Tuesday, June 17, 2014

In My Dreams

I woke up with an erection.

Muli, napanaginipan ko siya. Pangatlong beses na. Ang boylet na hindi ko kilala.

Dati pa rin ang mga eksena: Gabi. Naglalakad kami, magkasama. Kauulan lang at ang mga ilaw ng siyudad ay sinasalamin ng basang kalsada. Tahimik ang paligid at walang ibang tao maliban sa aming dalawa.

Maya-maya’y umakyat kami sa isang building – parang condominium na madilim. Pumasok kami sa isang silid – madilim din. Sinindihan niya ang kanyang celfone at doon ko siya nabanaagang mabuti. Saglit akong natigilan, agad na nabighani sa kanyang kakisigan.

Lumabas ako sa terrace at tinanaw ang maningning na siyudad. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin, pilit pinapawi ang pag-iinit ng damdamin.

Sinundan niya ako sa terrace at umakbay siya sa akin. Sabay naming pinagmasdan ang city lights. At nang kami’y magharap, kaagad niya akong niyakap. Sa isang kisapmata’y pareho na kaming nakahubad.

Nang dumampi sa akin ang kanyang mga labi, nawalan ng saysay ang aking pagtitimpi. Tinugunan ko ang kanyang halik at nilakbay ng mga kamay ko ang kanyang katawan – ang kanyang bawat sulok, kurba at hugis.

Kaykinis ng kanyang balat. At kung may muscles man akong nasalat, iyo’y mga papausbong pa lamang. Kaytamis din ng kanyang bibig. Para akong sumisimsim ng hinog na prutas.  

Sa isang iglap, nakahiga na siya sa kama. Nakatingin sa akin, nag-aanyaya.

Pinagmasdan ko siya. So beautiful, so perfect na nagpatindi sa aking pagnanasa.

Dahan-dahan akong lumapit at pumaibabaw sa kanya. Muli kaming naghalikan, nagyakap at nagkiskisan. Nang dumako ang aking kamay sa bahagi niya na maaari kong paglagusan ay kusa niyang pinaghiwalay ang kanyang mga binti at iniangat ang kanyang balakang.

Pumosisyon ako para sa aming pag-iisang katawan.

At nang nakatutok na ako upang maangkin siya nang lubusan…

Poof! Bigla akong nagising.

Sa yugtong iyon palaging napuputol ang aking panaginip. Pangatlong beses na. Nakakainis!

Bumangon ako. Parang sasabog ang aking puson. Nagtungo ako sa banyo upang maibsan iyon. 

At dahil 6:00 a.m. na, naligo na ako at nagbihis. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa kalapit na bakery upang bumili ng almusal.

Nakipila ako sa malunggay pandesal.

At doon ko siya napansin. Ang boylet na sinusundan ko sa pila.

Payat, matangkad, makinis. Litaw ang papausbong na muscles sa suot na sleeveless shirt.

Naramdaman niya marahil ang aking pagkakatitig kaya siya ay bumaling. Nagtama ang aming mga mata.

Ngumiti siya.

My heart leapt.

There was something very familiar about his lips. 

12 comments:

Jay Calicdan said...

Ahahaha!!!!! Siya na nga!!!
naranasan ko na yan pero sa ex ko naman, peste na panaginip! Wheee... :D

Aris said...

@jay calicdan: sa panaginip daw kasi lumalabas ang mga sinu-supress natin. hehe!

Anonymous said...

ha...ha....ha.....
ganun ba talaga!
minsan inis ako sa panaginip na ganyan.

red08

Aris said...

@red08: actually. kakainis yung bitin. hehe!

Anonymous said...

sobrang bitin talaga! he...he...he...
at least may ka sunod agad nakita mo ng personal.
kaya lalung nabitin kasi hanggang tingin parin. ha...ha...ha....

red08

Jay Calicdan said...

True. And one thing, kung sino man daw ang mapanaginipan natin na di kilala, sila daw yung mga taong makikilala natin sa hinaharap sa tunay na buhay.

Or... yung iba naman e sila yung mga nilalang na nakatingin sa atin habang natutulog tayo pero di natin sila nakikita pabalik... ~_~

nyoradexplorer said...

ang lalaki sa bakery naman ang minasa masa. chariz!

BUJOY said...

emeged!!! haha. di na kailangan ang malunggay pandesal. :D

Aris said...

@red08: oh yes. nanumbalik lang ang mga alaala ng naunsyaming panaginip. :)

@jay calicdan: talaga? hmmm... :)
ayoko lang ng mga kakaibang nilalang. scared ako. hehe!

Aris said...

@nyoradexplorer: hahaha! minasa-masa lang naman ng tingin.

welcome to my blog, nyora. :)

@bujoy: korek. singsustansya at singsarap pero di singmahal. hahaha!

love your new pic. taray ng hair! :)

nyoradexplorer said...

matagal mo na akong tagasubaybay, aris. isa ka sa mga idolo ko sa pagsusulat. keep off the grass! char! keep it up, idol!

Aris said...

@nyoradexplorer: wow, naman. thanks, nyora. :)