Monday, May 13, 2013

Roadside Inn Cafe 5

Naghapunan sila nang sabay subalit pareho silang tahimik. Kung mayroon man silang naging imikan iyon ay babahagya lamang at tungkol sa ibang bagay na walang kinalaman sa napag-usapan nila, na para bang pareho nilang iniiwasan na iyon ay madugtungan pa at may masaling na mga damdaming hindi na dapat mabuksan.

Hindi na nagulat o nagtaka si Edgar nang sabihin ni Dante na hindi ito mag-o-overnight. Alam niyang hindi iyon ang plano subalit hindi niya ito masisisi kung biglaan mang nagbago. Given their circumstance, magiging awkward na at mas mahirap pa kung magpalipas sila ng gabi sa iisang bubong. What for? Kailangan pa ba nilang pahabain ang break-up drama? Sapat na iyong nag-dinner sila at nagpaka-civil sa sandali ng kanilang paghihiwalay.

Hinanap ni Edgar sa sarili ang malungkot o masaktan subalit hindi niya iyon natagpuan. Kahit na nang magpaalam na sa kanya si Dante at tuluyan nang lumisan. Tinatanaw niya ang paglayo nito ay nananaig sa kanyang kalooban ang katiyakan na tama ang kanyang ginawa. Unfair na magpatuloy sila ni Dante gayong alam niya na hindi niya ito mahal.

Isang sasakyan ang kaagad na pumarada sa parking slot na nabakante ng sasakyan ni Dante. Pinagmasdan ni Edgar ang isang parehang bumaba mula rito. Mga biyaherong pa-Maynila, ang naisip niya, batay sa direksiyong pinanggalingan nito. Isang lalaki at isang babae, halos kasinggulang niya. Ang lalaki ay maitim at pinoy na pinoy samantalang ang babae ay maputi at tsinitang-tsinita. Umakbay ang lalaki sa babae at ang babae naman ay kumapit sa baywang ng lalaki. Obvious na mag-syota sila -- o mag-asawa -- at kahit tila may pagkaligalig sa kanilang mga mukha, hindi maitatangging sila ay masaya. Sa kabila ng pagiging magkaiba ng lahi at itsura. 

Parang sila noon ni Stanley.

Doon nagsimulang makadama ng kirot si Edgar. Hindi para kay Dante kundi para kay Stanley.  

Si Stanley na tunay niyang inibig. Si Stanley na ngayo'y alaala na lamang ng isang nakaraan. 

Masakit, mahapdi ang sugat na muling nabuksan.

*** 

Maghihilom din siya, alam niya. Subalit hindi niya inaasahan na iyon ay magiging daglian.

Nagdadapithapon na naman. Pagkaraang maging abala sa paghahanda ng mga ulam para sa kanyang restaurant, nakadama siya ng pagod kasabay ang muling paggapang ng lungkot. Pilit niyang iwinaksi iyon. Tumulong siya sa pagliligpit sa kusina. Sa paglilinis. Sa paghuhugas. Anything upang malibang ang kanyang isip.

Nagtatanggal siya ng apron nang sumilip si Mercy sa kitchen.

Somebody here to see you, ang sabi.

Parang replay kahapon.

Subalit hindi kagaya kahapon, wala siyang nadamang kabog sa kanyang dibdib. 

Give me a minute, ang sabi niya kay Mercy.

Si Dante ang naisip niyang nagbalik. Naghanda siya upang ito ay harapin. Walang pagbabago sa kanyang desisyon at kung hindi man naging sapat ang pag-uusap nila kahapon, mas makabubuti na ring magkaroon siya ng pagkakataon upang makapagpaliwanag muli at maipaintindi rito kung bakit kailangan niyang gawin iyon. 

Lumabas siya ng kusina. Nakakailang hakbang pa lamang siya patungo sa reception nang siya ay matigilan.

Hindi si Dante ang kanyang nabungarang naghihintay roon.

Kundi si Stanley.

*** 

What are you doing here? Ang bulalas ni Edgar. Today is your wedding day!

Wala nang kasalan, ang sagot ni Stanley. Hindi na tuloy.

What are you saying? Ano'ng nangyari?

The bride ran away.

What???

Gayundin ang groom. But of course, separately!

*** 

Dinala ni Edgar si Stanley sa veranda upang makapag-usap sila nang sarilinan.

Pagdating ko sa Naga, nagkakagulo sila, ang patuloy ni Stanley. Nawawala si Mei, my wife-to-be. Nagtanan. Sumama sa kanyang boyfriend na tinututulan ng mga magulang dahil purong Pinoy. 

Nakikinig lang si Edgar. 

Sa gitna ng kaguluhan, I just walked away. Dahil katulad ni Mei, I just wanted to be free. You see, habang nagda-drive ako papunta roon, nakapag-isip-isip ako. At nakapagdesisyon. Ayoko nang magpakasal. Ayoko nang maging sunud-sunuran sa kagustuhan ni ama. Itakwil man niya ako, tanggalan ng mana, hindi na mahalaga. Ang mahalaga sa akin ay ang maging malaya at maligaya.

Dama ni Edgar ang pag-uumahon sa dibdib ng damdaming hindi niya maipaliwanag.

Kaya naririto ako ngayon, nagbabalik sa'yo. Dahil ikaw lang ang tanging makapagpapaligaya sa akin. After all these years, ikaw lang ang minahal ko. Kung hindi man kita naipaglaban noon, ngayon ay tinatalikuran ko na ang lahat-lahat, pati pamilya ko, alang-alang sa'yo.

Hindi makapagsalita si Edgar. Tila nagbabara ang kanyang lalamunan sa labis na emosyon.

Hinding-hindi na kita iiwan, ang patuloy ni Stanley. “Mahal na mahal kita, Edgar, at nais kong tayo ay magpatuloy. Maaari pa ba?

Napatango na lamang si Edgar habang namumuo ang luha sa mga mata.

Niyakap siya ni Stanley. Mahigpit.

Yumakap na rin siya. At hindi na niya napigil ang pag-iyak.

***    

They had a leisurely dinner afterwards.

Siyanga pala, ang sabi ni Stanley. On my way here, I made a little side trip.

Saan?

Sa Camarines Norte. I checked out the beaches there na nagsisimula nang maging tourist spots.

Oh, yeah?

Yeah. White sand beaches. Comparable to Puerto Galera or Boracay.

Nice.

And I found this beachfront property that's for sale.

Really?

I want you to see it.

Why?

Because I want to buy it... for you.

Natigilan si Edgar, namilog ang mga mata.

Hindi ba't matagal mo nang pangarap ang magkaroon ng sariling beach resort? ang tanong ni Stanley sa kanya.

Yeah... Napatango-tango siya, dahan-dahang napangiti. 

We're going to make it happen. 

Are you serious? Ngiting-ngiti na siya.

Of course I am. I've saved enough. And I think it's a good investment.

I... I don't know what to say.

I just want you to be happy.

I am happy.

I'll do anything to make you happy.” 

Ginagap ni Stanley ang kanyang kamay.

Napatitig na lamang siya rito nang buong pagpapasalamat.


8 comments:

dhenxo said...

That's so sweet. Good vibes on a Monday. Thans kuya Aris.

Aris said...

@dhenxo: hello, dhenxo. kumusta ka na? kung may time kang magsulat, gusto sana kitang imbitahing mag-submit ng story dito sa blog ko. thank you and tc always. :)

citybuoy said...

Ang galing ng ritmo ng post na 'to. (maniwala ka, di to generic comment. haha) Hanggang sa dulo, parang naririnig ko na yung soundtrack niya. Galing mo talaga, Aris. :)

Aris said...

@citybuoy: kahit alam kong china-charing mo lang ako, naniniwala ako. hahaha! mutual admiration society forever! :)

Unknown said...

BEach resort agad. NKKLK!

Aris said...

@christopher allan: mayaman ang jowa. hehe! :)

Alfred of T. O. said...

Mali ala ako sorry boss author. Happily ever after pa din...Thank you.

Unknown said...

I love happy ending.
pero meron din nmng happy ending na separated.
Good Vibes