Nitong Sabado, finally nakalabas din ako. Ang huling gimik ko noong Black Party pa. Na-neglect ko na ang social life ko dahil sa trabaho. Actually, pilitan lang ang nangyari dahil maulan at medyo may sinat ako. Ang tagal na naming hindi nagkikita-kita ng mga friends ko at baka magkatampuhan na kung hindi ako sisipot. Anyway, magpa-Pasko naman kaya tumuloy na ako para sa get-together namin na bale Christmas party na rin.
Late ako. Ang usapan, 10:30 pero nakarating ako 12:30 na. Nagpatila pa kasi ako ng ulan. Naghintay naman sila at hindi nainip dahil nag-iinuman at nagkukuwentuhan. Yun nga lang, pagdating ko parang ang dami na nilang napag-usapan at lost na ako. Hindi na rin ako nakainom masyado dahil by 1:00 a.m., nagyaya na sila sa Bed.
Pero pagpasok naman namin, diretso kami sa itaas at doon ipinagpatuloy ang inuman. Blue Frog, two pitchers kaagad. At ilang sandali pa, may tama na kami at maingay na lahat. Binalikan namin ang mga pinagsamahan namin noon at pinagtawanan ang mga kalokohan. Nagkaroon din ng kantiyawan at asaran. Inasar nila ako pero hindi ako napikon. Ang saya lang kasi ng pakiramdam ko at wala ako sa mood magsuplada.
Maya-maya pa, nagkayayaan na kami sa ibaba. Aba, ang dami nang tao. At may performance ang mga go-go boys sa ledge. Bukod sa Santa cap, red trunks lang ang suot! Apat sila na nagsasayaw nang mapang-akit habang ipinagbubunyi ng crowd.
Kuha uli kami ng drinks. Rum Coke naman. Naku, sa sobrang saya ko, hindi ko na inisip ang magiging epekto ng halo-halong drinks sa katinuan ko. Basta sige, inom lang. At sayaw-sayaw. Di nagtagal, namalayan ko na lang nasa ledge na ako kasama ang dalawang friends. Todo hataw pa rin, walang pakialam dahil lasing. At nang mapagod at magsawa, bumaba ako at dumiretso sa couch upang magpahinga at magpa-sober.
Medyo nanibago lang ako dahil parang wala na akong masyadong kilala. Although mayroon pa rin naman pero hindi katulad noon na parang halos lahat pamilyar. Nasaan na kaya ang mga dating regulars? Mayroon na kaya silang ibang pinupuntahan?
Nag-restroom lang ako sandali – pinanood ang mga knife fish sa aquarium habang dyumi-jingle – bago muling bumalik sa dancefloor. Nakita ko ang mga friends ko pero hindi na ako pwedeng jumoin dahil may mga bagong “kaibigan” na sila at abala na sa “getting-to-know-you”. So, sayaw-sayaw na lang uli ako nang mag-isa, palinga-linga, naninipat ng mga guwapo. Ang daming bagong mukha pero ang babata at grupo-grupo. Sa kagagalaw ko, napunta ako sa may sulok sa tabi ng DJ’s booth. Magpapaka-wallflower na sana ako subalit may umagaw sa aking atensiyon.
Katulad ko, pasayaw-sayaw din siya at mag-isa. Matangkad, maputi, chinito.
Napatingin din siya. At maya-maya pa, nag-uusap na ang aming mga mata.
Hindi ko alam kung bakit ang mga galaw namin ay naging tila pag-gravitate sa isa’t isa. Basta’t napansin ko na lang, halos isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mga mukha.
Nagtitigan kami at sabay na napangiti.
Bumulong siya sa akin. “Are you alone?”
“Yeah,” ang pagsisinungaling ko.
“Are you Filipino?”
“Yeah.” Mukha ba akong foreigner? “You?”
“Korean.”
“Oh.”
Hindi na naglayo ang aming mga mata and we moved even closer.
Langhap ko na ang kanyang mabangong hininga.
“I’m Kim,” ang pakilala niya.
“Aris,” ang pakilala ko rin.
Nagkamay kami at hindi na nagbitiw.
And then, we kissed.
12 comments:
nice ending.
whoa, nice kiss haha
Aris, try mo magsulat pagka gising at wag bago matulog. Advice lang haha.
kuya mas masarap parin talaga ang pagsusulat BAGO MATULOG :) nice ending kuya, it's good to be back :)
@victor saudad: glad you liked it. :)
@koro: yep. it was. haha!
sige, try ko nga. :)
@elay: actually, iyon ang nakasanayan kong time ng pagsusulat.
uy, happy birthday nga pala. :)
merry x'mas aris. its good to hear from you. enjoy the holiday! cheers :)) mwah!
Hala, bitin!
Gumagawa po kayo ng HAM!
:)
Hahaha.
@adventure: maligayang pasko rin sa'yo. *kisses back* :)
@citybuoy: you know the rest of the story. hehe! :)
@batang15: hahaha! pwede rin. thanks for dropping by. :)
Di lang po ako nag-d drop by. :)
Follower niyo po ako. :)
@batang15: wow, maraming salamat. ingat always. :)
No offense. Was the ending really true? :|
@zirjaye: yes. :)
Post a Comment