Sunday, January 5, 2014

Harot

Binasà niya ang kanyang mga labi dahil napansin niyang nakatingin sa kanya ang guwapong bagets na kasakay niya sa jeep. Inayos niya rin ang kanyang buhok na nililipad ng hangin at umanggulo siya ng upo upang mapaharap siya rito nang tuwid. Bumuwelo muna siya saglit bago sinalubong ang tingin ng bagets. Sa mga labi nito’y naroroon ang isang ngiti at sa mga mata’y ang interes na hindi maikukubli.

Totoo nga yata ang kasabihang “when it rains, it pours” dahil mula nang pakawalan niya ang sarili at yakapin ang kanyang tunay na pagkatao, naging napakadali na para sa kanya ang kumonek sa mga lalaki -- sa club, sa bar, sa mall at ngayon nga’y pati sa jeep. Mula nang ni-reinvent niya ang sarili na maging mas fashionable, outgoing at adventurous, tila naging magneto na siya sa atensiyon ng mga natitipuhan niya, na para bang biglang nagbukas sa kanya ang mundo. Kung noon ay palaging zero ang lovelife niya, ngayon ay aktibo pati sex life niya. Hindi maaaring lumipas ang isang linggo na walang nangyayari sa kanya. Sabi nga ng mga kaibigan niya, siya na ang “reyna” kapag gumigimik sila. Kapapasok lang nila sa club, may kasayaw na siyang bagong kakilala. At maya-maya pa’y may ka-kissing na. Sa loob ng isang gabi’y nakaka-ilan siya. Madalas nauuwi sa “take home” subalit pagkaraan, konting text text lang tapos wala na. 

Not until dumating si Ryan sa buhay niya -- nakilala niya rin sa club on a Saturday night. Nag-alok ito ng relasyon at tinanggap niya dahil sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng kakaiba. Nakita niya kay Ryan ang mga katangiang hinahanap niya. Sa simula’y okay naman sila, masaya siya. Hanggang ngayon, masaya pa rin naman siya subalit natuklasan niya ang kahinaan niya sa gitna ng pakikipagrelasyon -- hindi niya kayang magpaka-faithful! Sa tagal ng panahon na halos walang pumapansin sa kanya, di niya maiwasang lumandi pa rin sa iba. Katulad ngayon, wala naman siyang balak humarot subalit ang mga mata ng guwapong bagets na kasakay niya sa jeep ay nang-aakit, nang-iimbita. Para siyang insektong nadikit na sa sapot nito at hindi na niya magawa ang kumawala. 

Eksaktong pagtapat ng jeep sa Victory Lodge ay pumara ang bagets, sinenyasan siya nito at tinapik sa tuhod bago umibis. Napasunod na lamang siya nang kusa. Bumaba rin siya at sa tanglaw ng patay-sinding neon sign ng motel, natagpuan niya ang sariling nakatayo sa harap ng bagets na ngiting-ngiti at titig na titig sa kanya. Ang tangkad niya pala at ang ganda ng kanyang mga mata!

“Hi, ako si Joey,” ang pakilala nito sa kanya. Malalim ang boses, lalaking-lalaki.

“Ako si Mark,” ang pakilala niya rin. Alias lang, not his real name.

Inakbayan siya nito at tila nagkakaintindihan na silang sabay na humakbang patungo sa direksiyon ng motel.

Nag-uumapaw siya sa excitement habang abala ang isip sa pagbibigay rason at justification sa kanyang gagawing pagtataksil. Sorry, Ryan. Tao lang. Marupok. Malibog. Mahina sa tukso.

Pagpasok nila sa lobby ng motel, natigilan siya at napahindig. Bigla siyang nanlamig -- binalot ng magkakahalong takot, galit at sakit. A dose of his own bitter pill!

Naroroon si Ryan sa reception, may kasama ring iba at nagche-check-in.    

6 comments:

Simon said...

Boom! Intensity level to max.

ManBoy said...

Wow... I mean... Wow...

Kapitan Panagimpan said...

i wonder how would i fair kung mangyari sa akin ang ganire hahaha...i would be civil lang siguro charot hahaha.
very nice entry :)

KULAPITOT said...

Haha patay! Anak ng ......

Aris said...

@simon: oo nga. bigat siguro ng eksena in real life. :)

@manboy: thanks. :)

@kapitan panagimpan: oo nga. underacting lang dapat sa confrontation para mas matindi ang effect. hehe! thanks. :)

@kulapitot: mahirap talagang magkabukingan. hehe! :)

Felmo said...

nice write!