Aris said...

@al: friend, i am working na on the next part. sana matapos ko na kaagad para mai-post ko na. hindi pa ito ang last. :)

Al said...

Not the last? Hehe.. Mangbibitin ka talaga noh..:). Where did you get this story pala? Most of your stories are yours but not this one, right?

Aris said...

@al: mahaba pa kasi eh. hehe! kathang isip lang although may mga pinaghugutan ding personal experiences. :)

yamiverde said...

hi aris silent reader aq tlga s lhat ng blog at q gusto magpasalamat sau at s lhat ng katulad mo n magsulat ng mga story ganda tlga hanep parang totoo tama un sb nla pwed pampilikula or gwin books, ndi nman lhat my nternet s books mas madami chance mkkbasa ng story. again Aris big thanks GODBLESS U.

Aris said...

@yamiverde: hello to you. salamat din sa iyong pagbabasa at sa pag-iiwan ng komento. dagdag inspirasyon sa aking pagsusulat ang malaman na napapasaya ka ng aking mga kuwento. god bless you too. ingat always. :)