Wednesday, March 25, 2015

Tilamsik


Sa gitna ng tag-init, bumuhos ang ulan. Malakas at masaganang ulan. Tinigmak ang mga halaman at pinaglawa ang daan. Maya-maya'y lumabas siya sa kanilang bakuran. Hubad-baro at naka-manipis na shorts lang. Sinahod niya ang mga patak hanggang sa mabasa na rin at matigmak. Doon na bumakat ang kanyang katangian. Humugis, humulma, humubog ang sukat. Naglaro siya sa ulan nang walang pakundangan. Binayo ako ng pananabik. At sa panahon ng tag-tigang, nabasa ako ng mga tilamsik.

8 comments:

citybuoy said...

Call me crazy but this would make a really good EDM song!

Lasher said...

I agree with Citybuoy. Not sure if I have heard of Tagalog EDM's before. That would really be cool! As always, Aries, your words made love to my soul...<3

Jay Calicdan said...

tilamsik... ng ulan? ahahaha!!! Whohoho!!! maliligo din ako ng ulan 'pag rainy season na :D

Anonymous said...

Hindi nmn nakakakilig ung mga patweetums na alam mo namang panandalian lang...

Anonymous said...

Friendship Anonymous April 6, 2015 at 5:51 PM, kaya nga panandalian lang eh, divah? Panandalian.

-jc

Anonymous said...

anonymous 5:51: you missed the whole point of this post.

Aris said...

@citybuoy: really? wow. haha!

@lasher: oo nga. parang gusto ko yatang mapakinggan yun. thanks, lasher, for your kind words. :)

@jay calicdan: tilamsik nga ng ulan. bakit, may iba pa bang pwedeng tumilamsik? hehe! :)

Jay Calicdan said...

Ah... ano kasi... tilamsik ng... ano... LAWAY!!! AHAHAHA!!! Halimbawa, kapag nakakita ako ng sexy hot chicks, maglalaway ako! Ahahaha!!! Hindi yung tilamsik sa kung saan :D