“You're
kidding, right?”
“No.”
Nanlumo si
Edgar.
“It is an
arranged marriage. I hardly know her.”
“Bakit hindi
ka tumutol?”
“Nang
tanggapin ko ang alok ni ama na pamahalaan ang negosyo pagbalik ko galing sa
China, tinanggap ko na rin ang lubusang pagpapasaklaw sa kanya. Isinuko ko na
sa kanya ang lahat.”
“Pati ba ang
tungkol sa atin... isinuko mo na rin?”
“Hindi ko
inakala na muli tayong magtatagpo. Masakit man sa akin na hindi na tayo
maaaring magpatuloy, hindi ko na mababago ang kapalaran ko.”
“I guess,
wala na talaga tayong dapat pag-usapan pa.”
Hindi sumagot
si Stanley.
“Kailan ang
kasal?”
“Sa
makalawa.”
“Nasaan ang iyong pamilya? Bakit hindi mo sila
kasama?”
“They flew in
to Naga this morning.”
Bumuntonghininga
si Edgar.
“Goodbye,
Stanley. My best wishes for you and your bride.”
“I’m sorry,
Edgar. I’m really sorry.”
***
Hindi na sila
nagkita pang muli ni Stanley dahil maaga itong nag-check out kinabukasan.
Inabala ni
Edgar ang kanyang sarili sa restaurant. Kailangan niyang limutin hindi lang ang
nagdaang gabi kundi ang buong kabanata nila ni Stanley. Masakit pero kailangan
niyang magpakatatag at magpatuloy na katulad ng dati.
Mabuti na
lang at naririto ang kanyang Roadside Inn Cafe na sa simula’t simula pa ay
naging kanlungan na niya sa malulungkot na mga sandali ng kanyang buhay.
Lumipas ang
maghapon na parang hindi niya
namamalayan dahil sa dami ng kanyang ginagawa. Ni hindi siya nagkaroon ng
pagkakataong isipin si Stanley o damhin ang hapdi ng nanariwang sugat dulot ng
muli nilang pagkikita.
Nagdadapithapon
nang sumilip si Mercy sa kitchen. Katatapos niya lang magluto ng iba’t ibang
putahe for dinner.
“May
naghahanap sa’yo,” ang sabi.
Hindi niya
alam kung bakit parang kumabog ang kanyang dibdib.
Si Stanley? Imposible!
Hindi nga si
Stanley ang dumating kundi isang lalaki na naging bahagi ng kanyang buhay
post-Stanley.
Si Dante.
***
Nagkaroon siya ng kaugnayan kay Dante nang hindi inaasahan.
Nagkaroon siya ng kaugnayan kay Dante nang hindi inaasahan.
Salesman ito ng
isang malaking kumpanya ng condiments na rumuruta ng Manila-Bicol dalawang
beses isang buwan. Minsan ay nasiraan ito ng sasakyan sa tapat mismo ng inn.
Tinulungan nila itong maghanap ng mekaniko at dahil medyo natagalan ang
pag-aayos, doon na ito nagpalipas ng gabi. At dahil siguro nagustuhan nito ang
kanilang serbisyo, mula noon, naging regular guest na nila ito.
Isang gabi,
papaakyat na si Edgar sa kanyang silid upang magpahinga nang madaanan niya sa
veranda si Dante, umiinom mag-isa.
“Join me,”
ang yaya nito sa kanya.
Tatanggi sana
siya pero naisip niya, nakakahiya naman kung hindi niya ito mapagbibigyan ng
kahit isang bote lang.
Naupo siya sa
harap nito. “May problema ba?” ang kanyang tanong.
“Wala naman,”
ang sagot ni Dante. Ipinagbukas siya nito ng beer.
Pagkaraang
lumagok ay hindi niya naiwasang pagmasdan si Dante. Tahimik ito na parang nasa
malayo ang isip. Alam niya na may dinadala ito – halata sa itsura – subalit
dahil itinanggi na, minabuti niyang huwag na lamang mag-usisa.
Nag-usap na
lamang sila ng tungkol sa kung anu-ano – basta may mapag-usapan lang habang
umiinom.
Hindi alam ni
Edgar kung bakit sa kabila ng pagiging mundane ng kanilang usapan ay nalibang
siya at ang isang bote niya ay nasundan pa. Marahil dahil interesting si Dante
– ngayon niya lang na-realize dahil ngayon lang sila nagkaroon ng close
interaction. May sense itong kausap and he’s actually good looking! Kahit na
medyo maitim at tabain nang konti.
He stayed
hanggang sa siya ay malasing.
Fuzzy ang
sumunod na mga pangyayari. Basta ang naaalala niya lang, nahilo siya. Tapos, nasa
kuwarto na siya... nasa kama. Katabi niya si Dante. Hinuhubaran siya. Tapos,
hinalikan siya... niyakap. Wala siyang lakas upang tumutol dahil parang lumulutang
ang kanyang kamalayan. At hindi niya alam kung dahil sa pagkalasing o dahil sa pagkatigang
kung kaya siya ay nagpaubaya na lamang at kinalauna’y naging responsive.
Nang gabing
iyon, nagniig sila ni Dante. And it felt good. Tila pinunan nito ang matagal
nang kakulangan sa kanyang buhay mula nang maghiwalay sila ni Stanley.
“May problema
kaming mag-asawa,” ang sabi nito sa kanya pagkaraang humupa ang kanilang init.
“You’re
married?” ang tanong niya.
“Yes.”
Naguluhan
siya. “What about... itong nangyari sa atin?”
“What about
it?” Tila may pagtataka pa si Dante na napatingin sa kanya.
Hindi siya
sumagot. Napagtanto niyang hindi isyu kay Dante ang kanilang naging pagtatalik
gayong straight ito at married.
“Matagal nang
problema sa amin ang selos,” ang patuloy nito. “Matagal niya na akong pinagdududahang
may kabit.”
Hindi pa rin
nagsasalita si Edgar, hindi alam ang sasabihin.
Humarap sa
kanya si Dante, inapuhap ang kanyang mga mata. “Ngayo’y tinotoo ko na.”
Nadama niya
ang panunuot ng mga titig nito sa kanya.
“Will you be
my number two?” ang sabi na ikinagulat niya.
***
***
Hindi man
siya tahasang pumayag ay parang naging ganoon na nga. Dahil mula noon ay naging
regular na ang pagniniig nila. Kabit na kung kabit pero aaminin niya, masaya
siya sa tuwing dumarating si Dante. Kahit paano’y binibigyang kulay at sigla
nito ang kanyang buhay. Kahit paano’y nagkaroon siya ng lovelife.
Okay naman si
Dante. Maalalahanin, maalaga, mapagmahal. Mula nang maging “sila”, hindi na ito
muling nagbukas ng tungkol sa asawa at hindi na rin siya nagtanong pa. Mas mabuti
nang hindi na nila iyon pag-usapan dahil baka makagulo pa.
Kuntento na
sana siya sa kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Dante subalit sa muling
pagsulpot ni Stanley ay para siyang natauhan. Na para bang nakita niya ang kaibahan
ng isang relasyong tunay sa hindi. Hindi ang pagiging kabit ang kukumpleto sa
kanyang buhay. Hindi ang pakikiamot sa pagmamahal ang magbibigay sa kanya ng
tunay na kaligayahan.
At ngayon nga
sa muling pagdating ni Dante ay hindi tuwa kundi pagkabagabag ang namamayani sa
kanyang kalooban.
***
“Hey,” ang
bati ni Dante sa kanya.
Pinilit ni
Edgar ang ngumiti.
“We need to
talk,” ang halos magkasabay pa nilang sabi na sinundan din ng magkasabay nilang
pagka-curious at pagtataka.
“Halika, doon
tayo sa garden mag-usap,” ang sabi ni Edgar.
Nagdadapithapon
na at bukod sa huni ng mga kuliglig ay tahimik ang paligid. Nakasindi na ang
lamparang capiz na tumatanglaw sa garden set na naaatipan ng halamang baging.
Doon sila sumilong at naupo.
“Kumusta?”
ang tanong ni Dante sa kanya.
“Mabuti naman,”
ang sagot niya.
Patlang.
“May
sasabihin ka?” Si Dante muli.
Bumuntonghininga
muna si Edgar bago nagsalita.
“Gusto
kong... itigil na natin ito.”
Napakunot-noo
si Dante.
“Gusto
kong... putulin na ang ating relasyon,” ang kanyang patuloy. “Gusto kong ituwid
na ang lahat. Ayoko nang mabuhay sa isang make-belive na pag-ibig. Hindi ito
ang gusto ko. Hindi ito ang aking pangarap.”
Tahimik si
Dante. Kung nayanig man sa narinig ay pilit nitong ikinubli.
Medyo
na-displace si Edgar. Inaasahan niya na at least, magtatanong ito kung bakit.
At dahil tila
ayaw nitong mag-react, nagpaliwanag si Edgar kahit hindi hinihingi.
Ipinagtapat
niya muna ang tungkol kay Stanley. Ang kinahinatnan ng kanilang pag-iibigan. Na
dahil sa kanilang muling pagkikita at sa sakit na dulot ng pagiging hopeless na
nila, naliwanagan siya tungkol sa kung ano talaga ang gusto niya.
Ayaw niya nang
muling masaktan kaya habang maaga – habang hindi pa ganoon kalalim ang relasyon
nila ni Dante – gusto niya nang makipaghiwalay dahil wala rin naman silang
patutunguhan.
Gusto niyang
bigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili na magmahal muli at mahalin nang tunay
– ‘yung totoong relasyon na walang kahati, walang kaagaw. ‘Yung kanya lang dahil
ayaw niya na masaya nga siya, may nasasaktan naman. In this case, ang asawa ni
Dante na pinagtataksilan nila.
Si Dante
naman ang napabuntonghininga.
“Kung iyan
ang gusto mo, wala akong magagawa,” ang sabi. “Hindi kita maaaring
pilitin kung ayaw mo na.”
“Sana
naiintindihan mo ako.”
“Naiintindihan
kita kaya nga pumapayag ako.”
“Salamat.”
Patlang muli.
“Siyanga
pala,” ang pakli ni Edgar pagkaraan. “Sabi mo kanina, may sasabihin ka rin?”
“Never mind.
Hindi na iyon mahalaga,” ang sagot ni Dante.
“Ha? Bakit
naman?”
“Baka hindi
ka na interesadong malaman pa.”
“Interesado
pa rin ako. Sige na, sabihin mo na.”
Sinalubong ni
Dante ang kanyang mga mata.
“Hiwalay na
kami ng aking asawa. Iyon sana ang ibabalita ko sa’yo.”