Tuesday, January 13, 2015

Chances Are

Kahit panay ang palitan natin ng text messages mula nang magkakilala tayo, hindi pa rin ako nakatitiyak kung saan nga ba tayo patungo.

You are sweet but safe. Pahapyaw kang sumagot sa mga leading questions ko. Hindi mo pinapatulan ang mga pambubuyo ko upang ma-draw out ko ang tunay na damdamin mo.

Medyo nagho-hold back din tuloy ako. Pinipigil kong i-reveal ang tunay na nararamdaman ko dahil baka mapahiya lang ako.

Sabi ko nga sa common friend natin: “Kailangan ko ng encouragement para magpatuloy ako.” Ang sagot niya: “He has been very encouraging mula nang magkakilala kayo. Huwag kang manhid.”

And so, I decided to pursue. Nagkataon, magbi-birthday ako and I was treating my close friends to dinner. I decided to invite you.

You were hesitant at first but eventually, you said yes.

Pero hindi ka dumating.

I was disappointed.

Sabi ng common friend natin, nagbago raw isip mo. “He’s out with his friends.”

Mas pinili mo na sumama sa mga kaibigan mo kaysa umattend ng party ko? You didn’t even bother to text me.

Since it was a Saturday, we went clubbing after dinner. While dancing with my friends, naiisip kita. Nasa dancefloor ka rin kaya nang mga sandaling iyon? Sino kaya ang kasayaw mo? Naiisip mo rin kaya ako?

I decided to give up on you. Hurt ako sa pagbale-wala mo sa imbitasyon ko. Sana nag-decline ka na lang kesa nang-indyan.

Two days after, you texted me. Nagso-sorry ka sa di mo pagsipot sa birthday dinner ko. You were trying to explain yourself.

Hindi ako nag-reply. Inis pa rin ako sa’yo.

Pero bandang gabi, hindi kita natiis. Nag-reply ako sa text mo.

Akala ko, hindi ka sasagot. Kasi antagal kong naghintay hanggang sa makatulog ako.

Pero kinabukasan, paggising ko, may text ka sa akin.

Ang sabi mo: “How about dinner? Just the two of us.”

===

Originally posted in 2008 under a different title.

4 comments:

Jay Calicdan said...

O sige! O sige! Payag na yan! I-#Push na yan, now na!
Ahahaha!!!
Aris, sorry to say pero I miiisss youuu na talagaaahhh!!! :(

Anonymous said...

Short but sweet. Nice. Ikaw na, aris! :)

JapaneseAdobo said...

anung karugtong? natuloy ba? hehehe

Aris said...

@jay calicdan: sige, push! hehe! :)

@anonymous: ako na ang pinagmukhang tanga? haha!

@japaneseadobo: natuloy naman. kaya lang hindi pa rin kami nagkatuluyan. hehe! :)