Saturday, June 13, 2015

Init


Kaytagal kong nanabik sa halik kaya nang ilapit mo ang iyong bibig, ako ay napapikit. Nang maglapat ang ating mga labi, ako ay nangilig; tila nawala sa sariling bait.

Dama ko ang singaw ng iyong katawan. Langhap ko ang pabango mong CK One. Nang dumampi ang iyong palad at naglakbay sa aking kabuuan, para akong posporong nagsindi, sumirit sa init ng pagkakadarang.

Subalit ang lahat ng ito’y panandalian lamang, saglit na pagpapatangay sa bugso ng kapusukan. Pagkaraang mairaos ang pagnanasa at mahimasmasan, ang pagtatapos ng gabi ay naging pagtatapos din ng kahibangan.

Ni hindi ko nakuha ang iyong pangalan.

5 comments:

rei said...

#PoetryIsNotDead

Aris said...

@iamrei: oh, yes! :)

Anonymous said...

Haist.. so true.. :(

Jay Calicdan said...

Inis ako sa mga ganyang sitwasyon. Yung tipong nakapalagayang-loob mo na yung isang tao, nagbukuan na ng mga lihim, nagpakitaan na ng mga galis, pero sa huli, hindi pa magkakilala! Ahahaha!!!

PS. Parang Club Kuratatsu 'yang CK ha. Ahahaha!!!

Anonymous said...

you're a very good writer. you should be writing more.