Hindi mawaglit sa aking isip ang sandaling iyon nang una kitang masilipan. Ngayo’y naulit na naman. Umihi ka sa likod-bahay at nagkataong ako’y nagsasara ng blinds. Wala kang kamalay-malay na muli’y nasulyapan ko ang iyong pagkakabuyangyang. Hindi ka naman guwapo, mukha ka pa ngang adik. Pero hindi ako sa’yo matahimik. Sa tuwing ika’y nakikita, naiisip ko ang iyong asset, na kung anong payat mo ay siya namang taba nito. At sa gabi, lagi na’y balisa ako. Nag-iinit, naghuhumindig habang nilalaro ka sa panaginip.
Wednesday, January 28, 2015
Balisa
Hindi mawaglit sa aking isip ang sandaling iyon nang una kitang masilipan. Ngayo’y naulit na naman. Umihi ka sa likod-bahay at nagkataong ako’y nagsasara ng blinds. Wala kang kamalay-malay na muli’y nasulyapan ko ang iyong pagkakabuyangyang. Hindi ka naman guwapo, mukha ka pa ngang adik. Pero hindi ako sa’yo matahimik. Sa tuwing ika’y nakikita, naiisip ko ang iyong asset, na kung anong payat mo ay siya namang taba nito. At sa gabi, lagi na’y balisa ako. Nag-iinit, naghuhumindig habang nilalaro ka sa panaginip.
Friday, January 23, 2015
Bagong Simula
Maaga akong gumising at mula sa balkonahe ng farmhouse ay pinagmasdan ko ang aking bagong kapaligiran. Nagsisimula pa lang magliwanag at sa tanglaw ng papasikat na araw ay napagmasdan ko ang pagniningning ng hamog na nakahilamos sa mga puno at halaman. Sariwa at maaliwalas ang buong kapaligiran na nababalutan ng katahimikan. Maliban sa tilaok ng mga manok, huni ng mga ibon at lagaslas ng batis sa di-kalayuan, walang ibang ingay na maririnig. Nakadama ako ng kapanatagan, isang bagay na naging mailap sa akin nitong mga huling araw. Isang bagay na masarap sa pakiramdam. At sabay sa paglasap sa ganda ng bago kong kapaligiran ay ang aking pagtanggap at pagyakap sa isang bagong simula sa aking buhay.
Kagabi lang ako dumating at pagkatapos mailagak ng aking
kapatid dito sa kanyang farmhouse ay kaagad akong nag-ayos ng aking mga gamit. Pagod man sa biyahe ay kaagad
akong nagligpit. Binuksan ko ang mga kahong ibiniyahe ko pa mula Maynila – ang
aking mga libro, mga damit at computer. Inayos ko sa mga shelves, sa cabinet at
sa mesang magsisilbing workspace ko. Writer ako at para sa akin, iyon ang
pinakamahalaga – ang maging settled ang mga gamit ko sa pagsusulat upang
anytime na ma-inspire ako, I can easily get to work.
Ang pagdedesisyon kong iwan na nang tuluyan ang magulong
siyudad at dito na sa probinsiya manirahan ay bunga na rin ng matagal na
pagkakaipon-ipon ng stress at mga kadramahan sa aking buhay. Bukod sa pagiging
writer, may iba rin akong pinagkakaabalahan. I also had my day job at
dumating sa puntong masyado na akong overwhelmed ng mga pang-araw-araw na
tasks. Araw-araw na lang akong high-blood na kung hindi ko aagapan ay maaaring
magbunga ng hindi maganda sa aking kalusugan. Lagi akong busy at pagod. At the
end of the day, halos hindi na ako makagulapay. Naiinis ako at nalulungkot na
parang kulang pa at hindi sapat ang lahat ng iniukol kong hardwork. Lagi pa
ring may problema na hindi masolusyunan. Idagdag pa ang lovelife na pilit ko mang
pagtuunan ng atensyon, hindi pa rin mag-work dahil sa kakulangan ng time.
Mareklamo na nga ang mga kliyente namin, mareklamo pa ang boyfriend. I can only take so much at dumating ako sa
puntong ayoko na, I just wanted to drop everything. Masyado na akong nabibigatan.
I’ve been losing sleep at hindi na ako makakain. Alam kong kung magpapatuloy
iyon, bibigay ako at magbe-breakdown. Kaya bago pa mangyari iyon, nag-resign
ako sa trabaho at nakipag-break sa aking boyfriend. Tinanggap ko ang offer ng aking
kapatid na umuwi na lamang sa probinsya at tumao sa kanyang farm. Wala naman
akong gagawin kundi ang tumingin-tingin sa kanyang mga trabahador. I don’t
even have to manage dahil may mga katiwala ang aking kapatid. Makakapagpahinga
ako at mare-relax ang aking isip. Iyon ang kailangan ko, ang mabuhay nang
stress-free dahil nagkakaedad na rin naman ako – I just turned forty – at
kailangan ko nang mag-slowdown. Kailangan ko nang magbago ng lifestyle – eat
healthy, quit smoking, stop worrying – kung gusto kong lumawig pa ang buhay. I
know, it’s still early to retire but I’m doing just that. Sawang-sawa na akong
mabuhay na palaging may pressure.
It's a good thing na noong nasa Maynila ako, nakapag-ipon ako nang husto. But then, halos wala naman akong kailangang pagkagastusan dito. Siguro on rare occasions na kailangan kong lumuwas ng bayan o magtungo sa kalapit na siyudad upang mamili ng mga personal na pangangailangan o kapritso kagaya ng mga damit o libro. Otherwise, kung sa pagkain lang, walang kailangang bilhin dito dahil farm nga ito – mamimitas ka na lamang ng mga gulay o magkakatay ng manok, maggagatas ng kalabaw at mangunguha ng itlog. At ang sariwang isda ay halos mahihingi mo lang sa mga mangingisda. Minsan nga, naiisip ko, why didn't I do this sooner – ang mamuhay nang walang mga alalahanin? Ang sarap sa pakiramdam na walang pressure at may peace of mind sa araw-araw. Higit sa lahat ay magagawa ko na ang pinakagusto kong gawin sa lahat – ang magsulat – nang full time. Ngayon pa lang ay punumpuno na ng story ideas ang aking utak at magagawa ko na ang magsulat nang walang interruption – maaring dito sa bahay na kung saan mayroon akong computer o kahit saan mang bahagi nitong farm kung gusto ko ng ambiance – sa hardin, sa kakahuyan, sa tabi ng batis at maging sa dalampasigan. Iyon nga lang, kailangan kong magsulat gamit ang ballpen at papel (bibili pa lang ako ng tablet dahil iyong dati kong gamit ay pahiram ng office). Nevertheless, okay lang, dahil gusto ko nga ang ganoon – ang magsulat sa pamamaraang makaluma. I find it romantic.
Siguro nagtatanong ka, ano naman ang claim ko sa pagiging writer? Ano at pinili kong mag-fulltime dito? Maganda ba ang kita? Anu-ano na ba ang mga na-publish ko? Sagot: Hindi ito tungkol sa pera. Tungkol ito sa passion at fulfillment. At kung sa pruweba ng pagkamanunulat ko, siyam na romance novels na rin ang nailathala ko gamit ang pangalang pambabae – Diosa Del Valle. Iyon kasi ang gusto ng editor, hindi raw uubra ang pangalang panlalaki dahil hindi makaka-relate ang mga mambabasa. Iisipin pa rin nilang maskulino ang treatment ng istorya kahit na ang author ay may pusong babae. But come to think of it, I love my nom de plume. Goddess of the Valley. How fitting lalo na ngayon dahil dito na nga ako titira sa farm. At ang farm ay malapit sa paanan ng bundok. Eksakto, hindi ba? At kung ang follow-up question mo ay: Ganoon ba ang balak mo, ang ipagpatuloy na lamang ang pagsusulat bilang Diosa Del Valle? Ang sagot ay hindi. Dahil bukod doon, gusto ko ring i-explore ang tunay na ako bilang isang manunulat. Gusto ko ring magsulat na hindi nakakubli sa ibang pangalan. Gusto kong magpakatotoo. At iyon ay ang makapagsulat ng mga gay novels na nasa ilalim ng pangalan ko. Iyong literature – pang-Anvil at hindi lang pang-Precious Hearts. Oh well, iyan talaga ang goal ko – ang makapagsulat ng serious fiction.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang mula sa malayo ay matanaw ko ang isang lalaking paparating. Masyado akong nalibang sa pag-iisip at hindi ko namalayan na ang mga tauhan sa farm ay abala na sa kani-kanilang mga gawain.
***
Agaw-pansin ang lalaking paparating. Hindi ko alam kung bakit pero sa aking paningin ay namumukod-tangi ito sa iba pang mga trabahador. Siguro'y dahil kahit mula sa malayo ay hindi mapapasubalian na matikas ito, na kakaiba ang tindig at lakad – tuwid at tiyak. Hinintay ko itong makalapit at nang kaharap ko na, hindi ko napigil ang humanga. Pinagdudahan ko na ito'y trabahador dahil ang kanyang itsura ay maihahambing sa isang modelo o kaya'y contestant sa bikini open – matangkad (5'11 sa tantiya ko), matipuno (ang kapal ng dibdib, ang lalaki ng mga braso), makipot ang baywang at mahahaba ang legs. Eksotiko nga lang dahil moreno but nevertheless, stunning pa rin! Now, let me describe his face. Squarish ang kanyang panga. Mapipintog at mapupula ang kanyang mga labi. At ang kanyang mga ngipin (na litaw sa kanyang pagkakangiti) ay mapuputi at pantay-pantay. Makinis ang kanyang kutis na bagama't sunkissed ay walang blemish. Hindi katangusan ang kanyang ilong subalit hindi rin naman pango. At ang kanyang mga mata, dark brown at hindi itim na kung makatingin ay maningning at kaakit-akit dahil sa malalago at mahahabang pilik. Makapal ang kanyang kilay, kasingkapal ng kanyang buhok na mahaba at wavy na sa kabila ng tila hindi pagkakasuklay ay maganda ang bagsak. May stirrings akong naramdaman sa kaloob-looban habang siya ay pinagmamasdan.
"Magandang umaga, Señorito."
Tila napukaw ako ng kanyang tinig. "Magandang umaga rin naman," ang tugon ko.
"Dinalhan ko kayo ng gatas ng kalabaw."
At saka ko lang napansin ang kanyang hawak. Nagtatanong ang mga mata ko.
"Bilin ho kasi ni Señorito Emilio na tuwing umaga, dalhan ko kayo nito." Ang tinutukoy niyang Emilio ay ang kapatid ko.
"Ganoon ba? Salamat."
Magsasalita pa sana ako subalit mula sa loob ay lumabas si Bining, ang katiwala ng farmhouse na nag-aasikaso sa akin.
"Berto!" ang tawag niya sa panauhin. "Tamang-tama ang iyong dating. Nakahanda na ang almusal ni Señorito."
Kaagad na kinuha ni Bining ang bote ng gatas mula kay Berto.
Napansin kong hindi tumitinag si Berto na napansin din ni Bining.
"May kailangan ka pa ba, Berto?" ang tanong nito.
"Itatanong ko lang sana kay Señorito... baka gusto niyang mamasyal at maglibot mamaya sa farm. Bilin din kasi ni Señorito Emilio na samahan ko siya... kung gusto niya."
"Hindi ba masyadong malayo ang lalakarin kung maglilibot ako?" ang tanong ko.
"Maaari po tayong mangabayo, Señorito."
Hmmm. Napaisip ako. Why not? Ang tagal-tagal ko na ring hindi nangangabayo mula nang mag-Manila ako. Marunong pa kaya ako? Siyempre naman. Ang pangangabayo ay para ring pagbibisikleta na once na natutunan mo, hindi mo na makakalimutan. Teka, wala akong riding boots. Pwede na siguro muna ang rubber shoes.
"Sige," ang sabi ko. "Magkita tayo mamayang alas-tres sa kuwadra."
Muli kong nasilayan ang ngiti ni Berto. "Sige po, Señorito." Yumukod pa ito nang bahagya. "Tutuloy na po ako."
"Teka muna," ang pigil ko. "May sasabihin ako."
Napatingin sa akin si Berto. Gayundin si Bining.
"Huwag n'yo na akong tawaging Señorito. Armando na lang. At huwag n'yo na rin akong pinopo-po. Bata pa ako. Maliwanag ba, Berto? Bining?"
"Opo, Señorito."
***
Over breakfast (sinangag, daing na pusit, itlog na maalat, kamatis, kesong puti at gatas ng kalabaw) ay naging madaldal si Bining. Ewan ko naman kung bakit mukhang she was trying to fill me in – on Berto. Hindi naman ako nagtanong or nagpahiwatig na interesado ako. Nevertheless, nakinig ako sa kanyang mga kuwento.
"Ulila na 'yang si Berto. Dito na 'yan nagbinata sa farm. At dahil masipag at matalino – valedictorian 'yan nang grumadweyt sa hayskul – ay pinagkatiwalaan na ng Kuya mo. Siya na ngayon ang namamahala sa pataniman mula nang magretiro si Mang Julian."
Nakatingin lang ako kay Bining at dahil mukha akong attentive, na-encourage siya na magpatuloy.
"Solong buhay 'yang si Berto. Ewan ko kung bakit hindi pa nag-aasawa. Ni girlfriend, wala. Guwapo naman. Hindi mo nga aakalain sa itsura niya na trabahador lang siya dito sa farm. Aba'y mapagkakamalam mong anak ng maykaya o kaya'y taga-Maynila. Minsan nga may nagawi ritong taga-Maynila, nag-aano daw yun ng mga fashion show. Kinukuha siyang modelo. Isinasama sa Maynila. Ayaw. Mas gusto niya raw dito. Tahimik. Ayaw niya raw ng buhay na magulo."
Napatango-tango na lamang ako.
"Sabagay, aano ka nga naman doon sa Maynila. Baka mapaano ka pa. Magulo nga ba sa Maynila, Señorito?"
"Armando."
"Ay, Armando."
"Medyo."
"Kaya ba iniwan mo na at pinili mong dito na manirahan?"
"Oo. Kagaya ni Berto – at kagaya mo rin siguro – mas gusto ko ang tahimik na buhay."
***
Pagkatapos mag-almusal, humarap ako sa computer. Nakaposisyon sa tabing bintana ng silid ang aking writing table. Saglit akong dumungaw sa labas at saka ko lang napansin ang mga bulaklak na in full bloom sa hardin – santan, gumamela, kamantigue, bogambilya – na tila nakikiayon sa maganda kong mood at masiglang pakiramdam. Higit akong na-inspire ng tanawing iyon upang magsulat.
Nagsimula akong mag-type.
Una silang nagkita sa gitna ng parang na kung saan namumukadkad ang mga ligaw na bulaklak at tangan ng hangin ang simoy ng tag-init na dumadampi, humahalik sa nananabik nilang balat.
Hmmm... Promising. Isang masayang simula na may magandang pangako. Kung magsulat kasi ako, wala talagang balangkas. Ang kuwento ay nabubuo na lamang habang ako'y nagpapatuloy.
Saglit akong natigilan at napaisip. Bakit ganito? Bakit masaya na kaagad ang simula ng aking kuwento? Dark kasi usually ang aking mga kuwento na sa simula pa lang ay mabigat na kaagad sa pakiramdam. But now, parang biglang naiba ang aking approach. Parang hindi na ako. Siguro'y dahil sa pagbabago ng aking kapaligiran. At sa pagbabago na rin ng aking kalagayang emosyonal. Maaari rin naman na dahil may bago na akong inspirasyon. (Agad agad?)
Nang magtama ang kanilang mga mata'y agad nilang napagtanto na ang pagtatagpong iyon ay iginuhit ng tadhana. Maya-maya'y nagniig ang ulan at araw – saglit lamang – at sa pisngi ng langit ay gumuhit din ang pangako ng isang bagong pag-asa, ng isang bagong simula.
Napabuntonghininga ako at napangiti.
Kaysarap ng aking pakiramdam. Kaygaan. Kaysaya.
Napapikit ako at lumarawan sa aking diwa ang isang napakakisig na mukha.
***
Inakala kong maaga ako sa kuwadra subalit pagdating ko roon ay naghihintay na si Berto. Isang ngiti ang kaagad niyang isinalubong sa akin.
"Magandang hapon, Señorito," ang kanyang bati.
"Armando," ang pagtutuwid ko.
"Armando," ang pagtutuwid niya.
Napansin kong nakagayak na ang dalawang kabayo – isang itim at isang puti. Napansin ko ring nagpalit siya ng damit – checkered polo at hapit na maong. Naka-riding boots din siya. Koboy na koboy ang dating (wala nga lang sumbrero) at napaka-guwapo! Bigla tuloy akong na-conscious sa aking suot na sleeveless, shorts at rubber shoes. (Ano ako, magbe-beach?)
Gayunpaman, nakalimutan ko iyon nang inilapit niya na sa akin ang kabayong sasakyan ko – ang kulay itim na si Sylvester na nang hipuin ko ay tila kaagad na nag-warm up sa akin. Naramdaman ko ang instant connection sa pagitan namin. Maging si Berto ay naramdaman din iyon, na napangiti at napahimas na rin kay Sylvester sabay sabi ng: "Good boy. Good boy."
Tinulungan niya ako sa pagsakay. Sa kabila ng nakaka-distract na pagkakahawak niya sa aking baywang, nagawa ko pa rin iyon nang mahusay. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tila nanginginig at nanghihina ang aking mga tuhod. Marahil ay naninibago lang ako. O baka naman dahil naging napakalapit sa akin ni Berto habang inaalalayan ako – langhap na langhap ko ang halimuyak ng kanyang katawan at damang-dama ko ang init ng kanyang mga palad.
Nang maiayos na niya ako sa ibabaw ni Sylvester ay kaagad na rin siyang sumakay sa kabayong puti na si Unicorn. Hindi ko naiwasang muli ay mapuno ng admiration dahil napakatikas niya – lalaking-lalaki! – na para bang ang pangangabayo ay second nature na sa kanya.
"Saan mo gustong pumunta, Armando?" ang tanong niya.
"Sa parang," ang aking tugon.
"Hiya! Tsk! Tsk! Tsk!" kaagad niyang nirendahan si Unicorn at nagpatiuna na siya.
Nirendahan ko na rin si Sylvester at ako'y sumunod. Sa una'y mabagal lang ang kanyang patakbo ngunit kinalauna'y naging pabilis na nang pabilis ito.
Naiwan ako kaya binilisan ko na rin ang patakbo. Tila ayaw niyang magpaabot kaya nagmistulang nangangarera ako.
Dama ko ang rush ng adrenaline habang hinahabol ko siya. Nag-uumapaw ang tuwa sa aking dibdib. Para akong bata na walang pagsidlan ng excitement.
Nang sapitin namin ang parang, bumagal ang kanyang patakbo at saka lang kami nagpang-abot.
"Hoh! Hoh!" ang pagrenda niya kay Unicorn upang ito ay tumigil. Sinabayan ko rin iyon ng pagpapatigil kay Sylvester. Halos magkasabay pang humalinghing ang aming mga kabayo bago huminto. At pagkatapos... katahimikan.
Sabay naming pinagmasdan ang parang. Doon ko napansin ang profusion ng mga ligaw na bulaklak.
Naramdaman ko ang haplos ng hangin sa aking mukha. Nalanghap ko ang halimuyak ng mga bulaklak, ang alimuom ng lupa. Narinig ko ang lagaslas ng batis, ang lawiswis ng mga dahon, ang huni ng mga ibon.
Nakipagkomunyon ako sa kariktan ng paligid.
Maya-maya'y inapuhap ng aking tingin si Berto. At siya'y natagpuan kong nakatingin sa akin.
Nag-hold ang aming mga mata – matagal – at napagtanto kong ang lahat ng ito'y iginuhit ng tadhana. Nginitian niya ako na tila pagkumpirma sa nilalaman ng aking isip.
Nginitian ko rin siya at sa puso'y dinama ang pangako ng isang bagong simula.
Life begins at forty, ang sabi nga nila.
.
Resurrection, January 2015
Tuesday, January 13, 2015
Chances Are
Kahit panay ang palitan
natin ng text messages mula nang magkakilala tayo, hindi pa rin ako nakatitiyak
kung saan nga ba tayo patungo.
You are sweet but safe. Pahapyaw kang sumagot sa mga leading questions ko. Hindi mo pinapatulan ang mga pambubuyo ko upang ma-draw out ko ang tunay na damdamin mo.
Medyo nagho-hold back din tuloy ako. Pinipigil kong i-reveal ang tunay na nararamdaman ko dahil baka mapahiya lang ako.
Sabi ko nga sa common friend natin: “Kailangan ko ng encouragement para magpatuloy ako.” Ang sagot niya: “He has been very encouraging mula nang magkakilala kayo. Huwag kang manhid.”
And so, I decided to pursue. Nagkataon, magbi-birthday ako and I was treating my close friends to dinner. I decided to invite you.
You were hesitant at first but eventually, you said yes.
Pero hindi ka dumating.
I was disappointed.
Sabi ng common friend natin, nagbago raw isip mo. “He’s out with his friends.”
Mas pinili mo na sumama sa mga kaibigan mo kaysa umattend ng party ko? You didn’t even bother to text me.
Since it was a Saturday, we went clubbing after dinner. While dancing with my friends, naiisip kita. Nasa dancefloor ka rin kaya nang mga sandaling iyon? Sino kaya ang kasayaw mo? Naiisip mo rin kaya ako?
I decided to give up on you. Hurt ako sa pagbale-wala mo sa imbitasyon ko. Sana nag-decline ka na lang kesa nang-indyan.
Two days after, you texted me. Nagso-sorry ka sa di mo pagsipot sa birthday dinner ko. You were trying to explain yourself.
Hindi ako nag-reply. Inis pa rin ako sa’yo.
Pero bandang gabi, hindi kita natiis. Nag-reply ako sa text mo.
Akala ko, hindi ka sasagot. Kasi antagal kong naghintay hanggang sa makatulog ako.
Pero kinabukasan, paggising ko, may text ka sa akin.
Ang sabi mo: “How about dinner? Just the two of us.”
You are sweet but safe. Pahapyaw kang sumagot sa mga leading questions ko. Hindi mo pinapatulan ang mga pambubuyo ko upang ma-draw out ko ang tunay na damdamin mo.
Medyo nagho-hold back din tuloy ako. Pinipigil kong i-reveal ang tunay na nararamdaman ko dahil baka mapahiya lang ako.
Sabi ko nga sa common friend natin: “Kailangan ko ng encouragement para magpatuloy ako.” Ang sagot niya: “He has been very encouraging mula nang magkakilala kayo. Huwag kang manhid.”
And so, I decided to pursue. Nagkataon, magbi-birthday ako and I was treating my close friends to dinner. I decided to invite you.
You were hesitant at first but eventually, you said yes.
Pero hindi ka dumating.
I was disappointed.
Sabi ng common friend natin, nagbago raw isip mo. “He’s out with his friends.”
Mas pinili mo na sumama sa mga kaibigan mo kaysa umattend ng party ko? You didn’t even bother to text me.
Since it was a Saturday, we went clubbing after dinner. While dancing with my friends, naiisip kita. Nasa dancefloor ka rin kaya nang mga sandaling iyon? Sino kaya ang kasayaw mo? Naiisip mo rin kaya ako?
I decided to give up on you. Hurt ako sa pagbale-wala mo sa imbitasyon ko. Sana nag-decline ka na lang kesa nang-indyan.
Two days after, you texted me. Nagso-sorry ka sa di mo pagsipot sa birthday dinner ko. You were trying to explain yourself.
Hindi ako nag-reply. Inis pa rin ako sa’yo.
Pero bandang gabi, hindi kita natiis. Nag-reply ako sa text mo.
Akala ko, hindi ka sasagot. Kasi antagal kong naghintay hanggang sa makatulog ako.
Pero kinabukasan, paggising ko, may text ka sa akin.
Ang sabi mo: “How about dinner? Just the two of us.”
===
Originally posted in 2008 under a different title.
Tuesday, January 6, 2015
Books Read In 2014
Sa kabila ng pagiging masyadong abala, nagawa ko pa ring tugunan at mapagtagumpayan ang Goodreads challenge na makapagbasa ng limampung aklat. Ito uli ang goal na pagsusumikapan kong tuparin o higitan pa ngayong taon.
Subscribe to:
Posts (Atom)