Thursday, August 26, 2010

Inagaw Na Ligaya

Nagkakilala kami sa madilim na sinehan.

Kasagsagan iyon ng aking pamumukadkad. Mapangahas kong tinutuklas ang mga misteryo ng aking seksuwalidad.

At dahil matangkad siya, maputi at angelic face… at dahil napakabango niya at halos hindi magtagpo ang hinlalaki at hinlalato ko nang magpahawak siya… bumigay ako at kaagad na sumama sa kanyang pagyayaya.

Dinala niya ako sa isang cheap na motel.

Halos manginig ako sa excitement habang nagtatanggal kami ng damit. Napasinghap ako nang mamalas ko ang kanyang kahubdan.

Ang hahaba ng kanyang biyas. Napakakinis ng kanyang balat. Napaka-lean niya at napakatikas. Siya ang imahe ng lalaking laman ng aking pangarap.

Humiga kami at nagdaop ang aming mga katawan. Nagyakap kami at naghalikan. Nagsalubong ang aming mga kaselanan.

Nagsimula kaming magniig. Maigting at puno ng pananabik. Naglakbay kami paakyat sa seventh heaven.

At nang iyon ay aming marating, halos hindi maampat-ampat ang pagsirit ng luwalhati.

Paghupa ng init, humarap siya sa akin. May tenderness sa kanyang mga titig.

Hinaplos-haplos niya ako at muling binalot ng kanyang mga bisig.

“Naniniwala ka ba sa destiny?” ang tanong niya sa akin.

***

“Palagay ko, natagpuan ko na ang matagal ko nang hinahanap,” ang sabi niya.

“Ano yun?” ang tanong ko.

“Ang destiny ko. Ang taong mamahalin ko.”

“Sino yun?”

“Ikaw yun.”

“Ows?”

“Masaya ka ba na nagkakilala tayo?”

“Masayang-masaya.”

“Maaari ba uli tayong magkita? At magkasama?”

“Palagay ko, iyon ang destiny nating dalawa.”

Ginagap niya ang kamay ko at nag-usap ang aming mga mata.

***

“Miss na kaagad kita,” ang text niya sa akin nang ako ay nasa jeep na.

High na high ang puso ko. Kaagad akong nag-type ng reply. Iniwas ko pa ang celfone ko sa lalaking katabi ko na parang nakikiusyuso.

“Miss din kita. Kailan tayo muling magkiki...”

SNAP!

Biglang naglaho ang celfone sa kamay ko. Inagaw ng lalaking katabi ko.

Bago pa ako nakapag-react, nakatalon na ang lalaki sa jeep at mabilis na nakatakbo.

“Ay! Snatcher! Snatcher!” ang tili ng babae sa harapan ko.

Pero huli na ang lahat. Naiwan akong in shock at hindi makakibo.

Ang number niya, hindi ko namemorya. Paano ko pa siya makokontak?

Nanlumo ako at parang gusto kong maiyak.

Kung kailan nakilala ko na ang perfect na lalaki para sa akin… Kung kailan natagpuan ko na ang magmamahal sa akin…

Ilang ulit din akong nagpabalik-balik sa sinehang iyon subalit hindi ko na siya muling nakita.

Hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko pa rin siya.

43 comments:

Jinjiruks said...

fiction ba yan sir aris?

AkoSiMiguel said...

Well done Aris :)

bien said...

Oh Fuck! inagaw na ligaya talaga.
pero teka muna asan ang chances 5

Anonymous said...

Ang major, major lungkot. :(

Ms. Chuniverse said...

... may karugtong?

sana.

;-)

Anonymous said...

Ang lungkot naman nito. Good luck sa iyong paghahanap! :)

Aris said...

@jinjiruks: true story, sir jeff. :)

@akosimiguel: thank you, miguel. :)

@orally: as in literal talagang inagaw. hehe! ginagawa ko pa ang karugtong ng chances. singit lang ito. :)

@anonymous: as in major, major na sayang. :)

@ms. chuniverse: kapag natagpuan ko siyang muli. :)

@caloy: malay natin, baka muli pa ring mag-krus ang landas namin. :)

Lester David said...

Aw... pero yun nga Aris, dba sabe nya, kugn naniniwala ka sa destiny, and you said yes? ddestiny will make a way para magtagpo kayo ulit..:)

john chen said...

such elegant tagalog! *envy* ;-)

Aris said...

@nicos: sana nga, my friend. sana nga destined to be kami. :)

@john chen: thank you, john. *blush* :)

Nimmy said...

Naiwan akong in shock

ang cute ng litanya! hahaha. sayang naman ang phone. marami namang boys dyan. sa phone ako nanghihinayang. hahaha

Aris said...

@nimmy: sayang din ang kanyang "phone". hahaha! :)

Iskang Sabaw said...

wow. gusto ko din sanang magsulat ng ganito eh. HAHAHA. kelan kaya ang susunod? :))

Aris said...

@iskang sabaw: hello. sulat lang nang sulat, gurl. hehe! sige, magkukuwento uli ako ng iba pang mga karanasan na kahawig nito. maraming salamat nga pala sa follow, sa pagbisita na rin at sa comment. ingat always. :)

Iskang Sabaw said...

walang anuman. maganda kasi kung marami kang paghuhugutan ng inspirasyon at opinyon sa pagsulat. sa ngayon, pangarap na muna ang sumulat ng ganitong lathalain. HAHAHA. saka na...pag kaya ko na ;)

http://iskangsabaw.blogspot.com/

Aris said...

@iskang sabaw: read your latest post. wow, ang galing mong magsulat! diyan naman ako sa essay hindi masyadong sanay. hehe! :)

arkin said...

bakit ba kinukuha ng mga snatcher pati ang happiness natin? haha

Aris said...

@arkin: korekness. sana nagpaalam na lang siya sa akin para natanggal ko muna yung sim. charoz! :)

Mike said...

awwwww! sayang naman, friend. pero malay mo, destiny will be destiny at baka magkasalubong ulit kayo.

Aris said...

@mike: sana nga, friend. pero matagal-tagal na rin akong naghihintay. :)

Lasher said...

Well, I'll be damned. So this is a real story, eh? NAMANNNNN!!!!

Aris said...

@lasherations: kainis noh? ang dami namang ibang pagkakataon, noong time pa na iyon nangyari. thanks for dropping by. :)

Mac Callister said...

siyet naramdamanm ko ang panlulumo mo!hinayupak na snatcher un!!!

sayang naman...

Lasher said...

hey no probs! been a fan of your blog for a long time. matter of fact you are in my blogroll. ;-)

Aris said...

@mac callister: sinabi mo pa. oh well, mapagbiro talaga ang tadhana. :)

@lasherations: nasa blog roll na rin kita. thanks again. tc always. :)

C.C. said...

sobrang naiinggit akoooo! well kahit dinekwat yung phone mo. si destiny na bahala sa inyo :-) well done

promking said...

buhay pa po ba si Inday Badiday?

baka pwede siya makatulong

Aris said...

@c.c.: hello. welcome to my blog. sana nga hindi nakakalimot si destiny. salamat. tc. :)

@promking: oo nga noh? di ko naisipan yan. ang manawagan sa radyo at tv. hehe! :)

rex said...

ako si snatcher!..... hehehe

Canonista said...

Ang sad. :-(

Pero kung nakatadhana talaga kayo para sa isa't isa... magkikita kayo ulit... Kahit gaano pa ito katagal. Yun nga lang, hidni natin alam kung anu ngaba ang destiny niyo or purpose para sa isa't isa. Kayo ba talaga? O may iba pang bagay na dapat mangyari?

wanderingcommuter said...

tunay ngang namiss ko ito...

Ewan said...

ok na yun kesa naman yung nameet mong guy ang nagnakaw ng cp mo :)
pasalamat ka parin...

i hope you could find him somewhere, somehow...

Aris said...

@rex: siguro tinext mo siya at kayo nang dalawa ngayon. hehe! :)

@canonista: minsan naiisip ko, baka wala namang ibig sabihin yun. baka biniro lang ako ng tadhana. pero tama ka, may purpose yun at malalaman ko rin kung ano yun. :)

@wandering commuter: na-miss din kita, friend. :)

@ewan: oo nga ano? mas mahirap kung siya yung magnanakaw. mas masakit yun. hehe! :)

casado said...

arrrghhh! maasisiraan cguro ako ng bait pag saken nangyari yan LOL..that's very frustrating! :P

the geek said...

nang bumaba ang anghel sa lupa at sa dinami dami ng tao sa mundo, ikaw a ng napili niya.

minsan mo lang natikman ang kanyang nga labi ngunit ang minsan na iyon ay maaring maging habambuhay, hindi mo man siya makita, sa alaala mo nandoon siya.

malay mo, sa mga araw na susunod, pagtagpuin ulit kayo ng tadhana.

BUJOY said...

hala so sad naman. tsk! uy Aris, ala na bang karugtong yung chances? busy busyhan na ako kaya di na ako masyadong maka-update dito :D

Aris said...

@soltero: oo nga. isang bagay na wala ka talagang magagawa kundi ang maghintay at umasa na muli kayong pagtatagpuin ng pagkakataon. :)

@the geek: hanggang ngayon, nasa alaala ko pa rin siya. kung biro man iyon ng tadhana, tanggap ko na. pero patuloy pa rin akong umaasa. :)

@bjoy: hello, gurl. nakapost na ang chances 5. pinagtiyagaan kong tapusin kagabi para sa'yo. say mo? enjoy! :)

Al said...

nalungkot naman ako dun :(

Aris said...

@al: iniisip ko na lang, baka meron pang iba na mas higit sa kanya. hehe! :)

Unknown said...

hmmmp! ang malas naman.... eh panu kaya kau magkikita nyan...?

Aris said...

@xavier randol: wala na. lost na. kainis nga eh. *sigh!*

jeticool09226378608 said...

sayang naman, sana makakilala in ako ng ganun tao san ba ung sinihan na un kuya aris

Almondz said...

Na-shock rin ako awww... napakahusay na paglalahad at nakakatuwa ang titulo hehe.