Wednesday, September 30, 2015

May-December

Kuwarenta ka at siya'y bente. Nagkakilala kayo dahil nag-effort siya. Siya ang unang nag-hello at nanghingi ng number mo. Hindi ka naghahanap ng bata subalit dahil sa siya ay guwapo at nag-enjoy ka sa conversation ninyo, nagpasya kang gawin siyang exception. For days now, panay ang text at tawagan n'yo, may plano na nga kayong magkita sa Linggo. But then, just today, nadiskubre mo nang hindi sinasadya ang Facebook ng kanyang ex. May picture siya kasi -- sila actually -- na ang caption ay "Me and my boo" posted three months ago. Ang guwapo ng ex niya at bata rin, magkasing-edad lang sila. Ano naman ang laban mo eh bukod sa kuwarenta ka na nga, average lang ang looks mo. (Hindi mo nga lubos maisip kung bakit nagka-interes siya sa'yo.) Hindi mo napigilang halungkatin ang account ng ex niya. Ayun, nakita mo ang "happy times" nila, ang history ng kanilang relasyon -- kung kelan sila nag-on at kung kelan nag-break. (Well at least, hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang siya'y single.) At ika'y nagulat dahil nadiskubre mo rin na kahit break na sila, may mga "likes" at comments pa rin siya sa posts ng ex niya. (At one point, tinawag niya pa itong "Bae".) At ika'y napag-isip. Ang namumuo na sanang pag-asa at excitement tungkol sa kanya ay napalitan ng pagdududa. Bigla kang naging unsure sa inakalang finally ay pagdating sa'yo ng forever. At gusto mo na lamang tumigil. Gusto mo na lamang supilin ang papausbong mong damdamin. Sa edad mo, surely you must have learned your lessons, na ang ugnayang ganito ay parang bato na titisod lamang sa'yo. Masakit kaya ang madapa lalo na kung paulit-ulit. O nagseselos ka lang at insecure masyado?

Yakap


Yakap sa taglamig ang iyong pagdating na dahil sa higpit, tumagos sa puso ko ang init. Salat man sa pangako ay aking dadamhin at ipananalangin na ika’y manatili’t huwag bumitiw.

At kung sakali man na kumalas ang iyong mga bisig, ipagpapasalamat ko pa rin ang mga sandaling ika’y nakapiling. Hahayaan kitang umalis upang hanapin ang nais; at kung magbabalik, yayakapin kita at tatanggapin nang buong pananabik.