Thursday, September 28, 2017

Just Fine

A THROWBACK POST. Ganito ako 8 years ago. Ang dami nang nagbago. Parang hindi ko na makilala ang sarili ko.


No, hindi dumating si James noong Sabado.

Tinitext siya ni A. Hindi sumasagot.

Ang excitement at anticipation ko, nauwi sa matinding disappointment. Gustong-gusto ko pa naman siyang makita.

Pinangarap ko siya buong linggo. Pero wala talaga, kahit paramdam.

Bagong gupit pa naman ako. (Yes, Pao, ginaya kita at sinunod ko ang beauty tip mo!) Sabi ng bestfriend ko, ang ganda ko raw (pagbigyan n'yo na ako please!) pero dahil wala si James, ang pangit ng pakiramdam ko.

Napagbalingan ko ang Strong Ice. At ako ay nagkunwari sa harap ng aking mga kaibigan. Nagkunwari akong masaya. Itinago ko ang aking pagkabigo.

Nalasing ako pero nasa katinuan pa rin naman. Kaya pagpasok sa Bed, aware pa rin ako sa aking kapaligiran.

Nalasing din si H. Naghubad at nakipag-sexy dance sa akin. Walang malisya, katuwaan lang. Pilit niyang tinatanggal ang aking damit pero nag-resist ako. Mataba kasi ako ngayon. (Kelan ba ako huling naghubad sa Bed? Matagal na. Isang gabi iyon na pulos nakahubad ang nagsasayaw sa ledge. Bawal ang naka-damit. Pag-akyat ko, hinubaran nila ako.)

Speaking of ledge-dancing, umakyat kami ni H sa square table na patungan ng drinks. Doon kami nagsayaw. May friend siya (na noon ko lang nakilala) na nag-join sa amin. Nagkaroon ng malisya ang sexy dance namin ng friend niya. Ang holding hands ay nauwi sa paggapang ng mga kamay sa kung saan-saan. I had to detach.

I joined my other friends. At dahil panay din ang inom nila, medyo naging rowdy kami. Naka-imbento kami ng game. Mahirap i-explain, pero may accidental kissing and crotch grabbing. Nakakapikon pero nakakatuwa, parang laro ng mga salbaheng bata.

Nagkabanggaan kami ng isang tao na kinabaliwan ko dati. Mr. Right pa nga ang codename ko sa kanya noon. Nagkatinginan kami pero hindi nagbatian. Hindi ko alam kung nagkahiyaan lang kami kasi wala naman talaga kaming pinag-awayan. Very attractive pa rin siya. Pero si Mr. Wrong na siya para sa akin ngayon. (Oh well, that’s another story!)

Nagkita rin nga pala kami ni McVie. I hugged him kasi antagal ko na siyang hindi nakikita. I asked him kung sino ang kasama niya. Ang sagot niya: si Lord! (Friend, nakakaloka ka!)

Later on, three of my friends got connected. Magkakabarkada ang naka-connect nila. Ibinuyo sa akin ang isa pang kabarkada. Para nga naman mas masaya, di ba? (Ok, jumoin ako pero, for the record, hindi ako nakipaghalikan.)

Pakiramdam ko nagpapatianod lang ako nang gabing iyon. Pinipilit kong maging masaya at magmukhang masaya. In denial ako sa lungkot habang sinasabayan ko ang “Just Fine”.

I skipped breakfast. Maaga akong umuwi.

Nakapag-desisyon na ako.

Magpapahinga muna ako sa party scene. Nakakapagod na kasi. Hindi lang physically. Kundi emotionally.

Nakakasawa na rin. Parang pare-pareho na lang ang nangyayari. Masaya pa rin naman kaya lang parang nawala na ang dating excitement.

Aayusin ko muna ang sarili ko. Gusto kong maging worthy sa mamahalin ko at magmamahal din sa akin.

Tuesday, September 26, 2017

Ang Kariktan Ng Iyong Paglisan


Ang kariktan ng iyong paglisan
Ay ang pagtimo sa puso na parang punyal
Ng kalungkutan
Na kung saan ang mga takot ay pilit pinaglalabanan,
Iwinawaksi ang bagabag,
Ngumingiti sa kabila ng pighati
At pangamba
At pangungulila
Hanggang sa ang sundot ng kabaliwan
Ay magmistulang ligalig
At panganib na nakaamba
Sa katinuan ng isip.    

Friday, September 8, 2017

Mash-Up

Mula nang mag-disappear ka, hindi ka na uli nagparamdam.

Hindi ka na uli nag-text.

Nabalitaan ko na lang mula sa common friend natin: Nagkabalikan na kayo ng ex mo.

Noong iniwan ko kayo sa Kapihan para mag-usap, you kissed and made up.

Sumama ka na pala sa kanya habang ako ay parang tangang naghihintay sa’yo sa Club.


Sa harap ng isang bakanteng mesa, pilit kong nilunod sa Red Horse ang magkakahalong damdamin.

It felt like a roller coaster mishap. After all the thrill and excitement, I fell hard and was broken.  

***

Nang magkakilala kami sa Club, inisip ko na pang-isang gabi lang siya.

Pero ang sabi niya, he wanted a relationship daw.

And so I was made to believe na doon na kami papunta. Konting-konti na lang, magiging kami na.

Pero, isang gabi, nag-text siya sa akin. He was meeting a friend daw. May kailangan lang daw silang pag-usapan.

Medyo late na ah, ang sagot ko.

Huwag daw akong mag-alala dahil malapit lang ang meeting place sa bahay nila.

Ingat, sabi ko na lang.

Hindi na siya nag-reply.

My celfone was silent hanggang kinabukasan.

***

“Wala na kami. Hiwalay na. Maaari ba tayong magpatuloy?” ang tanong niya.

Sinaid ko ang laman ng bote ng Red Horse. At pagkatapos, tumayo ako.

“Bumalik na tayo sa loob,” ang sabi ko.

Mabilis ang aking mga hakbang. Kasunod ko siya. Tahimik akong nag-iisip habang naglalakad sa Nakpil pabalik sa courtyard ng Orosa.

Pagpasok namin sa Club, “Bleeding Love” was playing.

I saw my friends on the ledge. I joined them. Nagsayaw ako na parang may gustong kalimutan.

Naiwan siya sa dancefloor. Nakatayo. Nakatingin lang.

***

Last night , hindi ako makatulog.

Nananariwa ang mga alaalang pilit kong sinu-suppress nitong mga nagdaang araw.

Naiisip pa rin kita. Ayokong aminin sa sarili ko na in-love ako sa’yo. No, I’m not.

I was just caught off-guard kaya ako nagkakaganito.

I was at my most vulnerable nang bahagian mo ng atensyon kaya huling-huli mo ako.

Lilipas din ito.

I will be fine, I know.

*A merging of scenes from two of my old stories to see if they will work to form another story.

Friday, September 1, 2017

Pagpipinid


Dahan-dahan kong hinagod ng tingin ang kabuuan ng silid.

Naroroon sa dingding ang larawan namin. Nakatabingi. Puno ng pagkukunwari ang aming mga ngiti.

Sa sahig ay ang basag na plorera. Nagkalat ang mga talulot ng rosas.

Sa hangin ay nakalutang pa rin ang naiwan niyang halimuyak.

We tried our best to patch things up, didn’t we?

Tumayo ako. Dinama ang namamaga at nananakit na mukha. Pinahid ang mga luha.

Dinampot ko ang susi ng kotse.

Tinungo ko ang pinto, mabuway ang mga hakbang.

At nang makalabas, ipininid ko iyon nang marahan.

Sad Story


Ni hindi siya lumingon.