Friday, August 20, 2010

Chances 4

Bago pa narating ni Alvin ang pinto ng Starbucks, nahawakan na siya ni Mimi sa braso.

“Alvin, sandali!”

“Bitiwan mo ako, Mimi!”

“Ano ba? Get hold of yourself!”

Natigilan si Alvin. Matigas ang timbre ng boses ni Mimi at mahigpit ang pagkakakapit sa kanya.

“Huwag kang padalos-dalos. Mag-isip ka muna.” Determinado itong pigilan siya. “Halika, mag-usap tayo.”

Hinila siya nito palayo. Napasunod na lamang siya. Napangunahan man ng galit, unti-unti rin siyang pinangibabawan ng rason kasabay ng tila panghihina ng kanyang tuhod – at loob.

***

“Bakit tayo nagkita nang ganito?” ang tanong ni Darwin kay Vincent. Patuloy sila sa pag-uusap sa loob ng Starbucks at walang kamalay-malay sa muntik nang pagsugod ni Alvin.

“Do you really have to ask? Kahit siguro hindi ko sabihin, alam mo na kung bakit,” ang sagot ni Vincent.

“Maaaring mali kasi ang aking iniisip.”

“Kung ano man ang iyong iniisip. Tama iyon.” Nakangiti sa kanya si Vincent. “Ano pa ba ang ibig sabihin ng imbitasyon ko na magkita tayo ngayon, na tayong dalawa lang? I am interested to know more about you. At gusto ko ring ipakilala ang sarili ko sa’yo.”

“Ang inaalala ko ay si Alvin. Baka masamain niya ang pagkikita natin nang hindi niya alam.”

“Bakit niya naman mamasamain? At bakit niya kailangang malaman?”

Hindi masabi ni Darwin ang dahilan dahil ayaw niyang i-preempt si Alvin. “He should be here with us, don’t you think so?”

“This is just between the two of us.”

“Bakit nga, Vincent?”

“Because I like you.”

Hindi nakasagot si Darwin.

“There, I’ve said it.” Tumawa si Vincent, maiksi, marahil upang pagtakpan ang discomfort sa biglaang pag-amin. Tapos, biglang sumeryoso. “Naramdaman ko iyon kahapon, nang makita kita… nang magkamay tayo.”

Sa kabila ng tuwa sa kanyang narinig, hindi makapagsalita si Darwin. Gusto niyang sabihin kay Vincent na gayon din ang kanyang damdamin subalit binabagabag siya ng pag-aalala tungkol kay Alvin.

***

“Hindi ka dapat nagpapadala sa emosyon mo,” ang sabi ni Mimi kay Alvin. Nasa Seattle’s Best na sila at kalmado nang nagkakape.

Tahimik si Alvin, panay lang ang hithit ng yosi.

“Hindi mo dapat ipinakikita ang kahinaan mo,” ang patuloy ni Mimi. “Sa palagay mo ba kung sinugod mo sila, gaganda ka sa paningin ni Vincent? Magkakaroon lang siya ng resentment sa’yo.”

Nakikinig lang si Alvin kay Mimi.

“Kung may natutunan man ako sa pagiging kabit, iyon ay ang ilagay sa tamang lugar ang aking sarili. Kung ang asawa ay mag-iiskandalo at magbubunganga kapag nahuli si Mister, ang kabit ay iiwas at mananahimik. Kung ang asawa ay mang-aaway kapag may maling nagawa si Mister, ang kabit ay uunawa at magpapatawad. Kaya nga mas minamahal ang kabit dahil kadalasan, OA sa drama si Misis.”

Gulo man ang kalooban, interesado si Alvin sa pinupunto ni Mimi.

“Hindi ka kabit pero mas makabubuting iyon ang isipin mo dahil may kaagaw ka. Sa halip na mag-react ka na parang asawa, do the reverse. Gumawa ka ng kabutihan para sa kanya. Pakitaan mo siya ng dagdag na kabaitan. Nang sa gayon, ma-appreciate ka ni Vincent at tuluyang mabaling sa iyo ang kanyang pagtingin.”

Dahan-dahang napangiti si Alvin. Nagliwanag ang kanina ay makulimlim na mukha.

“O, bakit?” ang tanong ni Mimi.

“I think alam ko na exactly kung ano ang aking gagawin.”

***

“Gusto mo rin ba ako?” Point blank ang tanong na iyon ni Vincent sa kanya.

Hindi nagawang magkaila ni Darwin. Napatango siya.

Napangiti si Vincent. “Pinasaya mo ako.”

Nagulat si Darwin nang biglang hawakan ni Vincent ang kanyang kamay. Kaagad niya itong binawi.

“Why?” ang tanong ni Vincent. “May problema ba? Are you committed?”

“No. Kaya lang…” Si Alvin. Pero hindi niya iyon masabi.

“Kaya lang ano?”

“Masyadong mabilis.”

“I like you, you like me. Kailangan pa ba nating mag-aksaya ng panahon?”

“Siguraduhin muna natin na tama ang ating gagawin. Para walang masaktan.”

Ipinagpasiya nilang ipagpaliban na muna ang pag-uusap tungkol sa kanilang dalawa.

Nag-getting-to-know-you na lang sila.

At habang nagsisiwalat sila ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang sarili, dama nila pareho ang higit na pagkagusto sa isa’t isa.

Nang oras na upang umuwi, nag-offer si Darwin na ihatid si Vincent.

Tahimik sila sa kotse kahit pa naghahawakan sila ng kamay.

At bago bumaba si Vincent, hinagkan niya si Darwin.

Gulo ang isip ni Darwin habang nagda-drive pauwi subalit dama niya ang pagbabaga ng kanyang damdamin – at mga labi.

***

Kinabukasan, hindi pumasok sa office si Alvin. Hindi ito tumawag o nag-text man lang sa kanya.

May pagtataka at pag-aalala si Darwin kaya tinanong niya si Mimi.

“Ay, hindi ko alam,” ang sagot ni Mimi.

“Hindi ba sumabay siya sa’yo kahapon?”

“Oo, pero wala siyang nababanggit na mag-a-absent siya ngayon. Hindi rin siya tumawag.” Pero ang totoo, nag-text na sa kanya si Alvin at hindi lang ipinasasabi kay Darwin ang dahilan ng kanyang pag-aabsent.

“Bakit kaya?”

“Baka may sakit. Sa puso.” Hindi napigilan ni Mimi ang magpasaring.

“Ha?”

“Joke,” ang kaagad niya ring bawi. “Bakit hindi mo i-text?”

“Sige.”

Pero hindi iyon ginawa ni Darwin. Gusto niyang iwasan si Alvin bunsod ng guilt na nararamdaman niya dahil sa namagitan sa kanila kahapon ni Vincent.

Naghintay siya buong araw na ito ang makipag-communicate sa kanya pero wala siyang natanggap na tawag o text man.

Strangely, wala ring tawag o text sa kanya si Vincent.

Hindi siya nakatiis. Tinext niya ito.

“Hey, Vince. Kumusta?”

Crickets.

Malalim na ang gabi at nakahiga na siya upang matulog, naghihintay pa rin siya ng reply.

***

Nang sumunod na araw, masaya si Alvin nang dumating sa office.

Uneasy si Darwin nang magkita sila pero hindi siya nagpahalata.

“Good morning!” ang bati nito sa kanya, unusually chirpy. “How are you today, my friend?”

“I’m good.” Nagsinungaling siya. Halos hindi siya nakatulog buong gabi dahil sa pag-iisip. “And you?”

“Couldn’t be better.” Naupo ito sa kanyang mesa, may ngiting hindi mapawi-pawi sa mga labi.

“Bakit ka absent kahapon?” ang tanong niya, trying to make a casual conversation at upang i-satisfy na rin ang kanyang curiosity.

Tumingin sa kanya si Alvin at ngumiti. May ningning sa mga mata nang magsalita.

“Sinamahan ko si Vincent sa kanyang pag-a-apply. At pagkatapos, namasyal kami.”

Instant ang kirot na naramdaman ni Darwin.

“And guess what. Nakalipat na siya sa bahay ko kagabi.”

Nagsimulang manikip ang kanyang dibdib.

“Nakapag-usap na kami nang maayos. Nasabi ko na sa kanya ang damdamin ko. And you have to congratulate me, my friend…”

At tuluyan nang dinurog ang kanyang puso sa sumunod na narinig.

“Kami na ni Vincent!”

(Itutuloy)

Part 5

29 comments:

john chen said...

i can't wait for the next installment. galing mo!

Désolé Boy said...

“Kung may natutunan man ako sa pagiging kabit, iyon ay ang ilagay sa tamang lugar ang aking sarili."

There! Pinawisan ako dun. Galing! Kung dati kampi ako kay Alvin [kxe feeling ko ako sya, hehe] ngayon nalilito na ko kung sino kakampihan ko.

Ba't di na lang naten barilin si Vincent noh? Bwehehehe. Joke lang!

Anonymous said...

naku, si darwin ata ang magiging kabiteño?

Anonymous said...

Ako ung nag- comment na predictable ung takbo ( Chances 3 ) ng story pero nakapa gwapo naman niyang Vincent na yan. Nakakaloka. Team Darwin ako kasi naging kabit din ako (minsan). Hahaha.

casado said...

oh shit! shit! ahahah...labs ko ung ending ng Episode na to ehehhe...

TEAM ALVIN !!!! bwahahha :P

Anonymous said...

i therefore conclude na si mimi ang bida sa kwento na'to, hahaha! miss you friend.

Aris said...

@john chen: salamat naman, you're enjoying the story. :)

@desole boy: opps, di ko sinasadya. huwag naman, sayang si vincent. ang guwapo pa naman. hehe! :)

@anonymous: abangan! salamat sa pagsubaybay. :)

@anonymous: talaga? nakaka-relate ba? hehe! more surprises to come. :)

@soltero: naku, parang twilight lang. may team edward at team jacob. hehe! :)

@john stanley: korek, si mimi nga ang bida. after this, gagawan ko siya ng spin-off. haha! i miss you too, my friend. ingat always. :)

rex said...

@ soltero.... TEAM DARWIN kami, bwahahah...

i like mimi... mataas ang grade nya sa "kabit-101" hahaha...

BUJOY said...

hala! nagka labo-labo na ang eksena. haha. ugh! nakakabitin. Galing ni Mimi buti napigilan nya si Alvin, kasi all this time nag-woworry ako for Alvin kung sumugod sya. Haha. Madala daw ba sa eksena. Haha. Kapana-panabik na sya Aris, can't wait the continuation. :D

BUJOY said...

TEAM ALVIN AKO!

Désolé Boy said...

o sige..kahit medyo nalito ko dun...
.
.
.
.
.
TEAM ALVIN!!!!

Aris said...

@rex: i like her too kasi babaing bakla siya. hehe! :)

@bjoy: nagkalabo-labo na nga. hehe! hay naku, gurl, marami pang surprises. salamat sa patuloy na pagsubaybay. :)

@desole boy: ay, mas marami na yatang kampi kay alvin. hehe! :)

Kojin said...

Awts..I don't want to prejudge or anything...but the Vincent guy seems to be a big JERK!!!

And I don't to pre-sumptious, but either Alvin is lying (sort of revenge) or my pre judgement is correct...

Naapektuhan ako sa story (lols). Keep up the good work sir Aris =) tc

toffer said...

naku!!! ang gulo ng dalawang magkaibigan..haha..sana di sila mag away para sa isang lalake..haha..

totoo kaya yung sinasabi ni alvin?haizzz..tututukan ko to..:))

kaabang abang talaga idol..haha

Aris said...

@kojin: we will find out in the next episode. abangan! hehe! thanks, kojin. :)

@toffer: more surprises to come. just sit back and enjoy. thanks, toffer. :)

Lester David said...

cant wait for the next chapter... Bakit pag nagbabasa ko gn post mo, kabadong kabado ko?hahahaha feeling ko magkakasakit ako sa puso.. :D

bluemyth said...

OMG... my oh my...hmm...
it hurts a lot...
pero anu bah...
grrr...kakainis talga...
pero am scared of what will happen next...
diba vincent said, kay darwin na...
why should alvin know bout them...
baka two timer si VINCENT!!!hahaha

Aris said...

@nicos: ay, huwag naman. hehe! thanks, nicos. tc always. :)

@bluemyth: hello there, bluemyth! salamat sa pagbisita at sa comment. basta, watch out na lang for the continuation. di ka madi-disappoint, promise. :)

Angel said...

nakakaloka!!!

Aris said...

@angel: hehe! enjoy! :)

Lady_Myx said...

hahaha! ang cool naman dito :D

mapapadalas ako :P

followed yah :D

Aris said...

@lady_myx: hello. thank you, thank you. please enjoy your stay. tc always. :)

bien said...

"Kaya nga mas minamahal ang kabit dahil kadalasan, OA sa drama si Misis.” - winner. kasi naman ang hilg ko rin sa may sabit.
next part na...im rooting for alvin din

promking said...

very good advise by mimi.

Aris said...

@orally: may punto siya di ba? next part coming up. :)

@promking: alam niya ang etiquette for mistresses. hehe! :)

Iskang Sabaw said...

Grabe!!! ang galing . nakakabilib!!! aprub ako sa advise ni mimi. wow! HAHAHA. saan mo ba jinugot ang lahat ng ito?

Aris said...

@iskang sabaw: sa aking mga karanasan. choz! hehe! :)

Adventure said...

"Kaya nga mas minamahal ang kabit dahil kadalasan, OA sa drama si Misis.” --------------> Panalo ang Line na ito. Never ko pa itong narinig sa mga movies. Hehehe... Iba ka talaga Aris. Original...

Adik much... 3hrs na ako nagbabasa. Waaahhh... 2am na!!! Lang hiyang blog nato. Hahahaha...

Aris said...

@adventure: wow naman, talagang pinagtiyagaan mo ang pagbabasa. haha! am so touched. salamat naman at na-entertain kita. :)