Wednesday, October 6, 2010

Pag-uulayaw

“Nakakatawa tayo, ano?”

“Bakit naman?”

“Ang tagal na nating hiwalay pero nagkikita pa rin tayo.”

“Oo nga.”

“At nagse-sex.”

“Bakit nga ba natin ito ginagawa?”

“Siguro dahil nasanay na tayo.”

“Siguro nga.”

“Bakit parang ang hirap mag-let go? Kahit mayroon na tayong iba?”

“Siguro dahil mahal pa rin natin ang isa’t isa.”

“Bakit nga ba tayo naghiwalay?”

“Dahil hindi na tayo magkasundo.”

“Bakit kung kailan hiwalay na tayo saka natin hinahanap-hanap ang isa’t isa.”

“Siguro dahil totoo ‘yung kasabihan na mare-realize mo lang ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na ito sa’yo.”

“Maaari pa ba tayong magbalikan?”

“Sinubukan na natin minsan pero hindi nag-work-out, di ba?”

“Bakit ganoon? Dalawang beses ka nang napasaakin, pinakawalan pa rin kita.”

“Dahil dalawang beses din akong sumuko. Paulit-ulit na lang kasi ang mga problema natin.”

“Pero heto, magkasama na naman tayo sa isang pribadong lugar. Hindi ba dapat itigil na natin ito?”

“Ikaw, gusto mo na ba?”

“Gustuhin ko man, mahihirapan akong gawin.”

“Bakit?”

“Dahil gumive-up man tayo noon sa relasyon natin, hindi nawala ang love.”

“O lust?”

“Siguro. If that is how you’re going to explain the longing we’ve always felt for each other.”

“Bakit ganoon, when I think of somebody I want to make love with, ikaw ang naiisip ko. When I pleasure myself, ikaw ang ini-imagine ko.”

“Ako rin, iniisip ko ang mga bagay na ginagawa ko sa’yo at ang mga bagay na ginagawa mo sa akin. Parang naririnig ko pa ang mga ungol mo at ang mga ungol ko…”

“Lagi kong pinananabikan ang init na dumadaloy sa katawan ko kapag ako ay nasa kaloob-looban mo.”

“Compatible tayo sa sex. Napapaligaya natin nang husto ang isa’t isa sa kama. But not outside of it.”

“Not because we haven’t tried.”

“But because we’ve tried so hard. Twice.”

“Sabi nga, we can’t have it all. Kaya siguro tayo nagkakasya sa ganito.”

“Ang gulo nating dalawa, ano?”

“Oo nga. Parang ang hirap intindihin kung anong meron tayo.”

“Nakaka-guilty din kung minsan dahil pareho na tayong may ibang karelasyon.”

“Pero ang hirap paglabanan.”

“Sabi nga, masarap ang bawal.”

“Masaya ka ba?”

“Oo naman. Kahit ganitong panakaw lang.”

“Ako rin. Masaya akong nagiging tayo pa rin. Kahit paminsan-minsan lang.”

38 comments:

Mike said...

ouch ouch ouch!

RainDarwin said...

gusto ko yan. May panakaw.

hahahahah.

Unknown said...

Galing naman talaga ni Kuya Aris! Hehe true to life po ba talaga iyon? By the way, thanks po pala sa paglike dun sa mga entries ko, kuya, favor ulit kasi po badly needed qlang talaga ang mga votes sana po matulungan mu ako gawan po ng blog sa site mu na ikacampaign nyu pu ako? Hehe eto po kung panu ulit gagawin ang pagboto:
1.Maglog-in po sa facebook at isearch po yung TV PATROL NEGROS
2.Paki-LIKE po yung page.
3.Pagkatapos po punta kayo sa PHOTOS hanapin po yung ENTRY NO. 24 at 30 tsaka i-LIKE po silang dalawa.
Yun lang, sana naman po matulungan mu ako ulit hehehe, ito lang po kasi yung paraan para mawala lahat ng mga pait na nararamdaman ko sa mga past love life q, well anyways, thanks sa lahat ng blog na ginawa m po, i really LOVE it! Sana magkapanahon din ako sa paggawa ng blog ko ulit. . . Thanks po!

Aris said...

@mike: masakit nga for all concerned. lalo na sa mga jowa.

@pilyo: mas exciting daw kasi ang mga stolen moments. hehehe! :)

@xtremesolitude: i am sure marami na ang makakabasa niyan dito. good luck!

kaloy said...

you strike a chord - every time...

Ms. Chuniverse said...

sige, sige, sige.

ang susunog kong karir ay parang ganito na lang.

kakayanin ko.

Aris said...

@kaloy: thanks, kaloy for always taking the time to read my posts. sana di ka magsawa. :)

@ms. chuniverse: kering-keri mo yan, mare. :)

Mac Callister said...

oh my gawd!!!isang bawal na pag iibigan...

awww aries,true ba ito or fiction?kawawa naman mag partner nyo...

pero u know what,i felt the sincerity of this post,un pag hihirap ng 2 feelings...hope you two could work it out...

Anonymous said...

hi aris!

i am admiring ur style in writing. i had read all ur entries from 2008 up to present and i could say that u have a wonderful life. i felt differnt emtions while reading ur post. it is my first time to read a blog and im glad i found urs.
may i know if u and ur bestfren AC are now ok?- rymond'_'

Shenanigans said...

ito ang kwentong lalabag sa batas ng pag ibig

MaginoongBulakenyo said...

masarap kaya ang bawal..hahaha

The Golden Man from Manila said...

HOw very gay! nangyayari yan sa tunay na buhay.

toffer said...

MADALAS TO MANGYARI SA MGA BADING GARCI..:((

Aris said...

@mac callister: totoo ang conversation na ito, my friend. at tama ka, medyo masikip sa dibdib ang ganitong sitwasyon. :)

@anonymous: hello, rymond. maraming salamat sa pagtitiyagang basahin ang mga entries ko. natutuwa ako na kahit paano, nagustuhan mo. yup, ok na kami ni bestfriend. :)

@shenanigans: masalimuot talaga ang pag-ibig. maraming mukha at minsan, mahirap intindihin. :)

@maginoong bulakenyo: sinabi mo pa. kaya lang stressful din sa emosyon. :)

@the golden man: totoo. mahirap ipaliwanag pero nangyayari talaga ito. i speak from experience. hehe! :)

Aris said...

@toffer: korekness. i wonder tuloy, bakit parang ang hirap mag-let go kahit alam mong hopeless na kayo?

Arian Tejano said...

first time ko dito. napaluha ako tsong!

Aris said...

@arian tejano: maraming salamat sa pagdalaw. sana balik ka uli. :)

Anonymous said...

i guess you do love each other. maybe if we could just go on loving without any commitment life would be simpler. no issues. no demands, no guilt. just be happy together for as long we can. of course, i'm speaking for myself

pyro said...

wow! nakaka-miss magbasa ng blogs. buti may access na ulit dito sa office. you're one of the best, aris! sobrang iyak ako sa chances ha! great job!

Aris said...

@mark: siguro nga may fear of commitment kaya ganoon. :)

@pyro: thank you, pyro. sana patuloy kang mag-enjoy sa mga sinusulat ko. :)

Ming Meows said...

complicated na to teh'

Aris said...

@ming meows: korekness teh. mahirap i-define. :)

Luis Batchoy said...

at dahil matagal akong nawala at sumulpot na lang dahil two years na pala ang blog ko magmamaldita ako... one liner itoh...


DAHIL CONVENIENT!

che!

Aris said...

@luis batchoy: hahaha! ang bitchesa lang. kamustasa kalabasa? :)

Luis Batchoy said...

itekwaboom at Relic hunter ang drama... Amazing Race Asia...Nasa Surayaba ako now, bukas Jakarta, then uwi ako sa Manila sa 13th for my playwright friend's masters requirement sa play nya. I will essay the role for his play. Then back to Jakarta on the 16th and onward to Bali, Penang, Phnom Phen(baka lang) Bangkok and elsewhere, dahil pagod na ang tatay ko magbyahe kaya ako ngayon ang replacement nya sa negosyo. Whew! Is there a chance na mag kape while I'm there? Nagbago na ba number mo... same pa din sa akin. Text me.

Ryan said...

Heartfelt, even if it's bittersweet. Maybe it's the "sweet" in bittersweet that's empowering this :)

Aris said...

@luis batchoy: wow, sosyal! asian tour ang drama. just take care, ok? :)

@ryan: thanks, ryan. sana kahit paano nagustuhan mo. :)

citybuoy said...

Napaisip ako dun ah. Ang galing kasi it's so seemingly simple and then at the middle, it hits you that you've been there. We've all been there. Alam ko Justify my love ang OST mo pero I was also thinking medyo bagay yung kanta ni Lani Hall na I don't want you to go. Love na love ko yung song na yun eh.

It was really nice seeing you again last weekend. :)

Aris said...

@citybuoy: gusto ko rin ang kantang yan. at bagay nga!

happy din ako to see you again after what, a year? haha! and get to know the reason kung bakit glowing ka! ;)

Neneng Kilabot said...

sarap basahin ng mga post mo 'te..

ako'y babalik at babalik.. :)

Aris said...

@neneng kilabot: hello, neneng. maraming salamat. lagi kang welcome dito sa aking blog. take care always. :)

caloy said...

anong pag-uulayaw? wala akong alam dun. hahaha :p

Aris said...

@caloy: ikaw pa. hahaha! bakit di ka pumunta sa party ni yj? pinag-usapan ka tuloy namin. char! :)

Anonymous said...

di ko alam kung naaalala mo pa ako aris... pero kung totoo man ito, hay.. hindi pala ako nagiisa... ganitong ganito ang dinanas ko pero ngayon kasi pag nakikita lang namin ang isa't isa by chance andun pa din yung magkakatitigan kayo na parang naguusap..
-jakoleroako123

Aris said...

@anonymous: siyempre naman, jake, naaalala pa rin kita. ikaw talaga... :)

jeticool09226378608 said...

kuya aris akamust ka na ang ganda pa rin ng mga kwento, napakulay talaga ng buhay mo

Prince Fau said...

wow naman.

pero sa totoo lang mas maganda yung ganyan. magkaibigan kayo. at least walang selosan. mas tumatagal kasi ang samahan ng magkaibigan - hehehe!

“Sabi nga, we can’t have it all. Kaya siguro tayo nagkakasya sa ganito.”
(love ko to!)

Aris said...

@jeticool: heto, mabuti naman. ikaw, kumusta? sana patuloy kang mag-enjoy sa pagbabasa. :)

@prince fau: hello. welcome sa aking munting tahanan. maraming salamat sa iyong pagdalaw at sa pagbibigay mo ng iyong saloobin. sana magustuhan mo rin ang iba ko pang mga posts. and i hope to hear from you again. take care always. :)